You are on page 1of 2

FILIPINO 4

QUARTER 3 – Week 1

Pangalan: ____________________________________Petsa: __________ Marka:

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay o pariralang pang-abay sa bawat


pangungusap.
1. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao.
2. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.
3. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.
4. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya.
5. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny.

Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang ang salitang pang-uri kung ang salitang
may salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang
salitang pang-abay kung ito ay ginagamit bilang pang-abay.

6. ____________ Maingat si Joaquin habang nagmamaneho.


7. ____________ Si Joaquin ay maingat magmaneho.
8. ____________ Masayang naglalaro ang magkakapatid.
9. ____________ Masaya ang laro ng magkakapatid.
10. ____________ Madaling natutong maglangoy si Mike.
11. ____________ Ang paglalangoy ay madali para kay Mike.
12. ____________ Malakas ang sigaw ng pulis.
13. ____________ Sumigaw nang malakas ang pulis.
14. ____________ Tumakbo nang mabilis ang itim na aso.
15. ____________ Mabilis ang itim na aso
Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay
pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL
kung ito ay pang-abay na panlunan.

16. ______ Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.


17. ______ Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
18. ______ Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
19. ______ Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
20. ______ Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

You might also like