You are on page 1of 7

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Polangui, Albay

PRINCIPLES OF TEACHING 2

MASUSING PAGBABANGHAY
SA ARALING PANLIPUNAN 9
(EKONOMIKS)

Inihanda ni:

CHRISTY L. GASTILO
CMT Student

Isinusumite kay:

DR. JANE F. REVILLA


Professor
MASUSING BANGHAY ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 9
I. Layunin:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan


sa pagbuo ng matalinong desisyon
b. Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng
kakapusan.
c. Naisusulat ang mga bagay na kagustuhan at pangangailangan ng tao.

II. Paksang Aralin:

a. Paksang Aralin: Pangangailangan at Kagustuhan


b. Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul sa Mag-aaral, p. 37 - 43
c. Mga Kagamitan: powerpoint presentation, telebisyon, mga larawan at cartolina
Materials: PowerPoint presentation, cartolina, manila paper, marker, envelopes, tape,

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagbati
Magandang umaga !
Magandang umaga rin po Bb. Christy.
2. Pananalangin
Tayo muna ay manalangin. G. Kiel maari mo
ba kaming pangunahan sa pananalangin?
Ang lahat ay magsisimula nang manalangin
na papangunahin ni G. Kiel.
3. Paglista ng Lumiban
Sinu-sino ang mga lumiban sa klase?
Wala po.
4. Pagbabalik Aral
(Ang guro ay magtatanong sa natutunan ng
mga mag-aaral noong nakaraang talkayan.)

B. Panlinang na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating aralin
ay hahatiin ko muna kayo sa dalawang grupo.
Ang unag grupo ay itong nasa kanang bahagi at
ang pangalawang grupo namanay ito naming
kaliwang bahagi. Ang bawat grupo ay bibigyan ko
ng sobre na naglalaman ng mga larawan at
kartolina na pagdidikitan ng mga larawan.
(Ang guro ay magsissimula nang mamigay
ng sobre at kartolina sa bawat grupo.)
Ang una ninyong gagawin ay ayusin at idikit ang
mga larawan mula sa sobre sa kartolina. Ang
unang makapagpaskil sa pisara ng kanilang
ginawa ang siyang panalo.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Maliwanag po ba ang aking panuto?
Opo maam, maliwanag po.
Handa na ba kayo?
Opo maam, handa na po kami.
Maari na kayo magsimula.
Group 1 Group 2

Ang nanalo ay ang unang grupo. Bigyan natin


sila ng palakpak,
(Pumalakpak ang bawat isa.)

Palakpakan din natin ang pangalawang grupo


sa maayos na pagkakagawa. (Pumalakpak muli ang bawat isa.)

Ngayon, anu-ano ang mga larawan na inyong (May mga nagtaas ng kamay at nais
nakikita? sumagot.)
Ginoong Genesis.
Sa unang grupo mga pagkain po Maam.
Tama. Ginoong Zech ano pa?

Sa pangalawang grupo mga gadgets po


Maam.

Lahat ng inyong nabanggit ay tama. Ngayon,


base sa mga larawan maari nyo na bang sabihin
sa akin ang ating paksa sa araw na ito Ginoong
Lucas?
Opo maam. Base po sa larawan siguro po
ang pag-aaralan po natin ay tungkol sa
pangangailangan at kagustuhan.
Tama po ba?

Opo maam.
Alamin natin.

2. Paglalahad
Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na ito ay
ukol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng
isang tao. Aalamin natin ang pagkakaiba ng
Opo Maam. Handa na po kami.
pangangailangan sa kagustuhan. Tutukuyin rin
natin ang kahalagahan ng teorya ng
pangangailangan. Handa na ba kayong alamin
natin ang mga ito?
C. Paglinang sa Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Upang maintindihan natin at malaman ang
teorya ng pangangailangan ay hahatiin ko kayo
sa liman grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
isang parirala o pangungusap na pag-uusapan
ng grupo. Magbibigay ng mga halimbawa ng
mga pangangailangang hinihingi at inyong
ipapaliwanag kung bakit ba natin kailangan ang
mga ito. Matapos ninyong mag-brainstorm ay
iuulat ng inyong napiling lider ang inyong mga
sagot. Naiintindihan po ba?
Opo naiintindihan po.

Ang sumusunod ay parirala o pangungusap


na ibibigay sa bawat grupo:
Unang Grupo – Pangangailangang Pisyolohikal
Ikalawang Grupo – Pangangailangan ng
Seguridad at Kaligtasan.
Ikatlong Grupo – Pangangailangang Panlipunan
Ikaapat na Grupo – Pagkamit ng Respeto sa
Sarili at Respeto ng Ibang Tao
(Mag-uusap usap ang mga mag-aaral sa
Ikalimang Grupo – Kaganapan ng Pagkatao loob ng labinlimang minute ukol sa kanilang
(Magbibigay ng kartolina ang guro kung saan sagot. Isusulat nila ang kanilang mga sagot
magsusulat ang mga mag-aaral. Ang bawat sa kartolina na ibibigay ng guro at iuulat ang
grupo ay gagamit ng graphic organizer upang kanilang napagkasunduan sa loob ng tatlong
ipresenta ang kanilang gawa.) minute sa bawat grupo.)

Magaling!

D. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon bago natin talakayin ang kabuuan
ng lahat ng pangangailanagn, alamin muna natin
kung ano ng aba ang kahulugan ng salitang
Pangangailangan. Ano ba ang Pangangailangan? Ang pangangailangan ay ay mga bagay na
lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay
kabilang dito ang mga basic needs – damit,
pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga
bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan
ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.

Tama.
Sa kabilang banda naman, ano nga ba ang Ang kagustuhan ay ang paghahangad ng mga
kagustuhan? bagay na higit pa sa batayang pangangailangan
(basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring
wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay
maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad
ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay
kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at
karangalan.

Magaling!

.”
Titingnan natin kung talagang alam niyo
na nag pagkakaiba ng pangangailangan at
kagustuhan. Halimbawa, may kompyuter ang
graphic artist. Pangangailangan bai to o
kagustuhan?
Pangangailangan po Maam.

Tama. Halimbawa naman may kompyuter


ang magsasaka. Pangangailangan bai to o
Kagustuhan?
Kagustuhan po.

Magaling. Gayunpaman, hindi maikakaila


na maraming pangangailangan ang bawat
isang indibidwal. Sino ba ang pamosong
sikologo na nagpanakula ng teoryang ng
pangangailangan? Si Abraham Maslow po.

Tama. Ngayon balikan natin ang mga


parirala o mga pangangailangang ibinigay ko
sa inyo. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa
Herarkiya ng mga Pangangailangan ni Maslow.
Ayon sa kanya, ang mga pangangailangan mg
tao ay may takdang anta sayon sa
kahalagahan ng mga ito.
Halimbawa, kung papipiliin ang tao kung alin
sa pagkain o pananamit ang higit niyang
kailngan, malamang mas pipiliin niya ang
pagkain dahil nakadepende sa pagkain ang
buhay ng tao.
Ayon sa kanya, may limang bahagi ang mga
pangangailangan ng tao. Anu-ano ang mga ito?

Mga pangangailang pisyolohikal,


pangangailangan ng seguridad at kaligtasan,
pangangailangang panlipunan, pagkamit ng
respeto sa sarili at respeto ng ibang tao at
kaganapan ng pagkatao.

. Magaling! Talakayin muna natin ang


pinagkaiba ng herarkiya. Ang Pangangailangang
Pisyolohikal. Anu-ano ba ang mga bagay na
nakapaloob dito? Tubig, pagkain, hangin, damit at bahay po.

Tama. At bakit ba natin kailangan ang mga


bagay na ito? Kailangan po natin ang mga bagay na ito
para mabuhay.

Magaling. Dumako naman tayo sa ikalawa.


Anu-ano ba ang mga bagay na ating kailangan
sa aspetong pangkaligtasan at seguridad?
Kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula
sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal,
seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.
Tama. Sa tingin ninyo sa ikatlong baitang na
pangangailangang panlipunan ano ba ang mga
bagay na dapat taglayin dito ng isang tao?
Pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,
kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa
mga gawaing sibiko.
Magaling. Ang ikaapat naman ay ang pagkamit
ng respeto ng ibang tao. Ano ba ang napapaloob
dito?
Kailangan po ng tao na maramdaman ang
kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang
respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay ay
nagpapataas sa kanyang dignidad bilang tao.

Mahusay! At dumako naman tayo sa


pinakamataas na antas ng mga pangangailangan,
ang Kaganapan ng Pagkatao. Ano kaya ang
nakapaloob dito?
Ito ang pinakamataas na antas ng
pangangailangan ng tao. Hindi siya natatakot
mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Ang
mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi
mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili. May
kababaang loob at may respeto sa ibang tao.

Tama. Ayon kay Maslow, ang isang taong


ganap ay hindi nakatuon masyado sa mga
materyal na bagay kundi sa mga bagay na totoong
makapagpapasaya sa kanya. Para sa inyo totoo
bai to?
Opo, kasi ang kasayahan na hinahanap ay
hindi galling sa pisikal na kalagayan kundi sa
kalagayang nagpapahayag na may bahagi sa
pagkatao na walang hanggan.

IV. Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Ngayon, sa dalawang magkaibang bagay


na ating tinalakay, alin ang mas mahalaga para
sainyo? Ito ba ay pangangailangan o Ang nakikita ko pong mas mahalaga ay
kagustuhan? ang pangangailangan, dahil po hindi tayo
mabubuhay ng wala ang mga ito samantalang
ang kagustuhan po ay nagbibigay lamang ng
pansamantalang kasiyahan.

Magaling!
V. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa
pangangailangan?

Ang pangangailangan ay ang mga bagay


na kailangan ng tao upang mabuhay ng ligtas
at matiwasay. Ang kagustuhan naman ay ang
mga bagay na ninanais ng isang tao para sa
pansariling kasiyahan, ngunit kahit wala ito ay
makakayanan pa rin nyang mabuhay.
Tama. Ano naman ang limang baitang sa
herarkiya ng pangangailangan ayon kay
Maslow? Isa-isahin mula sa pinakababang
baitang hanggang sa pinakamataas.
Ang limang baitang sa herarkiya ng
pangangailangan ayon kay Maslow ay ga
pangangailang pisyolohikal, pangangailangan
ng seguridad at kaligtasan, pangangailangang
panlipunan, pagkamit ng respeto sa sarili at
respeto ng ibang tao at kaganapan ng
pagkatao po.

Mahusay!

VI. Pagtataya

A. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik K kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na
Kagustuhan at P kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan.
1. Damit
2. Touchscreen Cellphone
3. Professional Camera
4. Tubig
5. Flatscreen TV
6. PSP
7. Edukasyon
8. Bahay
9. Aklat
10. Kotse

B. Essay. Sagutin ang mga sumusunod ng mga tanong. (5 puntos sa bawat bilang)
1. Ipaliwanag nag pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
2. Iguhit ang Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at ipaliwanag ang
bawat baitang.

VII. Kasunduan

Pag-aralan ang Alokasyon sa pahina 50-56.

.”

Inihanda ni:

CHRISTY L. GASTILO
CMT Student

You might also like