You are on page 1of 2

I have a question po…pili lang po tau…LOVE MO BA ANG MUSIC O MINISTRY?

Ang devotional message po natin now ay inspired sa Malayang Pilipino Music - PTR
A. CADELINA…baka po may nakabasa na nito sa inyo po…

Sabi po ni ptr. Sa lahat ng involved sa Music Ministry or Worship Team, dalawang


tanong ang dapat natin itanong sa sarili...”mahal ko ba ang MUSIKA” or “mahal ko
ang MINISTRY?”. Marami kasi po sa atin mahal ang ministry, as in nandun pag
practice na lagi natin ginagawa every Saturday at very diligent tau talaga sa mga
events ng church pero hindi mahal ang musika. Di dw tau nagsisikap para mag
improve bilang musicians, songleaders/singers at wala talagang passion sa music.
Un iba naman sobrang mahal ang musika, as in skillful talaga. Yun nga lang kulang
naman ang passion sa ministry. Yun iba naman dw tugtog o gig lang ang datingan.

Tama nga naman na mas mainam talaga na magdevelop at mag-improve tayo sa


Music at Ministry dahil ito talaga ang part natin dito sa CJCC na to minister music. Di
lang sa music or sa ministry. Sabi pa ni ptr. Kung di mo love ang music, marami pa
namang ministry na di kailangan ang skill sa music baka duon tau nararapat dn.

Ang ministry will be about our attitude of servanthood while yung music shows our
skill in doing our ministry. Let us encourage everyone na part ng Worship Team to
be passionate in both sa music & ministry. Sobrang laki ng growth and maturity ng
team pag yun ang goal natin di ba po! Be in love with music and at the same time be
passionate to serve the ministry!

Marami pong mahal naman talaga si Lord even dito sa CJCC Members natin yun
nga lang kailangan talaga mag improve in both music and ministry that’s why
encouraging one another is the most important part. Same like kay King David said;
"play skillfully" sabi po yan sa Psalm 33:3 Sing to him a new song; play skillfully, and
shout for joy…sa tagalog po “isang bagong awit, awiting malakas, kasaliw ang
tugtog ng alpang marilag!” Kasi alam dn natin na si David before nya matalo si
goliath sya ay kilalang skilled musician na makikita po eto sa 1 Samuel 16:18…so
dapat po maging kapares tau ni king David na skillful musician player At the same
time live a life of Worship.

Sabi pa sakin nabasa na…Parehas pinag-aaralan at pinaghahandaan ang Music at


Munistry para sa pagkilos ng presensya ng Diyos. Minsan, kapag kabisado na ng
isang lingkod ang ginagawa sa harapan ng congregation, mas kapansin pansin na
puro talent na lang ang gumagana at nakakaligtaan na ang oras na dapat ay para
kay God at dahil doon mahirap hanapin o maramdaman ang pagkilos ng presence
ng Diyos. Kaya napaka importante pa din ang personal devotion or group devotion
na ganito sa ginagawa natin sa buong linggo na naglilingkod.

Music or Ministry or whatsoever or whatever.it is, hindi lang parang office ito or
napasok tau kung san na work di ba but still a ministry to the Lord and serving the
Lord and church at kung paano tau magko-commit ng atin Christian life para sa
music ministry or worship team na ito however let us make it sure lang na alam na
alam natin na may calling tau sa music & ministry for that wag nman po sana na ang
music ministry ay maging taken for granted lang or trip-trip lang as soundtrip lang
natin pero alam ko naman pong wala satin dito ng ganun anu po…
Naiisip ko tuloy minsan Kung gusto ba ni God yung andito ako sa music ministry or
worship team na naglilingkod at nagpapagamit sa Kanya…pero naisip ko dn na
iyong love ko sa Lord ang magdadala sakin to serve Him faithfully kung anong mang
ipinagkatiwala Niya sakin na Gawain whether hindi pleasing sa iba as well as alam
ko ganun dn po kau…basta tandaan po natin “Love Jesus above all, kahit music pa
or sa ministry pa” kasi Kapag nasobrahan sa love sa music masama dn naman anu,
same din kapag sa ministry pero it would never result to something bad kapag mas
nalunod tayo sa pagmamahal kay God…

Always remember po Sa pag serve natin sa Lord, Siya lang talaga wala ng iba..Not
to please people..Not to please the leaders…Not to please the congregation but to
ONLY PLEASE GOD sa lahat ng ginagawa natin…At ang HEART OF WORSHIP is
WORSHIP FROM THE HEART para lang sa Lord…Ang mahalaga Mahal natin ang
Diyos at para sa Kanya natin inaalay ang pagkanta at pagtugtug…

At ang pinakamabuti dyan, LOVE MO ANG PINAG-AALAYAN MO NG MUSIC AT


MINISTRY. Wag po tau maging ganito sa Sabi po sa Pahayag 2:2-4 2 “Alam ko ang
mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam kong
hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y
apostol, at napatunayan mong sila'y huwad. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng
maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may isang bagay
na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una” Dahil kapag
nakalimutan natin ang atin FIRST LOVE baka mangyari po satin eto…

As a co-worker in Christ, true worship is found in Hebrew 12:1B sabi dito po “Buong
tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan” as a team …worship team
is a spiritual usherette of the presence of the Spirit of God. Walang anointing in
worship kung di po tau babad sa prayers, presence ng Lord and Word of God…
Same din we need to improve our skills kasi mas maganda po ang flow if we know
how to play right the song and sing it…ang worship team/ music ministry ay dapat
true worshippers sabi nga po John 4:24 Ang Diyos ay Espiritu at ang mga
sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” So
tandaan po natin being in a worship team must be a Godly lifestyle po…un lang po
thank u po sa pakikinig…amen

You might also like