Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, na).
1. Nauuna ang pula___ kotse sa karera. 2. May mga bahay ___ bato na nakatayo pa sa Vigan. 3. Limandaan___ piso ang sinukli sa kanya ng kahera. 4. Nasuot mo na ba ang damit ___ regalo ng ninang mo? 5. Si Myra ay takot pumasok sa madilim ___ silid. 6. Ang Qatar ay isa sa mga pinakamayaman___ bansa sa buong mundo. 7. Ang matamis ___ mangga ng Pilipinas ang paborito kong prutas. 8. Masyado___ matao ang mga mall tuwing malapit na ang Pasko. 9. Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa pinakamalapit ___ ospital. 10. Napakaganda ng ginto___ singsing ng reyna! 11. May makapal ___ kumot sa loob ng lumang kabinet. 12. Bumili tayo ng mga sariwa___ gulay mamayang hapon. 13. Sa mahiyain___ bata ibinigay ang bagong laruan. 14. Hinuli ng dalawa___ pulis ang lalaking magnanakaw. 15. Masagana___ ani ang isa sa mga biyaya ng taong nakalipas. 16. Napakarami___ tao ang nanood ng pelikula ng sikat na artista. 17. Ang bata___ inaantok ay humiga sa malambot na unan. 18. T-shirt ___ puti at maong ang karaniwang suot ng mga mag-aaral. 19. Si Tina ay may buhok ___ mahaba at nakasuot ng puting uniporme. 20. Marami___ kanin ang gusto ko kapag masarap na ulam ang nakahanda.