You are on page 1of 359

______________________________________

Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

"BAKA SAKALI Season 1"

Panimula.

Naranasan mo na bang mainlove sa isang playboy? Yung minahal mo talaga at akala mo


magseseryoso na siya sayo pero di naman pala. Isa ka lang pala dun sa maraming
nainlove sa kanya at pinaglaruan niya?

Dumudungaw ako sa libro ko habang nagbabasa sa canteen ng school, binabalewala ang


mga taong tumitingin sakin at nag-uusap tungkol sa mga nangyari.

"Iniwan siya ni Callix, diba? Kawawa naman! Kita mo yung eyebags? Sa kakaiyak
siguro yun."

Napatingin ako sa mga babaeng narinig ko na agad namang tumingin sa malayo at


nagkunwaring di nag-uusap tungkol sakin. Kakaiyak niyong mukha niyo!? HINDI AKO
UMIYAK SA LUNGKOT! Umiyak ako sa inis sa sarili ko!!!

Niyaya akong makipagsex ni Callix at tinanggihan ko siya kaya iniwan niya ako!!!
Yun ang totoong nangyari!

I have no friends, literally. Lalo na nung dumiskarte na si Callix sakin dahil


halos lahat ng babae sa school ay may gusto sa kanya! Syempre, sinong hindi
magkakagusto? Gwapo, mayaman, basketball star player at charming pa! Kahit ako ay
nadale talaga! Hindi ko naman alam na ganun yun! Manyak naman pala!

Mahal ko siya pero natakot ako sa alok niya. Sabi ko sa sarili ko, kung kaya niyang
maghintay, ibig sabihin mahal niya talaga ako. Pero kita niyo anong nangyari?
Nasanay pa naman ako sa paghahatid sundo niya gamit ang sasakyan niya sakin!
Nasanay ako sa mga bouquet of roses na binibigay niya sakin halos araw-araw at sa
pagpupunta namin ng mall para kumain sa mamahaling restaurant at mag shopping na
sagot niya ang lahat!
Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.

"Kita niyo, sabi na eh, di nga sineryoso, nag fefeeling pa kasi ang Aranjuez na
yan!"

"Ayan na si Callix!"

Napatingin ako sa paparating. Ang gwapo, matipuno, matangkad na Callix ko. Nakasoot
ng basketball jersey at ball cap kasama ang mga kaibigang varsity din.

OMG! Nataranta ako kaya agad akong tumayo at niligpit ang gamit ko...

"Wa'g ka ngang humarang sa dinadaanan ko." Aniya nang nagkalapit na kami.

WHAT? Anong dinadaanan eh nakatayo lang ako dito malapit sa table ko at di ako
humaharang sa daanan! Talagang sinadya niyang lumapit sakin para sabihin yun at
pahiyain ako sa harap ng mga estudyanteng dumadaan at tumitingin.

"O... Ikaw pala yan, Rosie!" Aniya at tumatawa na parang demonyo. "Ganda mo talaga
no? kaya lang wala kang silbi." Malamig ang boses niya nang sinabi ang huling
pangungusap, nanlilisik pa ang mga mata.

PAK!

Sinampal ko na agad sa inis ko! Hindi siya gumalaw sa lakas ng sampal ko at tumakbo
na ako palayo!

"Manggagamit! Gold digger! Ginamit mo lang ako para yumaman ka at sumikat!!" Sigaw
niya habang tumatakbo ako.

YUMAMAN AKO? Hindi ko alam yun ah? Kung mayaman ako bakit hanggang ngayon mukhang
wala namang laman yung wallet ko?! KAINIS! At sumikat? Kung sisikat ako ng ganito
mas mabuti ng maging invisible!

Umuwi na ako ng bahay kahit pagkatapos ng paniguradong binagsak kong exam. March na
ngayon at buti na lang ay di ko na makikita ang mukha ni Callix! Sana nga di na ako
makabalik dun sa school! May isang taon pa ako para tapusin ang highschool pero
sana di na ako dun mag-aral. Sana sa ibang school na lang. Sana yung 6th year ko sa
highschool ay sa ibang school ko na lang gawin. Pero alam kong imposible yun.

Be careful what you wish for... cuz you might get it!

"Rosie... Maggie!" Tumakbo kami ng kapatid ko kay mama at papa na may dalang maleta
at niyakap sila.

Nakauwi si mama at papa!!! Ilang taon na din sila sa Canada! Umuuwi naman sila
kada-dalawang taon pero di ko inaasahan ang pag uwi nila ngayon.

Umiiyak si mama habang niyayakap kami.

"Ma... Sabi ko naman diba, di niyo na kailangang umuwi." Sabi ni Maggie.

Si Maggie ang ate kong college na. At bakit nga pala alam niyang uuwi sina mama
tapos ako hindi?

"Kaya ko namang magtrabaho para matapos si Rosie ng highschool eh. Di niyo na


kailangang umuwi." Aniya.

Pinunasan ni mama ang kanyang luha.

"Maggie, anong pinagsasabi mo?" Sabi ko agad at kinakabahan. "Pa, bakit?"

Si papa ay nakatingin lang sa kawalan.

"Ma, please? Wa'g tayong umalis dito." Sabi ni Maggie habang umiiyak narin.

"R-recession sa Canada, Rosie. Tinanggal kami ng papa mo sa trabaho... Bumabagsak


na kasi ang ekonomiya nila. Ayaw naming sabihin sa inyo ang nangyari. Mababayaran
lang natin tong bahay ng isang taon, pero di parin sapat iyon. Kailangan nating
umalis at umuwi sa bukid ng papa niyo-"

"What?" Sigaw ko. "No! Ma! No!"


Oo. Gusto kong umalis doon sa paaralan namin pero hindi ko naman sinabing gusto
kong mamuhay kasama ang mga kalabaw at kambing sa bukid nina papa! OH MY GOD! No!

NOTE:

PLACES ARE PURELY FICTION. DON'T TAKE IT SERIOUSLY. HEHE

-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------

Kabanata 1.

Bahay ni Lola

I hate being poor! Ngayon, parang sinampal sakin ang katotohanang wala kaming pera.
Wala kaming sariling bahay. Nangungupahan lang kami. At ngayon ay aalis na. Nag
arkila sina mama at papa ng elf truck para magdala ng gamit namin sa bahay (na di
na namin bahay ngayon). Dala ko naman ang laptop at ibang gamit ko sa packbag ko at
sasakay na kami ni Maggie at mama sa bus (sumama si papa sa elf).

Siyam na oras ang byahe patungong Alegria. Tatlong beses kaming magpapalit ng bus
bago makarating doon. Tatlong beses lang din kaming nakapunta ni Maggie doon.
Huling punta namin ay nung grade six pa lang ako kaya di ko na matandaan kung anong
meron doon. Ang alam ko, nandun ang bahay ng lola at lolo ko. Si auntie Precy lang
ang nakatira doon, ang tanging kapatid ni papa. Wala siyang anak (di nakapag-
asawa).

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Maggie na ate ko.

Kanina pa siya iyak nang iyak habang nakadungaw sa bintana ng bus, tatlong oras na
siyang ganito. Lumingon ako kay mama bago magsalita (tulog si mama kaya okay lang).

"Hayaan mo na lang si James. Mauunawaan niya rin yun." Sabi ko.

Si James ang boyfriend ni Maggie. Limang buwan pa lang sila at patay na patay si
guy sa kanya. I must say, patay na patay talaga! Hatid-sundo si Maggie sa
university na pinapasukan niya at minsan pumupuntang bahay para magdala ng pagkain.
Dalawang beses yun binasted ni Maggie dahil ayaw niya sa mga gwapo at mayayaman,
pero pursigido talaga si James. Naku! Kung si Callix yung inayawan, siguradong
masisira yung buhay mo.
"Kainis! Ang hirap natin!" Sabi niya ng halos pabulong. "Pwede naman tayong lumipat
sa mas murang bahay, yung 3 thousand a month, naghanap talaga kami ni James..."
Sabi niya.

Kahit na balisa si Maggie, di niya kayang sabihin yun sa parents ko dahil ayaw
niyang masaktan ang mga ito.

"Sabi ni James sakin bibisitahin niya raw akong next week. Di ako pumayag! Baka
gamitin niya yung sasakyan niya, 9 hours sis, 9 hours! Imagine?! Baka ano pang
mangyari sa kanya sa kalagitnaan ng byahe." Aniya.

"Magg... Sabihin mo na lang sa kanya na mag bus siya para di ka na balisa diyan."

Pagkalipas ng siyam na oras, nakarating na kami sa Alegria!

The hilllllls are alive with the sound of musiiiic! Grrrr! Kainis! Parang gusto ko
na lang tumakbo at magpagulong-gulong sa mga bundok na nakikita ko. Puro green at
walang kahit isang building. May makikita kang bahay pero halos nipa naman!

Pero loko lang, may 'bayan' doon sa malayo kung saan nakatirik yung BAHAY NI LOLA.
Pagkarating namin sa sentro ng Alegria, nakita ko na ang iba't-ibang lumang bahay,
simbahan, playground o parke (na may mga nagdi-date), mga bahay na mukhang may kaya
sa buhay ang may-ari, at ang BAHAY NI LOLA.

"Adele! pasok kayo!" Sabi ni Auntie Precy kay mama habang tinuturo si papa sa loob.

Unang nakarating sina papa. Syempre dahil walang stop over yung inarkilang elf.
Nakalatag na ang mga box na may nakalagay na mga pangalan namin. Si Maggie hayun at
nagmano at excited din palang pumasok sa bahay. Parang di umiiyak kanina ah?

"Nako! Ang laki-laki na nina Margaret at Roseanne!" Niyakap ako ni Auntie Precy.

Tinanggal ko ang earphones ko at agad tinignan ang blackberry kong cellphone.


Salamat Auntie Precy at di mo na mispronounce ang pangalan ko. Mas gusto kong
tinatawag akong 'Rosie', yung Roseanne kasi maraming nagkakamali sa pagbabanggit.
Minsa Rose-Anne, minsan Roseen, minsan Rosyan, ang totoo Ro-shan! Napabuntong-
hininga ako.
ABA! May signal dito! Di naman pala kami malayo sa sibilisasyon!!! Ayun si Maggie
at nakita akong tumitingin sa cellphone kaya hinablot na rin ang cellphone niya at
agad tinawagan si James.

"Roseanne, Margaret! Likayo! Tulungan niyo ako sa kusina!" Sabi ni Auntie Precy.

Ang BAHAY NI LOLA ay may iilang cobwebs. Nirepair ito ni Auntie Precy nung grade
six ako, nasemento ang haligi sa baba, pero yung nasa taas, kahoy parin. Yung mga
bintana, French windows old version. Maliit lang ang palamuti kahit na malaki
talaga ang BAHAY NI LOLA. Isang cabinet lang na may mga lamang libro, sofa at
table, TV, frame na may picture ni lola at lolo, yun na yun!

Ang kusina naman, may sink, aparador at ref na luma.

"May kuryente na pala dito!" Sabi ko pagkapasok sa kusina.

Ngiting-ngiti na si Maggie. "Lam mo sis? Pupunta siya dito! Mag bu-bus daw. Sabi ko
after 2 weeks na. Bigyan niya ako ng time para makapag-explain kay mama at papa na
may boyfriend na ako."

Ngumisi ako pero di niya na nakita kasi nakatoon na ang pansin niya sa nilulutong
manok ni Auntie Precy.

Saya ng lovelife nito samantalang ako? Jusko lord! Buti na lang at nandito ako sa
the-hills-are-alive!

"Share kayo ng kwarto ni Maggie, Rosie." Sabi ni mama. "Kung gusto mong magbihis,
punta ka na lang dun." Sabay turo niya sa itaas.

WALA BANG MULTO DITO? Parang katakot eh!

"Wa'g mo nang patulungin tong si Rosie diyan, Prec. Disaster! Muntik niyang masunog
yung bahay noong nakaraang pasko nung nag attempt siyang mag bake ng cake, nako!"

Umiling na lang ako at pumuntang kwarto. Nandun si papa sa kabilang kwarto kaya
okay lang, walang multo!
May double deck bed sa kwarto at nandoon narin ang study table at mga cabinet namin
ni Maggie. Umupo ako sa bottom-bunk at tumingin sa malaking bintana at tinitigan
ang labas.

Papalubog na ang araw. I can't believe I'm in this place! Parang kailanlang
buildings ng Maynila, traffic, Facebook, Twitter, Tumblr ang inaatupag ko, ngayon,
parang gusto kong itapon ang laptop ko. No use here... Tsk tsk tsk.

Mabuti na rin ito. Malayo kay Callix. Isang buwan na lang pasukan na ulit at 6th
year na ako, tingin niyo marerealize niyang nawawala ako? Wala akong kaibigan kaya
wala akong napagsabihan. Si Maggie naman, si James lang yata ang sinabihan.
Kawawang Maggie, natigil tuloy sa pagko-kolehiyo dahil sa the-hills-are-alive
adventure namin. Makakabalik pa kaya kaming Maynila? Hay nako!

The most important question is... may paaralan kaya dito? Mababang Paaralan ng
Alegria? LOL!

Ugh! Its really frustrating. Yung mga dala ko shorts, dress, at iba pang kay
gandang damit na pinag-ipunan yun naman pala, dito ko lang sa Alegria masasalida.
Nakakabanas! Sisikat siguro ako dahil sa blackberry at laptop ko ano?

Umiling ako sa sarili ko.

"Its not bad." Biglang sabi ni Maggie pagkapasok ng kwarto namin. "Ang tanging bad
thing lang sa nangyari ngayon ay magkakalayo kami ni James. Yun lang. As for you,
mabuti ng nagkalayo kayo ni Callix kasi freak siya... Kalimutan mo na yun-"

"Paano ko makakalimutan yun eh lagi mong binabanggit." Sabi ko at umirap. "And


that's the first good thing you ever told me. Lagi ka lang, 'baka may reasons
siyang iniwan ka niya', 'baka bitter siya dahil mahal ka pa niya'..." Umiling ulit
ako.

Sa sobrang bait ni Maggie, lahat ng tao tingin niya'y mababait. Di niya alam na may
iba diyan, mapagkunwari at manggagamit.

Niyakap niya ako.

"Kaya natin 'to sis... Mag-aaral ka na sa new school mo! Excited ako para sayo!"
Malaki ang ngisi niya nang nakita akong magkasalubong ang kilay. "Cheer up!"
"May private school ba dito?" Tanong ko.

"Silly girl! Di ito Maynila. Walang private school dito, pero ayaw mo nun, may
experience kang public school." Kumindat siya.

Ngayong nandito na ako, narealize kong di naman pala talaga ako zero sa kaibigan.
May ibang nakikipag-usap at nakakabiruan ko sa school pero wala talagang friend
circle na laging kasama. Hay. I think I'm depressed. May wifi ba dito? Wala naman
akong kaibigan sa Maynila pero seriously may wifi ba? Grrrrr...

Kabanata 2.

Tigkal ng Putik

Sa sumunod na araw, pinasyal kami ni Auntie Precy sa mga bagong lugar sa Alegria.
Una pumunta kami sa farm ng JA foods - ang pinakamalaking farm dito sa Alegria at
maging sa buong lalawigan. Ang alam ko, nag-aangkat sila ng produkto sa loob at
labas ng bansa...

Boring sa farm na ito pero enjoy sina mama at papa dahil sa simoy ng hangin. Ako
naman, inis na inis sa putik na nakakabit sa flats ko. Gusto kong tanggalin ang mga
putik pero di ko magawa kasi lakad kami ng lakad.

Si Maggie naman, ayun at picture nang picture. Saan mo yan iuupload? Walang wifi
diba? Wala! Pinandalitan ko na lang siya habang ni-click ang camera.

"Sunod sa Tinago falls tayo!" Sabi ni Auntie Precy. "Ibang-iba na yun ngayon, mas
lalong gumanda!"

Tama si Auntie Precy. Nung grade six ako, undeveloped pa ang Tinago. Ngayon naman,
sobrang ganda na. Umuusok yung tubig sa tip ng falls at marami ng cottages na
nakapaligid.

"Dito na muna tayo?" Tanong ni Mama.

"Gusto niyo ng maliliguang mainit diba? Malamig dito eh. Doon tayo sa Alp Spring!"

Nakarating kami doon tapos ng labing limang minuto sakay ang tricycle.
May grupo ng mga kaedad kong naliligo sa 6-feet deep na hot spring sa kabila.
Kitang-kita ko ang mga lalaking nagba-back-tumbling habang tumitili ang mga babae.
Umuling na lang ako at tinignan ulit ang flats kong puno ng putik.

"Rosie! Ligo tayo!" Sigaw ni Maggie sakin.

Ngumisi na lang ako ng plastic at sinenyasan siyang siya na lang!

Mga teenager dito, kala nila ang gagaling nila! Kala nila nasa tuktok na sila at
the best na ang tinatamasang buhay nila dito, ang totoo, taga-bukid silang lahat at
puro probinsyana. Umiiling ako sa kawalan.

"Rosie, di ka ba maliligo?" Tanong ni papa.

"Di na, pa. Naligo na ako sa bahay kanina."

Tapos narinig kong nag-uusap sina Mama at Auntie Precy.

"Si Juan Antonio din yung may ari nung bagong farm at adventure zone sa unahan ng
Alp Spring."

Umalis ako doon sa cottage at tinignan si Maggie na naliligo doon sa 5-feet spring
at si papa nasa 6-feet spring.

"Sarap!" Sabi ni Maggie pagkatapos sumisid.

Naghanap ako ng kahoy or kahit anong stick para tanggalin yung putik sa flats ko.
Napaupo ako sa isang malaking kahoy at kinuha yung ilang stick doon sa kabila para
tanggalin ang putik. Struggle talaga! Kainis ang bukid! BUKID WORST! Sa inis ko,
halos masira ko ang flats ko...

Isang malaking tigkal ng putik ang tinusok ko sa flats ko at talagang pumasa-ere at


naglanding doon sa sparkling moreno abs ng naaninaw kong lalaki. Basa sa tubig ng
spring ang katawan niya at itim na shorts lang ang soot. Basa ang buhok na sinuklay
niya gamit ang kamay niya. Tapos na realize kong di na pala natanggal yung mga mata
ko sa abs niya.
"Sayo ba 'to?" Tanong niya sa tigkal na putik sa abs niya.

Sumimangot ako, "Tingin mo may may ari niyan?" Di ko maiwasang magtaray sa tanong
niya.

"Ang sungit mo! Ikaw na nga 'tong may atraso, ikaw pa itong masungit." Aniya at
tinanggal niya ang putik sa sparkling abs niya. SPARKLING.

Umiling ako at tinanggal ang mata ko sa katawan niya at nagpatuloy ako sa


pagtatanggal ng putik sa sapatos ko.

Katawang may sparkling abs? Dito sa bukid? Siguro hinubog yun ng pagiging magsasaka
niya. Sa araw-araw na pag-aararo kaya mayroon siyang katawan na ganun. That
explains his being moreno! Of course! Sayang lang yung kagwapuhan niya eh mas
mahirap pa pala sila sa daga. LOL! Ang sama ko pero ang suplado niya eh!

Umiling din siya at napabuntong-hininga. Naglakad siya papunta sa likuran ko na


mukhang nandoon ang shower atsaka CR.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Tanong niya at tumigil sa likuran ko para


tingnan ulit ako. ANAK NG TETENG! Ang gwapo niya masyado lalo na nung nasinagan na
ng araw! Di hamak na mas gwapo pa sa mestisong si Callix huh!? Etong sang 'to,
moreno, matangkad, sarap ng hubog ng katawan, matangos ang ilong at mukhang may
kamukha pa talagang Hollywood na artista.

"Jacob!" Sigaw nung iba pang mga lalaki at babae sa malayo.

Sila pala yung mga nag ba-backtumbling kanina.

"Hintayin mo kami!" Sigaw ulit nila sa lalaking nasa harapan ko. Tumango lang siya
at tumingin ulit sakin.

Napabuntong-hininga ulit siya, "Pangit pa... masama pa ang ugali..." Bulong niya sa
sarili niya pero mukhang nilakasan ng konti para marinig ko.

Sobrang naramdaman ko ang pag-agos ng lahat ng dugo ko sa katawan papuntang pisngi.


Napatayo ako at pinigilan ang sarili kong sumigaw habang naglalakad na siya palayo.
WALA PANG TAO SA MUNDONG ITO ANG NAGSABING PANGIT AKO! Salamat kay mama at papa at
pareho silang may hitsura... Kay mama na maputi, kay papa na gwapo at matangos ang
ilong, kay mama na mapupungay ang mga mata at maganda ang buhok, kay papa na
matangkad, kay mama na makinis, mapupula at mala-angelina-jolie ang labi at sa mga
kanunu-nunoan namin ni Maggie na puro magaganda at gwapo! Si Maggie na maraming
nagkakandarapa... at sakin na si Callix del Rosario lang ang EX - ang pinaka gwapo
sa buong campus namin doon sa Maynila! Alam kong marami ng naging girlfriend si
Callix pero puro magaganda iyon at ako ang pinakamaganda!

HA! HA! HA! At yung lalaking iyon? Tinawag niya akong pangit?

Bakit ako napapalibutan ng mga lalaking masahol ang ugali! Kahit aso di kayang
kainin ang ugali nila!

LALO NA YUNG JACOB NA YUN!?

"Kala mo rin ang gwapo mo? Di ako nagsosorry sa mga pangit at suplado!" Sigaw ko at
nagpray na sana ay narinig niya iyon.

Kabanata 3

Nagbubuhat ng Kahoy

Natapos ang araw na yun ng nabobored ako sa cottage. Umuwi kami sa BAHAY NI LOLA at
natulog agad si Maggie. Exhausted siguro dahil sa pagsi-swimming. Ako naman,
tumitingin lang sa kanya at pinandidilatan ang lahat ng tumititig sa kanya. Maganda
kasi siya at purmadong-purmado ang hubog ng katawan kaya di nakapagtataka kung may
mga magkakandarapa sa kanya dito sa bukid.

Kinaumagahan, nagpakulo na ulit si Auntie Precy at Mama na mamasyal sa Kampo Juan.


Gusto kong maiwan na lang sa BAHAY NI LOLA pero ayaw ni Maggie. Gusto niya ay
kasama ako nang may mag picture sa kanya.

"Rosie, magpi-picnic lang naman tayo dun." Sabi ni mama.

"Tinatamad ako eh." Sabi ko.

"Alam mo, malapit na ang pasukan. Magsisisi ka kung di ka mag enjoy ngayong
bakasyon."

Wala akong magawa kundi sumama sa kanila. At hayaan si Maggie na utusan akong mag
picture sa kanya. Minsan naman, ako yung pinipicturan niya. Halos lahat doon stolen
kasi wala ako sa mood ngumisi.

"Rosie, ngumiti ka naman! Ano? Nami-miss mo na si Callix?" Tawa ni Maggie nung


malayo sina mama.

"Hay nako, Maggie! Tingin mo may taong mami-miss si Callix? Ang saya ko nga dahil
malayo na kami, mami-miss ko pa? Sana lang wa'g tayo dito sa bukid... boring
masyado eh!"

May malaking barn house sa Kampo Juan na may malaking naka-ukit na KAMPO JUAN
malapit sa bubong. Halatang pinaghirapan at ginastosan ang developing adventure
park na ito. Natry namin yung hanging bridge na halos di ko matapos dahil masyadong
mahaba at matayog (matatakutin ako sa heights), may kaonting zipline, meron pang
extreme bicycle na magbibisikleta ka sa isang wire. Di ko iyon sinubukan, si Maggie
lang ang sumubok.

Ilang sandaling paglalakad sa park doon sa Kampo Juan (na puno ng pine trees),
nakita namin ang isang malaking mansyon na kulay puti. Napapalibutan din ito ng
pine trees.

"Maggie! Picture ko kayo!" Sabi ni mama at nag pose na kami ni Maggie, background
yung mansyon.

Naglatag ng banig si papa at linagay na doon ang mga pagkaing dala nina Mama at
Auntie Precy. Umupo na rin si Maggie doon sa banig.

"Okay lang ba talaga na dito tayo, Ma?" Tanong ko.

"Oo naman!" Sagot ni Auntie Precy. "Hindi pa 'to nadedevelop pero tumatanggap na
sila ng bisita. May mga dayo pa nga dito galing Maynila eh. Sigurado akong magiging
sikat ito kung tapos na. Si Juan Antonio kasi, determinadong pagandahin ito ng
mabuti."

Tumingin si Papa kay Auntie Precy at napansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

"Ehe-Ehem... Kain na tayo?" Sabi ni Auntie Precy.


"T-Teka lang. Naiihi ako, samahan mo ako Rosie? Auntie, saan ba dito yung CR?"
Tanong ni Maggie.

PATAY KANG MAGGIE KA! Siguro sa damuhan ka lang mag c-cr! Bukid 'to eh. LOL

"Nandyan sa tabi nung barn house. Actually, tanggapan at hotel yan na di pa


nadedevelop. Mukha lang barn house sa labas para mag blend-in sa buong Kampo Juan."

Tumango si Maggie at hinila na ako pabalik sa barn house.

"Dito ka lang." Aniya nang nakita yung CR sa isang pintuan.

Sobrang ganda pala sa loob! Totoo nga yung sinabi ni Auntie Precy! Wala sa labas
ang mukha nito sa loob. Puno ng palamuting vintage (black, bronze, gold ang kulay).
May nakita pa akong parang isang gong na puno ng makukulay na bato. Meron pang
isang barkong pampiratang nakalatag sa halos lahat ng mesa. Kulay gold ang kurtina
at may couch na kulay gold din.

Tapos, may nakita akong paparating na may dalang iilang kahoy, nakalagay sa balikat
ng isang matandang nagtatrabaho siguro dito sa Kampo Juan. Yeah right! Undeveloped
parin ito. Pagkatapos ng mga limang tao sigurong naghahakot ng kahoy papalabas
nitong barn house, nakita ko nanaman yung sparkling abs. Sa kanilang lahat yata,
ito lang ang di naka t-shirt. Hobby niya sigurong isalida ang abs niya.
Nagkatinginan kami habang nasa balikat niya yung mga kahoy.

looked away... Parang nagkabuhol-buhol ang tiyan ko at gusto kong tumawa ng


pagkalakas-lakas. I was right! Isa nga siyang magsasaka! Nakakahiya! Ang gwapo niya
pa naman sana pero nakakaturn-off yung ginagawa niya (pagdadala ng kahoy na
nakalagay sa balikat at puno siya ng sparkling sweat).

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Sabi ko habang pinipigilan ang sariling tumawa.

"Ano ngayon?" Sabi niya at patuloy parin sa pagbubuhat ng mga kahoy.

Hindi ako masamang tao at di rin ako nang-aaway at nagtataray sa strangers pero
dahil na rin siguro sa first impression ko sa kanyang suplado ay gusto ko na lang
siyang inisin palagi.

"Ang yabang mo!" Sigaw ko habang tumatawa at papalabas na siya ng pintuan. "Kung
makapagsalita ka, akala mo ang yaman mo!" Sigaw ko at nagpray ulit na sana ay
narinig niya at nasaktan ko siya sa sinabi ko.

"Huy! Anong sinisigaw-sigaw mo diyan?" Sabi ni Maggie pagkatapos umihi.

Kabanata 4.

Bakit at paano?

Naalala pa pala ni Maggie yung chika ko sa kanyang tungkol dun sa may sparkling abs
pero suplado.

"Asus! Baka yan na ang pamalit mo kay Callix!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Hindi no!"

Pagkaisip ko dun sa sinabi niya, kinalibutan agad ako. Eww. Taga bukid, pamalit kay
Callix? Pwedeng si Callix na lang ulit? Well, alam kong gwapo talaga yung suplado
na yun. Sayang nga lang dahil isa siyang magsasaka dito sa bukid. Hindi ako ganun
ka bobo para mainlove sa isang taong tulad niya. Una kong titignan ang panlabas na
anyo (including bank account. lol). Alam ko kasing mahirap lang kami at ayokong
dumagdag pa sa kahirapan namin.

"Naku! Kaya kayong dalawa girls?" Sabi ni mama isang linggo ang nakalipas nung
lumipat kami sa BAHAY NI LOLA. "Okay na okay lang sakin kung mag boypren kayo! Ang
importante mayaman!" Aniya habang kumakain ng adobong manok.

Kakarating ko lang sa hapagkainan sa umagang yun at bumugad na agad ang sermon ni


mama tungkol sa mga lalaking papakasalan namin.

Nakasimangot na si Maggie pagkarating ko at nakatingin kay mama.

"Ba't ka nakasimangot eh mayaman naman si James?" Bumulong-bulong ako habang


tinitignan siya sa harapan ko pero bago ko pa matapos ay sinipa niya na ako sa
ilalim ng mesa.

"Ansabeh mo?" Nakatoon ang pansin ni mama sakin ngayon.


"Uhh, w-wala." Habang tinitignan ang mukha ni Maggie na halos sasabog na sa hiya at
inis.

Si mama at si Maggie ay magkalaban sa pananaw na ito. Kung si Maggie ay may ayaw sa


mga mayayaman at gwapo, importante naman kay mama ang mayaman at ang hitsura!

"Dapat gwapo! Sayang naman yung kagandahan ng mga ninuno ko at kagwapuhan ng mga
Aranjuez kung mahahaluan lang ng... hmm... hindi naman sa nanlalait... pero yung
mga... alam niyo na... pangit." Sabi niya na parang nandidiri pa sa salitang iyon.

Umiling si Maggie sa kawalan.

"At higit sa lahat, dapat syempre mayaman! Kasi naman, aanhin ang kagwapuhan kung
walang bahay, kotse at pera di ba?" Si mama lang talaga ang nagsasalita sa hapag.
"Pinaka importante ang pera... Besides, kung hindi masyadong... alam mo na...
gwapo... pwede naman nating ishare yung kagandahan natin at magiging gwapo o
maganda parin ang anak niyo." Ngumisi siya kay Maggie.

Si Maggie naman, kumakain parin ng seryoso.

"Kaya ikaw Maggie, sayang lang yang kagandahan mo kung di ka maghahanap ng mayaman
at gwapo. Sana nga ngayon meron ka ng prospect eh twenty ka na at dalawang taon ka
na sa kolehiyo." Si mama naman ang umiiling ngayon.

"Oo nga! Tsaka maganda pa huh? Matangkad, makinis, maputi, bagsak ang buhok,
matangos ang ilong, at mahubog ang katawan... pero tingin ko Adele, kailangan mahal
mo rin yung taong pakakasalan mo." Ani auntie Precy.

"Pwede rin. Pero tingin ko, mamahalin mo yung tao kung gwapo at mayaman siya."
Tumango-tango pa si mama.

Hiyang-hiya na si Maggie sa mga pinagsasabi ni mama. Tinititigan niya ito at sa


tuwing napapansin siya ni mama ay umiiling agad siya. Alam ko ang ibig sabihin ni
mama tungkol sa gwapo at mayaman, yan naman talaga ang unang magugustuhan mo, pero
syempre dapat mahal mo rin tulad ng sinabi ni Auntie Precy. Tsaka di naman
kailangang ipangalandakan iyon ni mama na yun ang gusto niya. Para tuloy kaming
'gold-digger' (tulad ng tinawag ni Callix sakin).

"At ikaw naman Rosie... Naku at mag-ingat ka sa bagong eskwelahan mo. Kay bata-bata
mo pa. Kaka-seventeen mo lang noong January at 6th year ka pa. Naku! Nandito pa
tayo sa bukid... baka magkaboypren ka riyan ng anak ng magsasaka o yung anak ni
Aleng Doleng na mejo may pagkabuang-" Sabi ni mama.
"Di na yun nag-aaral, Dele. Di yun nakapagtapos ng highschool." Sabi ni Auntie
Precy.

"Nakuuu! Basta ha, Rosie! Doon ka na lang maghanap sa Maynila at marami doon. Wa'g
dito!"

Natahimik sa wakas ang hapagkainan nung sinabi ni Auntie Precy...

"Enrolment na nga pala ngayon sa Alegria National High School, Rosie. Nasabi ko na
ba yun sayo? Pupunta tayo mamaya pagkatapos kumain. Mabuti na yung maaga at sa
magandang section ka ilalagay."

WHAT? IS THIS REALLY HAPPENING?

Oo at nangyayari talaga ito dahil ngayon ay nandito na kami sa Alegria National HS.
Si Auntie Precy ay isang guro sa elementary school dito sa Alegria. Di na siya nag
Maynila kasi 'happy' na daw siya dito sa mga bukid ng Alegria. What's so happy
here? LOL

Ang Alegria National HS ay may tatlong dalawang palapag na building. Malapad ang
eskwelahang ito, hula ko mga 5 hectares. May soccer field at basketball court (na
hindi covered court), may iilang pine trees na kahoy na nakapaligid at kitang-kita
na ito lang ang kapatagan sa susunod na dako kasi napapalibutan ito (saan ka man
lumingon except sa gate) ng bukid at burol.

"Iyan ba yung pamangkin mo Precy?" Titig nung babae na nakaupo sa isang desk na
pang 'enrolment'.

"Oo! 6th year mare! eto nga pala si Rosie." Sabay pakita sakin.

Nakanganga ang babae at ni-head to foot ako. Malamang ihe-head to foot kasi naka
polkadots ako na sleeveless top at nakashorts lang.

"Ang kinis at ang ganda! Sayang ka Precy at di ka nagkaanak! Naku!"

Tumawa na lang si Auntie Precy.

"Hija, ilagay mo lang ang pangalan mo at pumili ka ng subjects mo para mailagay na


kita sa isang section..." Tumingin ulit siya kay Auntie Precy. "Taga Maynila?"
"Oo." Sagot ni Auntie Precy.

"Naku! Pagkakaguluhan ka ng mga bata dito, hija." Aniya.

Ngumiti na lang ako habang nagsusulat.

"Rosyan?" Tanong niya nang nakita ang pangalan ko.

"Uh.. Ro-seanne." Sabi ko.

"Mare, san ba yung sa 6th year dito?" Tanong ni Auntie Precy.

"Diyan sa ikatlong building, second floor."

"Rosie, dito ka muna. titignan ko lang dun." Bago ko pa napigilan si Auntie Precy,
umalis na siya.

"Oh hayan na pala yung mga kaklase mong panigurado hija!" Sabay tingin niya sa
likuran ko.

Naaninaw ko ang isang batalyong mga taga bukid. Sina Jacob! Yung sparkling abs?!
Naka t-shirt siya at mukhang desente ang mukha dahil sa wakas ay nagkasaplot. Sa
gilid niya at isang babaeng may malaki at makapal na eyeglasses na naka fishtail
braid ang buhok. Sa likuran niya ay may isang makinis, maputi at magandang babae na
nakataas na ang kilay at may mga kasamang alipores na lalaki at babae. Mukhang
dalawang dosena silang lahat ah!

Binilisan ko ang pagfi-fill-up pero di ko nagawang matapos bago pa sila nakarating.


Hula ko yung makinis at magandang babae yung girlfriend niya.

"Mrs. Mendoza, mag eenrol po kami." Sabi nung magandang babae, tinitignan pa ako.

"Oo naman! Sure!" Sabay bigay sa kanila ng form.

Natapos din ako at tinignan silang lahat at nakatingin pa talaga sila sakin.
Nagkatinginan kami ni Jacob. May nakita akong tatlong lalaking anghahalakhakan at
nagsisikuhan sa lukran nila habang tinitignan ako.

"Sixth year ka?" Tanong ni Jacob.

"Oo." Sabi ko at umalis na papunta kay Auntie Precy.


Bago ako tumalikod ay nakita kong nakatingin silang lahat kay Jacob.

Pero kahit umalis na ako narinig ko ang bulung-bulungan nila.

"Ang ganda tol! Parang ngayon lang ako nakakita ng ganun ka gandang babae! Kilala
mo pala?" Sabi nung isa sa tatlo.

"Hmm. Oo. Roseanne Aranjuez. At Hindi naman siya maganda. Di ganun ka ganda para
magustuhan ko."

NAKS! Kay gwapo mo naman tol! I'm fighting the urge to look back! Parang ang gwapo
gwapo mo para sabihin iyan! Oo na! Gwapo ka na pero di ka rin kasing gwapo ng
inaakala mo at magsasaka ka lang kaya tumahimik ka na lang! Kainis...

Pero sa kalagitnaan ng galit ko, narealize ko na... kilala niya ako. Bakit at
paano?

Kabanata 5.

May Kaya

Kinwento ko kay Maggie ang nangyari at narealize na sana hindi ko na lang sinabi.

"Oh my god! Alam mo kung ano ang ibig sabihin niyan, sis? May hidden desire siya
sayo!" Sabay tawa niya. "Alam ko na yan! Ganun din si James sakin noon!" Sabi niya.

Umiling na lang ako sa kanya.

"Kelan ba ang punta dito ni James?" Tanong ko.

"Hay nako! Sa unang Sabado na siguro ng June. Inis pa ako kay mama dahil sa mga
sinabi niya tungkol sa mahihirap. Grabe naman talaga. Baka akala niya si James ang
boypren ko kasi gusto ko din ng mayaman. Haay! Kaya nagpapalamig na muna ako. Atat
si James pero naintindihan niya naman nung sinabi ko na inaatake si mama ng
pagiging mapanghusga."
Well, mabuti nga si Maggie at may inaasahan siyang boyfriend na mayaman at in love
na inlove sa kanya. Ako, imbis gusto ko ng mayayaman, ako tong di napagpapala.
Ganyan talaga ang buhay!

Nagdaan ang isang boring na linggo sa pag-iisip ko na sana ay may makilala akong
mayaman sa school o sana mayaman yun si Jacob (na alam ko namang hindi dahil sa
trabaho niya). Let's admit it, shall we? Talagang gwapo si Jacob at kung sana ay
normal lang ang buhay niya (kahit di na mayaman, basta di siya nagsasaka), ay
magugustuhan ko na siya. Pero oh well, suplado at masungit siya kaya turn off na
rin.

Pinakain ko ang mga manok (na siyang gawain ko dito sa bukid). Pagkatapos nun ay
nagpaload sa kapit bahay. Pwede ring magpaload dito ng internet kaso di ko na
pinatulan dahil dalawang bars lang yung signal sa bukid ng Alegria at minsan iisa
lang.

"Saan ka ba galing Rosie?" Sigaw ni mama galing sa kusina. "Magbihis ka na at punta


tayo ng pamilihan. Bibili tayo ng notebook mo para sa school at iba pang gamit."

WHATTTT? And true enough, ilang saglit lang ay nandoon na kami sa isang mukhang
china town sa Alegria. May pamilihan ng mga prutas, gulay, karne at isda doon.
Mayroon ding mga damit at kung anu-ano pa. Hindi ko maatim tignan ang mga notebook
na puro artista ang cover.

"Wala bang National Bookstore?" Sabi ko at siniko ako ng nakikiusyuso at sumamang


si Maggie.

"Eto na lang oh." Sabi niya nang pinakita sakin ang mga notebook na kulay brown na
parang recycled paper.

Tama siya at mas mabuti ngang iyon na lang kesa sa dun sa mga mukhang artista.

Habang namimili kami, naaninaw ko ang pagmumukhang pamilyar sakin. Siniko ko ulit
si Maggie nang nakita ko si Jacob, the sparkling abs na may saplot ngayon at
naglalakad sa china town. Namimili din siguro.

"Yan yung sinasabi ko sayo, Magg." Bulong ko.

"Whoa! Kay gwapong bata nga! At tama ka diyan sis, mukha nga siyang suplado pero di
naman siguro. Ang arte mo kasi kaya siguro nagalit sayo."
Pinagmasdan ko siyang mabuti at nakitang marami siyang kilala sa mga nagbebenta ng
karne, prutas at gulay. Pa kaway-kaway siya at binabati ng lahat ng naroon.

"Auntie Precy..." Sabi ko nang napunta kami sa bakery at busy si Mama at Maggie sa
pamimili ng tinapay na bibilhin. "Sino po yun?" Sabay turo ko sa kay Jacob.

"Bakit? Gwapo noooo?" Tukso ni Auntie Precy. "Aha!!! Crush mo!"

"Di po! Kasi naman... nakita ko siya sa school." Defensive ano? "At 6th year din
yata siya. Nakita ko rin siya sa Kampo Juan, nagsasaka." Sabi ko.

"Nagsasaka? Di yan magsasaka no!" Sabi ni Auntie Precy.

AHA! Hindi naman pala! NORMAL LIFE PLEASE?

"Marami lang siyang kilala sa mga magsasaka kaya tinutulungan niya ang mga ito."
Sabi ni Auntie Precy. "Mabait na bata. At may kaya ang pamilya niya." Sa tono ng
boses ni Auntie Precy, para niyang tinutuldukan at pinigilan ako sa pagtatanong pa
ng kahit ano.

Pinagmasdan ko na lang si Jacob na ngiting-ngiti na naglalakad doon.

So! Confirmed! Hindi siya magsasaka! Okay lang kung di mayaman diba? 'May kaya'...
okay na yang description na yan! Teka nga lang... ba't ko ba iniisip 'tong bagay na
'to? Eh suplado kaya iyon. Pero tanggap ko namang naging mataray din ako at
mapanghusga sa simula eh. At kilala niya ako... baka crush niya ako?

Hindi ko alam saan nagbunga ang lahat ng mga iniisip ko sa linggong iyon... Siguro
sa boredom. Pero dahil sa iniisip kong iyon, na motivate ako sa pag-aaral sa
Alegria National High School. Lumipas ang isa pang linggo at nagising ako sa
umagang magdadala sakin sa loob ng classroom namin... I've never been this excited
to go to school. Kahit na nandito ako sa the-hills-are-alive!

FIRST DAY, IT IS!

Kabanata 6.

Unang Araw
Napawi din ang mga pag-iisip kong landiin siya nang kinaumagahan habang nagtricycle
ako papunta school ay nadaanan ko siya sa kalsadang nagbubuhat ulit ng mga kahoy
kasama ang mga magsasaka. WTF?! Stupid, Rosie! Paano mo nagawang magustuhan ang
isang yan? Totoong gwapo siya pero ba't kailangan may 'scenes' pang nagbubuhat siya
ng mga kahoy?

Kung may kaya sila, dapat hindi niya yan ginagawa hindi ba? Siguro iba ang
definition ng 'may kaya' dito.

Umiling ako pagkapasok ko sa Alegria National HS. As usual, bumungad sakin ang
clouds na nakikita kong tinatabunan ang tuktok ng mga bundok na nakapaligid. Hindi
ako naka-uniform samantalang halos lahat ng mga tao doon ay nakauniform na.

Out of boredom siguro kaya ko naisip na okay si Jacob. EW!

6-Dandelion ang section ko. Napag alaman ko ring puro bulaklak ang mga section
dito.

"Nasan na ba yung si Jacob?" Sabi nung pamilyar na lalaki pagkapasok ko sa


classroom namin.

Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante at hindi ako yung tipong ngingiti at


magpapakilala. Umupo lang ako dun at naghintay ng teacher. Si Jacob ba ka niyo?
Ayun at nagsasaka na naman sa bukid!

"Maaga pa kaya." Sabi nung maganda at maarteng babae na hula ko ay girlfriend ni


Jacob.

Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Nakita ko namang tumaas ang kilay nung maganda
at mukhang may nilapitan siya sa likuran.

*THUG*

Napalingon ako sa mga gamit na bumaha sa sahig. Notebooks, lapis, ballpen,


pencilcase na nasira, papel at iba pa. Pinulot nung babaeng malalaki ang salamin at
nakafishtail braids na kasama din nina Jacob nung nakita ko sila dito. Akala ko ba
friends sila.
Pinagmasdan ko ang ibang babae na kaklase ko at puro sila nagbubulung-bulungan at
walang tumutulong sa kanya.

"Ooopps! Sorry. Di ko sinasadya. Nandyan ka pala." Sabi nung maganda sa


nakasalamin.

Tahimik lang yung nakasalamin habang pinupulot ang mga notebook niya.

"Buti nga sayo." Pabulong na sabi nung maganda at inapakan niya ang iilang notebook
sa sahig. "Yan ang nakukuha mo!" Sabi niya at nagmartsa patungo sa upuan niya.

May bullying din pala dito, ano? Mas worst pa yata kasi akala ko talaga ay
matatalik silang magkaibigan.

Nang nakuha na ni fishtail braids ang mga notebook niya, umupo siya malapit kay
miss maganda at agad siyang tinulak nito.

"Wa'g ka nga dito! Baho mo! Dun ka na sa likuran! Diyan si Jacob!" Sabay turo sa
uupuan sana ni fishtail.

Tahimik lang siya at mahinahong umalis at umupo sa likuran ko.

"Eunice!" Sigaw ng pamilyar na boses galing sa likuran.

Napalingon ako at nakitang tinutulungan ni Jacob si girl firshtail braids. Inayos


niya ang mga aklat na nakakalat at tinulungang niya itong makatayo. Nang tumingin
na siya sa mga mata ni Eunice (yung maganda na umaway kay girl fishtail braid),
seryoso na at galit.

"J-Jacob, siya naman yung nauna." Sabi ni Eunice.

Yung mga tao dito sa classroom walang imikan at nakatingin lang sa pangyayari. Ang
sarap lang sumingit pero ayoko lang makaagaw ng atensyon ngayong bago pa ako.

Umiling si Jacob at tumunog na ang bell! Magsisimula na ang klase. Nagsiupuan


silang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Ako lang yata ang walang katabi. Si Jacob
at girl fishtail ay nasa likuran ko at magkatabi na.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at nakita ulit ang galit na ekspresyon ni


Jacob. Dahan-dahan ko ulit binalik ang paningin ko sa harapan kung saan nandun na
ang teacher. Si Mrs Gonzalo ang aming adviser. Mataba siya at may malaking eye-
glass sa mga mata. Kulot at maiksi ang buhok... tinawag niya ako.

"May bago kayong kaklase!" Aniya pagkatapos niyang sinabi na ang buong section nila
noong 5th year ang napunta sa 6th Dandelion. "Roseen Aranjuez?" Tumingin siya
galing sa papel na hinahawakan at sa aming mga estudyante niya.

Tinaas ko ang kamay ko.

"Lika dito, Roseen."

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ro-shan po, di Roseen." Sabi ko at humalakhak ng kaonti ang ibang kaklase ko.

"I'm sorry. Roshan pala." Aniya. "Roseanne Aranjuez. Sana kaibiganin niyo siya
dahil alam kong matatalik na magkaibigan na kayong lahat dito at bago pa siya."

"YES MRS GONZALO!" Sabay sigaw ng mga kaklase ko.

"Ngayon... dahil magkakakilala na kayo, di ko kayo hahayaang umupo sa mga gusto


niyong upuan."

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko sa protesta. Nasa harap pa ako at hiyang-hiya


dahil di niya pa ako pinapabalik.

"Everybody stand up! Let's do this through alphabetical order okay?" aniya.

Ang iba ay nasiyahan, ang iba naman mas lalong nagprotesta. Si Eunice nagpoprotesta
at yung iba pang mga lalaki.

"And pairing... So boys mauuna tapos girls since dalawang upuan naman yung
magkakatabi."
Tinawag si Valdez (si girl fishtail) at si Leo Yu (yung kausap ni Jacob nung
nalaman kong kilala niya ako), sa harapan sila pinaupo. Ilang sandali na lang ay
halos maubos na ang nakatayong estudyante at komportable ng nakaupo sa mga upuan
nila.

Hanggang sa... kaming dalawa na lang ni Jacob ang natira! Ano ang apelyido niya at
bakit kaming dalawa na lang ang natititira? Patay! Kaming dalawa ang magtatabi
nito!

Kabanata 7.

Jacob Buenaventura

"Aranjuez, Buenaventura." Sabay turo ni Mrs Gonzalo sa huling upuan kung saan kami
uupo ni Jacob.

Buenaventura pala ang apelyido ni Jacob. Jacob Buenaventura? Mukhang mayaman pero
hindi naman pala.

Umiling si Jacob habang umuupo sa upuan sa tabi ko. Para bang ayaw niya akong
katabi.

"Kung ayaw mo sakin eh magprotesta ka kay Mrs Gonzalo!" Sabi ko ng pabulong sa


kanya.

"Hindi naman ako tanga. Alam kong walang pag-asa." Aniya ng pabulong din.

"Baka sakali..." Sabi ko at umiiling din. "Ayoko rin naman sayo eh. Pag nangyaring
papayag siya, tayong dalawa yung masisiyahan." Pabulong ko ulit na sinabi habang
nagsasalita na si Mrs Gonzalo.

"Yung mga katabi niyo ay ang partner niyo sa halos lahat ng activities sa school."
Napailing at protesta si Jacob habang ginugulo ang buhok niya. Pati na rin ang
ibang kaklase ko.
"Exchange tayo, pre!" Sabi nung isa sa mga kaibigan ni Jacob sa kanya sabay tingin
sakin. "Gusto ko diyan."

Yuck!

"Sa laboratory, thesis at marami pang iba. Alam niyo naman siguro ang patakaran at
pananaw ng school na ito hindi ba? Learning is best when you collaborate with a
partner. That way, hindi kayo gaanong marami kung saan yung iba ay nagiging pabigat
na lang, at hindi rin kayo nag-iisa at may tututlong sayo. Lift up, 6 Dandelion!"
Sabi ni Mrs Gonzalo.

"Ikaw na lang kaya ang magprotesta sa kanya?" Bulong ni Jacob sakin. "Inuutusan mo
pa ako eh."

"Mag aaksaya lang ako ng laway." Sabi ko. "Ikaw itong ayaw na ayaw tumabi sakin,
ako pa ang ipapagsalita mo?"

"Bakit?" tumingin siya sakin. "Gusto mo ba akong katabi?"

"Hindi no!" Sabi ko nang nakasimangot. "Ano ka?"

"Eh yun naman pala. Edi ikaw na ang umapila doon." Sabi niya. "Kung di ka mag-
aapila dun ibig sabihin gusto mo akong makatabi... siguro nga may gusto ka sakin
eh!"

Ako naman ngayon ang napatingin sa kanya. Nakangiti siya habang nagkukunwaring
nakikinig kay Mrs Gonzalo.

"Binablackmail mo ba ako? Kay kapal din naman ng mukha mo para sabihin mo saking
may gusto ako sayo ah? For your information, yung ex ko sa Maynila, mayaman, may
sasakyan at hindi taga bukid."

"So?" Sabi niya at tumingin na rin sakin.

"So? Hindi ka kailanman papasa sa taste ko. Magkasalungat kayong dalawa kaya wa'g
ka ng mangarap!" Sabi ko at naririnig ko na ang puso ko sa inis ko.

"Mangarap? Baka ikaw diyan yung nangangarap!" Humalakhak pa siya.

May gana talaga ang lalaking ito na magmayabang ano? Para bang sinong mayaman kung
makapagsalita! Parang kung sinong gwapo!?

"Gusto kong sumuka sa mga pinagsasabi mo!" Sabi ko.

"Noong isang araw pa ako sumusuka pagnakikita kita."


"Ehe-ehem!" Sabi ni Mrs Gonzalo habang pinapanood na kami ng buong klase. "Mukhang
agad-agad na close kayong dalawa diyan ah?"

Napatingin kami sa sahig ni Jacob. Parehong hiyang-hiya sa nangyari.

"Alam kong nagku-kwentuhan kayong dalawa pero sana mamaya na yan at makinig kayo sa
grading system at sa mga subject na kinukuha niyo bago kayo mag chikahan diyan."

Chikahan? You wish! Grrrr! Nakakainis si Jacob! Di ko alam kung paano ko nagawang
isiping pwede siyang maging prospect ng lovelife ngayong ganyan ang pag-uugali
niya! Grrr!

Kabanata 8.

Nagsimula Ang Lahat

"Kumusta ang first day?" Tanong ni Auntie Precy nang naghapunan kami.

Bago pa ako makapagsalita ay dinagdagan niya na agad.

"Balita ko ay marami ka na dawng close kasi nakikipagchikahan ka na raw buong


araw."

Napatingin si Mama, papa at Maggie sakin. Umiling na lang ako at kumain.

MARAMI Akong close? Really? At nakikipagchikahan ako? Kay Jacob, malamang. Pero di
yun pakikipag chikahan! Pakikipagbangayan iyon.

Lumipas ang isang buwan na ganun parin ang trato namin ni Jacob sa isa't-isa.
Depressing masyado dito sa bukid. Gusto ko ng bumalik sa Maynila kaso wala kaming
matitirhan doon. Siguro ay sasayangin ko na talaga ang buong taon ko dito sa bukid.
Sana buong taon lang at di buong buhay!

Nagpunta na dito si James, yung boyfriend ni Maggie. Welcome na welcome siya lalo
na ni mama. Nalaman kasi ng isang iyon na mayaman si James at gwapo naman talaga
kaya ayun at walang bukambibig kundi ang kahusayan ni Maggie sa pagpili ng mga
lalaki.

"Kaya ikaw, Rosie... galingan mo!" Tumatango-tango pa si mama.

Galingan ko? Napairap na lang ako. PAANO AKO MAGHAHANTING NG MAYAMAN DITO SA BUKID
EH PURO BUKID ANG NAKIKITA KO?

Tsaka, itong si mama parang pakiramdam niya kahihiyan kung hindi mayaman ang
boyfriend mo.

"Magaganda yata kayo kaya dapat mayaman." Sabi niya isang araw bago ako pumunta sa
school.

Bad trip tuloy ako. Kung sana di ako iniwan ni Callix, masaya na si mama ngayon.
Pero kung mayaman, gwapo pero manyak at masama ang ugali, salamat na lang at ayoko.

Maaga na naman ako sa school at nasaksihan ko na naman ang paulit-ulit na


pambubully ni Eunice kay April (fishtail braid).

"Kala niya dahil kasama siya lagi ni Jacob at pinagtatanggol ang ganda niya na."

Maraming nagkakagusto sa kumag na Jacob na yun. Isa si Eunice doon. Halos kada
section may isa o dalawang babaeng malayang nagpapahayag ng damdamin kay Jacob
tulad ni Eunice. Kung bibilangin natin pati ang mga palihim na nagkakagusto sa
kanya, aabot tayo sa isang daan.

Maraming naiinsecure kay April dahil pinagtatanggol siya ni Jacob at lagi silang
magkasama.

"Akin na nga yan!" Kinuha ulit ni Eunice ang bag ni April at as usual ay ibubuhos
niya na naman ang mga laman nito sa sahig.
"Boring!" Sabi ko nang nag agawan sila ng bag at pinapanood lang ng mga kaklase
nila.

Tumingina ng lahat sakin.

"Isang buwan na ako dito, isang buwan mo na rin yan ginagawa. Kung gusto mo si
Jacob, edi sabihin mo sa kanya, hindi yung nambubully ka. Tingin mo magugustuhan ka
niya sa ginagawa mo? Hindi! Lalo siyang aayaw sayo."

Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko. Humihinga siya ng malalim at mabilis habang
naglalakad papunta sakin.

Maganda siya pero nakakatakot. Sayang.

"Wa'g ka ngang makealam, transferee!" Aniya. "Kala mo naman ganda mo?! Porke't
kilala ka ng halos lahat ng 6th at 5th years eh galing mo na. Hoooy, kilala ka nila
kasi bago ka. Yun lang yun!"

Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto ko na lang matawa. Napaka engot!

"Tumatawa ka?" Sabay agaw niya sa bag ko.

Ayan, pinagkaguluhan na ang classroom namin. Marami ng nakatingin na taga ibang


section.

"Akin na yan!" Sigaw niya at kinuha ang bag ko na agad ko namang binawi.

"EUNICE!" Sigaw agad ni Jacob pagkarating niya. "Ano bah!" Kinuha niya ang bag ko,
binigay sakin at tumayo sa gitna namin ni Eunice. "Tigilan mo na nga yang
pambubully mo!"

"Nakekealam eh! Pakealamera!" Sabi ni Eunice sakin.

"Pwede ba?" Umiling ako sa likuran ni Jacob.

"Kita mo na!? Ano bang pakealam mo sa away namin ni April?" Sigaw ni Eunice sakin.

"Naiinis ako sa pabalik-balik na pang-aaway mo. Para kang bata. Immature!" Sabi ko.
Mas lalo pang nagalit si Eunice. Tinignan ako ni Jacob at tumingin ulit siya kay
Eunice.

"Inaway mo na naman si April?" Tanong niya at nag iba agad ang ekspresyon ni
Eunice.

"E-Eh kasi..."

"Tigilan mo na yan, Eunice. Please? Wala ka namang nakukuha diyan eh. Isasama mo pa
ang isang to." Sabay turo sakin.

'isang 'to'. HAHA! Yun ba yung pangalan ko? Kahit na isang buwan na kaming
seatmates ni Jacob di ko pa siya naririnig na binanggit ang 'Roseanne'.

Napabuntong-hininga si Eunice at bumalik na sa upuan niya. Kinawayan ni April si


Jacob at tumango lang si Jacob, umupo sa tabi ko.

"Hindi ka ba magpapasalamat sakin dahil pinagtanggol ko ang girlfriend mo?"


Sinalubong ko siya ng inis pagkatapos pumasok ng Chemistry Teacher namin.

"Hindi ko siya girlfriend!" Aniya.

"Ay okay, edi close friend." Sabi ko.

Tumingin siya sakin. Sa sobrang lapit naming dalawa kitang kita ko ang features ng
mukha niya, perpekto! Sobrang gwapong moreno ng katabi ko. Hindi kataka-takang
maraming nagkakagusto...

"Close friend, mr. Knight in Shining Armor." Sabi ko.

Napabuntong-hininga siya, "Pwede ba, tigilan mo ako, Roseanne."

Napanganga ako sa bigla. Biglang-bigla! First-name ko, binanggit niya! After one
month?! Yung nganga ko unti-unting naging ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tumaas ang kilay niya.

"Sinabi mong 'Roseanne' eh. Isang buwan na tayong magkatabi, di ko pa naririnig na


tinawag mo ako... Well, except nung enrolment..." Sabi ko nang nakangiti.

Tumingin siya sakin, "Anong enrolment?"


Kabanata 9.

Kumpletong Pangalan

Agad umalis si Jacob nung naglunch break sa araw na yun. Uuwi ako sa BAHAY NI LOLA
para kumain pero bago ako makalabas ng Alegria HS may malamig na kamay na humawak
sakin.

Si fishtail/April pala! Inayos niya ang eyeglasses niya bago siya nagsalita.

"S-Sana di mo na lang ako t-tinulungan kanina." Sabi niya habang binabangga ng


iba't-ibang estudyanteng gutom na at gusto ng umuwi.

"Okay lang. Di naman kita tinulungan... Talagang nainis lang ako sa Eunice na yun-"

"Ayan t-tuloy nadamay ka pa. Pero salamat ah?" Sabi niya. "April nga pala ang
pangalan ko. Roseanne, diba?"

Tumango ako.

Inayos niya ang bag sa balikat niya, "Friends?" Ngumiti siya.

Ito na siguro ang first time sa talambuhay ko na may nag anyaya saking
makipagkaibigan. Meron din naman akong naging kabigan noong elementary, kaya lang
di ganito ka pormal na kailangan pang edeklara na magkaibigan na kayo. Bigla-bigla
na lang nangyayari yung iba eh.

Tumango ako at umalis din siya. Pagkabalik ko para sa hapon... nandoon na si Jacob
sa tabi ng upuan ko. Umupo ako sa tabi niya at biglang-bigla ako nang kumaway si
April sakin.

"Magkaibigan na kayo?" Tanong ni Jacob na tumataas ang kilay.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Buti para may good influence na sayo." Aniya.

"Hay nako! Ano ba talaga ang problema mo at inis na inis ka sakin?" Sabi ko. Paano
ba naman kasi, araw-araw kaming nagbabangayan.

I get it! Mayabang 'tong sang 'to kaya sa inis ko ay kinakalaban ko na rin.
"Ikaw? Anong problema mo sa mga mahihirap?" Tanong niyang seryoso sakin.

Napatunganga ako at inisip ng mabuti kung saan siya humuhugot ng drama niya.

"Sabi mo sakin diba, mayabang ako, kala ko kung sino akong mayaman. Wala bang
karapatan ang mga mahihirap sayo? Napaka mata-pobre mo nam-" Pinutol ko siya at
nilagay ang kamay ko malapit sa bibig niya.

"Hep! Tigilan mo na ako ah? Una tayong nagkita, tinawag mo akong pangit! Anong
klaseng lalaki ka para tawagin ang isang babaeng pangit?"

Suminghap siya at inirapan ako.

"Tapos ngayon tinatawag mo akong mata-pobre? Ano pa ba? Huh?" Sabi ko at umiiling
lang siya sa tabi ko.

"Eh masungit ka masyado!" Biglang sabi niya na nakaagaw pansin sa lahat.

"Ehe-Ehem... Mr. Buenaventura, may sinasabi ka ba?" Tanong ng English 27 Thesis


Writing teacher namin.

"W-Wala po." Namula ulit ang pisngi niya.

"So...as I was saying..." Nagpatuloy yung teacher pero di parin ako nakikinig.

Si Jacob lang laman ng isip ko. Kainis lang eh! Buti nga sa kanya at napahiya siya.
Nakatingin siya sa nagsasalitang teacher pero nalaman kong di pala siya nakikinig
nung...

"Sinabi mo pa saking mayaman ang boypren, wala akong pakealam. Di ako nagtanong."
Bigla niya na naman akong binanatan na para bang isang buong buwan niya itong
itinago sa sarili at sa wakas ay nasabi niya rin.

"O edi kalimutan mo na-"

"Bakit? Pagmahirap ba di pwedeng maging boypren mo? Dapat mayaman lang?" Sabi niya
sa mukha ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Maaring pang-iinis ang pakay niya nang sinabi niya
iyon pero iba ang pagkakainterpret ko kaya napangiti ako. Napatingin ulit siya sa
teacher at mukhang galit.
"Ehe-Ehem... Mr. Buenaventura at Ms. Aranjuez. I think you two are not listening."
Sabi nung teacher nang nakatingin na ang busyng mga kaklase namin saming dalawa.

Napanganga kaming dalawa ni Jacob.

"Please get a disciplinary form from the DSA office. Reason: Talking while classes
are going on or I will not take your outputs for today."

Tumango kaming dalawa ni Jacob.

"But before that, please get one one-fourth sheet of paper, write your names. As
you can see... Kanina pa nagpass ng ganun ang mga kaklase niyo, kayong dalawa na
lang ang kulang. Thesis writing is by pairs, kayong dalawa ang magpapartner, but I
know it's not a problem, right? Since nagchichikahan naman kayong dalawa edi kaya
niyo ng gumawa ng Thesis at the end of the term?"

Pumula ang pisngi ko nang nakita ko ang mga kaklase kong nagbubulung-bulungan at
tumatawa. Si April naman ay nakakagat labi at umiiling sa tabi. Nakataas naman ang
kilay ni Eunice at pabulong na sinasabing 'karma!' Tumatawa pa.

Napatingin ako kay Jacob na kumuha na ng 1/4 sheet of paper at unang isinulat ang
KUMPLETO AT WALANG WRONG SPELLING NA PANGALAN KO.

ROSEANNE L. ARANJUEZ

JACOB ANTONIO S. BUENAVENTURA

ENGLISH 27 - THESIS WRITING

Kabanata 10.

Sating Dalawa

Naglakad kami ni Jacob papuntang DSA, nagbabangayan parin...


"Kasalanan mo 'to!" Aniya.

"Anong ako? Kung di mo ako iniinis eh di 'to mangyayari sakin." Sabi ko naman.

"Anong sakin? SATIN! Sating dalawa! Kung di mo rin sana ako kinakausap-"

"Eh kinakausap mo ako eh, sasagutin kita. Anong gusto mo? Makikinig na lang ako sa
mga panlalait mo?"

"Ikaw itong unang nanglait at nagsusungit! Kainis talaga!"

Natigil siya nang nakarating na kami sa DSA Office.

"Anong kasalanan?" Sabay tingin ng nakaglasses at matabang teacher na nandoon.

"Talking while classes are going on?" Sabi ko.

Tumingin siya sakin at kay Jacob at nanlaki ang mga mata niya.

"Jacob Buenaventura tsaka Roseanne Aranjuez... 6 Dandelion." Sabi ni Jacob ng


inililista ang pangalan namin.

"Isang buwan na ah? Mag uniform ka na Aranjuez." Sabay tingin ni Jacob at nung
teacher sakin. "Bukas pag di ka pa nag uuniform, bibigyan ulit kita ng red form..."
Tumingin siya saming dalawa ni Jacob. "Tandaan, tatlong red forms, suspended!"

Tumango na lang kaming dalawa ni Jacob. May uniform na ako pero ayoko pang suotin
iyon pero mukhang wala akong magagawa. Pero dahil Friday bukas, mag P-P.E attire
ako kasi P.E namin.

Pabalik na kami sa classroom nang nagsimula na naman ng sermon si Jacob.

"Ayan kasi, may pa chix-chix ka pang nalalaman sa pagsusoot ng mga damit na yan."
Aniya habang tinuturo ang damit kong bili ni Callix noon.

"Anong problema mo dito? Maganda kaya! Fashion ang tawag diyan! Wala yan dito sa
bukid..." Umirap ako.

"Kita mo na? Napaka-judgemental mo. May mas magagandang damit pa diyan, ano. Ang
sinasabi ko lang naman ay kung sana nag uniform ka na lang. Nag-aaral ka kaya dapat
mag uniform ka."

"Yes, pa!"
Nag-irapan ulit kaming dalawa bago makapasok sa classroom. Mga mata ng mga kaklase
namin ay nakatingin samin ni Jacob habang binibigay ang red form. Nang natapos na
ang araw na iyon, maraming nakiusyuso kay Jacob dahil sa red form na nakuha naming
dalawa pero di niya ito inentertain.

"Jacob!" Sabi ko nang papaalis na siya. "Yung thesis?"

"Malayo pa yun. Kung gusto mo eh simulan mo na lang. May gagawin pa ako."

Kainis talaga! Anong akala niya sakin? Grrrr. "Siguraduhin mo lang na importante
yang gagawin mo!" Pero tinalikuran niya na ako bago pa ako natapos sa pagsasalita
at nakita kong sinalubong siya sa labas ni Eunice.

Makikipagdate? O baka magsasaka na naman sa bukid? Whatever! Makapunta na nga lang


ng library at nang masimulan ko ng konti ang introduction ng thesis namin. Ni hindi
ko pa alam kung anong topic naming dalawa.

Pagkatapos ng nakakaantok na pagtatambay ko sa library ay namulat na rin ako sa


katotohanan na wala akong makikita dito. Inis na inis ako kay Jacob. Puro bangayan
lang ang nangyayari samin at nakakuha pa kami ng red form. Dalawang red form
nalang, Rosie, at suspended ka na! Habang nakaupos sa library, tinext ko si Maggie
na nakakuha ako ng red form today dahil kay Jacob.

"Uh?" Tumingin ako sa nagsasalita at nakita ang malalaking glasses ni April. "Di ka
pa ba uuwi?" Tanong niya.

"Uh..." tinignan ko ang relo ko. 5:15pm. "Uuwi na." Kinuha ko ang bag ko at tumayo
na.

"Sabay na tayong lumabas." Anyaya niya.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Pagkalabas namin ng library may narinig agad
akong parang tumutugtog sa isa sa mga classroom. Samantalang sa grounds naman ng
school, marami pang estudyante, yung iba nag vo-volleyball, soccer at basketball.
Tumingin si April sa basketball court at inayos ang glasses niya.

"Di ko alam na may club activities pala ang school na 'to. Di pa ako nakakauwi ng
ganito ka tagal eh." Sabi ko habang tinitignan ang mga estudyanteng nag papractice.
Some normal school, eh?

Tumango si April, "Lika na?"

"T-Teka lang." Sabi ko. "Gusto kong tignan muna ang mga clubs. Di ka ba kasali sa
isa dito?"
"Uhh. Kasali... Sa Math Circle."

Tumango ako, "May modeling kaya dito o photography something na club?" Tinignan ko
si April pero di siya umimik.

Naglakad ako papuntang basketball court at nakita ang dalawang lalaki sa mga
kaklase ko na nag babasketball.

"Apriiiil!" Tinawag si April ng isa sa kanila. "Asan si Jacob?"

Inayos ulit ni April ang glasses niya bago siya sumagot, "N-Nasa banda... Susunod
lang daw siya."

Napatingin ako kay April.

Eto pala yung sinasabi ni Jacob na gagawin niya?! Tapos kasama siya sa basketball
varsity at banda? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, narinig ko ang banda na
tumutugtog ng isang pamilyar at lumang kanta. Ilang beses ko na 'tong narinig pero
ngayon ko lang iyon na appreciate, lalo na nung lumapit na ako sa pinagkaguluhang
classroom kung saan naroon ang banda at si Jacob mismo ang kumakanta at nag-
gigitara kasama si Leo at iba pang kaklase namin.

"Pag automatic na ang luha, tuwing nag hahating gabi. Pag imposibleng mapatawa, di
na madapuan ng ngiti. Kumapit ka kaya sa akin ng ikaw ay maitangay sa kalayaan ng
ligaya..."

Sparkling good! Napangiti ako habang nakikipagsiksikan sa mga babaeng tumitili sa


labas ng classroom. Kitang-kita ko si Jacob na seryosong kumakanta at mas lalong
nakita ang kagwapuhan niya habang kumakanta.

Gwapo pero suplado, magaling pang kumanta at mukhang player din ng basketball...
Kahit na di siya tulad ni Callix na mayaman, he's definitely the most attractive
guy I've ever met. Sa halip ng mga kahiya-hiyang pagsasaka scenes with all his
sparkling abs and sweat, nakita ko sa kanya ang isang gwapo... mabait? pero totoong
tao...

Dinig na dinig ko ang puso ko habang naririnig siyang kumakanta.

"Jacoooob! Ang gwapo mo!!!" Sabi nung babae sa likuran ko kaya ayan tuloy at
napatingin siya sakin.
Kasabay ng pag lakas ng pintig ng puso ko ay ang pagpula ng pisngi ko, lalo na nung
nagkatinginan na kaming dalawa habang seryoso siyang kumakanta. Napaalis tuloy ako
doon sa classroom at sa school. Napauwi ako ng bahay ng di nagpapaalam kay April at
parang magha-heart attack sa sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko.

Kabanata 11.

Simulan Lang, Wa'g Tapusin

Hindi ako makatulog sa pagkukumpara ko kay Jacob at kay Callix. Lagi itong
natatapos sa... mayaman si Callix, mahirap lang si Jacob... pero talagang
umiepilogue pa talaga ang utak kong... di naman kailangang mayaman para magustuhan
ang isang tao.

"Mukhang puyat ka ah?" Nakangising sabi ni Maggie sa hapag kinaumagahan.

Naka P.E uniform na ako nang lumabas ng bahay. Masaya si Maggie kasi pupunta si
James bukas sa bahay namin. I mean, BAHAY NI LOLA. Ako naman... bigung-bigo sa
pagmumuni-muni ko kagabi.

"Hello miss sungit!" Pambungad ni Jacob sakin papuntang school.

Naka-P.E uniform din siya at kitang kita mo talaga ang hubog ng katawan niya sa
loob ng t-shirt niya kahit di naman talaga 'to ganun ka fit. Di ko na lang siya
pinansin kasi naririnig ko na naman ang malalakas na pintig nang puso ko.

Sh1t Sh1t Sh1t tama na Jacob!

Linapit niya pa ang mukha niya sakin at...

"Anong nangyari sayo miss sungit? Mukhang puyat ka ah?" Aniya.

What the pak?! Sinabi mo pa talaga? Eh kung alam mo lang! Di ko na talaga siya
tinignan. Nag wish na lang ako na sana ay tantanan niya na ako.
"May nangyari ba sayo kagabi? Matagal kang umuwi diba? Ginabi ka?" Ngayon ay
seryoso na ang kanyang tono kaya napatingin ako sa kanya.

OMG! I think this is it... I'm really falling for this guy! Really, Rosie? Parang
di ko na lang naisip kung anong sasabihin ni mama at talagang nadala na lang ako
lalo na sa mga sinabi niya.

Fck it kung magsasaka siya! Wala akong pakealam kung mahirap siya! Wala akong
pakealam kung di siya tulad ni Callix! Wala akong pakealam...

"Wala." Sabi ko at inirapan siya sa inis ko sa sarili ko.

"Sabi sayo eh, wa'g kang magpasexy dito. Siguro may bumastos sayo kagabi pauwi sa
inyo?" Concerned na ang boses niya.

"Wala nga eh..."

Dumating na ang teacher ng first period. Di na naman ako nakikinig dahil nagmumuni-
muni na naman ako tungkol dito kay Jacob na paminsan-minsan ay kinakausap ako o
iniinis.

"Tahimik mo ngayon ah? Galit ka ba?" Tanong niya ilang sandali ang nakalipas.

"Kelan ba ako naging 'hindi' galit sayo?" Sabi ko.

Ginagawa ko ang lahat para umarteng normal dahil ayokong nagmumukhang may nagbago
at baka mahalata niya yung feelings ko or something. Ang paranoid ko talaga!

Natahimik siya at tinignan ko siya, mukha siyang nakikinig ng seryoso sa teacher.


Ginalit ko yata?

"Mas gusto ko yung kinakausap mo ako kahit galit ka kesa tahimik ka lang diyan at
di ko alam kung anong iniisip mo..." Sabi niya at nagkatinginan na rin kami sa
wakas.

Dinig na dinig ko na naman ang tibok ng tanga kong puso. Anong problema mo, Rosie?
Wala naman siyang ginagawa pero ganito ka makareact?
Tinignan ko siyang mabuti... he looked away smiling...

Mukhang di ko na mapipigilan ang sarili ko. Kung ganito ang reaksyon ko na yan lang
ang mga sinasabi niya, paano pa kaya kung maging magkaibigan na talaga kami? Ayoko
ng isipin iyon. Magugustuhan niya kaya ako kahit na masamang impresyon na ang unang
naipakita ko sa kanya.

Nang nag P.E kami, una naming ginawa yung badminton bago magpractice ng cheering
para sa nalalapit na intramurals.

Agad akong naging star player sa grupo namin nang naglaban-laban kami sa badminton.
Magiling talaga ako sa mga sports at mga kung anu-ano pang may koneksyon sa galaw-
galaw. Nagsimula na rin kaming nagpractice sa cheering squad kung saan parating
napapagalitan si April dahil di siya marunong. At eto pa ang worst, si Eunice ang
leader ng 6th year na squad kaya kawawang-kawawa si April. Pati na rin ako
minsan... Wala si Jacob para ipagtanggol si April eh, kasali kasi siya sa
basketball team...

"Sige! Till next P.E time!" Sabi ni Eunice pagkatapos naming nagpractice.

"Roseanne... Uh..." Si April! "Uh... Sana next week magbaon ka na lang para sabay
tayong kumain sa field o sa canteen." Aniya na ikinagulantang ko.

"Uhmm. O sige." Sabi ko. "Tsaka... Rosie na lang." Sabay ngiti ko.

Mabuti at di niya ako pinigilang umalis. Pero nang malapit na ako sa gate at
iniisip na sa wakas ay weekdays na...

"Roseanne!" Kung sana ay babae yung tumawag, sasabihin ko ng si April iyon pero
lalaki eh.

Lumingon ako sa likuran ko. Si Jacob ay naglalakad papunta sakin, matamad niyang
binuhat ang bag niya sa iisang balikat. Si April naman ay nasa likuran niya,
nakatayo at inaayos ang eyeglass habang tinitignan kaming dalawa.

"A-Ano?" tumigil ako sa paglalakad.

"Simulan na natin ang thesis natin..."


"Diba sabi mo maaga pa-"

"Simulan lang naman diba? Di pa tatapusin..."

Kabanata 12

Naudlot na Paghatid

"Saan natin gagawin ang thesis, aber?" Tanong ko.

"Dito sa school! Sa library!" Sabi niya na para bang naiirita.

"Gagabihin ako ng pag-uwi at mababastos ako-"

"Safe ka naman ngayon eh naka P.E ka lang..." Ngumisi siya.

"Safe ka diyan! Paano kung ma rape ako? Dami pa namang damuhan dito at mga
kagubatan. Naku! Mamamatay ang mama at papa ko pag nalaman nilang may nangyaring
masama sakin!" Sabi ko at nag-iisip pa ng maraming alibi kasi ang gusto ko na lang
mangyari ngayon ay iwasan siya...

"O siya sige ihahatid kita sa inyo!" Sabi niya na ikinabigla ko.

Hindi iyon ang pinangarap kong marinig... never in my wildest imagination na


maririnig ko iyon kaya natigilan ako at halos di ko masabi ng maayos ang sagot ko.

"P-Pero... Uh... Hin-Hindi mo alam kung saan ang bahay namin. Mahihirapan ka lang."

"Eh anong tawag sayo? Ano ba sa tingin mo yung gagawin mo kung ihahatid kita?"
Umirap siya. "Edi turuan mo ako kung saan ang bahay niyo?!" Aniya na para bang ang
bobo ko para di ko maisip yun. "Tsaka... di naman talaga yun kailangan, Aranjuez ka
diba? Walang ibang may Aranjuez dito kundi yung bahay ninyo."

"Okayyy! Edi sige!" Nagmartsa ako papuntang library nang di nagpapaalam kay April
sa likuran ni Jacob.

Sumunod naman ang kumag. Umupo ako sa isang bakanteng table. Marami-rami din naman
ang estudyanteng nasa library, kadalasan ay mga 6th year, siguro dahil sa thesis o
di kaya sa reporting ng Filipino 6 na tinatalakay ang mahirap na Filipino
Literature.

Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang iba't-ibang libro. Hinayaan ko na rin siyang
maghanap ng topic.
"Hoy senyora, hindi ka nandito para maglaro diyan sa cellphone mo, buti pa mag
hanap ka rin." Aniya.

"Wow! Alam mo pala ang tawag dito, cellphone?" Ngumisi ako at umirap sa kanya.
Kainis eh!

Gwapo ka ha pero sana wa'g naman masyadong nakakainis!

"Kaw talaga! Napaka judgemental mo. Porke ba't taga rito ako di ko alam anong
cellphone?"

"Oh eh bakit? masisisi mo ba ako kung etong bukirin ninyo isang bar lang ang
signal. Malayo sa sibilisasyon. Ala sais pa ng gabi tulog na ang mga tao-"

"Nine PM natutulog ang mga tao rito!"

"Pareho na rin yun! Nine PM? Sa Maynila eh kakagising lang ng mga tao para mamasyal
sa mga mall at mag bar-"

"Kung ganyan mo naman kamahal ang Maynila edi bumalik ka na lang doon!" Sabi niya.
Seryoso na siya at galit ngayon.

Umirap na lang ako sa kagwapuhan niya kahit galit.

Tumingin siya sa malayo, tahimik, habang tinititigan ko siya.

Ayaw niya ng mga judgemental na tao. Ayaw niya ng mga taong minamaliit siya o sino
mang kaibigan niya (tulad ni April). Tama. Nakakainis nga naman ang mga judgemental
na tao... tulad ko...

"Kung may choice lang ako, babalik na ako!" Sabi ko ng mahinahon.

Para bang sa pagtitig ko sa mukha niya ay napawi ang inis at galit ko. Nainis ako
sa sarili ko. Judgemental. Pero yun ang totoo kong nararamdaman... Ayoko dito sa
bukid. Nasanay ako sa pamamasyal sa mga mall, panunood ng sine, pagkain samga
fastfood, pamimili ng damit... Sinanay ako masyado ni Callix sa halos tatlong buwan
naming relasyon.

"Ba't wala kang choice?" Tanong niya.


Ayokong sabihin sa kanya ang katotohanan. Kung siguro'y mayaman siya, hinding hindi
ko sasabihin. Pero dahil alam kong sanay siya sa kahirapan, nasabi ko...

"Umuwi na sina mama at papa galing Canada, wala kaming bahay sa Maynila,
nangungupahan lang kami kaya napilitan kaming pumunta dito."

Binuksan niya ang kanyang bibig na para bang may sasabihin sana pero pinigilan niya
ang kanyang sarili.

"Kung dito ako lumaki sa bukid, siguro walang problema sa akin ang pananatili dito.
Pero di eh... sa syudad ako lumaki. Yun ang comfort zone ko. Hindi dito... Dun ako
masaya." Sabi ko at pinigilan na rin ang sarili ko sa pagsasalita.

"Di naman siguro. Hindi naman ibig sabihin na kahit comfort zone mo ang isang lugar
ay dun ka masaya. Minsan, sumasaya ang mga tao sa lugar na akala nila ay di sila
magiging masaya."

Nagkatinginan kaming dalawa.

*TING-TING-TING*

Closed na ang library. 6PM na kasi at kailangan ng umuwi ng mga mag-aaral.

Pagkalabas namin ni Jacob sa library, nakita namin si April na para bang kanina pa
nakatayo at nilalamok na sa pag-aabang samin.

"O, April, ba't nandito ka pa?" Biglang-bigla si Jacob.

"Uh... Inayos ko pa kasi ang report ng grupo eh." Aniya nang di makatinginkay
Jacob.

Tumingin si Jacob sakin.

"Uuwi na rin naman ako." Dagdag ni April.

"Uh... Sige na Jacob, ihatid mo na si April." Sabi ko.


Parang may naramdaman akong hollow space sa tiyan ko, hindi ito gutom kasi di
kumakalam ang sikmura ko, hollow space lang... dala siguro ng panghihinayang ko.

Oo na, nanghihinayang ako dahil di niya ako maihahatid.

"O sige. Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?"

Nakita ko itong paparating pero di ko alam na masakit pala. Sana sinabi niyang
ihahatid niya ako, pero di eh.

"O-Okay lang ako Jacob." Sabi ni April.

"Okay lang, April. Kaya ko mag-isa. Sige! Bye!" Sabi ko at nagmadaling umalis.

Of course! Pipiliin niyang ihatid si April kahit sinabi niya sakin kaninang
ihahatid niya ako. Di bale na daw kung gabihin kami basta ihahatid niya ako. Pero
anyare, Jacob?

Mas lumawak yung hollow space sa tiyan ko. Nasaktan na ako dati pero di ganito ka
OA yung nafeel ko noon. Ang OA ko na ngayon. Dala siguro ng malamig na simoy ng
hangin dito sa bulubundukin at kagubatan ng Alegria.

Kabanata 13

Nakalimutan ang Lahat

"Dito lang manong." Sabi ko sa driver at binigay ko na yung pamasahe ko.

May 20 steps na lang at makakarating na ako sa bahay nang biglang may nagtakip sa
mga mata ko galing sa likuran.
"AHHHHH!" Tinakpan niya ang bibig ko kaya natigil ako sa pagsigaw. "An-"

"Ako 'to!" Naaninaw ko ang mukha ni Jacob nang tinanggal niya na ang kamay niya sa
mga mata ko.

Sa sobrang lapit naming dalawa halos marinig ko na rin ang bilis at lakas ng pintig
ng puso niya. Di ko nga lang na confirm kung kanya nga ba yun o akin.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko.

"Weh Syempre nag-aalala ako. Tinignan ko kung nakauwi ka na!" Sabi niya na para
bang ang bobo ko ulit dahil di ko alam.

Nag-aalala siya? Kelan ba siya nag-alala sakin? Uminit ang pisngi ko at sigurado
akong pulang-pula na 'to ngayon.

"U-Uh... K-Kaya heto at uuwi na ako. N-Nakauwi ka na pala eh." Tinignan ko siya at
di siya makatingin sakin.

Inayos niya ang bag niya sa likuran.

"Paano mo nalaman na taga rito ako?" Stalker!

"Gaya ng sabi ko... iisa lang ang Aranjuez dito. Kilala ko ang Auntie mo at maliit
lang ang Alegria."

"Taga saan pala sina April? Ba't nauna ka pa dito sakin?" Tanong ko.

"Doon malapit sa simbahan ang bahay nila. Syempre nauna ako dahil alam ko ang
pasikot-sikot dito."

"O-Okay.."

So ano, papapasukin ko ba siya sa bahay? At pag nalaman ni mama at papa na mahirap


siya tatanggapin kaya nila si Jacob? Hay! Sana di ganun ka judgemental si Mama.

"Mmm. Alis na ako." Aniya bago pa ako makapagsalita.

"Saan ang bahay niyo?"

"Diyan lang... sa... uhm... may kanto. Sige na, pumasok ka na sa inyo."
"Aling kanto diyan?" Syempre, curious din ako kung nasaan at anong itsura ng bahay
nina Jacob. "Diyan malapit sa may tindahan ng load?"

"Hindi... Basta... Sige na, pumasok ka na. Di ako aalis dito kung di ka papasok."

"Eh gusto kong malaman-"

"Wa'g na! Asus! Manlalait ka lang eh!"

Sinapak ko ang dibdib niyang, uyyyy matigas huh, syempre may abs diyan!

"Bakit? totoo naman ah? tsss! Sige na! Alis ka na!" Aniya.

Inirapan ko siya at umalis na.

SALAMAT HUH? GWAPO AT GUSTO KITA PERO NAKAKAINIS KA!

"Bye!" Sabi ko.

"La bang thank you?" Sigaw niya nang malapit na ako sa bakuran namin.

"Thank you mong mukha mo, Jacob! Iniinis mo ako magtha-thank you pa ako? Salamat sa
pang-iinis?" Sabi ko.

Nakita kong tumawa siya.

"Bahala ka! Ang sama mo!" Sabi niya at umalis din.

That night... I couldn't stop thinking about him. Nawala yung sama ng loob ko sa
kanya dahil di niya ako hinatid. Nakalimutan kong pinili niya si April kesa sakin.
Nakalimutan kong nakakainis siya. Nakalimutan kong gusto ko si Callix. Nakalimutan
kong mahirap siya at taga-Alegria. Nakalimutan ko lahat! Nangibabaw na lang yung di
napapawing ngiti ko at ang mga Baka Sakali ko. Baka Sakaling magustuhan niya ako.
Baka sakaling magustuhan siya ni mama. Baka sakaling pwede kaming dalawa.

Kabanata 14

Laging Bigo

Sabado at dumating si James galing Maynila. Ang saya-saya ni Maggie at papatulugin


si James nina Mama dito sa bahay. Walang kupas ang pagiging inlove ng dalawa.
Sweet-sweetan parin lalo na pag wala si Mama at Papa sa paligid.

"Buti pa ipasyal mo si James sa Kampo Juan o di kaya sa Alp?" Sabi ni mama nang
nakangiti.

Eexit na sana ako. Ayokong pumanta doon sa Kampo Juan o sa Alp Spring, panigurado'y
makikita ko na naman si Jacob doon. Oo, gusto ko siya. Pero bumibilis ang pintig ng
puso ko pag nandiyan siya at ayoko ng ganun. Dapat iwasan.

"O Saan ang punta mo, Rosie? Buti samahan mo sina Maggie at James sa Kampo Juan at
Alps?" Sabi ni mama.

"Pagod ako, ma. Sila na lang."

"Sige na sis! Please? Please? Please?" Sabi ni Maggie.

"Ba't pa ako kailangan. Ayaw mo nun? Wala ako?"

Pero hindi niya ako tinantanan ng di sumasama. Nagbihis na ako para sumama sa
kanila. Short pants at white t-shirt lang tapos tsinelas. Nakakatamad eh.

"Cheer up! Kaya nga kita gustong isama eh para masiyahan ka. Boring doon sa bahay.
Buti ka nga may school ka sa weekdays, samantalang ako, pinapakain lang yung mga
manok at nag luluto tapos nanonood ng TV." Sabi ni Maggie sakin nang nakasakay na
kami ng tricycle papuntang Kampo Juan.

"Makikita ko lang si Jacob dun na nagtatrabaho." Sabi ko habang sumisimangot sa


tabi niya.

"Sinong Jacob?" Tanong ni James.

"Yung pamalit niya sa ex niyang si Callix." Tumawa pa si Maggie.

Umiling na lang ako.

Nakarating kami sa Kampo Juan at nagsimula na silang mamasyal. Ako naman ang may
hawak sa camera kaya pose sila nang pose samantalang ako yung nagpipicture. Pero sa
pang one-hundredth na picture yata, natigilan ako nang may namataan ako sa likuran
nilang nagbubuhay na naman ng kahoy!

Uminit ang pisngi ko at tinoon ang pansin sa camera.


"Anong problema?" Sabi ni Maggie nang nakitang pumupula ang pisngi ko.

"Wala!" Sabi ko. "Sige na, pose na kayo ni James!"

"Nagbu-blush yata." Sabi ni James.

Napicturan ko sila ng stolen! Kainis naman ang dalawang 'to! Lumingon sila sa
likuran at nakita kung sino ang nagdulot ng pamumula ko.

"Si Jacob ba yan?" Tanong ni Maggie. "JACOOOB!" Tawag niya dito kahit di niya naman
kilala o di naman talaga siya kilala.

"Huy! Maggie! Tigil ka nga diyan! Bushet 'to oh!" Sabay lagay ko ng kamay ko sa
bunganga niya pero huli na ang lahat.

Tawa nang tawa si James nang narealize niya ang ginawa ni Maggie. Kumaway pa si
Maggie kay Jacob nang lumingon ito.

Nakasimangot ang kumag. Paano ba naman kasi, may tumatawag sa kanyang di kilala.

"Nandito si ROSIEEE!" Sabay turo ni Maggie sakin kaya natakpan ko ulit ang bunganga
niya.

Nilagay ni Jacob ang kahoy na dala-dala sa lupa at naglakad diretso samin. OMG! Sa
malayo palang kitang-kita na ang sparkling abs niya at sparkling sweat.

"OOOOhhh!" Sabi ni Maggie nang narealize na talagang gwapo at may abs ang kumag.
"Alam ko na ngayon kung bakit." Siniko niya ako.

Kainis lang eh! Nagtawanan sila ni James samantalang nininerbyos naman ako dito.

"Oh, Rosie. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" Tumaas ang kilay niya.

"Pinapasyal namin ang boyfriend ng ate ko. Eto nga pala ang kapatid kon, si Maggie
at yung boyfriend niyang si James."

Ngumiti at tumango si Jacob sa ngumingising sina James at Maggie.


"Naku, ikaw pala si Jacob! Lagi kang binabanggit ni Rosie samin eh-" Tinakpan ko na
ulit ang madaldal na bunganga ni Maggie.

Tumingin si Jacob sakin, ngumingisi at mukhang parehong nagtaka at nabigla ang


kumag. Alam kong mejo may feelings na ako sa kanya pero ayaw kong malaman niya
iyon. Baka mag fe-feeling lang siya at masapak ko pa.

"Jacooob!" May tumawag sa kanya galing sa likuran.

Tumingin kaming pareho ni Maggie hanggang sa maaninaw ko ang malalaking eyeglasses


ni April habang kumakaway kay Jacob.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong niya, papalapit na.

"Oo. Nakita ko lang sina Rosie."

Tumingin si April sakin at ngumiti. Pero may kung ano sa ngiti niya at di ko alam
kung ano yung tinutukoy ko.

"Si tatay pagod na eh. Ayos na daw yung ginawa mo, salamat!" Sabi ni April nang
nakalapit na. "Hi, Rosie!"

"Uh... hello! Eto nga pala si Maggie ang kapatid ko tsaka si James na boyfriend
niya."

Ngumiti siya ng saglit kay Maggie at James tapos ay tumingin ulit kay Jacob.

"A-Ano... Salamat talaga Jacob ah?"

"Walang anuman." Ngumiti si Jacob.

So? Tinutulungan ni Jacob si April? Wait... Yung tatay ni April ang tinutulungan ni
Jacob? Close siguro sila ng tatay ni April or something? Baka may namamagitan sa
dalawang ito.

Nakumpirma ko namang may namamagitan nga sa dalawa nang...


"Uh... Di ka pa ba aalis?" Tanong ni April.

"Aalis na. Tayo na?" Sabi ni Jacob.

Naglahad si April ng kamay kay Jacob at agad naman 'tong hinawakan ni Jacob.

"A-Alis na kami Rosie, Maggie, tsaka James." Sabi ni Jacob nang seryosong
tumitingin sa nabigla kong ekspresyon.

May konting parte sa puso kong gumuho kaya napanganga ako sa nakita at halos di
makapagsalita. Siniko pa ako ni Maggie bago nagsalita.

"O-Okay. Bye!"

Tinalikuran kami ng dalawa habang masayang nagho-holding hands palayo. May kung ano
sa tiyan kong bumabagabag sa mood ko. Gusto ko ng umuwi at magmukmok sa bahay.
Matulog o di kaya ay magpaload at mag GM sa kahit sino na lang para maalis ko ang
pag-iisip ko sa nakita ko.

"Taken na yata?" Sabi ni James.

"Nope! I don't think so..." Sabi ni Maggie. "Siguro kaibigan lang."

"Kaibigan lang? Ibig sabihin kung ako makikipagholding hands sa iba pupwedeng
kaibigan ko lang yun?"

Sinuntok ni Maggie si James at tumingin sakin. Tahimik silang pareho. Alam kong
sinabi lang yun ni Maggie para gumaan ang loob ko pero alam kong tama si James.
Imposibleng magkaibigan lang sila kung naghoholding hands sila.

Kaya pala pinagtatanggol niya si April sa school. Kaya pala close na close nila.
Siguro sila na nga! Ba't di ko yun nakita? Kaya pinili ni Jacob si April dahil sila
na!

Kabanata 15
Muntik Na Sana

Hindi ko na ulit sila nakita sa araw na yun. Syempre, masayang masaya si Maggie at
puro lampungan yung nakikita ko sa kanilang dalawa ni James habang nanonood sila ng
TV. Ako naman ay di parin maalis sa isip ko yung pagho-holding hands ni April at
Jacob. Hanggang sa mag Lunes na ulit...

"Nagbaon ka ba ngayon, Rosie?" Tanong ni April sakin.

"Oo." Sabi ko naman.

Sa kagustuhan kong malaman kung ano talaga ang tunay na namamagitan kay April at
Jacob ay nagbaon ako para makasama siya.

"Doon tayo sa canteen." Ngumiti siya at inayos ang eyeglasses.

"Okay." Sabi ko.

Pagkarating namin sa mataong canteen. Sinalubong agad kami ni Eunice at may mga
alipores pa siyang kasama.

"Abah! Close na pala kayo, ano?" Sabi niya. "At ano sa tingin niyo ang ginagawa
niyo dito? Bawal kayo dito! Umalis na nga kayo! Ambabaho niyo!"

Tumango ang mga kasama niya.

"Ikaw lang ba ang may karapatang kumain-" Di na ako nakapagpigil na sumagot sa


kanya pero hinawakan ni April ang braso ko at hinila ako palayo sa kanya.

"Hayaan mo na si Eunice. Lika na lang doon sa field."

Kainis si Eunice! Kaya naman na-bubully 'tong si April kasi hinahayaan niya lang si
Eunice eh. Tsk! Nagtungo kami sa isang bench sa ilalim ng isang malaking kahot sa
gilid ng soccer field. May ilang nasa kabila ng field nagpi-picnic at kumakain ng
lunch nila.
"Dito na tayo." Ngumiti si April at linapag ang baon at bag niya sa bench.

Umupo ako sa bench at nagsimulang buksan ang baon ko.

"Ganun na talaga si Eunice. May gusto kasi siya kay Jacob." Pumula ang pisngi niya
at kumain na. "Galit siya sakin."

Tinignan ko siyang mabuti, "Ba't naman siya galit?"

"K-Kasi close kami ni Jacob." Mas lalong pumula ang pisngi niya.

Kumain na rin ako. Does that mean hindi niya boyfriend si Jacob?

"Kayo na ba ni Jacob?" Tanong ko nang malapit na akong matapos kumain.

I don't want to prolong my agony.

"H-Huh?" Nabigla siya at naging balisa. "Gusto ko siya..."

Umihip ang malakas at malamig na hangin galing sa mga bukid. Natabunan ng clouds
ang araw habang tumitingin si April sa malayo. In deep thought.

"Mahal ko siya... S-Sana wa'g mong sabihin 'to kahit kanino." Ngumiti siya. "Kayo
lang yata ni Jacob ang kaibigan ko dito sa school."

Tumango ako at uminom ng tubig. Calm down Rosie.

"Sana nga maging kami na. Magkaibigan na kami noon pa lang at lagi niya akong
tinutulungan sa tuwing may problema ako. Lagi niya akong ni-rerescue sa tuwing
binubully ako." Tinignan niya ako at ngumiti ulit.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya tinignan ko na lang ang dala-dala kong mineral
water.

"Lagi siyang mabait kahit kanino. Kahit kay Eunice na masamang tao." Napatingin ako
sa kanya. Mukhang galit siya kay Eunice. "Pero naiinis din siya kay Eunice sa
tuwing inaaway ako nito."

"Gusto ka ba ni Jacob?" Alam kong mejo pangit pakinggan ang tanong ko pero yun ang
lumabas sa bibig ko.

"Siguro hindi." Napasinghap siya. "Kung mahal niya ako, ba't ni niya pa ako
nililigawan diba?"

"P-Pero nag holding-hands kayo dun sa Kampo Juan ah?"

Namula ulit siya at ngumiti na parang kinikilig, "Sweet lang talaga si Jacob kaya
ganun, bukod sa ka-sweetan niya, wala na siyang ibang pahiwatig tungkol sa
nararamdaman niya. Sweet siya sa lahat. Kaya di ko alam kung may kaibahan ba ako sa
lahat ng iyon o wala. Gwapo at mabait siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya."

SWEET SIYA SA LAHAT? Eh anong tawag mo sa trato niya sakin? SWEET? Well, sweet siya
sometimes pero most of the time ay masungit at nakakainis siya.

"April!" May tumawag galing sa likuran.

Pareho kaming lumingon dalawa sa tumatawag at pareho naming naaininaw ang gwapong
si Jacob. Masyado siyang gwapo at kung sa Maynila siya tumitira baka ginawa na
siyang modelo. Sumimangot ako sa iniisip ko habang kinukutya ko ang kagwapuhan
niya... hindi ko talaga maalala kung sinong modelo ba ang nakita kong may mas gwapo
pang mukha sa kanya. Pwede siyang maging artista sa mukha niya.

"J-Jacob?" Nabigla at namula si April.

Paano ba naman eh yun ang pinag-uusapan namin eh.

Dala-dala ni Jacob ang gitara niya sa likuran.

"Pinatawag ka ni Mrs Gonzalo." Sabi ni Jacob at tumingin sakin.

"O-Okay. Rosie, maiwan na muna kita ah?" Nagligpit si April ng gamit.

Ngumiti ako bago siya umalis at tumingin na lang sa malayo.

Hindi ko namalayang umupo pala siya at nagsimulang iset-up ang guitar niya.

"Okay ka lang ba?" Ngumisi siya nang tinignan ko.


"Okay lang. Bakit?" Ngumisi din ako. Takot baka makita sa mukha ko ang naramdaman
ko mula nang nag holding-hands sila ni April.

Pero okay na ang pakiramdam ko ngayong nalaman kong di naman pala sila pero mukhang
wala ng ibang babae ang mas hihigit pa kay April sa kanya. Para bang nagsisimula na
akong magkagusto sa kanya saka ko nalamang bawal pala.

"Hindi ka naman okay eh?" Tumaas ang kilay niya.

Kinabahan naman ako, nakikita niya kaya sa mukha ko? "Ba't mo naman nasabi?"

"Di mo na ako iniinis!" Tumawa siya.

"Tseh! Hindi naman ako yung nang-iinis satin eh! Ikaw naman lagi!" Sabi ko.

"Weh? Di naman ako ganung tao! Ikaw siguro?"

"Nang-iinis lang ako kung naiinis ako sayo."

"Yun nga eh. Wala naman akong ginagawang masama sayo eh naiinis ka na lang bigla."
Humalakhak siya. "Ano bang problema mo sakin?"

"Wala nga eh! Wa'g ka na nga lang magsalita para wala akong problema?" Inirapan ko
na.

"Ultimo pagsasalita ko, ayaw mo? Grabe ka naman! Ang harsh nito oh?"

"Ba't ba pinatawag si April ni Mrs Gonzalo?" Tanong ko, ignoring the last thing he
said.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya.

"Weh? Di mo alam eh close na close kayo ni April." I said with a hint of


bitterness.

Tumingin siya sakin ngumisi kaya napatingin ako sa malayo. Stop smiling!!! Grrrr!!!

Nagsimula siyang mag-strum sa guitar niya at tumindig talaga ang balahibo ko lalo
na nung kumanta siya...

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or


anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just
forget the world?"

Habang kinakanta niya 'to ay tinitignan ko siya. Hindi niya tinatanggal ang mga
titig niya sa mga mata ko. Ibang klase kung makatibok ang puso ko. Ni hindi ko pa
to naramdaman kay Callix noon. Mahal ko si Callix at puro kasweetan yung tinamo ko
sa kanya lalo na nung bago pa lang kami pero hindi niya kailanman naibigay ang
ganitong klaseng damdamin sakin.

Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa lamig at ganda ng
boses niya? Dahil ba sa walang-kapintasang kagwapuhan niya? Dahil ba tingin ko'y di
ko siya pwedeng magustuhan pero gusto ko na siya? O dahil alam kong di siya
kailanman magkakagusto sakin?

I looked away. Tumingin ulit ako sa mga taong kumakain ng lunch sa kabila.

"Di mo man lang ba ako papansinin? Heto ako at nagpapapansin sayo at kinakantahan
ka at eto ka mukhang mas gugustuhin pang umupo dun sa kabila kesa dito sa tabi ko?"

Napalingon ako sa sinabi niya. Tumawa siya sa nabiglang ekspresyon ko at kumanta


ulit...

"If I lay here... If I just lay here... Would you lay with me and just forget the
world..."

Kung makapagsalita siya parang may laman sa loob nito. Nagkatitigan kami at tumigil
siya sa pag gigitara.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at ngumiti.

"Magaling ka." Tumango ako at inalis ang tingin ko sa kanya.

"Yun lang?" Hinawakan niya ang pisngi ko at nilingon ang mukha ko para tignan siya.

"A-Ano ang gusto mong marinig?"

I'm sure pulang-pula ang pisngi ko dahil naramdman kong uminit ito sa ginawa niya.
Nakita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatitig sakin at binuksan niya ng konti
ang bibig niya.

Mga mata niya na galing sa mata ko ay tumitingin na ngayon sa lips ko kaya mas
lalong nag init ang pisngi ko. Ang mga kamay niya ay nasa pisngi ko parin. Baka
malaman niyang naghuhuramentado ako ngayon at maramdaman niya ang init sa pisngi ko
kaya lumayo ako ng konti sa kamay niya pero unti-unti siyang lumapit sa pisngi ko
at... tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko at tinanggal niya rin ang mga mata
niya sa mata ko.

Tumingin siya sa kawalan gamit ang malungkot niyang mukha.

WE WERE ABOUT TO KISS! Hahalikan niya na sana ako! Grabe yung tibok ng puso ko di
parin napapawi!

Inis ako sa sarili ko dahil imbes na magtaka kung bakit niya yun ginawa, mas
iniisip ko ngayon kung bakit di niya itinuloy.

Linagay niya ang kamay niya sa kanyang noo at tumingala. Tahimik lang kaming dalawa
at nakaupo sa bench. Oo nga pala, nasa school kaming dalawa. Di pwedeng maghalikan
dito no!

Uminit ulit ang pisngi ko nang naalala ko ang nangyari.

O baka naman... itinigil niya dahil alam niyang ayaw ko sa mga tulad niya... tulad
niyang hindi mayaman?

Kabanata 16

Ang Pagsali

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dumating naman si April para sabihin saming


pumunta na kami sa classroom dahil malapit ng mag time.

Walang imikan kami ni Jacob hanggang sa classroom.

Hindi pa dumadating ang teacher kaya nag s-strum ulit siya ng guitar at panay naman
ang titig ko. May nakatingin din sa kanya. Obviously may iilan din sa kaklase kong
nagkakandarapa sa kanya. Hindi lang si April. At sa kanilang lahat... (muntik ko ng
maisip na sa 'aming lahat') si April ang pinaka lucky! Paano ba naman kasi ay close
na close sila ni Jacob.
Pero uminit ang pisngi ko nang naisip ko ang scene kanina. Almost kissing. Sure ba
akong almost kiss yun? Baka ako lang pala yung nag a-assume dito?

"Anong gusto mong kantahin ko?" Lumingon siya sakin, talking for the first time
after the scene.

"Uhmm. Kahit ano... lang." Naiilang ako eh.

"Kakanta kami sa Intramurals eh. Kasama yung ibang banda dito. Tsaka mag lalaro din
ng basketball. Ikaw? Anong gusto mong salihan?" Tumaas ang kilay niya.

"Wala naman. Cheering lang."

Required naman talaga lahat ng taong sumali sa cheering, well, except sa mga taga
basketball team kung saan kasama si Jacob kaya di niya na kailangang sumali.

Buti dumating yung teacher namin at naputol yung nakakailang na pag-uusap namin ni
Jacob.

"By the way, hanggang ngayon wala parin tayong nakukuhang dalawang representative
ng Ms Intramurals?" Tinignan ako ni Mrs Gonzalo pagkatapos niyang sabihin yun.

Uh-oh! I know this! Sigurado akong iniisip niya kung pwede ba ako ang mag
representa?

"Wala ba sa ibang section?" Tanong ni Eunice. "Si Andrea Flores sa 6-Millions?


Maganda yun!" Aniya.

"Hindi siya pupwede, Eunice. Sumali na siya noon diba?"

Umirap si Eunice at, "Kung sana pwedeng sumali ang cheer leader eh ako na sana!"

Nagtanguan ang mga kaklase ko. Pero si Mrs Gonzalo ay nakatingin parin sakin.
Lumubog ako ng konti sa upuan ko na namalayan naman ni Jacob kaya napatingin siya
sakin.

"Anong ginagawa mo?"

Umiling ako, "Wa'g ka ngang maingay." Bulong ko.


"Ma'am si Roseanne Aranjuez kaya!?" Ang kumag ay sumigaw at nakita kong umaliwalas
ang mata ni Mrs Gonzalo.

Finally, may nagsabi na rin sa gusto niyang mangyari.

Nagtanguan ulit ang mga kaklase ko, pero syempre yung iba ay biglang may ayaw dahil
si Jacob ang nag recomenda. Akala naman nila may something samin ni Jacob. Si
Eunice ang nanguna sa pag protesta...

"Pe-Pero Jacob! Di naman siya... ugh!"

ANO? ANO? Di ako maganda?! Alam kong maganda ka pero di hamak na mas maganda naman
ako noh! Speaking of reality! Umayos ako sa pag-upo.

"P-Po? Di ako mahilig sa mga beauty contest!" Sabi ko agad.

"But you're qualified!" Parang di ko na ikonek ang sinabi ni Mrs Gonzalo.

Heto naman si Jacob at tawa nang tawa sa reaksyon ko.

NOOOO!

"P-Pero ma'am?!"

"Roseanne, hindi ka sasali sa cheering squad kung papayag ka." Sabi ni Mrs Gonzalo.

Natahimik ako. Si April naman ay walang reaksyon. Hindi niya ako pinigilan sa pag
sali at di niya rin ako chineer na sumali.

Pero gusto ko yun huh? Ayoko kasi sa cheering squad dahil laging nangbu-bully si
Eunice. Not bad... bukid naman 'to at walang nakakakilala sakin galing Maynila. In
fact, marami pa nga akong damit na pwede sa mga ganyan eh. Ma eexcite pa si mama
kasi mahilig yun sa ganito. Nga lang, di niya ako tinrain ng maayos. Si Maggie lang
yung pinapasali niya.

Napabuntong-hininga ako, "O-Okay."


Hindi ko alam kung bakit pero nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Jacob at
narinig ko ang malaks niyang buntong-hininga. Naghiyawan ang mga kaklase ko.
Kinindatan pa nga ako ni Leo Yu at yung iba pang kaklase kong lalaki.

Ewww.

Pagkatapos ng klase ay nilapitan agad ako ng mga lalaking nagkindatan sakin


kanina...

"Wow Roseanne! Congrats!" Sabi ni Kiko.

Kilala ko naman sila, hindi naman kasi bingi para di marinig yung mga pangalan nila
sa mga oral recitations namin.

"Naku! Baka mas marami ka ng fans niyan dahil maeexpose ka na sa buong campus."
Sabi ni Nathan.

"Uhh... Ayoko ngang sumali eh-"

"Naku! Buti sumali ka! Ang papangit ng mga babae dito. Kaw lang yata maganda!" Sabi
ni Tim.

"Huh? Marami namang maganda ah?"

"Saan ba bahay niyo, Rosie, at nang mahatid kita?" Sabi ni Tim.

Pinapalibutan nila ako sa upuan ko kaya di ko makita kung nandyan paba si Jacob
pero na gulantang talaga ako nang biglang...

"Huy! Mag sialis nga kayo diyan! Alis na! Hatid-hatid!? May gagawin pa kami!" Sabi
niya habang kinakaway-kawayan ang mga lalaking nakapalibot sa upuan ko.

"Huh? bakit Jacob? Wala ba kayong practice sa basketball at banda?" Tanong ni Tim.

Napatunganga si Jacob at... "ano? Mas uunahin ko ba yun kesa sa thesis? Sige na,
magsialisan na nga kayo! Hatid-hatid? Bakit? may paa naman 'tong si Roseanne ah?
Ano pang tinutunganga niyo diyan? Alis na!"

Nagsialisan din sila habang nagmumura at nag-uusap-usap tungkol kay Jacob. Kung
naiinis sila, ba't di nila magawang labanan si Jacob? Hindi naman sa gusto kong
ihatid nila ako, nagustuhan ko nga yung ginawa ni Jacob eh poero di ko maiwasang
mag isip. Mukhang takot sila kay Jacob ah?

"Jacob, yung practice?" Tanong ni Leo sa likuran niya.

"Yep, mauna na kayo."

Umalis yung mga kasama niya sa banda at tumingin siya sakin. Kaming dalawa na lang
ngayon sa classroom.

"Sumali ka pa talaga, huh?" Inis na sabi niya.

"What? Eh ikaw tong nag suggest kay Mrs Gonzalo ah?" Napatunganga ako sa reaksyon
niya.

"Kasi alam kong di ka sasali... o baka naman akala ko lang pala."

"Ayokong sumali, Jacob. Pero ayoko ring maging kaharap araw-araw si Eunice habang
nagmumura siya sa kapalpakan ko sa cheering! Ginagawa ko namang tama ang routines
pero lagi niya akong-"

"Kahit na! Tsss!" Hindi siya makatingin sakin.

Pulang-pula ang mukha niya sa inis.

What in the world does this mean?

"Ugh!" Sinipa niya ang upuan sa unahan namin, kaya natumba ang dalawa sa unahan sa
lakas ng pagkakasipa. "Stupid." Pabulong niyang sinabi yun.

"Sino? Ako?"

Nabigla ako sa mura niyang english! Abah?! Umi-english si Jacob, teh! Naiisip ko na
naman ang pagbubuhat niya ng kahoy sa balikat dito sa the-hills-are-alive. Amazing!
ENGLISH! AMAZING!

"Ano? May sinabi ba akong ikaw?" Inis na inis parin siya.

"Eh tayong dalawa lang ang nandito ah? Sino pa bang sinasabihan mo? yang arm chair
na sinipa mo?"

"Yung sarili ko! Sino pa bah?" Umirap siya at tinalikuran ako.


Umalis. WHAT THE EF? Anong problema nun? May dalaw yata!

Kabanata 17

Hindi Matangal na Ngiti

Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Jacob na aasikasuhin namin yung thesis namin
ngayong iniwan niya lang ako sa classroom. Pagkalabas ko, nakita ko si April na
nakasandal sa dingding ng classroom namin. Napatingin tuloy ako sa paligid.

"A-April? Kanina ka pa diyan?"

Tumingin siya sakin nang nakangiti. "Hinihintay kita... Uhmm... Uuwi ka na ba?"
Tanong niya.

"Siguro. Sabi ni Jacob gagawin namin yung thesis pero umalis na siya eh. Practice
siguro ng banda. Bakit? Ikaw?"

"Hindi pa eh, may pag uusapan pa kami ni Mrs Gonzalo." Aniya.

Tumango ako.

Si April kasi halos top sa lahat ng subjects. Well, kita niyo naman yung 'look'
niya. Nerdy type kaya totoong nerd siya. Marami pang dalang books lagi na paminsan-
minsan ay nakikita kong dala ni Jacob.

"Tsaka... sorry pala ah? Magpa-practice ba kayo ng cheering?" Tanong ko.

"Yep. May sinabi nga pala si Mrs Gonzalo sakin. Aniya mag ready ka na daw ng isang
long gown tsaka sports attire." Aniya.

"May talent portion ba?"

"Wala. Yung show-off lang nung sports yung 'talent portion'."

Tumango ako, "Sige." Pero kinakabahan at may mga butterflies na sa tiyan ko.

"Wa'g mo ng hanapin si Jacob." Ngumiti siya ulit.

"Bakit?"

"Umuwi na yun." Aniya. "Sa bahay yata nina Leo sila magpapractice."
Pumunta din siya kay Mrs Gonzalo at ako naman ay dumiretso na sa gate. Syempre,
totoo yung sabi ni April. Close sila ni Jacob kaya alam niya kung nasaan ang kumag.
Wala din sila sa mga bandang nagpa-practice sa mga classroom at mas lalong wala
siya sa court. Panay pa ang mura ng coach nila dahil wala na naman daw si Leo at si
Jacob!

Umiling ako palabas ng school at muntik nang mapasigaw nang may humila sa bag ko.
Natigilan ako sa pagsigaw dahil nilagay niya ang index finger niya sa lips ko.

"Shhhh..." Aniya.

Ang lapit naming dalawa at di ko maiwasang mamula sa kakaisip sa distansya namin.


Parang tulad lang nung kanina sa field ah?

Bumitaw siya nung narealize niya ang lapit namin sa isa't-isa at tumingin sa
malayo.

"Ano ba?" Sabi ko. "Muntik na akong magka heart attack!"

"Li ka na!" Sabi niya.

"Hinahanap ka ng coach mo sa loob!" Sabi ko.

"Bukas na ako mag papractice sa basketball! Tsss! At bukas gagawin mo yung thesis
habang naghihintay matapos ang practice ko."

"Huh? Busy ako no! Busy ako sa Ms Intramurals kung saan ikaw ang naglagay sakin."

Galit parin pala siya kasi nakita ko ang inis sa mga mata niya, "Mas importante pa
ba yan sa thesis?" Sabay tingin niya sa malayo para maghanap ng tricycle.

"Tsaka... anong ginagawa mo dito? diba dapat nag papractice ka sa banda? Ba't ka
nandito?"

"Eh ano pa po ba? Hinihintay ka!" Para bang ang-tanga-ko-kasi-di-ko-alam yung tono
niya. "Si April? Di mo ba ihahatid?" Tanong ko.

Galit na naman siya dahil sa tanong ko, "Kukunin siya ng tatay niya. Kinukuha naman
siya araw-araw o di kaya umuuwi mag isa."

"At ako? Kinailangan ko pa talagang ihatid? Kaya kong umuwi mag isa!" Galit narin
ako kahit gusto ko naman talagang ihatid niya ako nang makasama ko pa siya.

"Hindi mo ba nakita yung reaksyon ng mga kaklase natin kanina? Baka nga inabangan
ka na ng mga yun eh at popormahan ka pa." Tumingin siya sa paligid.
Wala namang lalaki dun eh. May grupo pa nga ng mga babaeng nag bubulung-bulungan at
tumitili habang tinitignan si Jacob. Para bang wala ako sa tabi niya. Hindi niya
ito pinansin at pumara na ng tricycle.

"Tsaka, papunta din naman ako kina Leo eh. Idodrop ka ni manong sa inyo tapos
diretso ako kay Leo." Sabi niya habang nag iisip.

Ako naman, nawe-weirduhan talaga ako sa acting niya. Concern ka lang yata eh!
Denial pa!

"Ano?" Tanong niya nang nakatitig ako sa kanya habang umaandar ang tricycle.

"Ba't ka ba galit?" Tanong ko. "At anong problema mo kung pormahan nga ako ng mga
kaklase natin?"

Ginulo niya ang buhok niya.

"Kalimutan mo na nga yun!" Di siya makatingin sakin.

Kalimutan? Hindi ko makalimutan ang mga sinabi mo! Yun lang yata yung nagustuhan ko
dito sa Alegria eh. Ikaw lang yata ang dahilan kung bakit nandito parin ako (except
lang sa matinding kahirapan kaya di makabalik ng Maynila).

"Bakit? Bakit ayaw mong pormahan ako ng iba?" Tanong ko ulit.

"Anong problema mo eh basta ayaw ko?" Inis na inis na talaga siya na tumingin na
lang siya sa labas para talikuran ako.

Inirapan ko siya. Weh? Hindi matanggal ang ngiti ko. Tahimik kaming dalawa at tunog
lang nung tricycle ang naririnig. Agad kong inayos ang mukha ko nang bigla siyang
lumingon at...

"Basta! yung thesis bukas ah?... Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Eh bakit? Masama bang ngumiti? Tsaka ikaw? Anong gagawin mo sa thesis natin eh
nasa basketball practice ka pala bukas." Sabi ko.

"Susunod lang ako sa library. Early dismissal mula bukas para sa activities." Aniya
pero laman ng mga titig niya ang paghihinala kung bakit nakangiti ako kanina.

Hindi ko tuloy maayos ang seryoso kong mukha at napapangiti ulit. Nakatitig pa
siya. Di ko na lang siya tinignan.
Kabanata 18.

Unang Halik

Sinunod ko ang sinabi ng kumag at hinintay ko nga siyang matapos ng practice sa


basketball. Pero yung di ko sinunod ay yung paghihintay sa library. Hinintay ko
siya sa bleachers habang pinapanood ang practice nila. Nasa feild na yung cheering
squad namin.

Sinabihan ko na si mama at papa tungkol sa pagiging Ms Intramurals ko kaya hayun at


excited si mama. Aniya'y yung sports kong gagawin ay volleyball. ('Mananalo ka dun
kasi ang ganda kaya ng legs mo, pag volleyball attire diba maiksing shorts? Yun na!
Marunong ka namang humawak ng bola.' yun ang tingin niya.)

"Ba't ka nandito?" Nilapitan ako ni Jacob.

Agad kong napansin ang bango niya kahit puno siya ng sparkling sweat. Narinig ko
agad ang tibok ng puso ko pero sigurado akong di tama yun kasi ang pangit ng
pambungad na sinabi niya sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

Ginulo niya ang buhok niya at... "Hindi na kami nakakapagpractice kasi panay ang
usapan nila sayo!"

"Bakit? Anong pinag-uusapan nila tungkol sakin?"

Namula siya at... "Kailangan mo ba talagang malaman?"

Hindi ko alam kung bakit siya namula. Dahil galit o dahil nahihiya? Di siya
makatingin sa mata ko ng diretso.

"Bahala ka nga!" At bumalik na siya sa practice.

Buong practice nila, nakatitig ako sa kanya. Malumanay kung ishoot ang bola, para
bang natural yun sa kanya. Pag di na shoot napapamura minsan pero humahalakhak at
pilit kinukuha ang rebound. Kapag nakakaagaw ng bola, seryosong pupunta sa ring at
isho-shoot ito.

"Hyper ka yata ngayon, Jacob ah?" Sabi ng coach niya.

Tumango ang mga taga team na nakaluhod s apaghingal habang siya'y nakatayo pa.

Nagkatagpo ang tingin namin kaya tumingin ako sa malayo at nagkunwaring di ko siya
tinitignan. Nagpahinga siya sa tabi ko. Nilagay niya rin ang bag at tubig niya sa
tabi ko imbes na doon sa team nila.

"May naiisip ka na ba para sa thesis natin?" Tanong niya habang nakanganga akong
tinitignan siya sa gild ko. Umiinom siya ng tubig at kay gwapo talaga.

"W-Wala." Sabi ko.

Napansin niya ang pagtitig ko kaya tumingin siya sakin at ngumiti.

"Galing ko ba?"

Oo! At gwapo ka rin talaga! Kaw na yata ang pinakagwapong kilala ko sa buhay ko
sana akin na lang yung tuwalya mo nang maamoy ko yung sparkling sweat mo! Gosh! Sa
mga iniisip ko ayan tuloy at uminit ang pisngi ko.

Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko, "Speechless?"

Sinapak ko ang kamay niya sa hiya.

"Bakit?"

"Bilisan mo na diyan at nang masimulan na ang thesis!" Sabi ko at nagpakita ng


naiinis na mukha.

Umalis na siya at nagbasketball ulit. Hindi lang pala talaga ako ang nakakakita sa
kagwapuhan ng mokong! Nang nag break na isa-isa ang mga cheering squad ay agad
silang tumigil sa basketball court para tignan (mostly si Jacob) na nagpapractice.

"GO JACOB! GO JACOB! GO JACOB!" Sigaw nang madla.


Di niya pinansin at para bang sanay siya. Ganun parin ang reaksyon niya tuwing nag
sho-shoot, nang-aagaw ng bola, nakakamiss ng shot - gwapo parin! Kainis din kasi
may nakita akong sobrang tili at para bang susunggaban si Jacob nung naka shoot!

Pag nakakamiss naman ng shoot may sisigaw na, "Ano? Mas gwapo parin siya no!! Kala
mo naman galing mo na!"

Napabuntong-hininga ako habang tumitingin kay Jacob. Habang tumatagal ay lalo akong
nagdududa kung may pag-asa ba talaga ako sa kanya. Noong crush ko palang si Callix,
sigurado akong wala akong pag-asa kasi ang alam ko ay magaganda at mayayaman lang
ang dinidate nun pero ngayon kay Jacob, naiisip kong may pag-asa ako pero hindi ko
alam kung bakit bawat segundo, nawawalan ako ng pag-asa.

Umalis ako sa ingay at sa di malamang kadahilanan. Masyado siyang maraming admirers


dito sa school.

"HOT SEXY JACOBBBB! I LOVE YOU! PAKASALAN MO AKO!" May mga sumigaw nito nang paalis
ako sa court papuntang library.

Nakita ko si April sa gilid, nakatayo lang mag isa.

"Oh, April! Nandyan ka pala!" Sabi ko.

"Oo eh... Inutusan ako ni Mrs Gonzalo'ng sabihin sayo na ipapakilala daw ang mga
Ms. intramurals mamayang 5pm sa covered court." Inayos niya ang eyeglasses niya.

Tinignan ko ang relo ko: 4:00PM. "Okay! Punta muna akong library!" nagmadali ako.

Dapat pala dumiretso na lang akong library nang matapos na 'to at di ko na tinignan
si Jacob dun na para bang may kunga no sa tiyan ko. Namimilipit at may guwang akong
nararamdaman. Hinawakan ko ang tiyan ko habang naghahanap ng magandang topic sa
isang libro nang...

"Oh ba't ka umalis?" Tumambad ang mabango at nakabihis na ng t-shirt si Jacob sakin
sa harapan ko.

"Wala eh! Ang ingay." Di ako makatingin sa kanya. "Dami mong fans."

Biglang kinuha niya ang librong hawak ko kaya nagkahawakan kami ng kamay at
nagkatinginan.
Wala masyadong tao sa library, lahat ay abala sa practice at iba pa. Tahimik kaming
dalawa habang nagkakatitigan.

"Uh... wala yun." Sabi niya nang natauhan kami.

"Uhm... Weh? Pahumble ka pa... Daming tumitili sayo." Sabi ko. Awkward. Yung tunog
pa ng boses ko ay parang galit. Di tuloy ako makatingin sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo?" Tumaas ang kilay niya at ngumisi.

"Ba't naman ayaw ko? Sino ba ako?" Napatingin ako sa kanya. "Tsaka di naman yan
mapipigilan. Kung gusto ka ng mga tao, wala ka ng magagawa dun kasi gusto ka nila.
It's not your choice."

"Tama. Ang importante lang naman ay kung sino... ang gusto ko..."

Napalunok ako at nagkatinginan ulit kaming dalawa. Sumimangot siya at bumitaw sa


titigan namin.

"B-Bakit? Sinong gusto mo?"

Kinabahan ako. Sino kaya? Ako? Ako may pag-asa ba? Si April? Sino?

Ngumisi siya at ibinalik ang tingin niya sakin, "Ba't ka curious? Wow! Si Roseanne
Aranjuez curious kung sinong gusto ko!" Tumawa siya.

GRRR! Nang-iinis na naman! "Tseh! pakealam ko kaya kung sino ang gusto mo! Pa
mysterious effect pa di naman bagay sayo!"

Tumatawa siya habang nilalagay na ang kamay sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa.

"Tseh! Bilisan na nga natin! May something pa mamayang 5pm! Ipapakilala kami sa mga
tao! Lahat daw ng Ms Intramurals! Bilis na!" Sabi ko at agad humupa ang pagtawa
niya at nagseryoso.

Tahimik siya at ginulo ang buhok niya.

"Wa'g ka na lang sumali... please?" Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko kung
saan agad bumilis ang tibok ng traydor kong puso.
"B-Bakit?"

"Basta!" Ginulo niya ang buhok niya.

"Edi sasali ako! Basta-basta ka pa diyan! Sasali ako!" Sabi ko.

Tumahimik siya at...

"Ayokong... magustuhan ka nila." Aniya at natigilan ako.

"Huh?"

Di siya makatingin sakin at pumikit na lang siya.

"Bakit?" Grabe dinig na dinig ko na ang puso ko. Nag huhuramentado na at parang
lalabas na lalo na nung nagkatitigan kaming dalawa.

Nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at nilapit ang mukha niya sakin. Nakita kong
kuminang ang kanyang mga mata at tumingin siya ng diretso sa mga labi ko at balik
sa mata ulit. Humilig pa siya sa table kaya lumangitngit ito ng konti sa sahig.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.
One. Swift. Kiss. At umalis siya nang walang sinasabi sakin.

WHAT IN THE WORLD WAS THAT? HE KISSED MEEEEEEEEEEEEEEEEEE!? Napahawak ako sa labi
ko. Yung isang kamay ko naman ay nasa puso ko. Calm down, heart. Calm down! Anong
ginawa ni Jacob sayo at ganyan ka na lang? Hinalikan niya ako! Pero bakit?

Napatingin ako sa paligid. Walang tao... Walang nakakita... Totoo ba yung nangyari?
O guni-guni ko lang?

Kabanata 19

Nahulog na ng Tuluyan

Para akong zombing naglalakad sa school grounds pagkatapos akong iwan ni Jacob...
pagkatapos niya akong hinalikan. Lulong sa pag-iisip ng halik niya, di nag iisip
kung saan pupunta o anong gagawin.
Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako hinalikan. May gusto ba siya sakin? Bakit
niya nagawa yun? At isa pa, bago niya ako hinalikan, aniya'y ayaw niyang magustuhan
ako ng iba.

Uminit pa lalo ang pisngi ko habang naglalakad.

"Roseanne! Good luck!" Sabi nung mga kaklase ko.

Hindi ko na pinansin dahil masyado akong preoccupied sa pag iisip kay Jacob. Gosh!
Nang papalapit na ako sa covered court, narinig ko yung kinanta ni Jacob noong nasa
field kaming dalawa. Papatapos na ito at kitang-kita mo sa mga estudyanteng
nanonood na halos umakyat na sila sa stage sa kilig at lahat sila kinakanta yun na
para bang paboritong-paborito nila. Yung iba tumatalon-talon pa.

Siguro lagi 'tong tinutugtog nina Jacob.

"Would you lay with me and just forget the world?" Yun ang last na lyrics nung
kanta bago matapos.

"I LOVE YOU JACOOOOB!" Ang lakas ng boses nung tumili! Grupo ng mga first year na
babae.

"Ms. Aranjuez!" Sabi nung P.E teacher naming si Mrs Castro. "Nandito ka lang pala!"
Suminghap siya. "Akala ko nag back-out ka! Naku! Dali ka na! Pumunta na tayo sa
backstage! Buti at nandito sina Jacob at pinatugtog muna namin bago mag start!"

Nakatingin lang ako kay Jacob habang sinisimulan ni Leo ang isa pang bagong kanta.

"Last song for today." Kumindat siya dun sa mga tumili kanina at may umambang
hihimatayin sa kilig sa kanila.

Napailing na lang ako at pinakinggan ang bagong kanta habang hinihila ako ni Mrs
Castro sa backstage.

Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sarap pakinggan ng boses ni Jacob.
Kinakabahan ba ako o nahuhulog na? Dinig na dinig ko na ang puso ko at ayaw na
nitong itanggi ang nararamdaman. Hindi ko din alam kung bakit may mga kantang
nalalaman si Jacob na ganito ka gaganda.

"If I don't say this now I will surely break

As I'm leaving the one I want to take

Forgive the urgency but hurry up and wait

My heart has started to separate..."

Bawat tigil niya ay may tumitili. Kahit malakas na malakas na yung tunog ng drums
dinig na dinig ko parin ang puso ko. It was his kiss! I'm sure of it! Yun ang
pumukaw sa damdamin ko.

"Oh, oh,

Be my baby.."

My god! Parang tumatambling na ang tiyan ko at lutang na lutang ako habang


naglalakad. Halos madapa ako lalo na nung nagkatagpo ang mga mata namin. Kanina
habang tinitignan niya ang mga tao ay nakangiti siya, pero ngayong nakatingin na
siya sakin naging seryoso ang mukha niya. Tumili halos lahat sa ipinakitang
ekspresyon - alam ko dahil halos madapa na nga ako dito sa tingin niya. Hindi ko
kayang tumingin sa kanya ng matagal dahil baka mapatili na rin ako kaya dumiretso
ako sa backstage.

"Saan ka ba galing?" Salubong ni April sakin.

"Sa... Sa library." Sabi ko habang nakikinig ng mabuti sa kanta ni Jacob at sa


kanta ng puso ko.

Ang ganda-ganda ng pagkakanta niya na parang gusto kong umiyak - di ko naman alam
bakit.

"Sinong kasama mo?" Nanlaki ang mga mata ni April.

Tug-dug! Tug-dug!

"Uh... ako lang."


Kasama ko si Jacob pero ayokong sabihin dahil kinakabahan ako. Umaliwalas ang mukha
niya at ngumiti.

Nga pala... sabi ni Jacob, ayaw niyang sumali ako... Ano na ngayon, Rosie? Sasali
ka ba? Sasali pa ba ako ngayong sabi ni Jacob ay ayaw niya? Ayaw ko ng sumali - yun
ang totoo. Pagkatapos ng nangyari sa library parang gusto ko na lang sundin lahat
ng gustong mangyari ni Jacob.

Pwede pa bang mag back-out? Pero narealize kong excited na sina mama sa mangyayari.
Nag ready na rin ako ng damit sa volleyball. Ready na lahat. Nandito na ako. At
bakit ko susundin ang munting hiling ni Jacob? Sa anong dahilan? Hindi ko alam.

May tumulak pa talaga sakin sa stage nang tinawag ang pangalan ko.

"6th year representative, Roseanne Aranjuez!" Sabi ni Mrs Castro.

Nag hiyawan ang mga tao. Hinanap ko agad sa madla kung nasaan si Jacob. Di siya
mahirap hanapin. Nandoon siya katawanan sina Leo at yung tatlo pang taga banda.
Hindi siya tumitingin sakin. Tinawag ang pangalan ko pero di niya ako tinitignan,
nagtatawanan lang sila at nag uusap samantalang halos lahat ng tao ay nakatingin
sakin at pumapalakpak?! Sorry pero mejo nainis ako sa kanya.

"Ngumiti ka, Roseanne!" May bumulong sa likuran ko, si Mrs Gonzalo pala.

Di ko namalayang kanina pa pala ako nakasimangot. Tumabi ako sa mga 5th year
representative na mas una pang tinawag sakin.

"And lastly! Another 6th year representative..."

Humupa ang hiyawan at napalitan ito ng bulung-bulungan. Pati yung mga 5th year na
katabi ko ay nag bulung-bulungan narin.

"Sino nga ba yung isa pang 6th year rep? Di ko kilala."

Ako din eh, di ko kilala kaya nakinig ako sa bulungan ng mg 5th year at 4th year.
"April Valdez!!!" Sigaw ni Mrs Castro.

April Valdez? Walang humiyaw. At sa wakas ay naagaw ang atensyon ng buong banda
pati ang atensyon ni Jacob. Nalaglag ang panga niya nang nakitang marahang
naglalakad si April habang inaayos ang malalaking eye glasses niya.

"Let's give her a big hand please!" Walang pumalakpak. "Clap your hands please!!!"
Saka may pumalakpak ng konti. Mas malakas pa nga ang bulung-bulungan.

Tumabi si April sakin at ngumiti.

"Su-Sumali ka pala?"

Namula siya, "Oo. Sorry ah? Ngayon magkalaban na tuloy tayo." Yumuko siya. "Di ko
kasi kayang mag isa sa cheering squad."

Tumango na lang ako at tinignan ang bulung-bulungan ng schoolmates namin.

Pagkatapos nun ay di ko na ulit nakita si Jacob o si April kaya umuwi na lang ako
pagkatapos naming mag usap ni Mrs Gonzalo tungkol sa presentation ko sa talent
portion.

Pero bago ako makalabas sa gate, nakita ko sina Leo na para bang may hinihintay.
Ilang sandaling paglalakad lang ay namataan ko naman si Jaco na may kausap. Siguro
yung hinihintay nina Leo ay si Jacob.

Nasa hagdanan sila nag uusap. Naka sandal si Jacob sa pader at si April naman ay
nakatayo sa harapan niya, nakayuko.

"Sorry Jacob." Lumapit ako para makinig. "Sumali ako. Alam kong magagalit ka-"

"Hindi, April. Okay lang. Maganda nga yan at sumali ka. Dadami ang kaibigan mo."
Sabi ni Jacob.

Napabuntong-hininga si April at, "Hi-Hindi ka galit?" May tono ng disappointment sa


boses niya.

"Huh? Ba't naman ako magagalit." Ngumiti si Jacob. "Pano? Alis na kami! good luck
sa Ms Intrams."
Narinig ko ang footprint ni Jacob kaya tumakbo na ako palabas ng gate at pumara ng
tricycle. Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang huramentado ng puso ko ngayon.
Kung kinakabahan ako noon tuwing papalapit siya, ngayon naman parang aatakihin na
sa puso at mahihimatay.

Dumapo ang kamay ko sa labi ko. Its that kiss. One swift kiss.

Kabanata 20

Ang Apelyido

Nahirapan na naman ako sa pagtulog. Dalawang gabi akong halos di makatulog ng kahit
isang minuto. Ganun na ba ako kalala? Tuwing tinitignan ko si Jacob sa school na
tumatawa lang kasama sina Leo at ang buong banda ay narealize kong ako lang pala
ang naapektuhan doon sa kiss namin.

Wala na kaming pasok sa pag peprepare ng intramurals kaya di kami nagkakasalubong


ni Jacob. Either nasa practice siya ng basketball o banda habang ako ay
nagpapractice sumayaw at maglakad para sa Ms Intramurals.

"April! Ayusin mo naman yung lakad mo!" Sigaw ni Mrs Castro habang umiirap sa
awkward na lakad ni April.

Twelve kaming contestant at siya yung halos araw-araw na pinag-iinitan ni Mrs


Castro.

Narinig ko pang bumulong si Mrs Castro sa kay Mrs Gonzalo, "Wala ka na bang ibang
mahanap sa 6th years? Ang lamya nitong si Valdez." Habang umiiling at tinitignan
ang hiyang-hiya na si April.
Napalunok ako at naawa ng sobra sa kanya. Wala kasi sa ugali niya ang maging
confident... kasalanan din naman ng mga tao dito dahil lagi nilang pinag iinitan si
April eh. Kung sana ay mas lagi nila itong pinupuri ay baka mas madagdagan ang
confidence niya at mas bubuti ang performance niya.

"April! Ang galing mo na!" Sabi ko sa kanya nang natapos kami sa huling practice.
Bukas na kasi magsisimula ang intramurals at bukas narin kami mag cocontest!

Sumimangot siya at yumuko. Nag alisan na yung ibang contestants. Nagmamadali para
ma settle na yung gown at costume nila sa talent portion.

Ilang sandaling katahimikan at di niya na napigilan ang luha niya, "Hindi, Rosie!
Alam kong hindi ako magaling! Tinry ko lang naman eh!" Humikbi siya. "Baka sakaling
maging okay yung paningin nila sakin."

Yayakapin ko na sana siya pero biglang may umagaw sa braso niya.

Napatingin ako sa gwapong pagmumukha na tumambad sakin. Si Jacob. Concerned kay


April at siya na mismo ang yumakap dito. Nalaglag ang panga ko, simula nung
hinalikan niya ako ay di ko na ulit siya nakita ng ganito ka lapit. Nainis ako kaya
binalewala ko siya! Anong problema nito? Ewan ko sa kanya! Tama na yung pagiging
puyat ko sa kakaisip ko sa kanya. Di ko na kayang mag isip pa sa kanya tuwing
nandito ako sa school.

Sumimangot ako sa nasaksihang pagyakap kay April.

"Jacob!" Sabi ni April sa balikat ni Jacob habang umiiyak at humihikbi.

Kumalas si Jacob para harapin ako. Seryoso ang mukha niya at nagkasalubong ang
kilay. Nainis ako sa titig niya sakin. Para bang pinaparatangan niya ako ng
kasalanang di ko naman ginawa.

"Inaway mo ba siya?" Tanong niyang ikinabigla ko.

Sumiklab ang galit ko sa tanong niya. Halos umusok talaga yung tenga ko. Uminit
yung buong sistema ko sa inis.

WHAT THE HELL? Pagkatapos niya akong hinalikan? Pagkatapos kong mag aksaya ng mga
oras para pag isipan kung ano ba talaga yung nangyari samin at ba't di niya ako
pinapansin ay paparatangan niya ako ng ganito?
"Hindi!" Tinignan ko si April pero di siya nagsalita. Humihikbi lang siya. "Bakit?
Mukha ba akong nang-aaway sa kanya!? YAYAKAPIN KO NA SANA PERO DUMATING KA!" Sabi
ko at sobrang galit na.

Hindi siya nagsalita. Tinignan niya muli si April at tinahan.

"Jacob, really? Ganyan naba talaga ang tingin mo sakin?" Umirap ako.

"Nagtatanong lang naman ako ba't guilty ka!?" Tumaas ng konti ang tono ng boses
niya.

Mas lalong tumaas ang altapresyon ko pagkadinig ng mataas na boses niya, "DI KA
NAGTATANONG! INAAKUSAHAN MO AKO-"

"Tama na, Rosie..." Nakapagsalita pa si April pero di niya man lang ako
pinagtanggol.

Letseng buhay! Hayop na lalaki! At nakakainis na pangyayari!

Umalis ako. Nag walk out. Di ako sinundan ni Jacob.

Sa kabwesitang ginawa niya ay na frustrate ako. I swear to God, I've never been
this frustrated before.

Noong kami ni Callix, smooth lahat. Nagconfess siya, nanligaw, sinagot, maraming
date, hanggang sa boom! Niyaya niya akong makipagsex pagkatapos ng halos tatlong
buwan. Doon lang ako na frustrate. Hindi ako na frustrate sa mga nagkakandarapang
babae sa kanya. Na frustrate ako dahil niyaya niya ako sa kama ngayong ayaw ko at
natatakot ako. Mahal ko siya pero kailangan niyang maghintay kung mahal niya ako
pero boom na naman! nakipabreak dahil di niya kaya.

Pero ngayon? Si Jacob, tatlong buwan na kaming... seatmates... classmates...


friends? Pero sobra-sobra na ang nararamdaman ko. Sa inis ko di ko na mapigilang
umiyak habang nakahiga sa kama. Hindi ko din napigilang humikbi ng tatlong beses.
Hindi ko nga lang alam kung naririnig ako ni Maggie.

Umiiyak ako? The night before the contest!? Ugh! Kasalanan ko na rin siguro. Unang
kita namin ni Jacob agad kong hinusgahan ang pagkatao niya - Na magsasaka lang
siya... Alam ko, masama yun. Hindi ko naman alam na after a few months ako yung
iiyak dito sa sakit pag siya naman ang manghuhusga.

"Rosie!? Anong nangyari sayo!" Sabi nung kaibigang bading ni Auntie Precy habang
minimake-upan ako dito sa bahay.

Nag reready na kami para sa contest. Puyat ang mukha ko sa kakaiyak kagabi.

Buti at di na ulit ako tinanong tungkol sa mukha ko pagkatapos kong minake upan.

"Tayo na!" Sabi ni Auntie Precy pagkatapos naming mag ready.

Kasama si Maggie, Mama, Papa, Auntie Precy at Jun (yung make up artist kong bading)
papuntang school.

Maingay at masaya ang school pagdating namin. Nandoon na yung iba pang candidates,
parehong naka 'costume' para sa 'talent'. Si April ay mag babasketball daw pero
wala pa siya.

Yung ibang estudyante naman ay kundi nakatingin kay Maggie ay nalalaglag naman ang
panga sa kakatingin sakin. Nginingitian ko na lang lalo na yung mga lalaking
nagsasabi ng... "Sure na! Si Aranjuez! Simula palang wala ng binatbat yung iba."

Tinignan ko ang paligid at hinanap si April o di kaya si Jacob, Nakita ko si Jacob


na hayun at kasama ulit at katawanan ang kabanda doon sa field. Nasa likuran
nakasabit ang guitar niya at nainis naman sa sarili ko sa kakatitig sa kanya.

May ilang babae pang lumalapit sa kanya at parang hinahand-cuffs siya or something.
May marraige booth siguro? Nagtilian yung mga nakakita. Umirap na lang ako. Sino
naman kayang ikakasal sa kanya? Nakita ko sa malayo ang isang pulang-pulang first
year na babae malapit sa marraige booth. Umirap ulit ako at tumigil sa pagtitig sa
kanya. Ni hindi niya ako tinignan. Ni hindi niya chineck kung nandito na ako. Pero
bkit niya ako hinalikan noon? Bakit niya ako pinigilang sumali? Kaya ba di niya ako
pinapansin dahil di ko siya sinunod? Pero ang harsh niya talaga sakin kahapon!

"Rosie! Smile!" Sigaw ni Maggie habang niclick yung camera.

Sumimangot siya nang nakitang di ako ngumingiti.

"Ayan na! Magsisimula na!" Sabay turo niya sa stage.

Nandoon na si Mrs Castro, nag welcome address na ang principal at isa-isang tinawag
ang mga candidates. Walang April na tumambad sa madla. Hindi siya dumating!? Bakit?
Tinignan ko si Jacob at nakitang may kausap sa cellphone niya. Of course! I'm sure!
Si April yun!

Nag talent portion na at sobrang kaba ko na, wala paring April na dumating! Tinawag
si April, pero walang dumating. Tinawag ako, nag perform ng iilang spikes at
nagpopose at ngumingiti kasama ang bola, walang April na dumating. Naghiyawan ang
lahat.

"ARANJUEZ! ROSIE!"

"ROSEANNE! GANDA MO! GALING! THE BEST!"

Pumalakpak sila at sigurado akong yung palakpak na natanggap ko ang pinaka malakas
sa lahat.

Bago ako umalis ng stage, lumingon ako kay Jacob na... kahit kailan ay di tumingin
sakin habang nag peperform ako. Para bang wa epek yung beauty at charm ko kahit ang
buong audience ay isinisigaw na ang pangalan ko.

"ROSIE! KAY GANDA MO TALAGA! I LAB U!" Sigaw nung isang 4th year.

"THAT'S MY SISTER! YOU GO GIRL!" Sigaw ni Maggie bago ako umalis ng stage.

Si Maggie talaga. Todo support! Tumatawa na lang sina mama at papa pati si Auntie
Precy. Pati ako natawa na rin. Pero di ko alam na pagkatapos ng tawa kong yun ay
hindi na ako makakatawa pang muli.

"Ehe-Ehem... Sorry for the interruption, but the contestant number 11 is here...
Ehe-Ehem..."

Napatingin ako kay Mrs Castro na may tinatawag galing back stage. Natahimik din ang
audience at tinignang mabuti ang stage.

"Ladies and Gentlemen, April Valdez! Contestant number 11!"


Nalaglag ang panga ko nang nakita si April... Chinita at maganda ang mga mata, naka
lugay ang straight, itim at shiny na buhok, walang nerdy glasses, pink yung labi,
exposed ang magandang kutis, maiksi ang shorts na may nakalagay na number 20, may
dalang bola at... at... jersey... lunok... jersey na sa likuran ay... lunok...
kahit sa puntong ito ay di na makalunok dahil may parang bato sa lalamunan ko...
ang jersey... sa likuran ng jesrey... ay may apelyidong... Buenaventura.

Kabanata 21

Anak ni Juan Antonio

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni April. Ang ganda niya! Sobra! Hindi rin
makapaniwala ang audience. Si Jacob naman ay nakatingin lang kay April... Ni hindi
kailanman dumapo ang mata niya sakin lalo na nung nag long gown na kami.

"ARANJUEZ PARIN! GANDA! NATURAL! KAHIT WALANG MAKE UP MAGANDA!" Agad kong hinanap
ang mga lalaking nagsabi nun.

Gusto kong yakapin sila... It made me feel better. Kahit na alam kong naliligalig
na ang puso ko. Si April na maganda, si Jacob na galit at di makatingin sakin, ang
Buenaventura na jersey ni April kanina.

Narinig ko pa si Auntie Precy nang nakita niya ang jersey, "Sila na ba ni Jacob?"

Hindi ako sumagot.

Narinig ko din ang mga audience, "Shet ang swerte ng nerd na yan! Sarap magpakanerd
din kung si Buenaventura din makakatuluyan."

Hindi ko namalayang kanina pa ako nakasimangot sa stage. Nakita ko si Maggie na


ini-stretch ang mga labi nya at tinuro ako kaya sinubukan kong ngumiti pero wala
eh... fake smile lang ang kaya. Kumaway na rin ako para mas makatotohanan.

"And the winner for the miss intramurals is... candidate number..."

Hindi ako kinabahan. Manhid na ako. Kanina ko pa tinitignan si Jacob na nakatingin


kay April at nag che-cheer, nag whi-whistle at sinisigaw yung pangalan niya.
POTA! AYOKO NA! BWESIT! Tumulo talaga ang luha ko sa magkabilang pisngi ko...

"Candidate number 12! Ms Roseanne Aranjuez!" Nag dagsaan silang lahat sakin.

Yung taga-bigay ng sash, crown, flowers, trophy, frame, si mama at papa, si auntie
Precy, si Maggie, si Mrs Gonzalo at Mrs Castro.

"OH MY GOD SIS!" Sabi ni Maggie at malaki ang ngisi. "You won!"

Pero grabe yung luha ko... parang gripo kung tumulo.

"Wa'g kang umiyak, di pa naman 'to Ms Universe!" Tumawa si Maggie.

Tumawa din ako at pinilit ang ngiti sa sarili ko habang nag pipicture. Hindi
nakapasok si April sa tatlong runner ups.

"Rosie, mauna na kami sa bahay ah? Bilisan mo dyan nang makapagcelebrate tayo sa
bahay." Sabi ni mama pagkatapos kong mag bihis.

"Opo." Tsaka ko naman nakita si April na umiiyak at pinapalibutan ng mga kaklase ko


at ibang namangha sa kanya kanina.

Mamayang hapon ang cheering competition at tutugtog daw sina Jacob. Ngayon, iniisip
ko kung pupunta ba ako o hindi. Hindi naman kailangang pumunta (dahil ms
Intramurals ako) pero... ewan ko ba.

"April." Lumingon lahat nang nandoon sakin.

Hindi ako sigurado kung galit ba sila sakin o natural lang talaga yung mga titig
nila.

Naaninaw ko ang mukha ni Jacob, bahagyang nakabukas ang bibig niya habang
nakatingin sakin pero nasa likod ni April ang kamay para itahan siya sa pag iyak.
Agad niyang sinarado ang bahagyang nakabukas na bibig. Napatingin ulit ako sa
magandang si April na umiiyak.

"Sorry." Sabi ko.

Umiiling siya nang papalapit ako, "Okay lang. Akala ko kasi pwede na akong manalo
ngayong ganito." Aniya.

"Akala ko din eh." Nakita kong sumimangot si Jacob. "I mean... ang ganda-ganda mo
at ang galing-galing pa... "

Nagsitanguan ang mga nakapalibot sa kanya.

"Nga pala, Congrats Rosie." Sabi nung isa kong kaklase.

"Oo nga! Sobrang ganda mo! Papicture nga?!"

Tapos ayun, nakita kong nanlisik ang mata ni Jacob sakin at dahan-dahan silang
umalis ni April. Actually, kahit napapalibutan ako ng sobrang daming 'fans' ngayon
parang naiinggit parin ako kay April. Kasi naman, kasama niya si Jacob at maraming
nakiramay sa kanya. Para bang sa biglaang make over niya at sa biglaang pagkatalo
ay nakuha niya ang loob ng mga tao.

"Hmp! Pa epek pa yung bruhang April na yun! Paiyak-iyak! Ang sabihin niya lang ay
ginagamit niya si Jacob!" Narinig ko si Eunice na hinahampas yung ilang lockers sa
lockeroom habang nag bibihis ng costume nila. "Kainis! Bruha! Kainis! May pa jersey
jersey pa siyang nalalaman! Kainis!"

Damang dama ko sa pinagsasabi at pinaggagawa niya ang pareho naming damdamin. Well
except dun sa ginagamit na yun. Ginagamit ni April si Jacob? Paano?

Umuwi ako sa bahay at kumain kami ng marami. Parang pyesta lang ah! Pero nang nag
ala una na, agad akong umalis kahit di ko naman feel. Pinilit ko si Maggie na
sumama pero umayaw siya dahil tatawag daw si James mayamaya.

Dumating ako ng school na sa labas palang ay may mga kartolina at mga plakards ng
JACOB akong nakita. This is a bad idea after all. Kita mo na? Sinisigaw pa ang
pangalan niya sa mga plakards na yun!

"Uy! Rosie! Congrats!" Sabi nung isang classmate ko.


Tumango lang ako at ngumiti.

Nakita ko sa bleachers ang iba't-ibang contestants ng cheering competition. Halos


lahat ng nandito ay contestants din at damang dama ko yung saya ng lahat. Maingay
at masaya.

May kumakanta sa stage na isang bandang babae ang vocalist. Pero lahat ng tao at
halos lahat ng pangalang nakikita ko sa ere ay kay JACOB. Ang dami dami niyang
fans! Ang sikat sikat niya. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga masasamang
sinabi niya sakin, masakit, pero mas nangingibabaw parin yung halik niya.

Natapos yung isang banda at mas lalong humiyaw ang mga tao. Tumalon si Jacob at ang
mga kasama niya sa banda at sobrang naghiyawan ang lahat.

"JACOB JACOB JACOB JACOB!" The crowd's chant.

Sa sobrang lakas ng tili halos mapatakip ako sa tenga ko. At di ko din alam kung
bakit masakit... masakit dahil malakas o masakit dahil pangalan niya.

"Hello!" Sabi ni Jacob sa microphone, nakangiti na sa lahat ng nahihiyawan.


"Patikim lang 'to ah? Pagkatapos na ng cheering tayo mag o-all out." Nawindang ang
lahat sa kindat niya.

Aray ko po, halos matamaan ako ng siko dito dahil sa hiyawan at panggigigil ng mga
katabi ko.

Nagsimula siyang mag strum sa guitar, kasabay din nito ang pag papiano nung isa pa
nilang kasama na si (Teddy)... nanlaki ang mata ko nang narealize ko kung anong
kanta ito. Matagal niyang sinimulan at naramdaman kong sinadya ni Teddy ang
pagpapatagal ng intro dahil sa sumunod na sasabihin ni Jacob.

"This song... is dedicated to someone... who's making me confused." Hindi ko alam


kung guni-guni ko lang yun o ano pero tumingin ang seryosong mga mata niya sakin
bago pumikit para kantahin ang intro. Sino naman kaya yung nagpapaconfuse sa kanya?
Si April? "Kinanta ko na 'to sa kanya isang araw... at ipaparinig ko ulit sa kanya
ngayon."

"We'll do it all... Everything...On our own." Tumili ang lahat.


Laglag naman ang panga ko... Ayoko nang maging assuming. Akala ko noon ako yung
gusto niya... akala ko noon, concerned siya sakin, akala ko noon totoo yung halik
niya pero nitong mga nakaraang araw... Hindi na ako mag aassume. Hindi na ako
maniniwala sa mga vibrations ko lang... Kung totoo yun, sasabihin niya yun.

Biglang umamba ang mga luha sa mga mata ko. How could this... stupid... stupid
farmer affect me this much, huh? Ni walang makapasa sa standards ko doon sa
Maynila. I get that he's cool, charming and handsome but he's stupid!

GRRR!

Parang nalasing ang madla at di pa makaget over sa konting patikim nina Jacob.
Gusto pa nilang kumanta siya ulit pero di na pwede kasi nandoon na si Mrs Castro at
naghihintay na humupa ang hiyawan para simulang ang competition.

"A-Anong pangalan ng banda na yun?" Tanong ko sa di ko kakilalang bumubungisngis na


fanatic nina Jacob.

"HUH?" Parang na insulto ko siya sa tanong na yun pero sinagot niya parin ako,
"Jacob! Ano pa ba?"

"Huh?" Ako naman ngayon ang parang nainsulto.

"J-A-C-O-B! Jacob yung pangalan ng banda nila! Kasi nga diba, bokalista nila ang
gwapong gwapo na si papa prinsipe Jacob?"

Umiling ako at umirap sa kawalan. Prinsipe? Prinsipeng masahol ang ugali... parang
anong narating sa buhay eh wala pa namang nararating. Pabuhat-buhat ang ng kahoy-

"Dito tayo Jacob! Nandito si ms Rosie Aranjuez!" Narinig ko si Leo sa likuran ko at


agad tumabi sakin.

Oh my god! Si Jacob ay seryosong tumabi naman kay Leo. Alam kong ayaw niya pero
tumabi parin siya kasama ang kabanda. Dinagsa din siya ng congratulations galing sa
schoolmate-fans niya. Tapos naisip ko naman kung nasaan si April? Kung ano ba
talagang tunay na nangyari... Pero dahil sa inis ko sa kanya, di ako
makapagtanong... Ayokong mamansin sa kanya... At ayokong nandito siya sa paligid
kaya umalis ako.

"Excuse me." Sabi ko kay Leo.

"O san ka pupunta?" Tanong ni Leo.


Napatingin si Jacob sakin.

"Aalis. Uuwi." Sabi ko.

"Huh?" Tumaas ang kilay ni Leo.

"Bakit? Dahil tapos na kaming tumugtog? Yun lang ba ang pinunta mo dito? Fanatic ka
na rin?" Ngumisi si Jacob at para bang nagyabang sa mga kabanda niya.

Tumawa naman sina Leo.

Lumapit ako sa kanya. Salamat Lord at busy ang lahat sa cheerin kaya walang malay
ang madla sa gagawin ko ngayon...

Tinulak ko ang dibdib niya at agad napawi yung tawa niya.

"Ang feeling mo! Para kung sino kang gwapo! Kala mo kung sinong magaling!"
Nagbabanta na ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ba't ginagawa ko 'to.
Laglag ang panga ng apat na kabanda ni Jacob. Seryoso naman ang mukha ni Jacob
ngayon. "Hoy! Hindi kita kita gusto! Hindi mo ako fan! Kahit aso hindi kayang
kainin yung masahol mong pag-uugali!" Sigaw ko.

Nakita kong sumiklab ang galit sa mga mata niya, "Kung makapagsalita ka rin kala mo
ang bait mo ha? Kala mo santa?! Eh walang hiya Rosie pero mapanghusga ka!"

OH MY GOD! SARAP MANAPAK!

Tinulak ko ulit ang dibdib niya, "Anong problema mo, huh? Alam kong di ako santa
pero sino sating dalawa ang bigla na lang nanghahalik pagkatapos akong pagbawalang
sumali sa Ms Intrams ha? Diba ikaw yun?"

Pumula ang pisngi niya at napatingin sa halos mas lumaking mga bibig ng mga
kabanda.

"O hayan! Nahiya ka sa sarili mo noh? May pagalit-galit ka sakin ngayon eh ikaw
naman siguro itong may gusto sakin!? Makapagyabang ka akala mo kung sinong ang
yaman yaman! Bwesit! Dyan ka na!" Tinulak ko kaya napaupo siya sa upuan at
speechless.

YES! I WON!
"Rosie..." Sabi ni Leo. "Kilala mo ba kung sinong kausap mo?"

"Leo! Shut it!" Sigaw ni Jacob.

"Bro... she doesn't know anything?"

Napalingon ako kay Leo at biglang bigla sa pag eenglish nila.

"Leo! Wa'g na!" Sabi ni Jacob.

"Ano?" Hinintay ko si Leo na magsalita.

"Wa'g na! Tayo na! Alis na tayo!" Sabi nI Jacob pero hindi niya napigilan si Teddy.

"Anak siya ni Juan Antonio Buenaventura. Yung may ari ng J.A Foods at Kampo Juan.
Kaya literally speaking, mayaman nga siya..."

Napasinghap si Jacob at umalis samantalang ako naman ngayon ang may pangang
nalaglag sa bigla.

"At... tama ba yung narinig ko?" Si Teddy na lang ang nas tabi ko ngayon.
"Hinalikan ka niya?"

Kabanata 22

Edi Sumasakay

Umiyak ako sa bahay... gabi-gabi... Bwiset na Jacob! Buong intrams di ako pumunta
sa school dahil sa Jacob na yun. Mabuti na lang at di required ang mga candidates
ng ms Intrams. Pero alam ko namang kahit di kami required ay nandoon si April para
suportahan ang walang hiyan kumag na yun.

Nalaman ko din kay Auntie Precy na si Jacob nga ang anak at tagapagmana ng lahat ng
ari-arian ni Juan Antonio.
"Patay na ang mama ni Jacob. Silang dalawa na lang ng papa niya at only child siya
kaya natural lang na kanya na ang lahat." Aniya.

"Pero bakit ko siya n-nakikitan nag bubuhat ng mga kahoy na parang... magsasaka?"

"Haay Rosie. Tumutulong siya sa ma tao ng farm nila syempre."

"Yung buong banda nina Jacob ay puno ng mayayaman. Kilala mo ba si Leo Yu?" Tumango
ako sa tanong ni Auntie Precy. "Mayaman din yun. Si Teddy, Ron, at Louie ay puro
mayayaman. May ari ng Alps at iba pa. Kaya nga maraming fans yung ga yun dito. Alam
mo kasi... wala namang private school dito sa Alegria kaya wala silan choice kundi
pumasok sa public. Bilib din ako sa mga batang yun. Lalo na kay Jacob, napaka down
to earth. Ah! Pati din si...Ramirez? Eunice Ramirez, yun maganda? May ari sila ng
Trucking services dito sa Alegria."

Napalunok ako, "si April Valdez?"

Tumaas ang kilay niya, "Valdez? Yung anak ni Mang Kaloy?"

"Basta... yung kasali sa Ms Intrams na nahuli?"

"Yun nga... Anak ni Mang Kaloy... Bakit? Magsasaka si Mang Kaloy at nagtatrabaho
yung mama niya kina Jacob."

Hindi ko parin talaga matanggap na mayaman si Jacob. Hindi ko kayang humarap sa


kanya ngayon. Alam kon kailangan kong mag sorry pero ayaw ko namang mag sorry sa
kanya ngayong ganito kaming dalawa.

Pansing-pansin na ni Maggie (at maging ni James) ang pagiging matamlay at kawalan


ng gana ko sa bawat araw na lumipas. At tadaaah!!! Balik-eskwela na agad!

Nininerbyos ako papuntang classroom sa unang araw pagkatapos ng Intrams. Hyper pa


ang mga tao at puno pa ng hang-over sa intrams. 6th years daw ang overall
champions. Pagkapasok ko ng classroom, nandoon na si Jacob at nag s-strum ng guitar
niya kausap si Leo. Nang nakita ni Leo ang pagdating ko, humalakhak siya at umalis.

"Jacob..." Lumunok ako nang nagkatagpo ang mga mata namin.

MAG SOSORRY LANG AKO AT TAPOS NA! YUN LANG!

Pero bago pa ako makapagsalita, tinalikuran niya na ako at umalis. Bumalik lang
siya nang nakarating na ang first period teacher namin. Di ko na ulit siya kinausap
buong araw. Leche! Kainis! Parang tanga lang ako ditong sumusulyap-sulyap sa kanya.
Pag may joke ang teacher ngumingiti siya tapos pag wala naman ay seryoso siya. Ni
hindi niya pa ako natignan kahit isang beses sa araw na 'to.
Nang dinismiss na kami sa araw na yun, nagdagsaan ang mga kaklase ko sa labas at
nakita ko si April na hinihintay si Jacob malapit sa pintuan. Tapos na ako sa
paglilipit ng gamit pero sinadya kong magpaiwan para makausap.

"Jacob." Di niya parin ako pinapansin. "Jacob, kausapin mo ako."

Linagay niya ang mga papel at ballpen sa bag niyang NIKE, bakit noon di ko nakikita
masyado ang mga gamit niya, hindi ko narealize na kung anak siya ng magsasaka, ba't
may magandang guitar siya? Ba't may mamahaling bag? Ba't mamahalin ang sapatos?
Bakit may gold necklace siya? Ngayon lang ako natauhan.

"Jacob-"

"Wala naman tayong dapat pag usapan pa, Rosie." Mahinahong sinabi niya at
tinalikuran ako for the nth time!

Hinila ko ang braso niya kahit halos di ko naman siya mahila pero tumigil siya at
hinarap ako. Nakita kong bahagyang nabigla siya sa ginawa ko at sa ekspresyon ng
mangiyak-ngiyak kong mukha.

Biglang kumulog at kumidlat sa labas kaya nagsigawan ang mga OA na estudyante.

"I'm sorry. I'm sorry kung hinusgahan kita noon. I'm sorry. yun lang ang gusto kong
sabihin. Kung di mo man ako mapatawad, maiintindihan ko kasi kasalanan ko naman-"

"Bakit ka nagsosorry sakin? Siguro gusto mo lang yata akong maging boyfriend dahil
mayaman ako? Nagpapapansin kana ngayong nalaman mong mayaman ako?"

AT PAK! Bwiset ka huh? Sinampal ko na kaya hayan at natulala siya sa lakas ng


sampal na tinamo niya. Buti at natulala siya at di niya tinititigan ang mukha ko na
puno ng luha ngayon.

"OO! MAPANGHUSGA AKO PERO HINDI KO KAILANMAN NAGUGUSTUHAN ANG ISANG TAO DAHIL LANG
SA YAMAN NIYA, JACOB! Ang sakit mong magsalita!"

Dini na dinig ng mga estudyante sa labas ang sigaw ko kaya napatingin sila sa loob.
Yung iba na weirduhan, yun iba naman ay walang pakealam. Si April na kanina pa
nakatingin samin ay umambang papasok pero pinipigilan ang sarili. Narinig ko ang
mabilis at malakas na hininga ni Jacob.

"Nagpapapansin ka nga! Pwes sorry ka na lang pero hinding hindi ako mahuhulog sa
mga tulad mong..." Natauhan yata kaya itinigil ang pagsasalita.

I swear to od, I've never cried this way before. Halos hinilamos ko ang luha ko.
Wala na akong lakas para sampalin siya ulit. Tinulak ko siya...

"Dyan ka na nga!"

Pero di siya natinag Nag walk out ako at naramdaman ko ang pagsunod niya pero di
ako lumingon. Di ko pinansin ang mga taong nakiusyuso sa pag iyak ko.

Bwiset! Pwede bang bumalik na lang ulit ako ng Maynila? Di bale ng mag struggle ako
sa kakaharap kay Callix! Di bali na basta wa'g dito sa harapan ni Jacob!

"Jacob, sabay na tayo. May payong ako." Sabi ni April sa malayo.

Nakarating ako ng gate at waiting shed nang di nagpapayong sa gitna ng ulan.


Chineck ko sa bag kung may payong ba ako pero wala. Mabuti na rin to nang di
mapansin ni mama at papa ang pag iyak ko pagkarating ng bahay.

Pumara ako ng tricycle at agad nang sumakay. Sobrang lakas ng ulan na sa halos
limang segundo kong paglalakad at basang basa na agad ako.

Pagkapasok ko sa tricycle, may pumasok ding may pamilyar na amoy, pamilyar na


pakiramdam, pamilyar na bag, pamilyar na katawan at tumabi sakin sa tricycle.

Unti-unti kong tinignan ang mukha niya at nabanta ulit ang luha ko nang nakitang...
si Jacob ito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ano pa ba edi sumasakay?" Galit na sinabi niya. "Manong kina Aranjuez." Sabi niya
sa driver na walang pakealam samin.

Basang-basa din siya sa ulan kaya inaayos niya ang buhok niya.
"Ba't ka nandito? Sana sumabay ka na lang kay April may payong siya." Sabi ko at
nabasag ang boses.

Tumingin siya sakin. Tinitigan niya ako na para bang ang tagal mula ng di niya ako
natignan, "Ihahatid kita."

Pagkatapos niya akong saktan ng todo ay ganito na lang siyang bigla? Mahihimatay na
yata ako.

Kabanata 23

Bumuhos ang Lahat

Bumaba agad ako ng tricycle pagkarating sa kanto. Parang di umuulan kung


makapaglakad ako sa bilis. Ayaw kong makausap o makita ang pag mumukha ni Jacob
pero hinila niya ang braso ko at hinarap niya ako.

"Rosie, sandali lang-"

"ANO JACOB?" Sigaw ko sa mukha niya.

Basang-basa na rin siya sa ulan at sparkling na pati mukha niya. Sobrang gwapo kaya
mas lalo akong naiinis dahil kahit galit ako sa kanya, nagawa ko paring puriin ang
mukha niya.

"Bitiwan mo nga ako!" Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"I'm sorry! I'm sorry!" Aniya.

"I'm sorry mong mukha mo! Tingin mo sa daming masasamang sinabi mo sakin
matatanggap ko yung sorry mo? Jacob, di ako matalino pero di rin ako tanga!" Hayun
nagsilabasan na ang maiinit na luha sa mga mata ko.

Mabuti at umuulan parin kaya di niya makita ang luha ko.

"Tingin mo ako lang yung mapanghusga? Oo! Hinusgahan kita, Jacob! Hinusgahan ko ang
pagkatao mo! Pero hinusgahan mo rin ako kaya kwits na tayo!"
"I'm sorry! Alam ko. Oo... kasalanan ko. Pero nakakainis ka eh! Nakakainis yung pag
sali mo sa Ms Intrams! Hindi ko alam pero naiinis ako-"

"BAKIT? Anong problema sa pagsali ko dun!? Diba ikaw ang nagtulak sakin sa pagsali?
Anong kinalaman nun sa pagkatao mo? Wala naman diba? Sumali ako dun dahil yun ang
suggestion mo tapos ngayon... ngayon iniinsulto mo na-"

"KASI AYOKONG MAY IBANG MAKAKITA SA NAKITA KO SAYO!"

Anong nakita niya sakin? Yung mukha kong maganda?

"Wala ka ng magagawa Jacob, nakita na nila! At sino ka ba sa akala mong may


karapatang pagbawalan ako sa kahit anong gusto kong gawin?! Tsaka! Maganda naman si
April ah! Siya na lang kaya ang wa'g mong ipakita? Hindi ako bagay na pwede mong
itago, Jacob! At mas lalong di mo ako pag aari kaya wala kang karapatan!" Tinulak
ko siya sa galit ko.

"Rosie, I'm sorry." Natigil ako sa paglalakad dahil niyakap niya ako galing
likuran.

Napapikit ako sa init ng yakap niya, sa bango niya, at sa feelings niyang agad kong
naramdaman ngayon. Pero kahit ganun, mas nangingibabaw parin ang galit ko. Tinulak
ko siya pero ayaw niyang magpatulak sakin. Nanatili siya sa position niya.

"Jacob!" Sigaw ko habang tinutulak siya.

"Hindi ko alam kung paano 'to. Di ko na alam kung paano natin maibabalik yung
dati... o kung maibabalik pa ba natin yun." Bulong niya sakin.

Mahigpit parin ang pagkakayakap niya.

"Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sarili kong emosyon, Rosie. This is my
first time... I've never felt this way before..."

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang paghina ng yakap niya kaya kinalas ko
ito at hinarap siya. Di siya makatingin sakin. Basang-basa ang buhok niya, ang
mukha, ang katawan... at pula ang kanyang mga mata.

Ayun na naman at dinig na dinig ko ulit ang malakas ng kabog ng dibdib ko...

"ROSIE?" Sigaw ni Auntie Precy sa malayo. May dala siyang payong.


Tumakbo siya nang nakita kaming dalawa ni Jacob.

"Ros- Jacob?" Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang si Jacob ang kasama ko. "Ano
ba naman kayong mga bata kayo! Pasok sa loob! Bilis! Jusko! Pasok!"

Wala kaming nagawa kundi pumasok sa BAHAY NI LOLA.

"Jusko naman..." Sabi ni Auntie Precy habang pumuntang kusina.

Lumabas si mama, papa at Maggie galing kusina. May dala ng tuwalya si Auntie Precy,
si mama at papa naman ay kumuha ng mainit na tubig at tsokolate para mainom namin.

Nakita ko ang nakakainis na ngiti ni Maggie sa mukha niya habang tinitignan kaming
dalawa ni Jacob.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" Tumaas ang kilay niya.

"Wala! Maliligo lang ako-"

"O heto, inumin niyo." Sabi ni mama samin ni Jacob at tumaas yung kilay niya sakin.

HA? - Yun yung ekspresyon ko pero nginuso niya si Jacob. OH GREAT! YEAH RIGHT! Bago
ko pa siguro nalaman ang estado sa buhay ni Jacob ay alam na yun ni Mama. Obsessed
yan sa mga mayaman eh kaya malamang kilala niya lahat ng mayaman dito sa Alegria.
Saya saya niya siguro ngayong nakapagdala ako ng mayaman dito sa bahay namin. AT
LAST! Yayaman na kami! GRRRR!

"Eto si Jacob. Kaklase ko." Malamig na sinabi ko.

"Pasensya na po sa abala. Jacob Buenaventura." Naglahad siya ng kamay kay Mama.

Si mama lang siguro ang di niya pa kilala dahil si papa ay tumatango na sa kanya.

"Anong ginagawa niyo sa labas at nagpapaulan kayo?" Inosenteng tanong ni Auntie


Precy.

"Hinahatid ko po si Rosie dito. Pareho po kaming walang dalang payong."


CONFIRMED sa laki ng O sa bibig ni mama ang relasyon namin ni Jacob kahit wala
naman talaga. Bwiset! Ba't niya pa kasi sinabi yun?

"Hinatid?" Tumaas ang kilay ni mama.

"Oo. Gumawa kasi kami ng thesis." Sabi ko para di na sila dirty-minded.

Pero di parin natanggal ang ngisi sa bibig ni mama.

"Maliligo at magbibihis lang ako." Sabi ko.

"Rosie..." Sabi ni Maggie sakin. "Mabuti pa pahiramin mo si Jacob ng damit ni James


dun sa taas at Jacob... magbihis ka... magkakasakit ka niyan." Sabi ni Maggie tapos
umalis para kunin siguro yung damit ni James.

"Wa'g na. Okay lang ako." Sabi ni Jacob.

Pero di na narinig ni Maggie.

Pinaupo ni mama at papa si Jacob at nagsimula ng mag interrogate. GRRR! Naligo ako
at agad nagbihis. Natatakot ako at baka may maitanong si mama na masyadong weird sa
panlasa ni Jacob kaya ayun. Pagkabalik ko naman, nakabihis na si Jacob ng isang
damit ni James. Nung si James ang nagsoot nito, okay lang yung paningin ko, ngayong
si Jacob na? Naiinis ako! Naiinis ako kaya di ko na tinignan. Sobrang gwapo niya
kasi kaya di ko tinignan at baka mapuri ko pa ang walang hiya.

Tinitigan niya ako habang sumasagot sa tanong ni mama at papa.

"...papunta na dito..."

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

"Ah! Ayun na!" Sabi ni Auntie Precy habang nakatingin sa labas.

May dumating na isang napakalaking sasakyan. Parang armored vehicle or something?


Napanganga si Maggie at siniko ako nang tumingin kaming lahat sa bintana.

"Hummer." Bulong ni Maggie sakin.

Nilapag ni Jacob ang tasa ng tsokolate at tumayo...

"Salamat Auntie Precy, tita, tito, Maggie."

WEH? TITA? TITO?

"Sorry po sa abala. Alis na ako." Aniya.

Nakita kong may lumabas sa Hummer at may dalang payong. Isang matandang naka
uniporme ng Kampo Juan ang may dalang kay laking payong.

"Manang, nako nag abala pa kayo!" Sabi ni Auntie Precy nang nakarating na sa
pintuan namin. "May payong naman kami dito."

"Okay lang, Precy! Oh, lika na Jacob!"

RICH KID ANG NYETA! Kainis! Sana mamatay na lang ako ngayon... KAINIS!

Bago siya lumakad palayo, tumingin ulit siya sakin at...

seryoso ang mukha niya, "Salamat, Rosie."

Tumango lang ako. PLASTIKAN!

"Sana mapatawad mo ako..." At umalis.

Ni hindi na sinundan ni mama, papa, auntie Precy at Maggie ang paglayo ni Jacob
dahil nakatoon ang mga mata nila sakin at laglag ang panga.

showall.png

Kabanata 24

Peace Offering

Hinayaan ako ni Jacob na deadmahin siya. Isang buwan ko siyang dinideadma,


kinakausap lang kung may sadya at lahat ng tanong niya oo o hindi lang ang sagot.
Wala din naman siyang imik sa buong buwan na yun pero ginagawa niya ang lahat para
makausap niya ako ng at least once a day.

"Rosie, one-fourth sheet bah?"

Tango lang ako.

"Rosie, kelan natin gagawin yung thesis?"

"Next month."

"Rosie... dito ka ba kakain mamaya?"

"Di."

"Congrats nga pala kay Maggie ah, nakapasok siya sa J.A."

Walang imik. Ganyan araw-araw. Si Maggie ay nag apply ng isang trabaho sa Juan
Antonio Food Corps. Sure ako na si Mama ang nag encourage sa kanyang doon mag
trabaho nang masubaybayan si Jacob... whatever! Sabi ni Maggie, pang matrikula niya
raw next year yung pag iipunan niya. Bakit? Mag cocollege siya? Di nga kami
makabalik ng Maynila. At kung babalik man siya, pwede ba akong sumama?

Ugh! This is the worst place ever! I hate this place! I hate my life! I hate
people! Kahit na mejo sumikat talaga ako dahil sa Ms Intramurals na yun, narealize
parin ng mga tao na di ako ganun ka welcome sa mga nagiging fanatic sakin.

"Rosie, na add na kita sa Facebook! Confirm mo ah?"


Facebook? Talaga palang masyado kong minamaliit ang Alegria... Kilala pala nila ang
Facebook! Well, may signal dito pero yun nga, masyadong mahina. Pero mamaya mag
papaload ako nang makita kung makakapasok ba ako sa Facebook.

Araw-araw nakikita ko ang mukha at ngiti ni Jacob na sumisigaw ng HELL-YEAH-I'M-


FILTHY-RICH-AND-YOU'RE-NOT-SO-TAKE-YOUR-BROKE-ASS-HOME - at lagi akong nababadtrip
lalo na pag dumadapo ang paningin niya sakin.

"Nag away ba kayo ni Jacob?" Naninibago parin ako sa mukha ni April ngayong
nakalugay na ang straight niyang buhok, wala ng nerdy glasses at may lip gloss na
sa labi.

"Huh?"

"Kung iniiwasan mo siya, wa'g kang mag alala, tutulungan kita."

Malaki ang naitulong ni April sa pag iwas ko kay Jacob. Tuwing hinihintay ako ni
Jacob pagkatapos ng klase ay tinatawag niya ito saka ako nakakatakas. Pero habang
tumatagal di ko alam bakit pero naiinis na lang ako.

Isang araw sa library period namin para sa thesis, hindi na talaga ako pinansin ni
Jacob. LIBRARY PERIOD SA THESIS KAYA DAPAT NGAYON TAYO GUMAGAWA NG THESIS DIBA?
Pero hindi... kinakausap niya, animatedly, si Eunice.

Nagtawanan silang dalawa at minsan ay nasisita ng librarian pero mukhang mas


ikinatuwa pa nila ito. Nasa tabi din ni Jacob si Leo at si Luis. Samantalang sa
gilid ni Eunice ay nandoon si Rica at Sheena. Si Teddy naman ay nasa harapan nila
na tinitignang mabuti si Eunice na para bang naiinis. Kaharap ni Teddy ang limang
malalaking libro at para bang may hinahanap.

Ako din ay nasa harapan nila at hinihintay ang pag lingon ni Jacob sakin nang
mapagsabihan ko na kailangan na naming maghanap ng intro sa thesis o yung title man
lang - pero di siya lumingon. Alam kong kitang-kita niya ako sa gilid ng mga mata
niya pero di siya tumitingin.

"Uh... Teddy." Sabi ko.

Tumingala si Teddy sakin at ngumisi. Wala nang bakas ng inis.


"Pwede mo ba akong tulungan sa thesis natin?" Bulong ko. "Tutulungan din kita sa
inyo..." Sabi ko as if may maitutulong ako.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong sa wakas ay nakuha ko ang atensyon ni Jacob.

"Talaga? S-Sige bah!" Mas lalong ngumisi si Teddy at tumayo na para samahan ako.

"T-Teka-" Sabi ni Jacob pero huli na ang lahat.

Nakaalis na kami sa table nila at nakahanap na ng isa pang table. Umupo kami ni
Teddy at seryoso akong tumingin sa mga aklat habang pinagmamasdan ako ni Teddy with
an amused grin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Jacob sa kabilang table.

"Pinapaselos mo ba si Jacob?" Tanong ni Teddy.

Napatingin ako sa kanya, "Hindi... Kita mong useless siya as partner diba?" Tingin
ulit sa aklat.

"Ohh? Talaga? Pero kung pinapaselos mo siya, gumagana huh-"

Naputol ko ang pagsasalita niya dahil malakas kong sinarado ng padabog ang aklat.
"Ni hindi kami nagpapansinan, papaselosin ko pa siya? Ano yun? At bakit? May gusto
ba siya sakin para paselosin ko siya? At kung alam kong wala, whats the use sa
selos-selos na ginagawa ko?"

Lumingon si Teddy sa gilid at tumingin ulit sakin.

"Bakit kayong dalawa ang nagthe-thesis? Diba tayo dapat, Rosie?"

Naaninaw ko ang galit na mukha ni Jacob na nakatayo.

"Anong ibig sabihin nito, Ted?" Tumingin siya kay Ted na para bang sinakluban na
siya ng langit at lupa.

"Easy, bro! Sige! Alis na ako, Rosie." Ngumiti siya at tumayo tapos tinapik ang
likod ni Jacob.

Ngayon, si Jacob na lang at ako. Kung makapagsalita kanina parang naagawan ng sa


kanya ah!

"Bakit di mo na lang ako tinawag-"

"Bakit kita tatawagin? Ang saya-saya mo dun." Sabi ko.

"Nagseselos ka lang kaya pinapaselos mo din ako."

ABA'T ANG KAPAL MUKS NITO! At... teka... Nagseselos siya? Napabuntong-hininga ako
ng malakas, "LIBRARY PERIOD NG THESIS. Kaonti na lang talaga ang may common sense
dito sa mundo, ano? Wala pa tayong nasisimulan sa sa thesis natin at ngayon na ang
tamang panahon para masimulan na natin to!"

"O sige, sige..." Sabi niya at nag-pout... nag papacute. "Ito naman... galit agad."

Inirapan ko na. Bwisit!

"Dito ka na mag lunch ah? ililibre kita-"

I glared at him, "Salamat ah? Gusto ko talaga ng pera mo kaya gagamitin kitang ATM
at ikaw ang magbabayad ng lunch ko araw...araw."

"Ito naman... totoo... Peace offering." Aniya. "O kung gusto mo dun sa bahay tayo
mag lulunch?"

"Salamat ah? Gusto kong kumain ng lechon araw-araw at gamitin ang pera mo para
makakain ako ng masasarap na pagkain na kaming mga dukha ay di pa nakakakain."

"Rosie!" Para pang siya yung nainsulto sa sinabi ko.

Inirapan ko ulit.

"Wa'g na! Ayokong maambunan ng ni isang kusing sayo at baka masumbatan mo pa ako.
Salamat na lang. At wa'g ka ng mag peace offering kasi sigurado naman akong di kita
mapapatawad."

AYAN! Natahimik siya! Manigas kang buang ka! Sinusulyapan ko minsan habang gumagawa
kami ng introduction at talagang bigo ang kanyang ekspresyon. Buti at sumuko din
siya agad.

May title at Statement of the Problem na kami at nasimulan na rin namin ang
Introduction nang natapos yun. Mabuti-buti na rin yung ngayong September na.
Pagkahapon, nauna akong pumasok kay Jacob. Pero may isang box sa arm chair ko na
may sulat kamay niyang nakalagay...

"Peace offering."

Walang pangalan pero sigurado akong kanya nga ito. Nako! Binuksan ko at nakita ang
isang heart-shaped na cake - white forest. GRRR! Heart-shaped? Really?

Pagkadating niya, "Huy, sayo na yan! Tseh!"

"Huh? Bakit? Anong problema diyan?" Tumaas ang kilay niya.

"ayoko nito!"

"Ayaw mo sa white forest? Anong cake ba ang gusto mo at-"

"WALA!!!"

"Ayaw mo ba ng h-heart na cake?" Namula pa talaga siya pagkasabi niya nun.

"WALA AKONG GUSTO! AYAW KO LAHAT NG MGA BIGAY MO!" Sabi ko at di na ulit siya
kinausap.

Pero sa araw ding iyon, mas nauna pa nakauwi ang cake sakin. BWISIT! Ang tigas
talaga ng ulo ng kumag na yun!

showall.png

Kabanata 25

Ubod sa Kalandian

Sa sumunod na araw, may tatlong roses ako sa mesa at may nakalagay ulit na note,
"Peace Offering number 2."

Grabe yung mga kaklase ko, pinagkaguluhan nila.


"Noon isang araw, cake yun diba?" Sabi nung nakaupo sa harapan ko. "Saan naman kaya
nakabili ng secret admirer mo ng cake? O di kaya may oven sila." Pinalibutan ako ng
mga kaklase ko.

Saka naman pumasok si Jacob habang tumatawa sila sa pinag uusapan nila ni Leo at
Teddy.

Hindi talaga malalaman ng mga tao dito na siya yung nagbigay sakin nito. Pagkatapos
ng klase... nung nakaalis na halos ang lahat... di parin gumagalaw si Jacob sa
kinauupuan niya.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya ng pabulong.

"Peace offering nga diba?" Aniya.

Inirapan ko na, "Di na kailangan-"

"Bakit? Napatawad mo na ako?" Ngumisi siya.

"Hindi! Kasi nga... di na kita mapapatawad!" Sabi ko.

"Sus, etong si Rosie o... kung makapag biro wagas! Nagpatawad nga ang panginoon,
ikaw pa kaya!"

"Huy, Jacob! Wa'g mong isali ang panginoon dito, wala kang pakealam!" Halos di ko
yun masabi dahil natatawa na ako sa sinabi niya.

Loko! Kainis! Naiinis ako dahil natatawa ako pero di ko naman mapigilan ang
pagpungay ng mga mata ko at paghalakhak ng konti.

"Ayan! Napatawa na kita... Kasunod nito ay ang forgiveness na-"

"Tseh! Tigilan mo nga ako-"

"Jacob!" Sigaw ni April sa likuran.

Habang tumatagal, lalo yata siyang gumaganda. At nagtaka din ako kung nag co-
contact lens na ba siya ngayong di niya na isinusoot yung luma niyang glasses. Mas
umiksi din yung cut ng navy blue at crimson na palda niya. Mas maiksi pa sakin...

"Huh?" Napalingon si Jacob sa kanya.

"T-Tinawag ka nina Leo... Sa labas." Aniya.

"Huh? Sandali lang." Ibinaling ulit ni Jacob ang atensyon sakin at...
"Importante daw." Sabi ni April.

"Huh? O-O sige..." Tumingin ulit si Jacob sakin.

Niligpit ko na lang ang gamit ko at kinuha yung tatlong roses. Tinalikuran niya ako
at nakita ko siyang palabas na ng pintuan habang nandoon pa si April na nakatayo.

"Thanks, April." Sabi ko.

Hindi na kami masyadong nakakapag usap ni April simula nung tinulungan niya akong
makaiwas kay Jacob. Aniya'y mas magandang ganun dahil dikit nang dikit si Jacob sa
kanya kaya kung magkasama kami, di ko maiiwasan si Jacob.

"Okay lang." ngumiti siya at tinignan ang dala kong mga rosas. "Wow? Secret
admirer?"

Ngumiti din ako at nagkibit-balikat na lang.

Ayokong sabihin na kay Jacob galing 'to. Alam kong may gusto si April kay Jacob
kaya dapat siguro ilihim ko na lang to.

Sa sumunod naman na mga araw, hindi ko alam kung bakit dinapuan ako ng matinding
flu... Sinisi ni Auntie Precy ang global warming. Napostpone tuloy ang lakad ni
mama at papa pa Maynila para mag apply naman sa New Zealand.

"Yung excuse letter ko?" Sabi ko kay mama habang kumakain ng lugaw sa kusina at
naka balot ng jacket at kumot. Leche! Nagising na lang akong bigla na nag aapoy na
ng lagnat at sinisipon. Masakit pa ang katawan ko at gusto ko na lang matulog...

"Si Auntie Precy mo na ang nagsabi kay Mrs Gonzalo na wala ka... Matulog ka na nga
lang." Sabi ni Mama.

Wala pa naman si Maggie ngayon dahil nagtatrabaho sa J.A.

Ayoko namang matulog kaya nanood na lang ako ng TV sa sala habang nakapulupot parin
ang kumot sa katawan ko.
*Toktoktok*

Sinakluban talaga ng langit at lupa nung nakita ko si Jacob sa pintuan, hayop ang
ngiti at may dalang kung anu-ano.

Tumingin ako sa labas at nakitang kaaalis lang nung Hummer.

Anong ginagawa ng mahal na prinsipe dito?

"OOOH! JACOB! NANDITO KA PALA!" Mas nauna pang nakapag reak si mama at hinalikan
niya agad si Jacob sa magkabilang pisngi nito. "May sakit si Rosie... Naku! Kawawa
talaga 'tong anak ko... Huhuhu." Tapos ngayon ay humalik siya sa pisngi ko at
niyakap ako.

WEH? Kanina nga halos mandiri pa to sa sipon ko ngayon ang sweet na! Si mama
talaga! Ikaw na! Dakilang flirt!

"Hijo, ba't ka nandito? Yung pasok mo?"

Narealize ko din yung sabi ni papa. Naka uniporme pa kasi si Jacob.

"Ah! Umabsent po ako eh. Eto nga po pala... mga prutas galing sa farm." Sabay abot
kay papa. "Naku! Salamat!" Tapos umalis si papa papuntang kusina para ilagay doon
ang prutas.

"HUH? Umabsent-" Ni di ako makasingit.

"NAKUU! Umupo ka hijo! Dito... Hay nako! Kasamaang palad nga ay di namin maaalagaan
si Rosie ngayon dahil pupunta kaming Maynila ng papa niya."

AHDGWJHDFJAHJ WHAT? WHAT THE EFFING HECK? Ubod talaga si mama. Ubod sa kalandian
jusko!

"Kawawa naman itong anak ko... talaga... huhuh... baka anong mangyari sa kanya...
ikamamatay ko talaga yun-"

"Ah! Ako na lang po ang magbabantay sa kanya dito!" Parang may nakita talaga akong
umilaw na light bulb sa ulo ni Jacob.
"Wa'g-"

"NAKUUUU!" niyakap ni mama si Jacob. "Ang baet mo pero kailangan mo ng pumasok sa


school. Baka bumagsak ka at pagalitan pa itong si Rosie ni Don Juan Antonio."

"Hindi naman po... Akong bahala!"

"TEKA LANG, MA!" At last, nakapagsalita ako. "Jacob, pumasok ka na nga! Alis ka na
dito."

"Huy, Rosie! Nagmamagandang loob na nga yung tao, pinagtatabuyan mo pa. Mahiya ka
nga diyan! Di kita pinalaking ganyan!"

Pumula ang pisngi ko. Nothing beats pinapagalitan sa harap ni Jacob! Bwiset!

"Oh sige na! Imbes na titigan mo ako ng ganyan, magsaya ka na lang at may
magbabantay sayo dito!"

"Mas sasaya ako kung mag isa ako dito! Wala namang namamatay sa flu!"

"Meron! Binalita kahapon sa TV Patrol!" Tapos umalis si mama para sabihin kay papa
ang pagbabago ng desisyon.

What the hell!? I'm sure gawa-gawa lang ni Mama yung sa TV Patrol! GRRR!

"O sige! Nandun na yung lunch niyo ah? Alis na kami... Naku Jacob! Kung wala ka,
anong mangyayari sa maganda kong anak! Maraming salamat at hulog ka ng langit!"
Tapos umalis na sila.

Napapikit na lang ako sa hiya kay Jacob. Yung ekspresyon niya kanina ay may halong
bigla at pagtataka. Naku! Kung alam niya lang kung ano ang nasa utak ni mama,
siguradong ma po-prove niya ang mga duda niya sakin (kahit na di naman talaga totoo
yun para sakin). Maiisipan niya ulit na pera lang ang habol ko.

Kabanata 26

Pwede Ba?
Humiga ako sa sofa ng sala. Ayoko namang humiga sa kwarto at baka sundan niya pa
ako dun. Katakot! Buti na yung dito lang ako, di bale nang nandyan siya...

"Anong g-ginagawa mo?" Tanong niya.

"Ano pa? Edi natutulog!" Sabi ko.

"Ba't ba ang sungit mo? Ikaw na nga itong binibisita. Hindi mo ba nakikita ang
effort ko?"

"Sorry pero nakapikit ako." Nakapikit naman talaga ako.

Kinalabit niya yung braso ko.

"Rosie... Ito naman oh... Anong gusto mo? Pagkain? Ano? Sige na... gagawin ko."

"Hay! Ba't ka pa kasi nandito? Kainis ka naman! Umalis ka na nga lang at tumambay
doon sa bukid? Tsaka? Paano ka nakalusot kay Mrs Gonzalo?" Dilat na ako ngayon
habang nakahiga at pinagmamasdan ang nakakairitang puppy eyes niya.

Bwiset na hinayupak. Kahit sa ganitong posisyon ay gwapo parin ang kumag. Kitang
kita ang hubog ng panga niya... perpektong bone structure. Nakakalaglag ng panty.
Tingin niyo kung sa Maynila siya nakatira ay sikat siya? Malamang, huh! Mukha niya
palang ulam na! Paano kung isama pa yung katawan? Yung mga 17-year old na ka batch
kong lalaki, may muscles nga pero hilaw na hilaw pa kumpara nitong kay Jacob.
Mukhang maaga siyang nagbinata at maagang na develop ang muscles dahil dito sa
bukid.

Halos masabunutan ko ang sarili ko sa pamumuri sa kanya.

"Ayun, sinabi ko kay Mrs Gonzalo na nag LBM ako. Di ko na mapigilan yung ano...
kaya kailangang umalis." Ngumisi siya at tumingin sakin. "Galing ko no?" Kumindat
pa.

"Tseh! Sana matuluyan ka!" Inirapan ko na habang nakita ang pag pout niya.

"Ito naman talaga! Ang sama mo! Wala kang pakealam kung mamatay ako..." Nagtampo
pa.

"Walang namamatay sa LBM!" Sabi ko.

"Meron no! Pag ma dehydrate ako, mamatay ako."

Umupo ulit ako dahil di ko na mapigilan yung pagtatalo namin, "Edi uminom ka ng
tubig nang di ka madehydrate at mamatay, at para mapagpatuloy mo ang walang
hanggang LBM!"

"Sama mo!"

Umirap ako at ngumisi habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha niya.

Buti yan sayo, kumag ka! Ah! Alam ko na! Papahirapan kita!

"Aray... ginugutom ako." Sabay haplos ko sa tiyan ko. "Makatulog na nga lang nang
makalimutan ko ang gutom ko." Sinabayan ko pa ng ubo at paghingi ng tissue para sa
sipon.

"Eto." Sabay abot niya sa tissue. "Uh... Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Fried chicken... kaso... pritong isda yung nasa kusina... Yaan mo na, makatulog na
nga."

"Si-Sige, bibilhan kita."

"Wa'g na!" Overeact naman si ako. "Baka sabihin mo na naman mukha akong pera."

"Hoy! Di ko sinabi yun noh!" Aniya.

Di na ako sumagot at pumikit na.

"Hello? Paluto ng Fried Chicken, sabihin mo sa cook. Nandito ako kina Aranjuez...
Huh? Oo. Basta... may importante akong ginagawa. Sumakit kasi tiyan ko... Okay...
Bilisan mo ah?" Tapos binaba niya.

COOK? Oo na! May cook sila! Yes na lang! Yes na yes! Yaman ng kumag at nakakainis
na.

Humikab ako.

"Maganda din sana yung spagetti. Sarap! Tsaka four seasons na juice."

"Hello? Juice na four seasons tsaka padagdag ng spagetti... Oo. Kina Arajuez. bye."

SHET! Sinusunod niya talaga ang lahat ng sabi ko. Nahilo ako sa biglaan kong pag
upo. Natigilan ako para ayusin ang paningin kong nagdidilim.
"Rosie!?" May takot akong narinig sa boses niya.

Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang ulo ko.

"O-Okay ka lang ba?"

"Oo! Okay lang ako! Nahilo lang ako-" Pero bago ko pa madugtungan ay hinihilot niya
na ang ulo ko. "Jacob, anong ginagawa mo?"

"Wa'g kang malikot."

In fairness!!! Ang sarap sarap niyang magmasahe. Pagkatapos ng panandaliang pagka


hypnotize ko inalis ko agad yung kamay niya sa ulo ko.

"Nilalandi mo naman yata ako eh." Sabi ko.

Ngumisi siya...

Tama ba yung sinabi ko? Nilalandi niya talaga ako?

"Humiga ka nga!" Aniya.

"Aba't-"

"Higa na!" Sabi niya kaya humiga naman ako.

Sinimulan niya ang pagmamasahe sa braso ko, tapos sa legs ko na hindi ko kinaya
dahil nakakakiliti.

"Alis ka nga diyan Jacob!" Sabay tawa ko.

"Mainam to para sa sakit ng katawan mo." Nag evil smirk siya.

"Landi mo! Alis ka!" Ayoko mang mangyari pero uminit talaga ang pisngi ko.

"Jacob-"
Nkabukas pala yung pintuan kasi nandoon na yung matandang naka uniporme ng Kampo
Juan na kumuha sa kanya dito noon. May isa pang naka uniporme din sa likuran niya
at pareho silang may dalang supot at laglag ang panga sa posisyon naming dalawa.

Agad akong umupo ng maayos at tinanggal ang kamay ni Jacob sa legs ko.

"Salamat, manang." Pero mukhang hindi napansin ni Jacob ang mga pangang nalaglag
nila.

Kinuha niya lang yung mga supot at nilapag sa lamesa sa harapan namin.

"May sakit po itong si Rosie, inaalagaan ko lang." Aniya.

Tumaas yung kilay ng matanda at may ibinulong naman yung kasama niya sabay silang
tumango at... "O sige, maiwan na namin kayo."

Namutla ako. Ang bilis ng karma!

"Jacob, alam mo ba kung anong iniisip nung matanda tsaka yung kasama niya? Na
ginagamit lang kita! Ginagamit para makuha ang gusto ko... Yung mga pagkaing ito,
sana di mo na pinadala!" Sabi ko.

"Wala naman akong pakealam kung anong sasabihin nila eh-"

"Pwes ako may pakealam! Ayokong iniisip ng mga tao na ginagamit kita."

"Ako naman yung nag kusang loob na bigyan ka." Aniya.

"Kaya ayaw ko sa mga mayayaman eh!" Napabuntong-hininga ako.

"Huh? Sabi mo mayaman yung ex mo? Ba't mo siya naging boyfriend kung ayaw mo pala
sa mayaman."

Actually, noon, okay lang naman sakin yung mayayaman. Tama si mama, maraming lalaki
diyan at kung may pagkakataong pumili ay pumiling mabuti. Mayaman at gwapo - yun
ang tama. Kaso simula nuyng break up namin ni Callix, narealize kong hindi lang yun
ang kailangan. Mabait, understanding at higit sa lahat ay... tunay na mahal ka. Yun
ang mga kailangan... Hindi naman kailangang gwapo at mayaman, plus points lang ang
mga iyon.

"Mahal ko eh."
Natahimik siya at tinignan yung kamay niya.

"Mahal mo parin ba... hanggang ngayon?" Tumingin siya sa mga mata ko.

"Hindi na, ano ka ba! Kaya nga nakipagbreak ako diba? Tsaka ba't ba natin pinag
uusapan 'to?"

Natahimik siya at humiga ulit ako...

Ewan ko kung anong iniisip niya pero halos makatulog ako sa katahimikang ginawa
niya.

"Rosie..."

"Hmm?" Di ko dinilat yung mga mata ko.

"Pwede bang m-manligaw?"

Kabanata 27

Mahalin Mo Rin Ako

"Pwede bang m-manligaw?"

Dilat na dilat ako pagkatapos kong marinig ang tanong ni Jacob. Kahit na
nilalabanan ko ang tukso ng pagtalon sa kinahihigaan ko at maglagay ng lipstick
saka ibulalas ang sasabihin ko ngayon...

"Di pwede." Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"H-Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Akala mo ganun kadali yun, Jacob?" Ngayon napaupo na talaga ako.


Ganun kadaling magpatawad pagkatapos niya ako ininsulto ng tagos sa buto? Kala niyo
madali lang ang ipamukha sakin kung gaano kami kahirap at gaano ako ka mukhang
manggagamit sa paningin niya? Halos awayin niya pa nga ako pagkatapos nung Ms
Intrams... at bago yun binibwiset niya pa ako? Gagapang ka muna Jacob bago mo
maririnig ang matamis kong Oo!

Teka!? Ni coconsider ko bang sagutin siya? REFRESH YOUR MEMORY, Rosie! Yung lahat
ng panggagago na nadama mo sa kanya! At elast si Callix, isang beses lang niya
akong ininis (o dalawa) pero itong si Jacob inaaraw-araw pa eh. Umiiyak na nga ako
di pa tumitigil. Ganun siya kasama! Tubuan ka sana ng sungay... pero... (evil
smile) yes!

Tsaka... ba't nga ba siya manliligaw? Di pa naman niya sinabing mahal niya ako
diba?

"Gaano pala ka-kahirap manligaw? Hindi... first time ko kasi ito eh..." He looked
away.

OH! Some revelation there, huh? Sa kagwapuhan niyang ito ay di pa siya nakakaranas
manligaw. Virgin na virgin pa ang kumag kaya naman pala hiyang-hiya pa at namumula
ang pisngi.

Well, hindi naman talaga yun ang ibig sabihin ko sa 'di ganun kadali' - actually,
ang ibig kong sabihin dito ay hindi ganun kadaling magpatawad sa lahat ng
pambababoy niya sakin pero dahil binigyan niya ako ng ideya sa pagsasabing: gaano
kahirap manligaw? ETONG SAYO!

"Kasalanan mo yan kasi first time mo! Alam mo bang nakakaturn off dahil di ka
marunong manligaw?!"

Halos makita kong umusok yung pisngi niya sa pula nito. Nagalit agad siya...

"ANO? Sinong nagsabing di ako marunong manligaw? Sus! Marunong ako noh! Bigyan pa
kita ng flowers araw-araw!" Aniya. "Anong gusto mo? Roses? May plantation kami ng
roses dun sa dinidevelop pang lupa sa Kampo Juan..."

"HINDI AKO MAGPAPALIGAW SAYO AT AYOKO NG ROSES!" Kahit gusto ko ng roses... nang
iinis lang.

"B-Ba't di ka magpapaligaw sakin?" Parang nainsulto ko siya sa sinabi ko.


"Dahil mayaman ka!" Sabi ko.

"Akala ko ba gusto mo ng mayayaman?" Nagkasalubong ang mga kilay niya.

Umirap ako, "Basta!"

"Nagdadahilan ka naman yata eh!"

"Basta!" Then... it struck me... Oo nga pala! May masasaktan ako kung manliligaw
siya.

Marami. At isa sa kanila ay si April... Ang tangi kong kaibigan dito sa Alegria.

"Ayoko!" Sabi ko agad at humiga pabalik sa sofa.

"Napaka unfair mo naman yata, Rosie!" Aniya.

Hindi ko na siya sinagot. Buti at nakatulog ako... pero ilang saglit lang ay
nagising na ako na may kumot sa buong katawan ko.

Nasan si Jacob? - Ito ang una kong naitanong sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit
pero kinabahan ako nang di ko siya agad nakita pagdilat ko. Nung umupo na ako,
nakita ko siyang nakahilig ang ulo sa kabilang sofa at tulog na rin.

Napatingin ako sa mga supot ng pagkain doon sa mesa. Kailangan na nga pala naming
mag lunch... 2:00PM na! Ilang sandali ay uuwi na si Maggie o di kaya si Auntie
Precy kaya dapat kumain na kami.

Hinanda ko ang pagkain. Thank God at luto na siya at di ko na kailangang magluto.


Tapos ginising si Jacob.

"Jacob. Huy!" Sinampal ko ng marahan ang mukha niya para magising siya.

"Aray." Ang OA nito. Napahawak na sa pisngi at puso niya pagkagising niya.

"Huh?"

"Sakit! Araaay..."

"Heh! Ang OA mo! Kumain na nga tayo!"

"Ito naman. Di ka ba concerned sa well being ko?"


"Well being mong mukha mo! Kung di ako concerned sana hinayaan kitang matulog
hanggang sa magutom at mamatay! Pasalamat ka't ginising kita." Sabi ko habang
papalakad sa kusina at sumusunod siya sa likuran ko.

Umupo ako sa mahabang mesa kung saan ko nilatag ang mga pagkaing dinala nung mga
yaya nina Jacob.

"So... concerned ka nga! Aha! Crush mo ko no?"

Pinipigilan kong ngumiti.

Ginagawa niya ang lahat para mapaamin ako na may gusto ako sa kanya, huh? Sorry
Jacob pero diniskartehan ako ng pinakaplayboy sa Maynila at alam na alam ko kung
paano gumana ang utak niyong mga lalaki lalo na pagdating sa panliligaw... dagdagan
pa ng pagiging inexperienced mo...

"Hindi! Hindi ka pumasa sa standards ko. Sorry." Tapos sinubo yung spagetti na
nilagay ko sa pinggan.

He frowned, "Sige nga! Ilista mo yung standards mo nang malaman ko kung totoo ba?!"
He crossed his arms.

"Tumigil ka na! Yun na lang isipin mo. Kumain na tayo. Tsss! Wala ka ng pag-asa."
Sabi ko sabay tuhog sa fried chicken gamit ang tinidor ko.

Mabilis na tinuhog niya rin ito kaya naagaw niya ang atensyon ng mga mata ko.
Seryoso ang mukha niya at...

"Hindi kita titigilan, Rosie. Liligawan kita hanggang sa mahalin mo rin ako."

Naramdaman ko talagang na stretch ang eyelashes ko sa paglaki ng mga mata ko sa


sinabi niya... Parang sinabi niya na rin saking mahal niya ako!

Kabanata 28
Mahal Kita

Ilang sandali lang pagkatapos naming kumain ay umuwi na si Maggie dala pagdududa sa
ginagawa naming dalawa ni Jacob sa bahay.

"Binugaw ako ni mama sa kanya." Bulong ko sa kanya habang nakaupo si Jacob sa sala.

"Napaka defensive mo naman yata." Ngumisi siya at nagbihis na sa kwarto namin.

Nagpaalam na rin si Jacob sa araw na yun... Actually, ako yung nag suggest na
umalis na siya dahil nandito na si Maggie.

"Papasok ka na ba bukas?" Tanong niya.

Hinahatid ko siya ngayon palabas ng bakuran namin. Aniya'y mag tatricycle lang daw
siya. Sure? Eh nandyan na yung Hummer nila sa kanto eh.

"Hindi ko alam, siguro-" Bago ko matapos ang pagsasalita, hinalikan niya na akong
bigla.

Mabilis na halik ulit! Kaya hayun at sinapak ko na.

"Nakakadalawa ka na huh?! umalis ka na nga! Kainis 'to!" Sigaw ko.

Uminit ang pisngi ko pero ayokong makita niya ang pagpapanic ko.

"Ito naman... Ipagpalagay mo na lang na thank you mo sakin yun!" Sabi niya.

"Heh! Wa'g ka ngang mangarap! Di ako magpapaligaw sayo no! Over my dead and
decaying body!" Sabi ko.

"Bahala ka, Roseanne Aranjuez! Basta ang alam ko liligawan kita at wala ka ng
magagawa!" Tumawa siya habang tumatakbo palayo papuntang Hummer nila sa kanto.
Napailing na lang ako at napangiti. Hay nako! Alam ko! May feelings ako sa kanya
pero its not that simple! Nasaktan niya ako dahil sa mga iniisip niya tungkol
sakin. Kung darating man ang panahon na sasagutin ko na siya, kailangan itatak niya
sa kokote niya na hindi yun tungkol sa pera.

Pumasok na ako kinabukasan at isang tahimik na Alegria National High School ang
bumungad sakin. Grupo-grupo ang mga estudyante na nagbubulung-bulungan ang nakikita
ko sa bawat sulok ng school. Bukod sakin, isang tao lang ang mag isa bukod sakin.
Si... April. Mag isa si April na naglalakad habang nagbubulung-bulungan ang mga tao
sabay tingin sa kanya.

Nakita niya ako pero pilit na iniwasan.

Ano naman kayang nangyayari this time? Nag absent lang ako ng isang araw eh may
ganito ng nangyayari? May dala-dala pang supot ng kung ano si April habang
naglalakad papuntang gate ng school.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa isang babaeng kaklase ko pero bago niya pa ako
nasagot ay nakita ko na kung ano.

Tinulak ni Eunice ang sopas (yun pala yung laman) na dala-dala ni April.

"Ang feeling mo! Ni hindi pa napapatunayan kung ikaw! AKALA MO NAMAN ANG GANDA MO
NA NGAYON!" Dinig na dinig ang sigaw ni Eunice sa buong paaralan.

Ano na naman ba ang problema nitong dalawa?

"Kahapon..." Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Leo. Nagsasalita para sa lahat


pero alam kong ako ang kinakausap niya dahil ako lang ang walang alam. "Umalis si
Jacob sa harap ng klase habang nag sisimula ang isang quiz."

"Tapos?" Tanong ko.

Naglakad siya patungo sakin.

"Alam mo ba kung ano ang nasa blankong papel niya?" Tanong niya habang ngumingisi.

Napairap ako, "Bakit? Ano?"


"I'm in love."

"HA?"

"Yun ang nasa papel niya, 'I'm in love'..."

Now I have a funny feeling na ang away ni April at Eunice ay dahil dun. Dalawa sa
pinaka malapit na babae kay Jacob ang nagtatalo sa puso niya. Sa kabilang banda ng
classroom namin may nakita akong tatlong babaeng umiiyak na para bang namatayan.
Wait a minute... this is ridiculous! Ganito ba siya ka maimpluwensya dito sa
Alegria? Laglag ang panga ko habang tinitignan ang bawat bigong babae sa paligid.

Tumingin ulit ako kay Leo na nakatitig parin sakin, "At wala pa siya ngayon...
Absent siya kahapon eh dahil nag walk out siya sa gitna ng quiz. I check mo kaya
ang phone mo kung may text siya... Wala samin ang may text galing sa kanya eh. Sabi
ni April... sa kanya lang daw nag text si Jacob."

Tinignan ko ang cellphone ko agad-agad at nakita ang isang unknown number na


nagtext sakin.

Message:

Care to visit me? Nahawa yata ako sa flu mo. - Jacob

Napatingin ulit ako sa nakataas na kilay ni Leo, "Meron?"

Tumango ako.

"Ikaw na talaga." Ngumisi siya. "First kiss ka niya eh. Maaring first love din.
Ilihim mo na lang yan kung ayaw mong paulanan ka ng hatemails." Tapos umalis siya.

May sakit si Jacob at nahawa siya sa flu ko??? Hindi ko naman alam kung anong
gagawin ko, tutulad ba ako ni April na pupunta sa bahay nila pagkatapos mag luto ng
sopas o ano? Pero dahil sa indecision ko, nanatili ako sa school at nag wish na
sana nag load ako kanina. Hindi ko naman alam na mag titext pala yung kumag. Akala
ko di niya alam yung number ko.

Sumusulyap ako kina Leo na laging nagbubulung-bulungan at tumitingin sakin. What


the heck is their problem?

Pagkatapos ng school umuwi na silang lahat... Ako nagpaiwan para ipagpatuloy ang
thesis namin ni Jacob habang wala siya. At nang narating ko na ang gate palabas sa
school may nakita akong pamilyar na sasakyan sa labas kaya agad akong naglakad
palayo nito para iwasan.

Umandar din ito at sinusundan ako. Nakakatawang tignan kasi isang maalking sasakyan
ang nasa gilid ko at kasing bagal kong maglakad ang takbo nito.

Bumaba yung salamin.

"Hi!" Narinig ko si Jacob.

Umirap ako at mas lalong binilisan ang paglalakad...

"Maglalakad ka pabalik sa bahay niyo? Layo kaya nun!" Sabi niya at humalakhak.

"Tumigil ka nga!" Umiinit na ang pisngi ko.

"Ba't ang tagal mong umalis sa school? Sinong kasama mo? Anong ginagawa niyo?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tumigil din sa pag aandar ang sasakyan
niya. Siya talaga ang nag d-drive huh?

"Anong pakealam mo!?" Sigaw ko. "Gumawa ako ng thesis no! Papatapos na kaya ang
term!"

"With?"

"With? Ako lang!"

"Sure? Baka si Teddy na naman!"

"Alam mo kung makapagsalita ka akala mo tayo na!"

Bumaba siya at hinila ako papasok sa sasakyan niya.

"Ano bang problema mo Jacob!" Sigaw ko.

"Sumakay ka na kasi! Parang engot to oh!" Sabi niya.

"Diba may sakit ka?" Tanong ko habang amoy ang mabangong perfume or shower gel sa
kanya.

Sa lapit naming dalawa mabubol na naman ako nito. Dinig na dinig ko na naman ang
kabog ng puso ko eh.
"Oo! May sakit ako! Sa puso!" Sabi niya.

"Huh?"

"Mahal kita pero wala kang pakealam sakin! Kailangan ko bang ipagpilitan yung
pagmamahal ko sayo, Rosie?!"

Natulala ako sa sinabi niya.

"Kaya kong maghintay pero...pero sagutin mo ako... Ipagpipilitan ko ba 'to at aasa


na lang na baka sakali ay mahalin mo rin ako?" Seryoso ang mukha niya habang
lumalapit pa siya sakin.

Nakasandal na talaga ako sa fron seat niya at nilalapit niya pa ang sarili niya
sakin. Oh yeah, this is hsi first time... I'm his first love... First kiss... Unang
babaeng niligawan. Unang lahat!

"Anong ineexpect mo? Pagkatapos mo akong insultuhin ako ng husto ay lilipad ako
pabalik sayo pagkatapos mong sabihin sakin na mahal mo ako? Ano ako? Bale? No way!"
Sigaw ko sa kanya.

Mukha namang natauhan siya at huminahon.

"Wa'g ka kasing masyadong harsh!" Aniya.

Umiling ako, "Ikaw nga itong harsh eh!" Sabi ko.

"Kalimutan na natin lahat ng pagtatalo natin, okay, Rosie? Simula ngayon...


kakalimutan na natin lahat!" May kinuha siya galing sa back seat at binigay sakin.

Isang bouquet ng roses na iba ibang kulay. Hindi ko naman feel magpasalamat sa
kanya kaya...

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Day one ng operation baka sakali ma in love ka sakin." Ngumisi siya at sinarado
ang pintuan.

OPERATION BAKA SAKALI MA INLOVE KA SAKIN? May ganun? Pinahaba niya lang eh...
Panliligaw parin ito! Natawa ako.
Umikot siya at umupo sa driver's seat.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nakasimangot na siya ngayon. "Korny ba? Wa'g mo nga
akong pagtawanan!" Umirap siya habang pinindot ang isang iPad sa harapan.

Ang yaman ng kumag! May iPad sa Alegria!

"Katuwa ka talaga!" Sabi ko.

Ngumisi siya, "at pagkatapos niyan, maiinlove ka na sakin." Tumawa na rin siya.

Ang cute-cute niya talaga. Inosenteng inosente tulad ng mga gubat at bukid dito sa
Alegria. Di ako makapaniwalang na hulog nga siya sakin.

Then the song so full of memories played... Well do it all... everything... on our
own. We don't need anything or anyone... If I lay here. If I just lay here. Would
you lay with me and just forget the world.

Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti habang nakatingin sa daanan. I'm in love
with him, too. But it shouldn't be this fast...

Kabanata 29

Hindi Lang Baka Sakali

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik sina mama at papa galing Maynila. Anila'y may
pag-asa silang makalabas ng bansa papuntang New Zealand.

Pero di ako sigurado kung gusto ko pa bang bumalik ng Maynila. Totoong gusto kong
mag college pero di ako sigurado kung kaya kong... umalis dito ngayong araw araw
akong binibigyan ni Jacob ng bulaklak.
Kahit walang nakakaalam ng panliligaw na ginagawa niya sakin, masaya parin ako.

"Babalik kami bukas ng Maynila. At naku! Kung swertehen tayo baka sa susunod na
term ng 6th year mo, Rosie ay makakabalik ka na sa dating school mo. Hmmm. Well,
unless kung gusto mong manatili dito?" Tumaas ang kilay niya.

"Ba't naman ako mananatili dito?" Tanong ko.

"Syempreee... Para kay Jacob!" Tumawa siya.

"Ma naman eh!"

"Ayaw mo nun? Kung magiging kayo na nga, yayaman na tayo. Baka di na kami
kailangang bumalik ng New Zealand!" Sabi ni Mama.

"Ma!" umirap si Maggie. "Ang sama mo! Manggagamit!" Seryoso ang pagkakasabi ni
Maggie nun pero tumawa lang si mama na para bang nagbibiro si Maggie.

"Well, good for you, Mag. May James ka na!" Kumindat si mama kay James.

Oo, nandito si James sa tabi ni Maggie kaya inis na inis si Maggie kay mama.
Ngumiti naman si James na para bang sanay na siya kay mama.

"Ang ibig kong sabihin... wala namang nag hihintay kay Rosie doon sa Maynila diba
na may ilalaban kay Jacob? Gwapo, mabait at mayamang bata si Jacob. Wala ka naman
sigurong iniwang boyfriend sa Manila si Rosie, diba?" Tumaas ang kilay ni mama kay
Maggie.

"MERON, Ma!"

Sinipa ko si Maggie para pigilan ang pagsasalita niya.

"Di lang si Jacob!" Dagdag ni Maggie.

Sumimangot si Mama. "What? Sino? Dapat kasing yaman ni Jacob!"

Umiling si Maggie at itinigil ang pagsasalita. Ibinaling ni mama ang tingin niya
sakin. "Sino, Rosie?"

"Hay nako! Wala yun, ma!" Sabi ko.

"Sino?" Hindi niya talaga ako tatantanan nito.

"Ex ko. Si Callix. Pero wala na kami nun!"

Tumaas ang kilay niya.

"Callix?? Apelyido?"

"del Rosario." Sabi ko para tantanan niya na ako.


"Callix del Rosario? Hmmm."

Umiling si Maggie at tumayo. "Lika na nga Rosie, punta tayo ng Alps! Hayaan mo na
si mama!"

Nabadtrip si Maggie kay mama kaya panay ang sermon niya samin ni James. Hindi sana
ako sasama pero alam kong di talaga ako tatantanan ni mama sa pagtatanong tungkol
kay Callix kaya napilitan akong sumama sa Alps.

"Walang hiya talaga si Mama. Alam ko namang may point siya pero my god! Grrr.
Sorry, James ah? Pasensya ka na talaga. Baka akala mo puro pera ang habol ko sayo."
Umiling si Maggie.

Tumawa si James habang papapasok kami sa Alps at bumungad samin ang iilang lagoon
ng hot spring. "Maganda nga yun eh. Di ko alam na makakatulong pala yung pera namin
para makuha kita... no sweat."

Kinurot ni Maggie ang tiyan ni James at hinalikan niya ang pisngi nito. Hinalikan
din ni James ang labi ni Maggie.

"Get a room or something..." Sabi na nga ba bad idea ang pagsama sa dalawang ito.

"Doon tayo sa pinaka huling lagoon kasi wala masyadong tao dun." Sabi ni Maggie.

"Yeah right para makapaglampungan kayo sa harapan ko." Sabi ko.

Naglakad kami papuntang pinaka huling lagoon habang naglalampungan all the way ang
dalawang kasama ko. Yung huling sinabi yata ni James ang bumuhay sa katawang lupa
ni Maggie eh.

"Guess what, sis!" Kay laki ng ngisi niya paglingon niya sakin.

"What?" Umirap ako.

Tinuro niya ang isang lalaking naliligong mag isa sa huli at liblib na lagoon.
Sparkling abs dahil sa tubig ang bumungad sa mga mata ko. Si Jacob.

"Jacob!" Sigaw ni Maggie.


Napalingon si Jacob samin at ngumisi. Sh1t! Paken sh1t! Ayan na! Lumangoy siya
papunta samin at umahon. Pinipigilan ko ang sarili kong umiling at ngumiti habang
nakikita ang nakabalandra niyang abs.

"Rosie, maligo ka rin, huh?" Sabi ni Maggie habang tinatanggal ang loose t-shirt
niya para ipakita ang bikini top at maiksing shorts. Tinanggal na rin ni James ang
t-shirt niya at naghalikan ulit sila bago pumunta sa lagoon.

Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Dyusko! Ang PDA ng dalawa lalo na pag walang
tao. Si Jacob naman ay nasa harapan ko with his sparkling abs... Sana nga wala siya
dito eh. Kainis! Kaya ko namang mag isa habang tinitignan ang lampungan ng
dalawa... Di ko kailangang... lunok... ng temptation.

"Maliligo ka rin ba?" Tanong niya nang nakangisi.

"Di..." Sabi ko habang tumitingin sa malayo.

"Sige na, Rosie... Maligo tayo."

Uminit ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya para pumunta sa cottage na


pinaglapagan ni James ng mga gamit namin. Sumunod si Jacob. Maligo TAYO?

"Di na... Maligo ka na." Sabi ko habang inaayos yung gamit. Excuses.

"Bakit?"

Pumikit ako nang naramdaman ko ang katawan niya sa likuran ko.

Parang kinikilabutan ako pag nandyan siya eh. Iniisip ko yung flowers na binibigay
niya araw-araw mula noong niligawan niya ako.

"Wala akong... ano... top... bikini." Sabi ko habang inaayos yung pagkain at kung
anu-ano pa.

"Ano? Di mo naman kailangang mag bikini dito... Pwedeng t-shirt lang! May makakita
pa sayo!"

Napatingin ako sa nakasimangot niyang mukha.

"Ayoko... T-shirt ka diyan. Eh ito lang yung t-shirt ko. Ano? Uuwi ako ng basa?"
Sabi ko.

"May T-shirt naman ako. Pwede kang umuwi gamit ang t-shirt ko." Wika niya.

"Ayoko nga!" Umirap ako.

Bigla niyang hinalughog ang bag ko na para bang alam niyang may balak akong maligo
at gumuho ito nang nakita ko siya. Gumuho na rin ang plano kong manahimik at wa'g
nang maligo nang ipinakita niya sakin ang gray spagetti strap na blouse sa bag ko.

"Hmmm." Nag isip siya. "Pwede na to." nag kibit balikat siya. "Papasa na 'to sakin.
Di masyadong bulgar."

Sinapak ko na. "Ano sa tingin mo kailangan ko ng opinyon mo kung anong susuotin


ko?" Umirap ako.

"Sige na... please?! Maligo na tayo, please?" Nagmakaawa pa ang kumag.

"AYOKO!"

Mas lalo pa siyang lumapit sakin kaya mas lalo akong nadidistract sa sparkling abs
niya. Bawat galaw niya ay mas lalong na dedefine ang muscles niya. Ginulo pa niya
ang buhok niya at ngumiti nang nakita akong nakatitig sa abs niya.

"Ano?" Aniya.

Uminit ang pisngi ko.

"Wa'g mong sabihin iniiwasan mo na ako kaya ayaw mong maligo kasama ako?" Tanong
niya.

"HINDI! Ba't ko naman gagawin yun?" Iniwasan ko ang mata niya.

Hinila niya ang t-shirt ko at umambang huhubarin ito. Pinigilan ko ang kamay niya.

"ANO BA JACOB!"

"Sige na! Please, Rosie!"

"Ang manyak mo huh?" Sabi ko.

Pumula ang pisngi niya, "Hi-Hindi ah?! Tss!" Ginulo niya ulit ang buhok niya.
"Gusto kong makasama ka dun!" Sabay turo sa lagoon.
Di ko alam na lumalapit siya sakin sa bawat atras ko sa kanya.

"O sige na! Sige na! Umalis ka na nga! mag bibihis lang ako!"

"Yes! Thank you!" At hinalikan niya ang pisngi ko.

"JACOOOB!"

Tumakbo siya bago ko pa masapak.

Napabuntong-hininga ako. Buntong-hininga na para bang ilang oras akong nag pipigil
sa paghinga ko. What was that all about? Muntik niya na akong hubaran pero jusko
halos maloka ako habang ginawa niya yun. Para bang kahit ayaw ng isipan ko gusto ng
katawan ko. Alam kong inosente siya pero lalaki parin siya... Wala pa siya
masyadong experience sa babae. Puro smack lang ang nagagawa niyang kiss sakin...
mas marami akong experience sa kanya pero ano yung kanina?

Nagbihis ako. Pagkatapos ay tinignan ko siya sa lagoon na naghihintay sakin. Nandun


parin si Maggie at James na parang walang pakealam sa mundo. Nag uusap silang
dalawa at di man lang sumusulyap samin.

Pagkabalik ng mga mata ko kay Jacob, nasa harapan ko na siya at naglahad ng kamay.
Nakangisi siya.

Umirap ako pero nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Agad niya naman akong hinila
papunta sa kanya kaya buong katawan ko at humilig sa kanya at naramdaman ko ang
init ng tubig... pati init ng katawan niya. Tumawa siya.

"JACOB!" Sigaw ko.

Saka pa napansin ni Maggie at James ang ginawa niya.

"Huy! Ayos lang ba kayo?" Sigaw ni Maggie.

"Oo!" Sigaw ni Jacob habang tumatawa.

"Ano ba!" Sabay sapak ko sa kanya.


Tumawa parin siya.

"Hindi tama ang ginagawa mo, Jacob. Kung naliligaw ka talaga sakin... dapat di mo
to ginagawa!" Sabi ko habang umiiling.

Nalaglag ang panga niya.

Akala ko narealize niyang mali yung ginagawa niya pero ngumisi siya ilang sandali.

"Kung ganun, tinatanggap mo na ang panliligaw ko?"

"WHAT?! Hay!" Umirap ako at lalayo sana sa kanya pero pinulupot niya ang braso niya
sa baywang ko.

"Huli ka..." Humalakhak siya.

Damang-dama ko ang muscles niya at abs niya sa katawan ko. Nahawakan ko pa talaga
ang magkabilang braso niya habang pinupulupot niya ang mga ito sa baywang ko huh.

"Sabi na eh... May nararamdaman ka sakin." Aniya.

"Huh? Anong nararamdaman ko?" Sabi ko.

"Namumula ka, Rosie... Uneasy ka pag nandyan ako... Wa'g ka ng magkaila." Ngumisi
siya.

"HUH? Wala no!" Binitawan ko ang braso niya para sapakin siya pero nahuli niya ito
at nilagay sa dibdib niya.

"Ramdam mo 'to?" Tumahimik siya. "Ako rin... Ako rin, Rosie... Bumibilis ang tibok
ng puso ko pag nandyan ka. Kahit nakatingin lang ako sayo, naghuhuramentado na
ako."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko na lang kayang mag pa hard to get sa kanya.
Hindi ko halso maramdaman ang puso niya dahil masyado nang malakas ang tibok ng
puso ko. Hindi ko alam pagka't ang mga kamay ko mismo sa dibdib niya ay nanghihina
na.

Ilang sandali ay nabasag ang katahimikan naming dalawa nang nakita ko si Maggie at
James na naghahalikan sa malayo. Napatingin din siya sa kanila at ibinaling ulit
ang tingin sakin.
Tinitigan niya ang mga labi ko at nakita kong bahagyang bumakas ang bibig niya.
Itinulak ko siya papalayo pero useless yun dahil masyado siyang malakas.

"Jacob..." Sabi ko.

Nilapit niya ang mukha niya sakin at na realize kong di ko na talaga mapipigilan
to. Gusto ko rin siya. Kahit anong gawin kong pag dedeny sa nararamdaman ko...
gusto ko talaga siya...

Nilapit ko ang labi ko sa labi niya at hinalikan ko siya. Not swift anymore. And I
know for sure that its his first time...

Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko habang hinahalikan niya ako. Grabe, sa
lapit naming dalawa nakakalimutan ko ng di ko pa siya boyfriend... nakakalimutan ko
lahat ng sakit na idinulot niya sakin. Nakalimutan kong nasa p[ublic place kami...
nakalimutan kong pwedeng tumitingin na sina Maggie at James saming dalawa.

Tumigil siya sa paghahalik sakin at...

"Mahal na mahal kita kahit ayaw mo sakin." Hinalikan niya ulit ako.

AYAW KO SA KANYA!? Hinahalikan ko na nga siya di parin niya ma gets? Siguro dahil
di siya sanay sa mga ganito. Hindi siya sanay, alam ko, pero ang sarap sarap ng
halik niya. Dinilat ko ang mga mata ko at tinignang mabuti ang pagpikit niya habang
naghahalikan kami. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at natigilan siya...

"Do you... like it?" Tanong niya habang dinadamdam pa ang halik ko.

Halos di pa nga ako makahinga galing sa halikan naming dalawa. Tsaka... tinatanong
paba ang mga bagay na yan?

Tinalikuran ko siya pero hinila niya ang braso ko.

"Hinila mo ang ulo ko para halikan ka pa lalo, ibig sabihin gusto mo ang halik ko?
Gusto mo ako, Rosie?"
OO! TANGA! LECHE! BAGAL NG PICK UP MO! IKAW NA NGA ANG NAGSABING MAY GUSTO AKO SAYO
TAPOS NGAYON TATANUNGIN MO PA AKO?

"Totoong gusto mo ako? Hindi lang baka sakali ang lahat? Totoo ito?" Dagdag niya.

Kabanata 30

Friends With Benefits

Hindi yun ang first time ko sa paghalik. Syempre halos humantong nga kami ni Callix
noon sa dulo... LOL. Etong si Jacob naman ay hindi pa nakakatikim. Ako yung una.
Unang lahat niya. Espesyal pakinggan. Hindi ko kailanman inisip na espesyal ako kay
Callix noon pero umasa akong sana espesyal nga ako. Alam ko namang nakakailang
babae na siya at masyado ng marami experience.

"Rosie," Sinundan ako ni Jacob nang nag walk-out ako sa lagoon.

"Ano?" Sabi ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

"Nagugustuhan mo na ba ako?" Tanong niya.

"Oo!" Sinabi ko na lang ng diretso.

Natigilan siya at natulala kaya dinagdagan ko...

"Pero hindi tayo... Jacob, kung hindi mo napapansin ang daming babae diyan ang
nagkakagusto sayo... Ang dami-dami. Pwede kang mamili sa buong kaharian ng Alegria.
At ayaw kong pagkaguluhan ako ng mga babaeng yun o di kaya naman ay maging laman ng
usap-usapan nila-"

Hindi niya na ako pinatapos. Hinalikan niya ulit ako. Ngayon, siya na talaga ang
gumabay sa halikan naming dalawa. Grabe, sa sobrang gentle at sarap ng halik niya
para akong nahihilo at nalalasing. Tumigil lang kami nang narinig kong pumalakpak
sina Maggie at James.

"WHOOOO!" Sigaw nila sa malayo.


"Kayo na?" Sigaw ni Maggie.

Umiling ako at kinuha yung tuwalya sa bag samantalang naka abang si Jacob sa
harapan ko at tinititigan ako.

"Ano ako sayo, Rosie?" Tanong niya.

"Kaibigan, Jacob." Sabi ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

"Kaibigan, Rosie? Ganyan ba sa Maynila? Hinahalikan mo ba ng ganun ang mga kaibigan


mo sa Maynila? Huh?" Sabi niya at ginulo ang buhok.

Umiling ako, "Hindi mo kasi ako naiintindihan, Jacob."

"NAIINTINDIHAN KITA! HANGGANG DUN LANG AKO! KAHALIKAN LANG!" At tinalikuran niya
ako.

Umalis na siya ng tuluyan.

Kasalanan ko 'to. Alam kong first time niya 'to at siguradong naguguluhan na siya
ngayon. Ang problema ay ako.

"Jacob!" Tinawag ko pero di siya lumingon.

Patuloy siya sa pag wa-walk-out.

Tinext ko na lang:

Jacob, di pwede kasi maraming masasaktan.

Reply niya:

Mas pipiliin mong ako yung masaktan, ganun ba?

Napabuntong-hininga ako at tinype:

Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan?


Hindi na siya nag reply ulit. Galit na galit talaga siya. Mahal ko na talaga yata
siya eh dahil panay ang iyak ko sa kama sa mga sumunod na gabi. Hindi na talaga
siya nag text sakin. Galit na naman yun at baka insultuhin niya na naman ako. Baka
imbes na tungkol sa pera yung pang iinsulto niya noon ay tungkol na sa pagiging
haliparot kong babae na ngayon.

Pero nagkakamali ako... Lunes at nadatnan kong kumakanta ang banda nina Jacob sa
stage. Maraming na nonood.

"Para saan yung pag tugtog nila?" Tanong ko sa isang classmate ko.

"Kakanta kasi sila sa District Sports Meet ng mga varsity." Sabay turo sa
basketball varsities at volleyball varsities. "Next week."

Tumango ako. As usual, marami paring sumisigaw ng pangalang Jacob. Syempre siguro
dahil ito yung pangalan ng banda pero mostly yung nakikita kong sumisigaw nito ay
tiling-tili at nanggigigil sa tuwing tinuturo ni Jacob habang kumakanta.

Natapos yung isang kanta at may sinabi siyang alam kong nagpagulo sa lahat ng babae
sa buong school. Nakita kong lumaglag ang panga ni Eunice at napatingin kay April
na ngiting-ngiti.

"Hindi ko alam na darating ang panahon na sasabihin ko 'to. I'm in love, people!
And its a secret!" Ngumiti siya at kumindat.

Ewan ko kung guni-guni ko lang ba yun pero I swear may spark sa ngiti niya kaya
nagtilian ng husto ang mga babae.

"SAKIN!? AHHHH!"

May isang part pa nga doon na sa sobrang pagtutulakan ay may mga nadapa at
nagstampede pero tinawanan lang nila ang isa't-isa. Nagpatuloy sa pagkanta si
Jacob. Tinignan niyang mabuti ang mga tao na para bang may hinahanap. Nang nakita
niya ako ay ngumiti siya at pumikit.

"Yes, this song is for you."

Parang naramdaman ko talagang lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito.
Pwede bahhh? Umayos ka diyan at baka itapon kita! GRRR! Sira yata ang puso ko.
Nagtatatalon sa tuwa eh... Kainis! Pero di ko namalayang nakangiti na pala ako.
Walang malay ang mga tao pero sigurado akong di ako nag aassume ngayon... ako yung
kinakantahan niya.

Narinig ko nang kinanta niya ito noon... pero ngayon ko pa maririnig ito ng mabuti.
Parang nanunuyo...

"If I don't say this now, I would surely break..."

Nakita ko talaga ang pag ngisi ni April at mangiyak-ngiyak pa siya nang pinakinggan
si Jacob habang ang ibang babae naman ay umiiyak sa panghihinayang. Si Eunice ay
nagwawala tulad din ng iilang babae. Umiiling lang ang mga lalaking nakikinig at
kumakanta kasabay kay Jacob.

"Oh Oh be my baby..."

Para akong nanginginig sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya
haharapin mamaya sa classroom. Mag aassume na ba ako na ako yung kinakantahan niya
o hindi? Kinakabahan ako.

Pagkatapos nung kanta ay agad na akong umalis para mag punta sa classroom.

Nanigas talaga ang buong katawan ko nang nakita ko siyang tumuloy sa classroom sa
gilid ng mga mata ko.

"Jacob, yung thesis natin. Eto na nga pala yung hanggang Chapter 2." Sabay abot ko
sa USB ng di tumitingin sa kanya.

"Rosie,"

Napatingin ako sa seryosong mukha niya.

"A-Ano?"

"I get it now... Gusto mo ako as a friend with benefits?" Malungkot siya pero
pinilit niyang ngumisi.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"


"Uy pre! Ganda talaga ng boses mo! Idol!" Binati na siya ng mga kaklase ko kaya
hindi na siya nagpatuloy.

"Dapat gumawa ka ng original niyong kanta." Sabi nung iba.

Tumitili parin ang girls nang pumasok sa classroom. Pinalibutan nila agad si Jacob
at tinanong ang tungkol sa kinaiinlovan niya. Ang daming tanong eh...

"Maganda ba?"

"Sino ba siya?"

"Kasali sa Ms Intrams?" - Halatang iniisip na si April yun.

"Matagal na ba?"

"Kayo na ba?"

"Bakit di mo sinasabi kung sino?"

"Hindi ko sinasabi kasi di niya pa ako sinasagot."

Muntik na akong malaglag sa upuan ko. HINDI TALAGA KITA SASAGUTIN KUNG SASABIHIN MO
SA KANILA! Gag0! Kung sana pwedeng umalis kami dito sa Alegria at pumunta sa ibang
lugar na walang masasaktan. Napabuntong-hininga ako at nakita ko si April na
pumasok.

Lumingon lahat ng tao sa kanyang ngiti.

"Congrats, Jacob. Galing mo talaga." Bati niya.

Ibang-iba na talaga siya ngayon. Araw-araw ay lalo siyang gumaganda.

"Salamat, April." Ngumiti si Jacob at naghiyawan ang lahat.

"UYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!"

Pumula ang pisngi ni April at nagtaka naman si Jacob sa reaksyon ng mga kaklase
namin. I knew it! Walang kaalam-alam ang kumag na 'to. Bakit ba ang manhid niya?
Bakit ba ganyan siya?! Kainis!
"Sabi na eh! Tagal niyo ng magkaibigan! Imposibleng walang namamagitan sa inyo!"
Sabi nung isa sa mga kaklase ko.

Napatingin ang buong banda niya sakin at ngumisi. Alam kong iba ang duda nila sa
duda ng mga kaklase ko. Umirap na lang ako at kinuha ang notebook ko para makapag
doodle or something pero nakita kong nalaglag ang panga ni Jacob at tumingin sakin.
OH HAYAN! BUTI AT NAREALIZE MONG MARAMING MAY GUSTO SAYO DITO AT ISA SI APRIL DUN!

Buti at bago yun napansin ng mga kaklase ko ay dumating si Mrs Gonzalo.

Kabanata 31

Seryoso Ako

Gusto kong sabihin kay Jacob na may gusto si April sa kanya pero alam kong mali
kung sakin manggagaling. Alam ko rin namang may hinala na siya sa dalawang linggong
pagpaparamdam ni April sa kanya mula nung practice nila eh. Buti at tapos na nilang
na perform yun sa isang school sa karatig barrio ng Alegria kaya di ko na naririnig
ang mga nakakabinging hiyawan ng mga schoolmates ko kay Jacob.

Limang beses narin kaming umuupo dito sa damuhan ng Kampo Juan para gumawa ng
thesis namin samantalang si April ay nasa gilid at talak nang talak kay Jacob.
Gusto kong magreklamo dahil kailangan ko si Jacob sa ginagawa namin pero di ko
magawa. Umiirap na lang ako sa kawalan.

"Naalala mo nung grade 6 tayo? Yung nahulog si Leo sa puno?"

Hindi ko na mabilang kung pang ilang irap ko na 'to. I get it! Crush ni April si
Jacob pero hindi naman siguro makatwiran na hanggang sa paggawa namin ng thesis ay
nandito parin siya.

Habang nag uusap sila ay narealize kong mahirap talaga mag work nang walang dalang
laptop. Hindi ko dinala dahil akala ko ay pwedeng sa corrections at ibang aklat
lang ako babase sa ngayon...

"Jacob." Naputol yung pagsasalita ni April.


Tumingin sakin si Jacob. Nakangiti pa sa kwento ni April.

"Uuwi na lang muna ako kasi kailangan ko pala ng laptop. Sa bahay na lang 'to."
TUTAL WALA KA NAMANG NAGAGAWA DITO!

"Huh? O sige... ihahatid na kita." Aniya.

"Wa'g na. Mag tatricycle na lang ako." Sabi ko.

"Matagal ang tricycle dito... ihatid na kita." Tumayo siya.

Naglahad pa siya ng kamay sakin para matulungan ako sa pagtayo. Tinignan ko pa ito
bago ko nilagay ang kamay ko. Nagkatinginan pa kami pagtayo ko at matagal niyang
tinanggal ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nagka goosebumps ako.

"Jacob..." Tawag ni April.

"Ah!" Aniya at naglahad din siya ng kamay para matulungan si April sa pagtayo.

"Salamat!" Di na natanggal ang kamay ni April o ni Jacob.

Nag holding hands na sila patungo sa Hummer ni Jacob. Ako naman ay nasa likuran
nila at umiirap ng one thousand times sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung manhid
si Jacob o sadyang ganyan sila ka close. Sa ginagawa niyang ito binibigyan niya ng
pag asa si April.

Pumasok sa loob ng Hummer si April. Sa front seat kaya doon ako sa likuran pumasok.
Nagkatinginan kami ni Jacob bago ako pumasok at ngiting-ngiti siya sakin.

Umirap ulit ako.

Pagkapasok ko ay humalakhak siya sa driver's seat.

"Ba't ka tumatawa?" Tanong ni April.

"Wala lang." Nakangising sagot niya. Sumulyap pa siya sakin bago pinaandar ang
sasakyan.

Bushet! Hindi ko alam kung bakit umiinit ang pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang
mabuti habang pinapaandar ang sasakyan. Umatras ang sasakyan bago siya nag drive ng
diretso patungong gate ng Kampo Juan. Nag hand salute pa yung dalawang security
guard pagkalabas niya. Yung braso niya ay lalong nagiging klaro sa bawat konting
liko at mas attractive siyang tignan habang naka hawak ng manibela. Noong kami ni
Callix, hindi ko napansin ng ganito ka klaro ang mga detalye. Sa mukha niya lang
ako nakatoon, ngayong si Jacob na ay parang lahat ng detalye ay malaking bahagi ng
pagpintig ng puso ko.

Umiling ako at itinuon ang pansin sa mga bukid ng Alegria sa labas.

"Mauna tayo kina April." Aniya.

"Huh?" Tunog disappointed si April.

"Oo. Kasi una nating madadaanan yung bahay niyo. Malayu-layo pa kina Rosie eh."
Aniya.

"Okay!" Sabi ni April.

Ilang sandali lang ay dumating kami sa bahay kubo nina April. Literal na bahay kubo
ang tumambad sakin. First time kong makapunta sa bahay nila kaya di ako
makapaniwala. Sa mukha at ayos niya kasi this past few days ay parang di ako
makapaniwalang dito siya nakatira. Let's just say... mas gumara yung mga soot niya.

"S-Salamat, Jacob." Pulang-pula si April nang lumabas sa sasakyan.

"Walang ano man yun." Sabi ni Jacob. "Rosie, dito ka na." Sabay tapik niya sa
inupuan ni April.

Tumango ako at lumabas para lumipat sa front seat.

Nagkatinginan pa kami ni April. Seryoso at malungkot ang mukha niya.

"Sige April." Sabi ko.

"Rosie..." Napatingin ulit ako sa kanya.

Hindi na ako pwedeng magkamali... alam na alam ko ang mukhang ipinakita niya. Mukha
ng isang babaeng nagseselos.
"Wala." Tapos tinalikuran niya kami.

"Rosie, lika na!" Tawag ni Jacob sa loob.

"O-Okay." Pumasok ako pero di ko parin makalimutan ang mukha ni April.

"Jacob... Nung Ms Intrams ba, tinulungan mo ba si April sa paghahanda?" Tanong ko.

"O-Oo. Bakit?" Sumulyap siya sakin at pabalik ulit sa daanan.

"Kasi diba, nawala na yung eye glasses niya... Tapos yung jersey mo..."

"Oo. Pinahiram ko sa kanya. Kawawa naman kasi walang masoot." Aniya. "Bakit?
Nagseselos ka?" Ngumisi ulit siya.

Sinapak ko ang matigas niyang braso. "Hindi no!"

"Akala mo di ko nakikita yung pag irap mo tuwing nag uusap kami?" Tumawa siya.

Sinapak ko ulit.

"Alam ko, Rosie. Kahit na di mo aminin sakin. Kahit na ipinipilit mong magkaibigan
lang tayo... Kilalang kilala na kita." Ngumiti siya sakin.

Napatingin na lang ako sa labas dahil di ko rin mapigilang di ngumiti.

"Paano kung may gusto siya sayo at pinapaasa mo lang siya sa ginagawa mo?" Sabi ko.

Natahimik siya.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita.

"Wala yun. Noon pa, ganun na kami mag tratuhan sa isa't-isa kaya wala yun." Wika
niya.

Umiling ako, "Hindi mo alam. Ganyan kaming mga babae." Sabi ko.

"Hindi pwede yun, magkaibigan lang kami." Aniya.

"Paano nga kasi kung ganun..."

Tumingin siya sakin at itinigil ang Hummer.


"Alam mo naman diba kung ano ang sagot diyan?" Humilig siya sa upuan ko.

"Huh? Ano?"

"Rosie naman, wa'g kang mag maang-maangan. Alam mo namang ikaw ang... g-gusto ko
diba?"

Napalunok ako. Nahihilo na naman yata ako sa kagwapuhan niya. Nagkatitigan kami
kaya bumitiw ako sa kaba na baka maghalikan ulit kami dito sa Hummer niya.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang napakalaking puting gate na may
nakalagay na J.A Buenaventura at may dalawang naka ekis na katana.

"Asan tayo?" Tanong ko.

"Sa bahay namin." Tinanggal niya ang seat belt niya.

Siya pa ang nagtanggal sa seatbelt ko dahil masyado akong nabigla sa pangyayari.


Habang tinanggal niya yun ay hinuli niya ang labi ko at hinalikan ako.

"Jacob, shet naman oh!" Sabi ko at tinulak siya.

Pagkakamali na yung una... Ayokong ulitin pa sa pangalawa.

"Ano?" Ngumiti siya.

Uminit ang pisngi ko at di ako makatingin sa kanya kaya binuksan ko ang pintuan ng
sasakyan.

"Kailangan mo ng laptop diba? o hayan sa bahay may latop at desktop diyan sa loob.
Malakas pa ang DSL." Hinagis niya ang keys ng sasakyan sa isang security guard.
"Paki park sa loob."

Tumango naman ang guard at napairap na naman ako. Bakit lahat ng ginagawa niya ay
parang hinahangaan ko? Yung sarili ko naman yung iniirapan ko sa tuwing umiirap ako
eh.

"Ipapakilala kita kay papa." Aniya.

Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang ang mga mata ko.


"Kahit na ka friends with benefits mo lang ako, mahal kita at seryoso ako."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng magarbo at engrande nilang
bahay.

Kabanata 32

First and Last Love

Engrande ang bahay nila. Parang walang touch ng makabagong teknolohiya. Puno ng
magagarbong antiques. Pero nang tinignan ko nang mabuti may nakatayo palang mga
aircon sa gilid. Slide up din yung ibang windows. Yung sala nila ay may carpet na
kulay maroon. Nang idinaan ko ang palad ko sa table nila, wala talaga akong
nahagilap na alikabok.

"Saan si papa?" Tanong ni Jacob.

Napalingon ako. Nakita ko ang tatlong naka unipormeng maid sa harapan niya. Really?
Marami naman akong kilalang mayaman pero hindi ganito katindi. Mayaman sina Callix
pero hindi ganito katindi na kinailangan pang mag uniporme ng maid nila.

"Nasa office niya." Sagot nung pinakabatang maid sa tatlo.

Tumango si Jacob at tumingin sakin.

"Lika, pakilala kita."

Tinignan ko talaga ang reaksyon ng tatlo. Nagkatinginan sila at parehong laglag ang
panga. Hindi naman siguro ito yung first time na nagdala si Jacob dito ng babae
diba? Syempre si April o kahit si Eunice napunta na dito, diba?

"Nakapunta na ba dito sa Eunice?" Tanong ko habang sinusundan ko siya paakyat ng


engrandeng hagdanan.
"Hmm. Oo."

"Ah... Si April?"

"Oo din. Bakit?"

"Wala lang."

Okay, nothing special. Bakit parang nag expect ako dun na ako lang kahit obvious
naman na hindi pwedeng ganun?!

Napalunok ako nang nakarating kami sa second floor ng bahay nila. Kung engrande ang
walang hiyang first floor, laglag talaga pati ngipin ko sa second floor. May
lifesize na painting ang mama at papa ni Jacob. Sobrang ganda ng mama niya at
sobrang gwapo ng papa niya.

"Namatay si mama nung seven years old pa lang ako." Aniya nang nakita akong
nakatitig sa painting.

"Bakit?" Tanong ko.

"Car crash." Napalunok siya. "Kasama ako sa car crash, pinrotektahan niya ako kaya
namatay siya."

"Sorry." Sabi ko nang nakita kong halos matulala na siya.

Ngumiti siya, "Matagal na yun."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para makapaglakad ulit. Grabe, di ko


makayanan ang lapit namin sa isa't-isa. Kamay lang namin yung magkahawak pero
naghuhuramentado na ako. Di ko na matanggal ang tingin ko sa kamay naming dalawa.
Naisip ko tuloy na sana wa'g niya ng bitiwan. Sana totohanan na ang lahat. Hindi ko
alam kung bakit pero parang eto na talaga... para akong nagsimulang mabuhay nang
nakilala ko siya.

Kahit na alam ko namang di pa tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang gusto ko
talagang mangyari saming dalawa hindi ko parin matanggihan ang mga ganito. OMG!
Sana totohanan na 'to! Ipapakilala niya ako sa papa niya diba? Kinakabahan na ako!
Paano kung di niya ako magugustuhan?

"Look." Binitiwan niya ang kamay ko para ituro ang isa pang painting.

My heart sank. Please, Jacob, hawakan mo ulit. Dininig niya ang hinaind ng utak ko.
Pagkatapos niyang ituro ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. May nasulyapan pa
akong maid na nanonood nang nakanganga saming dalawa.
Yung painting niya naman ay nakakanganga din. Naisip ko tuloy kung ngumanganga ba
ang mga maid nila pag dinadaanan itong painting niya. Hindi niya talaga pinalagpas
ang pagkakataon na ipakita ang abs niya. Hindi siya nakangiti pero yung titig ng
seryoso niyang mukha ay tagos sa puso ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa baba ko at ngayon ko lang napansin na kanina pa ako
nalaglagan ng panga.

Humalakhak siya at sinapak ko na, "Masyado ka namang proud sa abs mo." Umirap ako
pero di ko mapigilang ngumiti.

Tapos yung hinahawakan niyang kamay ko ay nilagay niya sa abs niya. Naramdaman ko
talaga ang tigas. I swear to God umusok yung tenga ko sa kilig! Hindi ko alam ba't
kinikilig ako eh wala naman siyang sinabi. Nakangiti lang siya at pinagmasdan ang
reaksyon ko.

"Pwede mo namang titigan sa personal eh."

Umiling ako pero ang sarap ng mag mura. Pati muscles ko tinatraydor na ako.
Ngtumingisi na talaga ako sa pinagsasabi niya.

"Bwiset!" Sabi ko at kinaladkad siya palayo sa painting niya.

Tumawa lang siya at hinila ako papunta sa isang kwarto na may double doors. Ito na
sigurop ang office ng papa niya.

"Relax ah..." Tinitigan niya ako bago niya kinatok ang pintuan.

Grabe... pagkapasok ko sa loob, naramdaman ko agad ang nanginginig na mga paa ko.

"Pa..."

Naaninaw ko agad ang malayong table ng papa ni Jacob. Nakadungaw siya sa papel at
naka glasses pa nang dumating kami.

"Oh, Jacob." Tumayo siya.


Calm down, Rosie! Parang hindi na ako humihinga sa kaba eh. Hindi pa kasi ako ever
naipapakilala sa parents ng isang lalaki. Well, wala yun sa vocabulary ni Callix.

Hindi ko naman alam kung bakit nalaglag ang panga ng papa ni Jacob nang nakalapit
na kami sa table niya. Lumapit din siya samin... sakin... Hindi siya makapaniwala.

"Uh, pa... eto nga pala si Rosie-"

"Aranjuez?!"

Tumango ako. Napabuntong-hininga si Jacob.

"Rosie, pa..."

Niyakap ako bigla ng papa niya. Ang weird!

"Ugh! Pa." Sabay tulak ni Jacob sa papa niya.

Tumawa naman ang papa ni Jacob sa ginawa niya samantalang sobra naman akong na
weirduhan at kinabahan.

"Si Precy Aranjuez kasi ang first love niya..." Nagkibit-balikat si Jacob.

"Huh?" Hindi ako makapaniwala.

"Sorry, Rosie. Ikaw pala yung pamangkin niya." Tumawa ulit yung papa ni Jacob.

Umirap si Jacob at umiling. "Pa, nandun si Precy Aranjuez sa bahay nila kung gusto
mong yumakap. Di pwede si Rosie... di na available, sorry ka na lang."

Tumawa ulit ang papa niya habang umiiling, "Ano? kayo na ba?" Tumingin pa ang papa
niya sakin habang nakataas ang kilay.

Halos carbon copy ni Jacob ang papa niya. Parehong-pareho sila except sa mga mata
na nagmana naman sa sobrang ganda niyang nanay. Bakit si Auntie Precy ang first
love ng papa niya? Anong nangyari sa kanilang dalawa at bakit hindi nag work?

Naglahad ng kamay ang papa ni Jacob sakin at, "Juan Antonio."

Nilagay ko naman ang kamay ko sa kamay niya pero agad binawi ni Jacob ang kamay ko.
Ngayon, pulang-pula at galit pa talaga siya sa ginawa ng papa niya. Tumawa na naman
ang papa niya.

"Tito na lang nga! Juan Antonio? Ano ka? Binata? Yuck, pa. Anong kabaliwan yang
ginagawa mo?" Umiling siya. "Sana di ko na lang pala pinakilala..." Tapos
kinaladkad niya ako palabas ng opisina ng papa niya.

Tumatawa parin ang papa niya, "Nagmana ka talaga sakin..." Narinig ko yun
pagkalabas namin ng opisina.

"Kainis! Yung matandang yun." Aniya.

"Di pa naman matanda ang papa mo ah." Sabi ko. At totoo yun, hindi pa matanda ang
papa niya. Pwede pang mag-asawa ulit.

Nanlisik yung mga mata niya nang tinitigan niya ako.

"Ba't ka galit?"

"Baka gusto mo siya na lang yung boyfriend mo?" Aniya.

"Huy, abnormal ka ba? Anong pinagsasabi mo diyan!? My god!" Halos di ko kayang


isipin ang sinabi niya.

"Ayaw nung magpakasal ulit. Kung si Precy Aranjuez ang first love niya, si Cielo
Buenaventura ang last love niya. Tsaka, Kahit na alam ko yun ayaw ko ng hinahawakan
ka niya kahit saan." Ginulo niya ang buhok niya at namula. Di pa makatingin sakin.

Hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti ko.

"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang." Sabay tawa ko.

"Ano naman ngayon? Ayaw ko eh. kahit sino pa yan. Kahit aso."

Sinapak ko na talaga. "Abnormal talaga!"

Kinaladkad niya ulit ako patungo sa isa pang double-door na kwarto.

"Saan 'to?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at ngumisi, "Kwarto ko."


Kabanata 33

Gusto ko!

"Napaka imoral mo talaga, Jacob!" Sabay sapak ko sa braso niya.

Binitiwan ko ang kamay niya. Tumawa siya.

"Ito naman! Wala naman tayong gagawin dito! May desktop at laptop ako sa loob kaya
dito tayo pupunta ano!" Aniya at binuksan agad yung kwarto.

Naaninaw ko agad sa loob ang pagkalaki-laking kwarto niya. Una kong nakita ang
isang malaking flatscreen TV sa harap ng sala set. May sala set talaga sa kwarto
huh? Katabi nito ay isang itim na carpet kung saan nakalatag ang tatlong klase ng
gitara, malalaking speakers, drum set, organ, mic stand. Sa unahan pa nito ay isang
glass sliding door sa isang balcony na tanaw ang mga bukid ng Alegria. Sa kabilang
side naman ng sala ay may queen size na kama at may desktop, computer at iPad sa
tabi.

YES, THE FILTHY RICH KID'S ROOM!

Nakangisi siya nang nakita ang pagkamangha ko sa kwaro niya. Nakaupo na siya sa
kama niya at dala ang isang guitar.

"Ganda no?" Ngumiti pa siya lalo.

Na self conscious tuloy ako bigla. Sino ang maganda, ako? Hay, Rosie! Awat na ako
sayo! Inayos ko pa talaga ang buhok ko bago ko sinagot.

"Oo." Napalunok ako.

"Ayan na ang computer." Sabay turo niya sa desktop. "Saan na ba tayo sa Chapter 3?"

"Uh... Hindi pa tayo tapos sa Chapter 2." Sabi ko at kinakalma ang sarili.

"Ako na lang ang dadagdag sa Chapter 2 tapos simulan mo na ang Chapter 3."
Tumango ako at di makatingin sa mga mata niya.

"Ah! Teka..." Tapos tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto.

"Manang, pwede paluto?" Aniya sa isang maid. "Anong gusto mo, Rosie?" Tanong niya
sakin.

"Uh... Wa'g na... Tubig na lang." Sabi ko.

Tubig na lang dahil parang inuuhaw ako sa inis. Ba't ang yaman mo, Jacob? Sana
mahirap ka na lang! GRRRR!

"Spagetti nga tsaka pizza." Aniya sa maid tapos ni-lock ang pinto at ngumisi.

"Huy, di mo pwedeng i-lock yan!" Sabi ko.

"Huh? Bakit naman?"

"Masama na nga na nandito ako sa loob ng kwarto mo tapos ilo-lock mo pa yan? Buti
na yang nakikita ng lahat na wala tayong ginagawang masama." Sabi ko.

"Guilty naman nito!" Aniya pero binuksan niya ulit ang pintuan.

Buti naman at isang oras kaming nag seryoso sa thesis. Sinusulat niya ang chapter 2
habang nag eencode naman ako ng Chapter 3.

"Kailangan pa natin ng maraming sources." Sabi ko.

Kumakain siya ng pizza at nagpapahinga. Tumayo siyang bigla nang nakitang sinubukan
ko ring magpahinga.

"Patingin." Sabi niya kahit na puno ng pizza yung bibig niya.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak din sa mouse pero nakatitig siya sa
monitor. Tinanggal ko ulit ang kamay ko sa mouse. Naks naman, Rosie! Sa inyong
dalawa ikaw pa naman ang babae pero ikaw itong dirty-minded!

"Oh." Sabay offer niya sa may kagat ng pizza.

"Eww! Pahingi nga pero yung bago. May kagat mo na kaya yan-"
"Ito naman kung maka-eww ka wagas! Parang di mo pa natitikman yung laway ko!"

SINAPAK KO NA! ANG BWISET TALAGA NG KUMAG NA 'TO! KAINIS! Tumingin pa ako sa
pintuan at buti na lang wala namang nanonood o nakikinig samin.

"Tumigil ka nga! Masyado kang bulgar!"

"Oh eh bakit? Totoo naman! Wa'g ka ngang mandiri sakin eh nagustuhan mo naman yung
halik ko!" Sabi niya.

"TSEH! Tigilan mo nga yan at wa'g mong babanggitin yung h-h-halik!" Di ako
makatingin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang ngiti niya.

"Pwede naman nating ulitin." Marahan niyang hinawakan ang labi ko at umamba pa
siyang hahalikan ako.

Agad kong tinulak yung mukha niya at nag pout pa siya pagkatapos ng ginawa ko.

"Leche ka! Ang manyak mo naman, Jacob! Alis ka nga!" Sabay takbo ko sa kama niya at
hinagis ko yung unan sa mukha niya.

"Manyak na kung manyak pero nagustuhan mo naman diba? Gusto mo rin ako diba?"

Ewan ko kung bakit natatawa ako at di ko mapigilan ang muscles ng pisngi ko sa pag
stretch. Napangisi talaga ako sa sinabi niya. Kainis lang! HAHAHA! Ba't nakakatawa
at nakakainis ang isang 'to! Hindi ko alam! Hindi ako sigurado.

Lumapit siya sakin at tumakbo ako papuntang computer ulit.

"Ang OA nito! Kukuha lang ako ng pizza." Umiling siya at nag relax habang kumain ng
isa pang pizza.

Well, siguro harmless na siya kaya dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kama niya
para makakuha din ng pizza. Tinignan kong mabuti ang mukha niya at inosente namang
kumakain ng pizza kaya safe... Pero nang pinulot ko na ang pizza, agad niyang
hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kanya.
"Ano ba, Jacob!"

Tumawa siya nang nakita niya akong pulang-pula. Syempre ang init ng pisngi ko nang
at biglang narinig ko yung lakas ng tibok ng puso ko nung nagkalapit na kami.

"Sarap mo talagang inisin!" Tawa niya ulit at binitiwan ako.

"Rapist ka!" Sabi ko at kinuha agad ang isang pizza.

"Hoy! Excuse me! Hindi ko kailangang man rape sayo!"

Nalaglag talaga ang panga ko at gusto ko na lang humagalpak sa tawa, "Excuse me


din, ibig mo bang sabihin eh willing akong bibigay sayo. In your dreaaams!" Sabi ko
at bumehlat sa kanya.

Sumimangot siya at tinuro ang kalendaryo. May nakita akong pulang circle sa isang
date doon. Sa September 23.

"Ano?" Tanong ko.

"Monthsary natin yan. Hinalikan mo ako sa date na yan kaya tayo na. Hindi mo
hinahalikan ang mga kaibigan mo... yung boyfriend lang."

"WHAT?" Napapikit ako sabay iling. "Anyare sa friends with benefits?!" Tumawa ako.

"O ano ngayon kung tingin mo friends with benefits tayo basta ang sakin ay
girlfriend na kita... September 23 yung monthsary natin kaya yun na yun!"

Kumain ulit siya ng pizza. Hindi matanggal yung ngiti ko habang pinagmamasdan ko
siya. Grabe lang ha? Ni hindi ko naalala kung anong date kaming naghalikan sa Alp
Spring. Hindi ko alam kung bakit ang sarap ng tibok ng puso ko. Para bang excited
ito at sayang-saya sa mga ginawa at sinabi ni Jacob.

Umupo ako sa kama niya habang kumakain kaming dalawa ng pizza.

"Movie marathon?" Sabay turo niya sa dvd player.

Umiling ako, "Next time na siguro. Gagabihin ako kung manonood pa tayo." Sabi ko.

"Ibig sabihin babalik ka?" Umaliwalas ang mukha niya.

Umiling ako habang iniinom ang juice. Nilapag ko yun sa tray na nakalagay sa kama
niya.

Pinagmasdan niya ito bago kinuha at uminom din doon.


"Yuck, Jacob!" Sabi ko.

"Ano ba talagang problema mo?" Sabi niya pagkatapos inubos yung juice ko.

"Ba't mo ininom yun eh akin yun? May laway na!" Sabi ko.

"Di naman ako tulad mo na nandidiri sa laway ng mga taong nahalikan na eh."

Sinapak ko ulit siya at tumawa na lang siya. Humiga siya sa kama niya at pinikit
ang mga mata.

"Hay! Napagod ako sa thesis natin ah..." Aniya.

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya at tinitignan kong gaano siya ka
perfect. Yung buhok niya, yung mukha niya, yung katawan niya... May tao bang ganito
talaga ka perfect? Meron kasi nandito siya sa harapan ko... nandito siya sa Alegria
at wala siya sa Maynila.

Nabigla ako nang nakita kong dilat na pala ang mga mata niya at half-open na yung
bibig habang tinitignan akong nakatitig din sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang
pisngi ko at labi ko. Pareho na kaming half-open ang mga labi... and I swear, god!
Hindi ako kailanman nahirapan sa pag control sa sarili ko... This is the first
time. Hirap na hirap akong hindi siya halikan. Hirap na hirap akong bumitiw sa
titig niya. Hirap na hirap akong tumalon at magsalita para mawala kami sa titigang
iyon.

Biglang-bigla ako nang siya pa mismo yung ngumiti kaya nabasag ang titigan namin.

"Gumagabi na pala, baka hinahanap ka na sa inyo." Sabay tingin niya sa wrist watch
niya.

Umupo siya sa kama at tinitigan ako ng ilang sandali bago tumayo at humikab. Naka
tsinelas lang siya, puting v-neck t-shirt, shorts pero siya na ang ibig sabihin ng
salitang perpekto.

"Ihatid na kita." Naglahad siya ng kamay.

Natulala ako sa kamay niya. Hindi ko inakalang ang mga salitang manyak pala ay
kakainin ko na lang. Ako yata dito ang namamanyakan sa kanya at bakit iniisip kong
gusto ko siyang halikan ngayon din? Bakit iniisip ko ang mga bagay na hindi ko
kailanman inisip kay Callix? Hindi ako nagmamalinis. Marami na kaming nagawa ni
Callix at naka ilang base na kami. Hindi pa nga lang lumalagpas sa ganung punto,
pero hindi ko kailanman inisip na GUSTO KO yun. Ginawa ko lang yun dahil alam kong
gusto niya... Pero ngayon bakit ako na mismo ang may gusto?

"Rosie," Ngumisi si Jacob. "Halika na."

Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya at di ko mapigilang higpitan ang pagkakahawak


nito. Nakita ko ang bigla sa mukha niya.

Kabanata 34

Pawis na Pawis

Habang pinapakain ko yung mga manok sa bakuran ni Auntie Precy, nalaman ko na first
love niya rin pala si Juan Antonio na papa ni Jacob.

"Kinailangan kong lumuwas ng Maynila para mag college... Siya naman ay agad
tinuruan paano mag patakbo ng negosyo." Nagkibit-balikat si Auntie Precy at
nagkunwaring okay lang ang lahat kahit kita sa kanya ang pagsisisi. "Ba't mo
naitanong?"

I ignored her question, "Ba't di ka niya sinundan? Ba't di ka bumalik?"

Napalunok siya at nakita ko sa mga mata niya ang luhang nagbabadyang tumulo.
Tumingin na lang siya sa malayo habang nagkunwari akong magbuhos pa ng pagkain sa
mga manok. "Kasi kailangan kong mag-aral, Rosie. At siya, kailangan niyang mamahala
ng farm. Maraming nangyari nang nag aral ako sa Maynila, at marami ding nangyari sa
kanya dito sa Alegria. Nang bumalik ako, umalis naman siya para mag-aral din."

Tumango na lang ako. Ayoko ng magtanong pa ng kahit ano dahil natatakot akong baka
umiyak si Auntie Precy sa harapan ko.

Nabigla na lang ako nang dinagdagan pa niya ang sinabi, "Kung saan doon niya na
meet si Cielo."

Hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Auntie Precy. Nirereflect ko kasi ang
sitwasyon namin ni Jacob ngayon. Paano kung kinailangan na naming umuwi ng Maynila
at makahanap siya ng iba? Paano kung makita niya na si April at mahalin niya rin
ito? Iniisip ko palang naiiyak na ako sa paninikip ng dibdib.

Ilang araw pang lumuluwas si mama at papa sa Maynila. Hindi nila kami sinasabihan
tungkol sa inaapplyan nila sa New Zealand pero ramdam na ramdam kong mejo okay yung
feedback kasi mas maaliwalas yung mukha nila sa bawat pagbalik dito sa Alegria.
Nakita ko din silang chinicheck yung passport at parang nag ku-kwentuhan tungkol sa
bagong bahay na malilipatan sa Maynila.

"Naku! Excited na akong makabalik sa Maynila! Miss na miss ko na yung lugar na yun.
Sana apartment na lang ang rentahan natin nang di masyadong magastos. Di tulad
noon. Naku!" Sabi ni Maggie.

Para akong nabilaukan sa sinabi niya, "Huh? Kailan tayo babalik?" Nagkasalubong ang
kilay ko.

"O anong problema mo?" Ngumisi siya. "Akala ko ba ayaw mo dito sa Alegria? Ba't
parang ayaw mong bumalik sa Maynila? Kay Callix ba?"

Umiling ako, "Kailan tayo babalik?"

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam pero sigurado akong malapit na."

Isang linggo kaming laging magkasama ni Jacob pagkatapos niya akong dinala sa bahay
nila. Minsan sa Kampo Juan kami tumatambay, minsan sa bahay nila, minsan sa bukid
nila. Na bo-bored na ako masyado sa school dahil puro paper works na lang ang
nangyayari at less activities. Malapit na kasi ang katapusan ng term.

At dahil malapit ng matapos ang term, kailangan na rin naming matapos ang Chapter
1-3 ng thesis namin ni Jacob. Pero tuwing nagkikita kami, hindi ako makakita ng
time para gumawa ng thesis kasi masyado kaming maraming pinagkakaabalahan. ERR!
Mali yung iniisip niyo! Ang ibig kong sabihin ay tulad na lang nung take home test
sa Calculus at Physics. Magaling si Jacob sa Math kaya minsan ay nagpapaturo ako.

Kunwari sa school di kami close ni Jacob. Actually, sa part ko lang naman yun dahil
malamig ang turing ko sa kanya pag nasa school kami. Siya naman, sobrang feeling
close kaya iniiwasan ko. Talak pa nang talak kahit na nagsasalita din yung teacher
sa harapan. Ilang beses nga kaming napagalitan eh.

Lumapit si April pagkatapos ng klase, "Jacob, nag tanong si tatay kung bakit di ka
na nagpupupunta samin?" Sumulyap si April sakin bago ibinaling ulit ang tingin kay
Jacob.

"Alis na ako, ah?" Sabi ko.

Tumango lang si April.


This past few days, naiilang akong sumama o makipag usap kay April. Dahil narin
siguro sa sitwasyon namin ni Jacob. Guilty ako.

*1 message*

Agad kong binuksan ang cellphone ko at binasa ang mensahe galing kay Jacob.

Jacob:

Pupunta ako sa bahay niyo pagkatapos.

Kainis! Sarap itapon ng cellphone ko. Ba't kinailangan niya pang sumama kay April.
My god! At ba't ganito ang reaksyon ko? Ba't nandidilim ang paningin ko sa tuwing
naiisip na sumasama din siya kay April? Bakit pakiramdam ko nag-cheat siya sa
relasyon namin. Ay, Rosie! Wa'g ganyan dahil alam mong wala kayong relasyon.
Sadyang ilusyunado lang ang Jacob na yan.

Dumating siya sa bahay ng pawis pa. Wala na naman sina mama at papa ngayon kaya
sina Auntir Precy at Maggie lang ang nasa bahay. Si Maggie ay namamalagi sa kwarto
para makipag tawagan kay James. Si Auntie Precy naman ay nasa back yard o di kaya
ay sa kusina.

"Anong ginawa niyo at ba't pawis na pawis ka?" Salubong ko sa kanya.

Kahit na inosente naman talaga yung tanong kong yun, hindi ko mapigilan ang pag
iisip ng masama ngayong half-open na naman ang bibig ni Jacob.

"Anong 'anong ginagawa'?" Ngumisi siya.

Umiling ako, "Wala! Tss!"

"Oh ba't ka naiinis?" Tanong niya habang lumalapit sakin.

In fairness kahit na pawis siya sobrang bango niya parin. God, stop this feeling!
I-stop mo narin ang pagiging engot ko! Umupo ako sa sofa at nagkunwaring nanonood
ng TV.
"Jacob, kung may girlfriend ka na, di ka na basta-bastang nakikipagkita sa ibang
babae."

"Kung ganun, boyfriend mo na ako?" Tumabi siya sakin nang nakangisi. "Girlfriend
kita pero alam kong di mo ako boyfriend. At ngayon, nagseselos ka kaya sinasabi
mong boyfriend mo na ako?"

"Hindi!" Sabi ko nang nakatingin parin sa TV.

Bigla niyang kinuha ang remote at pinatay yung TV kaya napilitan akong tignan ang
napakalapit niyang mukha sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang
naramdaman yung kamay niya sa likuran ko. Hinilig niya ang buong katawan ko sa
katawan niya at naramdaman ko agad yung labi niya sa labi ko.

Tinulak ko siya dahil wala ako sa mood makipag halikan ngayong mejo galit ako at
naiinis sa kanya. Pero sa tamis ng halik niya, hindi ko lubusang magawa. Parang
gusto ko na lang ipagpatuloy. Alam kong nasa sala pa kami pero hindi ko talaga
magawang tumigil at basta-bastang itulak siya. In fairness na din, gumaling na siya
sa paghalik. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nakapikit siya habang hinuhuli
ang labi ko. Sinubukan kong itulak siya ulit at naramdaman kong mejo pawis ang
dibdib niya. Hinila niya pa lalo ang katawan ko. Yung boobs ko nasa dibdib niya na
talaga. Nakita kong ngumisi siya sa gitna ng halik namin.

"Jacob!" Sabi ko nang narealize kong nararamdaman ko na ang pagka turn-on niya.

Napatingin ako sa pants niya at kumpirmado nga yung naramdaman ko. Napahinga siya
ng malalim at half-open parin ang bibig nang tinignan ako.

Lumayo ako ng konti. Sh1t anak ng tupa! Alam kong magwawala ako mamaya dahil
isinusumpa ko ayaw kong maputol yung halikan. Gusto ko lang mag tuloy-tuloy
hanggang sa makuha kung ano man yung gusto ko. Naramdaman ko na ilang beses yung
ganun ni Callix pero lecheng buhay hindi ko pa kailanman naramdaman ang ganito ka
tinding pagpipigil sa sarili. True, na-cacarried away ako noon kay Callix pero mas
mautak ako noon at di ko basta-bastang hinahayaang lumagpas kami sa hubo't-hubad
stage. Kailanman, di ko inisip na kaya kong hayaan si Callix na hubaran ako. Pero
my goodness, parang gusto kong magmakaawa kay Jacob na sana hubaran niya ako,
ngayon din!

Napapikit ako at nagpasyang ibahin ang usapan.

"Ba't ang galing mo ng humalik? Sino ang nagturo sayo? Siguro nag training kayo ni
April dun?" Halos isigaw ko 'to.

"What?" Sigaw niya. "Rosie, ano ba yang pinagsasabi mo? Nagseselos ka lang!"
"Tigilan mo ako, Jacob! Kilala kita! Nag ho-holding hands kayo ni April! Baka kung
wala ako, higit pa sa holding hands yung ginagawa niyo?!" Hindi ko na mapigilan ang
sarili ko.

"Wala pa akong nahahalikan kundi ikaw kaya wa'g ka ngang dirty minded!" Aniya at
lumapit sakin.

Natakot ako ng sobra sa paglapit niya. Kahit na iniba ko na ang usapan, nandyan
parin ang init sa katawan na naramdaman ko kanina. Napahinga ako ng malalim at
lumayo ulit sa kanya.

"Ba't ka lumalayo sakin?" Napalunok siya.

Napatingin ulit ako sa pants niya. Hindi ako sigurado kung matigas pa o ano na yung
nasa ilalim nito.

"Oh, Jacob! nandito ka pala!" Sabi ni Maggie na bigla lang sumulpot.

Shet! Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Oo nga naman pala, nandito kami sa
sala! Napa face-palm ako sa makamundong pagnanasa na naiisip ko kanina.

"Oo. Magpapatulong kasi si Rosie sa isang assignment niya." Sabay tingin ni Jacob
sakin.

Napalunok ako. Anong assignment yun at aling subject? Nawala talaga sa isipan ko.

"Kunin ko lang ang notebooks ko." Sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto.

Easy ka lang, Rosie. Easy ka lang... Inalala ko si Callix. Yung unang halik namin.
Yung unang pagkahawak niya sa boobs ko. Unang foreplay namin kahit di pa
tinatanggal yung mga damit sa loob ng sasakyan niya. Puno yun ng pag iisip na dapat
di ko ibigay yung sarili ko sa kanya dahil kilala siyang playboy sa buong Campus.
Lahat ng babaeng naging girlfriend, na devirginize niya. Pero ngayon kay Jacob,
nagpipigil ako dahil alam kong ako mismo ay may gusto nito. sh1t! Ewan na!

Awkward yung pag tulong niya sa assignment. Isang haplos lang ng kamay parang
umiinit na yung katawan ko. Halata rin sa kanya ang pag iiba ng ekspresyon tuwing
dumadapo yung kamay ko sa kamay niya. Kahit na sinasapak ko siya, awkward padin.
"Jacob, dito ka na kumain. Gabi na eh." Sabi ni Auntie Precy.

"Sige po."

Sa hapag kainan, busy ulit si Maggie sa pag ti-text kay James. Si Auntie Precy
naman ay salita nang salita...

"Hirap talaga ng Calculus na yan. Naalala ko pa noon kung paano ako nahirapan
niyan. Rosie, yung mga kutsara."

Ako yung nag lagay ng kutsara sa mga plato dahil alam niyo namang mejo useless ako
sa kusina.

Nang nilagay ko na yung kutsara at tinidor ni Jacob, nahulog yung tinidor kaya
pinulot ko sa harapan niya. Nang tumayo ulit ako nakita ko ang mga mata niyang
nakatitig sa cleavage ng spagetti strap kong damit.

Tinitigan ko din siya habang nagsasalita si Auntie Precy at nag ti-text si Maggie.
Tingin niya pa lang, nag-aalab na ang dugo ko. Parang may hangin na naglakbay sa
likuran hanggang leeg.

Napasinghap siya nang nakitang nakatingin din ako sa kanya. Itinuon niya ang pansin
sa pagkain at bumalik naman ako sa upuan ko sa harap niya.

Kabanata 35

Maberdeng Alegria

WHAT WAS THAT? Hindi ko maintindihan kung ano talaga yung nangyari samin ni Jacob.
Na carried-away ako at pati siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin kung
kaming dalawa lang. Paano kung nasa loob kami ng isang room at walang tao?
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa scene na yun. Pabalik-balik sa isip ko yung
mukha ni Jacob, yung mga labi niya. Ugh!

Sa mga sumunod na araw, okay lang naman si Jacob. Hindi naman siya naiilang sakin
pero sobrang ilang ko sa kanya. Lagi ko siyang nakikitang nakikipag usap sa mga
kaklase namin o di kaya ay sa ka banda niyang sina Leo at Teddy. Tuwing nag uusap
at nagtatawanan sila, sumusulyap pa siya sakin. Palagi namang umiinit ang pisngi ko
tuwing nadadatnan niyang nakatingin ako sa kanya.

"Rosie," Tawag ni April sakin.

"April, bakit?" Tanong ko nang linapitan niya ako.

"Anong ibibigay mo kay Jacob?"

Nagkasalubong ang kilay ko, "Bakit? Anong ibibigay?"

"Birthday niya na sa makalawa, hindi mo ba alam?" Ngumiti siya.

"H-Hindi. Talaga?"

Hindi ko nga pala alam kung kailan ang birthday ni Jacob. Dalawang linggo na ang
nakalipas mula nung nagpunta siya sa bahay. Mula noon ay di na ulit kami masyadong
nagkikita maliban dito sa school.

"Oo. May ibibigay ka ba?" Tanong niya.

"Hindi ko alam."

"Siguradong mag papaparty si don Juan Antonio sa birthday ni Jacob kahit wala siya
ngayon at nagpuntang Maynila. Palagi naman yun nagpapaparty, only son niya kaya."

Tumango ako, "Ganun ba."

Napatingin ako kay Jacob na nakikipagkwentuhan parin sa ibang boys. Birthday niya
na pala sa makalawa pero di niya nabanggit sakin kahit na palagi siyang nakikipag
usap sakin.

"Nandyan na si Mrs Gonzalo!" Sigaw nung isang kaklase ko.

Nag sibalikan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Maging si Jacob ay


tumabi na ulit sakin at humilig pa lalo nang nakangisi.
"Oh, ba't naka simangot ka?" Aniya.

"W-Wala!" Inayos ko ang mukha ko.

"Ibang klase din yang si Eunice. Alam mo bang gustong pormahan ni Teddy pero ayaw
niya."

Inirapan ko siya, "Bulag ka bang talaga?"

Napawi ang ngiti niya, "B-Bakit?"

Umirap ulit ako, "Insensitive."

BWISIT! Hindi mo ba nakikita? May gusto din si Eunice sayo, bobo! Kainis! Kainis
ang taga bukid na ito! Pareho kayong mga taga bukid mga manhid! Sa sobrang inis ko,
nagmumura na ako sa notebook ko. Inulit-ulit ko pa ang pagsusulat ng mura sa
sobrang inis ko.

"Sh-t! Insensitive? Ano yan?" Binasa pa talaga huh?

"WALA!"

"Ayan na naman kayong dalawa! Isang red form na lang at pareho kayong suspended,
diba? Gusto niyo yatang ma suspend." Sabi ni Mrs Gonzalo samin habang nakatingin
lahat ng classmates ko saming dalawa ni Jacob.

"Sorry, ma'am. Di ko lang maiwasang di makipag usap kay Roseanne." Sabat ng walang
hiyang Jacob.

Uminit ang pisngi ko nang tinitigan pa ako lalo ng ibang kaklase namin.

Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Eunice, April at iba pang babaeng kaklase.

"Bwisit ka talaga, Jacob!" Sabi ko habang nagmamadaling umalis pagkatapos ng klase.

"Bakit?" Nag half-run siya para maabutan ako. "Hindi mo alam? kainis ka! Bwisit!"

Hinila niya ang braso ko at hinarap ko siya. Maraming estudyanteng dumadaan


papalabas ng gate. Yung iba ay sumusulyap at nagbubulung-bulungan. Yung iba naman
ay walang pakealam basta makauwi lang.

"Andaming may gusto sayo dito! Hindi mo basta basta na lang sinasabi yung mga ganun
sa klase! Marami kang masasaktan! Kainis ka!" Sabi ko.
"Ano naman ngayon kung maraming masasaktan? Ano bang problema mo? Ano ngayon kung
ikaw ang gusto ko? Wala silang magagawa, Rosie! Ikaw lang itong nag aalala sa mga
damdamin nila."

"Ang sama mo naman! Okay lang sayo na masaktan sila, ganun ba? Yung mismong tao na
pinoprotektahan mo, masasaktan mo sa ginagawa mo eh!" Sabi ko. Kulang nalang
sabihin kong si April.

Nagkasalubong ang kilay niya, "Wala akong taong pinoprotektahan! Ikaw lang!"

Napatingin ako sa paligid. Ilang estudyante na ang tumigil at nagmasid saming


dalawa kaya umalis na ako palabas ng campus.

"Ano bang ikinagagalit mo, ha?" Hinila niya ulit ako.

Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil gusto ko rin siya pero alam kong maraming
masasaktan. Walang ginawa si April kundi maging mabait sakin. At naiisip ko ding
magiging katulad ito ng relasyon namin ni Callix noon. May mga kaibigan ako nung
una, pero simula nung nagpahiwatig na si Callix sakin, nawala sila ng parang bula.
Inis lahat ng estudyante sakin at laman ako ng backstab sa school. Ngayon,
paniguradong yun na naman ang mangyayari sakin dito sa Alegria. Walang pinagbago.

"Wala." Mas mahinahong sabi ko nang pumara ng tricycle. As usual, sumama na naman
siya. "Ano ba, Jacob? Araw-araw na lang. Hindi ka ba sinusundo ng hummer niyo?"

"Sinusundo. Kaya ko namang umuwi mag isa ah? Kabisado ko ang Alegria."

Umiling ako at iniba na lang ang usapan, "Anong gusto mong gift?"

Mabilis ang takbo ng tricycle.

"H-Huh? Nalaman mo."

Umirap ako, "Paano ko di malalaman eh ang sikat mo?"

"Huh? Hmmm. Kahit ano. Kahit na hindi materyal na bagay."

Napatingin ako sa mga mata niyang nakatitig din sakin. Walang bakas doon na
panunuya. Seryoso siya sa sinabi niya.
Uminit ang pisngi ko.

"B-Bakit?" Tanong niya nang nakita ang pag pula ng pisngi ko.

"Ang bastos mo talaga. Hindi ako ganung klaseng babae. Hindi ganun ka dali, Jacob.
Kung akala mo madali lang dahil may ex na ako, nagkakamali ka... ni hindi ko pa yun
nagagawa." Pabulong na sinabi ko habang nakatingin sa labas.

Nalaglag ang panga niya at unti-unting narealize kung ano ang iniisip ko.

"Huy, Roseanne Aranjuez! Ikaw itong bastos at napaka green minded mo talaga! Hindi
yun ang hinihingi ko sa di materyal na bagay!" Humagalpak siya sa tawa.

Mas lalong uminit ang pisngi ko.

ANO? Akala ko talaga hinihingi niya sakin ay yung alam niyo na!? GRRR.

"Anong akala mo sakin, cheap? Na yun ang gusto ko sayo? Kainis 'to oh!" Kinurot
niya ang pisngi ko.

Di tuloy ako makatingin sa mga mata niya. Kawalang hiyaang pagkakamali naman yung
nangyaring iyon. Ako pa ang lumabas na manyak!

"Eh ano ba kasi!? Pwedeng ispecify mo nang di ako maconfuse?" Umirap ako, di parin
nakatingin sa kanya.

"Syempre yung matamis mong Oo, nang opisyal na tayo at di ka na magtatago sa


nararamdaman mo sakin."

"TSEH! Paano ka nakakasigurong may gusto din ako sayo? Kapal ng mukha!" Sabi ko.

"WEH? Ilang beses mo na kaya akong hinalikan. Ibig sabihin nanghahalik ka kahit di
mo gusto yung tao. 'Jacob'-" Sa huling sabi niya, ginaya niya pa ang boses ko nung
huli ko siyang hinalikan kaya tinakpan ko yung bibig niya at sumulyap ako sa
tricycle driver na seryoso namang nag dadrive at mukhang di nakikinig.

"TUMAHIMIK KA NGA DIYAN!?"

Humagalpak ulit siya sa tawa.

"Bukas ng hapon. Tapusin na natin ang Chapter 1-3 ah? Malapit na ang finals eh.
Saan mo gusto? Sa bahay niyo, bahay namin, Kampo Juan, o sa farm?"
Kung sa bahay namin, hindi pwede kasi fresh pa sa memory ko yung huling nangyari -
lalo na ngayong pinaalala niya sakin yung 'Jacob'... KAINIS! Kung sa bahay nila,
lagot at sa kwarto na naman kaming dalawa... ang sabi ko ayokong nasa loob kami ng
enclosed space. Kung sa Kampo Juan, paniguradong nandoon si April.

"Sa farm niyo na lang. Dalhin ko ang laptop namin." Sabi ko.

"Okay..." Ngumiti siya at kinurot ulit ang pisngi ko.

Yung utak ko talaga kasing berde ng mga bundok ng Alegria. Grrrr. Eh mukhang wala
lang naman kay Jacob ang lahat. Ako yata ang totoong manyak dito.

Pasintabi sa mga nag aabstinence. Kailangan ito ng patnubay ng magulang kahit hindi
naman masyadong ganun pero in case sa mga ma ooffend, sige, SPG. hehe.

------------------

Kabanata 36

Habang Buhay

Nagsimula na ang preparation sa 18th birthday ni Jacob. Kitang-kita sa buong


Alegria ang estado ng buhay nila. May ilang pagkain at regalo akong nakita sa bahay
nila kahit bukas pa naman talaga ang birthday niya. Meron doong mga galanteng
regalo. May lechon pa nga doon galing daw sa Yu's Family (ibig sabihin kina Leo).

"Lika na!" Dumating si Jacob ng naka sakay sa isang itim na kabayo.

Naglahad siya ng kamay habang natatawa sa reaksyon ko.


Napalunok ako, "Ayoko!"

"Bakit? Sabi mo sa farm diba? Di tayo maglalakad. Kita mo naman yung langit,
mukhang uulan pa. Lika na!"

Napatingin ako sa langit at napalunok ulit. Alam niyo namang ayaw kong ni hawakan
ang kahit anong parte sa katawan ni Jacob pero nananadya yata siya ngayon.

Ngumisi siya at napatingin ulit ako sa nakalahad niyang kamay.

"Ano? Kaya mo bang sumakay ng isa pang kabayo?" Sabay turo niya sa iba pang kabayo
nila malapit naman sa iilang kambing.

Matinding katahimikan ang narinig ko. Apak lang ng kabayo at ang 'Mehehehe' ng
kambing ang naririnig. Matipuno talaga siya at mukhang prinsipe lalo na ngayong
nakasakay siya ng kabayo. Para bang natural sa kanya ang pagsakay ng kabayo. Naka
t-shirt at shorts lang din siya. Naka racerback at shorts naman ako. May dala din
akong backpack kung saan nandoon ang laptop at ilang libro para sa thesis namin.

Bakit ko pa kasi naisip na sa farm pa nila?

"Ano, Rosie? Natatakot ka?" Naging seryoso ang mukha niya.

Hindi ko alam kung ba't niya naitanong yun. Hindi ko alam kung bakit agad akong
kinabahan sa tanong niya.

"Di ah!" Sabi ko at inilahad ang kamay ko.

Ngumisi siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka ako sumakay sa kabayo. Nasa
likuran niya ako.

"Dapat lang kasi ako naman ang kasama mo. Kapit ka lang."

Nagsimulang tumakbo ang kabayo pero di parin ako kumakapit sa baywang niya.
"Rosie, ano ba?!" Sigaw niya.

Itinigil niya ang kabayo at kinuha ang magkabilang kamay ko. Siya na mismo ang
pumulupot nito sa baywang niya.

"Kapit pa!" Wika niya.

"Huh?"

"Ano bang nangyayari sayo?"

Uminit ang pisngi ko at sinubukang kumapit ng maayos.

"Much better."

At agad niyang pinatakbo ulit ang kabayo. Siguro mga limang minuto kaming nakasakay
doon. Wala akong nararamdaman kundi ang makisig na likuran niya sa dibdib ko at ang
lakas ng pintig ng puso ko. Panira! Wa'g kang traydor ah! Kainis ka diyan! Tumigil
ka at baka itakwil kita!

"Andito na tayo, Rosie!" Aniya.

Kumalas ako at bumaba sa kabayong itinali niya sa isang puno. Nasa harap ko na
naman ang mga bukid ng Alegria at isang ilog.

"Ganda dito, Jacob!" Namangha talaga ako sa ganda ng Alegria.

"Alam ko." Ngumiti siya habang nakatingin sakin.

Hindi ako sigurado kung nag fefeeling ako o ano pero tingin ko talaga ako yung
sinasabihan niyang maganda. Tapos naalala ko nung sinabi niyang di ako maganda
noon. Grrr.

"Magsimula na tayo." Sabi ko at nag indian sit sa damuhan.

Lumapit naman siya sakin at tinulungan ako sa lahat ng mga pwedeng gawin. Natapos
namin ang lahat sa loob ng isang oras. Maaring mayroon pang kailangang ipolish pero
talagang natapos namin ang Chapter 1-3 ngayon. Swerte nga eh! Bukas na ang deadline
nito at next week ay finals na kaya buti at natapos namin 'to ngayon. Next term,
uubusin namin ang buong thesis na natitira, Chapter 4-5 na!

"Hay! Ang init!" Aniya at agad nag hubad ng t-shirt sa harapan ko.

"Jacob!" Uminit ang pisngi ko.

Napatingin siya sakin, "Ano?"

"Wa'g ka ngang ganyan!"

Grabe! Yung abs niya talaga ang nakakatawag pansin. Wala nabang mas peperfect sa
hubog ng katawan niya? At apg titignan mo naman ang mukha niya, perpekto din.
Pinaglihi yata ito kay Adonis.

"Maliligo lang ako." Sabay turo niya sa ilog.

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "Wala bang buwaya diyan?" Sabay tingin ko sa ilog
na malinaw naman.

"Wala! Asus! Meron siguro doon sa unahan, pero wala dito!" Tumawa siya sa
ekspresyon ko.

Naglahad siya ng kamay.

"Maligo tayo!?" Aniya.

Umiling na ako nung paglahad niya palang ng kamay.

"Bakit? Hindi mo naman first time! Naligo na tayo ng magkasama ah!?"

BWISIT! Hindi ko talaga alam kung sadyang green minded ako o talagang sinasadya ni
Jacob ang pagiging green.

"Ayoko! Sige na! Maligo ka na nga dun at nang makabalik na tayo."

"Hay naku! Ayan ka na naman, Roseanne! Sungit ka na naman miss sungit!" Tapos
lumangoy na siya sa ilog. "Woooh! Sarap, Rosie! Lika na!"
Umiling ako habang tinitignan siyang tuwang tuwa sa pag s-swimming niya. Napawi
agad yung ngiti ko nang bigla niya akong sinabuyan ng tubig-ilog.

"JACOB!" Basang basa ako mula ulot hanggang shorts. "ANO KA BA!? Ang laptop muntik
nang mabasa!" Napatingin ako sa backpack kong malayo naman.

Pero nang ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kanya, nakita ko na ang abs niya sa
harapan ko at ang ngiti ng gwapo niyang mukha na dumudunga sakin.

"AHHHH!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila sa ilog.

Ang landi talaga nitong lalaking ito! Hindi ako sigurado kung inosente ito o ano...

"O diba, ang sarap!?" Tumawa siya habang nag s-struggle ako at basang-basa sa
harapan niya.

Hanggang baywang lang yung lalim ng ilog at bato naman ang tinatapakan ko sa
riverbed. Ang sarap nga! Tama si Jacob!

"Paano na yan? Wala akong extrang damit! Uuwi akong basa."

"Edi uuwi tayong basa!" Ngumisi siya.

Uminit ulit ang pisngi ko at di na makatingin sa kanya ng diretso.

"O ayan ka na naman. Ba't di mo ako matignan?" Hinuli niya ang tingin ko.

Tinignan ko na lang ang magkabilang bundok sa likuran niya depende kung saan niya
hinihilig ang ulo niya para ma huli ang mata ko.

"Ano bang problema mo at di ka makatingin?"

Napalunok ako at unti-unti siyang tinignan pero hindi ko magawa. Hindi ko siya
matignan dahil alam kong sasabog sa kaba ang puso ko kung gagawin ko yun.
"You're in love with me." Seryosong sinabi niya.

Nagulat ako at napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Kung di mo yun kayang aminin, ako ang magsasabi ng nararamdaman mo, Rosie. Alam ko
kasi ramdam ko rin yun."

Matinding katahimikan ang bumalot samin habang nag tititigan.

"Isantabi mo na ang pride mo, please. Alam kong nasaktan kita at gusto mong
gumanti. Pero, mahal kita at hindi ko na kayang mag panggap sa mga taong hindi..."

Malungkot ang kanyang mga mata habang tinititigan niya ako. Gusto ko na lang siyang
yakapin ng mahigpit. Sana mapawi ko yung lungkot niyang ako naman ang nagdulot.

"Sorry, Jacob." Sorry din sayo superego ni Rosie.

Hindi ko na siya kayang tanggihan. Alam kong mahal ko na rin siya pero pinipigilan
ko na lang talaga. Ayokong may masaktan.

Napalunok siya at nilagay ang magkabilang palad sa pisngi ko, "Sorry dahil di mo
ako mahal o sorry dahil mahal mo ako?"

"Sorry..." Sabi ko at napapikit ako.

Eto na. Sasabihin ko na talaga. Kaya ko 'to! Di ko na talaga maramdaman ang puso
ko, mukhang tumakbo na somewhere at wala na sakin.

"Sorry dahil mahal din kita."

Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha niya bago niya ako hinalikan. I pretended for
too long. I can't help it now...

Ito na yata ang pinakamatagal na halik na natanggap ko. Yung mga kamay niya ay nasa
likuran ko na. Minsan ay nasa buhok, sa leeg, sa tiyan. Ngumingisi siya tuwing
tumitigil kami para makahinga at maghalikan ulit. Sarap niya na talagang humalik!
At ayokong may ibang hahalik sa kanya. Ayoko. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin lang
siya. Maaring nahalikan na ako noon, pero sana siya rin ang unang halik ko. Sana
kaming dalawa na talaga.

Idiniin ko pa lalo ang sarili ko sa kanya at naramdaman niya naman ito kaya mas
lalo niya pang pinag-iigihan ang paghalik.

Ilang sandali ang nakalipas, naramdaman ko na naman ang pagka turn on niya. Tinulak
ko siya ng bahagya at dun namin na realize na umaambon na pala.

"Jacob yung laptop!" Sabi ko bago niya ako hinalikan ulit.

Tumigil siya at, "Oo nga pala! Lika na!" Sabay hila niya sakin papunta sa kabayo at
sa backpack.

Kinuha ko yung t-shirt niya at agad siyang sumakay sa kabayo kasama yung backpack
ko. Naglahad ulit siya ng kamay at tinanggap ko ito ng walang pag aalinlangan.

"Dali!" Gigil na sabi ko habang kinukuha yung backpack ko sa kanya. Yinakap ko yung
backpack para di mabasa.

Isang minutong tumatakbo ang kabayo nang biglang bumuhos na talaga kaya kinailangan
naming sumilong sa isang abandunadong kubo malapit sa pineapple plantation nila.

"Nabasa ba yung laptop?" Tanong niya pagkatapos itinali yung kabayo.

Pumasok kami sa loob.

"Hindi." Napabuntong-hininga ako nang nakitang okay lang yung laptop pero nang
ibinaling ko ulit sa kanya ang mga titig ko, nakita kong nakatitig din siya sakin.
Half-open ang bibig niya.

Napatingin siya sa basang-basa kong damit. Napatingin din ako sa sparkling abs
niyang basa sa tubig ulan at ilog.
Napasinghap siya at ibinaling ang tingin sa buong bahay kubo. Napatingin narin ako
sa paligid. May bamboo bench na komportable, mesa at may mga gamit sa farm.

"Dito minsan pumupunta ang nagbabantay sa plantation." Aniya.

Tumango ako. Umupo siya sa bench kaya tinabihan ko na. Naramdaman ko ang ginaw
dulot ng basang damit at ulan sa labas na hindi parin humuhupa.

Yinakap ko ang sarili kong tuhod nang bigla siyang umalis sa tabi ko at lumayo.

Nakita ko ang kaba sa mukha niya.

"Bakit?"

Pumikit siya at umiling.

"May problema ba?" Tanong ko at kinabahan na naman.

"Mahal kita, Rosie." Yun lang ang nasabi niya nang idinilat niya ulit ang mga mata
niya.

"Mahal din kita, Jacob." Sabi ko nang walang pagaalinlangan.

Tinitigan niya ako at half-open na naman yung bibig niya. Kinakabahan na talaga
ako.

"Bakit, Jacob?" Tumayo ako at nilapitan siya.

"Rosie.." Tumingin siya sa labas at lumayo ulit sakin.

"Ba't ka lumalayo sakin, Jacob? May problema ba?"

Baka ayaw niya sakin? Baka sila na ni April at di niya masabi sakin ngayong sinabi
ko nang mahal ko siya? Ano ang problema ng kumag na 'to?! Kainis!

"Jacob! Nafu-frustrate na ako, anong problema mo-"

"Ang problema ko ay eto!" Hinalikan niya ako na para bang sabik na sabik na siya.

Napaupo ako sa bench habang hinahalikan niya ako. Unti-unti niyang pinasok ang
kamay niya sa ilalim ng racerback ko. Hindi ko kailanman naaalala na ganito ako ka
excited tuwing dadating sa ganitong stage. Hindi ko maalala kung paano ko
natanggihan si Callix noon. At hanggang ngayon alam kong tatanggihan ko parin siya
pero hindi ko kayang tanggihan si Jacob. Gusto niya ako, sigurado. Wala siyang
ibang babae. Wala siyang ibang mahal. Hindi siya playboy at ako lang ang laman ng
puso at isipan niya. Ako lang ang nasa mundo niya. Alam ko yun at nararamdaman ko
yun dahil yun din ang nararamdaman ko sa kanya.

Napadaing ako sa kiliting naramdaman nang dahan-dahan niyang tinanggal ang bra ko
at hinaplos ang boobs ko. Tinulak niya pa ako lalo sa bench kaya napahiga ako.
Pinaghiwalay niya ang magkabilang legs ko gamit ang kanyang mga paa habang
hinahalikan ako. Nang idinikit niya na ang sarili niya sakin, naramdaman ko na
talaga kung gaano na siya ka turn on.

Narealize ko na ngayon kung bakit niya ako iniiwasan kanina. Iniiwasan niya ako
dahil konti na lang ay di na siya makapagpigil.

"Mahal na mahal kita, Rosie." Aniya bago niya ako hinalikan ulit.

"Mahal..." Halos di ko na masabi dahil nag umpisa na siyang humalik sa leeg ko


pababa. "M-Mahal din kita, J-Jacob."

Tumigil siya at ngumisi. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang galing boobs ko
pababa sa hita ko.

Nabigla ako sa ginawa niya. This is our first time. Kaming dalawa. Gagawin ba
talaga namin ito? Gagawin ko ba talaga ito? Magagawa ko ba talaga ito?

Bago ko pa masagot ang mga tanong na iyan, umoo na ako sa pag daing ko nang
hinaplos niya na ang gitna ng shorts ko. Shet! Jacob!!! Talaga?!!!

"J-Jacob..." Sabi ko. Struggling.

Hinalikan niya ulit ako habang ginagawa niya yun.

"I wanna be your first, last, and your only."

Ngkagoosebumps talaga ako sa sinabi niya at sa pag bukas niya sa zipper ng shorts
ko. Hinaplos niya naman ngayon ang panty ko. Ngumisi siya nang nakita ang
paghahabol ko ng hininga.

"I love you, Roseanne Aranjuez." Hinalikan niya ako habang hinuhubaran ako.

Hinabol niya na rin ang hininga niya pagkatapos niya akong hubaran. Gosh! I swear
wala ng mas iinit pa sa nararamdaman ko ngayon. Hinaplos niya ulit yun ngayon na
wala ng layers ng shorts o di kaya ng panty.

"Jacob, baka mabuntis ako." Mahina ang boses ko habang sinabi ko yun.

Alam kong iyon na ang last resort. Dahil ako mismo ay hindi pa readyng magkaanak at
sigurado akong ayaw padin ni Jacob mag kaanak. Pareho kaming hindi ready at alam
kong masama itong gagawin namin. Yun na nga ang sinasabi ko. Kailan pa ba ito
naging madali sakin? Kailan pa? Noong kami ni Callix madali lang talagang tanggihan
ang lahat pero ngayong si Jacob na... mahirap tanggihan at madaling gawin! Anong
nangyayari sakin?

"Okay lang dahil sigurado naman akong ikaw ang gusto kong pakasalan." Tinignan niya
ako ng diretso na para bang ipinapakita niya sakin ang buong kaluluwa niya. "At pag
nabuntis na kita, ibig sabihin wala ng makakaagaw sayo. Akin ka lang. Habang
buhay."

Nagsimulang tumibok pa ng mas malakas at mas mabilis ang puso ko. Lalo na nung
nagsimula na ulit siya sa paghalik at paghaplos sa iba ibang parte ng katawan ko.

"I love. Every. Bit. Of. You. Rosie."

Sa sandaling iyon, nalaman kong walang babae ang makakatanggi kay Jacob
Buenaventura. Maging ako ay nag iinit na ng bongga sa kanya. Hindi ko na
makakayanan at sa sobrang gigil ko ay parang sasabog na talaga ako.

Napailing ako hinalikan ang labi niyang sabik sa akin. He moaned, "Rosie." Sarap
pakinggan ng boses niyang nag-iinit lalo na ngayong alam mong ikaw ang dahilan.

He's my first... my only... and hopefully, my last.


Kabanata 37

Ikaw at Ako

Masakit. Yun ang unang naisip ko pero nakalimutan ko na agad yun lalo na dun sa
huling nangyari. Hindi ako sigurado pero bumilis ang tibok ng puso ko at nakalog
yata ang buong katawan ko habang kumalas siya sakin pagkatapos ng sabay naming pag
galaw. Napapikit ako sa sarap at excitement na naramdaman ko habang napahinga siya
ng malalim sa tabi ko.

Bago pa ako dumilat, hinalikan niya na ang noo ko.

"I love you, Rosie. Sorry at hindi na ako nakapag pigil." Napabuntong hininga siya.
"Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko." Hinalikan niya ang pisngi ko.

Hindi ako nadevirginized ni Callix na umabot kami ng ilang months, pero si Jacob!
Si Jacob na kahit ilang minuto pa lang nagiging kami ay ganito na ang nangyari.

"I love you, too." Sabi ko.

Nakarating kami sa bahay nila ng parehong basang-basa.

"Jusko naman, Jacob!" Sabi ni manang nang nakita kaming dalawa.

Nagpanic ang mga katulong nila at binigyan agad kami ng tuwalya.

"Hindi ka pwedeng magkasakit ngayong wala si Don Juan tsaka birthday mo bukas."
Umiling si manang nang nakitang binigay ni Jacob sakin yung tuwalya niya. Dalawa na
ang tuwalya ko.

Kumuha sila ng isa pang tuwalya para ibigay kay Jacob. Uminit ang pisngi ko nang
nagbulung-bulungan ang dalawang katulong sa likuran ni manang. Hindi ko alam kung
sadyang obvious sa mga mukha namin ni Jacob yung nangyari sa kubo o talagang guilty
lang ako.

"Naabutan kayo ng ulan?" Tanong ni manang.

"Oo eh. Pero natapos naman namin... yung ano... thesis. Manang, mamaya ko na
ihahatid si Rosie, patuyuin ko muna. Este... uh... pahiramin ko na lang ng damit
tapos sana patuyuin niyo muna ang damit niya. Baka magkasakit eh."

Nilagay niya ang kamay niya sa tuwalyang nakasabit sa balikat ko. Parang may
kurente talaga akong naramdaman! Shet! Malagkit!

"Kung sana dalhan niyo rin kami ng mainit na... uh... soup o di kaya kape." Aniya.

"Saan ba kayo? Sa kwarto mo?" Tanong ni manang nang naka taas ang isang kilay.

Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung talagang guilty ako o masyadong
obvious.

"Pupunta kami ng kwarto para makakuha ako ng damit para kay Rosie at para sakin.
Bababa din kami." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang stairs nang
walang pag aalinlangan.

"Jacob... kinakabahan ako. Mukhang alam nila." Sabi ko.

"Guni-guni mo lang yun. Tsaka... ano naman ngayon kung alam nila? Buti ng malaman
nila kung sino ang susunod nilang magiging amo."

Sinapak ko na siya.

"Ano?" Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko.

Hindi parin matanggal sa isipan ko ang nangyari samin sa kubo. Namula din siya nang
natigilan kami sa harapan ng kwarto niya. Hindi siya makatingin sakin.

"Anong masasabi mo... uh... sa nangyari?" Mas lalo pa siyang namula.

"Huh?" Natatawa na naman ako.

"Ano? O-Okay lang ba yun?" Di talaga siya makatingin.


Binuksan niya ang pintuan. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero may ganun
ba talaga? Tinatanong ba talaga yun pagkatapos?

"Ewan ko, hindi ko alam. Wala akong mapagkumparahan kasi una ko rin yun!" Uminit pa
lalo ang pisngi ko.

Nakatingin na siya sakin at half-open na naman yung bibig niya.

"Jacob." Maliit ang boses ko.

Nabigla ako nang sinarado niya ang pintuan.

"Jacob, wala ng round two... wa'g dito." Sabi ko nang nakita siyang naglakad
patungo sakin. Kainis lang! Nakakatempt siya.

Tumawa siya at nilagay ang daliri niya sa chin ko nang nakalapit na. Damang-dama ko
ang init ng hininga niya lalo na nang hinalikan niya ako. Ayan na naman ang bugso
ng damdamin at makamundong pagnanasang naramdaman ko kanina.

"Jacob..." Sabi ko sa gitna ng halik.

"Sarap pakinggan ng boses mong tinatawag ang pangalan ko habang hinahalikan kita."

Errrr. Bakit ba hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kahit ayaw ng utak ko.
Itinigil niya ang paghalik.

"Ikaw at ako lang, Rosie. Sa mundong gagawin nating dalawa, ikaw at ako lang ang
laman. Pangako."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit
damang dama ko ang sinabi niya. Sarap talaga ng feeling na 'to. Sana hindi na
magbago. Sana ganito palagi.
May biglang kumatok galing labas. Binuksan ito ni Jacob.

"Kami na ang magbibihis kay Rosie." Sabi nung dalawang katulong kanina.

Binuksan ni Jacob ang pintuan at nakita kong may dala silang bathrobe. Sumulyap at
ngumisi si Jacob sakin.

"Wa'g niyong ipasoot yung bathrobe sa kanya. Madaling na... natatanggal yan eh.
Etong t-shirt ko na lang tsaka shorts. Maliligo lang ako." Sabi niya sa dalawang
katulong.

Kaya ko namang bihisan yung sarili ko kaya naiilang ako nang nandito sila kahit na
parehong nakatalikod.

"Tapos na." Sabi ko at nakita kong may dala si manang na mainit na sabaw, kape,
kanin, fried chicken at iba pa.

Nilapag niya ito sa table malapit sa flat screen ni Jacob.

"Rosie, tawagin mo lang ang dalawang 'to pag may kailangan. Nasa second floor lang
sila."

Tumango ako at umalis na sila.

Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang nag sho-shower na si Jacob. Tinignan ko ang
t-shirt na soot ko na may nakalagay na Nike at ang shorts ay Adidas. Bakit di ko
yun nakita noon? Halos lahat ng gamit niya ay masyadong branded para sa isang
magsasaka. Imposibleng mahirap siya! Hay! Ang tanga ko talaga. Inamoy ko yung t-
shirt niya. Grabe! Sobrang bango. Kasing bango niya!

Naisipan ko ring tignan ang mga dvds niya malapit sa flat screen. Ilang minuto
akong nagbabad sa dvds niya nang nakita ko ang mga maninipis na dvd na nakatago sa
isang drawer. Puro yun... errr. porn. Natawa ako. Siguro ay dito siya nakakuha ng
mga moves niya. Hindi ko kayang tignan ng higit sa tatlong segundo ang bawat cover
ng mga dvds na yun. Bigla siyang lumabas sa shower niya kaya nabitiwan ko ang dvds
na yun.

Nalaglag ang panga niya nang nakita akong nagpapanic na pinupulot ang mga iyon.
Tinulungan niya ako sa pagpulot.
Tumawa ako, "Nanonood ka pala nito!?"

Namula siya at di ulit makatingin sakin nang nilagay ito sa drawer at sinarado. "M-
Masama ba? I-Itatapon ko ba?"

Umiling ako at halos di na makahinga sa pag tawa.

I know. Boys will always be boys pero natawa lang talaga ako sa nangyari.

"Kaw ang bahala. Hindi naman yan akin!" Tumawa ulit ako.

"Pero i-ikaw ang girlfriend ko. M-May karapatan kang pag bawalan ako sa kahit
ano..."

Natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. Para
bang naramdaman kong kaya niyang gawin lahat para saming dalawa.

Biglang nagpakita sa pintuan ang isa pang katulong.

"Sir Jacob, may bisita po kayo." Aniya.

"Sino?"

"Si April. Nasa baba siya naghihintay." Tapos umalis yung katulong.

"Ah! Siguro bibigyan niya ako ng regalo." Wika niya.

At anong regalo iyoooon? Grabe lang yung mood swing ko. Agad nag switch! Climate
change! Bakit naiinis ako sa term na regalo? Kasi naibigay ko na ang regalo ko sa
kanya ng hindi sinasadya!? GRRR! Uyyy double meaning! Saan doon ang regalo? Yung oo
o yung virginity mo, Roseanne?

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. "Lika na! Puntahan natin si April." Naglahad
siya ng kamay.

"Jacob..." Sabi ko. "Hindi mo pwedeng sabihin kay April yung tungkol satin."

Kahit na gusto kong sabihin niya yun.


"B-Bakit?" Tanong niya.

"M-May gusto siya sayo."

Nanlaki ang mga mata niya, "Tapos?"

"Masasaktan mo siya."

Natulala siya.

"Hindi totoo yang sinasabi mo. Magkaibigan lang kami." Aniya.

Agad namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya, "Bahala ka! Alam ko, Jacob.
Magkaibigan kami! Masama nga itong ginagawa ko dahil inaahas ko siya! Simala't
saput alam kong may gusto siya sayo pero ano 'tong ginawa ko." Kinabahan ako.

"Hindi pwede yun!" Sabi niya. "Hindi siya pwedeng masaktan. Mahal kita at dapat
maging masaya ang lahat sating dalawa."

Umiling ako, "Jacob, hindi magiging masaya ang lahat. Sabi ko naman sayo diba?
Maraming may gusto sayo... Kung hindi mo alam pwes alam ko dahil babae ako.
Maraming masasaktan. Maraming magagalit."

"Wala akong pakealam. Kailangan nilang matanggap iyon dahil yun ang totoo. Mahal
kita at wala na silang magagawa. Tatanungin ko siya at sasabihin kong tayo na-"

Agad siyang umalis para puntahan si April.

Sinundan ko siya at kinakabahan. Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong napawi
ang ngiti ni April nang naaninaw akong nakabuntot kay Jacob pababa ng hagdan.

Kabanata 38

Pag-aaral

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ni April nang nasa harapan niya na kami. Nakita
kong tumingin pa siya sa t-shirt at shorts ko.
"Rosie, b-ba't ka nandito?" Tanong niya.

Napalunok ako, "Kasi ginawa namin yung thesis."

Tumango siya at ipinakita yung isang box na regalo kay Jacob.

"Jacob, gift ko sayo. Inagahan ko na para sana ako yung unang mag greet. Pero
tingin ko ay naunahan na ako ni Rosie." Sumulyap siya sakin.

"Hindi, April-"

"Di, okay lang, Rosie. Naintindihan kita kasi partners naman kayo. Talagang di niyo
maiiwasan yan-"

"April..."

Siguro ay narinig din ni Jacob ang bitterness sa tono ng pananalita ni April.

"Hmm?" Ngumiti si April kay Jacob pero agad naman itong napawi.

"May gusto ka ba sakin?" Tanong ni Jacob sa kanya.

Nalaglag ang panga niya. Pabalik-balik ang tingin niya galing kay Jacob tapos sakin
ulit, balik kay Jacob tapos sakin ulit. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang
pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Rosie!!! Walang hiya ka! Sinabi mo sa kanya! Pinagkatiwalaan kita!" Umiyak siya sa
harapan namin ni Jacob.

Niyakap siya ni Jacob. Shet! Wala akong panahong magselos ngayon kasi kinakabahan
ako sa sinabi niya.

"April, walang kasalanan si Rosie. Mas mabuti na yung alam ko kasi ayaw kitang
saktan. Sana maintindihan mo at maging masaya ka na lang para samin ni Rosie."

Nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ulit kami ni Jacob. Tinuro niya ako.

"Ikaw? I-Ikaw? Kayo na!? Paanong?! Bakit?! Diba ayaw mo sa k-kanya, Jacob?"

Malungkot ang mga mata ni Jacob. Di siya sumagot. Tinignan ulit ako ni April.
"Alam mong mahal ko siya, diba? Rosie! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko magkaibigan
tayo! Jacob, hindi pwede to!!!" Umiyak pa siya lalo.

Hindi ko kayang pakinggan ang pag iyak niya. Parang namatayan. Sorry pero ganun
talaga ang interpretation ko sa pag iyak niya.

"Jacob! Matagal na kitang kasama! Matagal na kitang kaibigan! Pinagtatanggol mo ako


at close na close tayo pero bakit siya?! Ni hindi pa nag iisang taon, Jacob!!! Sabi
mo sakin noon ayaw mo sa kanya dahil mata pobre siya.." Talaga, sinabi ni Jacob
yun? Well, siguro noong bangayan kami nang bangayan. "Jacob naman! Kahit sino wa'g
lang siya!"

"April, sorry." Sabi ko. "Hindi ko sinasad-"

"Nilandi mo siya no!?" Sigaw ni April sa mukha ko.

"April! Hindi ako nilandi ni Rosie! Wa'g mo siyang pagsalitaan ng ganyan!" Sabi ni
Jacob.

"Jacob!" Umiiyak parin si April.

"April, umalis ka na lang muna. Hindi ako mag sosorry sa desisyon ko. Di ako
magsosorry dahil mahal ko siya. Gusto kong maintindihan mo yun-"

"Masamang tao si Rosie, Jacob!"

"Tama na! April! Umalis ka na, please! Ayaw kitang saktan kaya wa'g na wa'g mong
sasaktan si Rosie." Hinawakan ni Jacob ang kamay ko.

Nabunutan ng tinik si April at tumigil sa paghikbi nang nakita niya ang mga kamay
namin ni Jacob.

"Masamang tao siya, Jacob. Masama!" Yun lang ang sinabi niya bago niya kami
tinalikuran at umalis.

Parang walang nangyari nang hinatid ako ni Jacob. Biyernesanto yung mukha ko habang
kumakanta siya sa loob ng sasakyan niya.

"If I don't say this now, I will surely break..." Umiling ako sa lyrics ng
kinakanta niya. Ngumiti siya, "Forget the urgency but hurry up and wait..."

"Diba yan yung kinakanta mo sakin?" Tanong ko.


Buong-buo talaga yung boses niya lalo na kung walang microphone. Natural din sa
kanya ang pagkanta ng mga may english na lyrics. Para bang mother-tongue niya yung
english. Narinig ko na ring kumanta siya ng filipino, yung Elesi, at okay parin!
Talented talaga siya. Grabe. Hindi ko na alam kung saan siya hindi magaling. Gwapo,
perpekto ang mukha, matipuno ang pangangatawan, ganda pa ng boses, magaling mag
gitara, marunong sa sports. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagustuhan niya sa
halip ng pagiging judgemental ko.

"Yep..." Ngumiti ulit siya. "Kailanman, hindi ko naramdaman yung bawat kinakanta ko
pero ngayon... lahat ng kanta ikaw ang naaalala ko."

Hinawakan niya ang kamay ko. Walang trace ng guilt sa kanya. Wala lang talaga. Okay
lang sa kanya ang lahat ng nangyari ngayong araw na 'to.

"October 18 na bukas, birthday ko na. Inaasahan kita sa bahay ah?" Hinalikan niya
ang noo ko nang itinigil ang sasakyan.

"Okay!"

"I love you, Rosie." Hinalikan niya ng mas malambot ang labi ko.

"I love you, too."

Ngumisi siya. Umalis na ako dumiretso sa bahay ng ramdam parin ang lahat ng
nangyari. Kinakabahan ako sa naging reaksyon ni April. Tapos dagdagan pa ng
nararamdaman kong 'sore' down there. Err. Isang beses lang naman nangyari pero
bakit ramdam ko parin dun? Siguro ganun talaga. Hindi ko alam kasi una ko siya.

"ANOOO?" Si Maggie lang ang sinabihan ko sa nangyari.

I mean... Hindi kabuuan ng nangyari. Yung naging kami lang. Hindi ko sinabing may
nangyari samin o ano. Binanggit ko rin sa kanya yung tungkol kay April.

"Naku, kawawa naman yun. Hay. Sakit naman kasi ng ginawa ni Jacob. Sana dinahan-
dahan niya. Tsk." As usual, mabait parin talaga ang reaksyon ni Maggie. Agree ako
at the same time disagree. Masasaktan si April sa nangyari kaya tama lang yung
ginawa ni Jacob. Pero sana nga dinahan-dahan niya kahit na di ko naman alam kung
paano yun dahan-dahanin.

Kakarating lang ni mama at papa sa Maynila nang binulagta kami sa isang BAD NEWS!
Bad talaga kahit good news ito para sakin six months ago!
"Babalik na tayong Maynila!" Sabi ni mama habang malungkot na tumitingin sakin.

"ANO?" Ako lang ang galit.

Pumalakpak si Maggie.

"Anyare at ba't ka galit diyan? Diba ito yung ginusto mo?" Tanong ni mama. "Pero
sige, Rosie. Pwede kang mag paiwan!" Aniya.

"Huhhh?" Nalungkot si Maggie.

"Alam kong nagkakaigihan na kayo ni Jacob kaya tama lang yan. Okay lang sakin na
dito ka lang. Di naman kailangang sa isang unibersidad ka mag aral ng kolehiyo next
year eh. May community college diyan sa kabilang baryo. Isang oras lang ang byahe-"

"Ma! Iba parin kung sa Maynila siyang mag-aral! At sino naman ang kasama ko sa
apartment?"

"Ikaw lang! Kaya mo naman yan!"

Now, I'm torn. I want to stay... pero ayaw kong mag college sa community college na
yun.

"Anyway, Rosie, may six months pa bago ka gumraduate ng high school. Kung magbago
ang desisyon mo o di kaya'y walang magandang mangyari sa inyo ni Jacob, lumuwas ka
na lang ng Maynila at doon na mag kolehiyo." Sabi ni mama.

"Pwede namang di na mag kolehiyo." Singit ni Auntie Precy.

"Prec, Oo. Pero wala tayong negosyo o mga ari-arian. Edukasyon lang ang kaya naming
ibigay ni Freddie sa mga anak namin kaya kailangan nilang mag kolehiyo."

"Ayaw ko lang namang magaya siya sa..." Napabuntong-hininga si Auntie Precy.

"Hindi ko naman pipilitin si Rosie, eh. Siya ang mag dedesisyon." Tumingin silang
lahat sakin.

"Kailan ba ang alis natin?" Tanong ko.

"Next week, Wednesday luluwas na kami ng papa mo kasama ang mga gamit natin."

"Ang aga naman! Finals pa yun!" Sabi ko.

"Kami lang naman. Iiwan namin kayo ni Maggie dito. Sumunod lang kayo sa Biyernes.
Iiwan namin yung mga gamit mo in case ayaw mong sumama."

Nakita kong sumimangot si Maggie pero di siya nagsalita.

"Nobyembre ang alis namin ng papa mo papuntang New Zealand."

Ang bigat lang sa pakiramdam. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay dito hahantong ang
lahat. Si Jacob o pag-aaral?
Kabanata 39

Umalis Ka Na!

Pipiliin ko ang pag-aaral at si Jacob. Pipiliin kong mag stay dito sa Alegria at
kumbinsihin si Jacob na sa Maynila na mag kolehiyo.

Nang pumasok ako sa school, Friday, October 18, birthday ni Jacob, absent siya.

"Umabsent yun panigurado kasi birthday niya." Bulung-bulungan ng mga kaklase ko.

Hindi ko alam kung guilty talaga ako sa nangyari samin o marami lang talagang nag
bubulung-bulungan ngayon tungkol sakin. Sumusulyap pa talaga bago bumulong eh.

Umiling na lang ako sa kawalan habang tinitignan si April na halos di gumagalaw sa


upuan niya. May ilang students na tumapik sa likuran niya at kinakausap siya
(unusual) pero binalewala ko na lang sila. Mas lalo akong napraning nang nag alas
kwatro na ng hapon. By group na ang bulong-bulungan at biglang tumatahimik pag
dumadaan ako.

WHAT THE HECK IS HAPPENING? Ah! Bahala kayo! Ang alam ko kami ni Jacob at mahal
niya ako! Ano man yung bulung-bulungan niyo diyan ay wala akong pakealam!

Pinasa ko na ang Chapter 1-3 namin ni Jacob at nagtext sa kanya.

Ako:

Jacob, happy birthday! Di mo sinabi saking aabsent ka ngayon. Napasa ko na ang


thesis natin.

Umuwi ako para magbihis at isama si Maggie sa party. Wala na naman kasi si mama at
papa sa bahay, nandoon na naman sa agency sa Maynila. Si Auntie Precy naman ay ayaw
sumama. Siguro ay nahihiya kay Don Juan. Tumindig ang balahibo ko habang tinitignan
ko si Auntie Precy na nakadungaw sa bintana at tinitgnan kaming sumasakay ng
tricycle. Ayokong isang araw ay magiging katulad ako sa kanya. Alam kong tama si
mama, kailangan kong mag-aral. Ang gusto ko lang naman sa ngayon ay ang makapag-
aral at the same time ay makasama si Jacob. Sana magawa ko nga iyon.

Nang dumating na kami ni Maggie sa bahy nina Jacob, marami ng tao. Bonggang mga
taga bukid at talagang naka-attire pa pagpunta dito samantalang usual shorts at
floral blouse lang ang soot ko.

"Ay ang daming tao." Sabi ni Maggie. "Ang daming lechon!" Sabay turo sa walong
lechon na nakalapag sa long tables sa living room nila.

Hinanap ko si Jacob. Dala ko ngayon ang simpleng regalo ko sa kanya. Isang frame na
may picture naming dalawa... Ang korny pero wala naman kasing mall dito sa Alegria
kung saan pwedeng bumili ng kahit ano. Yung picture frame nga mismo ay ako pa ang
gumawa. Sinikap kong gawin yun kagabi nang narealize na wala pala akong regalo para
sa kanya.

I mean... naibigay ko na pala yung hindi materyal na regalo ko. Errr...

May nakita akong tumitingin sakin at umiiling na mga babae. Ano ba? Hindi parin ba
sila makaget over sa amin ni Jacob?

Nakita ko si April sa isang sofa na pinapalibutan ng mga kaklase at schoolmates


namin. Siguro ay siya ang nagkakalat sa relasyon namin ni Jacob. Umiling na lang
ako at nagpatuloy sa paglalakad nang biglang...

"Rosie, uwi na tayo!" Nabigla ako nang hinila ako ni Maggie sa gitna ng mga tao.

"Ano? Hindi ko pa nga nakikita si Jacob. Di pa tayo nakakakain!" Sabi ko.

"Hay nako! Akala ko pa naman totoo, yun naman pala... isa karin palang
manggagamit." Sigaw ng pamilyar na boses galing sa kabilang sofa.

Napalingon kaming dalawa ni Maggie sa nagsalita. Nakita kong papalapit si Eunice


samin ng nakataas ang kilay.
"Alam mo, Rosie? Akala ko talaga noon na kahit ganyan ka okay ka parin dahil hindi
ka patay na patay kay Jacob. Pero ngayon?" Umirap siya.

"Bitter ba kayo dahil kami na ni Jacob? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo
samin?"

Hinila ulit ako ni Maggie pero nagpumiglas ako.

Tumawa si Eunice, "KAYO BA? Nakausap mo na ba siya recently? Huh? Hindi pa, no?"

Kinabahan agad ako. ANO ANG NANGYAYARI?

WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA! ANO ANG MAARI KONG GAWIN PARA MAGALIT SI JACOB?

"Asan si Jacob?" Sabi ko at nagpapanic na.

"Rosie, Rosie!" Yinugyog ni Maggie ang balikat ko. "Umalis na tayo. Umuwi na tayo.
Halika na!" Aniya.

Umiling ako, "Ano ba, Maggie! Birthday 'to ng boyfriend ko!" Sabi ko.

Sa sobrang kaba ko halos itulak ko na palayo si Maggie sakin.

"Ginagamit niyo talaga ang mukha niyo para makabingwit huh?" Sabi ni Eunice.

Napailing ako sa sinasabi niya.

"Sige, I'll give you a clue. Hindi ko alam kung paano nakuha ni April ang video na
ito pero sigurado akong hindi ito tampered. Hindi naman kasi siya computer expert
para mag tamper ng mga videos." Sabi ni Eunice. "Sa LCD na para HD!" Tumawa pa si
Eunice.

Nagsimulang bumuo ang mga luha ko. Panay parina ng hila ni Maggie sakin pero
nagpupumiglas ako. Tingin ko nga ay mejo nasaktan ko na siya sa ginawa ko. Anong
video ito? May sex tape kami? Navideohan kami?

Nagsimula ang video sa isang pamilyar na bakuran. Bakuran ng BAHAY NI LOLA.


Napabuntong-hininga ako nang narealize na hindi ito sex tape. Pero ano ito at bakit
bayolente ang reaksyon ng mga tao?
Nakita sa video kung paano kami kumain sa hapagkainan. Mukhang nakunan ito malapit
sa bintana. Natigilan lahat ng mga tao para tignan ang video sa LCD.

VIDEO

"Babalik kami bukas ng Maynila. At naku! Kung swertehen tayo baka sa susunod na
term ng 6th year mo, Rosie ay makakabalik ka na sa dating school mo. Hmmm. Well,
unless kung gusto mong manatili dito?" Sabi ni mama.

"Ba't naman ako mananatili dito?" Tanong ko habang kumakain sa video.

"Syempreee... Para kay Jacob!" Tumawa si mama.

"Ma naman eh!"

"Ayaw mo nun? Kung magiging kayo na nga, yayaman na tayo. Baka di na kami
kailangang bumalik ng New Zealand!" Sabi ni Mama.

"Ma!" Wika ni Maggie. "Ang sama mo! Manggagamit!"

"Well, good for you, Mag. May James ka na! Ang ibig kong sabihin... wala namang nag
hihintay kay Rosie doon sa Maynila diba na may ilalaban kay Jacob? Gwapo, mabait at
mayamang bata si Jacob. Wala ka naman sigurong iniwang boyfriend sa Manila si
Rosie, diba?" Sabi ni mama.

"MERON, Ma! Di lang si Jacob!" sabi ni Maggie.

"What? Sino? Dapat kasing yaman ni Jacob!"

"Sino, Rosie?"

"Hay nako! Wala yun, ma!" Sabi ko.

"Sino?" Tanong ni mama.

"Ex ko. Si Callix. Pero wala na kami nun!"

"Callix?? Apelyido?"

"del Rosario." Sabi ko.

"Callix del Rosario? Hmmm."

Doon natapos yung video. Oo. Masama nga yung tunog ng video dahil mukha kaming mga
gold digger! At nangyari yun bago kami nagpuntang Alps ni Maggie at James... sa
araw na hinalikan ko si Jacob. September 23.

Naiintindihan ko ang nais iparating ng video na yun. Pero si Jacob ang unang
humusga sakin dito sa Alegria at tapos na kami sa phase na iyon.
"Hmmm?" Tumawa si Eunice. "Kahiya kayo! Nakakahiya kayo mga Aranjuez!"

"Anong sabi mo?!" Sabi ni Maggie pero kalmado parin.

"Wa'g na wa'g niyo akong huhusgahan!" Nakita ko si Maggie na malunkot sa sofa na


inuupuan niya, "Anong gusto mong iparating April? Bakit mo kami vinideohan?"

"Dahil masama kang tao!" Aniya.

"Anong karapatan mong sabihin sakin yun, April! Hindi mo ako kilala!" Sabi ko sa
inis.

"Yung video na yun ang nagpapatunay kung sino kang talaga."

"TAMA NA!" Narinig ko si Jacob galing sa likuran ni April.

Masaya ako dahil at last ay nandito na siya!

"Jacob... Alam mo naman yun diba?" Sabi ko, desperately. "Tapos na tayo dun."
Dagdag ko.

"Rosie, umalis ka na." Yun ang sinabi niya sakin.

Nabitawan ko ang regalo ko para sa kanya. Iniisip ko pa at pinoprosesong mabuti ang


narinig ko galing sa kanya.

Umiling ako at lumapit ng bahagya. Alam kong nakatoon ang tingin ng mga tao saming
dalawa pero sa ngayon ay wala akong pakealam. Gusto ko lang marinig ulit yung
sinabi niya.

"Jacob... tapos na tayo dun! Diba nag sorry na ako sayo, nag sorry ka na sakin?
Tapos na tayo sa phase na yun. Tapos na yun. Diba? Diba? Kahapon?" Di ko na
mapigilan ang luha ko.

Kasi alam kong hindi pa ako bingi. Kasi narinig ko talaga yung sinabi niya... kasi
alam kong pinapaalis niya nga ako ngayon.

"Rosie, tigilan mo na 'to." Hindi siya makatingin sakin.

Nakatingin siya sa kawalan at seryoso ang mukha niya. Tahimik ang mga tao. Nakita
ko ang malulungkot na mukha nina Leo, Teddy at buong taga banda sa likuran niya.
Nakita ko ang nakangising si Eunice at malungkot na mukha ni April.
"Bakit, Jacob? Diba kahapon lang... kahapon lang..."

Again... narinig ko pero kailangan kong ulitin. Kailangan kong maramdaman talaga
ang lahat.

"Rosie, tama na! Umalis ka na! Ayoko na! Umalis ka na! Umalis ka na! Wa'g mong
sirain ang nasira kong birthday! Sinira mo ang birthday ko! Umalis ka na!"

Napastep-back ako sa pag sigaw niya. Sa ngayon ay di ko na mapigilan ang pagdagsa


ng luha ko. Parang waterfalls na umaapaw galing sa mga mata ko.

Umiling ako, "Anong ibig sabihin mo, Jacob-"

"Ayoko sayo, Rosie. Tama na... Wa'g na tayong mag lokohan. Ayoko na." Ngayon ay
diretso na ang tingin niya sakin.

Nakita kong may namuong luha sa mga mata niya. Agad niya akong tinalikuran nang
napansin ang pagtitig ko.

"Jacob!" Sigaw ko at umambang paharapin siya pero hinila na ako ni Maggie.

"Umalis ka na. Wa'g ka ng magpapakita ulit sakin. Please." Sabi ni Jacob bago siya
umalis.

"JACOB, NANIWALA AKO SAYO!" Sabi ko at humagulhol na sa pagiyak.

"PUTANG INA, ROSIE UMALIS KA NA!" Sigaw niya at agad na siyang umalis sa harapan
ko.

Oh my god! Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng lahat-lahat? Nagkamali ba ako sa


desisyon ko? Nagkamali ba ako? Paano nangyari ang lahat ng ito? Please, somebody,
wake me up!
Kabanata 40

Balik Maynila

Wala akong maalala. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos akong ipagtabuyan
ni Jacob sa harap ng lahat. Buti at kasama ko si Maggie, nakauwi pa kami ng maayos.
Sa totoo lang di ko talaga naalala kung paano kami umalis sa bahay nina Jacob.
Tulala ako all the way...

"Uh, Auntie, sumakit po kasi tiyan ko. Kumain naman kami at binigay ni Rosie yung
regalo niya pero nagmadali po kaming umalis." Paliwanag ni Maggie kay Auntie Precy
nang narealize na maaga kaming umuwi.

Nang nasa kwarto na kaming dalawa ni Maggie, dun ko lang naibuhos ang sama ng loob
ko. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko matanggap ang lahat ng nangyari. Lintik! Ano
ba ang nangyayari?

"Rosie, tama na..." Sabi ni Maggie.

Dalawang oras niya na akong tinatahan sa pag iyak. Pumuslit na rin siya ng konting
pagkain sa kusina para makakain kaming dalawa pero di ko ginalaw yung akin.

"Mag, anong nangyayari? Panaginip b-ba to?" Napahikbi ako.

Maging siya ay napaiyak na rin sa kakatahan sakin.

"Sis, sigurado ka ba talagang sinabi niyang kayo na? O mahal ka niya?"

Mas lalo akong napaiyak sa tanong ni Maggie. Sa tanong niyang iyon, parang naiisip
kong baka guni-guni ko lang lahat ng nangyari samin ni Jacob. Para bang gawa-gawa
ko lang ang lahat! Ako lang yung na inlove, ako lang hanggang huli, walang kami.

"Mag, Kilala mo ako. Hindi ako assuming na pagkatao-" Hindi ko na natapos. Gusto
kong mag mura at magbasag ng gamit dito.
Lintik na pag-ibig! Kahit nung nag break kami ni Callix hindi ganito ka disaster
para sakin yun! Siguro nga dahil naibigay ko ang lahat ko kay Jacob. Siguro dahil
mahal na mahal ko siya... dahil nag tiwala akong mahal niya rin ako. Galit ako
dahil mahal ko siya pero sinaktan niya ako. I felt like I'll bleed till I die.
Ganun ka sakit.

Natulog ako ng umiiyak. Tinabihan ako ni Maggie sa pagtulog. Buong Sabado at


Linggo, inubos ko sa kakaiyak sa kwarto. Namumugto na ang mga mata ko.

Hindi ko makalimutan ang pagtaboy niya sakin. 'Umalis ka na!' Sh1t! Ano ba!? Tama
na!

Tama na ang katangahang ito! Tama na! Alam ko. Naibigay ko na ang lahat sa kanya.
Ang 'oo' at ang virginity ko... ang puso ko... ang kaluluwa ko. Lahat na ay nasa
kanya! Ang natitira na lang sakin ngayon ay ang pride ko. Hinding-hindi ko ito
isusuko kahit anong mangyari.

TAPOS NA KAMI DUN EH! Natanggap niya na ako! At kahit hindi niya ako matanggap
noon, wala naman akong pakealam kasi hindi ko naman hinangad na magkaroon talaga
kami ng relasyon. Siya yung may gusto nito at nagtiwala naman ako.

Bakit? Bakit niya nagawa ito sakin? Pagkatapos ng lahat?! Siguro nga ay nagkamali
ako sa mga desisyon ko. Minsan, hindi lahat ng gusto mo ay tama. Hindi lahat ng
gusto ng puso mo ay tama. Minsan, makamundo ang hangarin ng puso mo. Ang dahilan
kung bakit binigyan ka ng utak ay para malaman kung alin ang kailangan at alin ang
gusto mo lang. Hindi masama kung sundin mo ang gusto mo pero nandyan ang utak para
timbangin kung KAILANGAN MO BA TALAGA YUNG GUSTO MO. At sa puntong ito, narealize
kong hindi ko kailangan si Jacob. May nagmamahal man sakin o wala, may mahal man
ako o wala, hindi yun magiging hadlang sa pagiging tao ko... buo ako, nandyan man
siya o wala.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Tuwing naiisip kong wala na siya sakin
parang may parte sa buhay kong nawawala?

"Nag iimpake ka?" Tanong ni mama nang dumating ang Lunes - unang araw ng finals
namin.

"Oo, ma." Sabi ko at pinilit na ngumiti.

Ramdam ko ang mga titig ni Maggie na halatang nag-aalala. Hindi namin sinabi kay
mama at papa ang nangyari.

"Bakit? Ayaw mo dito?" Ngumisi si mama.

"Kailangan kong mag-aral sa Maynila, ma. Mas maganda kung doon dahil maraming
opportunities."

"Pero paano si..."

"Ma, hindi ko po kailangan si Jacob para maging successful. Hayaan niyo pong
patunayan ko sa inyo na kaya kong maging successful ng ako lang, na walang tulong
sa isang..." tulad niya. "lalaki. Kaya ko po yun."

"Pero diba-"

"Kung kami... magiging kami. Kung hindi, hindi." Sumulyap ako sa nakangangang si
Auntie Precy.

"Ganyan din ang sinabi ko noon nung umalis ako ng Alegria." Aniya.

Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na bago pa tumulo ang luha ko.

Maaring magiging katulad nga kami nina Auntie Precy at ni Don Juan... Pero
kailanman, hindi ako magiging katulad ni Auntie Precy na hindi na nakapag-asawa at
pinagsisihan ang ginawa. Binigyan ako ni Jacob ng rason para umalis sa lintik na
bulubunduking ito... Hindi ko alam kung malulungkot ba siya o masisiyahan sa pag
alis ko pero mas gusto kong isiping masisiyahan siya.

Tahimik ang mga taong nakasalubong ko sa school. Buti at di namin kailangang


magtagal sa school dahil exam week lang ngayon. Dalawang exam lang at uuwi na agad
kami bawat araw. Hindi ko nga lang alam kung bakit ito ang pinaka mahabang linggo
sa buong buhay ko. Bawat minuto tumatagal ng isang oras. Lalo na pag nakikita kong
ibinabaling ni Jacob ang tingin niya sakin. Tahimik lang siya at seryoso ang mukha
kahit kinakausap ng kahit kanino.

Hindi ako tumitingin sa kanya. Di bali nang makita ko ang mga kaklase kong umiirap
at nag-baback stab sakin.

"Buti nga sa kanya!"

"Galing ni April noh? Navideohan niya talaga? Huli sa akto?"

"Ganda niya pero mukhang ginagamit niya lang ang kagandahan niya para makabingwit
ng mayaman."
Magtitimpi ako... Magtitimpi. Dahil alam kong pagdating Biyernes ay sasabog ako.
Sasabog ako dahil wala na akong pakealam. Aalis na ako.

"Rosie." Tumindig ang balahibo ko nang marinig kong binanggit ni Jacob sa wakas ang
pangalan ko nang sumapit ang Biyernes.

Di ako tumingin sa mukha niya, kinuha ko lang yung binigay niyang textpaper.
Napatingin din ang mga tsismosa kong classmates...

Tumagal ng dalawa at kalahating oras yung exams at agad kong niligpit ang gamit ko.
Excited akong makatapak na ulit sa Maynila pero mas excited akong makaalis ng
Alegria.

"Rosie!" Sigaw ni April nang nakaalis na ako sa pintuan.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nagngingitngit ako sa galit pero


pinigilan ko ang sarili ko.

"Sorry dun sa video. Pero kasi mali lang talaga-"

PAK! Ayun! Sabi na at sasabog ako! Humilata si April sa sahig. Walang akong bakas
ng guilt sa pagsampal ko sa kanya. Agad kaming pinalibutan ng estudyante.

"Roseanne! Ano ba! Tama na yan!" Sigaw ni Teddy kung saan.

"Rosie, sirang sira ka na dito, wa'g mo ng dagdagan pa-" Sabi ni Eunice.

"SIRA NA NGA AKO DITO EDI LULUBUS-LUBOSIN KO NA!" Sigaw ko.

Hindi ko na talaga naramdaman ang luha ko sa galit ko. Naubos na siguro dahil gabi-
gabi akong umiiyak.

Tumakbo si Jacob sa harapan namin ni April.

PAK! Ayun! Lumipad ang palad ko sa pisngi niyang noon ay hinahalikan ko pa.
"PUTANG INA KA RIN, JACOB! MAG SAMASAMA KAYONG LAHAT DITO! Diba kaya niyo ako
sinisiraan dahil gusto niyo si Jacob? Oh hayan na! Inyo na siya at pati yung mga
kayamanan nila! What the heck are you waiting for?" Tinignan ko si April na
mangiyak-ngiyak. "Ano? Magpapapageant pa ba ako nang makita kung sino ang
karapatdapat?" Sabi ko.

Nakita ko ang luha sa mga mata ni Jacob nang nakarecover siya sa sampal ko. Di siya
gumalaw. Seryoso lang ang mukha niya nang hinarap ako.

"WALA KANG KARAPATANG UMIYAK! ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYONG HUSGAHAN AKO! AT IKAW
JACOB," Shet di ko mapigilan ang luha ko. Pride na lang ang nagbibigay ng lakas
sakin ngayon. "HINDI AKO MAGMAMAKA-AWA SAYO! SA PAG IBIG MO! SALAMAT NA LANG PERO
PWE SAYO NA YAN! NAKAKASUKA KAYONG LAHAT!"

Sasampalin ko na sana ulit siya pero sinangga niya ang sampal ko.

"Bitiwan mo ako! Wa'g na wa'g mo na ulit akong hahawakan!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Rosie-"

"WA'G MO AKONG MATAWAG-TAWAG SA PANGALAN KO! Mula ngayon, wala na ako sa buhay mo.
Pakatandaan mo yan, Jacob!"

"Huy, Rosie, ang feeling mo naman yata! Ikaw pa ang may ganang magsabi niyan." Sabi
nung isang kaklase ko.

"Rosie, tama na. Humihingi na ako ng dispensa pero kailangang malaman yun ni Jacob
bago pa mahuli ang lahat." Sabi ni April.

ARGHHHHHHHHHH! Gusto ko na lang sila pagsasampalin isa-isa! Huminga ako ng malalim


at kinalma ang naghuhuramentado kong sarili.

"Tumahimik ka, April! Wa'g kang magbait-baitan diyan! Kung tunay kitang kaibigan,
hindi mo na kailangang ipagkalat ang video na yun. Kay Jacob mo na lang sana
ipinakita, hindi eh, diba, mas ginusto mong makita ng lahat nang mapahiya ako.
Hindi niyo ako kilala kaya wa'g na wa'g niyo akong huhusgahan. At ikaw, Jacob,
pinagkatiwalaan kita pero ito?" Napaiyak na naman ako.
Humikbi ako at halos di na masabi ang mga sasabihin ko. Umiyak siya... Punong-puno
rin ng luha ang pisngi ni Jacob.

"Rosie, tama na. Sorry at ipinagtabuyan kita pero..."

"SH1T! WALA KANG KARAPATANG UMIYAK! AT KAHIT ANO PA MAN YUNG DAHILAN MO, HINDI KO
MATATANGGAP YUN! IKAW ANG NAGTABOY SAKIN KAYA WA'G NA WA'G MO AKONG HABULIN ULIT
KAHIT ANONG MANGYARI DAHIL HINDING HINDI NA KITA TATANGGAPIN ULIT. WALA NG BAKA
SAKALI... Sigurado akong wala ng tayo at hindi na kailanman magiging tayo.
Pakatandaan mo yan, Jacob!"

"Ang feeling!" Sabi ng ibang mga babae na nandoon sa scene.

Tumakbo ako palabas ng kampus. Palabas ng Alegria... Pabalik ng Maynila.

Minsan, ang mga gusto mo ay hindi tama. At ang mga tamang gawin ay ang mga ayaw
mong gawin...

Kabanata 41

Bagong Buhay

Bawat araw sa semestral break, inubos ko sa kakaiyak sa kwarto ko sa bago naming


apartment. Mas mura ito kumpara sa magandang bahay ni inuupahan namin noon.

"Nandito na ang card mo, Rosie. Makakaenrol ka ulit sa dating school na pinasukan
mo." Sabi ni mama.

Tumango lang ako pero kita ko sa kanya ang pagdududa sa bawat ekspresyon ko.

"Rosie, okay lang naman kung sa Alegria ka na lang muna. Hindi naman kailangang-"

"Ma, hayaan mo na si Rosie. Ayaw niya sa Alegria kaya nga nandito siya diba?"
Singit ni Maggie habang umiiling.

Hindi na ako nanibago o nabigla man lang sa panlalaki ng mga mata ng mga
estudyanteng nakakakilala sakin sa school. Nakita kasi nila akong naglalakad na
naman at tinatahak na naman ang school gayung anim na buwan akong nawala.

"Nabuntis siya, diba?" May narinig akong isang kaklase ko na bumulong sa kaibigan
niya.

Parang wa epek na sakin lahat ng paninira ngayon... Sa sinapit ko ba naman sa


Alegria? Immuned na ako sa lahat ng pintas at paninira.

"Rosie, sa'n ka galing at ba't ngayon ka lang nakabalik? Nabuntis ka?" Tanong ng
isa sa mga 'kaibigan' ko noon na si Ava.

'Kaibigan' kasi hindi naman talaga kami yung tipong naghahang-out... nag uusap lang
pag nandyan sa school pero hindi niya ako niyayayang mag-malling dahil yung
bestfriend niyang si Belle ay may crush kay Callix.

"Nabuntis?" Plastik akong tumawa. "Hindi ako nabuntis." Umiling ako.

Nihead-to-foot niya ako at tumango. Hindi ako buntis... naisip ko agad yung
nangyari samin ni Jacob. Agad kong pinikit ang mata ko at umiling, sana di ko na
yun maalala. Buti rin at di niya ako nabuntis sa nagawa naming dalawa.

"Dami talagang tsismosa dito sa school pero ba't ka naman umalis? Saan ka
nanggaling?" Tanong ni Ava.

Hindi ko na iyon nasagot kasi dumating na ang bestfriend niyang si Belle. Lumayo
agad si Ava sakin nang nakita ang ngisi ni Belle na nagiging plastik nang nakita
ako.

"ROSEANNE ARANJUEZ?" Niyakap ako ni Belle. "Nakabalik ka na?!"

Bwusit. Umirap ako at di pinansin ang sarcasm niya. Yumakap talaga, huh? Halos di
nga niya ako hawakan noon eh.

"Saan ka ba galing? Malaki na ba yung baby mo?" Nakangisi pa siya habang tinatanong
ako nun.
Hindi ko alam pero doon ko narealize kung ano ang nagbago sakin, kung ano ang
resulta ng relasyon namin ni Jacob at mga nangyari sakin sa Alegria.

"Kung nabuntis ako edi sana naging ninang ka na kasi diba close tayo? Pero
condolence ah, di ako nabuntis. Nagkataon lang na kinailangan kong umalis kasama
ang pamilya ko."

Natahimik ang buong room, pati si Belle na ngayon ay hilaw na ang ngiti sa sinabi
ko. Napatingin pa siya sa mga kaklase kong ngayon ay nakatoon na ang pansin sa
kanya. Napahiya siya.

"Okay, whatever." Tapos pumunta na siya kay Ava.

Yun ang nagbago sakin... Wala na akong pakealam. Kung gusto kong lumaban, lalaban
ako. Wala na akong pakealam kung anong sasabihin ng mga tao sa paligid. Nasaktan na
ako ng sobra-sobra na sa tingin ko ay wala ng mas isasakit pa. Imbes na manahimik
na lang ako, lalaban na lang ako. Ako na nga yung nasaktan, ako pa yung
mananahimik? Hell, no! Hindi ako martyr. Hindi ako santa. Napatunayan ko yan lahat
sa Alegria.

"Rosie." Napatingala ako sa isang lalaking nakatayo sa gilid ko.

Naaninaw ko ang pamilyar na mukha ni Callix kasama ang mga barkada niyang nalaglag
ang panga nang nakita ako. Wa'g mo sabihing tingin mo rin ay nabuntis mo ako gayung
wala namang nangyari satin noon? Bwisit! Alam kong hell dito pero nagpapasalamat
parin ako at nandito ako kesa dun sa Alegria.

"Sinosoot mo parin yan?" Sabi ni Callix.

Nabigla naman ako dun sa panimulang bati niya sakin. Kalmado at mukhang hindi nang-
aaway. Naaalala ko pa ang ginawa niya noon sa cafeteria bago ako umalis. Yung
pagtawag niya saking gold-digger...

"Ito." Sabay hawak sa isinoot kong cardigan today.

"Ah? Ito ba? Sorry, bigay mo nga pala 'to. Nakalimutan ko na kasi yung mga binigay
mo." Hinubad ko ito sa harapan ng mga malalaking mata ng kaklase ko.
Wala akong pakealam kung naka spagetti lang ako sa loob, ang importante ay makuha
niya yung sa kanya dahil pagod na akong sumabatan. Simula nung sinumbatan ako ni
Jac... Ayoko na! Ayoko ng isipin yung demonyong iyon!

Linagay ko sa balikat ni Callix ang cardigan at umupo ulit ng parang walang


nangyari. Hindi ko alam kung bakit nakatunganga ang mga kaklase ko habang
tinitignan akong tahimik na nakaupo pagkatapos kung maghubad ng cardigan.

Nang natapos ang klase, nabigla naman ako nang may iilang kaklase kong lumapit
sakin. Hay nako! Siguro para makitsismis. To my surprise, wala ng nagtanong o
bumanggit man lang ng katagang 'buntis;.

"Ang ganda-ganda mo na! Saan ka ba galing? Grabe, Rosie! Sobrang ganda mo na!" Sabi
nung isang di ko naman close na kaklase habang tinitrace niya sa ere ang coca-cola
body.

Tumawa yung ibang sumalubong sakin, "Sobra! Mas lalo kang kuminis!" Sabi nung isa.

"Saan ka ba nagpunta? Baka pag magbakasyon kami dun ay gaganda din kami tulad mo."
Sabi ni Ava.

Umiling na lang ako sa kanila. Try niyong magbakasyon dun at baka masupalpal niyo
ang mga tao. Pero, really, hindi ako makapaniwala sa reaksyon ng mga kaklase ko. Si
Ava ay sumama pa talaga sakin hanggang gate kahit na nasa gilid namin yung annoying
bestfriend niyang si Belle.

"Pasensya ka na kay Belle, ah?" Aniya nang umalis si Belle para batiin ang isa pang
kaibigan sa isa pang section.

"Okay lang. Hindi naman talaga kami magkasundo nun simula palang." Sabi ko.

"Oo. Mejo threatened talaga siya sayo eh. Alam mo na, maganda ka, maganda rin naman
siya pero sadyang maganda ka talaga kaya ganyan siyang makaasta sayo. Pinagbawalan
nga niya akong mamansin sayo nung naging kayo ni Callix." Bulong niya. "Pero
ngayong wala na kayo, okay na siya."

Tumango ako.

"I'm back!" Sabi ni Belle pagkatapos niyang makipag usap sa ibang kaibigan niya.
"Uwi na tayo?" Tumingin si Belle sakin ng nakangisi.

"Sige!" Sagot ni Ava.

"Uy, Rosie, sorry kanina ah? Peace na tayo... Teka kilala mo ba si Karl? Yung
gwapong new student? Oh my goddd..." At nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa
Karl na tinutukoy niya.
Tingin ko ay wala na siyang amor para kay Callix. Hindi ko nga lang alam kung anong
nangyari at bakit wala na. Kaya rin siguro ready na siyang makipagkaibigan sakin...
I'm not sure if I'm ready for new friends. Its really hard to trust. HARD.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip na: Tatraydurin ka nila in time... For
sure.

Pero iniisip ko rin ngayon na mas mabuti pa itong si Belle kesa kay April. Una,
alam ko kung kailan galit si Belle dahil ipapakita niya talaga yun, pero si April
noon, sa sobrang bait hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawa sa akin ang
katraydoran na yun.

"Rosie..." Hinarangan kami ng grupo ni Callix pagkarating ng gate.

Napasinghap ako at umirap sa kawalan.

"Uy, Callix!" Sabi ni Belle. "Hmmm. Maiwan muna natin sila, Ava..." Sabay hila ni
Belle sa kaibigan niyang si Ava.

"Uy! Teka." Sabi ko. Hindi ako sigurado kung kaya kong makipag usap sa isa pang
lintik na lalaki.

Iniwan din siya ng mga kaibigan niya kaya kaming dalawa na lang. Kontrobersyal
talaga kami. Halata iyon sa mga reaksyon ng mga tao.

"Sorry sa nangyari satin noon." Aniya. "Sana maging okay ulit tayo."

Kabanata 42

Mga Kaibigan

Tinanggap ko ang sorry ni Callix at ang alok niyang maging mag KAIBIGAN ULIT kami.
Alam kong mejo nakakadagdag problema ito pero ayokong kapag may binabanggit na
LALAKI ay si Ja- lang ang naalala ko. Dapat may iba pang lalaki. Kung sana pwedeng
makipag kaibigan sa iba pang lalaki. Buti rin at ang renewed friendship ko kay
Callix ay nagdulot ng pakikipagkaibigan ng mga barkada niyang si Josh at Edward.
Alam ko namang kahit anong mangyari hinding hindi na ulit ako masasaktan ng ganun
ka sakit. Sukdulan na yung kay Ja-. Manhid na ako sa kahit ano. Alam ko ding
mahirap ng palambutin ulit ang puso ko. It will take more than sweet words and
gifts.

Inintriga pa nga ang pagiging magkaibigan ulit namin ni Callix. Pinaparinggan ko


ang mga nang iintriga...

"Kung gusto niyo, kayo na lang ni Callix nang matahimik kayo!" Sabi ko sa grupo ng
babaeng nag uusap tungkol samin.

Ibinalik ko rin lahat ng ibinigay niyang gamit sakin. Sabi niya ay di naman daw
kailangan pero sabi ko naman, kung gusto niyang magkaibigan ulit kami, hahayaan
niya ako.

Mabagal ang panahon sa last term ko sa high school. Hindi ko alam kung talagang
mabagal o dahil iyon sa pagiging tulala ko minsan habang naiisip si Ja-...

Ja-...

Hindi ko maituloy ang pangalan niya.

Nung 18th birthday ko sa January nung sumunod na taon, sinurpresa ako ni Ava,
Belle, Callix, Josh, Edward at Karl (na naging malapit lalo sa amin). Dinala nila
ako sa isang bar kung saan uminom ako (for the first time) at na lasing ng grabe.
Naaalala ko pa ang pagsasayaw ko pero kontrolado ko parin ang sarili ko.

"Nagbago ka na talaga." Ngumiti si Callix.

Ngumiti din ako pero agad napawi ito.

"Happy birthday!" Anila.

Pinalibutan nila ako habang dala-dala ang isang cake. Hinipan ko ito at
nagpalakpakan sila. Ilang beses na akong nasabihang nagbago na at ayaw kong
naririnig ito. Dahil tuwing naririnig ko ito, lagi kung naiisip kung ano o sino ang
nakapagpabago sakin.
Nang gumraduate ako, umiyak ako na parang namatayan. Si Autie Precy ay lumuwas ng
Maynila kasi wala si mama at papa. Silang dalawa ni Maggie ang dumalo. Hindi ako
sigurado kung umiiyak ako dahil tapos na ang highschool o dahil tuwing nakikita ko
si Auntie Precy naaalala ko ang Alegria.

"Rosie, simula nung umalis ka laging nagpupupunta si-----"

Tinakpan ko ang tenga ko nang sinabi yun ni Auntie Precy.

Napabuntong-hininga siya sa ginawa ko, "Ano bang nangyari sa inyo? Hindi ka pala
nagpaalam sa kanya? Hindi mo rin siya binigyan ng new number mo?"

Hindi ako sumagot. Ayaw kong pag usapan. Galit ako... hanggang ngayon.

Slowly, I'm building an invisible wall around my heart. No, I won't let anyone in
again. Though, I'm not even sure if I still have a heart. Sa loob ng limang buwan,
limang lalaki ang nanligaw sakin at isa-isa ko silang binasted agad-agad, without
giving them a chance to prove anything. I hated boys... so much. Pero kinailangan
ko ng mga kaibigang lalaki dahil gaya ng sabi ko, ayaw ko ng si Ja- lang ang
naiisip ko tuwing binabanggit ang salitang lalaki.

Nagpicture kami ni Callix nung graduation. Okay yung naging pagkakaibigan namin.
Wala din akong pakealam kung sino ang maging girlfriend niya at mukhang wala naman
siyang balak isiwalat sakin kung sinong dinidate niya these past few months.

"Kita-kita na lang tayo sa college, ah?" Sabi ng mangiyak-ngiyak na si Belle.

Hindi ako makapaniwalang naging okay naman ang pagsasama naming lahat sa loob ng
six months. Okay naman pala basta wa'g lang masyadong close. Kahit na magkasama
kami ng mga ito, detached parin ako. Siguro dahil natuto na ako sa nangyari sa
Alegria.

Eight months na ang nakalipas nang nakabalik ako galing Alegria pero parang ngayong
college enrolment pa ako nagising sa katotohanan na nasa Maynila ako. Ngayon ko pa
lang nakita yung matatayog na buildings, masasayang malls at marami pang iba.
Business Administration ang kinuhang kurso ni Callix, Josh, Edward, Karl, Belle at
Ava. Ako lang yung nag BS Psychology. Pareho silang lahat na may negosyong
aalagaan. Ako lang yung wala kaya useless kung mag Business Ad ako.
Natutuwa din ako sa frustrations ni Belle tuwing sinasabi niya samin ni Ava ang mga
fail moves niya para maakit si Karl.

"Ayaw niya talaga! Naalala mo yung last time na nag Core tayo? Hinalikan ko na, ah?
Pero tinulak niya ako? Seriously?" Umiling siya.

Oo, ganun talaga si Belle. May pagkamanyak. Tumawa nalang kami ni Ava. Hindi ko nga
alam kung paano natatagalan ni Ava itong pagkamanyak ni Belle gayung opposite
talaga sila. Maganda rin kasi si Belle kaya imposibleng may makatanggi sa kanya.
Bago siya nagpursigi kay Karl, marami pa siyang dinate na lalaki tulad ni Josh,
Jared (na fourth year pa) at marami pang iba. Ngayong mag co-college na kami saka
pa siya na encourage na magpursigi ulit kay Karl.

Tumatawa na lang ako tuwing nagsasalita si Belle tungkol kay Karl.

"Rosie, ano? Close kayo, diba? Tell me, paano ko siya maaakit?" Lumiit ang mga mata
niya, "May relasyon ba kayo?"

Tumawa ulit ako.

"Oh please, magsasabunutan talaga tayong dalawa! My god, andyan na si Callix oh,
wa'g ka ng makealam kay Karl! Please naman! Sagutin mo ako!"

"Wala! Hindi ko alam. Misteryoso siya. Siguro may ibang gusto na siya." Sabi ko.

Nanliit ang mga mata niya kay Ava, "Sigurado akong nasa friend circle lang natin
yung gusto niya. At alam kong hindi ikaw yun, Rosie dahil wala naman siyang kyeme
kung ihatid ka ni Callix sa inyo... So it must be... YOU!" Tinuro ni Belle ang
sarili niyang bestfriend.

"My god, Belle! Hindi! Ni hindi nga kami nag uusap nun!" Sabi ni Ava.

Ngumisi na lang ako kasi alam ko kung sino ang gusto ni Karl. At sa buong 'friend
circle' namin nina Belle, Ava, Callix, Josh, Edward at Karl, si Karl ang
pinakapaborito ko. Minsan pinagdududahan pa kami ni Callix na may something pero
pareho naming dinideny ni Karl.

"Magkaibigan lang kami." Hindi ko mapigilan ang pagngisi tuwing tinatanong ako ni
Callix.

"Mag kaibigan? Weh? Rosie, para naman tayong walang pinagsamahan..." Wika ni
Callix.

Back to civil na ang trato namin sa isa't-isa. Though, I'm sure may girlfriend
siyang di sinasabi samin dahil palagi siyang wala tuwing Sabado o Linggo dahil di
umano sa 'pinsan' niya... Pinsan? Cousin as in cousintahan?

Hindi naman ako bitter saming dalawa kaya okay lang sakin kung totoong may
girlfriend siya eh. Mabuti nga yun dahil ayaw ko talagang magkastain ang mejo civil
na naming tratuhan ngayon. Kahit na ayaw ko namang maging close sa kahit kay Callix
o kay Belle, comforting parin na magco-college ako na may mga kaibigan.

Kahit na kay Karl ko lang talaga na open up halos lahat ng nangyari sa Alegria.
Nagawa ko iopen sa kanya yun dahil alam kong tulad ko ay nahihirapan din siyang
magtrust sa mga tao. Ilang beses na siyang nahusgahan at ayaw niya ng husgahan
ngayon.

"Magkaibigan lang kami ni Rosie, tama na yan guys!" Sabi ni Karl nang kinulit ulit
kami.

Nakita ko ang mga titig ni Callix kay Karl habang sinasabi niya yun. Parang galit
siya kay Karl pero hindi niya magawang sabihin yun sa lahat dahil alam niyang close
kami ni Karl. Ayaw niya man kay Karl, mas ayaw niya paring mag away ulit kami. Alam
ko nyun, nararamdaman ko... Nararamdaman ko ang bawat moves ni Callix at alam kong
gusto niya parin ako. At sigurado akong wala siyang babalikan sakin. Lagi ko yung
kinaklaro sa kanya tuwing tinutukso ko siya tungkol sa 'cousin' niya.

"Dapat magka girlfriend ka na! O di kaya kayo na ni Belle!" Sabi ko sa harapan


nilang lahat habang tumatawa.

"No way! You know, Rosie... kung sino ang gusto ko." Sumulyap si Belle kay Karl.

Tumingin naman si Karl sa malayo... at ilang sandali ay tumingin kay Edward.

Hell, yes! I know what he is... At kaming dalawa lang ang nakakaalam dun. At iyon
mismo ang dahilan kung bakit sa buong 'friend circle' namin, siya lang ang
pinagkakatiwalaan ko. Dahil alam kong pareho kaming ayaw ng husgahan...

"Sana nag Business Ad ka na rin." Bulong ni Karl sakin.

"Hay nako! Okay lang yan, Karl. Itext mo na lang ako kung mamimiss mo ako masyado."
Sabi ko habang tumatawa.

He pouted, "Haba rin talaga ng hair mo ah? Yung ex mo talaga mukhang may gusto pa
sayo hanggang ngayon."

Umiling ako, "Alam na alam mong ayaw ko sa mga lalaki, kaya nga ikaw ang paborito
ko diba?" Tumawa ako.

"Huy, anong pinag uusapan niyo diyan?" Sumingit si Callix pagkatapos makipag usap
kay Edward at Josh tungkol sa mga magagandang college girls.

"Wala. Yung ano... magbabar daw sana tayo bago mag start ang school." Sabi ko
bigla.

Umiling si Callix, "Nagiging hobby mo na yata ang pagbabar, Rosie ah?"

"Ang saya eh!" True! Nakakalimutan ko ang lahat tuwing nagsasaya ako pero alam kong
panandalian lang yun.

Umiling ulit si Callix, "O siya, isasama ko kayo nina Belle ngayong Sabado. Wala
masyadong sayawan sa bar na yun ah. Pagkatapos natin dun, pwede tayong pumunta sa
Club 777 o sa Core kung gusto niyo."

Tumili si Belle at Ava sa sinabi ni Callix. Excited na naman dahil magna-night out
ulit kami.

"Rosie, ayusin mo na yung soot mo ah? Last time muntik na kaming mapaaway, ang iksi
nung skirt mo." Sabi ni Edward.

Tumango si Callix.

Natawa na lang ako. Hindi ko alam pero sinasadya siguro ni mama na padalhan ako ng
maiiksing damit kaya ayan at yun lang ang mga naisusoot ko.

"Okay, fine! Sorry na!"

"Hindi niyo naman talaga maiiwasan, eh. Maganda at sexy si Rosie, kahit na balutin
niyo yan, makakaagaw parin yan ng pansin." Sabi ni Karl.

"Eh anong tawag mo sakin, Karl?" Sabay pulupot ng kamay ni Belle kay Karl. "Maganda
rin ako diba?"

Natahimik si Karl.

"Diba? Diba?" Tanong ni Belle ulit na mukhang mapapahiya na.

Siniko ko si Karl.

"Oo." Wika niya at naghiyawan silang lahat.


Natawa na lang ako at umiling.

Kabanata 43

Iniwan sa Ere

"NAKAKAINIS YUNG GRACE NA YUN!" Sigaw ni Belle nang nagkita kami para sa night out.

"Bakit?" Tanong ni Ava.

Hinihintay namin yung mga boys. Si Callix, dala yung sasakyan niya kung saan
nakasakay si Edward at Josh. Dala rin ni Karl yung sasakyan niya at doon kami
sasakay.

Si Grace ay kilala sa pagiging slut-ish din tulad ni Belle. Oo, hindi lang manyak
si Belle... Talagang slut-ish din siya. Minsan ay kinikwento niya samin ni Ava kung
paano siya pina-climax ni Josh (yes, si Josh na kaibigan din namin) at paano siya
nabitin kay etcetera. Well, ayaw ni Ava makinig dahil may pagka santa ang isang yun
pero wala siyang nagagawa dahil bungangera itong si Belle.

"Aniya muntik na daw siyang nakipag sex dun sa isang gwapong vocalist ng isang
banda at grabe siya kung makapagyabang sa galing daw nung lalaki kahit di pa
humantong sa kama!" Sabi niya. "Kelan ko ba kasi makukuha si Karl? Alam ko... na
fefeel kong magaling siyang ano-"

"Shhh!" Sabi ni Ava nang nakitang dumating si Karl.

Ayaw kasi ni Belle na malaman ni Karl ang makamundong pagnanasa niya kaya agad
niyang iniba ang usapan.

"Maganda ba ang soot ko?" Sabi ni Belle.

Umiling na lang kami ni Ava at pumunta na sa isang grill na may tumutugtog na


banda. Madilim sa loob at maganda ang ambiance.
"Mag didinner daw muna tayo diba bago mag bar?" Tanong ni Karl sakin habang
pinaglalaruan ang keys niya nang lumabas na kami sa sasakyan.

"Yep." Sagot ni Belle. "Mukhang maganda dito."

Sa labas pa lang, dinig na dinig ko ang papatapos na kanta ng bandang tumutugtog.


Naglakad na kami papasok at agad naming nakita ang nakangising si Callix. Kinawayan
niya kami at itinuro niya ang mga upuang nireserve niya para samin.

"Maiksi parin ang damit mo, Rosie." Pambungad ni Josh sakin.

"Hayaan mo na lang." Sabi ni Callix.

Tumawa si Josh at nagkatinginan sila ni Callix. Sa lahat ng nasa friend circle


namin, si Josh ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Not that may tiwala ako kahit
kanino... Wala akong tiwala kay Josh, sunod kay Belle, sunod kay Callix... Alam ko.
Nafifeel ko yun kahit di nila pinapahalata na may hangganan ang pag ha-hang out
namin. Kung sakaling may magtatraydor alam kong nasa kanila lang. At ang
maituturing ko lang talagang kaibigan ay si Karl at si Ava.

"WOOOOH!" Sigaw ni Callix nang tumugtog ulit yung gitara.

Na conscious tuloy ako sa soot ko kaya panay ang tingin ko sa maiksing skirt.
Tumili si Belle at Ava nang kumanta na ulit yung vocalist.

"Oh my god!" Sabi ni Belle. "Ba't nandyan si Grace?"

Umiling ako. Ayan na naman yung ka competition ni Belle. Siguro ito yung bandang
may vocalist na nakaforeplay or whatever nung si Grace... Natigilan ako at natulala
nung narinig ko ang boses ng kumakanta.

"If I give up on you, I give up on me... If we fight whats true, will we ever be?
Even God himself, and the faith I knew... Shouldn't hold me back. Shouldn't keep me
from you. Tease me, by holding out your hand. Then leave me, or take me as I am."
Buong-buo ang boses ng kumanta nito.

Unti-unti akong napalingon sa banda. Tahimik ang mga tao habang kumakanta ang
matangkad at naka all-black na bokalista sa harapan.
Napatayo ako nang nakita ko kung sino ito. Napatayo at nalaglag ang panga...
Nakapikit lang siya habang kinakanta ito kaya siguro hindi niya ako napapansin pero
nang tinignan ko yung drummer, yung nasa keyboard, at ang dalawang guitarist -
nakatitig silang lahat sakin na parehong laglag din ang panga.

Tinignan ko ulit yung bokalista. Mas lalo siyang tumangkad. May nakita akong
kumikinang sa kaliwang tenga niya at agad kong na recognize na earing yun. Nagpa-
pierce siya. Mas lalong defined ang muscles niya at mejo pumuti siya kumpara sa
mejo moreno niyang balat noon.

"Siya yung tinutukoy ni Grace na magaling mag ano?? OH EM GEE! I think I'm in
love!" Sabi ni Belle.

And then it struck me. Masakit aminin pero masakit din tanggihan at balewalain ang
pagkakadisappoint ko. May iba na siya. BAKIT AKO NADIDISAPPOINT? HINDI KO ALAM!
MAGSAMA SILA KUNG SINO YUNG BAGO NIYA AT WALA AKONG PAKEALAM.

Tinignan ko si Grace na tiling-tili sa harapan katabi ang tatlo pang babae. Naisip
ko yung pag fo-foreplay nila ng makinis, matangkad at kulot na si Grace na nasa
harapan with her plunging neckluine.

"Excuse me... CR lang ako." I may vomit.

"Uy, Rosie!" Pigil ni Callix sakin.

"Teka lang, Callix. Saglit lang." Sabi ko nang di lumilingon.

"CR lang din ako." Sabi ni Karl nang napansin ang nasusuka kong mukha.

"Sh1t, Karl! Anong gagawin ko?" Nagpanic ako bago makarating sa CR.

"B-Bakit?" Tanong niya.

"SI JA--- yun!" Sabi ko.

Hindi ko na maitsura ang mukha ko nang sinabi ko yun kay Karl.

"Si Ja---? Ano? Ja? Jatooot? WHAT!? Siya yun! OMYGOD! Really?! Kaya pala ang daming
babae dito, Rosie. Kasi dito siya tumutugtog?"

"Karl naman! Ang ibig kong sabihin ay ba't siya nandito? Taga-bukid siya!! Ba't
siya nandito! Oh my gosh, Karl, iuwi mo na ako! Dali! Iuwi mo na ako." Hinila ko
ang kamay niya.
"Tapos ano? Anong sasabihin ko kay Callix? Magdududa na naman yun na may something
tayo. Kadiri. Tsaka hayaan mo na! Mukhang ma da-divert na ang atensyon ni Belle sa
kanya, sa wakas!"

Napasinghap na lang ako, "Please, Karl! Please! Tulungan mo ako."

"No, Rosie. Suggestion lang ah? Siguro dapat mong harapin yung ex mo. Kung makaasta
ka parang may feelings ka pa eh." Umirap siya.

"WALA NA AKONG FEELINGS SA KANYA!" I snapped.

"Wala!? Talaga!?"

"WALA!" Sigaw ko.

"Prove it! Harapin mo!"

Hindi ako preparado sa mangyayari. Pumunta ako dito thinking that it was just
another fun night tapos ito ang bubulagta sakin? Oh my God! Lord naman, nagsisimba
naman ako. Alam kong makasalanan akong babae pero please lang naman kahit ito na
lang pagbigyan mo ako.

"Lika na nga! Lika na!" Sabay hila niya sakin.

Agad niya naman binitawan yung kamay ko nang malapit na kami sa table.

"WOOOOH! Galiiiiing! Wooooh!" Sigaw ni Belle at Ava. "ANG GWAPOOO PAAA!"

Hindi ako tumingin sa stage. Umupo lang ako dun na nakatingin kay Karl.

"Thank you..." Nagkagoosebumps ako sa boses niya.

Pinagpawisan ako ng malamig. Sana umalis na lang sila kasama yung Grace at yung iba
pang babae sa stage at di na nila ako makita kahit na imposible yun dahil kita na
ako ni Teddy at Leo...

Nakita kong tumayo si Callix nang nakangiti at umambang mag ha-high five sa kung
sino ang paparating.

Nakita kong nalaglag ang panga ni Karl nang tumingin kay Callix at pabalik sakin.
Oh my god - yun ang nabasa ko sa bibig niya.

"Pinsan mo, Callix? pakilala mo kami oh!" Sabi ni Belle.

Lord, ang swerte naman. Parang nanalo lang sa lotto ano? Swerte swerte ko talaga na
pwede na akong mamatay dahil sa ubod ng swerte.

"Jacob, ito nga pala ang mga kaibigan ko." Sabi ni Callix habang tinuturo kami isa-
isa. "Si Ava, Belle, Josh, Edward, Karl at si... Rosie. Uh... Rosie?"

Hindi ako nakaharap kay Jacob kaya lumingon lang ako at pinilit na ngumiti. Nakita
kong napawi ang ngiti sa labi ni Jacob nang nagkatagpo ang aming mga mata.

"Ito yung sinasabi kong cousin na pinagkakaabalahan ko tuwing Sabado noong high
school pa tayo. Oh, wala ka ng duda na may girlfriend ako ah? Kasi lalaki siya. Si
Jacob."

Tumunganga kaming dalawa at nagtinginan. Alam kong weird na dahil pati sina Callix
at Belle ay nakatingin na rin sa weird naming reaksyon.

Sobrang kaba ko hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero may bumara sa lalamunan...

"Hey, guys! Uy! Callix!" Sabi ni Grace sabay pulupot sa braso ng kaharap ko.

"Uh, Jacob... Ito si Rosie. Naalala mo yung pinag usapan natin? Si Roseanne
Aranjuez. Remember, dude?"

Nakita kong nagkatinginan ang mga ka bandmates ni Jacob.

"Ito pala yung cousin mo, Callix?" Tumaas ang isang kilay ko habang ngumisi kay
Callix at naglahad ako ng kamay kay JACOB. "Roseanne Aranjuez. Rosie for short,
Jacob?"
Tinitigan niya ang kamay ko, half-open parin ang bibig niya.

"Jacob?" Sabi ni Callix. "Okay ka lang ba, dude?"

Napalunok si Jacob na di parin tinatanggap ang kamay ko.

"Stunned or something." Humalakhak si Karl pero napawi ito agad.

Nang nakita kong tatanggapin na ni Jacob ang kamay ko, agad kong binawi ang
paglalahad ko at iniwan ang kamay niyang nakalahad sa ere.

"Let's eat na, Callix? Ginugutom na ako." Ngumisi ako at nagpanggap na hindi ko
namalayan ang ginawa ni Jacob.

Halata sa mukha ng lahat ang awkward moment na yun pero pang best actress ako kaya
hindi nila nahalatang may something iyon.

Kabanata 44

Sayaw Tayo

Pagkatapos naming kumain (kahit di ako nakakain ng maayos dahil na coconscious ako
sa tingin ni Jacob sakin), pumunta na kami ng bar. Ito ang pinakahihintay ko. Ayoko
ng nandito si Jacob kasama namin. Gusto ko ng umalis at mawala siya sa paningin ko.

Nasusuka ako tuwing naiisip kong nag fo-foreplay sila ni Grace na nasa harapan ko
din. Naiinis ako dahil nakatitig si Belle sa kanya the whole time! Naiinis ako
dahil pinsan sila ni Callix. Ano kaya ang sinabi ni Jacob kay Callix? At anu-ano
naman ang binanggit ni Callix kay Jacob? Pinag uusapan nila ako, diba? Ano ang
pinag usapan nila tungkol sakin?

"Let's go?" Yaya ko kay Callix.


Gusto kong mag isa lang kaming dalawa ni Callix. Gusto kong tanungin siya tungkol
sa mga pinag usapan nila ni Jacob pero di ko magawa kasi ang dami namin.

Tumango si Callix at tumayo kami ng grupo para lumabas na.

"Dude, saan kayo after? Bar hop kami eh. Sama kayo?" Ngumisi si Callix kay Jacob.

Nagkatinginan si Jacob at Leo. Bago pa makapagsalita si Jacob...

"Sige ba!" Sabi ni Leo at tumayo na.

OH GOD! SASAMA PA TALAGA SILA? Tinignan ako ni Karl. Ngumisi siya at umirap naman
ako.

"Callix, sasakay ako sa sasakyan mo." Sabi ko.

Ngumiti si Callix at mukhang nabigla sa sinabi ko, "Sige bah!"

Nang lumabas kami, nakita kong umilaw at tumunog ang sasakyan sa gilid ng sasakyan
ni Callix. Isang Ford Ranger na agad binuksan ni Jacob. Ganun parin ang ekspresyon
niya, kahit naglalakad ay tulala.

Sumulyap siya samin ni Callix kaya sinadya kong dumikit at ngumiti kay Callix.

"Why are you so happy?" Tanong ni Callix na binalewala ko.

Di naman yun narinig ni Jacob kaya siguro iniisip niyang may pinag uusapan kami ni
Callix na masaya.

Pero nang tinignan ko ulit si Jacob na nakatitig samin, nakita ko ang pag talon ni
Grace sa leeg niya. Hinalikan pa ang mga labi niya. Nabigla si Jacob kaya itinulak
siya ni Grace.
"Buti nga!" Sigaw ni Belle.

Lumingon si Grace sa kanya pero agad nang pumasok si Belle sa loob ng sasakyan ni
Karl. Whatever! Bahala kayong dalawa sa away niyo, what disturbed me the most was
the kiss! HINAHALIKAN NI GRACE SI JACOB SA PUBLIC! Tinanggihan pa ni Jacob huh?
Para saan ba? Pustahan pa tayo naka ilang beses na sila sa motel! Imposibleng wala
pang nangyari sa kanila! Sa landi ni Jacob? Sa landi ni Grace? In your facessss!
Alam ko! Ako ang nauna! Mga punyet-!!! Asan na ba yung si April? nakikita niya ba
itong ginagawa ni Jacob? Bakit di si Grace ang siraan niya? Bakit di niya ipakita
ang video ni Grace na nakikipaglandian sa ibang lalaki nang makita ng lahat na di
siya karapat-dapat para sa minamahal niyang si Jacob! Nasan siya pag kailangan mo
siya?

"Anyare?" Bulong ni Karl sa likuran ko.

Inirapan ko ulit siya. Humalakhak siya bago pumasok sa sasakyan niya. Nang
nakapasok na ako sa front seat ni Callix na realize kong ito ang right time para
tanungin ko siya tungkol sa kanila ni Jacob. Nasa likuran namin si Edward at Josh.
Nakita ko ring si Jacob, Grace at yung dalawang babae lang ang sumakay sa Ranger
niya. Ang mga kabanda niya ay sumakay sa isang sasakyang si Leo ang nag di-drive.

Wh0re! What happened, Jacob? Naadik ka sa sex nung wala ako!? Sarap basagin ng side
mirrors ni Callix habang iniisip ko yun lahat. Parang tinraydor ako!

"Callix." I'm struggling to keep my voice calm.

Nag drive na si Callix at sinusundan ang sasakyan ni Karl.

"Hmmm?"

Maingay si Josh at Edward na nag uusap tungkol sa kaibigan ni isang kaibigan ni


Grace.

"Anong pinag uusapan niyo ng pinsan mo pag nag uusap kayo tungkol sakin?"

Sumulyap si Callix sakin, "Uh. Hindi naman talaga marami. Napag usapan ka lang
namin nung bumalik ka na sa Maynila last year."

"Huh? bakit?" Kinabahan ako.


"Ewan ko. Hindi ko maalala." Kumunot ang noo niya. "Sinabi ko sa kanya na nagbalik
yung isang ex ko tapos tinanong niya kung sino, sinagot ko na si Rosie... Yun lang
naman."

Napabuntong-hininga ako. So... Kaya pala hindi alam ni Callix na magkakilala kami
kasi di yun sinabi ni Jacob. Hindi kaya... Hindi kaya iniwan niya ako para kay
Callix? No! That's impossible! Ba't niya ako iiwan para kay Callix ngayong alam
naman nating lahat na iniwan din ako ni Callix noon dahil ayaw niya na sakin? Dahil
sex lang yung gusto niya? Nanlaki ang mga mata ko nang narealize kong kahit kailan,
di ko nga pala yun nabanggit kay Jacob!

NO! NO! Pilitin mo, Rosie! Naalala mo ba nung pinagtabuyan ka niya sa party?
'Umalis ka na, Rosie!' Yung sigaw niya? Na pinahiya ka niya... NOTHING... NO... NO
REASON WILL EVER CHANGE MY MIND.

Nang nakarating na kami sa bar, nandyan parin si Grace na nakakapit sa braso ni


Jacob. Asar! Mamatay na kayo!

"Callix! Mauna na tayo!" Sabi ko hinila si Callix sa unahan nang di na makita si


Jacob.

Nandyan na naman ang nanlalaking mata ni Callix. Hindi ko hinahawakan ang kamay ni
Callix noon pero ngayon, hinihila ko na siya! Wala akong pakealam kung anong isipin
ng iba.

Papasok pa lang kami sa bar, kita mo na talaga ang daming kilala ni Callix. May mga
grupo ng kinikilig na babae ang bumati sa kanya. Of course, campus crush si Callix
hanggang dito sa bar ay dala niya ang titulong yun. Sanay na ako, noon pa... Pero
eto ang pagbabago ngayon. Pagkatapos nilang tignan at mamangha sa gwapong mukha ni
Callix, napasulyap sila sa likuran at di na agad bumalik ang mga tingin nila kay
Callix. Slow motion na nalaglag ang panga nila. Nilagay ng mga babae ang kamay nila
sa bibig nilang naka-O at tumili pa lalo.

"JACOOOOOB!"

Sh1t! Kilala siya hanggang dito? Sumimangot ako. Mas lalong dumami ang nakakapit sa
braso ni Jacob.
"Uh... Mula nung last year, November yata, every Saturday, bumibisita si Jacob sa
bahay namin. Minsan dinadala ko siya dito." Sabi ni Callix nang nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong batukan si Callix sa inis ko. BAD INFLUENCE!
Shiz!!!

"Ano?" Nakita niya yata ang galit ko kaya inayos ko ang mukha ko.

"Wala naman... Let's go!" Sabay hila ko ulit kay Callix sa loob.

Sumunod din sina Belle, Karl, Josh, Edward at Ava. Umorder si Callix ng beer at
margarita. Nasa tabing sofa namin ang grupo ni Jacob kasama ang iba't-ibang babae.

"Grabe! Parang mga prosti!" Sabi ni Belle at umiling.

"Bakit? Nagseselos ka?" Sigaw ni Karl sa kanya.

"Huh? Ba't ako magseselos?" Tinitigan ni Belle si Jacob.

Napailing ako nang nakita siyang tumayo, ngumisi at naglakad papuntang sofa nina
Jacob.

"Kadiri talaga yang si Belle!" Sabi ni Karl habang umiiling.

Sumayaw si Karl at Ava. Nakahanap naman ng kasayaw si Edward at Josh kaya kami na
lang ni Callix ang natira.

Niyaya ni Belle si Jacob na sumayaw pero kanina niya pa ito tinatanggihan.

"Callix, sayaw tayo!" Sabi ko.

Napanganga na naman si Callix.

First time ko ulit siyang niyayang magsayaw. Noon kasi lagi kong pinapangalagaan
ang relasyon namin as friends at ayaw kong madungisan ito kung mag iisip siyang
pwede pa kami sa 'more than friends' pag niyaya ko siyang magsayaw.
Naglahad siya ng kamay at nakita ko ang mga titig ni Jacob na dumikit saming dalawa
ni Callix hanggang sa dumating kami sa dance floor.

Hinila ni Belle at Grace si Jacob sa dancefloor. Tumawa si Jacob at bumigay na.


Sh1t! Nakikita ko siyang isinasayaw ang dalawang babae ngayon. Oh my god! Ang
lalandi talaga nitong dalawa. Nakita kong nag half-open ang bibig niya tapos
tumingin sakin.

Gusto kong umiyak sa inis o tumawa hanggang mabaliw! I looked away. Hindi ako
normally sumasayaw at nag ga-grind pero ginawa ko ito ngayon this time kay Callix.
This is probably the dirtiest dance I have ever made.

"Rosie!" Sabi ni Callix habang sumasayaw na rin sakin pagkatapos natunganga sa


ginawa ko.

Nang tinignan ko ulit si Jacob, nakita ko siyang tumigil sa pagsasayaw habang


patuloy ang dalawa sa pag di-dirty dance.

This is how you want to play this game, huh, Jacob? Let the game begin! Wala akong
pakealam! Gusto ko masaktan ka physically, emotionally, mentally. Sa kahit anong
paraan, gusto kong masaktan ka Jacob Buenaventura!

Kabanata 45

Walang Kwenta

Nagwalk-out si Jacob. Disappointed pareho si Belle at Grace sa inasal niya.


Sinundan ni Grace si Jacob sa sofa pero nanatili si Belle sa dancefloor para
sumayaw sa kahit sinong lalaking makita.

"Callix, upo muna ako. Sumakit ang paa ko eh." Sabi ko.
Sinundan ako ni Callix sa sofa. Uminom ako ng isang shot ng margarita at iniwasan
ang titig ni Jacob sakin.

Tumawa ako habang nakikitang nagsasayaw na si Karl at Belle.

"GO KARL!" Go Belle dapat diba pero mejo galit ako sa kanya ngayon dahil nilalandi
niya ang mortal enemy ko.

Sumimangot si Karl at nandiri sa grind ni Belle. Tumawa ulit ako. Nang tinignan ko
si Callix, hindi ko maiwasang sumulyap kay Jacob. Nakita kong kinakausap siya ni
Grace pero nakatitig siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nagkunwari akong
makikipag-usap kay Callix.

"Saya no?" Sabi ko.

"Oo!" Sabi ni Callix, halos di ko na marinig sa ingay. "Sayaw ulit tayo?" Tanong
niya.

Umiling ako. What's the point, really? "Maya na. Sakit pa ng paa ko. Gusto mo
sumayaw ka na lang muna. Nandun naman sina Josh at Edward."

Umiling siya at uminom ng beer.

Sumulyap ulit ako kay Jacob na nakatingin parin sakin. AS IN, JACOB? Nakatitig ka
sakin at di ka man lang marunong mahiya na tinititigan mo na ako. Inirapan ko na.

"Excuse me." Sabi ko kay Callix. "CR lang."

Tumayo ako at dumiretso sa CR. Pagkarating ko sa CR, may dalawang babae doong nag
re-retouch ng make up at bumubungisngis.

"My gosh! Ang hot niya talaga, super!" Sabi nung isa habang nasa loob ako ng isang
cubicle.

"Oo! Laglag panty agad ako tuwing naiisip ko na naman yung abs niya."

ABS? MAY NAGSABI BANG ABS?


"Gwapo niya talaga! I heard mayaman sila!"

"Talaga?"

"Oo! Yung J.A foods? Kanila yun?"

"J.A foods?" Tanong nung isa. "Talaga!"

"BILIS NA! Baka masayaw natin siya!" Umalis sila agad kaya ako na lang mag isa dito
sa CR.

Lumabas ako sa cubicle at tinignan ang sarili ko. Sabi na nga ba... pag pupunta si
Jacob dito sa Maynila mas marami pa sa populasyon ng Alegria ang magkakagusto sa
kanya. Gwapo si Callix at noong di ko pa nakikita si Jacob, hindi ko alam kung may
hihigit pa ba sa kagwapuhan niya. At ngayong kilala ko na si Jacob, narealize kong
'usual gwapo' si Callix, itong si Jacob naman? HAHAHA Hindi na makatotohanan ang
kagwapuhan niya.

Unti-unting bumukas ang pintuan ng CR. Aalis na sana ako nang nakita ko kung sinong
pumasok. Holy Sh1t! Si Jacob!

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nagpapanic.

Naglakad siya ng mabilis at diretso sakin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.
Kita sa mukha niya ang galit at inis habang tinitignan ako.

"Kanino mo pineke ang virginity mo, sakin o kay Callix?"

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Ang kamay kong galing tagiliran ay lumipad na sa
pisngi niya. Limang segundo siguro ang nakalipas bago niya ibinaling ulit ang
tingin niya sakin. Pulang pula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ko. Nakita ko
ang namumuong luha sa mga mata niya.

"WALANG HIYA KA, JACOB!" Sigaw ko.

Wala akong pakealam kung sinong makarinig sakin sa labas o kung may pumasok man
dito sa loob ng CR!

"Bitiwan mo ako!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Bitiwan mo sabi
ako!"
Sinampal ko ulit siya. Mas lalong pumula ang pisngi niya.

"Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako pinagtabuyan sa gabing iyon? Ha?" Sigaw ko sa
kanya.

"Sinabi sakin ni Callix na lahat ng naging girlfriend niya ay natikman niya na! At
narinig ko sa video na ex mo siya-"

Sinampal ko ulit siya, "Babaw mo! Punyeta!" Sorry, di ko mapigilan ang pagmumura sa
harap niya.

At sinabi yun ni Callix? Ang kapal din naman ng mukha ng isang yun! Ni hindi niya
pa ako nahahawakan ng walang layer! Bullsh1t! Nababanas ako sa lahat! Naiinis ako
sa lahat! Bakit ko ba siya pinagkatiwalaan gayung ganito pala ang kinikwento niya
sa lahat ng tao? Sino ang pagkakatiwalaan ko? Si Callix o si Jacob? Sino ang
nagsasabi ng totoo? Paano kung gawa-gawa lang ito ni Jacob para siraan si Callix?
At paano kung totoo yung sinabi ni Jacob? Eight months akong naniwala na tinaboy
niya ako dahil akala niya gold-digger ako pero ito pala ang dahilan? Mas mababaw
pa?! WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINONG TAMA O SINONG MALI SA KANILA! Pareho kong
sasaktan silang dalawa!

"AT SINABI NIYA SAKING ANG HULING EX NIYA ANG MINAHAL NIYA NG SOBRA! ANONG GAGAWIN
KO? PINSAN KO SIYA AT NAGSINUNGALING KA SAKIN. Sabihin mo, Rosie! Sino ang pipiliin
ko?"

Sinampal ko ulit siya.

"Sh1t, Rosie! Tigilan mo nga yan!" Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.

Grabe. Kung may mas malala pa sa bulkang sumasabog, ganun na siguro ang description
ng feeling ko ngayon.

"Ang babaw-babaw mo!" Gusto ko ring isigaw ito, 'Iniwan mo ako para sa nonsense na
yan? Mahal na mahal kita noon pero pinili mo yan?' Sh1t! Hindi ko kaya. Mukha niya!
Asa siya at di ko aamining mahal ko siya! Kahit noon!

"MAHAL NA MAHAL KITA, ROSIE! Pero hindi ko kaya ang pandarayang iyon! Pinaniwala mo
ako!" Sigaw niya habang umiiyak.

Hindi ko rin sasabihin sa kanyang siya talaga ang una ko... na totoo yung sinabi ko
sa kanya noon. What for, diba? WHAT FOR?

"Mahal? Mahal mo ako habang nakikipaglandian ka all this time sa mga babaeng yun!"
I can't hide the bitterness.
"OO! Dahil sinubukan kong magmahal ulit pero ikaw lang ang naaalala ko!"

Tumawa ako. Halos di ko na makilala ang sarili ko dahil sa tawang iyon. Parang
witch na tumatawa pero talagang nadadala ako emosyon ko.

"TALAGA? Weh!? So nagpigil ka pa niyan? Nung tayo, di ka nga nakapagpigil eh!


Imposibleng nasa kama na kayo, hinahawakan na yung sayo, nakapagpigil ka pa!?"
Tumawa ulit ako.

Niyugyog niya ang braso ko.

"OO! Nakapagpigil ako dahil hindi ikaw yun!"

"REALLY? November, Jacob! November ka pa dito, diba? BAKIT NGAYON KA LANG


NAGPAKITA? Dahil... dahil nakikipaglandian ka pa, diba?" Sigaw ko.

"AKALA MO MADALI YUN!? Kahit na niloko mo ako, Rosie, sinundan kita, hinanap kita.
Nakikita kita tuwing pumupunta ka ng mall o naglalakad mag isa! Sinusundan kita!
Pero di ako nagpapakita dahil galit ako sayo!"

"WOW!!! So? You are stalking me? Buti di mo naisipang i-rape ako gayung sa sobrang
manyak mo mukhang nadala mo na yata sa motel lahat ng babae-"

"ROSIE!" Sigaw niya.

Nagpatuloy ako. "Well, wala akong pakealam dun. I'm cool with it! At dapat okay rin
sayo kahit sinong idate ko!"

"Rosie, believe me." Sabi ni Jacob sakin.

Nasisilaw ako sa mata niyang lumuluha at sa kinang ng hikaw niya kaya tumingin ako
sa kawalan.

"Tingin mo dahil sa mga sinabi mo babalik ako sayo? Tingin mo maniniwala ako sayo?
Tingin mo okay na ang lahat ng yun? JACOB, HINDI YUN OKAY!"

Sinaktan mo ako! You left a scar and it will never be the same again!

"Hindi mo man lang sinabi sakin aalis ka! Hinayaan kita noon dahil gusto kong
magpalamig muna at di ko alam kung paano ka haharapin ulit pagkatapos ng ginawa
ko."

Nagsimula ulit ako sa pagtawa ko, ngayon may kaonting luha na sa mga mata ko, sh1t!
"DAHIL KAHIT GANUN, ROSIE! Pinipili parin kita!" Aniya. "Nagpalamig lang ako pero
hinanap kita."

"That's too bad, Jacob. Huli na ang lahat." Sabi ko. "KASALANAN MO ANG LAHAT!"

"Oo! Kasalanan ko! At alam mo kung anong dasal ko nang nalaman kong umalis ka na?!"
Sigaw niya sakin.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sigaw niya. I'm sure mapapaos siya sa sigaw niyang
iyon. Bokalista pa naman siya. Bakit ba ako concerned! Tangina niya! Sana mapaos
siya hanggang mamatay!

"NA SANA NABUNTIS KITA! NA SANA MAGKAANAK TAYO NG WALA NG RASON PARA TAKBUHAN MO
AKO! SANA NABUNTIS KITA AT NAGKAANAK TAYO!" Sigaw niyang mas lalo pang malakas.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Walang hiya ka!" Tinulak ko siya.

Sa sobrang lakas ng tulak ko, napahilig siya sa isang cubicle.

"NAPAKA WALANG HIYA MO! HINDING HINDI KITA BABALIKAN!" Sinabi ko yun dahil wala na
akong masabi sa huling sinabi niya.

God, help me!

Binuksan ko ang pintuan para makalabas ng CR at bumulagta sakin ang apat na kabanda
ni Jacob sa labas na nagbabantay sa taong pwedeng pumasok habang nag uusap kami sa
loob. Ewan ko. Pinunasan ko ang sariling luha ko at nilagpasan sila.

"C-Callix..." Hindi ko masabi ang pangalan niya sa galit ko sa kanya.

Galit na galit ko. Pati siya gusto kong saktan. Bakit niya sinabi iyon kay Jacob?
LAHAT NATIKMAN NIYA? ASA SIYA! Hinding-hindi niya ako matitikman! Wala sa kanila ni
Jacob ang pipiliin ko. Pareho silang walang kwenta. At pareho ko silang sasaktan!

"Oh, Rosie? Okay ka lang ba?" Tanong ni Callix.


"Uh, sakit ng tiyan ko. Pwedeng pahatid?" Tanong ko.

"O s-sige!" Nagmadali siyang i-guide ako palabas ng bar.

Umalis na kami bago pa makabalik si Jacob sa table.

Kabanata 46

Umiiyak Ka Ba?

Hindi ko makausap ng maayos si Callix nang inihatid niya ako sa bahay. Ang sinabi
kong excuse ay dahil sa sakit ng tiyan ko.

"Rosie..." Concerned ang mukha ni Maggie habang pinapanood nila ako ni James sa
hapagkainan.

"Ano?" Di ako makatingin sa kanilang dalawa.

Sinabi ko kasi kay Maggie lahat ng detalye kagabi. At oo, for the first time in
history na sabi ko rin sa kanya na may nangyari samin ni Jacob sa Alegria. Shocked
siya kagabi pero mukhang okay na siya ngayon. Wala rin akong pakealam kung sabihin
niya yun kay James gayung tahimik lang naman at mapagkakatiwalaan naman si James.

"Dangerous yan, Rosie." Sabi ni Maggie. "Hayaan mo na lang si Jacob. Hayaan mo na


lang siya. I'm sure nasaktan din siya. Nagdurusa din siya, Rosie. Nakakaawa-"

"MAG! Nandun ka nung pinagtabuyan niya ako diba? Kita mo diba?" Sabi ko habang
umiiling.

"Oo. Pero, Rosie, matagal na yun. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa
kanya hindi ka magagalit ng ganito." Aniya.

"Anong gusto mo? Open arms ko siyang iwewelcome pabalik ng buhay ko pagkatapos ng
ginawa niya?"

"Hindi yun ang point ko. I'm sure he's suffering, too. May pinagdaanan din siya
tulad mo. Nagalit siya sayo kaya niya nagawa yun at di siya nag expect na aalis ka.
Akala niya maaayos niya rin ang lahat pagdating ng ilang araw-"

"Mag!" Suminghap ako. "Mag, I hate him! Ayoko na! Hindi ko kayang tignan siya ng
diretso nang di ko siya nasasampal. Galit ako sa kanya at di ko na siya mahal!
You're just being too kind again."
Yun talaga ang pinagkaiba namin ni Maggie. Masyado siyang mabait. Lahat ng side sa
story ay pinakikiramdaman niya. Pero sorry na lang at masyadong mabigat itong side
ko at di ko na kayang makiramdam pa sa side ni Jacob.

"There's a very thin line between love and hate, sis." Mahinahong sabi ni Maggie
sakin. "Magagalit ka lang sa isang tao dahil na disappoint ka sa kanya, at
madidisappoint ka lang kung umaasa kang mahal niyo ang isa't-isa."

Napalunok ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Determinado parin akong
maghiganti. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako lalong lalo na kay Jacob. Wala
naman akong pakealam kay Callix... Si Jacob! Si Jacob ang babanatan ko. Sa larung
ito, ako ang unang nahulog pero siya ang huling babangon.

"Talaga bang importante sa inyo mga lalaki kung sinong, uh," Sumulyap si Maggie
sakin at pabalik kay James, "Una?"

Nagkibit-balikat si James at sumulyap rin sakin pabalik kay Maggie, "Well, kung
seryoso ka talaga sa babae syempre iisipin mong sana ikaw ang mauna o ikaw yung
nauna pero kung talagang meron nang nauna tapos mahal mo siya, balewala na yun,
past is past." Nagkibit-balikat ulit si James.

"Pero thing is, umasa si Jacob na, I mean... Oo, siya diba yung, uh, nauna, pero
yun nga... akala niya siya ang nauna tapos sasabihin ni Callix na hindi... diba?
Edi syempre umasa siya, kahit totoong siya, pero nagalit siya dahil akala niyang
nagsinungaling-"

"UGH! Kahit na, Mag! Please, tigilan niyo na yang pag-uusap sa, uh, life ko! Alis
na ako!" Sabi ko at agad ng naglakad palabas ng apartment.

I will see no reason to back down. Promise! Luluhod si Jacob sa harapan ko. Yung
nangyari sa bar ay simula pa lang. Oo, simula pa lang yun dahil alam kong dito siya
mag-aaral. Hindi ako sigurado kung nakatira ba siya kina Callix o may bahay ba sila
dito sa Maynila (kahit na, may gut-feeling akong may bahay talaga sila dito).
Business Administration din ang kukunin niya. Mabuti na yun at nang di kami
magiging classmates.

"ROSIEEE! Nakuha na namin ang schedule!" Sigaw ni Ava sakin nang nakarating ako sa
school.

Nilapag namin ang schedules sa table at nakitang may isang minor subject kaming
magkaklase lahat.

"Biology 10." Sabi ni Belle nang nakangisi. "Akala ko tayong tatlo lang ni Jacob
ang magkaklase sa Biology 10, Callix?"
Napalingon ako kay Callix, "Hindi. Buong kabanda niya yata classmate din natin."

"TALAGA!? Hay!" Sabi ni Belle.

Salamat, ah, tadhana? Kahit isang subject lang ito pero nasisiyahan talaga ako kasi
pinagsama mo parin kaming lahat! NAKAKABANAS LANG! SARAP MAG MURA! SANA NARINIG MO
ANG TONO NG SARCASM DUN, TADHANA!

"Rosie, anong problema mo diyan? Hindi ka ba nahihilo sa kakairap mo sa kawalan?"


Bulong ni Karl sakin.

Inirapan ko na lang siya habang naghihintay kami sa unang klase namin.

Sinabi ko na lahat kay Karl. Tinawagan niya ako at sinabi ko sa kanya lahat ng
nangyari.

"Galing mo rin talagang mamili at magpinsan pa!"

"Wa'g mo kong masali-sali diyan sa plano mong pagselosin siya. I mean, hindi ko
kayang magpagamit sayo." Ang ibig niya lang sabihin ay ayaw niya sa mga rumors na
kami na! Asus! "Kayo na lang ni Callix! Pero agree talaga ako sayo na kailangang
mag dusa si Jacob. Kaya naman... tutulungan kita." Tumawa siya at siniko ko na
dahil may something dun sa tawa niya na mukhang sumisigaw na 'beki ako!'

Mabilis natapos ang una ang ikalawang klase ko. At alam niyo kung anong kasunod
nito? Biology 10!

Una akong nakarating sa classroom at umupo ako sa pinakadulo at tabi ni Callix.


Ayokong may tao sa likuran ko, ayoko ring may ibang katabi except kung si Karl
lang. Lagi kasing magkatabi si Ava at Belle at mejo ayaw ko na ring tumabi kay
Belle.

Lumakas ang pintig nang puso ko nang nakita ko si Teddy na unang pumasok kasama ang
dalawa pang si Ron at Louie. Oh my gosh, ilang sandali lang si Jacob na ang
papasok.

"Kumusta yung klase mo, Rosie?" Tanong nang nakangiting si Callix sakin. "Sayang!
Sana nag Business Ad ka rin!"
"Okay lang naman, Callix." Sabi ko.

"Si Ava mukhang unang pasok palang ayaw niya na."

Tumango si Ava, "Mag shishift na lang kaya ako, Rosie?" Malungkot si Ava.

"Bakit?"

"Di ko maintindihan eh. Parang gusto ko yata ng Psych."

Hindi ako nakikinig kay Ava dahil tinitignan ko sa gilid ng aking mga mata ang
pumapasok. Nakaupo na si Leo at wala akong nakitang Jacob na pumasok.

"P-Pwede rin naman, Ava. P-Para may kasama ako!" Pinilit kong ngumiti.

"Ako rin kaya?" Sabi ni Karl.

Nakita ko ang titig ni Callix kay Karl nang sinabi niya yun.

Sumulyap si Teddy sakin at sumimangot siya.

ANO?

Tapos si Leo naman ang lumingon sakin at may binulong kay Teddy.

ANO? Kairita naman oh! Hindi ako pwedeng basta-basta na lang akong makipag-usap sa
kanila gayung si Karl lang ang may alam na kilala ko sila.

"Leo, san si Jacob?" Tanong ni Callix.

Sabi na nga ba! Hindi alam ni Callix kung nasaan ang pinsan niya kaya malamang
hindi sila nakatira sa iisang bubong?

"Classmate dapat kami sa first class, wala siya, diba dapat classmate din kami sa
Biology 10?"

"Di ko alam, pare eh. Uh... Itetext ko na lang para malaman natin." Sabi ni Leo.

Malaking effort ang ginawa ko para pigilan ang sarili ko sa pagtatanong tungkol sa
whereabouts ni Jacob. Buti at nakayanan ko.

Maagang natapos ang klase ko sa araw na iyon. May isang klase kasing wala yung
professor. Sina Callix naman ay hanggang alas singko pa kaya nagpaalam ako sa
kanila through text. Buong araw di nagpakita si Jacob. Buti naman! Gusto ko na ring
umuwi dahil malamig na ang simoy ng hangin at mukhang uulan pa yata.

Nag jeep ako papuntang apartment. Pagbaba ko ng jeepney agad akong kinabahan sa
nakita kong nakapark na itim na Ford Ranger sa tapat nito. Maraming tsismosang
babae ang nakapaligid nito. Siguro ay nasa loob siya ng sasakyan?

Pero nang mas lumapit ako, nakita ko siyang nakasandal sa pintuan ng Ford Ranger,
nakapikit ang mga mata at ang parehong kamay ay nasa loob ng bulsa.

"Nandyan na si Rosie!" Sigaw ng labandera sa apartment.

Nagsialisan sila at napatalon sa bigla si Jacob. KAPAL DIN TALAGA NG MUKHA AT


NAGPUPUPUNTA PA DITO!

"Ros-"

Agad na akong pumasok sa apartment. Hindi niya ako sinundan. Nang binuksan ko ang
pintuan ng kwarto namin ni Maggie, napatalon silang dalawa ni James! Kanina pa pala
nila tinitignan si Jacob sa labas.

"Rosie, hindi namin siya pinapasok dahil baka magalit ka." Pambungad ni Maggie.

"Dapat lang." Sabi ko.

Dumiretso ako sa kwarto para magbihis at magpahinga. Isang oras pa bago ako lumabas
ulit at ganun parin si Maggie at James, nakadungaw parin sa bintana.

"Rosie, umaambon na." Sabi ni Maggie.

"Lasing pa naman yan." Dagdag ni James.

"LASING?" Sabi ko.


Napatingin narin ako sa kurtina. Nandun parin siya at nakasandal sa pintuan ng
sasakyan niya. Tapos ilang sandali ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Hindi
siya natinag, nandoon parin siya at di gumagalaw.

"PUU!" Padabog kong kinuha ang payong at binuksan ang pintuan.

"JACOB!" Tawag ko sa kanya.

Hindi ko siya pinayungan. Binuksan niya ang mga mata niya at nanlaki agad ito nang
nakita ako. Basang-basa siya sa ulan...

"Rosie..." Sabi niya. Pulang-pula ang mga mata niya.

"Umuwi ka na!" Sabi ko.

"Rosie, anong gagawin ko para mapatawad mo na ako?" Tanong niya.

Humakbang siya papunta sakin. Umurong naman ako.

"Rosie..." Dinig ko sa boses niya ang pagkapaos dahil sa sigawan namin sa bar nung
isang araw.

"Jacob, lasing ka. Umuwi ka na!" Sabi ko.

"Rosie... Hindi ka pwedeng mawala sakin."

Be brave, Rosie. Para saan pa yang matatayog na haligi ng puso mo kung mismong ito
lang ay di mo kaya.

"Umalis ka na, Jacob!"

Natigilan ako sa sinabi ko. Parang yung sinabi niya lang sakin noon ah?

"Rosie, wasak na wasak ako. Alam kong nasaktan kita pero hindi ko na kaya itong
nangyayari satin."
Lumuhod siya sa harapan ko. Basang-basa na siya sa lumalakas pang ulan. Magulo na
ang buhok niya at kitang-kita ko ang tubig na lumalandas sa mukha niya. Bawat patak
ng ulan, kitang kita ko.

Dapat di ganito! Hindi pwedeng mag makaawa siya palagi ng ganito! Dapat galit siya
sakin! Nang sa ganun ay di ako magdalawang isip na saktan siya. Hindi pwedeng
lumuhod lang siya ay nagdadalawang isip na ako. Eight months! Walong buwan akong
nabubuhay at nasaktan sa ginawa niya. Hindi pwedeng sa isang iglap ay mapatawad ko
siya.

"Umalis ka na, Jacob! Wa'g ka ng umasa!" Tinalikuran ko siya.

"Rosie, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin mapatawad mo ako. Sabihin mo
sakin kasi takot na akong magdesisyon ng kahit ano. Ayoko ng magkamali ulit. Ayoko
ng mawala ka ulit."

"Di na kailangan, Jacob. Kasi wala na ako sayo, noon pa."

"ROSIE!" Sigaw niya ulit habang naglalakad ako pabalik sa apartment. "Kilala mo
ako! Alam mong di kita titigilan! Bakit di mo ako maharap?"

Natahimik siya.

"Umiiyak ka ba? Mahal mo paba ako?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Umiiyak na nga ako. Nagkulong ako sa kwarto habang
umiiyak. Bakit pa kasi siya pumunta dito? Okay na ako nung wala siya! Bakit pa?
Para saan pa?!

Kabanata 47

Walk Out
Hindi pumasok si Jacob sa mga sumunod na araw. Iniisip kong naglalasing siya. Or
worst... baka nambababae? Bakit naman yun worst? Bahala siya sa buhay niya.

Isang araw nang pumasok siya sa school nang Biology 10, tumatawa ako nun dahil sa
joke ni Callix tapos napasulyap ako sa pintuan kung saan nagkatagpo agad yung mga
titig namin.

Serious-Laughing: Ganung titig? Alam mo yun? Agad napawi yung tawa ko nang nakita
ko ang seryoso at mukhang galit niyang pagmumukha.

Umupo siya sa harapan ko. As in, exactlyng harapan ko. Kitang-kita ko naman ang
pagkakalaglag ng panga lalong lalo na ng mga babae.

"Yung cousin ni Callix?" Narinig kong bulong ng mga babae sa unahan.

Actually, hindi yun bulong kasi nandito ako sa likuran at imposible namang bulong
yun kung narinig ko diba.

"Ikaw ba si Jacob?" May lumapit na tatlong babaita sa kanya.

Tumitili sila at kinikilig habang kinakausap ng kumag.

"Huy, mga flirt! Alis kayo dito!" Sigaw ni Belle.

"Huy din, Belle! Sinong flirt satin ngayon eh ikaw itong tatabi-tabi diyan..."

Bahala kayo sa mga buhay niyo. Nagtatalo si Belle at yung tatlong babae habang
naghihintay kami sa Professor.

"Uy, easy lang kayo. Di niyo naman kailangang magtalo." Sabi ni Jacob.

"See? Oh, Jacob? Sino ba ang gusto mong makausap?" Tanong nung isa sa tatlo.

"H-Huh?"
Umiling ako nang narinig ko ang tanong niya. Hindi niya talaga ma gets kung bakit
maraming nagkakandarapa sa kanya. If looks could kill, patay na lahat ng tao dito.

Nabigla ako nang sumulyap siya sakin nang di siya makasagot. Napa face-palm ako sa
ginawa niya. Nakita kong ngumisi si Karl sa malayo habang ngumunguso kay Jacob.

"Jacob," Tawag ni Callix sa pinsan niya. "May nag invite nga pala sa banda niyong
tumugtog daw sa acquaintance party ng School of Business, ano, okay ka ba?"

Hindi parin tumitigil sina Belle sa pagtatalo.

"O-Oo bah." Sumulyap siya kina Leo.

Tumango naman ang mga kabanda niya.

"Kailan ba?" Tanong ni Jacob.

"Next Friday. Pero diba dapat mag papractice pa kayo?" Tanong ni Callix.

"Oo." Tumango si Jacob.

"Pwede ko bang isama si Rosie sa practice niyo bukas?" Tanong ni Callix.

Napalingon ako sa sinabi ni Callix. Nakangisi naman siya sakin. Napatingin na rin
si Jacob sakin at naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"Sa bahay?" Tanong ni Jacob. "Sige bah!" Halata sa boses ni Jacob ang kasiyahan.

Nagkakamali ka, Jacob! Akala mo pupunta ako? Kung pwede lang iluwa ka ng buhay ko
matagal na kitang iniluwa eh!

"Callix, di ako pwede bukas eh. May gagawin kami ng ate ko... Uh, manonood kami ng
sine."

"Talaga? Sayang naman!" Sabi ni Callix.

"Si Ava at Belle na lang kaya isama mo. Mukhang interesado si Belle eh?" Sumulyap
ako kay Belle na kitang-kita ang cleavage at parang sinasadya pa talaga nang makita
ni Jacob.
Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ko si Karl sa malayo na ngisng-
ngisi. Masaya dahil di na sa kanya binabalandra ni Belle ang cleavage na iyon.

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko nakatakas na ako sa sumpa ng kumag pero
nagkakamali ako.

"Okay, for next week. I want you by pairs... pass a report on A History of Biology,
Significant Names in Biology and their contribution. Buenaventura-Aranjuez, present
ba ito?"

"Po?" Sabay pa kami ni Jacob na nagsalita.

Napawhistle si Leo at agad tumingin sa harapan para di ko mahalata.

"Del Rosario-Castro." Nagpatuloy ang professor namin.

Napamura si Belle, "So close! Castro-Buenaventura." Aniya sakin. "Sayang!"

Oo. Sana kayo na lang ni Jacob ang partner nang di ako mahirapan.

"Paano ba yan?" Lumingon si Jacob sakin ng nakangisi. "Bukas? Siguradong pwede ka


na kasi importante ito."

Kumunot ang noo ni Callix habang tinitignan kaming dalawa ni Jacob na nag uusap. Oo
nga pala. Hindi niya alam na magkakilala kami kaya unusual sa kanya kung mag usap
kaming dalawa.

"'kay." Sabi ko habang tumitingin sa nakakunot na noo ni Callix.

Ngumisi siya at, "Yes! Edi makakasama ka na!" Sabi ni Callix.

Tumawa ako at sumulyap kay Jacob na nakatingin sakin, "Yep! Doon na rin kayo ni
Belle gumawa ah nang may kasama naman ako."

Inakbayan ako ni Callix sa sobrang ayaw, "As you wish!"


Nakita kong naghalf-open ulit yung bibig ni Jacob habang tinitignan kami ni Callix
na ganun ang posisyon.

Hindi na siya nagsalita, agad siyang tumayo at umalis sa classroom bago pa nag,
"Class dismiss." Ang prof.

"Huy, Jacob!" Sigaw ni Teddy na sumulyap sakin habang tumitingin.

Si Callix naman ay walang alam sa ginawang pag-alis ni Jacob. Masaya parin siya
habang inaakbayan ako. O, ano ka ngayon Jacob? Walk-out ka? Kainis lang pero pag
naiisip ko yung mukha niya sa maulang gabing yun? Argh! Wala! Bahala siya.

Ilang beses kaming nagkasalubong ni Jacob sa corridor. Palaging may nakabuntot sa


kanyang babae. Kabanas lang. Isang araw pa lang siyang pumasok naging household
name na ang Jacob Buenaventura.

Kabanata 48

Tensyon

Nakarating kami ni Callix sa engrandeng bahay nina Jacob sa isang eksclusibong


subdivision. Hindi naman ito kasing engrande ng bahay nila sa Alegria pero engrande
parin ito sa paningin ko.

Habang papunta kami ni Callix at Belle dito, nalaman kong magkapatid ang ina ni
Callix at ina ni Jacob na si Cielo. Kaya sila magpinsan. Nalaman ko ring sobrang
close ni Callix at Jacob. Hindi nagpupupunta si Callix sa 'bukid' nina Jacob dahil
mula raw nung namatay si mommy ni Jacob, tumigil na daw sa pagbisita ang mommy ni
Callix doon. Nagkikita lang sila ni Jacob tuwing pumupunta si Jacob sa Maynila
kasama ang daddy niya.

"Ba't ka curious, Rosie?" Panirang tanong ni Belle sakin. Bago ako makapagsalita
ay, "Anyway, ang laki ng bahay nila huh?"
Pumasok kami sa loob at nakita ang mga kabanda niyang nag papractice sa living
room.

"Callix!" Nag highfive si Callix at Jacob.

Sumulyap si Jacob sakin at pabalik naman kay Callix.

"Eto na nga pala yung mga kantang kakantahin namin." Ipinakita niya ang isang papel
kay Callix.

Napatingin ako sa mga frame sa mga haligi ng bahay nila. May isa doong sumasakay ng
kabayo si Jacob at Callix, mukhang nasa 7-8 years old sila nun. May nakita rin
akong pictures nilang dalawa na highschool na at parehong naka jersey ng
basketball. Napalunok ako sa dami nilang pictures... ibig sabihin nito ay close na
close silang dalawa.

"Jacooob! Paturo ng gitara. Ang galing mo talaga! Manghang-mangha ako sayo nung nag
perform kayo sa stage." Sabi ni Belle habang isinusoot yung band ng gitara ni Jacob
sa sarili niya.

Napatingin ako sa kanila.

"Uh..." Nagkatinginan kami ni Jacob.

Busy ang banda sa pag aadjust ng mga instrumento nila. Si Callix naman ay busy sa
pageexamin sa papel na ibinigay ni Jacob.

"Sige ba. M-Mamaya." Sabi ni Jacob.

Ayokong umiling. Please, Rosie, wa'g kang umiling. I looked away.

"Uh... Rosie, umupo ka muna." Tumakbo si Jacob sakin at itinuro ang pinakamalapit
na sofa sakin.

Tumango ako at, "Matagal pa ba yan? Yung practice niyo?" Sabi ko gamit ang mataray
na tono ng boses ko.

"M-Mejo, ano? Unahin natin yung report?" Tanong niya.

"Rosie naman, wa'g ka ngang KJ! Hayaan mo na lang muna sila!" Sabi ni Belle na
lumalapit na kay Jacob habang suot yung gitara.

"Well, ikaw kasi nag eenjoy ka dito. Ako hindi."

Napatingin na rin si Callix sakin. Nakita kong napabuntong-hininga si Jacob at


lumapit sa flatscreen nilang TV.

"Kung gusto mo manood muna kayo ng DVDs?" Sabay pakita niya sa mga dvd.

"Oo nga, Rosie. May dalaw ka ba ngayon?" Tumawa si Callix.

Nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Jacob habang tinitignan si Callix.
Galit siya. Anong ikinagalit niya sa sinabi ni Callix?

"Wala!" Sabi ko habang umiinit ang pisngi.

"Jacob... turuan mo ako ah?" Ngumisi ang flirt na si Belle habang ipinapakita kay
Jacob ang gitara pati ang cleavage niya.

Sumulyap ulit si Jacob sakin. Tinaas ko na lang ang kilay ko.

"Pahiram ng laptop, Jacob. I mean... Uh... meron ka bang laptop?" Muntik na ako dun
ah!

"Oo. Sandali lang." Tumakbo siya at umalis para kumuha ng laptop.

Binigay niya agad sakin ito. Sumang-ayon na lang ako sa ideya nilang uunahin nila
ang practice. Gusto ni Belle na manood din kami ng dvd (kahit na di namin yun
maririnig dahil sa ingay nina Jacob). Pero bago daw siya manonood ay magpapaturo
muna siya ng gitara.

Nakita kong nasa likuran na ni Belle si Jacob. Hinahawakan ni Jacob ang mga daliri
ni Belle para ilagay sa tamang strings... I looked away. Tinignan ko na lang yung
laptop at nagulantang ako sa nakita kong wallpaper.

"Sh1t!" Sabi ko.


Lakas ng pintig ng puso ko. Agad kong isinarado ang laptop. Kinakabahan akong may
makakita. Lumingon ako sa kanila. Busy si Callix sa pakikipag usap sa bandmates ni
Jacob, si Jacob busy kay Belle, si Teddy ang nakakita sa nangyari.

Ang wallpaper ng laptop ni Jacob ay kaming dalawa sa Alegria. Dahan-dahan kong


pinalitan ito ng kahit ano.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsimula na sila sa pagpapractice habang kami ni


Belle at Callix ay nandoon sa sofa. Sinubukan kong maging busy sa laptop lalo na
nung kinanta na ni Jacob ang dalawang kantang nakakapagpaalala sakin saming dalawa.

Sinubukan kong di tumingin sa kanila pero tuwing naliligaw ang mga mata ko, lagi
kong nahuhuli na nakatitig siya sakin. Umubo ako at narealize ko na baka malaman na
ni Callix o di kaya ni Belle na may something kaming dalawa dahil sa pag titig niya
sakin. Kainis talaga tong si Jacob!

Nang natapos sila sa pagpapractice, nag merienda muna kami habang nanonood ng dvd.
Si Belle ang pumili ng palabas. Talagang Friends with Benefits pa yung napili niya
huh?

Habang kumakain kami ng cake at napunta sa part na bed scene yung movie...

"Favorite part!" Tumawa si Callix at nakipag high five kay Jacob.

Syempre, katabi ko si Callix. Si Belle naman at Jacob sa kabila. Tahimik kaming


nanonood ng bed scene. Tinitignan ko si Belle na hindi nakatingin sa bed scene
kundi kay Jacob. Kulang na lang ay tumulo yung laway niya sa kakatingin kay Jacob
eh.

Nang tinignan ko si Jacob, nakatingin ulit siya sakin, half-open ang bibig. Oh?
Ano? Miss mo na yung mga porn mo? Kainis! Umiling ako. Di ko mapigilan ang pag
ngiti ko.

"Uh, Callix." Sabi ni Jacob.

"Yeah?" Di matanggal ang tingin ni Callix sa TV.

"Pwedeng tabi kami ni Rosie... nang... uh... masimulan na namin yung... re-report?"
Nakita kong umiling si Leo habang umiinom ng softdrinks. Sumulyap siya sakin at
ngumisi.

"Bro, uwi na muna ako ah?" Tumayo si Leo.

"Kami rin." Sabay na sinabi ng tatlo niyang ka bandmates.

"Talaga? Bakit?" Tumayo na si Jacob para tumabi sakin. Tumabi naman si Callix kay
Belle.

Umiling ako nang naramdaman ko siya sa tabi ko.

�Nang masimulan mo na...�

Tumawa yung mga kabanda niya. Napasulyap ako kay Callix at Belle na parehong
nakatingin sa TV. Sheeeeet! Kinakabahan ako!

�Yung ano... yung report niyo.� Dagdag ni Leo.

�Hindi yung diskarte.� Dinig ko ang pabulong na sinabi ni Ron.

Tumawa ulit sila.

Nang nakaalis na sila. Kaming apat na lang ang natira.

�Hala! oo nga pala! Di ako nakapagdala ng laptop.� Sabi ni Callix.

�Ano? May desktop ba kayo dito, Jacob?� Tanong ni Belle.

Umiling si Jacob, �Wala eh. Laptop lang.�

�Patay! Paano tayo makakagawa ng report ngayon, Belle?� Sabi ni Callix.

�O! Wa�g mo sabihing uuwi tayo. Mamaya na lang tayo gumawa! Dito na lang tayo.�
Sabi ni Belle habang tinitignan si Jacob.

Buti na man at di pumayag si Belle pero halatang di masaya si Jacob sa desisyon


nilang dito muna sila.
�Rosie, dun na muna tayo nang seryoso nating mapag usapan �to.�

Napatingin si Callix at Belle samin ni Jacob.

�Bro! Masyado ka namang seryoso diyan!� Tumawa si Callix.

Ngumisi si Jacob at tumingin sakin... Bakit ba double meaning ang mga naiisip ko?
�Oo. Syempre seryoso ako.�

Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon ni Callix sa sinabi ni Jacob dahil
umalis na kami sa sofa at pumunta na sa kabila. Nilapag ko ang laptop niya...

�Natapos ko na yung iba. Tinatamad ako, copy paste lang tapos edit ng konti.� Sabi
ko.

Nakatitig siya sakin. Tinuro ko yung laptop at inirapan ko siya.

�Pwede ba, tigilan mo yung pagtitig mo sakin! Mahalata ka ni Callix niyan eh.�

�Ibig sabihin ayaw mong sabihin kay Callix kung anong meron tayo?� Tanong niya.

�Bakit? Ano bang meron tayo eh diba wala naman?� Sagot ko.

�Mahal mo pa ba siya?�

Napabuntong-hininga na lang ako at di ko siya sinagot.

Hindi na rin siya nagsalita. Tinapos namin ang buong report na iritable siya.

�Sh1t!� Aniya. �Nakalimutan kong Iprint! May coverpage pa pala.� Sabi niya. �Isulat
mo na lang dito yung gusto mong format ng coverpage.� Sabi niya sabay pakita ng
bond paper.

�Pakopya din ng coverpage niyo.� Sabi ni Callix na mukhang inaantok na sa


kakapanood ng mga movie kasama si Belle.
Nilagay ko lahat sa bondpaper except sa pangalan naming dalawa ni Jacob. Si Jacob
ang tumapos sa paglagay nang pangalan naming dalawa.

�Aba! Alam mo pala ang kumpletong pangalan ni Rosie?�

Kinabahan ako sa biglang sinabi ni Callix. Napatingin ako sa mukah paring galit na
si Jacob.

�Oo naman. Bakit hindi?� Sabi niya bago umalis.

Nakakunot ang noo ni Callix habang pinagmamasdan ang nagtatantrums niyang pinsan.
Sh1t talaga! Napapamura talaga ako sa kainisan ko kay Jacob eh!

�Hay! Next time, Jacob, pwedeng pumunta dito sa bahay niyo?� Hinaplos ni Belle ang
leeg ni Jacob nang nakabalik ito pagkatapos iprint ang coverpage.

Nilapag ko ang baso ng softdrink na ininuman ko sa mesa. Inaayos ko na ang mga


gamit ko para makauwi na kami.

�Hindi ko alam, Belle. Pwede... siguro... kung di ako busy.�

Mukhang naoffend si Belle nang umalis si Jacob sa tabi niya para tabihan ulit ako.

�Tayo na?� Sabi ko kay Callix at tumayo na agad.

Uminom si Jacob sa mismong baso ko! Nakita ito ni Callix at Belle kaya sabay
silang...

�Kay Rosie yan!�

�Ah!� Sabi ni Jacob at nilapag niya ang baso ko.

Hindi ko na maitsura ang naghuhuramentado kong ekspresyon. SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHT!


�Alam ko. Inuuhaw kasi ako eh.� Ngumisi siya at dinagdagan pa, �Sino maghahatid kay
Rosie?�

�Ako, syempre, bro!� Kalmadong sinabi ni Callix.

�Ako, sinong maghahatid sakin?� Sabi ni Belle kahit na pwede namang si Callix din.

�Ikaw na lang kaya, Jacob?� Nabigla ako sa sinabi ni Callix.

Ngumisi si Jacob at tumango sa pinsan niya, �Diba di niyo pa nagagawa ang report
niyo, bro?� Tanong ni Jacob.

�Ah! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sumama ka na lang samin, Belle.� Sabi ni Callix.

�Hay nakoooo!� Sabi ni Belle at naunang nag martsa palabas ng bahay nina Jacob.

Tensyon ba itong nararamdaman ko o ano? Hindi ako sigurado! Siguro guni-guni ko


lang yun.

Kabanata 49

Halik

Ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa isa't-isa. Hindi ko siya pinapansin sa
school pero lagi siyang nakatitig. Sumusulyap siya tuwing may lumalapit sa kanyang
mga babae. Para bang guilty siya o naghihintay siya sa reaksyon ko.

Hindi dapat ako pupunta dito sa acquaintance ng School of Business. Kaso, itong si
Karl ay isinama ako sa last minute na pamimili ng kanyang isusoot. As a result,
dinala niya ako dito sa venue kung saan sila mag aacquaintance. Sa lahat ng
colleges sa school, ang School of Business ang may pinaka bonggang acquaintance
dahil marami sa kanilang estudyante ang mayaman. Sa Arts and Sciences naman, kung
saan ang Psychology Major nabibilang, sa isang maliit na venue lang ginanap noong
Wednesday.

"Ako na bahala sa kanya." Sabi ni Karl sa mga nakaharang.


Tinignan ako ng lahat ng nandoon sa registration area. Syempre, bulong-bulungan na
kami ang close ni Callix. At ngayon, si Karl ang kasama ko. Marami ang may gusto
kay Karl pero nawawala dahil sa sobrang kasupladuhan nito. Suplado lang naman yan
sa mga babae eh. Tsk tsk.

"Karl, uwi na ako." Sabi ko nang nakita sa loob ang kumakantang banda nina Jacob.

Bahagyang lumaki ang mata niya nang nakita niya akong pumasok. Umamba akong aalis
pero pinigilan ako ni Karl.

"Ihahatid nga kita mamaya." Aniya at ngumisi.

"ROSIE!" Biglang bigla si Ava at Belle nang nakita ko.

Nabigla rin si Callix at pinalibutan nila ako pagkarating ko. Si Josh at Edward,
ayun na at sumasayaw sa kantang mejo mabilis at masaya. Hindi ko pa naririnig ito
pero tuwang-tuwa ang mga taong nakikinig. Tinititigan na naman ako ni Jacob habang
kumakanta siya.

"Rosie! Sayaw tayo!" Sigaw ni Callix dahil di na kami magkarinigan sa sigaw at sa


ingay ng kanta ni Jacob.

Tinignan ko ulit si Jacob na ngayon ay nakangisi na habang tinuturo ang mga babaeng
sumisigaw. Of course! Sa status niya ngayon sa school, posibleng mabulag na siya ng
tuluyan sa mga babae. Kung ano man yung mga sinabi niya sakin nung una kaming
nagkita dito sa Maynila, maaring pagkatapos ng isa o dalawang buwan, magbabago din
yun. Maraming magagandang babae dito at maraming nagkakagusto sa kanya... hindi na
ako mag eexpect na pagkatapos ng ilang buwan ay totoo parin yung mga sinabi niya.

Napabuntong hininga ako at nilagay ang kamay ko sa kamay ni Callix.

Sumayaw na rin kami sa masayang kanta ni Jacob. Nakita ko si Ava na sumasayaw na


rin kasama ang isang classmate namin nung high school. Si Belle naman ay naging isa
sa mga babaeng tumitili doon sa harapan. Mukhang nawala na talaga ng tuluyan ang
pagkahumaling niya kay Karl. Si Karl naman ay umiinom ng juice habang tinitignan
ang mga sumasayaw na estudyante.

Inikot ako ni Callix. Inikot ko rin siya at nagtawanan kami. Nang natapos yung
kanta, pinalitan ito ng isang pamilyar na kanta... ang kantang hinarana sakin ni
Jacob sa harap ng soccer field ng Alegria National High School.

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or


anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just
forget the world?"

Hindi ko maalis ang tingin kay Jacob habang kinakanta niya ito ng nakapikit ang mga
mata. Tumitili parin ang mga babae pero buo ang boses niya kaya dinig na dinig
parin ito.

"Rosie..." Nakita ko ang ngiti ni Callix.

Nilagay niya ang magkabilang kamay ko sa leeg niya. Nilagay niya naman ang mga
kamay niya sa baywang ko.

Ngumiti rin ako. Nilapit niya lalo ang sarili niya sakin... Sumulyap ako kay Jacob
at nakita kong bukas na ang kanyang mga mata at diretso ang titig niya sakin.

"Rosie." Hindi ko na makita si Jacob dahil sa sobrang lapit na ng mukha ni Callix


sakin.

Nang tinignan ko ang mga mata ni Callix, nakita kong nakapikit na ang mga ito.
Unti-unti niyang inilapit pa lalo ang mukha niya sakin hanggang sa hinalikan niya
na ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko agad si Callix at napatingin ako sa kay Jacob
na natigilan sa pagkanta.

"Rosie, sorry..." Sabi ni Callix.

Binalewala ko ang sinabi ni Callix dahil sa reaksyon ni Jacob. Nakatunganga siya sa


harapan. Nilapitan siya ni Leo pero umiling lang siya at nag walk-out.

"Sorry, masama ang pakiramdam ni Jacob..."

"AWWW! Bakit?" Sabay-sabay ang mga babae sa harapan.


Nagwalk-out na rin ako sa scene.

"ROSIE!" Sigaw ni Callix.

"Callix, sandali lang." Sabi ko.

Sinundan niya parin ako habang tinatawag ang pangalan ko.

"Callix," Hinarap ko siya. "Okay lang ako. Ayokong-"

"Rosie, sorry... Masyado akong nadala-"

"Okay lang! Sige na... Hayaan mo na lang muna ako, please."

Hinayaan niya ako. Hindi ko saan kung saan ako pupunta. Sa CR? UUWI? Saan?
Nakalabas na ako sa place nang nakita kong nakaupo si Jacob sa gutter. Lalagpasan
ko sana pero nagkatagpo ang mga mata namin. Tumayo siya. Galit siya. Alam ko.
Memorize ko ang mukha niya. Alam ko kung kailan siya galit at kailan siya masaya.

"Rosie..." Sabi niya.

Galit pati ang boses niya.

"Ano, Jacob?" Sabi ko.

"Ba't ka umalis? Nagkakatuwaan na kayo ni Callix, diba?" His jaw clenched.

"Ano bang problema mo?"

Lumapit siya sakin dala ang isang puting panyo. Umatras ako pero hinila niya ako.
Pinunasan niya ang labi ko.

"Jacob- a-anong... ginagawa... mo?"

"Sh1t, Rosie!" Sigaw niya at ginulo ang buhok. "Ako lang ang hahalik sayo!"
Tinulak ko siya.

"Ano ba-"

"ROSIE, HINALIKAN KA NIYA!"

"Ano ngayon? Hindi ako sayo kaya wala kang karapatan!" Sabi ko kahit big deal sakin
yun. Ayokong hinahalikan ako ng kahit kanino. Lalo na pag si Callix.

Tinitigan niya ako.

"Rosie, pinsan ko siya!" Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"Rosie, kung mahal mo siya, sabihin mo na ngayon. At kung hindi, sabihin mo sakin
dahil hinding hindi na ako magkakamali ngayon. Wala na akong pakealam kung sino ang
masasagasaan ko kaya sabihin mo sakin kung sino saming dalawa!" Tinuro-turo niya
ang party (indicating Callix).

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Dahil sa ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Takot na akong magkamali!
Takot na takot na ako! Pero sigurado akong sa oras na malaman kong ako parin yung
mahal mo... wala na akong pakealam kung sinong masasaktan-"

"BAKIT di mo yan naisip noon, Jacob? Bago mo ko iwan, bakit di mo yan naisip? Na
pinsan mo siya pero wala kang pakealam kasi mahal mo ako-"

"Hindi ako ang nang iwan, ikaw, Rosie-"

"IKAW! Kasi di ako aalis kung di mo ako sinaktan!" Sigaw ko dahil sa ngayon , inis
na inis na ako sa kanya.

Bakit palagi kaming nagkakasakitan? Bakit palagi kaming nag aaway? Dalawang linggo
palang kaming nagkikita pero ilang beses na kaming nagsisigawan at nag aaway.

"Nagalit ako! Oo! Sisihin mo ako kasi nagalit ako! Pero ikaw parin ang pipiliin
ko!" Sigaw niya pabalik sakin.

"Wala nang kwenta, Jacob! Tapos na! Tapos na tayo!"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko
narealize kung ano yung sinabi ko kay Jacob. Naiyak ako nang nakita kong nabigla
siya sa sinabi ko.

"Tapos na diba? Nung umalis ako ng Alegria, tapos na tayo! Dahil itinaboy mo ako!"
Sigaw ko.

"Jacob!" Nakita ko ang mga kabanda ni Jacob sa likuran ko.

Umalis ako, pero bago pa ako nakaalis...

"Rosie, please, wa'g kang mag move on sating dalawa..."

Napapikit ako sa sinabi ni Jacob. Hindi ko kayang naririnig siyang nahihirapan.


Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan pero ang sakit nung mga ginawa niya
sakin noon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...

Kabanata 50

Invitation

Lumipas ang isang buwan, ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob. Naglie-low kami
ni Callix dahil na guilty siya sa ginawa niya. Mukhang okay din yun para kay Jacob
dahil hindi na ulit kami nagkakaroon ng heated conversation.

Nagpasya akong pumunta ng library mag isa para sa isang assignment ng major ko.
Akala ko matatahimik ako malayo sa kanilang lahat pero nagkakamali ako.

"R-Rosie!" Nabunggo ako kay Jacob nang bigla siyang lumiko sa bookshelf na
tinitignan ko.
Umirap ako sa kanya. Baka isa na naman 'to sa pakulo niya. Gusto niya na naman
sigurong mapag isa kami nang mag-away ulit kami. Pumunta siya sa likod ko at
umambang nagtatago.

"Ano ba, Jacob?" Tanong ko nang nakita siyang nagtatago sa likod ko.

"Shhh!" Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa lapit namin. Tumingin lang siya sa likuran ko. Balisa
siya. Nagtaka ako... bakit naman kaya?

"Nagtatago ako." Aniya.

"Bakit?" Tanong ko.

Bago niya pa nasagot yung tanong ko, nakita ko na kung sino ang pinagtataguan niya.
Nandoon sina Grace kasama ang ilang kaibigan niya na mukhang nagkakatuwaan sa
paghahanap kay Jacob.

Umiling na lang ako sa kawalan. Nakita kong tumayo si Jacob ng maayos sa likod ko
habang tinitignan ang mga librong kinuha ko.

"JACOB!" Biglang sigaw ng isang kaibigan ni Grace.

I'm sure illegal yung pag sigaw niya dito sa library. Agad nilang pinagkaguluhan si
Jacob sa likuran ko. Halos tumilapon pa nga ako sa isang tabi. Kung hindi ako
hinila ni Jacob, talagang madadapa ako sa sahig.

Inayos ko ang sarili ko.

"Jacob, nandito ka lang pala-" Sabi ni Grace pero pinutol naman agad ni Jacob.

"Dahan-dahan naman. Nasasaktan si Rosie eh."

Napatingin sila sakin at umirap silang lahat ng sabay-sabay. Bakit ba parang double
meaning lahat ng naririnig ko these past few days?
"Jacob!" As usual, di nila ako pinansin.

Actually, pwedeng wala ako dito eh.

"Jacob, paturo sa major natin oh!" Sabi nung isang desperadang babae sabay kagat sa
labi niya.

Napatingin si Jacob sakin na para bang malaki ang pagkakasala niya. Nagpatuloy ako
sa pag hahanap ng mga libro kahit di na sumisink-in sakin lahat ng pamagat na
nababasa ko.

"Sorry, girls pero may gagawin kami ni Rosie." Aniya.

Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Ano?" Tanong ko.

"Oo nga! Anong gagawin niyo eh di naman siya Business ad?" Tanong nung isa bang may
full-bangs na intsik.

"Sa Biology." Ngumiti si Jacob na para bang sanay na siya sa ganitong pangyayari.

"Pero Jacob..."

I swear to God, napatitig talaga ako! Napatitig ako sa boobs ni Grace na inilapit
niya sa dibdib ni Jacob. Napatalon ang kumag sa ginawa ni Grace, Ngumisi si Grace
at kinagat ang lower lip sa nakitang reaksyon ni Jacob.

"Please... nahihirapan kami sa subject na 'to." Sabi ni Grace.

GOSH! Hindi ko kayang nakikita ito pero di ko naman napipigilan ang pagtitig.
Lumayo si Jacob ng bahagya kay Grace...

Ngumisi siya at cool parin kumpara kanina nung nagtago siya sa likod ko, "Sorry
pero importante to. Kung gusto niyo, kay Callix na lang. Magaling din yung pinsan
ko eh."
Humalakhak yung mga babae at nagkatinginan.

"Pero ikaw yung gusto namin." Lumapit ulit si Grace at ngayon, hinaplos na ang leeg
ni Jacob sabay kagat ulit sa labi. "Please, Jacob."

Hindi ko na kinaya kaya umalis ako dun. Bago ako umalis, sumulyap ako sa
nakangising mukha ng kumag. Wicked. May side sa kanyang hindi ko alam kung nakita
ko na. Siguro sa 8 months na di kami nagkita, ito yung nadevelop niya... Hindi ako
sigurado kung ano yun pero may something talaga.

"Rosie! Iniwan mo ako dun ah!" Umupo siya sa tabi ko.

Umirap na naman ako, "Sana tinuruan mo sila. Mukhang masaya yung pagtuturo sa
kanila eh." Pero sexy.

LANGIT! Langit yun para sa mga lalaki eh! Mga babae na mismo ang humahalina sayo!

"Rosie," Napabuntong-hininga siya. "Alam mo namang ikaw lang..."

"Pano yung mga foreplay na pinagyayabang ni Grace? Ano yun?" Tinignan ko siya.

"Teka, nagseselos ka ba?" Tanong niya at umaliwalas ang mukha niya.

Yun ba talaga? I can't believe na kahit ganun yung tanong ko, nagawa niya pang
ipoint-out yung pagseselos ko.

"Hindi ako nagseselos. Pwede ba, Jacob?" Nagstruggle akong hinaan ang boses ko
gayung nakatingin na ang ilang estudyante saming dalawa. "Sabi mo sakin ako lang.
Paano ako maniniwala sayo kung naririnig kong nakikipagforeplay ka kahit kanino?"

"Rosie, sinabi ko na naman diba... hinanap kita sa mga babae. Tuwing nalalasing ako
iniisip kong imposibleng hanggang ngayon in love parin ako sayo, sinubukan kong
maghanap ng tulad ng pinaparamdam mo sakin pero wala akong mahanap kasi nag iisa ka
lang."

Natunganga ako sa sinabi niya. Ito yung nagbago kay Jacob. Kung noon ay sobrang
inosente niya sa paningin ko... ngayon naman ay sobrang... sobrang... hindi ako
makahanap ng tamang salita. May mga feelings talagang hindi kayang isalin sa
salita.
Tinikom ko ang bibig kong kanina pa pala naka bukas. I looked away. Kinuha ko ang
mga things kong nakakalat. Tinulungan ako ni Jacob.

"Ako na, Jacob." Sabi ko.

"Tulungan na kita..." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa ballpen at


nagkatinginan kami.

Umiling ako... May naramdaman akong bukol sa lalamunan ko. I know this feeling.
Isang kalabit na lang, mamumuo na ang luha ko.

"Hindi na ikaw ang Jacob ko." Bulong ko kahit ayaw ko namang sabihin.

Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga sa sinabi ko.

Hindi na ikaw... Kasi yung Jacob ko, akin lang. Ngayon, hindi na.

"Ako parin ito, Rosie. Nagkamali ako pero ako parin ito. Nasasaktan ako kasi
nasasaktan kita pero kailangan mong malaman lahat ng ginawa ko dahil ayoko na
talagang magkamali. Ayoko ng magtago ng kahit ano sayo... I'm an open book, to
you... only you."

Napalunok ako sa sinabi niya. Sumakit lalo yung lalamunan ko sa paglunok ko.

"Rosie? Jacob?" Napatalon ako sa interruption ni Callix.

Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jacob.

Kumunot ang noo ni Callix habang tinitignan kaming dalawa. Mukhang di niya nakita
yung hawakan namin ng kamay ni Jacob.

"C-Callix?" Sabi ko na parang nagui-guilty. Hindi ko alam kung bakit.

"Magkasama pala kayo?" Tumaas ang kilay ni Callix. "Bro?" Kay Jacob siya nagtanong.

"Callix..." Ako sana ang sasagot pero...


"Bro? Ba't kayo magkasama?" Tanong niya ulit nang mas seryoso.

"Callix, nagkita lang kami dito. Nagkataon na may hinahanap ako. Tapos nandito
siya. Sina Grace yung kasama ko dito kanina... Diba, Rosie?" Sabi ni Jacob.

"O-Oo." Bakit guiltyng-guilty ako?

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako! Sobrang kaba na halos manginig
na ang mga paa ko.

Biglang ngumisi si Callix at ipinakita ang isang kulay Pink na papel na may ribbon
sa gitna.

"Ganun ba? Hmmm. Rosie, iniimbitahan sana kita sa kasal ng ate ko." Ngumiti siya
lalo nang tinanggap ko yung invitation.

"Huh? T-Talaga?" Tinignan ko magandang invitation sa kamay ko.

"Oo. Ipapakilala kita sa pamilya ko." Excited na sinabi ni Callix.

"P-Pero Callix!" Sabi ko.

Tumango siya.

Hindi niya kailanman ako niyaya ng kahit anong family gathering nila noon. Ni
minsan, di sumagi sa isipan niyang ipakilala niya ako sa pamilya niya. Bakit
ngayon?

"Callix... di ko matatanggap 'to. Nakakahiya." Sabi ko at ibinalik ang invitation


sa kanya.

"Rosie, nag expect na si mommy. Sinabi ko na sa kanila na pupunta ka. Please, wa'g
mo silang biguin." Ngumiti ulit si Callix.

Napatingin ako kay Jacob na nakatulala sa malayo. Halatang malalim ang iniisip.
Hinabol ni Callix ang titig ko.

"Ano, Rosie?" Tanong niya.

"Uh, Bro, baka naman nahihiya si Rosie... Di mo pa siya napapakilala diba-" Nabigla
ako nang sumali si Jacob sa usapan.

"Okay lang! Kaya nga pinapakilala diba para di na mahiya? Bakit, Jacob, ayaw mo?"
Tumaas ang kilay ni Callix.
Umiling si Jacob at umalis nang walang paalam.

Walk out ulit.

"Anong nangyayari kay Jacob, Rosie? May sinasabi ba siya sayo?" Tanong ni Callix
habang tinitignan ang pinsan niyang umaalis. "Alam mo noon, alam ko halos lahat ng
iniisip ng taong yun pero simula ng nag college, nagiging moody na siya... Ano
kayang nangyari? Eh maganda naman ang lovelife nun? Hmmm." Ngumisi si Callix.

"M-Maganda ang lovelife?" Tanong ko.

"Ooo! Dami kayang babaeng bumubuntot dun. Kailangan niya na lang pumili. Pero this
past few days mukhang wala siyang gana sa mga babae." Umiling si Callix at tinignan
ako. "Bakit kaya? may alam ka ba?"

Di ako makatingin sa kanya, "Wala. Uh... Siguro may sariling problema."

Di ako tinantanan ni Callix sa pagtitig niya. Kinakabahan tuloy ako lalo.

Kabanata 51

Kasal-anan

"Kayo na nga lang kasing dalawa!" Sabi ni Maggie sabay turo sakin at kay Karl.

Umirap ako sa sinabi niya. Hindi alam ni Maggie na kulay pink itong si Karl. Palagi
niyang iniemphasize na may iba pang lalaki diyan na pwedeng samahan (sa katauhan ni
Karl). Bakit ako nakadikit sa mag pinsang yun?

"Revenge parin ba ito, sis?" Tanong niya na naitanong ko na rin sa sarili ko.

Totoo, maaaring nagsimula ito sa revenge pero ngayong nandito na ako, naguguluhan
na ako. Una sa lahat, sinaktan ako ni Jacob. Pangalawa, nagbago na siya... Kahit
anong iyak niya sa harapan ko at effort niya sa pagsasabing mahal niya ako, kulang
parin yun. Alam kong nagpipigil siya dahil close sila ni Callix pero... hindi ko
matapos ang iniisip ko kasi alam kong illegal iyon. Illegal na isiping sana ay
ipaglaban ako ni Jacob sa lahat. Alam kong magagawa niya yun. Kaya lang, may isang
parte sa sarili kong ayaw siyang balikan dahil sa sakit na naidulot niya. Oo,
nasasaktan ako kasi nag iba na siya. Tuwing nakikita ko siyang kumakanta sa harapan
ng tumitiling mga babae, nakikita kong nag iba na siya... Maaring minsan nasakin
ang atensyon niya pero naiisip ko kung sino ang kinikindatan at nginingitian niya
kung wala ako? Alam kong natural siyang gentleman sa mga babae pero naiinis ako
dahil ganun siya. Naiinis ako dahil dapat ako lang! I know... selfish. At masama
yun. Masamang masama.

Sa Alegria pa lang, open siya sa ibang babae. Pero nung naging kami na, nilinaw
niya agad kay April na ako lang... gusto ko ganun ulit. Naiinis ako dahil mabait
parin siya sa iba kahit na sinasabi niya saking ako lang. Nasan na yung actions
niya? Bakit puro salita na lang?

"Hindi Mag, magkaibigan kami ni Callix. Nilinaw ko sa kanya 'to noon. Bibigyan ko
siya ng chance na ibuild ulit ang pagkakaibigan namin-"

"Si Callix may second chance pero si Jacob wala?" Singit ng haliparot na bading.
"Okay, whatever!"

"Basta, Rosie, sinasabi ko sayo hindi talaga ako agree sa ginagawa mo."

Hindi ko alam kung sadyang dense lang talaga si Maggie o masyadong gwapo si Karl
para pagdudahang bading gayung kanina pa nito sinusoot ang headband kong may
malaking ribbon dito sa kwarto ko. Nagbibihis ako para sa kasal. Tinulungan ako ni
Karl na pumili ng damit at mag make up (hindi alam ni Maggie na si Karl ang nagmake
up).

"Sure ka ba talaga?" Sabi ni Karl nang lumabas ako sa sasakyan niya pagkatapos
akong ihatid sa tapat ng simbahan.

"Oo! Salamat sa make up ah?" Sabi ko.

Ngumisi siya at umalis.

Nang pumasok na ako sa simbahan, nakita ko agad si Jacob at Callix na


nagkukwentuhan at nagtatawanan. Una akong nakita ni Jacob. Umamba siyang lalapit
pero unang nakalapit si Callix sakin.

"Rosie! Lika! Pakilala kita sa parents ko." Ngumiti siya.

"Callix."

Nakuha niya ang tingin ko, "Alam ko. As a friend. Syempre."


Mabuti at malinaw sa kanya yun. Lumapit kami sa isang mid-50s na babaeng may kausap
na tingin ko'y daddy ni Callix (kasi kamukha niya).

"Mom, Dad, this is Rosie Aranjuez."

Nang nagkatagpo ang mga titig namin, narealize kong magkahawig sila ng mommy ni
Jacob sa picture. Hula ko nakakatandang kapatid itong mommy ni Callix.

"Kaibigan ko po." Dagdag ni Callix nang sumulyap sakin.

Tumango ang mommy niya. I hate introductions. Ngumiti na lang ako ng parang
tanga...

"Kaibigan? Hindi ka nagpapakilala ng kaibigan... Hmmm." Ngumisi ang mommy niya.


"Hello, Rosie! Mag enjoy ka ah? Itong si Callix eh di kasi nagpapakilala ng mga
babae."

"Mom!" Putol ni Callix.

"Magiging busy kami sa kasal ng ate niya kaya sana mag enjoy ka ah?"

Tumango ako. Kakahiya naman nito. Awkward. Tahimik lang yung daddy ni Callix habang
ngumingiti sakin.

"Okay lang, magkaibigan din naman sila ni Jacob eh." Nabigla ako sa sinabi ni
Callix.

Mabuti at busy nga ang buong pamilya ni Callix sa kasal kaya di na ako masyadong
nakikihalubilo sa kanila. Si Jacob ang katabi ko sa simbahan. Si Jacob na
tumitingin sakin habang nag "I do." yung ikinasal.

Ayoko siyang pansinin dahil galit at naiinis ako sa kanya. Nang pumunta na kami sa
reception.

"Rosie, okay lang ba na kay Jacob ka muna sumakay?" Sabi ni Callix habang
tinitignan ang bride at groom.

Ayaw ko sa ideya niya pero wala akong magagawa.

Nang nasa loob na kami ng Ford Ranger ni Jacob, may isang bouquet ng flowers sa
front seat, itinabi ko ito.
"Sayo yan." Sabi niya. "Di ko maibigay sa loob. Baka magduda si Callix."

"Di ko kailangan 'to."

Napabuntong-hininga siya, "Rosie... mahal mo ba si Callix?"

"Jacob... Bakit ba? Anong pakealam mo?"

Bakit? Kung sinabi ko bang di ko siya mahal saka ka pa aaksyon.

"Ayokong magkamali ka." Aniya. "Alam kong siya ang..." Pumikit siya. "First love
mo. Pero kung... baka sakaling... ako yung mahal mo... wa'g mo na siyang paasahin."
Umandar yung sasakyan.

"Jacob, eto na naman tayo. Mag aaway na naman ba tayo?"

"Hindi kita inaaway, Rosie! Gusto ko lang malaman mo ang tingin ko."

"Mag kaibigan lang kami ni Callix-"

"Ayaw ka niyang maging kaibigan lang!" Sumulyap siya sakin at pabalik sa daanan.

"At least kung ganun ang tingin niya mukhang seryoso siya kasi ipinakilala niya ako
sa pamilya niya!" Sabi ko nang di nag iisip. Naiinis na kasi talaga ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumingin siya sakin.

*PEEEEEEEP*

"Sh1t, Jacob!" Sigaw ko kasi muntik na kaming nabunggo.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Bumilis naman ang pintig ng puso ko.

"Tumingin ka nga sa kalsada!"

"Ipinakilala din naman kita sa daddy ko ah!? Seryoso din ako!"

"Oo! Noon! Siguro! Kasi ngayon..." Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng venue ng
reception. Binuksan ko ang pintuan bago ko dinagdagan ang sinabi ko. "Sa dami ng
babae mo, hindi ko na makita kung ano ang pinagkaiba ko sa kanila."

Hinila niya ang braso ko.

"Rosie, alam mong di totoo yan!"


"JACOB, nawala lang ako saglit naging manwh0re ka na! Akala mo ba di sinabi ni
Callix kung paano ka nakikipaglandian-"

"Rosie, sinabi ko naman-" Hinila niya ako pabalik kaya nasarado yung pintuan.

"Kahit na!"

Nagkalapit ang mukha namin.

"Kahit na! Dahil kung anong akin... gusto ko akin lang!" Hindi ko na alam kung
bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko. Siguro dahil yun ang iniisip ko buong buwan
simula nang nagkita ulit kami. "Kung akin ka nga... WALANG IBANG BABAE-"

Hindi ko na naipagpatuloy kasi hinalikan niya na ako. Iba ito sa halik ni Callix.
Yung kamay ni Jacob, nasa leeg ko. Tinutulak ko siya pero nawawalan ako ng lakas.
Nanghihina ako sa halik niya. Gusto kong umiyak at bumigay pero nangingibabaw ang
inis ko sa kanya. Iniisip ko kung ilang labi na ang nahalikan niya simula nung
nagkahiwalay kami. Naiinis ako!

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako.

"Rosie, ikaw lang. Nagkamali ako pero ikaw lang. Hanggang ngayon. At alam mo yun.
At alam ko ring mali ito dahil sayo ako... sayong sayo pero ikaw? Akin ka ba? Hindi
diba? Kaya mali. Pero okay lang. Kung gusto mong kabit ako sa buhay mo... wala
akong pakealam, maambunan lang ng pagmamahal mo. Kahit konti. At Lalayuan ko ang
lahat, aapakan ko ang sisira satin sa oras na sabihin mo saking ako parin at yun
ang dapat kong gawin. Wala akong pakealam kung sino. Kahit si..." Pumikit siya,
"Callix pa. Ipaglalaban kita. Sabihin mo lang sakin na yun ang gusto mo."

Suminghap ako. Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko nang biglang may
kumatok sa salamin. Nakita ko si Callix na nakangisi sa labas.

"Jacob!" Nanlaki ang mata ko at napanganga sa nakita.

Ngayon ko lang narealize na marami palang tao sa labas! SH111111111111t!

Napabuntong-hininga siya at in-unlock ang sasakyan (na ni-lock niya pala kanina).
"Guilty ka parin sating dalawa. Tinted to. Don't worry."

Binuksan ko ang pintuan at hinarap si Callix. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba


si Jacob gayung marami siyang babae. Ayoko ng masaktan. Natatakot na ako. Ayoko
ring mag away silang dalawa dahil sakin. Ngayon pang mukhang nagbago na si
Callix... Ayokong masira silang dalawa.

Sobrang confused na ako. Ayoko na! Mali na to! Alam kong mali pero nandito na
ako!!! Mas lalo kong narealize yung pagkakamali ko sa reception.

Nang pinili na kung sino ang makakatanggap ng bouquet ng bride, nagkaroon ng game.
Ang mechanics ng laro ay ilagay ng mga single na babae ang sapatos niya sa sahig.
Pupulutin ng bride ang MASWERTENG mananalo. Yung sandals ko ang napili kaya ayun!
Ako!

Nang pinaupo na ako sa harapan... hindi ko alam kung anong ipagdarasal ko sa


mananalo, si Callix ba o si Jacob? Sino?

Laro din yung sakanila. Ang huling makakahanap at makasoot ng sapatos nila, yun ang
mananalo.

Nagtawanan ang mga tao nang sinadya ni Callix ang pagiging huli samantalang yung
ibang boys ay nagmadali (dahil ayaw maging center of attention), may iilan ding
nahirapan. Pero nang isinoot na ni Callix yung sapatos niya... narealize kong wala
si Jacob.

Pawis na pawis siya nang nakita ko ulit. Sparkling sweat na ang kumag nang
nagpakita dala-dala ang sapatos niya.

"Ngayon ko pa nahanap!" Sabi ni Jacob. "Sh1t!"

Tumawa ang mga tao nang narealize na siya ang nanalo. Nakita kong tumingin agad
siya sakin. Napatingin naman ako sa pumapalakpak at tumatawang si Callix.

"Pinagkakaisahan niyo ako ah?" Sigaw niya sa ibang relatives nilang nandoon na
nagtatawanan.
"Okay, nowwww! Kung paano tinanggal ng groom ang garter, ganun din ang gagawin ni
Jacob sa ating future-bride!"

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Callix. Umiling ako sa upuan ko.

"Di pwedeng mag back out! Sige na! Wa'g ng KJ!" Sabi nung emcee.

Nagtilian ang mga tao!

"GO JACOB! GO JACOB!"

Kasi... alam niyo kung paano tinanggal? Ganito...

Nang lumuhod na si Jacob sa harapan ko, nagsimula na akong kabahan. Kasi alam ko
kung anong memories ang maaalala ko. Nagkahalikan kami kanina sa sasakyan niya,
doon palang, naligo na ako sa memories naming dalawa... pero ngayon... alam kong
lahat na ang maaalala ko.

Kinagat niya ang garter at yumuko pa lalo sa binti ko. Hindi ko na marinig ang
emcee dahil sa ingay ng mga tao. Uminit ang pisngi ko at narealize na wala akong
kilala dito bukod sa isa pang pinsan ni Callix na nasa higher year.

"GO JACOB!" Sigaw ng iba.

Isinoot ni Jacob sa binti ko ang garter, gamit ang kanyang bibig.

"HIGHER!" Sigaw nung emcee.

Napamura at napapikit ako sa kaba nang nakita kong nakatitig si Jacob sakin habang
kinakagat pataas yung garter sa legs ko.

"This is torture, Rosie." Bulong niya sakin pagkatapos niya yun ginawa.
TORTURE. UNDERSTATEMENT. Hindi ko na maorganize ang iniisip ko. Gusto kong mapag
isa. Mali ito!

"YOU WON A FREE-TICKET-FOR-TWO TO IMPERIAL BAY!" Excited na sinabi nung emcee sabay
pakita sa dalawang ticket na kulay red at blue.

"WHOAAA!" Sigaw ng marami.

WHAT? WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? Salamat na lang pero di ko matatanggap yun!


NOT WITH JACOB! NO!

Kabanata 52

Still In Love

No! Hindi ako sasama. Nahirapan na nga ako sa pagsama sa wedding na yun, meron pang
ticket-for-two sa isang resort with Jacob?

Ilang araw na ang nakalipas pero di parin ako tinatantanan ng mga iniisip ko. Every
five minutes, nag fa-flashback sakin ang lahat ng nangyari sa kubo. Yung halik
niya... Hindi ko matanggal sa isip ko yung labi niya sa labi ko. Yung pagkakahawak
niya sa likuran ko, sa baywang ko... yung mga titig niya sakin.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maorganisa ng maayos ang iniisip ko.

Una, kailangan ko ng layuan si Callix. Hindi ko alam pero may masamang feeling na
talaga ako. Pangalawa, kailangan ko ring layuan si Jacob dahil habang tumatagal,
lumalambot ako. Masama iyon dahil hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga
atraso niya sakin. Naiinis parin ako sa ginawa niya noon. Naiinis din ako sa
ginagawa niya ngayon. Naiinis ako kasi nagbago na siya. Naiinis ako dahil wala
akong hold sa kanya...
Siguro tama si Maggie, dapat ko ng tigilan to. Lalayuan ko sina Callix (ibig
sabihin pati sina Ava, Belle, Josh at Edward). Si Karl lang ang ititira ko...

"Rosie!" Tawag ni Callix sakin sa corridor.

Kasama niya si Jacob. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko na naman ang mga
masasamang tingin ng mga tao sakin. Guilty ako, to the highest level. Yung kasing
guilty nung may ginawa kaming masama ni Jacob sa kubo?

"Ano? Sisiputin mo ba si Jacob sa Imperial Bay?" Tumawa si Callix.

Kumunot ang noo ni Jacob habang tinitignan ang pinsan niya.

"Sorry Callix, pero di ako pwede eh." Sabi ko.

"Oh, ba't ka sakin nag sosorry? Kay Jacob dapat."

Napatingin ako kay Jacob na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa pinsan niya.

"Sorry, Jacob." Sabi ko.

"Ba't ayaw mo? Napanalunan natin yun, Rosie... Sayang naman-" Sabi ni Jacob.

Napalunok ako sa boses niya, "Ayoko!" Sabi ko.

Nakita kong nabigla si Callix sa sinabi ko.

"Bakit, Rosie? Natatakot ka?" Tanong ni Callix.

Nakita kong seryoso ang mukha niya pero humalakhak ito sa huli.

"Natatakot?" Tanong ko. Kinakabahan na.

"Natatakot ka ba na kayo lang dalawa ni Jacob?" Mas lalong naging seryoso ang mukha
niya.
Napatingin kaming dalawa ni Jacob sa kanya.

"Callix, b-bakit naman ako m-matatakot?" Patay! Nauutal pa ako.

Umubo ako, baka sakaling mawala yung pagkautal ko.

Tumawa siya. Hindi yun normal na tawa... naiisip ko yung tawang lumabas sa bibig ko
nung nainis ako kay Jacob sa CR.

"I mean, sasama kami ng barkada... outing na lang tayo! Naisip ko kasi di pwedeng
kayo lang ni Jacob diba? Agree naman sina Belle kaya ayun!" Aniya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kay
Callix o siguro dapat nga akong kabahan?

"Callix, hindi-"

"Rosie... Sige na naman! Bakit ba ayaw mo? Dahil ba kay Jacob?"

"Callix." Sabi ni Jacob.

Napalingon si Callix sa pinsan niya.

"Bakit?" Tanong ni Callix. "Rosie... bakit? Anong problema? Wala naman tayong
problema noon pero mula nung..." Di niya tinapos.

Nawindang ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang karugtong noon.

"O sige! Sasama ako. Huli na 'to ah? Kailangan ko na kasing magseryoso... I mean...
sa Psychology."

"OKAY!" Ngumisi si Callix at niyakap ako. "Ang hirap mong mapa oo! Mula pa noon."
Ngumisi si Callix.
Nakita kong napailing si Jacob sa kawalan. Oo, Jacob! Sana ma gets mong di si
Callix ang una ko kundi ikaw... pero napakababaw na rason nun kaya di ko yun iha-
highlight. Naiinis lang kasi lalo ako kay Jacob!

"Last na 'to!" Sabi ko sa sarili ko nang lumabas kami sa van nina Callix (na
sinakyan namin papuntang Imperial Bay). Si Jacob ay nakasakay sa Ford Ranger niya,
una siyang nakapark sa loob.

"Hayyy! I'm so exciteddd!" Sigaw ni Belle.

"Oo! Bago yung two piece mo!" Sabi ni Ava.

"Di yuuuun! Syempre dahil kay Jacob! Alam mo yun, sa school kasi ang daming magulo
at epal sa kanya... Ngayon akin lang siya! Ha-Ha-Ha!"

Siniko ko si Karl. Siya naman yung 'past-lust' ni Belle eh.

"Yuck! Wh0re!" Bulong niya sakin habang umiiling. "Sana malaman niyang sayo si
Jacob nang di na siya mag assume na may pag-asa pa ang mga babaeng tulad niya-"

Siniko ko na ulit dahil nakita kong dumapo ang tingin ni Callix.

Si Jacob at Callix ang nasa room dapat namin ni Jacob. Kami ni Ava at Belle ay nasa
iisang room. Si Edward, Josh at Karl naman ay nasa iisang room. Ang haliparot ay
nagdiriwang na siguro ngayon. Tsk!

"TAYOOO NAA! SIGURADONG NAG SW-SWIMMING NA SI JACOB DUN!" Sigaw ni Belle.

"Rosie, tayo na?" Tawag ng naiingayan na si Ava.

"Maya na ako. Una na kayo."

Umalis sila habang tinitignan ko pa ang sosootin kong two piece. Iniisip ko pa lang
kung anong sinusoot ni Jacob ngayon namamanyak na ako. Di maari 'to! Galit daspat
ako! Galit! Napabuntong hininga ako nang naisip kung meron ba siyang soot.
WHAAAAAAAAAAAT? Oh god! Ito na siguro yung resulta ng halik niya sa loob ng
sasakyan, pati na rin nung pagsoot niya ng garter sakin. Kinikilabutan ako tuwing
naaalala ko yun eh.

Nang lumabas ako, nakita kong kakalabas lang din ni Jacob at Callix sa hotel na
parehong nagtatawanan. Nakita kong may nilapitan agad si Callix na grupo ng babaeng
nakabikini sa labas. Kinausap niya ang mga ito habang nasa likuran si Jacob.
Lumapit pa ako ng konti. Naka sleeveless lang silang dalawa at shorts. Mas
matangkad si Jacob kay Callix pero mas maputi si Callix kay Jacob. Pareho ang
iilang features ni Callix at Jacob, yung ilong at hugis ng mukha. Mas defined ang
muscles ni Jacob kesa kay Callix.

Nakita kong pinakilala ni Callix si Jacob sa mga babaeng kinikilig. Naglahad ang
pinaka-sexy sa kanila ng kamay. Napatingin ako sa sariling bikini. Naka shorts pa
ako at isang see-through top na kitang-kita ang nasa loob. Napalunok ako.

Biglang dumating si Belle... Sa kanilang lahat, yung salita niya lang ang narinig
ko.

"JACOB! LIKA NA! MALIGO NA TAYO!" Sigaw niya at hinila si Jacob palayo sa mga
babae.

Tumawa si Callix at umiling sa ginawa ni Belle.

Umirap ang mga babae kay Belle. Umirap din si Belle sa kanila.

Napahinga ako at nagsimulang maglakad sa kanila.

Nakita kong tumakbo sina Belle at Ava papuntang dagat. Binasa ni Belle si Callix at
Jacob ng tubig dagat pero nakailag si Jacob kaya si Callix ang napuruhan. Naligo
narin si Callix, si Jacob na lang ang natira. Nagpasya akong bumalik sa kwarto
dahil ayaw kong mapag isa kasama si Jacob pero...

"ROSIE!" Tawag niya.

Napahinga ulit ako at hinarap siya.

Umihip ang hangin na amoy dagat. Nakita kong naglakbay ang titig niya sa buong
katawan ko. Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan talaga ako pag siya na ang
gumawa nito.

"W-Wala bang... mas... ano..."

"Ano?" Tanong ko habang tinitignan siyang nakatitig sakin.

"Yung mas... may saplot?"


"Wala. Ano bang gusto mo mag longsleeve ako dito, nasa beach tayo?" Sabi ko at
tinignan sina Callix sa malayo.

Nandun na rin pala sina Karl, Josh at Edward. Biglang lumapit si Jacob sakin,
blocking my eyesight. Bigla niya ding hinawakan ang baywang ko.

Napaatras ako sa ginawa niya.

"Rosie, yung baywang mo oh, nakikita. Yung legs mo, nakikita... Yung..."

"HUH?" Tumawa ako sa reaksyon niya. "Ano ngayon? Yung sa kanila din naman ah?"
Sabay turo ko sa ibang nandito na naka two piece.

Ginulo ni Jacob ang buhok niya. Pumula din ang pisngi niya at di na siya makatingin
sakin. Inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko at umatras ng ilang
hakbang sakin.

Pwede ko nang ma-resume yung sight seeing ko kina Callix pero di ko magawa dahil
mas curious ako kay Jacob.

"Anong problema mo?" Tanong niya.

Napatingin ako sa mga lalaki sa malayo na nagsa-sightseeing din ng girls. Nakita


nila na nakatingin ako kaya mukhang pinagpipiyestahan nila ako sa tingin.

"Kung sana pwede lang kitang halikan, ngayon, dito, kanina ko pa ginawa..."
Napabuntong hininga si Jacob habang tumitingin kay Callix.

Bakit di pwede? Gusto ko ring halikan mo ako ngayon, dito... pero masisira kayong
dalawa ni Callix. Nauna si Callix sa buhay mo... huli ako. Isang taon mo pa lang
akong nakilala. Bakit mo nga ako ipagpapalit sa isang taong kadugo mo at matagal mo
ng nakakasama? Ito ang tumambad sa kokote ko habang tinitignan ko siya. It was the
most dangerous thing... kasi for the first time... naintindihan ko kung bakit niya
nagawa sakin yun noon.

PERO ALAM KO! MALI PARIN YUN! Tuwing naiisip kong pinagtabuyan niya ako, mali parin
yun... Or am I being too selfish? Basta! Mali yun! Maling mali! Now, I'm very
confused.
"Floozy ka masyado, Jacob. Kanina mukhang pinopormahan mo yung mga babae pero
ngayon, nandito ka sa tabi ko at sinasabi mo yan."

Napatingin siya sakin. Titig na di ko kayang tapatan. Dahil kung titigan ko siya
ngayon habang nakatitig siya sakin, alam kong di ko na mapipigilan ang sarili ko.
"Sila ang lumalapit sakin... Wala akong pinopormahang iba kundi ikaw."

"Excuses! Kung sila ang lumalapit sayo, ba't di mo iwasan?" Di ko talaga mapigilan.

"Iniiwasan ko n-naman ah? K-Kung hindi sana wala ako dito sa t-tabi mo."

"Iniiwasan mo kung nandito ako, pero kung wala ako, sigurado." Bakit parang tunog
girlfriend ako?

Natahimik siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Rosie, nagseselos ka ba?" Tanong niya pero bago pa ako nakapagsalita. "You're
still in love with me."

WARNING: Sobrang daming bad words. SPG: Lengwahe. hehehe.

-----------------

Kabanata 53

Sagad Sa Buto

Hindi ko sinagot si Jacob. Tumayo ako at hinubad ang upper shirt ko. Nakita kong
tumayo rin siya...

"Rosie, ba't mo hinubad-"


"Maliligo muna ako, Jacob." Sabi ko at umalis.

Ilang sandali ay sumunod din siya at alam kong lalapit siya sakin. Kitang kita ko
ang mga mata ni Callix na nakatoon sa kanya. Basang-basa na ang abs part ni Jacob
dahil sa alon. Hindi ako makatingin ng diretso. Pag tinitignan ko kasi siya
naaalala ko yung unang halik namin. Yung nasa hot spring kami. Naaalala ko lahat ng
alaala namin. Naiinis ako dahil hindi ko mapigilang purihin ang sparkling abs niya.
Hindi ko mapigilan ang paglaglag ng panga ko. Hindi ko maiwasang tignan ang paligid
at mainis sa mga nakikita kong babaeng nakanganga at tinititigan siya.

Dahil doon, lalong dumami ang mga babaeng lumapit sa kay Jacob. Pinilit siyang
kumanta sa stage nung nag dinner kami. Ang ingay ni Belle sa pagchi-cheer kay Jacob
at pang-aaway sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

"Kala mo naman girlfriend, di pala!" Sigaw nung isang babae na kanina pa lumalapit
kay Jacob.

"Eh bakit ikaw? Girlfriend ka ba? Di rin diba?" Sigaw pabalik ni Belle habang
umiirap. "Lalaban talaga ako ng patayan para kay Jacob." Biglang sabi niya habang
umiiling samin. "Oh, Rosie, ba't ganyan mukha mo?" Kumunot ang noo niya.

Umiling ako, "W-Wala."

Napatingin ako sa nakapikit na si Jacob doon sa taas ng stage. Kahit na di niya


kilala ang mga nasa banda, kaya niya paring kumanta na mukhang at-home. Magaling
talaga siya. Sa sobrang gwapo at talented niya, di na ako magtataka kung mag sho-
showbiz siya. Pero para yatang di ko kaya yun... Hindi ko alam kung bakit.
Naririnig ko pa lang si Belle na makikipagpatayan para kay Jacob, hindi ko na
masikmura.

"There's a million reasons for you to go, but if you can find a reason to stay,
I'll do whatever it takes, to turn this around. I know whats at stake. I know that
I've let you down. But if you give me a chance and give me a break. I'll keep us
together, whatever it takes."

Iniimagine ko na ako yung pinaparinggan niya. Lumalambot ako. Lalo na't maganda
talaga ang buo niyang boses. Pati ang lyrics ng kanta wala akong maisip kundi
kaming dalawa.

"OMG! Parang ako yung kinakantahan niya! OMG! Callix!" Sabi ni Belle.

Nabigla ako nang tinawag ni Belle si Callix. Kanina kasi umalis siya, ngayon lang
yata nakabalik. Napatingin ako sa likuran. Nakita kong nakangisi si Callix sakin.
Kumunot ang noo ko.

"Bakit, Belle?"

"Pahiram ng, uhm, ano... Yung room. Pwede? Pwede bang exchange muna tayo? Kami muna
ni Jacob..." tumili siya. "Ngayong gabi? PLEASE! PLEASE!" Tumili pa siya lalo.

"Belle!" Sigaw ni Ava. "Kadiri ka!"

Nakita kong umiling si Karl sakin. Nagtawanan naman si Josh at Edward.

"Di ko na talaga mapigilan. Gusto ko na talaga siyang... alam mo na." Tumili ulit
siya at tumingin sa mga babaeng tumitili din para kay Jacob. "Humanda ang mga
babaeng yan... at si Grace! Makikita nila... haha! Dudurugin ko ang mga pangarap
nila."

Hindi ko na talaga malunok ang pagkain kaya uminom ako ng tubig.

"Sige bah! Ayusin mo ah?" Tumawa si Callix at hinagis niya kay Belle ang susi ng
kwarto nila.

Napaubo ako. Nabilaukan sa tubig.

"Rosie? Okay ka lang ba?" Tanong ni Belle.

Umiling ulit ako habang punupunasan ang sarili. "O-okay lang."

Tumabi si Callix sakin at tinignan pa ako lalo. Kumain siya at nagbalik sa dati ang
aura lalo na nang nakabalik ulit si Jacob galing stage. Ang daming pumupunta sa
table namin para magpapicture sa kanya.

"Grabe, bro! Sikat mo na agad!" Sabi ni Callix sa pinsan niya.

"Pili ka lang! Kainggit ka!" Singit ni Josh.

"Nakakalaglag panty. Ubos na strap ng mga bra ko dahil sayo." Sabi ni Belle.

Napabuntong-hininga si Ava sa sinabi ng bestfriend nila. Nag order si Callix ng


maraming beer at tequila.
Kinuha ko ang unang shot at ininom. Nakita ko ang pag protesta ni Jacob sa mukha
niya pero di siya nagsalita. Ilang oras ang nakalipas ay natamaan na sila. Kanina
ko pa tinigilan ang pag inom kasi kinailangan ko ng ulirat sa pagbabantay kay
Jacob. Inakbayan ako ni Callix pero di ko na pinansin dahil busy ako sa pakikinig
kay Jacob at Belle.

"Bakit ba ang ganda ng katawan mo?" Seductive ang boses ni Belle nang tinanong niya
ito.

"Hindi naman-"

"Di talaga... ganda talaga. Kanina? Sa beach? Di ko talaga mapigilan ang sarili
ko." Sabay hawak niya sa dibdib ni Jacob.

Lumayo si Jacob ng bahagya kay Belle.

Busy sa pagku-kwentuhan si Callix, Josh, at Edward. Si Ava at Karl naman nag ku-
kwentuhan din kaya di nila yun nakita.

"Jacob, malamig ang gabi. Pero pinag iinit mo ako, lalo na pag lumalayo ka."

Di na talaga nahiya ang panga ko at nalaglag na talaga siya ng kusa.

Kinuha ni Belle ang kamay ni Jacob ay nilagay sa gitna ng hita niya. Hinaplos niya
ito pero binawi agad ni Jacob. Nakita kong namutla si Jacob habang tinitignan si
Belle.

"Belle, wa'g. Hindi ako ganun-"

"Imposible." Sabi ni Belle at nilagay niya ang kamay niya sa gitna ng hita ni
Jacob.

Ngumisi si Belle at kinagat ang labi. Hindi na ako naghintay sa reaksyon ni Jacob.
Tumayo na talaga ako. Halos tumambling yung table sa pagtayo ko kaya naagaw ko ang
pansin nila.

"Excuse me." Sabi ko at umalis agad papuntang dagat... palayo sa kanila.


"Rosie!" Narinig ko ang tawag ni Jacob sa likuran ko pero di ko pinansin.

Naiiyak ako. Naiinis ako dahil sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sakin, mahal ko
parin siya. Nasasaktan ako kasi ganito na ngayon. Nasasaktan ako kasi nagbago na
ang lahat. Nasasaktan ako kasi di ko na siya ma control... NASASAKTAN AKO KASI
MAHAL KO PARIN SIYA.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko. Hinarap ko siya. Wala akong
pakealam kung makita niyang umiiyak na ako.

Alon na lang ang naririnig namin ngayon. May mga tao sa paligid pero sobrang
tahimik. Wala silang pakealam saming dalawa at wala rin akong pakealam sa kanila.

"ANO?" Sigaw ko sa mukha ni Jacob. "Wala! Wala akong pake! Makipagkant---- ka kahit
kanino! La ako pake!" Sabay punas ng luha ko.

"Rosie, hindi ko magagawa yun."

"Not in my face! Siguro! Kasi kung wala ako... kaya mo yun!" Sabi ko.

"ROSIE! HINDI! Ikaw lang mula noon ikaw lang!" Sabi niya.

"Ba't ka nag eexplain? Iniwan mo ako nun! Tinaboy mo ako! Ngayon para kang aso na
bubuntot-buntot sakin? Mukha mo Jacob! Bakit? Dahil sa lahat ng nakantot mo ako
lang yung iba? Kasi virgin pa ako nun, ganun ba?" Sigaw ko.

Grabe! Ito na siguro ang pamatay kong speech. Supressed feelings na sa wakas ay
nasabi ko na.

"OO! VIRGIN PA AKO NUN! TANGINA MO! Pinagtabuyan mo ako para sa wala! Sabi na sayo
virgin pa ako diba? Tangina ikaw ang nakauna! At ikaw lang ang may marka sakin!
Tangina mo di ka worth it!" Sabi ko habang umaapaw ang luha.

Nakita kong natigilan siya ng bongga. Bullsh1t siya! Akala mo ah! Mag iisang taon
mo na akong sinasaktan! Panahon na talaga para magbayad ka! Magsisisi ka! Sa lahat!
At di ako magiging sayo kahit na hinahatak ako ng sarili kong puso pabalik sayo!
Hindi! Dahil ngayon, utak ko ang lider. Hindi na ako yung babae noon na puso ang
pinaiiral. Muntik na akong napahamak nun! Kita niyo? Pinili ko siya noon sa pag-
aaral ko pero anong ginawa niya? Pinagtabuyan niya ako!

"Rosie!" Yinugyog niya ang magkabilang balikat ko.


Nakita ko ang galit sa mukha niya.

"Wala akong pakealam! Wala akong pakealam sa nangyari dati ang gusto ko ay yung
ngayon... Gusto kong ibalik lahat! Please! Sorry! Please... Huminahon ka."
Mahinahon niyang sinabi.

"HINDI JACOB! It will take mooore than this! Baka nga di enough lahat ngt gawin mo
para pabalikin mo ako sayo eh! Alam mo kung bakit? Kasi winalanghiya mo ang
pagkatao ko! Di mo ako pinaglaban! Pinalabas sa lahat ng video na yun na gold
digger ako. Sirang sira ako! Tapos yun pala ang dahilan mo? Sige! Sabihin nating
big thing sayo kung nag sisinungaling ako nun, big thing kung virgin o hindi...
Pero iniwan mo ako sa ere!"

"Sh1t, Rosie! Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?! Nandito ako para ipaglaban
ka! Dahil hindi kita matanggal sa sistema ko. Ginusto kong kalimutan ka pero hindi
ko nagawa. Di ko magawa. Langya, Rosie mahal na mahal kita! Pangalan mo ang
nananalaytay sa dugo at kaluluwa ko! Inangkin mo na ang buong pagkatao ko mula
noon! Di ko kaya ng wala ka sa buhay ko! Pero di pwede diba? Pinsan ko siya!
Nagsinungaling ka! Yun ang akala ko! MALI! MALI NA!"

Nakita ko ang luha sa mga mata niya. Tuwing pumupungay ang mga mata niya, naaalala
ko ang Jacob KO. Naaalala ko siya sa Alegria. Inosente at sweet. Simple. Gusto ko
siyang yakapin.

"Kung pwede lang mamatay sa pagkakamaling yun namatay na ako! Akala mo ba di ko yun
pinagsisihan ng grabe! Nawasak ako! Nasabi ko na ba yun sayo?! Di ko na mahanap ang
sarili ko kung wala ka! Nakadepende ang buong pagkatao ko sayo kaya di kita
lulubayan! WALA NA AKONG PAKEALAM!"

Nabigla ako nang napahiga si Jacob sa buhangin at sumigaw ang ilang babae sa
paligid.

"Walang hiya ka! Anong klase kang pinsan!" Sigaw ni Callix.

Pinatayo niya si Jacob para suntukin ulit.

"Isang tanong isang sagot, Jacob..." Sigaw ni Callix.

Nakita kong dumugo ang labi ni Jacob.


"Callix!" Sigaw ko.

"Tumahimik ka, Rosie!" Sigaw niya sakin. "Mahal mo ba si Rosie?" Tanong niya kay
Jacob.

"Sagad sa buto, bro. Pero di ako magsosorry."

"WALANG HIYA KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG HAYOP KA!!" Sinuntok niya ulit si Jacob.

Kabanata 54

Sa Tamang Panahon

"Callix!" Nilapitan ko si Callix para pigilan siya sa pagsuntok kay Jacob pero
itinulak niya ako.

"Wa'g mong sasaktan si Rosie!" Sigaw ni Jacob.

Sinuntok ulit ni Callix si Jacob.

"Anong karapatan mo sa kanya? Ilang buwan ka palang dito, inaagaw mo siya? Bro!!!
Magpinsan tayo! At alam mong pinopormahan ko siya!" Sigaw ni Callix.

Narealize ko na hindi buo yung narinig niya. Yung huling part lang ng pinag-usapan
namin ni Jacob ang narinig niya.

Sinuntok niya ulit si Jacob!

"Alam ko, Callix. Ikaw yung nauna pero mahal ko siya at wala ka ng magagawa-"
Sinuntok ulit si Jacob.

Hindi siya lumaban. Hindi ko alam kung alin ang mas okay, na malaman ni Callix ang
buong katotohanan o ang manatiling ito lang ang nalalaman niya?

"Kapal ng mukha mo! Ako ang nagpakilala sa kanya sayo! Kapal kapal mo! Hayop ka!"
Sinuntok ulit siya ni Callix.

"Magkakilala na kami bago mo pa siya 'pinakilala' sakin. Minahal ko na siya noon


pa, bro! Pinigilan ko lang kasi pinsan kita... pero tama na... kasi di ko kayang
ganun. Mahal ko siya at siya ang makakapagdesisyon kung sino sating dalawa-"

Sinuntok na naman siya ni Callix. Napasigaw sina Ava at Belle sa suntok na yun.
Nakita kasi nilang ibinuhos ni Callix dun ang buong lakas niya.

Napatakbo ako sa gitna ni Jacob at Callix. Hinihingal si Callix habang nakatihaya


si Jacob sa buhangin, puno ng dugo, hindi lumalaban.

"Oh my god! Josh! Edward! Karl! Dalhin natin si Jacob sa ospital!" Sigaw ni Ava sa
tatlong lalaking nakatingin.

Tinulungan din sila ng ibang mga tao sa paligid. Pinatayo nila si Jacob at duguan
ang mukha nito.

"Jacob," Nabasag ang boses ko.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tinignan ko si Callix... Ginulo niya ang buhok
niya habang hinihingal parin sa nangyayari. Tinignan niya ako at biglang nag walk-
out.

*PAK*

Tumalon ang puso ko sa nangyari. Sinampal ako ni Belle!

"Malandi ka!" Sigaw niya.

"Hindi! Ikaw ang malandi!" Sigaw ko pabalik.

"Ano? Bakit? Nagselos ka siguro nung nilandi ko si Jacob, noh?! At least ako
ipinapakita kong malandi ako! Na ganito ako! Pero ikaw? OMYGOD! Akala mo santa,
iyon naman pala nasa loob ang kulo! Magpinsan pa ang pinunterya mo!"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Umiiyak na lang ako ng parang tanga.
"Alam mo, Rosie? Akala ko nun okay ka eh... Ngayon? Naprove kong hindi. Talagang
hindi. Magpinsan sila. Inisip mo ba ang mangyayari? Pinaasa mo si Callix!"

"Hindi ko siya pinaasa! Nilinaw ko na magkaibigan lang kaming dalawa!" Sigaw ko.

"Hindi! Kahit na! Nilinaw mo pero yung actions mo parang somewhere in the between
friends and lovers! Naguguluhan ka siguro kasi pareho silang gwapo ano? Parehong
mayaman? Tapos ngayon, narealize mong mas gwapo at mas mayaman si Jacob kaya ayan
at nag dadrama ka para maakit siya-"

Sinampal ko si Belle. Hindi siya natinag. Nakita ko ang galit niyang mga mata na
nakatitig parin sakin.

"Galit ka? bakit? Kasi totoo diba? Gold digger!"

"Hindi ako ganung klaseng tao!" Sigaw ko.

"Prove it! Kung di ka ganun... layuan mo silang dalawa! Sinira mo ang mag pinsan
kaya utang na loob, Rosie, layuan mo silang dalawa!"

Natahimik ako sa sinabi ni Belle.

"Lika na, Ava! At baka mapatay ko pa tong si Rosie!" Sigaw ni Belle sa bestfriend
niya.

Nakita ko ang nakikisimpatyang mga mata ni Ava. Nilapitan niya ako at tinapik ang
likod.

"Rosie, alam kong malandi talaga si Belle pero tama siya... Kung mahal mo si... uh,
Callix... o di kaya si Jacob... Kailangan mong layuan silang dalawa. Nasira ang
relasyon nila dahil sayo. Magpinsan na sila bago ka pa dumating. Close na sila bago
ka dumating at di pwedeng dahil andito ka na, masisira silang dalawa. Tingin ko ang
mabuting magagawa mo sa ngayon ay ang layuan silang dalawa kasi kung magpupursige
ka habang fresh pa ang lahat, may masasaktan. At mas lalong di sila magkakasundo
niyan."

Umiyak pa ako lalo nang nakita ko ulit ang simpatya sa mga mata niya.

"Sorry, Rosie pero tama si Belle." Tinalikuran niya ako at umalis na.
Nang naiwan ako sa ere, wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak ako kahit maraming
taong nakatingin sakin. Fresh pa sa kanilang lahat ang nangyaring suntukan.

Tama silang lahat. Simula't sapul kasalanan ko ang lahat. Ang selfish ko. Gusto ko
si Jacob pero ginagamit ko si Callix para masaktan siya. Kahit na kinaklaro ko kay
Callix na friends lang kami, alam ko paring umaasa siya at hinahayaan ko lang.
Gusto ko si Jacob pero pinagtatabuyan ko siya dahil nasaktan ako. Pride na lang ang
meron ako pero di ko alam na pride din pala yung tatraydor sakin.

At ngayon? Nasan na yung mahal ko? Nasa ospital. Hindi siya lumaban kasi alam kong
nagui-guilty siya kahit di niya yun kasalanan. Kahit na ako ang may kasalanan.
Sinalo niya ang galit ni Callix kahit na ako naman talaga ang dapat ang nasaktan
dun. Ako dapat ang sinuntok ni Callix. Ako ang puno't-dulo ng pag aaway nila. Ako
ang nagtanim at ako ang nag-alaga sa problemang ito kaya dapat ako yung magdusa.
Pero hindi... sinalo yun ni Jacob. Inamin niya ang lahat kay Callix kahit di naman
talaga dapat... Kasi di ako worth it...

"Rosie..." Napayakap ako sa tanging taong naiwan. Si Karl. "Puntahan natin sila sa
ospital."

Umiling ako, "Wa'g na... Lalayuan ko na si Jacob, Karl. Lalayuan ko na ang mag
pinsan. Ayoko na. Tama na." Sabi ko habang umiiyak sa braso niya.

Tahimik lang talaga siya the whole time na umiiyak ako at masaya ako. Sa lahat ng
masasakit na salitang narinig ko sa gabing ito, siguro tama lang na may isang
kaibigang marunong makinig lang.

Tama. Ito dapat ang noon ko pa ginawa. Dapat pinutol ko lahat ng di worth it sa
buhay ko. Burn bridges... Akala ko noon, mas maraming kaibigan, mas masaya (mainly
cuz wala akong kaibigan noon). Akala ko ganun. Pero ngayon, narealize kong mas
masaya kung may isang kaibigan na tulad ni Karl, totoo at tanggap ka. Totoo din
naman si Belle at Ava pero di nila ako matatanggap dahil di nila alam ang buong
istorya. Pinagkaitan ko sila ng katotohanan at di ko na deserve ang friendship
nila.

"Karl... bisitahin natin si Jacob. One. Last. Time." Sabi ko nang sa wakas ay
huminahon na sa pag iyak.

Oo. Bibisitahin ko siya. Pagkatapos nito, lalayu na ako sa kanilang dalawa ni


Callix.

Tahimik na nagdrive si Karl papuntang ospital. Ako naman, tahimik rin na umiiyak sa
loob.
"Kunin ko na lang ang gamit natin sa hotel? uwi na lang tayo?" Tanong ni Karl nang
ipinark niya na ang sasakyan sa tapat ng ospital kung nasaan si Jacob.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

Nang naglakad na ako sa loob ng ospital, mas lalo kong naramdaman ang finality sa
desisyon ko... Na talagang bibitiwan ko na si Jacob... Sa ngayon. Kasi di ko kayang
tuldukan ng tuluyan. Siguro dahil umaasa akong pagnagkaayos sila ni Callix, pwede
na kaming dalawa ulit. Pero pag naiisip ko yung mukha, mata ni Callix, narealize
kong hindi yun ganun ka dali. Malabo.

*PAK!*

Bago pa ako makapasok sa pintuan ng room ni Jacob may sumampal na agad sakin. Namuo
agad yung luha ko bago ko pa nakita kung sino.

Suminghap ang sumampal sakin at nakita ko kung sino yun. Siya yung ate ni Callix na
ikinasal nung isang araw.

Nalaglag ang panga ko. Nakita kong mangiyak-ngiyak siya.

"Kapal ng mukha mo." Bulong niya.

Napahawak ako sa masakit na pisngi ko.

"Pasalamat ka't di sinabi ni Callix sa mommy namin na ganito ang nangyari. Ako lang
ang sinabihan niya sa totoong nangyari! Kapal ng mukha mong magpakita dito at
bumisita kay Jacob!" Sigaw niya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi kami nag usap sa wedding niya... at di ko kailanman
inisip na ganito ang una naming pag uusap.

"Dinala ka ng kapatid ko sa wedding ko para ipakilala sa buong pamilya. Seryoso


siya sayo! Kung may delikadeza ka lang sana, sana di mo na pinaunlakan yung
imbitasyon niya kung si Jacob ang mahal mo. Pero di eh... mas pinili mong mamangka
sa dalawang ilog diba?"

Napatingin siya sa pintuan at pabalik ulit sakin.

"Sorry, miss pero di kita matatanggap sa kahit anong paraan. Maging girlfriend ka
man ni Jacob o ni Callix, di kita matatanggap. Siguro si Jacob ang pinili mo kasi
narealize mong mas mayaman siya diba? Kasi may ari siya ng J.A? Yun ba? Kasi yung
daddy niya ang nagpatakbo nun? Yun siguro noh?"

Parang waterfalls ang luha kong tumutulong mag isa sa mga mata ko. Hindi parin ako
makapagsalita.

"Layuan mo silang dalawa. Sinira mo silang dalawa. Mahiya ka naman."

Napalunok ako at nilet go ang lahat. Siguro ganun talaga pag nagmamahal ka ng isang
Jacob Buenaventura... Wala kang karapatan... Kasi mayaman siya. Kasi perpekto siya
at ako hindi. Hindi mo siya pwedeng mahalin kasi ganun ang magiging tingin ng ibang
tao sayo. Pero wala akong pakealam... wala akong pakealam kung anong tingin ng mga
tao sakin kasi mahal ko siya. Ngayon, lalayuan ko siya hindi dahil ayaw kong isipin
ng mga taong gold digger ako kundi dahil ayaw kong mawasak ng tuluyan ang relasyon
niya sa pamilya para sakin.

"Oo. Lalayuan ko sila." Sabi ko at tinalikuran siya.

Tinalikuran ko na rin ang kwarto kung saan nasa loob si Jacob... Its just not meant
to be... Maybe, not now.

Sana ngayon ginawa ko na ang tamang desisyon. Lahat ng naging desisyon ko mula nung
nagbalik ako dito sa Maynila, puro nabulag ng galit. Sana ngayon mangibabaw ang
pagmamahal ko sa kanya. Ayokong masira ang relasyon niya sa pamilya niya dahil lang
sakin. Kailangan kong matutunang mag mahal ng di selfish.

Baka sakaling di ngayon ang tamang oras para sumugal, Jacob. Sana kaya mong
maghintay. Sana kaya ko rin.

Kabanata 55
Give Me Time

Halu-halo ang emosyon ko. Umuwi ako sa bahay para makatulog ng maayos pero di ko
nagawa. Bumisita si Karl kinaumagahan. Tahimik si Maggie, James at Karl habang
pinapanood akong namumugto ang mga mata habang nanonood ng TV.

"Rosie..." Sa wakas binasag ni Maggie ang katahimikan.

Tinignan ko siya. Puyat na puyat ang mga mata ko sa kakaiyak.

Iniisip ko si Jacob. Gusto kong magtext pero naka off ang phone ko. Hindi ko magawa
kasi alam kong kagabi puno yun ng hate messages galing sa kung kani-kaninong
number. Tingin ko pakana yun ni Belle. Traydor!

"Sigurado ka na ba? Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Jacob?" Tanong ni Maggie.

Umiling ako, "Di na. Mas mabuti yung ganito." Tumulo yung luha ko.

"Rosie, ilang beses na kayong nagkasakitan. Please naman, sa ngayon, ipaliwanag mo


sa kanya kung bakit ka lalayu."

"Maiintindihan niya yun, Mag. Kung okay na siya ngayon, nakakapag isip na siya ng
maayos. Pagsasabihan din siya ng ate ni Callix. Sisiraan ako nun panigurado. At mag
iiba na naman ang ihip ng hangin. Sigurado akong maniniwala na naman siya. Mag,
walang tiwala si Jacob sakin!" Napahikbi ako sa sinabi ko. "Gold digger... yun na
naman ang issue."

"Rosie, di naman siguro ganun si Jacob." Sabi ni Karl.

"Nagawa niya ito noon, magagawa niya ulit ngayon." Sabi ko.

"Pinaglaban ka niya. Muntik na siyang mamatay sa mga suntok ni Callix para sayo...
imposibleng ganun." Sabi ni Karl.

"Uh... Maggie, Rosie... may tao sa labas." Sabi ni James na kanina pa tahimik at
nakikinig samin.

Napatingin kaming lahat sa labas. Tama si James! May tao nga! Kinabahan ako! Sa
sobrang kaba gusto ko na lang mag tago o tumakbo sa malayo... o di kaya lamunin ng
lupa. Naaninaw ko ang Hummer nina Jacob sa labas.

"OH MY GOSH!" Sabi ko.


Pinagkakaguluhan ito ng mga kapitbahay namin dito sa apartment. May biglang kumatok
sa pintuan. Binuksan ito ni James...

"Nandito ba si Rosie Aranjuez?" Tanong ni Don Juan Antonio Buenaventura, ang daddy
ni Jacob.

Bago pa siya nasagot ni James, nagkatagpo na ang aming mga mata. Nanlaki ang mga
mata niya nang nakita ako.

"P-Pasok po kayo... P-Pasensya na po kayo dito sa apartment namin mejo magulo...


wala kasi kaming katulong..." Litanya ni Maggie habang kinukuha yung nakakalat na
tuwalya at damit sa sofa namin.

Ngumiti si Don Juan, ngiting nakakapag paalala sakin kay Jacob, "Rosie, pwede ba
kitang makausap?" Aniya habang umupo sa sofa. "Okay lang, Maggie... Wa'g ka ng mag
abala." Sabi niya kay Maggie nang nakita niya itong naglilinis parin.

"Opo. Sure." Sabi ko kahit na kinakabahan.

"Okay lang ba kung sa labas?" Tanong niya.

Napalunok ako, "Opo. Magbibihis lang po ako." At maliligo.

Umalis na ako agad para maligo at magbihis ng mejo okay na damit. Minadali ko ang
lahat kasi kinakabahan ako. Bakit ako gustong makausap ni Don Juan? Okay naman yung
disposition niya siguro di niya naman ako huhusgahan, diba? Kasi kung huhusgahan
niya ako, sa pintuan pa lang sinigawan niya na ako.

Pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Sa kasamaang palad, ang coffee shop
na ito ay tambayan ng iilang estudyante sa school namin. Malapit lang kasi ang
apartment sa school kaya di maiiwasang makapunta sa mga lugar na maraming
schoolmates. Pero okay lang kasi Sunday naman ngayon at mukhang iilan lang ang
nandito.

"Hindi po ako oorder..." Sabi ko.

Tumango siya at nagorder ng sa kanya... at ng para sakin.

Napabuntong-hininga siya bago magsalita...

"Rosie... kamukhang kamukha mo si Precy Aranjuez." Aniya.


Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya.

"Pero mas maganda ka." Napabuntong-hininga siya. "Alam ko kung ano ang tunay na
nangyari sa inyong dalawa ni Jacob, Rosie."

Naghintay siyang magsalita ako pero tahimik parin ako...

"Sa Alegria pa lang, alam kong mahal ka niya. I know my son. Mana siya sakin. At
ngayon, alam ko rin ang tunay na nangyari kung bakit nandoon siya sa ospital."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Naiiyak na nga ako sa kaba. Anong
sasabihin niya? Na layuan ko na si Jacob? Oo, lalayuan ko naman talaga si Jacob
pero parang ang sakit lang kung yung papa niya na ang magtaboy sakin. Okay lang
kung si Callix, o yunga te ni Callix, pero kung si Don Juan?

"Kahit na... pinagtakpan ni Callix ang tunay na nangyari. Sinabi niya sa mommy niya
na napaaway si Jacob. Walang imik si Jacob pero alam ko, Rosie. Nung gabing sinabi
niya sakin na iniwan ka niya dahil mahal ka ni Callix. Alam ko na agad na
mangyayari ang ganito. Kasi... kilala ko ang anak ko. Iniwan ka niya para sa pinsan
niyang mahal ka... akala niya madali ka niyang makalimutan pero hindi, diba? Kaya
ganun ang nangyari sa kanya."

"Lalayuan ko na po si Jacob." Sabi ko. May bukol na nakabara sa lalamunan ko kaya


di ako makapagsalita ng maayos. "Mahal ko rin po siya kaya ko siya lalayuan.
Ayokong masira siya sa pamilya niya. Ayokong magkasiraan sila ni Callix. Yan lang
ang tanging paraan para mahalin siya... sa ngayon..."

Napaiyak na ako sa sinabi ko.

"Rosie, nakita mo naman diba? By now, siguro narealize mo na na walang distansya


ang makakapagpalayo kay Jacob sayo. Nakita mo siya, diba? Hindi mo siya
mapipigilan. Sinabi ko sa kanya na maaring ganito ang magiging desisyon mo pero di
siya pumayag. Anong gagawin mo ngayon, ipagtatabuyan mo siya? Alam mong di yun
matitinag sa pagtataboy mo. Rosie, ako ang kasama niya sa Alegria habang wala ka.
Inakala kong makakaya niyang wala ka kung makihalubilo siya sa ibang babae pero
hindi eh... sayo parin siya, baliktarin mo man ang mundo."

Napaiyak ako lalo sa sinabi ni Don Juan.

"Mahirap lang po kami. Di po kami mayaman. Tapos sinasaktan ko pa siya. Sinira ko


ang buhay niya. Di ako deserving sa ganung klaseng pagmamahal. Maari pong
makalimutan niya ako in time. Bata pa po kami... Makakalimutan niya rin ako tulad
ng pag limot mo kay Auntie Precy noon para sa mommy ni Jacob."

Natahimik siya sa sinabi ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita...

"Rosie, tingin mo ba pagkatapos mo siyang iwan ngayon for good, kaya niya pang
magmahal ulit? Nakita mo ba kung gaano siya ka... baliw sayo? Mahal ko si Precy
noon pero halos mabaliw ako nang nawala ang mommy ni Jacob... At wa'g na wa'g mong
sasabihin kay Jacob na mahirap ka lang kaya hindi kayo pwede... Tinalikuran niya
halos lahat ng kaibigan niya sa Alegria dahil sa bagay na yan."

"Pero yun mismo ang sinabi ng ate ni Callix sakin. Alam ko po... mahirap lang
kami... Maaring pinangarap kong yumaman din dahil ayaw ko ng nasa abroad yung mama
at papa ko pero di sa ganitong paraan. Di ko sasagutin si Jacob para dun at mas
lalong di ako magpapatali sa kanya para lang dun."

Tumango si Don Juan at ngumiti, para bang may naaalala siya.

"OMYGOD! Roseanne Aranjuez!" Sa pintuan pa lang kilala ko na agad kung sinong


sumigaw. Si Grace!

Kasama niya ang kanyang mga alipores. Parang everyday foundation day sa kakapal ng
make up.

"Sorry po, tito, mga kaibigan yan ni Jacob. Baka po mag eskandalo yan dito dahil sa
nangyari-"

"Anong nangyari? Balita ko nagsuntukan si Callix at Jacob dahil sayo? So ano?


Sinong pinili mo?"

Kabanas naman ang mga ito.

"Si Jacob, syempre! Diba? Mas gwapo at mas mayaman!" Sabi ng isa sa alipores niya.

"Wala akong pinili. At di ako pipili." Sabi ko.

Nagtawanan sila at narealize nilang di ako nag iisa. Nakita ko sa mukha nila ang
pagkabigla sa nakita nilang kasama ko. Hindi nila kilala ang daddy ni Jacob kaya
malamang pagkakamalan nilang boyfriend ko ang daddy niya.
"Oh my god! Don't tell me-"

"Grace, ito si Don Juan Antonio Buenaventura. Daddy ni Jacob." Sabi ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila. Seryoso naman ang mukha ni Tito don Juan.

"Mga kaibigan kayo ni Jacob?" Tanong niya kay Grace.

Namutla si Grace at tumango.

"Nandito kami ni Rosie para kumbinsihin siyang pakasalan ang anak ko. Ngayon, kung
kaibigan ka ni Jacob, maari mo ba akong tulungang kumbinsihin ang babaeng mahal
niya?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Don Juan. Nagbulung-bulungan si Grace at ang mga
alipores niya bago nag walk-out na maasim ang mga mukha.

"Sorry, Rosie." Tumawa si Don Juan.

"Pero po... mas lalong magkakagalit si Callix at Jacob sa ginawa niyo." Sabi ko.

Habang tinatapos ko ang salita kong iyon, nanlaki na ulit ang mga mata ko nang
nakita ko kung sino ang nasa likuran.

"Wala akong pakealam, Rosie."

Napatayo si Don Juan nang narinig niya ang anak niya sa likuran. May cast sa kamay
ni Jacob at may iilang band aid sa mukha. Namamaga ang kaliwang pisngi nito. Halos
maiyak ako nang nakita ko siya. Para sakin? Ganito? Ganito ang mangyayari sa kanya?

"Jacob, tumakas ka ba sa ospital?" Tanong ni Don Juan.

Binalewala siya ni Jacob, "Kung iisipin nilang lahat na pera ang habol mo sakin...
ngayon pa lang pinaparating ko na sa kanila na wala akong pakealam. Ibibigay ko
sayo lahat ng gusto mo. Gagawin ko ang lahat. Wala silang pakealam kung anong
gagawin ko dahil buhay ko to. Ito ang pinipili ko. Ikaw ang pinipili ko."

Napapikit ako sa sobrang sakit, "Jacob... kailangan kong lumayo sayo. Ayoko ng
nagkakaganito. Ayokong nasasaktan ka. Ayokong nagkakasiraan kayo."

"Lalayu ka? Mas lalo mo akong masasaktan sa gagawin mo-"

"Jacob, just... give me time." Para din naman sayo 'to.

Sana magkaayos na kayo ni Callix. Sana maging okay na ang lahat para pwede ng tayo
ulit.

Kabanata 56

Platonic

Dalawang linggong wala si Jacob. Hindi kami nag uusap nina Callix, Belle at Ava.
Ang tanging ginagawa lang ni Ava ay tignan ako gamit ang naawang ekspresyon. Si
Belle naman, pinagkakalat sa lahat ang nagawa ko. Si Callix, balik sa dati, tawa
nang tawa sa mga kaibigan niya pero tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, agad
siyang sumisimangot.

"Rosie, daan ako mamaya sa bahay niyo ah? Naiwan ko pala yung t-shirt ko kahapon."

"Whatever, Karl. Akin na lang yun." Sabi ko sa tanging kaibigang natira.

"Kaw talaga, this past few days ang sungit-sungit mo... Hmmm. Jacob's absence?"
Ngumisi siya.

"Wa'g mo nga akong artehan." Inirapan ko na. "Sige, kunin mo maya." Sabi ko habang
nagtititigan kami ni Belle.

Hindi parin siya natatapos sa pagkakalat ng pagiging gold digger ko at ang pag
tuhog ko sa magpinsan.

"Lika na!" Sabay hila sakin ni Karl nang narealize niyang nag tititigan na ulit
kami ni Belle.

"Sasabunutan ko talaga yang bruhang yan! Bwiset!" Sabi ko.

"Chill ka nga! Ang init ng ulo mo! Hayaan mo na lang yan! Huhupa din yang mga issue
mo, soon. Mabuti pa wag mo ng dagdagan."
"Uwi na ako! Baka mapatay ko pa ang walang hiyang yun." Sabi ko.

Actually, baka mapatay ko ang halos lahat ng schoolmates ko. Marami kasi talagang
nag tsitsismisan tungkol sakin. Hindi dahil sikat ako kundi dahil kay Jacob. Sa
maiksing panahon ni Jacob dito sa school, marami siyang naging kaibigan. Halos
lahat ng nakakakilala sa kanya, alam kung anong nangyari saming tatlo ni Callix.

"Okay! Pasok muna ako... See ya later!" Sabay kindat ng bakla sakin.

Naglalakad ako ng walang ulo dito sa school. Pag napapalapit ako sa isang crowd,
agad silang tatahimik at titingin sakin. Imbes na mahiya ako, tinititigan ko rin
sila pabalik.

"Huy, Rosie? Asan na si Jacob? Tsss!" Sabi nung isang kaklase ko sa Biology 10.

"Ewan ko. Mukha ba akong girlfriend niya?"

"Hindi! Ambisyosa ka!" Sigaw niya pabalik, umirap pa!

"Yun naman pala ba't ka nag tatanong diyan!?" Umirap din ako habang naglalakad
papuntang gate.

Pagkarating ko ng bahay, wala pa si Maggie. Nandoon pa sa school. Tumawag si mama


at papa at nangumusta samin ni Maggie. Wala masyado akong nasabi. Hindi nila alam
na dito na nag-aaral si Jacob sa Maynila. Ayokong malaman nila, lalo na ni mama
dahil ipagkakanulo na naman ako nun.

Biglang may nagbukas ng pintuan habang binababa ko ang telepono.

"Oh my sht!" Napasigaw ako.

"Bakit di naka lock ang pinto? Ikaw lang mag isa diba? Ba't di naka lock ang pinto?
Paano kung may pumasok na masamang tao...?" Sigaw ni Jacob sabay turo sa doorknob.

"God! Jacob! Muntik na akong magkaheart attack!" Sabay hingang malalim. "Anong
ginagawa mo dito?"

"Ano? Binibisita ka!" Sabay pakita ng naka cast niyang kamay at turo naman ng naka
iilang bandaid niya sa mukha.

Wala na yung pamamaga ng mga sugat niya sa mukha. Malamang! Dalawang linggo na kaya
ang nakalipas. Mahaba-habang panahon na. Hindi naman ganun ka grabe yung mga pasa
para mag stay. Actually, mukhang magaling na siya. Balik sa kaperpektuhan ang
walang galos niyang mukha.

"Binibisita? Sabi ko distansya, diba? Pumayad ka! Ano 'to ngayon? 'Rosie, sige,
bibigyan kita ng panahon...' Asan na yun?" Sabi ko.

"Ayun na yung panahon! Dalawang linggo! Panahon na yun!" Sabay lapit niya sakin.

Di siya makatingin sa mga mata ko. Namula ang pisngi niya. Umiling na lang ako at
nag face-palm.

"Jacob, ibig kong sabihin, hanggang sa maging okay na ang lahat... Maging maayos."
Sabi ko.

"A...aray." Sabay hawak niya sa kamay na nakacast.

"B-Bakit? Anong nangyari?" Lumapit ako sa kanya para tignang mabuti ang cast.

"Ang sakit, Rosie." Sabay turo niya sa kamay niya.

"Bakit? Alin? Sabi naman eh sana nagpahinga ka muna! Umupo ka nga!" Sabay lahad ko
sa sofa sa harapan namin.

Umupo naman siya.

"Sakit sakit ng mga galos ko. Aray..." Ngayon yung galos sa mukha naman ang iniinda
niya.

"Talaga?" Inexamin kong mabuti ang mukha niya. "Wala na namang pamamaga ah? Ba't
masakit?" Tumaas ang kilay ko.

Namula ulit ang pisngi niya, "D-Di ka ba nag alala sakin? D-Di mo ako binisita sa
ospital ah?"

"Hay nako! Jacob, magpagaling ka na lang."

"Nagpapagaling naman ako ah? Kaya nga nandito ako kasi nagpapagaling na ako."
Ngumisi siya.

"At saan na nga kasi yung time na hinihingi ko? Tss! Pwede ba! Kilala kita!"
Umiling ako sabay upo sa sofa.

Winala niya ang usapan. Tinuro niya ang doorknob at ibinalik ang issue doon.
"Yung doorknob, inilolock lalo na pag ikaw lang mag isa. Paano kung may kapit bahay
kang rapist edi kanina ka pa na rape!"

"Opo! I lolock na kasi... next time."

"Rosie naman! Seryosohin mo nga yan... Dapat talaga nilolock yan! Paano kung may
magnanakaw? Manghold up dito? Paano kung may kumidnap sayo?"

"Oo na kasi..." Sabi ko habang tinitignan parin siya.

Di parin siya makatingin sakin. Para bang naghahanap siya ng pwedeng mapag usapan.

Nilapitan ko siya para icheck kung totoo ba talagang may 'galos' sa mukha niya.
Tinanggal ko isa-isa ang bandaid niya at tadaaaaaah! WALA NG GALOS!

"Ikaw talaga! Malaking sinungaling!"

"Aray!" Sabi niya pagkatanggal ko sa huling bandaid. "Bakit?"

"Wala na oh!" Umirap ulit ako.

"Wala na ba?" Sabay tingin sa salamin.

"Jusko naman, Jacob! Umalis ka na nga dito!" Sabi ko.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan para palabasin siya. Pero nang binuksan ko ang
pintuan, tumambad ang nakangising si Karl sa labas.

"Uh... nakakaistorbo ba ako?" Tumaas ang kilay niya.

"Hindi, Karl. Sige... Kunin mo na yung t-shirt mo. Aalis na rin naman to si Jacob-"

"TEKA! Anong?!" Tumayo si Jacob at bumilis ang paghinga niya habang nakatitig kay
Karl. "Anong kagaguhan 'to?! Rosie?!" Hindi siya makapagsalita dahil hinihingal
siya sa nakikita niya.

Nakapag face-palm ulit ako. Kung maka react wagas!

"Easy, dude..." Sabay pasok ni Karl sa bahay at sa kwarto ko para kunin ang naiwan
niyang t-shirt.

Laglag ang panga ni Jacob habang pinagmamasdan si Karl na pumasok sa kwarto ko.
"R-Rosie, diba kwarto mo yun?" Tanong ni Jacob.

"Paano mo nalaman?"

Tinanggal ni Jacob ang cast ng kamay niya at tinapon sa sahig tapos sumugod sa
kwarto ko... kay Karl.

"JACOB!" Sigaw ko habang tumatawa.

"Ito ba yung pinalit mo sakin? Kaya ba distansya? Kaya ba nanghihingi ka ng time?


Kaya ba wala kang mapili samin ni Callix dahil sa kanya!?" Sigaw niya.

"Jacob, magkaibigan kami ni Karl." Sabi ko.

Nakatayo lang si Karl doon habang hinahawakan ang naiwan niyang t-shirt.

"Nag movie marathon kami tapos nagpalit siya ng t-shirt kaya ayun, naiwan niya dito
yung isa-"

"Rosie... nag momovie marathon tayo noon. Wa'g mo namang mantsahan ang mga alaala
nating dalawa!" Suminghap siya.

Nagpipigil ako ng tawa habang tinitignan ang blankong ekspresyon ni Karl.

Gustuhin ko mang magpaliwanag ng maayos kay Jacob, hindi ko magawa. Nagpromise ako
kay Karl na walang pagsasabihan sa munting secreto niya. Nawalan na ako ng ilang
kaibigan this past few weeks, hindi ko makakayang pati si Karl ay mawala sakin
dahil lang dito.

"Karl, umuwi ka na. Ako ng bahala dito." Sabi ko.

"Okay, dude! Kaibigan lang kami ni Rosie..." Sabay takbo ni Karl sa labas.

Sinarado ko yung pintuan at tinignan ang pabalik-balik na paglalakad ni Jacob.

"Argh! Yun na yun?! Siya na!?"

"Jacob, tumigil ka nga!" Sabay upo ko sa sofa. "Magkaibigan lang kami. Platonic
kami ni Karl."
"Platonic?" Tanong niya.

"Yep, platonic. Yung magkaibigan na kahit kailan walang pwedeng mangyaring romance
or something..."

Umupo siya sa tabi ko habang nakikinig sakin.

"Tayo?" Tanong niya sakin ng seryoso.

Nagkatitigan kaming dalawa. Balik perpekto ang features niya. Habang tumatagal,
umaaliwalas ang mukha niya at tumatangkad pa siya lalo. Habang tumatagal, gumugwapo
siya. Hindi ko masisisi kung bakit ang daming nahuhumaling sa kanya kahit na ayawan
niya pa ang mga ito. Hindi siya yung tipong naghahabol ng mga babae, siya yung
hinahabol ng mga babae.

"Tayo? Platonic din." Sabay tingin ko sa bintana.

"We were never platonic, Rosie. Alam mo yun. Simula pa lang."

"Ewan ko."

Napatingin ulit ako sa mukha niya. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Alam na alam
ko ang mga titig na ito kaya tumingin ako sa sahig para madistract siya.

"Alam mo yun. Kaya nga di ka makatingin ng diretso sa mga mata ko, diba? Kasi alam
mo na pagtitignan mo ako, lalakas ang pintig ng puso mo... hindi mo maiintindihan
ang mararamdaman mo. Alam ko kasi ganyan din ang nararamdaman ko."

Kabanata 57

Ang Saya Ko

"Ano ba talaga, hija? Bakit ba parang nakakalito ka na? Hindi parang! Actually
talagang nalilito ako!" Sabi ni Karl nang lumabas kami sa sumunod na araw.

Umiling ako habang pinaglalaruan ang inorder kong tea.


"Una sa lahat, gusto mo siyang layuan. Pagkatapos, nagseselos ka kung may ibang
kasama siya. Pagkatapos, pinagtatabuyan mo naman pag may time, anyare? Bakit
ganyan? Dahil ba binabae lang ako kaya di ko maintyendes?"

Sinapak ko si Karl at tinitigan.

"Lam mo? Kunti na lang at malalaman na ng buong syudad na bakla ka! Nitong
nakaraang araw parang talagang naghuhubad ka na eh."

Tumawa siya, "Wala si daddy eh. Tsss."

Yung daddy lang ni Karl ang kinakatakutan niya. Paano ba kasi, nag iisang lalaking
anak siya. Aniya'y di yun matatanggap ng mga magulang niya kung baklita siya.
Kawawa. Noon, wala naman talaga akong pakealam sa mga bading. Pero ngayong naging
kaibigan ko na siya, narealize kong mahirap pala ang sitwasyon nila. Lalo na ang
sitwasyon ni Karl. Kung ako, nahusgahan, ilang beses, ng pagiging gold digger ng
mga tao... Siya naman, mahuhusgahan, buong buhay niya, di lang ng ibang tao, kundi
pati na rin ng pamilya niya. Mahirap.

Napabuntong-hininga ako.

"Ngayong Lunes, panigurado, magbabalik na ang Jacob na yun. Alam mo bang iniisip
kong baka next week ay bugbugin niya ang maganda kung mukha? Alam mo ba kung
magkano yung BBCream sa Etude House at paano ko yun binibili nang di pinagdududahan
ng mga tao? Pink yung bag, Rosie... Tsaka ayoko talagang magkapasa!"

"Hay nako! Hindi ka susuntukin non! Hindi naman ganung klaseng tao si Jacob.
Tsaka... Akong bahala!"

"Point is... Iisipin niyang tayo. Tapos magseselos na naman yun. Magkakagulo na
naman. Tsaka... ano ba talaga? Gusto mo ba siya o hindi? Anong next step mo?"

"Karl, pati ba naman ikaw? Wa'g nga kayong atat! Ganito..." Napabuntong hininga
ako.

Sa dalawang linggong pagmumuni-muni ko, marami akong narealize. Naliwanagan ako at


nabwiset sa sariling mga desisyon. Nagkamali ako nung una pa lang kaming nagkita ni
Jacob, nung inisip kong maghiganti. Nagpadala ako sa galit. Unti-unti kong
narealize na mahal ko parin siya pero sa oras na yun hindi na pwede kasi alam ko ng
may something si Callix para sakin.

"I'm so confused, okay? Ayokong saktan si Callix pero gusto ko si Jacob PERO
naiisip ko yung panggagago niya sakin. Sorry pero hindi ko kayang ipafeel sayo kung
anong nafifeel ko dahil ako mismo, di ako sigurado. Basta ang alam ko, seryoso
akong ayaw ko munang makipag ugnayan kay Jacob."

"So... Meaning? In case na makipag landian si Papa J sa iba, okay lang diba? Kasi
ayaw mo ng makealam? Diba?"

Tinitigan ko siya at sinabi ng diretso sa mga mata niya, "Oo."

Nagkibit-balikat siya.

Nag-ikot kami sa mall para bumili ng daily dose of cosmetics. Hirap maging bakla.
Buti pa maging babae. Wala masyadong arte.

"Lam mo? Bilhan kita ng lipstick." Aniya nang napadpad kami sa paboritong store
niya.

"Yoko." Sabi ko.

Naglilipstick ako pero kay Maggie yung ginagamit ko. Saka ko lang din yun ginagamit
kung may espesyal na occassion tulad ng kasal (nung minake upan ako ni Karl) o
prom.

Sa huli, binilhan ako ni Karl ng pink na lipstick. Hinatid niya rin ako sa bahay at
niyaya ko siyang tumambay muna ng saglit.

Nagtatawanan kami habang papasok sa pintuan. Pagkabukas ko agad kong naaninaw ang
8-pack sparkling abs ni Jacob sa sofa namin. Parehong nalaglag sa sahig ang panga
namin ni Karl.

"Rosie!" Ngumiti siya at napawi nang nakita si Karl.

"Nakita ko na to sa dagat noon at di ko inaasahang sa pangalawang pagkakataon


tutulo parin yung laway ko-" Siniko ko si Karl habang bumubulong sakin.

Anong tawag mo sakin? Ilang beses ko na yang nakita at hanggang ngayon nag kaka
lock-jaw parin ako.

Umubo ako, "Anong ginawa mo dito at bakit nakahubad ka?" Tanong ko.
Previous Page
Napatingin ako sa paligid. Lumabas si Maggie at James sa kwarto nila nang narinig
ako.

"S-Saan kayo galing? B-Bakit magkasama na naman kayo?" Tanong niya sabay turo kay
Karl.

Tinignan ko si Karl at hayun, laglag parin ang panga habang nakatingin sa abs ni
Jacob.

"Sabi naman sayo Jacob diba? Magkasama sila ni Karl. May binili lang." Sabi ni
Maggie.

"Pero bakit?" Tanong ni Jacob habang tinitignan si Maggie.

Narinig kong humalakhak si James at hinila si Maggie papasok ulit sa kwarto nila.

"Mag, ba't mo pinapasok ang kumag na to?" Sigaw ko pero tinalikuran na ako ni
Maggie.

Umiling ako habang hinila si Karl papuntang sofa nang makaupo na. Pumalakpak din
ako sa mukha niya nang magising siya sa pagtitig kay Jacob.

"Rosie!" Tawag ni Jacob. "Kunin ko lang yung damit ko sa loob ng kwarto mo. Naiwan
ko eh."

Nanliit ang mata ko habang tinitignan siyang naghihintay sa magiging reaksyon ni


Karl. I know this! Pinagseselos niya ba si Karl sa pamamagitan ng 'damit' niya sa
kwarto ko?

"Ba't mo ba nilagay sa kwarto ko ang t-shirt mo?" Tanong ko sabay turo sa abs niya.

Tinry kong wa'g masyadong tumitig dun. Ngumisi siya nang nakitang balisa ako.

"Ang init kasi." Aniya. "Magbibihis kaba? Kasi sasabay na ako para kunin yung t-
shirt!"
"Tseh! Alam mo ikaw, Jacob? Anong nangyari sayo at bakit ang landi mo na!? Yan na
napapala mo sa pagsama sa mga malalandi." Sabi ko habang naglalakad papuntang
kwarto.

Sinundan niya ako.

"Dyan ka lang sa labas! Ako ang papasok. Ako ang kukuha ng t-shirt mo." Sabi ko.

Pinagsarhan ko siya ng pintuan. Mahirap talagang nandyan siya sa isang enclosed


space. Naalala ko nung naghalikan kami sa sasakyan niya. Grrr. Hindi ko mapigilan
eh. Kainis pa yung moves niya parang bata! Hay naku! Inosente talaga hanggang
ngayon... Walang kupas. Sana ganyan siya palagi.

Nakita ko agad yung t-shirt niya. Inamoy ko 'to. SOBRAAAAAAANG BANGO! Sa kakaamoy
ko pakiramdam ko naubos ko yung amoy ng t-shirt. Ayoko na tuloyng ibalik sa kanya.
Papayag naman siguro yung di ko na ibalik to. Hindi naman siya mahiyain (at wala
naman siyang dapat ikahiya) sa pagpapakita ng katawan niya.

"Rosie-"

Tinapon ko agad yung t-shirt. Bigla kasi niyang binuksan ang pinto. Walangya! Sabi
na i-lock eh! Di ka nakikinig kay Jacob, Rosie! Pero sa mukha niyang abot tenga ang
ngiti, nalaman kong nahuli niya akong inaamoy at ginagahasa yung t-shirt niya.

"JACOB! Di ka ba marunong kumatok." Kainis lang yung ngiti niya habang


pinagsasarhan ko siya at pinipigilan niya naman ako.

"Bakit kailangang sa t-shirt eh pwede namang ako yung amoyin mo?"

"Tseh! Tumigil ka nga!" Uminit ang pisngi ko.

Di na naman ako makatingin sa kanya.

"Umalis ka na! Magbibihis ako!" Sigaw ko.

"Oh? Bakit ako aalis eh nakita na naman kita-"

"TSEEEEEEEEEH! Jacob Antonio Buenaventura! Umalis ka na o tuluyan na kitang


itataboy sa buhay ko!" Seryosong sinabi ko kahit na natatawa naman talaga ako.

"Nagbibiro lang naman ako. Ito naman. Seryoso mo lagi."

Siya na mismo ang nagsarado ng pintuan. Hindi ko talaga mapigilan ang paghalakhak
ko sa loob ng kwarto. Lanyang kumag na yun! Bakit ba...? HAAAAAAAY! Bakit ba
nakakatuwa siya?

Sinubukan kong gawing seryoso ang mukha ko pagkatapos kong magpalit ng pambahay na
damit. Lumabas ako ng kwarto at amoy ko agad ang niluluto ni Maggie para sa
hapunan. Nandoon parin si Jacob sa sofa kasama ni Karl. Naramdaman ko talaga ang
tensyon sa dalawa (o kay Jacob lang).

"Rosie!" Tumayo agad si Karl nang nakita ako. "Uwi na ako." Sabi niya.

"Talaga? Bye, pare!" Sabi ni Jacob tapos humikab.

Umiling ako habang tinitignan si Jacob na nakahubad parin sa sofa.

Nakaflex yung 8-pack niya at parang wala siyang nararamdaman kung anong nangyayari
sa world. Pumalakpak ulit ako sa mukha ni Karl nang nakita ko siyang nakatitig na,
hindi sa sparkling abs, kundi doon sa ZIPPER!

"Ah! Oo! Aalis na ako!"

"Wa'g na! Dito ka na maghapunan!" Sabi ko. Hihilain ko na sana siya sa hapagkainan
nang binulong niya sakin 'to...

"Wa'g na, baka malapa ko yan si Jacob at makalimutan kong tomboy ako."

Tinitigan ko siya.

"Oo na! Aalis na ako. Joke lang. Kailangan ko ng umuwi."

"O sige! Text ka na lang-"

"Huh? Nag t-text kayo? Kala ko ba wala kang load kaya di ka nakakareply, Rosie?"
Singit ni Jacob.

Di ko siya sinagot at hinatid ko na si Karl palabas ng bahay. Pagkatapos nun ay


tinulungan ko si Maggie at James sa paghahanda sa mesa. Nilagyan ko ng tatlong
plato ang mesa.

"Rosie!" Sabi ni Maggie habang umiiling sakin.

Siya ang naglagay ng para kay Jacob. Kainis ang kalandian ni Jacob! Umupo pa sa
tabi ko. Nakahubad na yan ah? Nagtawanan naman si Maggie at James nang nakitang
nakaupo na kaming dalawa sa hapag.
"Maya na lang kaming kakain, Rosie." Sabay disappear ni Maggie at James.

"Bahala kayo, basta ginugutom na ako!" Sabi ko.

Kumain din si Jacob kasama ko pero nakatitig siya sakin the whole time. Hindi ko
magawang tignan siya dahil nakabalandra ang sparkling abs niya.

"Rosie?" Hinuli niya ang titig ko.

Nang di ko talaga siya pinansin, nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at dinala
ang mukha ko sa titig niya. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong seryoso at tagos
sa kaluluwa ang titig niya.

�Ngayong Lunes, babalik na ako sa school.� Aniya.

�Uh-huh.� Tumingin ako sa baso niya.

Para siyang araw na nakakasilaw. Di ko kayang tignan ang mukha niya ng matagal.
Baka kung tignan ko siya ng matagal, mawala ako sa sarili ko.

�Alam kong ayaw mong masaktan si Callix. At sinabi ko sayong wala akong pakealam
diba? Kaya masasaktan siya sa gagawin ko.�

�Huh? Bakit anong gagawin mo?� Tanong ko sa kawalan.

�Liligawan kita. Kahit alam kong hindi naman talaga tayo nag break diba?�

�HUH?� Na-blink ako ng ilang beses sa sinabi niya.

�Liligawan kita kahit nakatingin si Callix.�

�Jacob, wa�g mong gawin yan. Mas lalo kayong mag aaway ni Callix niyan.� Sabi ko.

�Anong gusto mong gawin ko? Palihim na naman kitang ligawan tulad nung sa Alegria?�
Tanong niya. �Kasi hindi ko na ulit yun gagawin.�

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para kumbinsihin


siyang wa�g akong ligawan.

Its either wala akong maisip na paraan o talagang ayaw ko lang umisip ng paraan.

�Basta... hindi kita papansinin. Distansya at oras, Jacob. Yun lang ang hinihingi
ko sayo ngayon.�
Sa wakas, nagawa ko nang tignan siya sa mata niya. Nakita kong nag half-open ang
labi niya.

�Pagkatapos ng distansya at oras na hinihingi mo, t-tayo parin ba?� Napalunok siya
sa sariling tanong niya.

Pumikit ako. Sobrang higpit na pagkapikit ng mga mata... dahil hindi na naman ako
sigurado kung tama ba ang isasagot ko.

Ilang beses na akong napahamak ng puso ko at ilang beses na akong sumugal,


nagbakasakali, at nabigo sa huli pero eto parin ako at naglalaro parin sa casino ng
buhay. Sumusugal parin.

�Oo. Tayo parin.� Kasi ikaw ang mahal ko.

Kasi di ko kayang mawala ka. Ilang beses ka ng nawala sakin. Buhay naman ako kung
wala ka pero walang buhay ang buhay ko dahil wala ka.

Dumilat ako at nakita kong nakapikit na siya malapit sa mukha ko. Hinila niya ang
chin ko papunta sa kanya at hinalikan ako. Matagal. Yung halik niya parang
nakakalasing. I kissed him back. Nilagay niya ang kamay niya sa batok ko at mas
lalo niya pa akong nilapit sa kanya.

�Good.� Tumigil siya kahit na di ayaw ko pang tumigil.

Ngumisi siya nang nakitang half-open pa ang bibig ko.

�Kaya kong maghintay sa wala. At mas lalong kaya kong maghintay ngayon dahil alam
kung meron... alam kong tayo parin. Yun lang ang gusto ko, Rosie. Yung pag asang
tayo parin. Kahit di ngayon. Kahit kailan mo gusto. Basta tayo parin.� Bulong niya
sakin.

Tumindig ang mga balahibo ko nang narinig ko ang malamig niyang boses sa tenga ko.
�Sht ang saya ko.� Aniya.

Kabanata 58

Halik sa Rooftop

Mas madali kong nakumbinsi si Jacob na maghintay ngayong nabigyan ko siya ng pag-
asa.

Sa gabing yun, wala akong ibang naisip kundi mahal na mahal ko parin siya hanggang
ngayon. Hindi ko makakayang may pumagitna pa saming dalawa pero para maitama lahat
ng pagkakamali naming dalawa, kailangan namin ito. Ayokong maging selfish kahit na
alam kong kailangan minsan. Siguro kailangan lang talaga ng tamang timing ang
lahat.

Lunes na at pumasok si Jacob. Pagkapasok niya sa Biology 10, tahimik ang mga
kaklase namin. Di ako tumingin o sumulyap man sa kanya. Nakatitig ako sa notebook
ko. Siya naman, seryosong pumasok at di rin sumulyap sakin. Nakita ko ang mga
tititg ni Callix sakin... titig ng mga kaklase naming dalawa. Bulung-bulungang di
ko marinig at tsismisang alam kung patungkol samin ang bumalot sa classroom.

"Showbusiness." Bulong ni Karl sakin.

Mula nung nangyari sa Imperial Bay, si Karl na ang katabi ko. Nandidiri ng tumabi
si Callix sakin (buti at ayaw ko rin siyang katabi). Si Belle at Ava naman ay
sumama sa kanya.

"Jacob, buti pumasok ka na." Sabi ni Belle habang ngumingiti kay Jacob.

Para bang walang nangyari sa Imperial Bay kung makapagsalita si Belle. Umiiling na
langs ina Leo at iba pang kabanda ni Jacob habang tinitignan siya. Si Jacob naman,
mukhang bad trip. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong mag text pero parang weird
naman kung habang nag uusap sila ni Belle ay nagtitext siya kaya hinayaan ko na
lang muna.
"Ano, Jacob? Balik na ba ang gig niyo? Saan? Excited na akong marinig ulit yung
boses mo.." Hinimas ni Belle ang braso ni Jacob.

Tumalon sa bigla si Jacob at halos masiko niya si Leo (na katabi niya) sa ginawa ni
Belle. Nabigla si Belle sa ginawa ni Jacob pero ngumisi ulit.

"Marami kaya kaming naghihintay sa inyo." Sabay nguso ni Belle kay Leo. "Ansabi ni
Leo nagbakasyon ka daw kaya ngayong nandito ka na." Humalakhak siya. "Ayan...
excited kami."

"JACOOOB!" Sigaw ni Grace sa labas.

Napailing ako nang nakita ang isang batalyong babae na pumasok sa room namin. Di
namin sila kaklase pero nakiusyuso sila kay Jacob.

"Narinig namin na pumasok ka na kanina, okay ka na ba?" Malambing na tanong ni


Grace.

Tinulak niya si Belle para mas lalong mapalapit kay Jacob. Humalakhak din ang mga
babaeng kasama niya at parehong nag-uunahan para mahawakan ang braso nat pisngi ni
Jacob. Napalunok ako sa mga ginawa nila.

"ANO BA!" Tumayong bigla si Jacob.

Napanganga silang lahat at natigilan sa ginawa niya.

"Tumigil na nga kayo! Di kayo nakakatuwa ah!" Sigaw niya sa mga babaeng
nakapaligid.

"J-Jacob?" Tawag ni Belle nang narinig ang nanginginig na boses ni Jacob.

Galit na galit talaga siya at di ko alam kung bakit.

"Dude, chill." Sabay tapik ni Leo sa balikat ni Jacob pero tinanggal ni Jacob ang
kamay niya.
"AYOKO!" Sigaw niya kay Leo.

Anong problema ng kumag na to at bakit ganyan siya?

"Oo nga naman, Jacob? Di ba gusto mo ng atensyon ng mga babae, ba't ganyan ka
ngayon?" Singit ni Callix sa malayo.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kitang kita ko na ang mabibigat na paghinga ni


Jacob habang nagkakatitigan sila ni Callix.

"Di ako tulad mo!" Sigaw niya pabalik kay Callix.

Patay! Mag aaway na naman tong dalawa.

"Hindi? Pinapatawa mo ba ako?" Tumawa si Callix. "Magpinsan tayo. Yung dugo ko,
nananalaytay din sa sistema mo... kaya alam ko! Diba kaya mo nga siya inagaw sakin
diba? Kasi di ka makapagpigil."

Si Teddy, Leo at Louie, parehong pinipigilan si Jacob na sumugod kay Callix. Alam
kong isang kalabit na lang ay sasabog na sa galit ni Jacob.

"Jacob, tama na." Bulong ko pero dinig na dinig to ng lahat.

Napabuntong-hininga si Jacob nang narinig ang boses ko. Umupo siya ulit na parang
walang nangyari. Isa-isa akong tinignan ng mga tao dun... pati ni Callix.

Nakita kong si Callix naman ang galit ngayon habang tinitignan kaming dalawa.

Dumating ang professor namin kaya umalis din yung ibang di ko classmate (tulad ni
Grace). Pero buong klase ang nakatutok kay Jacob habang nag lelecture ang
professor.

"Mas lalo siyang gumwapo! Ano ba kasing nangyari?" Bulong nung kaklase ko sa
unahan.
"Girl, kaw lang talaga ang makakakontrol sa kanya. Alam mo yun? Ang cool nung
kanina? 'Jacob, tama na.' Tapos tumigil siya." Tiling-tili si Karl habang
naglalakad kami papuntang cafeteria.

�Whatever. Kailangan lang talaga siyang pigilan minsan. Galit na galit eh.�

�Sino ba namang di magagalit? Kanina pa kaya siya hinahabol ng mga babae. I mean...
oo nga no? Ba�t siya galit eh lalaki naman siya? Ako lang dapat yung galit pag
hinahabol ng mga babae diba?�

Umiling ako at tumawa sa sinabi ni Karl.

Mabuti at natutunan ni Jacob na umiwas na sa mga babae ngayon. Alam ko, gusto ko ng
distansya kaya kailangang di muna kami magkasama.

Sa kabilang table, nakita ko si Jacob na katawanan ang mga kabanda niya. Umiling
ulit ako habang umuupo sa pinakagilid na table kasama si Karl.

Nakita kong dumating si Callix sa cafeteria kasama si Josh at Edward. Tumingin siya
samin ni Karl at kay Jacob tapos nilagpasan kaming parehi.

Napabuntong-hininga ako sa nangyari.

Kumain kami ni Karl ng french fries na may cheese dip habang nag s-study para sa
upcoming midterms. Siya, nag-aaral sa kanyang course, ako naman sakin.

�R-Rosie, may cheese ka sa mukha.�

�Huh?� Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko.

�Hindi natanggal!� Nainis si Karl habang tinuturo yung sariling pisngi, �Dito!�

Pinunasan ko ang kabilang pisngi ko.

�Tsss! Ako na nga!� Kumuha si Karl ng tissue at tinanggal ang cheese sa pisngi ko.
Tumawa siya at, �Tapos? Ano? Nasan na yung binili kong lipstick, huh? Dun na lang
yun sa drawer mo? Parang di siya mahal para di mo gamitin?�

Natahimik ang buong cafeteria nang may narinig kaming lahat na nabasag sa table
nina Jacob.
Nakita ko ang kumag na nakahalf-open ang bibig habang tinitignan kami. Nabasag ang
bote ng softdrinks na kanina niya pa hinahawakan.

�Oh my gosh!� Sabi ni Karl sabay tayo. �Patay tayo kay papa J!� Bulong niya sakin.

Napatingin ako kay Callix na galit din habang tinitignan kaming dalawa ni Karl.

�Tayo na, Karl.� Sabi ko sabay kuha sa gamit ko at tumakbo palabas ng cafeteria.

Nagtawanan kami nang nakalabas kami at napunta sa soccerfield.

�Langya! Ba�t tayo tumatawa! Patay na patay ako nito!� Tumatawa parin si Karl.

�Well, nakakatawa ito kasi alam nating dalawa na hindi tayo pwede. Pero sa
kanila... hindi diba? Kasi di nila alam, diba?� Sabi ko habang hinahabol parin ang
hininga.

May mahigpit na humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Karl.

�Ahhh! Ano ba?� Nakita kong si Jacob yun. �Jacob! Sabi naman sayo di tayo pwedeng
magkasama!�

Hindi siya tumigil sa pagkaladkad sakin hanggang napunta kami sa rooftop ng


building ng School of Business. Hindi pa ako nakakapunta dito pero hiningal ako sa
dire-diretsong paglakad namin sa hagdanan.

Hindi pa ako tumitigil sa paghingal ko, napahilig na ako sa pintuan ng rooftop.

�Anong ginagawa mo, Rosie?� His jaw clenched.

Hinihingal parin ako. Ang lapit lapit ng mukha niya sakin kaya tumingin ako sa
kaliwa para makahinga naman ako ng mas maluwang. Nakalagay ang magkabilang kamay
niya sa pintuang hinihiligan ko kaya wala akong kawala.
�Jacob, ano... ba.� Hinihingal parin ako.

Sabi mo ako! Pero bakit siya!?� Sigaw niya. �Pinipigilan ko na ang sarili ko sa
pagtitig sayo nang makuha mo na ang gusto mo pero bakit ganito ngayon? Sabihin mo
sakin, pinapaikot mo ba ako?!�

Hinampas niya ang pintuan nang nakitang di ako tumitingin sa mga mata niya at di
parin nagsasalita.

�Balak mo bang maghiganti sakin?! Sinasadya mo bang saktan ako?!� Hinampas niya
ulit ang pintuan.

�Jacob, wala ka talagang tiwala, noh?� Sabi ko.

Tinignan ko siya at nakita kong galit na galit parin talaga siya.

�AAAAAAAAAAAAAH!� Ginulo niya ang buhok niya. �Nagtitiwala ako pero kung ganun yung
nakikita ko, mababaliw ako!�

�Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama ni Karl ah! Pinunasan niya lang yung
pisngi ko-�

�At tumitingin siya sa labi mo!� Sigaw niya pabalik sakin.

Nilagay niya ulit ang kamay niya sa pintuan at idinikit niya ang sarili niya sakin.
Damang dama ko na ang abs niyang nakadikit sa katawan ko.

Tumitingin siya sa labi ko kasi naman po... gusto niyang maglipstick ako! Bading
yun! Bekibells!

�Magkaibigan lang kami. Ilang beses ko bang sasabihin-�

�Pero di kaibigan yung gusto niya para sa inyo! Rosie, mahal kita, mahal mo ako...
magtitiwala ako pero jusko naman wala akong tiwala sa walang hiyang yun! Ang ganda-
ganda mo na ang laman ng usap-usapan ng kilala kong lalaki sa school dito, ngayon,
maging noon, sa Alegria, ay yung mukha mo o di kaya ay yang dibdib mo... o di kaya
ay yung mga hita mo kaya pwede bang wa�g mo akong binabaliw?�

Natahimik ako sa sinabi niya.


�Alam kong paborito mong mag shorts pero please lang naman! Alam mo ba kung paano
nila pag usapan yung kaswertehan nung Karl na yun? Maging si Callix ay kumbinsidong
siya ang gusto mo, di ako! At alam ko rin na paborito mong kasama yung Karl nayun
pero ano ba talaga? Kasi nababaliw na ako sa kakaisip!�

Chineck ko ang paligid at nakita kong wala talagang tao. Ito na yata ang
pinakamataas na builidng sa buong school kaya walang makakakita samin dito.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nakita kong naghalf-open ang labi niya at
huminahon ang features ng mukha niya.

�Basta, kalimutan mo na yun. Kaibigan lang kami ni Karl at ikaw ang mahal ko. Sa
ngayon, mag tiis muna tayo na ganito. Wa�g masyadong mainit ang ulo hanggang sa
tuluyang makamove-on ang lahat-�

Hindi niya na ako pinatapos, hinalikan niya na ako agad-agad.

�Jacob...� Sabi ko inbetween kisses.

Nakita kong ngumisi siya nang narinig ang tawag ko.

�Kulang pa �to, Rosie...� Sabi niya.

Sinapak ko na. Alam ko ang ibig niyang sabihin at natatakot ako dahil alam kong
tama siya. Sht! Miss na miss ko na siya at grabe yung frustrations ko na idinulot
niya! NAKAKAINIS! NAKAKABALIW DIN!

�Tumigil ka!� Sabay tawa ko.

�Naghalikan na ba kayo ni Karl?� Biglang tanong niya.

Tumigil siya sa paghalik.


�Hindi!� Tumawa ako.

Sumimangot siya, �Ba�t ka tumatawa? Nagkahalikan na kayo, no?�

�Hindi naman ako tulad mo na kung sinu-sino lang ang hinahalikan.� Tumawa ulit ako.

Mas lalo siyang sumimangot.

�Siguro dito mo dinadala yung mga babae mo?� Sabay tingin ko sa paligid. �Tahimik,
walang istorbo-�

Hindi niya ulit ako pinatapos, hinalikan niya na naman ako.

Tinulak ko siya. Hinila niya naman ako kaya nakatayo kaming pareho sa gitna ng
rooftop habang naghahalikan. Shttt! Sarap humalik ng kumag! Nilagay niya ang kamay
niya sa likuran ko at yung isa naglalakbay sa leeg ko pababa.

�Jacob! Ugh! Sorry!�

Naitulak ko si Jacob nang biglang bumukas yung pintuan ng rooftop. Sa sobrang gulat
ko, napalayo talaga yung pagtulak ko sa kanya. Tinakpan ko yung bibig ko at
nakitang sina Leo, Teddy, Ron at Louie yung pumasok. Nagtatawanan sila at isa-isang
lumabas ng rooftop. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong di talaga mapawi ang
tawanan nila.

Mga ulol! Kumatok kayo! Mga istorbo! Malis na kayo! Kainis kayo! Gag0! Umuwi na
kayo!� Sigaw ni Jacob sa kanila. �Kumatok kayo!�

�Hindi mo naman kasi pag aari ang rooftop!� Sigaw ni Leo.

Naiiyak na yata sila sa tawanan. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

�Sige na, sorry, pagpatuloy niyo lang yan.� Sabi ni Leo.

Nagwalk-out ako sa sobrang kahihiyan.

�Rosie!� Sigaw ni Jacob.

Kumaway na lang ako at tumakbo palabas.


�Mga walang hiya! Mga istorbo! Bugbugin ko kayong lahat!� Sigaw ni Jacob sa
nagtatawanan niyang kabanda.

Kabanata 59

Miss na Miss

"Sakit sa bangs ni Jacob. Araw-araw nung midterms sinusundan niya ako para lang
malaman kung nasaan ka. Grrr..." Sabi ni Karl habang naglalakad kami papuntang
classroom ng Biology 10.

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko nang papalapit na kami sa classroom.

"Anong problema ng mga ito?" Tanong ni Karl sakin.

"Ewan ko. Palagi naman silang ganyan."

Pagkapasok namin sa classroom, nakita kong may isang bouquet of flowers sa desk ko.

Kinuha ko 'to at mas lalong nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko.

"Sinong nagbigay niyan, Rosie?" Tanong ng isang kaklase ko.

Nagkibit balikat ako.

Pero nang nakita ko na ang card, nakilala ko agad yung sulat-kamay. Galing ito kay
Jacob!

Jacob:

One month na lang, 1 year na tayo. I love you, Rosie. 9-23.

September 23 ang sinasabi ni Jacob na anniversary namin dahil una kaming naghalikan
sa araw na yun. Ngumisi ako nang naalala ko yun pero agad kong itinigil ang
pagngiti dahil nakita kong nakatitig si Callix sakin.

"HAHA! Lokong Ron! Sarap sapakin!" Narinig kong sinabi ni Teddy nang papasok na
sila sa classroom.

Unang pumasok si Teddy, tapos si Leo, sinundan ni Louie, Ron at huling pumasok ang
nakangiting si Jacob.

Napabuntong-hininga ang mga babae samin nang nakita si Jacob. Hanggang ngayon,
hindi parin kami nag papansinan sa classroom.

Sumulyap siya sakin habang nakangisi. Tinignan niya ang flowers tapos agad tumingin
sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit napawi ang ngiti niya at di niya na ako
tinignan ulit.

Anyare?

Pagkatapos ng klase namin, naunang lumabas sina Leo at ang iba pang kabanda ni
Jacob. Si Jacob naman, nagpahuli. Nag-alala tuloy ako kung anong nangyari?

"Rosie, ano? Mamaya na lang ulit. Punta tayo ng mall ah? You know na!" Sabi ni Karl
at nagpaalam ng umalis.

Pupunta kami ng mall mamaya para magchill at manood ng sine. Kakatapos lang kasi ng
midterms at kailangan naming mag loosen up. Konti na lang kaming natira sa
classroom. Tumayo si Jacob at nilapitan ako.

"Jacob-"

Nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at tinaas ang mukha ko. Akala ko hahalikan
niya ako sa harap ng dalawang lalaking kaklase ko pero hindi pala. Lumiit yung mata
niya habang tinititigan ang mga labi ko.

"Ano ba?" Sabay tanggal ko sa kamay niya.

"Nag lipstick ka ba?" Tanong niya.


What? Uminit ang pisngi ko. Napayuko ako para ayusin ang bag ko... kakahiya naman
to. Ba't ba siya nagtatanong?

"Nag lipstick ka ba?" Tanong niya ulit.

"Oo. Bakit? Anong problema?" Tinaas ko ang kilay ko para magtaray.

"Bakit?"

"Huh? Kailangan ba ng dahilan para mag lipstick?" Umirap ako.

"Ibig sabihin mas nagpapaganda ka pa? Para kanino? Di mo na kailangang magpaganda


ah? Inlove na naman ako sayo bakit nagpapaganda ka pa?"

Sinapak ko na!

"Ang ingay mo!" Napatingin ako sa umaalis ng kaklase ko.

Buti wala silang pakealam.

"Sino ba kasing pinapagandahan mo, ha?" Tanong niya. Galit.

"Wala! Bawal bang magpaganda kahit na para sa sarili lang?" Umirap ulit ako.

"Ganun? Bakit narinig ko kanina may date kayo ni Karl?"

Napatunganga ako sa sinabi niya. Karl na naman? Kailan ko ba masasabi sa kanya na


juding si Karl?

"O sige! Makikipagdate din ako sayo mamaya! Sinong pipiliin mo?" Tanong niya sakin.

"Hay nako! Edi sumama ka samin ni Karl nang malaman mong magkaibigan lang kami."

"T-Talaga? Isasama mo ako?" Malambing niyang sinabi. Pero agad bumalik sa galit ang
tono ng boses niya, "Bakit di pwedeng tayong dalawa na lang?"

"Jacob, naunang nagyaya si Karl sakin. Ikaw, nahuli... Kaya mag adjust ka. Kung
sana nauna ka, edi tayo lang dalawa!"
"A-Ano? P-Pwede pala tayong mag date? A-Akala ko hindi-"

Umalis na ako habang nagmuni-muni pa siya sa kanyang sarili. Di ko talaga mapigilan


ang pagngiti ko. Sheeeet! Bakit sa gitna ng kainosentihan ni Jacob, sexy parin ang
tingin ko sa kanya? May problema yata ako sa pag isiip.

Nang nagpunta na kami ni Karl sa mall, tinext ko na lang si Jacob na nandun na


kami. Agad naman siyang dumating.

"Shet ayan na siya! Ano? Wa'g mong kalimutan ah? Lalaki ako! Bakit ba kasi ako
nandito? Sana kayo na lang. Sheeet! Gwapo niya! Pwedeng tabi kami sa sine." Siniko
ko na si Karl dahil papalapit na si Jacob samin.

"Manonood kami ng sine, Jacob." Sabi ko.

Tumango siya, "Lilibre na kita." Aniya.

"Paano ako?" Tumingin si Jacob kay Karl at naweirduhan. "I mean... ilibre mo rin
ako, dude!"

Halos pumutok ang mga ugat ko sa utak sa pagpipigil ng tawa.

"O sige." Sabay sulyap ni Jacob sakin.

Nagpapaimpress yata. Kahit na yung mortal enemy niya, nililibre.

Bumili siya ng ticket, pagkatapos ay bumili kami ng popcorn at iba pang pagkain,
siya parin ang nagbayad.

"J.A foods diba? Yung may JA na icon? Yung sa mga junkfood at iba pang pagkain?"
Bulong ni Karl sakin habang bumibili si Jacob ng popcorn.

"Oo." Sabi ko.

Natatandaan ko noon kung paano ko iniwasan ang pag kain ng mga produkto nila nung
bumalik akong Maynila galing Alegria. Tapos ngayon, heto na naman kami. Naglalaro
ulit sa apoy. Buti na lang talaga nandito si Karl.
Pumasok kamis a loob ng madilim na sinehan. Wala pa masyadong tao. Dalawampung
minuto pa bago magsimula. Puro trailer pa lang ang meron.

Umupo kaming tatlo na ako ang nasa gitna. Nilagay agad ni Jacob ang braso niya sa
likuran ko para maakbayan ako.

Nagkatinginan kami ni Karl. Ngumisi siya at nilapa ang popcorn.

"Gusto ko ng umuwi." Bulong niya ulit habang tumatawa.

Siniko ko ulit.

"Anong pinag uusapan niyo?" Tanong ng singit na si Jacob.

"Wala." Sagot ko kahit na nakangiti parin.

"Wala? Hindi niyo ako sinasali sa usapan niyo eh..." Sinimangutan niya ako.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Karl. Out of place na talaga si Jacob pero hinayaan
ko na lang.

"Ehe-Ehem.. Bathroom lang ah?" Sabi ni Karl nang na-off na ang lights para
magsimula na ang movie.

Hinila ko ang t-shirt niya nang tumayo siya.

"Wa'g kang umuwi ah? Wa'g mo kong tatraydorin."

Tumawa siya, "Oo! CR lang talaga."

Alam ko ang iniisip ng bading na yun. Walang hiya, ayokong matira dito kasama si
Jacob.

"Ano ngayon kung umuwi na siya?" Tanong ni Jacob sakin habang hinihigpitan pa ang
pagkakaakbay sakin.
"Date namin to. Dapat di siya umuwi." Sabi ko nang nakatingin sa screen.

"Pag umuwi siya, edi date na natin 'to."

Umirap ako sa kawalan habang nakatingin parin sa screen. Hindi ko maintindihan yung
dialogue nung bida kasi nakatitig si Jacob sakin sa unang part ng movie.

"Anong problema mo?" Napatingin ako sa kanya.

Nakatitig parin siya sakin. Sobrang gwapop niya kahit madilim. Kitang kita mo
talaga ang pagkislap ng mata niya dahil sa repleksyon ng screen.

"Asan naba yung si Karl." Sabi ko at nagsimulang tignan ang cellphone ko...

Pero na distract ako dahil sa sinabi ni Jacob...

"Rosie, pahalik naman oh."

"Huh?"

Sheeet! Di na naman niya hinintay ang go signal ko. Hinalikan niya na ako agad.
Kung saan-saan pa napadpad ang kamay niya. Sobrang nalasing na naman ako sa halik
niya kaya di ko siya matulak ng tuluyan.

"Uy!" Pinutol niya ang halikan namin para batiin kung sino ang nasa likuran ko.
"Eto na pala si Karl, Rosie." Nakangiting sinabi ni Jacob.

Nandun nga si Karl, nakaupo na sa tabi ko. Nakatitig sa screen. Mukhang ilang
sandali na siya dito sa tabi ko, nihindi ko man lang namalayan!

Umayos ako at inirapan ang nakangising si Jacob.

Ang kumag ay nagpapaselos pa yata. Hindi yan magseselos kasi langya bakla yan eh!

"Pwedeng exchange seats tayo, Rosie? Sobrang nag iinit na ako!" Bulong ni Karl
sakin.

Uminit ang pisngi ko at pareho kaming natawa. Ayun na naman at balik sa tantrums si
Jacob.

"Karl, ako na maghahatid kay Rosie. Ikaw naman naghatid sa kanya dito, kaya ako
maghahatid sa kanya pauwi... hindi naman sa kailangan ko pa ng approval mo pero
sinasabi ko lang naman para di ka mag expect." Sabi ni Jacob pagkatapos kumain at
manood ng movie.

Ramdam na ramdam ko na naman ang ugat sa ulo ko na parang sasabog kung di ako
tatawa. Pati si Karl ay natatawa na rin.

"O sige, no problem! Rosie, mauna na kayo. May bibilhin lang ako?" Sabay turo niya
sa wing kung saan naroon ang Etude House. "Alam mo namang di pwedeng... sumama
diba?" Sumulyap si Karl kay Jacob.

Tumango ako at sumama kay Jacob papuntang Ford Ranger niya. Halos mapasayaw siya sa
saya nang naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.

"If I don't say this now, I will surely break..." Ngumingiti siya habang kumakanta
nito sa pagbukas ng sasakyan niya.

Umiling na lang ako sa lamig ng boses niya. Hindi ko talaga maimagine na may ibang
babaeng kakantahan niya ng ganito... kahumalingan niya tulad ng pagkahumaling niya
sakin.

"Rosie, pwede bang sa inyo ako matulog?" Tanong niya sakin nang pinaandar niya ang
sasakyan niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Sleep over lang naman." Ngumisi siya.

"Hindi pwede!" Sabi ko.

"Sige na naman, please!"

"Ikaw? Alam mo ang landi mo talaga! Alam ko kung anong gusto mong mangyari at hindi
pwede!"

"Huh? Bakit? anong ibig mong sabihin?" Sumulyap siya sakin.


Pababa na kami ng carpark ngayon.

"Hindi pwede!" Sabi ko agad. "Basta hindi pwede!"

Sumimangot siya, "Wala namang mangyayari. Gusto ko lang talagang magkasama tayo ng
mas matagal. Palagi na lang tayong di nagpapansinan sa school. Sana kahit ngayon
lang, oh."

"Bahala ka sa buhay mo! Pwede pero dun ka lang sa sala matulog."

"Huh? Bakit si James sa loob ng kwarto ni Maggie natutulog?"

"Eh kasi hindi ikaw si James! Kaya doon ka sa sofa!" Sabi ko. "Oh? Kung ayaw mo.
Umuwi ka na lang."

"Hindi! Gusto ko no! Kahit saan basta makasama lang kita ng mas matagal." Ngumisi
siya at tinitigan ako nang nagtraffic.

"Nawala na yung lipstick mo dahil sa halik ko kanina." Ngumisi siya. "Ay meron pa
palang konti. Tanggalin natin?"

Napatingin ako sa kanya. So naughty! Ugh! Napangisi ako sa sinabi niya.

Inilapit niya agad ang mukha niya sakin para halikan ako. I think I'm addicted...
My God! Tama si Karl! Sobrang hot ni Jacob, naiinitan na rin ako.

*PEEEEEEEEEEEEEEEEP*

"Ooppps!" Tumawa siya at pinaandar ang sasakyan.

Nag green light na pala at di kami umusad kanina dahil sa paghalik niya. Shucks! I
just can't get enough. Para akong timang na naghihintay na halikan niya ulit dito
sa tabi niya. Buti at nag di-drive siya ng seryoso kaya di niya ako napapansin.

Nakangisi siya habang nag di-drive...

"Damn, miss na miss ko ang labi mo. Palagi na lang." Aniya.


RATED SPG (KAHIT DI MASYADO ULIT, SPG PARIN): SEXUAL!

-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------

Kabanata 60

What's the Big Deal?

Palabas pa lang kami ng sasakyan ni Jacob, nakikita ko na si Maggie na ngumingisi


at umiiling sa bintana habang tinitignan kami.

"Dito ako matutulog, Mag." Paunang bati ni Jacob kay Maggie.

Tumaas ang kilay ni Maggie at tinignan ako bago sumagot kay Jacob.

"Talaga?"

"Oo. Sana nagdala ako ng mga gamit. Dito ko na lang kaya iwan yung mga damit ko,
no?" Tanong ni Jacob sakin.

"Ewan ko sayo, Jacob!" Umirap ako.

Nagtawanan si Maggie at James.

"O pwede namang yung gamit mo na lang dun sa bahay namin, Rosie? Ano sa tingin mo?"
Ngumisi siyang abot tenga.

Umiling na lang ako at dumiretso na sa kwarto para makapagbihis ng pambahay.

As usual, sumunod na naman si Jacob papuntang kwarto.


"Ano bang ginagawa mo dito? Magbibihis ako!" Sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa kama ko.

"Ano bang problema? Nakita ko na naman yang lahat mo, bakit ka ba conservative
dyan?" Tanong niya.

Tinapon ko yung unan sa mukha niya.

"Tumigil ka ah? Baka mapalayas kita dito." Sabi ko.

Ngumisi siya, "Sige, tatalikuran kita para makapagbihis ka na. May pa hiya-hiya ka
pang nalalaman ah... Oh ayan!" Aniya at tumalikod na.

"Okay." Sabi ko kahit na gusto ko naman talaga siyang palabasin. "Wa'g kang
titingin!" Sabi ko sa nakatalikud na Jacob.

Nakaharap ako sa likod niya habang tinatanggal ang damit at pants ko. Gusto ko
kasing masigurado na hindi siya sumusulyap sakin.

Pero tama ang hinala ko! Sumulyap nga siya.

Hinagis ko agad yung tshirt ko sa kanya. Bull's eye sa mukha niya. Tumawa siya at
di niya agad tinanggal.

"Manyak ka talaga!" Sabi ko.

Umalis ako na dala ang tuwalya ko nang makapag half-bath ako.

Tumatawa parin siya nung tinanggal niya ang t-shirt ko sa mukha niya.

"Ang bango mo." Aniya. "Saan ka pupunta?"

"Mag hahalf bath ako. Matutulog na kasi ako eh."

"Ano? Di pwede, Rosie... Magmo-movie marathon pa tayo eh!"


Sinundan niya ako patungong banyo.

"Whatever! Wa'g mo nga akong sundan!" Sabi ko.

Pinasarhan ko siya ng pintuan. Di ko mapigilang tumunganga sa loob ng banyo at


matawa sa nangyayari samin ni Jacob ngayon.

Pagkatapos kong maligo. Nagbihis ulit ako sa banyo. Ayokong lumabas dito nang
nakatapis ng tuwalya sa presenya ng manyak na yan!

Nakita ko siyang komportableng nakaupo sa sofa habang nanonood na ng isang movie.

Tumingin siya agad sakin. Naghalf open ang bibig niya nang nakita ako. Anong
problema ng kumag na 'to? Pinupunasan ko ang buhok kong basa.

"R-Rosie, nagdala ako ng dvds. Uhhh... Eto oh!" Sabay turo sa TV.

Tumango ako at tinignan ang TV.

Action yung movie.

"Uh.." Di siya makatingin sakin. "Lika... d-dito." Sabay tapik sa tabi niya.

"Nasaan sina Maggie?" Tanong ko sabay tingin sa kitchen.

"Tulog na yata." Aniya.

Tumabi ako kay Jacob. Hindi ko alam kung bakit awkward nung tinabihan ko na siya.

Sinuklay ko ang buhok ko habang nanonood ng movie sa TV.

Unti-unti kong naramdaman ang kamay ni Jacob sa likuran ko.


Shet naman ito! Di ko mapigilan ang pagngiti. Ang landi niya talaga!

"Ang bango mo. Lagi naman." Ngumisi siya at dumikit pa lalo sakin.

Mabango din si Jacob! Kaya nga namamanyak ako sa damit niya diba? Pero di ko yun
sasabihin. Hmp!

"Tumigil ka nga, Jacob! Ayan ka na naman. Manyak ka talaga..."

Tumawa siya at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Rosie?" Sabi niya ilang sandali ng katahimikan.

"Hmmm?"

"Kahit anong mangyari, wala ng iwanan ah?" Malambing niyang sinabi sakin 'to.

Ngumiti ako. Nagkatinginan kaming dalawa.

Magsasalita na sana ako nang biglang may narinig akong moan galing sa movie na
pinapanood namin.

Napatingin kaming dalawa sa bed scene ng bida. Nalaglag ang panga ko at sure akong
ganun din siya dahil ilang sandali lang ang nakalipas ay hinila niya na ang braso
ko.

Hinalikan niya ako. Nakapikit siya habang hinahalikan ako. Pumikit na rin ako nang
naramdaman na sobrang na-carried-away siya sa nakita. Habang naghahalikan kami,
dinig na dinig naming dalawa ang pag ungol ng babaeng bida. Hindi ko alam kung
bakit pero tumitindig ang balahibo ko.

"Rosie..." Idinikit niya pa lalo ang katawan niya sakin. Nilagay niya ang isang
kamay niya sa basa kong buhok. "I love you."

Nakakalasing ang halik niya. Itinulak ko siya pero sa sobrang tigas ng dibdib niya,
walang kwenta. Kinuha niya ang kamay kong tumutulak sa kanya.

"Ayaw mo sakin, Rosie?" Tanong niya at itinigil ang paghalik.

Nakahalf-open parin ang labi ko nang tinanong niya ako nito. Lasing sa halik.

"Gusto, Jacob. I love you, too." Bulong ko.

Ngumisi siya at hinalikan ulit ako. Hinila niya ang mga legs ko. Pinaghiwalay niya
ang magkabilang legs ko. Nilagay niya ang magkabilang legs ko sa hips niya habang
naghahalikan parin kami.

Hindi pwedeng may mangyari samin pero shet na malagkit miss na miss ko siya. Para
bang walang ibang paraan para makabawi sa lahat ng nangyari samin kundi sa ganito.

"Ja...cob..."

Ngumisi siya at hinalikan niya ang leeg ko nang dahan-dahan.

"Jacob, h-hindi pwede..."

Nandito sina Maggie! Maririnig tayo! Oh my gosh! I can't believe I'm doing this
again! With him!

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa legs ko at tumayo siya. Hinalikan niya ulit
ang labi ko.

"Jacob..."

Habang binubuhat niya ako (na ganito ang posisyon) papuntang kwarto, naramdaman ko
ang tigas ng kanya sakin. Apat na layers lang ang nagse-separate... Panty ko,
shorts ko, pants niya, boxers niya. Oh my gosh! Eto na! Di ko na mapipigilan 'to!
Ang tigas tigas niya kaya mas lalo tuloy akong na tu-turn on.
Nilagay niya ako sa kama ko. Una niyang tinanggal ang bra ko habang hinahalikan ang
leeg ko. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko... sa ilalim ng bra ko...
at hinaplos niya ang boobs ko. Napadaing ako sa ginawa niya.

"Miss na miss na kita, Rosie." Bulong niya.

"Jacob... di... pwede dito... maririnig... tayo... nina... Maggie..." Sabi ko.
"Tsaka... baka... mabuntis ako..."

Pagkatapos kong sabihin ang mahabang linyang yun, panty na lang ang natira sakin.
Sheet! Nag hubad siya ng t-shirt. Nagflex yung muscles niya nang tinanggal yung t-
shirt niya. OH MY GOSH! SMOKING HOT!

Napapikit ako, "Bilis Jacob!" Kinagat ko ang labi ko. Ayoko ng magsalita! Baka
nakikinig sina Maggie saming dalawa!

Nang nakahubad na rin siya, uminit ang pisngi ko nang hinawakan niya ang gitna ng
panty ko. Ngumisi siya at alam ko kung bakit.

"Di pwedeng mabuntis ako." Sabi ko.

"Talaga? Pano kung sabihin kong pwede?" Ngumisi siya.

"Jacob!" Sinapak ko siya.

"Wala akong condom, Rosie! Tsaka! What's the big deal?" Tumawa siya.

"What's the big deal?" Sinapak ko na.

"Next time, magdadala na ako ng condom. Sa ngayon... please." Nagsimula na naman


siyang halikan ako sa leeg pababa.

nabot ko yung tissue sa table malapit sa unan ko at tinabi sa kanya.

Umiling siya sa ginawa ko at ngumisi. Hinaplos niya ulit ang gitna ng panty ko.

"Ja...cob."

Oh my gosh! Stop it Rosie! Ang ingay mo! Pinigilan ko ang pagtawag sa kanya nang
hinubad niya na ang panty ko.
Nawala na ako sa kawalan. Ang bilis kong bumigay sa kanya.

"Ah! Rosie!!!"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang tinanggal
yung kanya sakin. Napapikit ako sa naramdaman ko.

"Oh..." My Gosh! Kinagat ko ang labi ko para di ko masabi ng buo yun.

Halos mapunit ang bedsheet ko sa pagkakahawak ko.

Nang dinilat ko ang mga mata ko, nakita kong humiga na siya sa tabi ko, nakangiti
at hinihingal. Pawis na pawis siya... ako rin.

"I love you, Rosie. Magsimula ulit tayo, please. Mahal na mahal kita. Mababaliw ako
kung mawala ka ulit sakin." Hinaplos niya ang mukha ko.

"Oo, Jacob... magsisimula tayo ulit."

"Wala ng makakapaghiwalay sating dalawa." Hinalikan niya ang noo ko at yinakap ako.
"Damn, miss na miss kita. Sobra sobra..."

Yinakap ko na rin siya. Alam ko na ngayon kung bakit di ko binigay ang virginity ko
kay Callix. Dahil para lang yun kay Jacob. Nakareserve ang sarili ko para sa
kanya... wala ng iba. Lahat ng baka sakali ko noon, magkakatotoo na ngayon. Dahil
kahit anong mangyari, di ko na papakawalan si Jacob. Magkamatayan na... hinding
hindi ko siya papakawalan.

Edit: Some parts maybe SPG:Sexwal. haha

-------------

Kabanata 61
Sorry

Natulog si Jacob sa sofa. 3:00AM nung lumipat siya dun. Kinaumagahan...

"Rosie? Kakain na!" Tawag ni Maggie.

Bumangon ako at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Mukhang mas pula ang labi ko
ngayon ah? Di kaya dahil to sa kakahalik ni Jacob sakin? Uminit ang pisngi ko
habang iniisip yung nangyari.

"Oo. Eto na..."

Nagkatinginan kami ni Jacob pagkalabas ko ng kwarto. Ngumiti siya at sinalubong ako


ng yakap.

"Ehmmmm..." Ngumisi si Maggie habang tinitignan kami. "Kain na tayo." Aniya.

Sa hapagkainan, hindi ako sigurado kung sadyang tahimik lang o awkward lang dahil
may ginawa kaming milagro ni Jacob kagabi at pakiramdam ko ay may alam si James at
Maggie.

"Nakatulog kaba ng maayos kagabi, Jacob?" Tanong ni James.

Napatingin kaming tatlo kay James.

"O-Oo naman." Sagot ni Jacob.

"Ako kasi hindi."

Pareho kaming natigilan ni Jacob. Halos lumuha na ako sa kaba dahil sa sinabi ni
James.

"I mean... nung una akong natulog sa sofa nila noon, di ako nakatulog ng maayos.
Buti na lang sa kama na ako nakakatulog ngayon. Hehe."

TALAGA? Really? Napabuntong-hininga kaming pareho ni Jacob.

"Anong problema niyong dalawa? Halos di kayo makahinga kanina ah?" Tanong ni
Maggie. Tumaas ang kilay niya.

"Wala n-naman." Sagot ko at nagpatuloy kami sa pagkain.

Lumipas ang dalawang linggo na ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa school.

Binibigyan niya ako ng flowers. Pero syempre, palihim lang yun. Hindi parin kasi
sila nag uusap ni Callix. Kailangan pa ng time.

Sa binigay niyang flowers sakin sa araw na 'to, may note:

Rosie, punta ka mamaya sa gig namin oh, please? Lagi ka na lang wala eh.

Napangiti ako. Hindi ako pumupunta tuwing tumutugtog sila doon sa grill o sa isang
bar/cafe dahil alam kong nandoon palagi sina Grace, Belle at JACOB-Fans club kung
nasaan sila.

Tinext ko siya:

Ayoko. :P

Jacob:

Hmp! Palagi na lang!

Tuwing may gig sila, sa bahay siya umuuwi. Kaya ini-expect kong pupunta siya
mamaya.

"Karl..."

"Hmmm?"

"Punta tayo mamaya sa gig ni Jacob?" Tanong ko.


Naisip ko kasing sorpresahin siya mamaya. Sigurado akong mabibigla siya kung nandun
ako.

"Diba nandun sina Belle?" Sabi ni Karl gamit ang nandidiring mukha.

"Oo. Pero magtatago naman tayo. Pupunta tayo dun ng mejo gabi na. Yung malapit ng
matapos yung gig nila." Sabi ko.

Tumango siya.

Ganun nga ang ginawa namin ni Karl. 10:30 nang dumating kami sa grill.

Sa sobrang daming tao, yung iba hindi na pinapapaok. Ganun ka grabe pag tumutugtog
sila? Maraming babae na mukhang nagbihis talaga para sa gabing ito.

"Dinig ko kay Louie na pupunta sila ng 777 mamaya. Edi pumunta din tayo dun!" Sabi
nung babae na nasa labas.

"Nah! Useless. Pagkatapos ng gig nila, palagi na lang silang pumupunta sa Club 777
pero hindi nila kasama si Jacob. Umuuwi si Jacob ng maaga." Sabi nung kasama niya.

Nagkatinginan kami ni Karl. Napangiti ako sa narinig ko.

"Iba 'to ngayon! Nandito yung pinsan niyang si Callix! I'm sure pupunta siya."

What? Nandito si Callix.

"Paano na yan?" Bulong ni Karl sakin.

"Di na lang tayo magpapakita. Magtago tayo! Hindi pwedeng umatras ngayong nandito
na tayo." Sabi ko.

"Okay... Sinabi mo eh."

Naririnig ko ng konti ang kanta ni Jacob sa loob na natatapos na...


"Ladies... and gentlemen... this is the last song for tonight. Kita na lang tayong
lahat sa Club 777?" Sabi ni Jacob.

Nalaglag ang panga ko. Pupunta siya sa Club! Naghiyawan ang mga tao sa loob.

"Kita mo? Lika na! Doon na tayo maghintay!" Umalis ang dalawang babae nang narinig
nila si Jacob.

Sa sobrang ingay sa loob, halos di ko na narinig ang pagsisimula ng kanta ni


Jacob...

"And if you give me a chance

Believe it, I can change

I'll keep us together

Whatever it takes"

Nawala ako sa pag iisip nang narinig ko ng mabuti ang boses niya. Sobrang ganda ng
boses niya. Nakakain-love!

"Well... expected talaga na nakakapanindig balahibo yung boses niya kasi


nakakapanindig balahibo din naman ang mukha niya." Tumango si Karl sakin.

Ngumiti ako. Alam ko, marami akong kahati sa kanya ngayon... maraming may gusto sa
kanya... At sa hinaharap, mas lalong dadami pa yun. Gwapo, mabait at talented siya.
Natatakot akong ngayon ay sakin siya... Ngayong bata pa kami ay nasakin siya tapos
pag dating nang ilang taon, baka makahanap siya ng iba... Iniisip ko pa lang
nasasaktan na ako eh.

Naiiyak tuloy ako.

"Huy..." Siniko ako ni Karl.

Napatalon ako, "Karl, dun na lang din tayo sa Club 777 maghintay?" Sabi ko.

Nilalamok narin kasi kami sa labas kaya buti ng doon maghintay sa Club.
Nang dumating kami, nakita ko yung dalawang babae kanina sa loob na may kasamang
iilan pang babae. Hula ko nag aabang sila kina Jacob.

"Doon tayo." Sabay turo ni Karl sa isang table na nasa liblib na lugar ng club.

"Okay!" Sabi ko.

Mabilis dumami ang tao sa Club. Umabot sa point na di ko na makita kung sino ang
kakapasok lang. Hindi ko na rin makita ang mga babaeng nag hihintay kay Jacob. Si
Karl naman ay nag eenjoy sa pag sa-sight seeing, dumami na rin kasi ang mga lalaki
eh.

"Karl, CR lang muna ako."

"HA?" Hindi niya ako marinig sa ingay ng house music.

Itinuro ko na lang ang CR. Masikip na ang bar. Halos di ako makadaan ng mabuti kasi
nagsasayawan na ang lahat. Kung hindi ko makita si Jacob ngayon... itetext ko na
talaga siya o uuwi na lang ako. Palpak naman tong plano ko oh? Baka naman lagi
niyang sinasabing 'magkikita sa Club 777' pero di naman siya pumupunta?

Napabuntong hininga ako pagkarating ng CR. Walang tao sa loob except sa isang
cubicle na may gumagamit yata...

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang alang mensahe o missed call man lang
galing kay Jacob.

Kung umuwi na siya samin, tinext niya na dapat ako... pero hindi eh kaya malamang
nandito siya.

"Ahh..."

WHAT? Boses yun ng lalaki ah? Sa ladies CR? May boses ng lalaki.

Napatingin ako sa cubicle na may gumagamit. Sinilip ko ang ilalim. Nakikita kasi
yung mga paa/sapatos sa ilalim. Nakita kong sapatos yun ng isang lalaki.
Napasinghap ako. O. M. G. Lalaki! O. M. G.

Pinaypayan ko ang sarili ko at inisip na baka si Jacob yun? At may kasamang babae?
O. M. G.

"Callix..." Ungol ng babaeng kasama niya.

Napabuntong-hininga ako... Hay! Shet! Akala ko si Jacob! Nakakalurkey!

"Teka..." Natigilan yung lalaki at biglang binuksan ang pintuan.

Saka pa nagregister sakin lahat ng narinig ko... SI CALLIX YUNG LALAKI! At


tanginers nang binuksan niya ang pintuan sa cubicle nakita kong si Belle yung
babae! Parehong nanlaki ang mga mata nila. Inayos agad ni Belle ang kanyang damit.
Sinarado naman ni Callix ang kanyang zipper.

REALLY? Gusto kong tumawa pero dahil magkagalit kaming tatlo hindi ko nagawa...

"Uh? Sorry..." Tumalikod ako.

"Rosie!" Tawag ni Callix.

Huli na ang lahat... nakaalis na ako ng CR. Naabutan niya ako sa dancefloor. Hinila
niya ang braso ko...

"Rosie!" Tawag niya.

"Bakit, Callix?"

Ang ingay. Halos di ko siya marinig. Kaya hinila niya ako palabas ng club.

"Callix, di mo naman kailangang mag explain. Okay lang sakin lahat. Hindi naman
tayo... Hindi na naman kita gusto..." Sinabi ko agad bago pa siya makapagassume.
Tumunganga muna siya sa kawalan ng ilang sandali bago sumagot.

"Bakit mo kami tinalikuran?" Tanong niya.

"Anong gusto mo, panoorin ko kayong dalawa dun?" Hindi ko na mapigilan ang
paghalakhak ko.

Really? Si Belle at Callix? Bagay! Parehong mga manyak! Napailing ako sa sarili
ko...

"Sorry, Rosie." Sabi niya.

"Okay lang nga..." Sagot ko.

"Hindi... yung nangyari sa Imperial Bay."

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Naramdaman ko yung galit dahil
binugbog niya si Jacob... Naramdaman ko rin yung inis ko sa sarili ko that time.

"Hindi ka dapat sakin nagso-sorry, Callix." Sabi ko. "Nagalit din ako sayo dahil
ginawa mo yun kay Jacob... Pero mas galit ako sa sarili ko kasi naglihim ako sayo."

Napalunok siya nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Ano ba talagang meron
sa inyo ni Jacob, Rosie? Kailan ba kayo nag kagustuhan? Nun bang pinakilala ko siya
sayo? Nung nag partner kayo sa report? Kailan?"

Napapikit ako, "Callix... magkakilala na kami ni Jacob noon pa. Nung nawala ako sa
first term nung 6th year tayo, pumunta ako ng Alegria at doon nag aral."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Sinabi ko sa kanya kung paano kami nagkakilala
at paano kami nagkahiwalay.

Napalunok ulit siya pagkatapos niyang marinig ang lahat (except sa kubo part).

"Damn! Dapat noon pa ako nag sorry." Aniya.

"Hindi pa naman huli ang lahat, Callix."

Kumunot yung noo niya at napatingin ulit sakin galing sa kawalan, "Sinabi mo ba sa
kanya kung bakit tayo nagkahiwalay noon?"

Umiling ako, "Tingin mo dapat kong sabihin?"


Napabuntong-hininga siya at tumango, "Sino nga pala talaga ang pinili mo, si Jacob
o si Karl?"

Napangiti ako at nagpasalamat sa panginoon dahil mejo smooth na kami ni Callix


ngayon. Baka magkaayos na sila ni Jacob. Malapit na...

"Magkaibigan lang kami ni Karl."

Napabuntong-hininga ulit siya at tumango.

Ilang sandaling katahimikan...

"Nasan nga pala si Jacob?" Tanong ko.

"Umuwi eh. Umalis. Bakit? Di ba siya nagpaalam?" Tumaas ang kilay ni Callix.

"Hindi eh. Hindi niya naman alam na nandito ako." Tumingin ako sa loob at
nagpasyang itext si Karl nang makauwi na kami. Baka kasi nandoon si Jacob.

"Talaga? Sana tinext mo. Nung umuwi siya may katawagan siya sa cellphone eh. Hindi
ba ikaw yung kausap niya?"

"H-Hindi." Sabi ko.

Napasinghap siya at tumingin sa sasakyan niyang nakapark sa kabilang lot.

"Pupuntahan ko siguro siya nang makapagsorry ako." Ngumiti si Callix sakin.

Ngumiti din ako, "O sige... Paano si Belle?"

Pumula ang pisngi niya, "She can wait." At tumingin sa malayo.

Tumango ako.

Kahit na di ako sigurado kung talagang nasa bahay nila si Jacob o nasa bahay namin,
hinayaan ko parin si Callix. Masaya na ako at ganun yung usapan namin. Sa wakas!
Magkakaayos na sila! Sa wakas! Hindi na kami magtatago ni Jacob. This is it!

Kabanata 62
Kayakap Niya

Hinayaan ko si Callix na makipag ayos kay Jacob. Hindi ko ginulo si Jacob sa gabing
iyon.

Hindi ko rin siya tinanong kung bakit di niya ako tinext. Tanghali ng Linggo,
pumunta siya sa bahay na may dalang pagkain.

Napangiti ako nang yinakap niya ako...

"I missed you." Bulong niya at hinalikan ang lips ko.

Uminit ang pisngi ko.

"Ehem..." Singit ni Maggie.

Hindi maiiwasan kasi pareho silang nasa sofa ni James nang pinagbuksan ko si Jacob.

Pinapasok ko siya. Hindi matanggal ang ngiti niya nang pinapasok ko siya. Kinuha ko
yung pagkain at nilagay sa kusina.

"Ehmmm, kumain muna kayo sis ah? Baka... hmmmm..." Tinaas ni Maggie ang kilay niya
habang nakangiting tumitingin samin ni Jacob.

Sumimangot ako. Alam ko na naman ang ibig sabihin ni Maggie. Baka akala niya
maglalampungan na naman kami. Hindi ko alam pero feeling ko alam niyang may
nangyari samin ni Jacob sa gabing iyon. Errr. Kahiya!

"Kain tayo, Mag, James..." Sabi ko.


"Oo. Mamaya na kami. Kayo muna diyan." Sabi ni Maggie.

Nang nasa hapagkainan na kami. Nagdala si Jacob ng Fried Chicken, spagetti at


french fries.

"Nakipag ayos na sakin si Callix." Aniya.

Tumango ako at ngumiti.

"Nag usap pala kayo sa bar kagabi?" Tanong niya.

"Oo. Isosorpresa sana kita pero di ka pumunta. Umuwi ka daw ang sabi ni Callix."

Tumango siya at tinignan ang spagetti sa gitna ng mesa, "Nagbihis lang ako."

"Pupunta ka dapat ng Club 777 diba?" Tanong ko at hinuli ang tingin niya.

Yumuko pa siya lalo, "Oo..."

"Pero dumating si Callix kaya di ka natuloy... okay lang." Tinapik ko siya sa


likuran.

Tinignan niya ako, half-open ang bibig...

"Okay na kami..." Aniya.

"Oo." Napalunok siya at ngumiti.

"Jacob... may sasabihin ako."

Suminghap siya at mas lalong sumeryoso ang mukha.

"Alam kong di na 'to kailangan pero gusto kong malaman mo na... naghiwalay kami ni
Callix noon kasi yinaya niya akong makipagsex sa kanya. Ayoko. Hindi ko gusto yun
kaya hiniwalayan niya ako."

Nanlaki yung mga mata niya.

Nakita kong naging kamao yung kamay niyang nasa mesa... Nakita ko rin ang pagbilis
ng paghinga niya.

"Hiniwalayan ka niya... para dun?" Dahan dahan niyang sinabi yun.


Alam kong galit siya. Ilang beses ko na siyang nakitang galit, sakin o sa mga taong
nasa paligid niya.

"Shhh. Oo. Noon yun."

"SINAKTAN KA NIYA PARA LANG DUN?"

Hinawakan ko ang kamao niya para huminahon siya. Agad siyang pumikit. Ginulo niya
ang buhok niya. Nang dumilat siya, tumingin siya sakin...

"Pati ako! Ako mismo sinaktan kita sa mababaw na rason! Shit!" Ginulo niya pa lalo
ang buhok niya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tama pero di na dapat balikan iyon.
Tapos na yun at masaya na kami ngayon...

"Sorry, Rosie. I'm so sorry." Niyakap niya ako.

Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya pakiramdam ko mababali na yata ang buto ko.
Pero gusto ko 'to. Gusto kong niyayakap niya ako ng ganito. Gusto kong maramdaman
kung gaano niya ako ka mahal. Kung gaano kahigpit niya akong hahawakan simula
ngayon.

Hinaplos ko ang buhok niya. Kumalas siya at nakita kong mejo pula yung mata niya,
para bang pinigilan ang pag iyak.

"Jacob, okay lang. Kalimutan na natin yun. Napatawad na kita-"

"Pero di ko pa napapatawad ang sarili ko-"

"Shhh... Basta, Jacob. Magsimula tayo ng bago, okay?"

"Okay... Mahal na mahal kita. Sobra. Ikakamatay ko pag nawala ka ulit sakin." Aniya
bago niya ako hinalikan.

Hinayaan ko ang sarili kong siyasatin siya habang naghahalikan kami. Yung buhok
niya, mukha niya, leeg, dibdib, abs. Ngumisi siya sa kalagitnaan ng halik namin
nang tumigil yung kamay ko sa abs niya.
"Paborito mo yan?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Oo." At hinalikan ko ulit siya.

"Wa'g kang mag alala, palagi yang nandyan kung palagi tayong nasa kama."

Sinapak ko siya. Tumigil ako sa paghalik at sumulyap sa sofa. Nanonood parin si


Maggie at James ng TV kaya okay lang.

Tumawa si Jacob nang nakita akong tinitignan sina Maggie at James.

"Lumipat ka na sa bahay namin, Rosie." Aniya.

"Huh? Yoko!" Pumula ang pisngi ko sa alok niya.

"Hmm? Talaga? Ayaw mo?" Ngumisi siya.

Hindi ako makatingin sa kanya. Gosh!!! Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako eh.
Ako? Sa bahay nina Jacob? Oh my gosh! Paniguradong matutuwa si mama, pero ewan ko
kay papa... Tsaka... anong gagawin namin sa bahay nila?

"Gabi-gabi kang pagod, sigurado. Mapupuyat ka kaya di ka na lang mag aaral."


Ngumisi siya habang iniisip yung pantasya niya.

"Huy!" Binatukan ko na. "Mapupuyat ako sa pag-aaral kaya hindi ako pwedeng mapagod
sa gabi. Ganun dapat yun, Jacob! Ikaw talaga!" Tumawa ako.

Ngumuso siya.

Di ko mapigilang di ngumisi sa mukha niya. Ewan ko na lang. Pakiramdam ko maraming


babae pang makikipagpatayan sakin para kay Jacob. Sobrang gwapo niya eh. Inosente
pa! Mabait pa! Natatakot akong dumating ang araw na mag mature siya... hindi naman
sa hindi pa siya nagmamature. Ang laki ng pinagbago niya mula nung nagkakilala
kami. Pero natatakot parin akong mas lalo siyang magmature. Yung tipong trabaho na
ang priority? Paano kung may makilala siyang iba? Mas mamahalin niya pa kesa sakin?
First love lang pala ako at may last love pa siya.

Napabuntong-hininga ako sa mga iniisip ko.

Paano kung ganun ang mangyari?


Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako eh. Siguro hindi talaga matatapos ang
pagbabakasakali ng mga tao. Sa buhay natin, hindi mo maiiwasang di sumugal. Sumugal
sa mga desisyong walang kasiguraduhan. Kung di ka susugal, parang di ka nabubuhay.
Kahit walang kasiguraduhan ang pagsusugal mo, susugal ka parin dahil BAKA SAKALI.
Dun lang umiikot ang lahat eh. Sa pagbabakasakali.

"Callix!" Tinawag ko si Callix sa corridor.

Nakangiti ako nang hinarap siya.

"Rosie!" Tumango siya at nilapitan ako.

"Okay na ba kayo ni Jacob?" Tanong ko kahit na alam ko na naman ang sagot.

"Oo." Ngumiti siya. "Buti naabutan ko siya kahapon."

Tumango ako at kumunot ang noo, "Kahapon?" Linggo kahapon ah? Ang akala ko ang nung
Sabado ng gabi sila nagkasundo?

"Oo." Tumango si Callix.

"Bakit? Di ba kayo nagkita nung umalis ka sa club?"

Umiling siya, "Nagkita kami... Pumunta ako sa bahay nila pero may pumunta kasing
babae eh."

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Babae?"

"Oo. Nag uusap sila. Masinsinan kaya di na lang ako tumuloy. Baka maistorbo ko."

Natahimik ako. Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

"Sinong babae?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala eh. Mukhang kaibigan ni Jacob. Ewan ko. Mataas yung buhok, mejo
maputi. Hindi ko masyadong nakita yung mukha pero may dalang bag."

Tumango ako.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Kaedad natin, Rosie." Dagdag ni Callix.


Tumango ulit ako at napalunok.

Inisip ko yung mga sagot ni Jacob sakin nung tinanong ko siya. Bakit di niya
nabanggit ang part na ito?

"Kilala mo ba yun, Rosie? Uh, okay ka lang ba?" Hinuli ni Callix ang balisa kong
tingin.

"O-Oo. Ano dang ginagawa nung babae dun?"

"Dun daw yata natulog."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman sa nanghuhusga ako o nag iisip ng masama pero
bakit di ito sinabi ni Jacob sakin? Sino ang babaeng iyon at bakit nasa bahay siya
ni Jacob?

"Baka relative." Nabasag yung boses ko.

"Ewan ko. Di ko kilala eh. Pero seryoso silang nag usap. Uh... actually, niyakap
niya yung babae, Rosie."

OH MY GOD! Pinaypayan ko ang mukha ko. Baka sakaling bumalik yung luha kong namumuo
sa mga mata.

Bakit naglilihim si Jacob sakin? Bakit siya magsisinungaling? At sino yung kayakap
niya? Totoo ba ang sinasabi ni Callix? Sino ang paniniwalaan ko?

OH MY GOD!

Kabanata 63

Bakla Ako
Buong araw akong di makapag-isip ng mabuti dahil sa babaeng kayakap ni Jacob. Totoo
kaya yung sinabi ni Callix? Bakit hindi binanggit ni Jacob sakin yun? Alam kong
dapat magtiwala ako kay Jacob. Yun ang kulang saming dalawa. Iniwan niya ako noon
dahil wala siyang tiwala sakin at kung iiwan ko siya ngayon para dito, iiwan ko
siya dahil ako naman ang walang tiwala sa kanya.

"Jacob," Nilapitan ko si Jacob nang nagkasalubong kami.

Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ako.

"Oh, Rosie? Tapos na ba klase mo?" Tanong niya sabay tingin kay Karl na nasa
likuran ko.

Sumimangot siya agad nang nakita si Karl. Binalewala ko yun dahil may bumabagabag
sa isipan ko sa ngayon. Mabigat ang damdamin ko dahil dun.

"Oo eh. Tapos na." Sabi ko.

"May pasok pa ako eh." Ngumisi siya. "Movie marathon na lang kaya tayo sa bahay
niyo?" Tanong niya.

Umiling ako at di man lang ngumiti sa anyaya niya.

Nakita kong nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid. I'm sure naiinis na naman
sila sakin dahil kausap ko si Jacob. Pero wala akong pakealam sa kanila ngayon.
Kailangan kong maliwanagan.

"Jacob... uhmmm."

"Hmmm?" Nakangiti parin siya nang tinitignan ako.

Nasa likuran niya sina Leo. Kahit na nag-uusap ang mga kabanda niya, nararamdaman
ko paring nakikinig sila.

"Kailan kayo nag usap ni Callix?"

Nalaglag ang panga niya.


Ilang sandali pa siya bago nagsalita...

"Uhm... Kahapon ng umaga."

Napahinga ako ng malalim, "Bakit? Hindi ba kayo nag usap nung Sabado?"

"Hindi eh." Napalunok siya at di na makatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pagod na kasi ako nun eh. Dami kasing pumunta sa gig." Di siya makatingin sakin.

"Ahhh. Ganun ba?" Pinilit kong ngumiti. "Sige, uwi na ako ah? La na kasi akong
pasok eh..."

"Huh? Sasamahan na kita. Mag momovie marathon-"

"Wa'g na! Okay lang naman. Nandito naman si Karl." Sumulyap ako kay Karl.

Nabigla si Karl pero hinila ko parin siya palayo kina Jacob. Hindi ko na kasi
mapigilan ang sarili ko.

LIAR!

"Karl, I'm sorry. May pasok ka pa diba?" Pinunasan ko ang luha ko.

Umiling si Karl nang nakita ako, "Di bale, lika, umuwi na tayo sa inyo..."
Hinawakan niya ang kamay ko at siya na mismo ang naghila sakin.

Umiling ako, "Wa'g... Alam kong pupunta dun si Jacob. Pwedeng sa ibang lugar?"
Tanong ko.

Tumango siya.

"Karl, I'm sorry for being so selfish. Alam kong may pasok ka pa..."

"Rosie, hindi naman ako araw-araw na nag aabsent para sayo. Wa'g mo ng aalalahanin
yun."

Pumasok ako sa sasakyan niya at dinala niya ako sa isang overlooking na cafe.

Umiiyak parin ako habang lumalabas sa sasakyan niya.


"Sinungaling!" Sabi ko.

Tahimik lang si Karl habang nakikinig sakin.

"Napaka sinungaling niya, Karl! Sinubukan kong mag tiwala pero sht! LIAR!" Sabi ko
habang tumitingin sa buong syudad.

Tumango si Karl at nakinig lang.

"Karl, tama naman yung ginawa ko diba? Tinanong ko siya. Sinagot niya ako.
Nagsinungaling siya. Sht!"

"Rosie, yung cellphone mo..." Sabay turo sa bag ko.

Kanina pa pala tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong si Jacob ang tumatawag. Agad
kong pnatay ito at nagsimulang umiyak ulit.

Nag order si Karl ng pagkain at kape para sakin. Umiiyak ako at wala akong pakealam
sa mga tingin ng waiter sakin dito.

"Rosie..." Sa wakas ay nagsalita na ulit siya. "Hindi kaya natatakot lang si Jacob
na sabihin sayo ang totoo?"

Tinitigan ko si Karl na parang siya ang may kasalanan.

"I mean... Di kaya wala naman talagang nangyari kaya di na importante kung pag
usapan?"

"Karl! Kailangan kong malaman ang lahat. May nangyari man o wala. Honesty. Yun ang
gusto ko sa relasyon namin. Yun yung sumira noon, Karl. Dapat malaman niya yun."

Tumango si Karl, "Sa bagay. Kung wala naman talagang nangyari, dapat di siya guilty
kung sabihin niya yun sayo."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Parang mas lalo akong nasaktan ngayong pati si Karl
ay nag give up na kay Jacob.

Alas syete na at tulala parin ako sa city lights ng syudad. Hindi parin ako
makapaniwala sa pagsisinungaling ni Jacob. Ayokong isipin. Gusto kong kalimutan.
Kaligtaan ang detalyeng ito at magsimula ulit. Na naman. Kasi ayokong mawala siya.
Kasi walang makakapag pa-ayaw sakin kay Jacob ngayon. Wala na. Pero alam kong di
dapat ganun. Kalimutan ko man yun ngayon, mauungkat lang ulit yun balang araw.

"Uwi na tayo." Sabi ko kay Karl.

Tumango siya at tumayo.

Umalis na kami sa cafe. Kinakabahan ako nang papalapit na kami sa bahay. Buti na
lang at wala yung Ford Ranger ni Jacob. I mean... Nasaktan ako na wala yung
sasakyan niya. Tangina. Baka naman kasama niya na naman ang babaeng kasama niya
nung isang gabi? Oh my god! Hindi ko na alam kung anong mas maganda... yung nandito
ang sasakyan niya o wala.

Let's face it. Wala yung sasakyan niya kaya wala siya.

Napaiyak ako nang nag park si Karl sa tapat ng apartment.

"Thanks, Karl." Sabi ko.

Tinapik niya ang likuran ko.

Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya at humagulhol na sa iyak.

"Rosie, magiging okay din lahat." Hinaplos niya ang likuran ko.

"Karl, paano magiging okay? Nagsinungaling siya sakin. Ayaw kong pilitin siyang
sabihin sakin ang totoo. At natatakot ako. Paano kung-" Di ko masabi.

Kasi alam ko kung sino yung babaeng yun. Si April! Sigurado akong si April yun!
Siguradong-sigurado!

"Reresbakan natin yung babaeng yun kung sino man siya." Sbai ni Karl.

May biglang kumatok sa bintana ni Karl. Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at


nakita kong si Jacob ang nasa labas. Oh my gosh! Nandito siya? Napatingin ako sa
likuran at nakita kong kakarating lang niya. Kakapark lang ng sasakyan niya sa
likuran ng sasakyan ni Karl.
"Rosie..." Nanlaki ang mata ni Karl. "Galit siya."

"Akong bahala." Sabi ko at lumabas sa sasakyan.

"Rosie..." Pumungay ang mga mata ni Jacob.

Tinignan niya ako tapos si Karl, tapos ako ulit, tapos si Karl.

"Rosie... nawala ka ba sakin?" Nabasag yung boses niya sa dulo.

Napaiyak ako sa tanong niya.

"Jacob, magsabi ka sakin ng totoo." Sabi ko. Tinitigan ko siyang mabuti.

Yumuko siya at napabuntong-hininga.

"Jacob... magsabi ka ng totoo. Sino ang babaeng nasa bahay niyo nung Sabado?"

Nanlaki yung mata niya.

"Si April." Suminghap siya. "Sorry, Rosie pero hindi ko kayang mawala ka sakin."
Umiling siya.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Mawawala ako sayo, Jacob kung di mo sasabihin sakin ang lahat-"

"Pumunta si April sa bahay namin. Lumayas siya sa kanila. Itinaboy ko siya pero,
Rosie, wala siyang mapuntahan. Gabi na nang naabutan ko siya sa bahay. Tinawagan
ako ni Manang pagkatapos ng gig para sabihin na nasa labas si April. Buntis siya,
Rosie."

OH MY GOD! Ewan ko na lang kung nasaan ang panga ko dahil hindi ko na talaga
maramdaman ang pagbalik niya sa mukha ko.
Oh my god! April? Pregnant? Si Jacob ang ama?

OH MY GOD!

No. Freakin. Way.

"Rosie, kasalanan ko 'to. I'm sorry. Pero tinaboy ko siya-"

Sinampal ko si Jacob. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.

"Rosie!?" Basag na basag na yung boses niya nang tinawag ulit ako.

Narinig kong bumaba si Karl sa kotse para yakapin ako.

"Karl!" Sigaw ni Jacob. "Bitiwan mo si Rosie!" Tinulak niya si Karl.

Kumunot ang noo ni Karl sa pagkakatulak ni Jacob.

"Nag aaway lang kami. Hindi niya ako iniiwan kaya wa'g kang makealam!" Sigaw ni
Jacob kay Karl.

"Anong sabi mo Jacob? you just lost me! Forever!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Rosie... Rosie... Rosie, bakit?" Hinuli niya ang titig ko.

Di ako makatingin sa kanya.

"Umuwi ka na dun kay April! Dun ka nababagay! Sht! I hate you!" Sigaw ko.
I swear sira na ang vocal cords ko!

Tumawa si Jacob at niyakap ako, "No... Rosie... Hindi."

Sinuntok ko ang matigas niyang dibdib. Malakas. Pero di siya natinag.

"Roseanne Aranjuez, for God's sake hindi ko yun anak! Walang nangyari samin ni
April! Wala! Rosie!"

Oh my godness! Napaiyak ako lalo dahil sa sobrang relief nang narinig ko yun sa
kanya. Nanghina ako sa yakap niya. Humagulhol ako sa iyak sa balikat niya. Mas
lalong humigpit ang yakap niya sakin. Hinaplos niya ang buhok ko. Kinalas niya ang
pagkakayakap niya sakinpara punasan ang luha sa mga mata ko.

"Hindi ko yun magagawa sayo. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko sinabi sayo yun dahil
hindi importante at natatakot akong magduda ka kahit wala naman talaga. Tinulungan
ko lang si April ng isang beses. Pinauwi ko na sa kanila kinaumagahan. Yun lang
yun. Galit ako sa kanya, Rosie dahil sa ginawa niya satin... pero hindi ko siya
maitaboy mag isa sa kalsada nang walang pera, pagkain ngayong buntis siya."

Tinitigan niya ako. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

"Tignan mo ako, Rosie..." Hinuli niya ang titig ko.

Nang sa wakas ay tinignan ko na siya...

"Bawiin mo lahat ng sinabi mo, please. Dahil natatakot akong mawala ka ulit sakin.
Please, sabihin mong mahal mo ulit ako. Sabihin mong di mo ako iiwan. Please."

Nanginginig pa ang lalamunan ko dahil sa nangyari. Hindi ako makapagsalita.

"Damn!" Napapikit siya nang narealize na hindi ako magsasalita.

Hinalikan ko na lang siya dahil ayokong mabigo siya. Kanya parin ako. Sht! Alam
kong kahit nabuntis niya si April, mamahalin at mamahalin ko parin siya. Iiwan ko
siya dahil hindi ko yun matatanggap pero sigurado akong kanya parin ako!

He kissed me back.

"Ermmm. Uhm, Rosie, uwi na ako ah? Di na yata ako kailangan dito." Sabi ni Karl sa
gilid.

Tumigil si Jacob sa paghalik sakin.

"Bakit mo siya yinakap kanina, Karl?" Seryosong tanong ni Jacob kay Karl.

"Huh? Excuse me? Siya yung yumakap sakin, hindi ako." Umirap si Karl.

Kumunot ang noo ni Jacob at naglakad papunta kay Karl.

Nakita kong bumilis na ulit ang paghinga niya. Galit na ulit siya.

"Jacob!" Sa wakas ay nakapagsalita ako kahit nanginginig na.

"Oy! Oy! Oy! ano?" Umatras si Karl at pumikit.

Nagreready na yata sa suntok ni Jacob. Hinila ko si Jacob palayo kay Karl.

"Langya! Bakla ako! Wa'g mo lang akong suntukin, Jacob!" Sigaw ni Karl habang
nakapikit.

"Huh? Ano ngayon kung bakla ka!? Lalaki ka parin kaya wa'g mong mayakap-yakap si
Rosie kasi akin siya!"

"Shet, Rosie! Wala palang kwenta ang pag amin ko!" Sigaw ni Karl, nakapikit parin.

"Jacob! Tama na!" Napabuntong-hininga si Jacob at tumingin sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Harmless si Karl. Bakla nga siya, diba?" Sabi ko.

"Hindi ako naniniwala! Nagloloko lang yan para makachancing sayo! At kung totoo man
na bakla siya, wala akong pakealam, lalaki parin siya kaya dapat di ka niya
hinahawakan ng marurumi niyang mga kamay."

Sa wakas at dinilat na ni Karl ang mata niya.

"Langya. Makaalis na nga dito, Rosie. Langya naman 'to." Umiling si Karl at umikot
sa kotse niya.

"Karl! Sorryyyy! At... salamat! Mag uusap tayo soon. Itetext kita. Sorry!" Sigaw
ko.

Kumaway siya sakin. Kailangan kong itatak sa kokote na kailangan pang mag sorry ni
Jacob sa kanya sa susunod na magkita sila.

"Rosie, punta tayo ng Alegria." Sabi ni Jacob nang nakaalis na si Karl.

SPG: Sa kalandian. hahaha!

--------------------------------------

Kabanata 64

Wa'g na Lang

"Pupunta tayo dun para makita nilang hindi nila tayo kayang paghiwalayin. Kailangan
nilang malaman na pagkatapos ng paninira nila, tayong dalawa parin. Na walang
makakapigil satin." Sabi ni Jacob.

Nakumbinsi niya akong pumunta ng Alegria pagkatapos ng finals namin. Paparating na


rin kasi ang birthday niya. Nagpapa-party yung daddy niya tuwing birthday niya kaya
kinailangang umuwi. Gusto niyang isama ako saan man siya magpunta.

Driver nina Jacob ang naghatid samin sa Alegria. Siyam na oras ang papunta doon
kaya mahaba-haba kaming nakaupo sa likuran.

Inanyayahan namin si Maggie at James na pumunta pero busy sila kaya kami lang
dalawa ni Jacob.

"Rosie..." Sumandal si Jacob sa balikat ko.

"Hmmm?"

"Ang bango mo talaga." Inamoy niya ang leeg ko.

Kinurot ko na at sumulyap sa driver. Kainis ang pagiging PDA nito.

"Aray!"

Napangiti ako.

"Ito naman oh, naglalambing lang naman ako. Lagi na lang tayong nag aaway eh
kailangan ng lambing." Aniya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Kainis talaga! Bakit natatawa talaga ako sa
kanya? Haaaay!

Yinakap ko siya pagkatapos kong tumawa. Mahal na mahal ko talaga siya, sobra.
Natakot ako nung huling away namin. Akala ko siya ang ama ng pinagbubuntis ni
April. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ako readyng iwan siya. Kung sakaling
mangyari ulit yun, ewan ko na lang.

Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ngumisi sa ginawa niya.

"Pinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako uuwi ng Alegria kung hindi kita
kasama." Bulong niya sa leeg ko.

"Eto na nga diba, kasama mo na ako." Napangiti ako.

"Pakasal na tayo, Rosie? Tingin ko magkakaheart attack na ako kung may humadlang o
may mangyari pang masama eh." Aniya.

"Hmm? Ayoko! Bata pa tayo. Marami pang mangyayari. Mag aaral pa ako."

Kumalas siya sa pagkakayap niya sakin at itinaas ang ulo para magkatinginan kami.

"Ano pa bang pwedeng mangyari? Ayoko na. Gusto ko na lang mamuhay kasama ka. Yun
lang. Wala ng mangyayari. Baka mamaya makahanap ka pa ng iba. Baka mamaya kayo pala
ni Karl. Baka mamaya may makilala kang iba. Rosie, hindi ka ba natatakot?" Tanong
niyang seryoso.

Napatawa na naman ako. Ang cute niya talaga.

"Jacob, natatakot din. Na baka ikaw naman ang makahanap ng iba. Baka makabuntis ka
ng iba-"

"Ba't ako makakabuntis eh ikaw lang naman ang gusto kong pagurin sa kama. Edi sure
na na ikaw yung mabubuntis dito!"

Napaface-palm ako at sumulyap sa driver. Godness! Hindi ko alam kung nagpapanggap


ba siyang hindi siya nakikinig o may rule silang hindi pwedeng mag react sa mga
naririnig.

Sinapak ko si Jacob.

"Oh bakit? Totoo naman ah? Buti nga pumapayag pa ako na ayaw mong magpabuntis eh.
Kung makita kong may iba ka ng kinahuhumalingan, sisiguraduhin kong mabubuntis ka
na talaga! Hmp!"

Hinalikan ko na lang siya. Nakakatuwa talaga siya. I mean, hindi nakakatuwa na


bubuntisin niya daw ako. Pero natutuwa ako dahil natatakot siyang mawala ako sa
kanya. Natutuwa ako kasi ang cute niya, palagi. Natutuwa ako kasi mahal niya ako at
mahal na mahal ko rin siya.

Is this even possible?

Sa lahat ng nangyari saming dalawa, hindi ako sigurado na posible palang mamuhay
kami ng tahimik ni Jacob. No heated fights. No drama.

"Rosie," Sabi ni pagkatapos ko siyang halikan.

Gumagapang na ang kamay niya sa halos lahat ng nakakakiliting part ng katawan ko.

"Sana pala ako na lang yung nagdrive para pwedeng tumigil muna tayo at..." Ngumiti
siya.

Uminit ang pisngi ko.


"Tapos dito tayo sa likuran. Sige. Next time." Humalakhak siya sa tenga ko.
Previous Page

Tumindig yung balahibo ko sa ginawa at sinabi niya. At na realize na tama siya,


sana nga ganun ang nangyari. ARGH! JACOOOOB! Ang bad influence niya talaga sakin.
My gosh!!!

Nang nakarating na kami sa Alegria, pinili kong bumisita muna kay Auntie Precy.

Biglang bigla si Auntie Precy nang nakita niyang magkasama kami ni Jacob. Siguro sa
loob ng isang taon, nalaman niya rin talaga kung ano ang tunay na nangyari saming
dalawa. Nalaman niya rin siguro ang nangyari sa video na yun.

"Paanong... Bakit... Hindi ba...?" Suminghap si Auntie Precy.

Si Jacob, nasa likuran ko habang tinitignan kami ni Auntie Precy.

Napabuntong hininga siya at, "Nagkaayos na kayo."

Tumango kaming dalawa ni Jacob. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

Tinignan ito ni Auntie Precy at parang natulala na lang siya sa braso ni Jacob.

"Okay." Napaiyak si Auntie Precy.

Hindi ko alam kung bakit.

"Auntie? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko.

Nagpapanic na kami ni Jacob.

"Wala. Sorry, Rosie." Itinaas niya ang kamay niya samin. Pinunasan niya ang luha
niya at ngumiti. Itinuro niya ang braso ni Jacob sa baywang ko, "Ganyan din siya,
noon."
Hindi ko alam kung bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko sa sandaling
iyon. Siya. Meaning si Don Juan Antonio, ang daddy ni Jacob.

"At buti na lang hindi talaga kami nagkatuluyan, para sa inyong dalawa." Niyakap
niya kaming dalawa ni Jacob at mas lalo siyang humagulhol sa pag iyak. "Magpakasal
na kayo! Ayokong magkahiwalay na naman kayo. Pag nagkahiwalay kayo, magsisisi ako."

Hindi ko alam kung bakit siya magsisisi pero alam ko, noon pa, na sising-sisi siya
sa nangyari sa kanila noon. Pero ako? Hindi ako nagsisisi. Hindi sila nagkatuluyan
ni Don Juan kaya ipinanganak si Jacob. My god, hinding hindi ako magsisisi.
Magpapasalamat pa ako! Sorry Auntie Precy pero tingin ko ganun din ang tingin niya.

Nang dumating na kami sa bahay nila, sinalubong kami ng mga katulong at ng daddy
niya.

"Welcome home!" Ngiting-ngiti ang daddy niya habang niyayakap si Jacob. "Kailan ang
kasal?" Dagdag niya.

"Ewan ko, pa. Siguro, buwan-buwan kong tatanungin si Rosie baka sakaling magbago
ang isip niya. Ayaw niya pa kasi eh."

Tumawa ang daddy ni Jacob at tumingin sakin para yakapin ako.

"PA!" Sigaw ni Jacob nang niyakap ako ng daddy niya.

"Hmmm?" Kumalas agad ang daddy niya at tinignan si Jacob.

Tumawa na lang ako kasi galit na naman siya. Grabe! Ang seloso talaga nito! Pero
ang cute niya talaga!

"Hindi pwedeng yakapin si Rosie, sakin lang siya pwedeng yumakap." Sabay hila ni
Jacob sa kamay ko.

Tumawa ang daddy niya, "Sige ka, Jacob. Pag masyado kang seloso, maghahanap si
Rosie ng iba. Yung hindi." Kumunot ang noo niya bago kami tinalikuran.

"ANO?" Sabi ni Jacob at hinarap ako.


"Ano?" Tanong ko habang tinitignang umaalis ang daddy niya.

"Maghahanap ka ng iba kung masyado akong seloso?" Napalunok siya.

Napatingin ako sa daddy niyang naglalakad papunta yata ng kitchen nila. "Hindi
naman."

Siguro ay ganun yung nangyari sa kanila ni Auntie Precy? Nagcollege si Auntie Precy
sa Maynila, maraming lalaki doon kaya paniguradong nagseselos si Don Juan. Sobra-
sobra siguro ang pagseselos niya kaya iniwan siyang tuluyan ni Auntie. O baka nung
dito pa sila sa Alegria, seloso na si Don Juan? Ewan ko pero may feeling akong mejo
ganun nga ang nangyari. OMG!

"Rosie? Maghahanap ka ng iba? Si Karl? Sino?"

Sinuntok ko ang dibdib niya. Masyado talagang matigas. Argh! Uminit ang pisngi ko
nang naisip ko yung abs niya. "Bading si Karl. Kailan ba yan papasok sa utak mo?"
Tanong ko. "Tsaka din ako maghahanap ng iba. Seloso ka at isa yan sa dahilan kung
bakit nagustuhan kita." Yinakap ko siya.

Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ko.

"Kailangan lang talaga natin ng trust. Magtiwala ka na ikaw lang ang mamahalin ko
at magtitiwala din ako na ako lang yung sayo." Sabi ko.

"May tiwala ako sayo, sa mga taong nakapaligid sayo ako walang tiwala." Aniya.

"Ows?" Natawa ako sa sinabi niya. Talagang wala siyang tiwala maging sa daddy niya?

Humikab siya at, "Rosie, pagod ako sa byahe. Pahinga muna tayo sa kwarto." Ngumisi
siya.

Kinurot ko na naman siya. Alam ko na naman kung anong klaseng 'pahinga' ang gusto
niya.

Hay! Ang manyak talaga nito!

Pumayag naman yung daddy niya na sa kwarto niya kami matulog, the whole time na
nandito ako. Hindi ako pumayag, sinabi kong kina Auntie Precy ako tutuloy. Kaya
ayun at malungkot si Jacob. Bakit daw ayaw ko. HAHA! Tama na at baka magbago ang
isip ko. Gusto ko naman eh pero tingin ko ito ang tamang gawin.

Tama! Ganun yun! Minsan, may mga gusto ka pero alam mong di tama. Kailangan mong
sundin kung ano ang tingin mo ay tama kahit na hindi mo yun gusto. Tutal, kung para
sayo talaga ang isang bagay, mapupunta yan sayo kahit anong iwas ang gagawin mo. At
kung hindi naman yun para sayo, kahit anong pagkakamali ang gagawin mo para lang
dun, hindi talaga yun mapapasayo.

At least sa lahat ng nangyari, may natutunan ako. Worth it lahat. Worth it na


nagkasakitan kaming dalawa kung sa huli ay kami parin.

Umiling ako nang nabuksan ko ang box na puno ng condoms sa kwarto niya.

"JACOOOOB!" Sigaw ko.

"Bakit?" Galing siyang banyo para maligo.

Nakatuwalya lang at nakabalandra yung abs niya. Napalunok ako at tumingin na lang
sa box ng condom. Mas disturbing yata yung abs niya kesa sa box ng condom na 'to.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Condoms?"

"Bakit ang dami? Limang araw lang tayo dito tsaka wala naman akong planong makipag
ano sayo dito! Kahiya ka talaga!"

Dinala niya ito galing Maynila! Ang kumag talaga! grrr.

"Baka sakali lang namang maparami eh." Ngumisi siya at umupo sa kama niyang
hinihigaan ko.

Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang humindi minsan.

"Jacob, pumunta na tayo sa school. Gusto mong pumunta diba? Bisitahin na natin si
April." Sabi ko para madistract siya.

Pero wala yatang makakadistract sa kanya ngayon. Nakatingin lang siya sa labi ko
habang nagsasalita ako.
"Ang pula talaga ng labi mo, Rosie. Kahit walang lipstick. Lagyan kaya natin para
tanggalin ko?"

Okay. Parang kailangan ko na rin ng distraction. Gulay!

"Jacob!" Kumunot ang noo ko at tinulak ang basa niyang katawan.

"Wa'g na lang? Yung damit mo na lang kaya ang tanggalin ko?"

Kabanata 65

Celebrate

Nabigla ako nang nakita kong nandoon din sina Leo, Teddy, Louie at Ron sa sumunod
na araw.

Ang lalaki nang ngiti nila nang nakita akong palabas ng kwarto ni Jacob. Maagang
maaga pa kasi kaya siguro akala nila dito ako natulog.

Umiling ako, "Naliligo pa si Jacob."

Mas lalong lumaki ang ngisi nila. Nagsisikuhan pa ang mga ito habang naka upo sa
sofa nina Jacob.

"Di ako dito natulog ah?! Maaga lang akong pumunta dito." Sabi ko kahit na umiinit
ang pisngi.

Sorry na. Sobrang tindi lang talaga ng epekto ni Jacob sakin kaya minsan nawawala
ako sa sarili ko.

"Okay. Defensive masyado." Sabi ni Leo at ngumisi na naman.

Uupo na sana ako sa tabi nila pero pinigilan ako ni Ron.


"Rosie, sa harap ka na lang. Basta lumayo ka ng konti." Aniya.

Pumula ang pisngi niya at di makatingin sakin. Nakita kong umiling si Teddy.

"Rosie, masaya kami na kayo parin talaga ni Jacob hanggang ngayon kahit ang dami ng
nangyari."

Ngumisi ako at tinignan ang mga mukha nila, isa-isa.

"Alam mo bang nasuntok kaming lahat ni Jacob nung wala ka?"

"Huh?"

"Oo." Sabi ni Leo. "Yung lokong yun! Konting asar lang nagwawala na eh nung bumalik
kang Maynila? Grabe. Tatlong beses niya akong nasuntok noon." Umiling siya.

"Sorry, Rosie pero tingin talaga namin noon, wala na siyang pag-asang makuha ka
ulit. Ang sama rin kasi ng ginawa niyang pagtataboy. Nasaktan siya dahil pinsan
niya si Callix. Nasaktan din siya nang narinig ang mommy mong interesado siya sa
pera nina Jacob kaya kinumbinsi namin siyang wa'g na siyang mangarap na magiging
kayo pa." Napalunok si Teddy. "Sorry, Rosie. Alam naming hindi ka ganun. Pero yun
talaga ang tingin namin sa mga panahong yun. Pinagsusuntok niya kaming lahat."
Sabay turo kay Ron. "Lalo na si Ron. Tapos si Leo."

"Buti na lang talaga at kayo ulit ngayon. Baka hanggang ngayon ay wasak pa yang si
Jacob. Halos mamatay yan sa kakainom noon." Sabi ni Louie.

Napalunok ako sa mga sinabi nila. Naiisip ko yung pag iyak ni Jacob sa labas ng
bahay habang lasing siya. Umuulan noon at halos magmakaawa na siya sakin matanggap
ko lang ulit siya. Sumakit ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan kung bakit hindi
ko siya agad tinanggap. Nabulag ako sa galit ko. Pero mabuti na rin yun para ma-
prove ko na talagang deserving siya sa chance na ibibigay ko.

"Rosie!" Tawag ng nakasimangot na Jacob sa taas.

Bumaba siya sa stairs nang nakita akong naka upo sa sala nila kasama ang mga
kabanda.

"Jacob, tayo na?" Sigaw ni Leo.

Nakipag-apir siya sa kanilang apat. Sarap tignan na loyal yung mga kaibigan niya.
Kahit na ang sama pala ng ugali ni Jacob nung wala ako, nandyan parin sila. Lumaki
talaga si Jacob na mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lumaki
ako na wala masyadong kaibigan, siguro hindi nila masyadong nagugustuhan ang ugali
ko. Pero ngayong nandito na si Jacob, hindi ako makapaniwalang may magmamahal sakin
ng sobra. Sa katauhan niya pa.

Tinalikuran sila ni Jacob para humarap sakin. Nakakunot ang noo niya.

"Akala ko saan ka na nagpupupunta. Hmmp!" Kinuha niya ang kamay ko at humarap sa


nakangising kabanda niya. "Tara!"

Sinalubong kami ng hiyawan sa school nila. Kahit hindi na nag-aaral ang batchmates
namin sa school na yun, sikat na sikat parin sila. Naghihintay sina Eunice at iba
pang kaklase namin noon.

Sabi ni Leo, nakiusap daw si Eunice sa principal kung pwede bang hiramin ang
covered court para makapagreunion kami. Hindi pumayag yung principal dahil labag
daw yun sa mga 'puclic schools' kaya binayaran niya na lang. Oo, mag ho-homecoming
daw kami ngayon. Sa isang community college daw nag aral si Eunice, sa kabilang mas
maunlad na bayan.

Kahit na di naman dapat ako kasali dito (kasi di ako gumraduate dito), dahil kay
Jacob, walang imik yung mga gustong mag protesta.

Tumayo silang lahat nang naaninaw ang buong banda. Sa hulihan, naghoholding hands
kami ni Jacob. Sabay-sabay ang paglaglag ng panga nilang lahat nang nakita kami ni
Jacob.

"Rosieee?" Sabi nung isang kaklase ko.

Nagbulung-bulungan silang lahat. Sumimangot si Eunice nang nakita ako pero


nagkibit-balikat na lang siya.

"I saw this coming." Aniya at sumulyap kay Leo.

Hindi mapawi ang bulung-bulungan. Pinalibutan ako ng mga kaklaseng babae at lalaki
para tignan akong mabuti. Nakalaglag parin ang panga nila nang nilapitan ako.

"Lanya! Sobrang ganda mo na! Sobra na talaga!" Sabi nung isang kaklase ko noon.
"Sayang at nagkabalikan kayo!"
Tinitigan siya ni Jacob at hinila niya ako palayo sa kanila.

"Halikan mo ako, Rosie at baka masuntok ko sila, isa-isa." Bulong niya.

Tumawa ako sa sinabi niya. Sumimangot naman siya.

"Ganda niya ba kamo? Sayang kasi nagkabalikan kami? Pagsusuntukin ko kayo-"


Tinakpan ko ang bibig niya.

Kahiya talaga 'tong si Jacob. Sumimangot pa siya lalo. Hindi niya man lang
tinitignan ang mga bumabati sa kanya. May isa pang nagbigay ng regalo.

"Jacob, gusto ko ako ang maunang magbigay ng regalo sayo. Eto oh." Pulang pula ang
pisngi ng batchmate naming iyon habang binibigay ang regalo niya.

"Thanks!" Kinuha ni Jacob at binigay sakin.

Hindi niya na ulit tinignan ang ibang tao. Buong atensyon niya nasa akin lang. Ang
sama-sama naman ng lalaking ito. Noon, ang bait niya. Binibigyan niya naman ng
atensyon ang mga tao, lalo na ang mga babaeng gustong makipagkaibigan sa kanya.

Tumili yung iba habang tinitignan siyang humahakbang papuntang first row ng mga
upuan.

"Gwapo mo talaga Jacob! I love you talaga!" Sigaw ng tatlong babae.

Alam ko. Maging sa Maynila ay pinagkakaguluhan siya kaya di ko talaga masisisi ang
mga taga Alegria.

"Mahal na mahal kita Jacob!" Sigaw nung isa.

Umiling ako habang tinitignan siyang nakatingin sakin.

"Hindi mo ba sila naririnig? Ang daming may gusto sayo oh? Sa Maynila hanggang
Alegria, ang haba ng buhok mo huh?" Tawa ko.

Sumimangot siya, "Asan?" Sabay tingin niya sa paligid.


Mas lalong tumili ang mga babae. Nakita ko ngang umiling si Leo. Halos sambahin
kasi si Jacob dito. Alam kong may mga nagkakagusto rin kina Leo pero iba talaga ang
dating ni Jacob sa kanila. Maging sakin. Kaya di ko sila masisisi.

"Di ako makapagconcentrate. Yung iniisip ko na naman ngayon ay ikaw, ako, atsaka
yung kama."

Binatukan ko na habang tumatawa siya.

"Jacob! Sht ka naman! Nasa gitna tayo ng homecoming niyo! Birthday mo bukas! Ano ba
yang pinag iisip mo at pinagsasabi mo? Kainis ka talaga!" Uminit ang pisngi ko.

Pinulupot niya ulit yung braso niya sa baywang ko at inilapit yung mukha niya sa
leeg ko. Sht! Tumindig ang balahibo ko. Natahimik lahat sa ginawa niya.

Tapos nag sigawan nang nakarecover. Oh my god! Masyado talaga siyang PDA! Kaloka!

"Hindi na kahoy yung bubuhatin ko ng nakahubad, Rosie. Ikaw na!" Tumawa siya at
iniwan ako sa upuan na nasa harapan nang tinawag na sila ni Eunice sa stage.

"Hello, Alegria!" Sigaw niya nang umakyat na siya.

Naghiyawan ang mga tao. Ako naman dito nagmumura habang inaayos ang sarili sa pag
upo. Sht! Jacob! Uwi na tayo! Dun na lang tao sa kama? Oh my godness!

"Namiss niyo ba kami?" Sigaw niya.

"OOOOOOO!" Grabe, halos mabingi ako sa sagot nila.

"Namiss rin namin kayo!" Sabi ni Jacob sa kanila. "Pinangako ko sa sarili ko na


hindi ako babalik kung di ko siya kasama kaya ngayon lang ulit ako nakabalik. Kasi
sa wakas, kasama ko na siya." Nakatingin siya sakin the whole time na sinabi niya
yun.

Dinumog na naman ako ng batchmates namin. Todo na lang ang ngiti ko habang
nginingitian nila ako. I swear may umiyak pa doon.

Syempre, nakita nilang lumaki si Jacob. Akala nila ay isa sa kanila ang
magugustuhan niya pero mali kasi nung dumating akong bigla, sakin siya agad
nahulog. Masakit siguro yung naramdaman ni April. Sa kanilang lahat, si April ang
pinakaclose sa kay Jacob. Umasa siyang sa kanya mahuhulog si Jacob dahil ang bait-
bait ni Jacob sa kanya, pero nang dumating ako, biglang nawala si Jacob sa kanilang
lahat. Buong atensyon niya, nakabuhos sakin. Kaya maiintindihan ko kung hindi nila
yun matanggap ng tuluyan. Dumating lang kasi ako para kunin si Jacob sa kanilang
lahat.

"Rosie, buti naging kayo na ulit. Hindi mo nakita si Jacob nung 2nd term na umalis
ka na." Umiling sila.

Lumapit din si Eunice sakin at ngumiti.

"Jacob is back." Sabi niya. "As in... really back."

Tumango ang mga babaeng nakatingin sakin.

Nasaan kaya si April?

"Kakanta kami, okay lang ba sa inyo? Tagal ko na kasing di nakakakanta dito!" Sabi
ni Jacob.

Ngumiti siya at kinindatan ako. Naghiyawan ang lahat.

"Ilan ang gusto niyo?" Tanong niya sa mga tao habang inaayos nina Leo ang mga
instruments nila.

"SAMPUUUU! LAHAATTTT!" Iba iba ang sigaw ng mga tao.

"Hmmm..." Sumimangot si Jacob. "Tatlo lang? Bibilisan ko ah? Di na kasi ako


makapaghintay na tumabi ulit sa kanya. Baka mabaliw ako pag natagalan ako dito."
Humalakhak siya.

Halos marinig ko ang pagbuntong-hininga nilang lahat. Sayang talaga si Jacob!


Sobrang in love na kay Rosie! Shettttt!

Shet ang swerte ko!


Kinanta ni Jacob ang mga paborito ko. Chasing Cars. Look After You. Whatever it
Takes.

Tulad ng sabi niya, tatlo lang talaga ang kinanta nila.

"Jacobbb! Mag artista kaaa!" Sigaw ng marami.

Tumawa na lang si Jacob at tinignan ulit ako.

"Ewan ko, gusto ko lang maging ama ng mga anak namin eh." Sabay turo sakin.

"OMG YOU'RE PREGNANT?" Sigaw ni Eunice.

Ayun! Dinumog na naman ako ng mga tao. May iilan na talaga akong nakitang umiyak.
Walang hiyang Jacob talaga! Tumatawa lang siya sa stage habang tinitignan silang
nagtatanong sakin (at hindi na niniwala sa sagot ko).

"Hindi ako buntis." Sabi ko ng pang isang milyong beses sa ika isang milyong
nagtanong sakin.

"Hindi po siya buntis, sorry Rosie. Baka mamaya iwan mo ulit ako."

Umiling ako habang tinitignang tumatawa siya. Crazy boy!

"Gusto ko lang samantalahin ang pagkakataong ito para sabihin sa inyo na mahal na
mahal ko si Rosie, hindi na mababawi. Sobrang hulog na ang loob ko sa kanya. Sana
wala nang humadlang saming dalawa tulad nang paghadlang samin last year. Gusto kong
malaman niyo na hinding hindi ko siya susukuan kaya useless yung paghadlang niyo
samin. Kung ayaw niyo sa kanya, wala akong pakealam kasi mahal na mahal ko siya. At
kung huhusgahan niyo siya, ako ang babanggain niyo."

Hindi ako makahinga habang sinasabi niya yun. Tulala lang ako sa mukha niya.
Seryosong seryoso kasi siya at tinitignan isa-isa ang batchmates namin.

"Sorry kung may nasaktan ako sa inyo last year. Sorry sa inasal ko. Sana makita
ninyo na I'm a better person when I'm with her." Ngumiti siya. "Birthday ko na ulit
bukas. You are all invited! Kita lang po tayo sa bahay namin. At sana humingi kayo
ng kapatawaran kay Rosie dahil alam kong hindi lang ako ang nagkasala sa kanya,
last year. Tayong lahat. Kasi hinusgahan natin siya sa video na yun. Salamat."
Alam ko kahit binabalewala ko lang kanina. May mga humihingi na ng tawad (example
si Eunice) bago pa nagsimulang mag salita si Jacob sa harapan.

"I'm sorry, Rosie!" Sabay yakap sakin ni Eunice. "Tanggap ko na ikaw na!" Tumawa
siya.

Marami ding yumakap sakin. Lalaki. Babae. I'm sure nagsisisi na naman ang kumag na
yun habang tinitignan akong niyayakap kahit nino. Pero bahala siya. Hanggang
simangot lang naman ang kaya niyang gawin eh pagdating sakin. Yinakap ko na rin
sila pabalik. I miss Alegria!

Gosh! Umaapaw na yung luha ko dahil sa yakap nila.

Nang kumalas ako sa huling yunakap, hinila ako ng nakasimangot na Jacob at yinakap
niya ako. Mukhang di niya na yata ako bibitiwan.

"Humingi ng tawad, hindi yumakap. Kainis!" Bulong niya sa tenga ko.

Hinarap niya ako at pinunasan ang luha.

"Si April?!" Narinig kong bulong ng mga nakapaligid samin.

Nag give-way sila sa nakangangang si April. Nakadress siya at nanlaki ang mga mata
niya nang nakita niya kami ni Jacob.

"Sorry Jacob!" Tumakbo siya at niyakap si Jacob.

Napasinghap ako. Sakit rin pala no pag may yumakap sa kanya ng ganun? Siguro
ganitong scene ang naabutan ni Callix sa bahay nina Jacob. Hinayaan ko na lang.
Gayung nakatitig ang mga mata ni Jacob sakin. Namutla siya at nagmukhang balisa.

"April, kay Rosie ka dapat magsorry. Sa kanya ka nagkasala." Sabi ni Jacob.


Kinalas ni Jacob ang yakap ni April. Humarap si April sakin. Umiiyak parin siya.

"Sorry, Rosie." Aniya. Di niya ako niyakap. "Hindi ko alam kung paano ka harapin.
Sorry talaga. Sorry sa video. Dahil doon nagkahiwalay kayo-"

"Okay lang, April. Wala akong pinagsisisihan. Yung video na yun ang nagpatunay
sakin kung gaano ako kamahal ni Jacob kaya salamat na rin doon."

Napalunok siya sa sinabi ko.

"Really... Okay lang lahat." Sabi ko.

Pinulupot ni Jacob ang braso niya sa baywang ko.

Tinignan ko ang tiyan ni April. Hindi pa naman ganun ka laki pero alam mo talagang
may dinadala siya. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang buntis nga siya.
Ang bait niya nung una kaming nagkakilala. I mean, parang di makabasag pinggan.
Paano nangyaring ganun?

"Sinong ama ng dinadala mo, April?" Tanong ko.

Napatingin lahat sa kay April dahil sa tanong ko.

Suminghap siya at magsasalita na sana pero...

"Suuus! Sasabihin niya na naman na si Jacob para masira ulit sila ni Rosie!" Sigaw
ni Eunice kung saan.

Umiling si April at umiyak ulit.

"Eunice, tama na yan." Sabi ko.

Napatingin ako kay Jacob. For the first time in history, hindi niya pinagtanggol si
April. Seryoso ang mukha niya nang nagkatitigan kami.

"Si... Randy..."
"Sabi na nga ba..." Sabi nung nasa likuran namin ni Jacob.

Lalong umiyak si April.

Sinong Randy?

"Yung anak na baliw ni Aleng Doleng?" May narinig ako. "Kaya nga eh. Lagi silang
magkasama eh. Naku!"

Unti-unti kong naaalala yung mga bilin ni mama sakin noon dito sa Alegria. May
sinabi nga siya saking wa'g daw makipagkaibigan yata sa anak ni Aling Doleng.

"Sorry talaga. Rosie, Jacob." Aniya at umiyak pa lalo.

Umiling na lang ako. Nang bumalik na ulit kami sa bahay nina Jacob...

"Ba't di mo pinagtanggol?" Bulong ko.

"Rosie, mahirap magpatawad basta tungkol sating dalawa, tungkol sayo. Matatagalan
pa bago ako magpatawad pero hindi ako sigurado kung makakalimutan ko ba yun."
Aniya.

"Hindi niya naman kasalanan. May gusto siya sayo kaya siniraan niya ako. Ganun yun.
Tapos naniwala ka pa."

Sumimangot siya, "Wala akong pakealam kung anong rason. Kaya nga iniingatan kita
ngayon para mapatawad ko na ang sarili ko diba? At mahal na mahal kita."

Pinaglaruan niya ang buhok ko habang nag iisip ako sa kawawang April na yun. Hindi
rin ako makapaniwalang maayos na ang lahat sa Alegria. Although, hindi ako sigurado
kung maayos ba sa Maynila at hindi ko parin nasasabi kina mama at papa ang
pagbabalikan namin ni Jacob, kontento na ako sa buhay namin sa ngayon.

Mag-aaral ako. Yun dapat ang unahin pero pwede ko namang pagsabayin ang pag aaral
at si Jacob, diba? At di naman ako kailangang mangamba ngayong alam kong mahal na
mahal ako ni Jacob. Alam kong maiintindihan niya yun. Masaya ako dahil kahit uhaw
siyang pakasalan ako, kaya niya paring respetuhin ang desisyon kong mag aral muna.
Kaya niyang maghintay.

"Hindi mo naman kailangang mag aral pa. Ako, mag aaral lang ako para makasama kita
araw-araw." Yun ang laging linya na pagnahihirapan ako sa school.
Umiiling na lang ako. Alam ko. Dahil sa yaman nila, kahit isang dosena pa ang anak
namin, kaya niyang buhayin yun. Pero gusto kong iprove sa lahat na kaya ko ring
tumayo sa sarili ko. Na hindi ko siya pinaibig para lang sa yaman nila (tulad ng
akala ng marami).

Ang daming masasamang nangyari samin ni Jacob, pero worth it naman sa mga masasaya.
That's whats going to happen kung magbakasakali ka... pwede kang mabigo, pero bakit
marami paring nagbabakasakali? Kasi worth it pag sumaya ka. Kahit ilang beses kang
mabigo, kung sasaya ka naman sa huli, hindi mo na yun iindahin. Kaya maraming
sumusugal. Kaya maraming nagbabakasakali.

"Rosie..." Bulong ni Jacob sa tenga ko habang sinasarado ang pintuan ng kwarto


niya.

"Jacob, manood tayo ng movie? O di kaya mamasyal sa Kampo Juan? Laki na siguro ng
improvement nun ano?" Sabi ko.

"Hmmm..." Hinila niya ako sa kama niya.

Umupo siya sa edge dun at pinaupo niya ako sa lap niya.

"Jacob!" Sigaw ko. "Hmmm?" Itinuro ko yung guitar niya. "Kantahan mo na lang ako sa
Kampo Juan. Parang hinaharana? Sige na..." Sabi ko para idistract siya. "Diba yun
ang hilig mo?"

"Ewan ko... Rosie... Parang iba na ang hilig ko eh..." Bulong niya.

Tumindig na naman ang balahibo ko. Ewan ko na talaga kay Jacob! Ang landi landi
nito.

"Jacob!" Sabay pigil ko sa kamay niyang gumagapang na sa dibdib ko.

"Rosie, alam mo ba anong araw ngayon?" Bulong niya sa tenga ko.

"Oo! Bukas birthday mo na. October 17 ngayon, October 18 bukas, birthday mo."

"Hindi. Anniversary 'to sa nangyari dun sa kubo." Ngumisi siya. Naramdaman ko yun
sa labi niya sa tenga ko.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Grabe si Jacob kung maka take note ng mga araw
eh.
"Tapos?" Napalunok ako.

"Celebrate naman tayo." Tuluyan ng gumapang ang kamay niya sa dibdib ko.

"Halos araw-araw ka namang nagcecelebrate!" Sabi ko.

Ngumiti ulit siya. "Kasi araw-araw karing akin. Dapat icelebrate din yun."

Hinuli niya ang labi ko para mahalikan na ako. Mababaliw na yata ako kay Jacob.
Sige. Gusto ko ring makita ang sparkling abs niyang basa sa sparkling sweat. Pero
ang totoo, ang hirap niyang pigilan minsan. Errr.

Maraming salamat at nakaabot po kayo dito. SPG:Lengahe, sexual. hehe

Maraming salamat readers! Mahal ko lahat ng nagbabasa ng story na to. Sorry sa


daming typo at iba pa... tsaka sa mga umaasang baka malaman nila kung anong sumunod
na nangyari, pasensya at mabibigo kayo. Pinili kong ganito iend ang story na to
dahil mahal ko si Jacob at ayoko ng closure. hahaha. sorry na. Abangan niyo sana
next stories ko.

---------------------

Pangwakas

"Leo, anong pangalan nung pamangkin ni Auntie Precy Aranjuez?" Tanong ko kay Leo.

"HUH? Ewan ko. Rosie yata. Buti pa si Ron ang tanungin mo, crush niya yun eh."
Sabay turo niya kay Ron na pulang-pula ang pisngi.

"Ano, Ron?"

"Roseanne L. Aranjuez. Rosie for short."

"Crush mo yun?" Tumaas ang kilay ko.

Bakas parin sa dibdib ko yung tigkal ng putik na aksidente niyang nahagis sakin
kanina. Buti at nag s-swimming kami dito, niligo ko na lang sa shower yung putik.

"Maganda nga pero ang sama naman ng ugali." Sabi ko at inirapan sila. "Ang sama
niya kanina." Sabay tingin ko kung nasaan siya nakaupo.

Nakasimangot siya at pinaglalaruan ang buhok.

"Maganda din yung ate niya." Sabay turo ni Leo sa naliligong ate di umano nung
Rosie na yun.

Pareho silang maganda pero ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bunsong nakasimangot.

Ang pula ng labi niya at ang kinis ng kutis.

"Jacob..." Tawag ni Eunice.

"Hmmm?"

"Swimming ulit tayo? Tara!" Anyaya niya.

"Mamaya na." Sabi ko habang pinapanood si Rosie.

Sa unang araw ng eskwela, magkatabi kami ng mataray na babaeng yun. Bakit kaya
ganyan? Minsan talaga pinaglalaruan ka ng tadhana. Dahil alam ng tadhanang ayaw mo,
pagtatabihin pa talaga kayo.

"Aranjuez, Buenaventura" Sabay turo ni Mrs Gonzalo sa huling upuan na para saming
dalawa.

Malamya akong lumapit doon. Nagkatinginan kami ni Ron at Leo. Pareho silang
umiling. Alam nilang ayaw ko sa maarteng babaeng ito. Believe me, Ron. Crush mo
siya diba? Payag talaga ako kung magpalit tayong dalawa.

Napailing ako nang naamoy na ang pabango niya. Lumapit na siya at umupo sa tabi ko.

"Kung ayaw mo sakin eh mag protesta ka kay Mrs Gonzalo!" Pabulong niyang sinabi.
Mabilis na nagalab ang sistema ko. Kahit anong gawin ko, naiinis talaga ako sa
kanya. Ang yabang niya. Alam niyang maganda siya kaya nagtataray siya. Kaya ayaw ko
sa mga magaganda. Mas naappreciate ko yung plain at simple na mabait.

"Hindi naman ako tanga, alam kong wala akong pag-asa." Umirap ako sa kanya.

Ilang sandali ay nalaman naming partner din kami sa lahat ng activities. Kainis!
Hindi ko alam kung naiinis rin ba siya, lagi kasi siyang nakasimangot. Masyadong
mataray!

"Exchange tayo, pre! Gusto ko diyan!" Sabi ni Paul na kaklase ko.

May gusto rin siguro dito kay Rosie. Nagtatalo na naman kami. Talagang ayaw niya
rin sakin. Nang iinis eh.

"Eh yun naman pala. Edi ikaw na ang umapila doon. Kung di ka mag aapila dun, ibig
sabihin gusto mo akong makatabi... siguro nga may gusto ka sakin eh." Sabi ko.

Nakangiti siya pero alam kong inis na inis siya. Bakas yun sa kilay at mata niya,
"Binablackmail mo ba ako? Kay kapal din naman ng mukha mo para sabihing may gusto
ako sayo ah? For your information, yung ex ko sa Maynila, mayaman, may sasakyan at
hindi taga bukid!"

"So?" Seryoso ko siyang tinignan.

"So? Hindi ka kailanman papasa sa taste ko. Magkasalungat kayong dalawa kaya wa'g
ka ng mangarap." Sabi niya.

"Mangarap? Baka ikaw diyan yung nangangarap!" Napatawa ako sa sinabi niya.

Hindi mo siguro alam na akin ang pinakamalaking negosyo dito sa Alegria.


Imposibleng di ka pa nakakabili ng produkto namin! Hindi na ako makapaghintay na
malaman mong mayaman ako. Humanda ka!

"Gusto kong sumuka sa mga pinagsasabi mo." Aniya.

"Noong isang araw pa ako sumusuka pagnakikita kita."

Pinapagalitan kami halos araw-araw ng mga teacher. Akala nila close kami pero ang
totoo, nagbabangayan lang kami.
Sht! Hindi matanggal sa isipan ko yung sinabi niyang mayaman ang ex niya. So...
nagka boyfriend na siya? Ano naman kaya ang mukha non? Ayaw kong malaman pero
nabigla ako at nagkaboyfriend na siya sa sama ng ugali niya? Tapos pinapamukha niya
pa parati sakin na mahirap lang ako (kahit hindi). Natatakot tuloy akong sabihin sa
kanya ang totoo, baka magpakabait siya para maakit ako.

Gulat ako nang isang araw ay nakita kong magkaibigan na sila ni April. Mabait si
April kaya inaabuso iya ng mga estudyante, naaawa ako kaya pinagtatanggol ko siya
at tinutulungan. Nasanay na rin kasi akong tumulong sa mga nagtatrabaho sa negosyo
ng papa ko. Kaya tinutulungan ko rin ang papa niya.

Nagkatinginan kami nang binisita niya ako isang hapon sa school, kumakanta ako sa
club namin. Gusto ko talaga ang music. Sarap makinig at sarap kumanta. Tinitigan
niya ako nang nakakunot ang noo, bakas parin sa mukha niya ang galit, pero may kung
ano sa tingin niya at sa unang pagkakataon, kinakabahan ako habang kumakanta dito.

"Weh? Di mo alam eh close na close kayo ni April?" Narinig ko yung sarcasm or


bitterness sa boses niya nang tinanong ako.

Di ko siya masisisi kasi nakita niyang nag holding-hands kami ni April nung isang
araw. Hindi ko rin alam bakit naglahad si April ng kamay. Ang alam ko lang, hindi
ko alam kung paano ko tatanggihan ang kamay niya, kaya hinawakan ko na lang. Nakita
niya iyon at siguro ay yun ang punto niya sa sinabi niya ngayon.

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or


anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just
forget the world?" Kinantahan ko siya sa harap ng field.

Kaming dalawa lang ang nandito. Kakaalis lang ni April. Gusto kong i-prove sa
sarili ko na hindi ako kinakabahan nung una niya akong nakitang kumanta. Pero
nabigo ako kasi hanggang ngayon, kinakabahan parin ako. Pinagpapawisan at halos
manginig ang kamay ko habang nag s-strum ng gitara.

"Di mo man lang ba ako papansinin? Heto ako at nagpapapansin sayo at kinakantahan
ka at eto ka mukhang mas gugustuhin pang umupo dun sa kabila kesa dito sa tabi ko?"
Tanong ko nang nakita siyang mukhang di nakikinig at nakatingin lang sa malayo.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko.

"Magaling ka." Tumango siya.


"Yun lang?" Hinawakan ko ang pisngi niya.

Napatingin siya sakin. "A-Ano ang gusto mong marinig?"

Napatingin ako sa pulang labi niya. Siguro ang lambot ng labi niya. Siguro matamis
yung halik niya. Hindi ko alam pero bakit pinagpapawisan ako ng sobra ngayon at
bakit di ko maiwasang di tumingin sa labi niya?

Napalunok ako. Hindi pwede. Gusto niya ng mayaman, at pag nalaman niyang mayaman
ako... maaring magugustuhan niya lang ako dahil dun at ayaw kong mangyari yun.
Tumingala ako at nilagay ang kamay ko sa noo.

Sht! Kahit nakatingin ako sa araw, labi niya parin ang iniisip ko. Napahawak ako sa
dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito.

Nainis ako sa sarili ko nang sumali siya ng Ms Intrams. Ako yung nag suggest kay
Mrs Gonzalo. Nainis din ako kasi akala ko hindi niya yun tatanggapin. Iniisip ko pa
lang kung anong gagawin niya, naiinis na ako sa sarili ko.

Hinalikan ko siya sa inis ko... sa library. Walang tao. Akala ko pagkatapos ko


siyang mahalikan, mawala na yung attraction ko sa kanya pero nagkamali ako, mas
lumala yata.

Sa sobrang bilis ng paghalik ko sa kanya, hindi ko na matandaan yung pakiramdam ng


labi niya, gusto ko na lang ulitin ulit. Tangina! Naaadik na yata ako sa kanya.
First kiss ko yun pero alam kong hindi lang dapat ganun ang kiss.

Nang nakita ko na siya sa stage, hindi ko makontrol ang emosyon ko. Inis na inis
ako sa kanya. Paano siya nakakangiti diyan? Paano siya nagpapacute sa lahat ng tao?
Hindi pwede sakin yun!

Panay ang picture ni Ron sa kanya at iba pang lalaking may gusto sa kanya. Hindi
pwedeng ganun! Hindi pwedeng babasta-bastahin lang nila yung pagpipicture sa kanya.

"Anong problema mo, bro?" Tanong ni Leo.

Natauhan ako sa sinabi niya, "W-Wala."

"Kanina pa masama ang tingin mo sa kanila Ron ah? Makisaya ka naman! Ang ganda kaya
ni Rosie! Kinis talaga ng legs niya no? Yung hita alam mo talagang masarap- Bakit?"
Ginulo ko ang buhok ko at nagsikap na iwasan ang pagsuntok sa kanya.

Umatras siya nang nakita ang nag aalab na galit sa mata ko.

"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.

Napatingin naman siya kay April. Nagpatulong siya sakin kanina. Nanghiram ng jersey
kaya pinahiram ko. Pero hindi ko matignan si April kasi hinahanap ng paningin ko si
Rosie.

"Patingin!" Sigaw ni Louie sa kay Ron.

Pinagkaguluhan nila ang cellphone ni Ron na may mga picture ni Rosie.

"Patingin rin!" Sabi ko.

Napabuntong-hininga si Leo at binigay sakin ang cellphone.

Limang shots na si Rosie lang. Isang nakangiti. Isang whole body. Isang hita,
dibdib at legs niya lang. Dinelete ko agad ang tatlong sumunod na picture.

"Jacob! Anong ginawa mo?" Nagwala silang apat pero hinayaan ko na.

Mga bwiset! Ang mamanyak niyo!

Nanalo siya at maraming mas lalong humanga sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan
ang galit ko kaya napagbuntungan ko na siya. Nagalit din siya pero ganun dapat yun
diba? Ilang buwan ang nakalipas, lagi kaming nagtatalo, hindi pwedeng ngayon,
nanlalambot na ako sa kanya.

Nang nalaman niyang mayaman ako, nagwalk out siya. Hindi ko inasahan yung pag wa-
walk out niya. Natahimik din sina Leo at mukhang nalaman din nilang may gusto ako
kay Rosie. Wala akong pakealam.

Natauhan ako nang sinampal niya ako. Umiyak siya. Yun na yata ang pinaka masakit
kong nakita... ang makita siyang umiyak.

Sinundan ko siya papuntang bahay nila. Wala akong pakealam kung mabasa ako sa ulan,
ang importante mabalik ulit siya sakin, matignan niya ulit ako nang di umiiyak,
malaman niya lang na gusto ko siya, mabasa na kung mabasa...

At alam ko sa sarili kong kung gusto niya man ang pera ko, wala na akong pakealam
kasi gusto ko siya.

Bago ako nag birthday, nalaman kong mahal niya rin ako. October 17.

"Sorry dahil mahal din kita." Aniya.

Electricity na talaga siguro yung bumugso sakin. Galing paa hanggang ulo. Sobrang
saya ko. Akin siya. Sakin ang puso niya.

Hinalikan ko siya. Hindi ko mapigilan ang pag gapang ng kamay ko a buong katawan
niya. Gusto kong angkinin siya. Gusto kong markahan siya ng pangalan ko. Ayaw ko ng
magkahiwalay kami. Ganito pala ang feeling... yung feeling na gusto mo maging parte
siya ng buhay mo. Gusto mong lagi siyang nandiyan.

Pinigilan ko ang sarili ko sa kubo. Basang basa kaming dalawa. Bakat sa damit niya
yung hubog ng katawan niya. Yung bra niya, kitang kita ko na... Ang ganda ganda
niya talaga... at akin siya. Napailing ako at napapikit. Nag iinit na ako pag
naiisip kong gusto niya rin ako... mahal niya rin ako. Ibig sabihin iniisip niya
rin ang labi ko? Ibig sabihin iniisip niya rin ang mga halik namin? Hindi rin siya
makatulog sa kakaisip sakin?

"Ba't ka lumalayo sakin, Jacob? May problema ba?" Tanong niya habang umaatras ako
sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang init ng katawan ko.

"Jacob! Nafu-frustrate na ako, anong problema mo-"

Natatakot siyang may problema ulit kaming dalawa na ang totoo, "Ang problema ko ay
eto."
Tinulak ko siya sa bench at hinalikan. Yes! Eto ang gusto ko! Parang kanina ko pa
pinagbabawalan ang sarili ko sa gusto ko.

Napadaing siya sa halik ko.

Sheeeet! Ganun ang nagagawa ko sa kanya? Hindi ko na mapigilan talaga. Init na init
na ako.

Pinaghiwalay ko ang magkabilang legs niya at idinikit ko ang sarili ko sa kanya.


Kanina pa ako na tuturn on. Alam kong mali ito... Kung sasabihin niya sakin tumigil
ako ngayon din, titigil talaga ako pero kung dadaing siya palagi, hindi ko na
talaga mapipigilan.

"Jacob, baka mabuntis ako."

Mas lalo akong nag init. Oo, Rosie... yun lang talaga ang nasa isip ko ngayon.
Gusto kong mabuntis ko siya. Siya ang gusto kong makasama.

Itinaboy ko siya nung birthday ko dahil nalaman kong si Callix yung ex niya.
Sinungaling! Akala ko ako ang una niya. Shet! Yung pinsan ko pala? Wala bang ibang
tao dito sa mundo? Pinsan ko pa talaga?

Nasusuka ako habang iniisip kong nag shi-share kami ni Callix. Sabi ni Callix,
lahat ng naging ex niya ay nasubukan niya na. Ibig sabihin pati si Rosie? Hindi ko
kayang isipin na dumadaing at tinatawag niya ang pangalan ni Callix habang nag ka-
climax sila. SHT! Tangina! Naiiyak ako sa inis! Hindi ko masisisi si Callix!
Talagang nakakahalina si Rosie! Naiinis ako kay Rosie... kasi hindi niya sinabi.
Kasi nagsinungaling siya.

Tama kaya na itinaboy ko siya?

Binisita ko siya sa bahay nila. Di ako pumasok dahil alam kong galit parin siya
sakin. Pahuhupain ko muna ang galit niya tulad noong nagalit siya sakin, isang
buwan bago niya ako pinansin ngoon... baka mas mahabang panahon pa ang kailangan
niya ngayon. Galit din ako sa kanya pero tangina, mahal ko siya masyado na hindi ko
kayang magalit sa kanya ng matagal. Wala na akong pakealam kung sinabi ni Callix na
mahal niya pa yung huling ex niya na sigurado akong si Rosie. Wala din akong
pakealam kung nagsinungaling siya sakin na virgin pa siya, ang importante ay akin
siya ngayon.
"Jacob, kasi... bumalik na nang Maynila sina Rosie." Sagot ni Auntie Precy nang sa
wakas ay nagdesisyon akong puntahan siya sa bahay nila. Nabitiwan ko ang white
roses na dala ko. Pasukan na bukas ah?

"Kailan po ang balik niya?" Napalunok ako.

"Ewan ko. Sa Maynila na siya mag aaral eh. Nasa New Zealand kasi ang mama at papa
niya kaya balik Maynila na sila."

Hindi ako makapagsalita. Sigurado akong yun ang pinakamalaking pagkakamali sa buong
buhay ko. Ang pagtaboy sa kanya sa walang hiyang kadahilanan.

"TANGINA!" Sigaw ko pagkarating ng bahay. "PA! Mag hahighschool ako sa Maynila!"


Sigaw ko.

"Jacob, ano bang problema mo?" Tanong ni Papa.

Inaawat na ako ng mga katulong at guard namin sa bahay. Nakabasag na ako ng flower
vase pagkarating ko dito. Achievement nga na di ko binangga yung Hummer.

"Wala si Rosie! Umalis! Nasa Maynila! Pa! Mag Mamaynila din ako!" Sobrang
huramentado ang naramdaman ko.

Frustrated na ako masyado. Ilang linggo kaming di nagkikita at di nagkakausap. Sa


huling kita pa namin, itinaboy ko siya at sinampal niya ako.

Bullsht! Hindi pwede! Mamatay ako! Sht! Paano ako? Anong mangyayari sakin? Rosie!
Bakit mo ako iniwan!?

Ginulo ko ang buhok ko at dumiretso sa kwarto.

"Jacob, hindi pwede. Naka enrol ka na. Tsaka, kasalanan mo rin yan eh. Padalos-
dalos ka. Itinaboy mo siya kaya ayun umalis nga." Sabi ni Papa.

Sinuntok ko yung haligi ng kwarto ko. Dumugo na ang kamao ko. Kanina pa ako
sumusuntok ng mga matitigas na bagay. Sht! Rosie!
"Pa! Luluwas akong Maynila bukas! Sht! Wala akong pakealam kung ako naman yung
itataboy niya dun. Hindi madali, pa! Yung thesis namin? Yung upuan ko?! Lahat
isinisigaw ang pangalan niya! Paano ko matatapos yung thesis kung wala siya? At
kung yung mga pangungusap dun ay isinisigaw na kanya yun? Sht!"

Magmamakaawa ako sa kanya.

Naisip ko yung sa kubo. Hindi ako sigurado sa ginawa ko dun. Ang alam ko, tinanggal
ko yung akin bago ako nilabasan pero baka sakaling hindi yun tuluyang safe. God!
Sana nabuntis ko siya. Hindi siya pwedeng mawala sakin.

Sana nabuntis ko siya. Hahanapin ko siya bukas. Aabsent ako ng school. Kung buntis
siya, sigurado akong di pa yun halata sa ngayon kaya bibisitahin ko siya linggo-
linggo. Sana mabilis lumaki ang tiyan niya para agad akong magpakita.

"Sht! Di siya buntis!" Napamura ako sa sasakyan ko.

Isang buwan na ang nakalipas pero ang liit parin ng tiyan niya. Sht! Di siya
buntis? Hindi pa ako makakasiguro. Gusto kong magpakita sa kanya pero natatakot
ako.

"Hay! Ang ganda talaga ni Rosie, pre! Tingin ko talaga magkakabalikan na kami-"

Nailuwa ko yung beer na iniinom ko. Nag babar kami ng pinsan ko ngayon. Bukambibig
niya si Rosie. Langya! Kahit sino siguro! Naiinis ako tuwing naiisip ko yun. Talaga
bang may nangyari sa kanila?

"Hindi ko talaga makalimutan yung labi niya. Minsan kinakagat niya pa yun noon pag
hinahaplos ko yung dibdib niya. Tsk! Tinamaan talaga ako- Okay ka lang ba, Jacob?"

Sukang-suka ako habang nakikinig sa kanya.

"CR lang ako." Sabi ko at umalis na.


Hindi ko kayang makinig. Kinakagat ni Rosie yung labi niya. Sht! Please! Sana
nabuntis ko siya! Kinakagat niya ba yung labi niya kasi sarap na sarap siya kay
Callix? Walang hiyang buhay. I need to move on...

Hindi pwedeng ganito. Mahal ni Callix si Rosie at mamahalin din ni Rosie si Callix
soon.

Bumalik ako at nagpakalasing. Maraming kaibigang babae si Callix. Agad nila akong
naging kaibigan din. Nakapikit na ako sa kalasingan pagkatapos naming sumayaw ni
Grace.

"Jacob... alis tayo dito?" Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako.

Si Rosie ba 'to? Hinalikan ko rin siya. Hindi ito si Rosie. Fck! Kilala ko ang labi
ni Rosie at alam ko kung paano siya humalik. Pero ang labing iyon din ay humalik
kay Callix. Kinakagat niya pa nga ang labi niya diba? Kinakagat niya sa sarap!
Tangina!

Hinila ko ang buhok ni Grace at mas lalo kong binaon ang labi ko sa kanya. Narinig
ko ang hiyawan nina Callix.

Narinig kong nag moan si Grace.

"Sarap mo Jacob..." Hinalikan ko siya sa leeg.

Sana si Rosie ito.

"Jacob, alis na tayo dito."

Hinila ko siya. Nag iinit na talaga ako... Kay Rosie. Hinila ko siya palabas ng
bar, papuntang sasakyan ko. Dadalhin ko siya sa isang hotel at mag kunwaring siya
si Rosie.

Pumikit ako at sinimulan ang sasakyan.


Binaba niya ang zipper ko habang nag didrive ako.

"Jacob, hindi na ako makapag hintay... Bilisan mo naman." Aniya.

"Saan ang bahay niyo?"

"Huh?" Tanong niya.

"Bahay niyo. Ihahatid kita."

"Huh? Akala ko..."

"Hindi. Sorry. Di ko kaya."

"Pero hinalikan mo ako kanina. Nilasing mo ako sa halik mo, wa'g mong sabihing di
ka pa nag iinit sa lagay na yun?"

Kung nag init man ako kanina, dahil si Rosie ang iniisip ko. Sht! Kailan ko ba
matatanggal si Rosie sa isipan ko?

Gumapang ang kamay niya sa pants ko.

"Umuwi ka na, please!" Sinarado ko ang zipper ko at lumabas ng sasakyan para


pagbuksan siya. "Umuwi ka na. Inaantok na ako."

Kumunot ang noo niya. "Oh well, whatever! Next time?" Ngumisi siya.

Hindi ako makatingin sa kanya. Ilang beses pa yung naulit pero di ko maituloy.
Tanginang Rosie na yan! Kumakagat pa ng labi pag nasasarapan sa ginawa ni Callix!?

Nakakainis tuwing naiisip ko ang mukha niyang kinakagat ang labi niya. Pumipikit
din siguro siya sa sarap tulad ng ginagawa niya sakin?

PUTANGINAAAAAAAAAAAAAAAAA! BWISET NA BUHAY! SANA MAMATAY NA LANG AKO! ROSIE! SHT!

Lahat ng kanta ko bwiset kung hindi ako naiiyak, nasusuka ako. Para sa kanya lahat.
Lahat ng kanta ko nakakarelate kaming dalawa... o baka ako lang?

Langyang Rosie na yan!


Una kaming nagkita sa bar. Hindi ako makapagsalita sa ekspresyon niya sa mukha
niya. Hindi ko alam kung apektado ba siya o hindi. Sana umiyak siya. Nang malaman
kong minahal niya talaga ako. Pero hindi... sinayaw niya si Callix.

Sumayaw ako kay Grace at isa pang kasama niya pero nakatingin ako sa kanya. The way
she moves her hips... parang nag thu-thrust lang kay Callix. She's fcking killing
me... Yung pagkakagat niya ng labi habang tinitignan ako.

GALIT NA GALIT NA AKO. Pero pinipigilan ko para kay Callix. Gusto ko ng aminin sa
kanya ang totoong nangyari samin ni Rosie pero natatakot akong baka mas lalo pang
magalit si Rosie sakin.

Paano kung gusto niya na si Callix? At ayaw niyang umamin?

"Kanino mo pineke ang virginity mo, sakin o kay Callix?" Sigaw ko sa kanya nang sa
wakas ay nakapag usap na kaming dalawa sa loob ng CR.

"WALANG HIYA KA, JACOB!" Sinampal niya ako.

Lintek! Mahal na mahal ko parin siya! Lintek na buhay! Pagkatapos ng lahat! Lintek
mahal na mahal ko parin siya? Yung labi niya parin ang distraction ko? Yung mata
niya parin ang bumabasag sa puso ko? Yung iyak niya parin ang nakakapanlambot
sakin? Lintek na pagmamahal na yan!

"NAPAKAWALANG HIYA MO! HINDING HINDI KITA BABALIKAN!" Sigaw niya bago siya umalis.

Liar! Babalik ka sakin! Aakitin kita! Sakin ka magkakagat ng labi, Rosie! Sakin ka
lang magmamahal. Ako ang magiging huli mo... Masakit man yun sayo pero ako
talaga... Sisiguraduhin ko yan.

"Jacob, tama na! Hindi ka na niya babalikan. I hate to break it to you, pero
nagkamali ka lang talaga. Learn from your mistakes and move on-"

"Sht!" Sabay suntok ko sa kay Leo.

"Pare! Tama na!" Sigaw ni Louie.

"Wala akong pakealam! Kukunin ko kung anong akin!" Sigaw ko.

"Bro, baliw ka na. Hindi siya sayo..." Umiling si Teddy.

"Wala akong pakealam! Sa kanya lang ako magmamahal. Its now or never! Kaya hayaan
niyo ako!" Sigaw ko sa kanila.
Natahimik lang sila. Nakita kong umiling si Ron habang tinitignan ako.

"Oo! Alam kong gusto mo rin siya noon! Magkaibigan tayo pero wala akong sinasanto
diba? Ngayon, pati pinsan ko di ko sasantuhin-"

"Wa'g kang pakasigurado, Jacob. Paano kung di ka na niya tanggapin. Nasaktan mo


siya. Kaya nga umiyak siya diba?" Tanong ni Ron.

"Sinaktan niya rin ako pero lintek at mahal ko parin siya. Hindi ako papayag na ako
lang yung nagmamahal dito. Kung pwedeng magmakaawa ako sa kanya. Gagawin ko!"

Sabay-sabay silang umiling nang umalis ako. Hinalikan ni Callix si Rosie habang
tumutugtog ako sa harapan, talagang mag wawala ako.

Ang lamig lamig ko na sa kakahintay kay Rosie sa gitna ng ulan. Parang bading na
umiiyak habang umuulan. Langya talaga! Bakit ba ganito? Bakit pakiramdam ko, di
pwedeng hindi kami. Parang di ko malalagpasan ang buhay na 'to kung hindi kami ang
magkakatuluyan? Bakit ganito?

"Rosie, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin mapatawad mo ako. Sabihin mo
sakin kasi takot na akong magdesisyon ng kahit ano. Ayoko ng magkamali ulit. Ayoko
ng mawala ka ulit."

"Di na kailangan, Jacob. Kasi wala na ako sayo, noon pa." Aniya.

Grabe yung luha ko. Buti na lang at umuulan. Pula din ang mga mata ni Rosie.

"Rosie, Kilala mo ako! Alam mong di kita titigilan! Bakit di mo ako maharap?
Umiiyak ka ba? Mahal mo paba ako?"

Inanyayahan siya sa kasal ng ate ni Callix.

Nahalikan ko siya sa loob ng saakyan ko. Alam kong nandyan si Callix sa labas na
naghihintay samin pero binalewala ko. Lasing ako sa halik niya. Pumipikit siya at
ramdam na ramdam ko na mahal niya parin ako. May pag asa pa ako! Alam ko yun! Pero
kumalas siya nang kinatok kami ni Callix. Bullsht! Pati halik niya nagmamakaawa
ako? Konting oras lang nagmamakaawa na ako sa kanya.
Nanalo kami sa game ng reception. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana nang gagamitin
pa yung bibig sa pag soot ng garter sa legs niya.

Namula siya kaya nasiyahan ako sa ginawa ko. That's it, Rosie, ako yung mahal mo.
Sakin mo lang dapat yan maramdaman.

Nag outing kami dahil sa panalo namin ni Rosie. Nakakainis at sumama pa sina Callix
at yung Karl na yun na mukhang may gusto rin kay Rosie.

Nagwalk out nang bigla si Rosie habang nilalandi ako ni Belle.

Sinundan ko siya. Inaway niya ako. Sinumbatan. Pero sobrang saya ko dahil
nagseselos siya! Sobrang saya ko!

"OO! VIRGIN PA AKO NUN! TANGINA MO! Pinagtabuyan mo ako para sa wala! Sabi na sayo
virgin pa ako diba? Tangina ikaw ang nakauna! At ikaw lang ang may marka sakin!
Tangina mo di ka worth it!" Sigaw niya sakin.

WHAT? Wala na akong pakealam kung virgin pa siya noon o hindi pero talagang virgin
pa pala siya nun? Ibig sabihin ako lang talaga?

"Rosie!" Niyugyog ko ang balikat niya. "Wala akong pakealam! Wala akong pakealam sa
nangyari dati ang gusto ko ay yung ngayon... Gusto kong ibalik lahat! Please!
Sorry! Please... Huminahon ka." Sabi ko.

"Walang hiya ka! Anong klase kang pinsan!" Sigaw ni Callix at sinuntok ako.

Sige Callix! Mabuti na yang malaman mong kami ni Rosie ang para sa isa't-isa.
Sinungaling karin ano? Sabi mo natikman mo siya? Naging pinsan pa kita!? Sige!
Magpapasuntok ako kai inahas ko siya. Inibig ko si Rosie sa likuran niya.

"Isang tanong, isang sagot, Jacob. Mahal mo ba si Rosie?"

"Sagad sa buto, bro. Pero di ako magsosorry." Sabi ko.

Binugbog niya ako pero wala akong pakealam. Mahal ko si Rosie. Patayin niyo man ako
ngayon, mamahalin ko parin siya.
Yinakap ko si Rosie. Pagkatapos nang lahat na nangyari, kami parin. Takot na takot
na akong mawala siya ulit sakin. Paano kung may biglang sumulpot na may gusto sa
kanya at akitin siya? Paano kung iba na ang gusto niya.

Nakakatakot ang lahat pero dahil mahal na mahal ko siya magbabakasakali ako. Para
sa kanya lahat ng 'to. Dahil hindi ko na kayang mawala ulit siya sakin. Kung
nabaliw ako nang nawala siya sakin isang bese, baka sa pangalawa, mamatay na talaga
ako.

"Jacobbb..." Bulong niya sakin habang hinahalikan ko ang leeg niya.

Gumapang ang kamay niya sa abs ko. Umamba siyang tatanggalin ang t-shirt ko kaya
tinanggal ko na. Nalaglag ang panga niya sa abs ko. Mejo pawis na rin ako at nag
iinit na. Napangiti ako sa ekspresyon niya.

Pinaghiwalay ko ang legs niya.

"Mamaya na, Rosie..." Bulong ko.

Sumimangot siya habang hinahalikan ko ulit sa leeg. Nakita kong ngumisi siya at
idiniin niya ang sarili niya sakin.

Hindi ko yata siya kayang bitinin. Ako mismo natetempt na sa kanya eh.

"Jacob, mahal na mahal kita." Bulong niya sakin.

Kinagat niya ang labi niya bago ako hinalikan.

Umiling ako at hinubad na ang t-shirt niya.

Kinuha ko ang pulang box na nasa unan ko. Bukas ko pa sana siya ibibigay sa
birthday ko pero narealize kong di na ako makapaghintay. Bukas, isosorpresa ko ulit
siya pero ngayon ang unang pagkakataong tatanungin ko siya...

"Pakasalan mo ako, Rosie." Sabi ko habang binubuksan ang box at nakita niya ang
singsing.

Biglang-bigla siya. Napatingin siya sakin... pabalik sa singsing. Ngumisi siya at


umiyak. Yinakap niya ako at hinalikan.

"Alam kong ayaw mong magmadali pero gusto ko ng kasiguraduhan. Pagsinoot mo 'to,
maiibsan ang mga pangamba ko."

Naglahad siya ng kamay. Isinoot ko 'to sa daliri niya.

Yinakap niya ulit ako, "Mahal na mahal kita, Jacob." Aniya.

"Mas mahal kita. At alam mo yun. Kaya wa'g ka ng makipagtalo." Tumawa ako at
hinalikan ulit ang leeg niya. "Rosie, binyagan natin ang singsing."

Hinalikan ko siya galing leeg pababa ng dibdib niya.

"Jacob..." Tawag niya.

Napangisi ulit ako.

"Sisiguraduhin kong gabi gabi mong babanggitin ang pangalan mo, Rosie..."

Nakita kong uminit ang pisngi niya nang nakita akong nakangiti.

"Hinding hindi ka na ulit magbabakasakali sa pag ibig ko, palagi akong nandito,
kahit anong mangyari. Mamahalin kita. At aanakan ng marami."

Humalakhak siya sa sinabi ko at hinila niya ang mukha ko sa kanya para halikan.
THE END

______________________________________
Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

You might also like