You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN Time:___________

Date: _________________ Day: ___________


I. LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang katangian pisikal ng mga Pilipino
Naiisa-isa ang mga katangiang Pisikal ng mga Pilipino
Naipagmamalaki ang sariling katangian

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang pamamaraan AP1NAT-Ib3
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 15
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral pah.11-18
C. Kagamitan: larawan, tsart, laptop
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, MAPEH at MTB

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Magpakilala sa harap ng klase.
Ngitian ang mga bagong kaklase
2. Pagganyak:
Gamit ang power point. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga batang Pilipino/pamilyang Pilipino
Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa mga katangiang pisikal ng mga bata sa larawan.

Pagsasanib: (ESP)
Ano ang masasabi mo sa iyong sariling katangiang pisikal?
Bakit dapat itong ipagmalaki?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano-ano ang iyong mga katangiang pisikal?
2. Paglalahad:
Magpatayo ng dalawang bata at tukuyin ang kanilang pisikal na anyo. Isulat sa pisara ang mga katangiang pisikal
ng mga bata. Habang sinasabi nila ang kanilang katangiang pisikal, suriin ang mga ito?

Pagsasanib: (MTB)
Tulungan ang mga bata na basahin ang mga katangiang pisikal na isinulat sa pisara.

3. Pagtalakay:
Nakilala mo ba ang iyong sariling katangiang pisikal?
Ano ano ang mga katangian mo na may kapareho sa iyong kaklase?
Bakit iba iba ang ating katangiang pisikal kahit tayo ay pare-parehong mga Pilipino?

Magpakita ng mga larawan upang lalong maunawaan ng mga bata ang ipapaliwanag ng guro.

PANGKATANG GAWAIN
Ang bawat pangkat ay magsasabi ng katangiang pisikal ng kanilang pangkat.

4. Paglalahat:
Ano ang napag-aralan natin ngayon?

1
Tandaan:
Ang katangian pisikal ay naglalarawan sa panlabas na anyo ng isang tao
Buksan ang aklat na Araling Panlipunan sa pah. 12

5. Paglalapat:
Tumawag ng batang magsasabi ng kanyang sariling katangiang pisikal.

IV. Pagtataya:
Tawagin isa isa ang mga bata at ipasabi ang kanilang sariling katangiang pisikal
Gumamit ng rubrics upang mataya ang mga bata’

KASANAYAN MARKA
Nakapagsabi ng sariling katangiang pisikal nang buong
husay
Nakapagsabi ng sariling katangiang pisikal nang may
kabagalan at kahinaan ng boses
Nakapagsabi ng sariling katangiang pisikal ngunit may
kakulangan

V. Kasunduan:

Magdala ng iyong sariling larawan.

No. of Pupils: _______________


PERCENTAGE OF MASTERY: _____________

2
ARALING PANLIPUNAN Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang katangian pisikal ng mga Pilipino
Nakaguguhit ng sarili upang malaman ang mga katangiang Pisikal
Naipagmamalaki ang sariling katangian

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang pamamaraan AP1NAT-Ib3
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 15
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral pah.11-18
C. Kagamitan: larawan, tsart, laptop
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, at MTB

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
2. Balik Aral
Gamit ang sariling larawan,sabihin ang katangiang pisikal.

2. Pagganyak:
Gamit ang power point. Ipakita ang larawan ng guro at ilarawan ang sariling katangiang pisikal.
Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa mga katangiang pisikal ng mga bata sa larawan.

Pagsasanib: (ESP)
Ano ang masasabi mo sa iyong sariling katangiang pisikal?
Bakit dapat itong ipagmalaki?

B. Panlinang na Gawain:
3. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano-ano ang iyong mga katangiang pisikal?
4. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawan sa mga pangungusap na makikita sa aklat na Araling Panlipunan pah. 13.

Pagsasanib: (MTB)
Tulungan ang mga bata na basahin ang nilalaman ng aklat.

3. Pagtalakay:
Talakayin muli ang iba’t ibang katangiang pisikal ng mga Pilipino
Magpakita pa ng iba pang katutubong mga Pilipino.

PANGKATANG GAWAIN
Ang bawat pangkat ay magsasabi ng katangiang pisikal ng kanilang pangkat.

4. Paglalahat:
Ano ang napag-aralan natin ngayon?

Tandaan:
Ang katangian pisikal ay naglalarawan sa panlabas na anyo ng isang tao
3
Buksan ang aklat na Araling Panlipunan sa pah. 12

5. Paglalapat:
Tumawag ng batang magsasabi ng kanyang sariling katangiang pisikal.

IV. Pagtataya:
Gawin ang pagsasnay sa pah. 14 ng aklat na Araling Panlipunan.

V. Kasunduan:

Gawin ang pagsasanay sa aklta na Araling Panlipunan pah. 15

No. of Pupils: _______________


PERCENTAGE OF MASTERY: _____________

4
ARALING PANLIPUNAN Time:___________
Date: _________________ Day: ___________
I. LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang katangian pisikal ng mga Pilipino
Nakapagpapakilala ng kaklase gamit ang mga katangiang pisikal
Naipagmamalaki ang sariling katangian

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang pamamaraan AP1NAT-Ib3
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 15
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral pah.11-18
C. Kagamitan: larawan, tsart, laptop
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, at MTB

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
3. Balik Aral
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng mga Pilipino?

2. Pagganyak:
Magpanood ng video ng mga batang Pilipino na kung saan masasabi ang katangiang pisikal nila.

Pagsasanib: (ESP)
Ano ang masasabi mo sa iyong sariling katangian kumpara sa kanilang katangian?
Bakit dapat itong ipagmalaki? Dapat ka bang mahiya ditto?

B. Panlinang na Gawain:
5. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano-ano ang iyong mga katangiang pisikal ng iyong katabi?
6. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawan sa mga pangungusap na makikita sa aklat na Araling Panlipunan pah. 1.

Pagsasanib: (MTB)
Tulungan ang mga bata na basahin ang nilalaman ng aklat pah.16

3. Pagtalakay:
Talakayin muli ang iba’t ibang katangiang pisikal ng mga Pilipino na ginamit sa pagpapakilala sa larawan.
Magpakita pa ng iba pang katutubong mga Pilipino.

PANGKATANG GAWAIN (Pandalawahang Gawain)


Ipakilala ang iyong katabi gamit ang sariling pisikal na katangian.

4. Paglalahat:
Ano ang napag-aralan natin ngayon?

Tandaan:
Ang katangian pisikal ay naglalarawan sa panlabas na anyo ng isang tao
Buksan ang aklat na Araling Panlipunan sa pah. 12

5
5. Paglalapat:
Tumawag ng batang magsasabi ng kanyang sariling katangiang pisikal.

IV. Pagtataya:
Ipakilala ang kapareha/katabi gamit ang mga pisikal ng katangian.
Gumamit ng rubrics sa pagmamarka.
KASANAYAN MARKA
Nakapagpakilala ng kaklase nang buong husay

Nakapagpakilala ng kaklase nang may kabagalan at


kahinaan ng boses
Nakapagpakilala ng kaklase ngunit may kakulangan

V. Kasunduan:

Magsanay sa pagsasabi ng sariling katangiang pisikal.

No. of Pupils: _______________


PERCENTAGE OF MASTERY: _____________

6
ARALING PANLIPUNAN Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang katangian pisikal ng mga Pilipino
Naipagmamalaki ang mga katangian pisikal ng sarili
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan nang may pagmamalaki

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang pamamaraan AP1NAT-Ib3
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 15
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral pah.11-18
C. Kagamitan: larawan, tsart, laptop
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, at MTB

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
4. Balik Aral
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng iyong katabi?

2. Pagganyak:
Laro:
Gawin ang laro sa aklat na Araling Panlipunan pah. 17

Pagsasanib: (ESP)
Ano ang masasabi mo sa iyong sariling katangian kumpara sa kanilang katangian?
Bakit dapat itong ipagmalaki? Dapat ka bang mahiya ditto?

B. Panlinang na Gawain:
7. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano-ano ang pisikal mong katangian na iyong ipinagmamalaki?
8. Paglalahad:
Ilahad sa tsart ang mga katangiang pisikal ng mga Pilipino. Papiliin kung anong katangian mayroon sila.
Sabihin sa klase ang mga katangiang ito ng may pagmamalaki.

Hal. Ang buhok ay kulot. Ipinagmamalaki ko ito. Ang mata ko ay kulay itim, ipinagmamalaki ko ito.

Pagsasanib: (MTB)
Ano-ano ang mga katangian mong ipinagmamalaki mo? Iguhit ito sa papel at isulat ang pangalan nito.
Sabihin sa harap ng klase kung bakit mo ito ipinagmamalaki.

3. Pagtalakay:
Talakayin muli ang iba’t ibang katangiang pisikal ng mga Pilipino na ginamit sa pagpapakilala sa larawan.
Magpakita pa ng iba pang katutubong mga Pilipino.

PANGKATANG GAWAIN
Ang bawat pangkat ay guguhit ng kanilang katangiang Pisikal at iulat sa harap ng klase kung bakit nila ito
ipinagmamalaki.

4. Paglalahat:
7
Ano ang napag-aralan natin ngayon?

Tandaan:
Magkakaiba ang katangiang psikal ng mga Pilipino. Pahalagahan at ipagmalaki ang iyong mga katangiang pisikal.

5. Paglalapat:
Tumawag ng batang magsasabi ng kanyang sariling katangiang pisikal at ipagmalaki ito.

IV. Pagtataya:
Ipakilala ang sarili at sabihin ang katangiang pisikal na ipinagmamalaki.
Gumamit ng rubrics sa pagmamarka.
KASANAYAN MARKA
Nakapagpakilala ng kaklase nang buong husay

Nakapagpakilala ng kaklase nang may kabagalan at


kahinaan ng boses
Nakapagpakilala ng kaklase ngunit may kakulangan

V. Kasunduan:

Magsanay sa pagsasabi ng sariling katangiang pisikal.

No. of Pupils: _______________


PERCENTAGE OF MASTERY: _____________

8
ARALING PANLIPUNAN Time:___________
Date: _________________ Day: ___________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang katangian pisikal ng mga Pilipino
Nakasusuri ng mga katangiang pisikal ng mga Pilipino
Naipagmamalaki ang sariling katangian

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang pamamaraan AP1NAT-Ib3
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 15
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral pah.11-18
C. Kagamitan: larawan, tsart, laptop
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, at MTB

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
5. Balik Aral
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng mga Pilipino?

2. Pagganyak:
Magpanood ng video ng mga Pilipinong may iba’t ibang katangiang pisikal

Pagsasanib: (ESP)
Ano ang masasabi mo sa iyong sariling katangian kumpara sa kanilang katangian?
Bakit dapat itong ipagmalaki? Dapat ka bang mahiya dito?

B. Panlinang na Gawain:
9. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng iyong katabi?
10. Paglalahad:
Maglahad ng mga larawan at sabihin kung ito ay kangian ng mga Pilipino o hindi.

Pagsasanib: (MTB)
Tulungan ang mga bata na basahin ang mga katangiang pisikal ng mga Pilipino.

3. Pagtalakay:
Talakayin muli ang iba’t ibang katangiang pisikal ng mga Pilipino. Suriin kung ito ay katangian ng mga
PagkaPilipino o hindi.

PANGKATANG GAWAIN
Pangkat I- iguhit ang batang Pilipino na may mga katangian pisikal na tugma sa atin
Pangkat II – Bilugan ang katangian pisikal ng mga Pilipino
Pangkat III – Kulayan ang mga larawan ng mga batang Pilipino at sabihin ang mga katangiang pisikal ng mga ito.
Pangkat IV – Gupitin ang larawan at sabihin at mga katangian nito.

4. Paglalahat:
Ano ang napag-aralan natin ngayon?

Tandaan:
9
Ang mga Pilipino ay may natatanging katangiang pisikal. Dapat itong ipagmalaki at pagyamanin.

5. Paglalapat:
Itaas ang masayang mukha kung Tama at malungkot ng mukha kung Mali.
______1. Sobrang tangos ng ating ilong.
______2. Dilaw ang kulay ng ating balat.
______3. Kayumanggi ang kulay ng ating balat.
______4. Itim ang kulay ng ating buhok.
______5. Dapat ipagmalaki ang ating pisikal na katangian.

IV. Pagtataya:
Sagutin ang pagsasanay sa aklat na Araling Panlipunan pah. 18 GAWAIN A

V. Kasunduan:

Sagutin ang pagsasanay sa aklat na Araling Panlipunan pah. 18 GAWAIN B

No. of Pupils: _______________


PERCENTAGE OF MASTERY: _____________

10
11

You might also like