You are on page 1of 4

KABANATA V

LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT

REKOMENDASYON

Lagom ng Natuklasan

Base sa estadistikang pagsusuri at maiging pag-aanalisa ng mga

mananaliksik natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong magandang naging

epekto ang paggamit ng gadyets. Natuklasan ng mga mananaliksik na minsan ay

mainam sa mga mag-aaral na gumamit ng gadyets sa loob ng paaralan, minsan rin

ay may magandang naidudulot ang paggamit ng gadyets sa loob ng paaralan,

minsan din ay nakakatulong ang paggamit ng gadyet sa pag-aaral ng mga

estudyante ng Boljoon National High school, at nakita rin ng mga mananaliksik na

minsan ay napapadali ang pag-aaral ng mga estudyante. Natuklasan rin ng mga

mananaliksik na hindi naging dahilan ang palaging paggamit ng gadyets sa

pagababa ng marka sa mga mag-aaral at sa kawalan ng interes sa pakikinig ng mga

estudyante sa kanilang guro.

24
Konklusyon
Ang pananaliksik na ito ay nagtulak upang matuklasan ang mga

naidudulot sa mga mag-aaral sa paggamit ng gadyets sa loob ng paaralan.

Pinaniniwalaan dito na hindi nakaapekto sa pagbaba ng marka at kawalan ng

interes sa pakikinig sa mga itinuturo ng guro ang paggamit ng gadyets kung

gagamitin lang ito sa tamang paraan. Kadalasan ay mas nangingibabaw ang

magandang naidudulot kumpara sa masamang naidudulot ng paggamit ng gadyets

sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan nito ay mabuti na gumamit ng gadyets sa loob

ng paaralan kung nasa tamang paraan ito ginagamit. Sa tingin ng mga mananaliksik

ang gadyets ay nakakatulong sa paggawa ng mga gawain ng mag-aaral tulad ng

takdang-aralin at mga proyekto. Sa pamamagitan ng gadyets napapabilis ang

komunikasyon at gawain ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

25
Rekomendasyon

Lugod na inererekomenda ng mga mananaliksik na magbigay ng

suhesyon ang mga piling mag-aaral o SSG Officers sa paglilimita ng paggamit ng

gadyets sa loob ng paaralan kahit na ang ibang mag-aaral ay nagsasabing hindi ito

nakaka-apekto sa kanilang pag-aaral. Gumawa ang mga Classroom Officers ng

tuntunin na makakagamit lamang ng gadyets kung kinakailangan o free time.

Gumawa ng pagpupulong sa pagitan ng mga guro at magulang kung paano

madidisiplina ng mga magulang ang paglilimita ng paggamit ng gadyets ng

kanilang mga anak sa bahay at pati narin sa paaralan.

26
BIBLIOGRAPIYA

Ayon sa pag-aaral nina Aranas J. et al (2017)

https://stem11villanuevagr.wixsite.com

Ayon sap ag-aaral nina Briones, Jewel, et al (2017)

https://stem11villanuevagr.wixsite.com

Juanbee (2014)

https://pdfcoffee.com

Ayon sa artikulong “Masamang epekto ng cellphone at gadyets sa

kalusugan” (2018) mula sa RMN Networks

https://www.scribd.com

Ayon sa pag-aaral nina Salazar et al (2017)

https://stem11villanuevagr.wixsite.com

Ayon kay Xavieroo (2019)

https://www.scribd.com

27

You might also like