You are on page 1of 2

DIVISION TECHNOLYMPICS 2019

Sitero bumida matapos pumangatlo sa Division Technolympics 2019

Tagumpay na naiuwi ng Sitero Francisco Memorial National High School ang ikatlong pwesto matapos
masungkit ang mga medalya na nagmula sa ibat ibang kategorya sa ginanap na Division Technolympics
2019 na may temang "Authentic Filipino Talents and Skills Breaking the Barriers for Inclusive Education"
noong ika-14 ng Nobyembre sa Lawang Bato National High School.

Pinarangalan naman bilang kampeyon ang kategoryang Landscaping Installation nina Edginel A. Smith at
Via Lucis M. Ocampo (10-Einstein) sa pamumuno ni Bb. Rosalie L. De Jesus at Dressmaking Contest nina
Erika M. Crispo at Joy A. del Pilar (12-ABM A) sa gabay naman ni Bb. Lady Michelle M. del Prado.

Nag-uwi din ng ikalawang karangalan sina Marc Lord Francis A. Darlucio (12-GAS A) at John Cedric L.
Mongcal (9-Sodium) sa pamumuno ni G. Rodel A. Barcelo sa kategoryang Cabinet Making.

Ang taunang paligsahan ay isinasagawa upang maipakita at maibida ang mga husay ng mga kabataan sa
iba't-ibang larangan ng asignaturang Technology and Livelihood Education.
REGIONAL FESTIVAL OF TALENTS 2019

Siterians di nagpahuli sa Regional Festival of Talents 2019

Humakot ng mga medalya ang lahat ng kalahok ng Valenzuela City na nagmula sa Sitero Francisco
Memorial National High School sa iba't-ibang kategorya sa ginanap na Regional Festival of Talents 2019
(RFOT) na may temang “Celebrating Diversity through the Performance of Talents and Skills for
Sustainable Inclusive Education,” noong ika-28 ng Nobyembre 2019 sa Muntinlupa National High School.

Nagkamit ng mga medalya sina Edginel A. Smith at Via Lucis M. Ocampo (10-Einstein) sa kategoryang
Landscape Installation sa pamumuno ni Bb. Rosalie L. De Jesus at sa kategoryang Dressmaking Contest
na sina Erika M. Crispo at Joy A. del Pilar (12-ABM A) sa gabay naman ni Bb. Lady Michelle M. del Prado
matapos silang makapasok sa top 5 at masungkit ang ikatlong karangalan.

Di din nagpahuli si Ella Marie M. Alacer (10-Einstein) sa gabay ni Resie B. Hadloc matapos iuwi ang
ikaapat na puwesto sa kategoryang Sulat-Tanghal.

"Ilan sa mga kalahok ng ating paaralan ay first time palang na makapasok sa RFOT pero di sila nagpadala
sa mga kaba at ginawa ang lahat ng makakaya at naiuwi nga natin ang karangalan." Ayon kay Bb. Rosalie
De Jesus.

Ang RFOT ay isang taunang paglalaban-laban ng husay ng mga kabataan sa ibat-ibang kategorya at
asignatura na nagmula sa mga schools division ng NCR.

You might also like