You are on page 1of 1

Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o tele dram, ay maaaring I – uri sa iba’t ibang anyo at

genre. Ang teleserye/ tele drama ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi
makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita
na “tele”, pinaikling salita sa “telebisyon”, at “serye” salitang tagalog para sa series at drama para
naman sa drama.

Masasabi natibg may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong soap operas at telenovelas
pagdating sa katangian at pinag-ugatan. Gayunpaman, habang tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon
ito ng sariling katangian na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng mga Pilipino.
Ipinapalabas ang teleserye limang beses sa isang lingo, at madalas pang inuulit tuwing sabado at lingo.

Nakakaakit ito ng malawak sa manonood kabilang na ang mga bata at matatanda pati na rin ang mga
kababaihan at kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa Philippine Television.

Pagsusuri ng Teleserye.

1. Tauhan – malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian ng tauhan
upang makilala ang bida (Protagonista) at ang kontrabida (antagonista).

2. Istorya o kwento – may kaibahan ba ng istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas na
kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng
mga manonood?

3. Diyalogo – matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kabuuan ng pelikula. Angkop ba ang
lengguwahe sa takbo ng mga pangyayari.

4. Titulo o pamagat – may roon bai tong panghatak o impact? Nakikita ba kaagan at nauunawaan ng
manonood ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?

5. Sinematograpiya – mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang


paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?

6. Tema o Paksa – mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay bai tong kaisipan at diwang titimo sa
isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay na kanilang mga karanasan sa buhay?

You might also like