You are on page 1of 6

Learning Module

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
2nd Quarter
ARALIN 5: EMOSYON

A. Panimula at Pokus na Tanong

Sa mga nakaraang modyul, natuklasan mo ang iba’t ibang pamamaraan ng pakikipagkapuwa


tungo sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao at pagtamo ng isang mapayapang lipunan. Sa
pagkakataong ito, pag-uusapan naman natin ang mga paraan upang mapanatili nating
mapayapa ang ating ugnayan sa sarili at sa kapwa tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.

Nakaranas ka na ba makaramdam ng iba’t ibang emosyon at damdamin? Paano mo ito


pinangasiwaan? May malaking papel na ginagampanan ang ating emosyon sa maayos na
pangangasiwa sa sarili at sa kapwa. Kung ating mapamamahalaan ng maayos ang ating
emosyon ito ay maaring maging daan sa pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa ating
kapwa. Kaya sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na masasagot mo ang mahalagang
tanong na: “Paano naiimpluwensiyahan ng ating emosyon ang ating pasya at
kilos?”

B. Saklaw ng Modyul:
Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

Aralin Pamagat Target ng Pagkatuto Bilang ng


Bilang Oras

5 Emosyon Sa pagtatapos ng araling ito:


1. Magagawa kong matukoy ang
magiging epekto sa kilos at 3 oras
pagpapasiya ng wasto at hindi
wastong pamamahala ng
pangunahing emosyon.
2. Magagawa kong masuri kung
paano naiimpluwensyahan ng
isang emosyon ang
pagpapasiya sa isang sitwasyon
na may krisis, suliranin o
pagkalito
C. Mapa ng Konsepto:
Ito ang konsepto ng araling tatalakayin sa paksang ito.

D. Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto:


Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng
wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing
emosyon

Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon


ang pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o
pagkalito

E. Mahalagang Pag-uugali:
Sa pamamagitan ng pagtukoy at pagkilala sa mga itinuturing na kaibigan mag-aaral ay
magiging:

Wholeheartedness
mapanuri sa kanilang sariling emosyon na hindi hahayaang ito ay makaapekto sa
kanilang gagawing desisyon at hindi makakasakit sa kanilang sarili at kapwa.

Sa pagkakataong ito ay pagnilayan mo ang katanungang…


Tanong:
“Ano ang kabutihan dulot sa isang indibiwal na mayroong sariling kamalayan sa
kaniyang emosyon?”

F. Inaasahang Kasanayan:
Upang mapagtagumpayan na masagutan ang modyul at malinang ng lubos nang may pag-
unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Matukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong
pamamahala ng pangunahing emosyon; at
2. Masuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa
isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito
YUGTO NG PAGKATUTO:

A. Pre-Synchronous Activity (10 minuto)


Pagganyak: Pagbuo ng Tsart
ng bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung
paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita.

Panuto: Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa
kahon sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga sagot.
Mga Pahayag Emosyon

1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto. Ipapasa pagkatakot


na ito bukas.

2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba Katatagan


ako?

3. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka pagkagalak


ko!

4. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan pag-asa


ang premyo sa sinalihan mong paligsahan.

5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may pagkagalit


ginagawa ako.

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal Katatagan Pagkatakot


Pagkagalit Pagkagalak Pag-asa

Pagtuklas: Speech Balloon


Katulong ang iyong ka-buddy, kumpletuhin ang mga sumusunod para mabuo ang Speech
Balloon:
PANUTO:
1. Basahin ang bawat sitwasyon sa loob ng speech balloon. Pumili ng isang
sitwasyon lamang na inyong sasagutan.
2. Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan ang bawat isa ng gampanin
sa magiging pag-uusap.
3. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag upang maipakita
ang iyong magiging damdamin kung maharap ka sa ganitong sitwasyon.
4. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
5. Matapos na masagutan, ibabahagi ang mga sinulat sa speech balloon sa klase.
B. Pagpapaliwanag (60 minutes)
Para sa kabuuan ng aralin, narito ang link na maaaring puntahan

2nd Q_ESP8_Week5_slides

C. Post-Synchronous Activity (10 minuto)


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa isang-kapat na papel.

1. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman,
naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip.
A. kilos
B. mood
C. emosyon
D. desisyon
2. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na
nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
A. Damdamin
B. Sikikong damdamin
C. Pandama
D. Isipitwal na damdamin
3. Ang talinong pang-emosyon ay natatamo sa pamamagitan ng _________.
A. makatotohanang pagsusuri ng ating emosyon at damdamin
B. pag-unawa sa damdamin at emosyon ng kapwa
C. pagbibigay tuon sa dapat na reaksiyon
D. pakikinig sa opinion ng ibang tao
4. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang
pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil
hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda
dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang
dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
A. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
B. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
C. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
D. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase

5. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan.
Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila
na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka
na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap
dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng
ginawang pagtitimpi (temperance)?
A. nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
B. napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
C. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
D. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin

6. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga


na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?
A. paglakad-lakad sa parke
B. paninigarilyo
C. pagbabakasyon
D. panonood ng sine

7. Bakit mahalagang pamahalaan ang ating emosyon?


A. Dahil ito ay nagbibigay ng buhay, kulay at saysay sa buhay ng isang tao
B. Dahil nakatutulong ito sa tamang paghuhusga ng pasyang gagawin
C. Upang mapangasiwaan ang pagbibigay reaksiyon sa isang sitwasyon
D. Upang magkaroon ng maayos ng ugnayan sa sarili at kapuwa

8. Hiniram ng kapatid mo ang isang mamahaling gamit mo. Sa hindi inaasahang


pangyayari, nasira ito. Ano gagawin mo?
A. Papalitan sa kapatid
B. Hihingin ang paliwanag ng kapatid kung bakit ito nasira
C. Dahil mamahalin ang gamit na kanyang nasira ito ay pababayaran mo sa
kanya
D. Magagalit sa kapatid sapagkat mahalaga at mahal ang gamit na kanyang
nasira
9. Ito ay ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng
kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin.
A. Panlabas na pandama
B. Panloob na pandama
C. Sikikong damdamin
D. Kalagayan ng damdamin

10. Sa pamamagitan ng emosyon, naipamamalas ng tao ang kaniyang pagpapahalaga sa


mga bagay sa kaniyang paligid. Ang pahayag ay…
A. Tama, sapagkat ang emosyon ang nakakatulong upang ipakita natin ang
kahalagahan ng isang bagay sa atin
B. Tama, dahil ang emosyon ay isang paghuhusga sa isang sitwasyon.
C. Mali, spagkat kalian man ang emosyon ay hindi nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kahit na anong bagay.
D. Mali, sapagkat ang emosyon ay isang damdamin at kailanman ay hindi
magagamit sa pagpapakita ng halaga sa isang bagay.

D. Summative Assessment (30 minuto)


Walang sumatibong pagtataya para sa linggong ito.

TALASANGGUNIAN:

DepEd Learning Module: Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang (8) Modyul Para sa
Mag-aaral

Bognot, et al. 2013

You might also like