You are on page 1of 8

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7

Pangalan_______________________________ Puntos______________

Pangkat _______________________________ Petsa _______________

PANUTO: Basahing Mabuti ang tanong at tukuyin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat upa
ng maunawaan
ang kahulugan ng pahayag.
A.Diin B. Tono C. Intonasyon D. Hinto
____2. Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita.
A.Diin B. Tono C. Intonasyon D. Hinto
____3. Bakit kailangang isaalang-alang ang haba at diin sa pagsasalita?
A. Upang matukoy ang kahulugan ng mga salita C. Upang malapatan ng wastong salita
B. Upang magandang pakinggan D. Upang gumanda ang salita
____4. Bakit mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa?
A.Para maiwasan ang pagkapagod ng tagapagsalita
B.Upang maunawaan ng husto ng tagapakinig ang mga salita at ibig sabihin nito
C. Upang magandang pakinggan
D. Para magkaroon ng ugnayan ang tagapakinig at tagapagsalita
____5. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng diin sa pagsasalita?
A.Ito ay nagpapataas at nagpapababa ng tinig sa pagsasalita
B.Natutukoy nito ang pag-iiba ng patinig na karaniwang nagpapabago sa kahulugan ng salita
C.Nakapagtutukoy ito ng mga yunit ng tunog
D.Nalalaman ng tagapagsalita kung saan tataas ang tinig
____6. Alin sa mga sumusunod ang dapat na pahayag bilang patunay na masaya ka sa iyong pagbabago?
A.Nagbago na ako. B. Nagbago na ako? C. Nagbago na ako! D. Nagbago na, ako.
____7. Alin sa mga pahayag ang higit na nagpapakita ng mabisang paraan upang makapagsalaysay at
makapaglarawan ng epektibo ang tagapagsalita at tagapagbasa?
A.Gagamit ng emosyon at kumpas ng katawan
B. Gagamit ng Eye to eye kontak sa tagapakinig
C.Magpapatawa sa tagapakinig upang makuha ang atensyon
D.Gagamitin ng wasto tono,diin at intonasyon sa pagsasalita
____8. Sa paanong paraan nakakatulong ang paggamit ng wastong ponemang suprasegmental?
A.Nakakatulong ito sa mga mambabasa at tagapakinig upang higit na maunawaan ang binasa at napakinggan
B.Nakatutulong ito upang matukoy ang kahulugan at kasalungat ng mga salita
C.Nakatutulong ito upang malaman ang kahulugan ng simbolo ng mga salita
D.Wala sa nabanggit
____9. Bilang mag-aaral,paano mo magagamit ng tama ang ponemang suprasegmental?
A. Gagamitin ng tama ang mga salita C. Aalamin ang kahalagahan ng mga ponema
B. Tutukuyin ang tamang paggamit ng diin,tono at intonasyon D. Tutukuyin ang kahulugan ng mga salita
____10. Ito ay karunungang bayan na ang tanging layunin ay ang mang-uyam.
A. Tugmang de Gulong B. Palaisipan C. Bugtong D. Awiting Panudyo
____11. Bakit mahalagang pag-aralan at matutunan ang mga akdang pampanitikan tulad ng Karunungang bayan?
A. Sapagkat maaari nating malaman ang kultura at tradisyon ng ating mga ninuno
B. Upang higit nating maunawaan ang pamumuhay noon
C. Sapagkat ito ay maaari nating magamit sa hinaharap
D. Maaari tayo dito na makapulot ng aral
____12. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Tugmang de Gulong?
A.Nilulutas nitoang isang suliranin B. Nagsisilbi itong paalala na makikita sa pampublikong sasakyan
C. Sumusubok ito sa katalinuhan ng tao D. Nakapagninilay ito ng kaisipan ng tao
____13.Alin sa mga sumusunod na katangian ng karungang bayan ang dapat taglayin ng Awiting Panudyo ?
A. Nanunudyo sa taong taong nakakarinig ng awit
B. May makabuluhang aral na ipinaparating sa tagapakinig
C. May suliraning ipinapahayag sa pamamagitan ng Metapora
D.May lohikal na paraan upang mabuo ang solusyon sa problema
____14. Alin ang higit na mabisang paraan upang makabuo ng isang Awiting panudyo?
A. Dapat magtaglay ito ng iisang kaisipan
B. Nagtataglay ng sukat at tugmaan na may rima at may layuning mang-uyam
C. Humahamon sa kaisipan ng mga taong nakakarinig
D. May kakayahang sumukat sa katalinuhan ng tao
____15.Bilang isang mamayang Pilipino,paano mo mapapanatili ang kulturang bayan na mayroon tayo?
A. Babasahin ang mga ito at pag-aaralan B. Magsasaliksik ng iba’t ibang kultura at tradisyon
C.Papahalagahan ito isasagawa at ibabahagi sa iba D.Panonoorin sa telebisyon ang mga kultura at tradisyon
____16. Isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
A. Tugmang de Gulong B. Palaisipan C. Bugtong D. Awiting Panudyo
____17.Bakit kinakailangang gumamit ng talinhaga upang makabuo ng isang bugtong?
A. Upang madaling masagot ng tagapakinig ang bugtong B.Upang maiwasan ang kalituhan ng tagapakinig
C.Upang lituhin at sukatin ang talino ng tagapakinig D. Upang magandang pakinggan ang bugtong
____18. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Palaisipan?
A.Nilulutas nito ang isang suliranin B. Nagsisilbi itong paalala na makikita sa pampublikong sasakyan
C. Sumusubok ito sa katalinuhan ng tao D. Nakapagninilay ito ng kaisipan ng tao
____19. Alin sa mga sumusunod na katangian ng karungang bayan ang dapat taglayin ng Palaisipan ?
A. Nanunudyo sa taong taong nakakarinig ng awit
B. May makabuluhang aral na ipinaparating sa tagapakinig
C. May suliraning ipinapahayag sa pamamagitan ng Metapora
D.May lohikal na paraan upang mabuo ang solusyon sa problema
____20. Alin ang higit na mabisang paraan upang makabuo ng isang Bugtong?
A. Dapat magtaglay ito ng iisang kaisipan
B. Nagtataglay ng sukat at tugmaan na may suliraning ipinapahayag sa pamamagitan ng Metapora
C. Humahamon sa kaisipan ng mga taong nakakarinig
D. May kakayahang sumukat sa katalinuhan ng tao
____21. Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao sa kalagayang panlipunan ang nilalaman ng
palaisipan at bugtong?
A.Ito ay may kaugnayan sa kanilang kultura at nakaugaliang Gawain
B.May kinalaman ito sa kanilang pamumuhay
C. Kaangkop nito ang kanilang trabaho at kanilan mga gawi
D. Lahat ng nabanggit
____22. Ito ay literal na kahulugan ng salita,maaaring galling sa diksyunaryo.
A. Denotasyo B.Konotasyon C. Kasingkahulugan D. Kasalungat
____23. Tumutukoy ito sa malalim na kahulugan ng salita o natatagong kahulugan.
A. Denotasyo B.Konotasyon C. Kasingkahulugan D. Kasalungat
____24.Bakit kinakailangang mabigyan ng kasingkahulugan at kasalungat ang isang salitang di pamilyar?
A. Upang mabigyan ito ng pansin C.Upang lumawak ang kaalaman sa bokabularyo at maunawaan ito
B. Upang maiwasan ang kalituhan D. Upang maging wasto ang pagbigkas ng salita
____25.Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng denotasyon na “tigib ng ligaya”?
A. Kalungkuta B. Kahirapan C. Pagdurusa D. Pag-iisa
____26. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang lubos na maunawaan ang isang denotasyon na salita?
A. Masalisik sa dikyunaryo upang mayukoy ang kahulugan C. Alamin ang simbolismo nito
B. Tukuyin ang kasalungat nitong mga salita D.Lahat ng nabanggit
____27. Alin sa mga sumusunod ang higit na mabisang paraan upang mapalawig ang pagtukoy sa kahulugan ng isang
salita?
A. Pagpapangkat-pangkatin ang mga salita na may kaugnayan dito upang makabuo ng isang konsepto
B. Tutukuyin ang kasingkahulugan ng salita
C. Tutukuyin ang kasalungat ng salita
D. Aalamin kung ito ay may simbolong natatago
____28. Paano tutukuyin ang salita kung ito ay nabibilang sa denotasyon?
A.Kapag ang salita ay may literal na kahulugan B. Kapag ang salita ay direktang nabibigyan ng kahulugan
C. Kapag ito ay may natatagong kahulugan D. Kapag ang salita ay tuwiran at madaling maunawaan
____29. Ito ay mga kwento tungkol samga diyos at diyosa.
A. Alamat B. Mito C. Kwentong bayan D. Pabula
____30. Bakit ang alamat ay nakaugat sa tradisyon ng ating mga ninuno?
A. Sapagkat ito ay walang kinalaman sa ating kultura at tradisyon
B. Ang mga pangyayari sa alamat ay may kaugnayan sa tradisyon at kultura ng ating mga ninuno
C. Sapagkat ang alamat ay tunay na naganap noong unang panahon
D. Tunay na may Di kapani-panilawang pangyayari ang naganap noon na ibinatay sa alamat
____31. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mito?
A.May mga ordinaryong karakter B. Walang kakaiba at mistikong daigdig
C.Wala itong ballot ng hiwaga D. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo
____32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng higit na mabisang paraan upang makabuo ng sariling likhang
alamat?
A.Kinakailangang marami ang tauhan at tagpuan at nagtataglay ng magagandang aral sa buhay
B.Ibabatay sa tunay na buhay upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa
C.Ang mga karakter ay diyos at diyosa na nagbibigay ng hiwaga
D.May pantasya,di kapani-paniwalang pangyayari at nagpapakita sa ng pinagmulan ng isang bagay o lugar
____33. Paano nagiging mahalaga ang pag-aaral ng mito at alamat sa iyo bilang isang mag-aaral?
A.Nakapagpapagaan ng pakiramdam
B. Maraming napupulot na magagandang aral na maaaring magamit sa hinaharap
C.Nakapagbibigay ng pantasya at nakatatakas sa realidad
D.Nakakapagpalawak ng emahinasyon
____34.Bilang isang mag-aaral,paano mo mapahahalagahan ang mga aral na nakapaloob sabinasang mito atalamat?
A.Ikwekwento ko sa aking mga kaibigan ang aking nabasang mito at alamat
B.Lilikha ako ng sarili kong mito at alamat
C. Pahahalagahan ko ang mga aral at isasabuhay ko ito
D. Palagi akong magbabasa ng iba’t ibang mito at alamat
____35.Ito ay may mga pasalin-salin na salaysay tungkol sa kultura, pamumuhay,at karanasan ng isang lugar o
pangkat.
A. Alamat B. Mito C. Kwentong bayan D. Pabula
____36. Bakit ang Kwentong Bayan ay ipinalaganap noon sa pamamagitan ng salin-dila?
A. Sapagkat ito na ang nakaugalian noon ng ating mga ninuno
B. Dahil noong unang panahon ay hindi pa uso ang panulat kung kayat sa pamamagitan ng kwento ito
napalalaganap
C. Dahil ito ang uso noon ang mgsalin-salin ng mga kwento
D. Sapagkat ito ang kanilang tradisyon noon
____37. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Kwentong bayan?
A. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig
B. Nag-uudyok ito sa pagbabago ng kaasalan o pagkilos
C. Karaniwan itong nakabatay sa metapora at nagpapakita ng paralelismo sa tunay na buhay
D. Salaysay na nagpasalin-salin na pumapatungkol sa tradisyon at kultura ng isang partikular na lugar
____38. Paano nakakatulong sa iyo ang pag-aaral ng Kwentong Bayan?
A.Nakakatulong ito sa akin sapagkat nalalaman ko at nauunawaan ang tradisyon at kultura ng isang lugar
B.Nakatutulong ito dahil nalalaman ko ang naganap noong unang panahon
C. Maraming napupulot na magagandang aral na maaaring magamit sa hinaharap
D.Nakapagbibigay ng pantasya at nakatatakas sa realidad
____39.Ito ang nagsisilbing kongklusyon at katapusan ng pahayag
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Hudyat
____40. Bakit mahalaga ang simula,gitna at wakas sa isang akdang pampanitikan?
A. Upang hindi maligaw ang mga mambabasa ng isang akda
B. Upang magkaroon ng malinaw na pang-unawa sa binasa
C. Upang magkaroon ng kaisahan ng kaisipan sa isang akda
D. Lahat ng nabanggit
____41. Bakit kinakailangang maganda ang panimula ng isang babasahin o akda?
A. Dahil dito nakikita ang kabuuan ng akda
B. Sapagkat ito ang kaluluwa ng isang akda
C. Upang maganyak ang mambabasa na tapusin ang kanyang binabasa
D. Upang lubos niyang maunawaan ang mensahe ng akda
____42. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hudyat sa simula?
A. Alam Nyo ba? B. Ayon sa… C. Tunay na.. D.Kabilang sa..
____43.Alin sa mga sumusunod ang higit na mabisang paraan upang makabuo ng isang mabisang panimula?
A.Ang panimula ay kinakailang nakapupukaw sa interes ng mambabasa upang ipagpatuloy niyang tapusin
ang isang akda o babasahin
B.Kinakailangan itong may di kapani-paniwalang pangyayari
C.Dapat ito ay nagaganap sa tunay na buhay upang makasimpatya ang mga mambabasa
D.May malungkot na mababasa na kukurot sa puso ng mambabasa
____44. Paano nakakatulong sa inyo ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan?
A.Nakakatulong ito sa akin sapagkat nalalaman ko at nauunawaan ang tradisyon at kultura ng isang lugar
B. Maraming napupulot na magagandang aral na maaaring magamit sa hinaharap
C.Nakapagbibigay ng pantasya at nakatatakas sa realidad
D. Lahat ng nabanggit
____45. Maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinion ng may-akda.
A.Talata B. Sanaysay C. Salaysay D. Maikling kwento
____46. Bakit mahalaga ang Pangunahin at pantulong na kaisipan sa pagbuo ng isang talata?
A.Upang higit na maunawaan ng mambabasa ang talata B. Upang magkaroon ng kaisahan ang pahayag
C .Upang magandang pakinggan ang mga pahayag kapag binasa D. Upang mabuo ang kaisipan ng pahayag
____47. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pantulong na kaisipan?
A.Kinapapalooban ito ng diwa ng buong talata B. May kaugnayan ito sa paksa ng talata
C.Nagtataglay ito ng mapanghamong salita D.Mayroon itong mga metaporikal na salita
____48. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang Talata?
A.May kaisahan ang diwa at nagtataglay ng pangunahin at pantulong na salita
B.May matatalinhagang mga salita
C.Payak ang mga salita upang madaling maunawaan ng mambabasa
D.Nakagaganyak sa taong babasa
____49. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng pangunahing kaisipan sa isang talata?
A.Kaming mag-asawa ay nagkaroon ng mga problema nang dahil sa salapi
B. Ang akiing asawa ay mahilig gumasta ng pera samantalang ako ay hindi
C.Mahilig din siyang lumabas sa gabi upang magsugal kung kalian naman ako ay tulog na
D.Naaapektuhan na ang aming mga anak dulot ng aming palagiang bangayan
____50. Paano nakakatulong ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagsulat ng sanaysay?
A. Nakakatulong ito dahil naipapakita nito ang pangkalahatang diwa ng sanaysay
B. Nakkatutulong ito dahil nagkakaroon ng ugnayan ang mambabasa at may-akda
C. Nakatutulong ito sapagkat napuppukaw ng husto ang mga mambabasa sa binabasa
D. Nakatutulong ito sapagkat madaling nauunawaan ng mambabasa ang kanyang binabasa.

Inihanda ni:
Romnick F. Jubelea
Guro sa Filipino 9
Nabatid ni:
MIGUELITO A. CASTILLO
Ulong-Guro I
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

FILIPINO 9

Pangalan_______________________________ Puntos______________

Pangkat _______________________________ Petsa _______________

PANUTO: Basahing Mabuti ang tanong at tukuyin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao,hayop,lugar
o pangyayari para paghambingin.
A. Pabula B. Parabola C. Pabola D. Parabula
____2. Bakit ang parabula ay tinatawag din na talinhaga?
A.Dahil ang parabula ay may aral na mapupulot
B. Dahil ang parabula ay nakabatay sa bibliya
C. Dahil ang parabula ay kapanipaniwala
D. Sapagkat ito ay may malalim at hindi tuwiran ang kahulugan na kailangang pag-isipan ng Mabuti upang
lubos na maunawaaan
____3. Alin sa mga sumusunod ang pinaghanguan ng parabula?
A. Koran B. Ramayana C. Mahabarata D. Banal na aklat
____4. Bilang isang Kristiyano,paano nakakatulong sa iyo ang pag-aaral ng parabula?
A. Nakatutulong ito upang umunlad ang aking kaalaman sapag-aaral
B. Nakatutulong ito upang makahikayat ako ng iba upang manampalataya
C. Nakatutulong ito sapagkat lumilinang ng mabuting asal at bumubuo ng moral at espiritwal na pagkatao
D. Nakatutulong ito upang ako ay tumalino sa lahat ng bagay
____5. Sino ang nagkukuwento sa parabulang “Ang Mabuting Samaritano”?
A. Samaritano B. Pari C. Jesus D.Saserdote
____6. Bakit nararapat na tulungan ang ating kapwa?
A.Upang tulungan ka rin kapag ikaw ay nangangailangan B.Upang maging Mabuti sa paningin ng ibang tao
C.Sapagkat ito ang turo ng ating magulang D.Sapagkat ito ang tamang Gawain sa mata ng Diyos
____7. Alin sa mga sumusunod ang naging reaksyon ng Pari nang madaanan niya ang taong nakahandusay sa
kalsada?
A. Binigyan niya ito ng salapi C. Iniwasan niya ang lalaki
B. Inismiran lang niya ito D.Tinulungan niya ang lalaki
____8. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang mabuting tao?
A.Mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal sa ating sarili
B.Ibigin ang Panginoon nang buong puso at kaluluwa
C.Tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan
D. Lahat ng nabanggit
____9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita ng wagas na pagtulong sa kapwa?
A.Ang pagtulong sa kapwa ay idinidepende sa kapalit na ibibigay ng tutulungan
B.Ang pagtulong sa kapwa ay nakabatay sa lahi,kultura at relihiyon ng tutulungan
C.Tumutulong upang maging maganda sa paningin ng iba
D.Tumutulong ng walang hinihinging kapalit at nakadarama ng kaligayahan sa pagtulong
____10.Bilang isang nangangailan ng tulong at tinulungan ka ng iyong kapwa,paano mo pahahalagahanang tulong na
ibinigay sa iyo?
A. Magpapasalamat ng lubos at tatanaw ng utang na loob sa taong tumulong
B. Hihikayatin ang tumulong na tulungan din ang ibang nangangailangan
C. Ipagmamalaki na sa iba na tinulungan siya
D. Hihikayatin ang tumulong na tulungan siyang muli kapag siya ay nangailangan pa
____11. Ito ang sumisimbolo sa metaporang “ Sa dulo ng bahaghari ay may gintong kayamanan”?
A. May karangyaan sa tapat ng bahaghari C. Magiging makulay ang buhay ng taong nakakita ng bahaghari
B. Kapag ginawa ang tama ay magtatagumpay sa buhay D. May kaginhawahan sa katapusan ng buhay
____12. Sino ang nagsabi ng pahayag na “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang una ay mahuhuli.”?
A. May-ari ng Ubasan B. Manggagawa C. Pari D. Hesus
____13. Bakit ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas ng maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kanyang ubasan?
A.Sapagkat ang kaharian ng langit ay bukas para sa mga manggagawa
B. Sapagkat ang Panginoon ay lagging maagap sa paghahanap ng mga taong nais mapunta sa langit
C. Sapagkat Laging bukas ang puso ng Panginoon sa sinumang tatanggap sa kanyang mga salita at
mananampalataya sa kanya
D.Upang makapasok ang isang tao sa langit ay kailangan niya munang maging manggagawa ng Panginoon
____14. Bakit kaya inihahalintulad ni Hesus ang kaharian ng Diyos sa isang ubasan?
A. Tulad ng ubasan ibinubukod ng tagapag-ani ang masasamang damo sa ubas gayon din sa kaharian ng
Diyos ihinihiwalay niya ang taong masasama sa mabubuti.
B.Sapagkat ang ubasan ay maraming manggagawa tulad sa kaharian ng Diyos
C.Dahil ang ubasan ay may namununo at tagasunod ganon din sa kaharian ng Diyos
D.Sapagkat ang ubasan ay may inaani tulad din sa kaharian ng Diyos
____15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang
una ay mahuhuli.”?
A.Daig ng nahuhuli ang nauuna kung ang pag-uusapan ay biyaya ng buhay na walang hanggan
B.Ang lahat ay magtatamo ng buhay na walang hanggan nauna man o nahuli sa pagtanngap sa Panginoon
bilang Tagapagligtas
C.Mas Mabuti pang mahuli kaysa mauna dahil mas pinapaburan ito ng Panginoon
D.Iba ang batas ng Diyos sa batas ng tao kaya hindi dapat mainggit sa ating kapwa
____16. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat taglayin ng isang tagapaglingkod sa Diyos?
A. Mainggit sa kanyang kapwa C. Magtiwala sa pangako ng Diyos
B. Gumawa ng makabubuti sa kapwa D. Tumulong sa lahat ng nangangailangan
____17. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng mensahe sa parabula na “Ang Talinhaga Tungkol sa
May-ari ng Ubasan?
A.Ang pangako ng Diyos na buhay na walang hanggan
B.Mga taong tinawag upang manampalataya sa Diyos
C. Paghihintay ng Diyos sa mga tao na Tanggapin siya bilang Tagapagligtas
D.Ang pagpapamana sa kaharian ng Diyos
____18.Bilang isang mananampalataya,paano mo maipamamalas na karapat-dapat ka sa kaharian ng Langit?
A. Ginagawa ang mga responsibilidad sa pamilya
B. Pagsisimba tuwing araw ng lingo
C. Sumusunod sa alituntunin ng batas
D. D. Sinusunod ang utos ng Diyos at tinatanngap siya bialng Tagapagligtas
____19. Paano naiiba ang parabula sa ibang akdang pampanitikan?
A. Ang parabula ay nagtataglay ng mga gintong aral sa buhay
B. Nakapagpapataas ito ng moral ng taong babasa
C. Gumagamit ito ng mga metaporang pagpapakahulugan
D. Ito ay nakabatay sa banal na aklat at may ginintuang aral
____20. Ito ang tunay na kahulugan ng salita at maaaring Makita sa diksyunaryo.
A. Metapora B. Talinhaga C. Simbolismo D.Literal na kahulugan
____21.Sino ang kinakatawan ng “bangang gawa sa lupa”?
A.Taong madaling matukso C. Marurupok na tao
B.Mahihirap na tao D. Mangmang na tao
____22.Bakit mahalagang makinig sa mga magulang ang anak?
A. Upang maiwasan na mapagalitan C. Upang magtagumpay sa hinaharap
B. Upang hindi mapahamak o mapasama D.Upang dumami ang nalalaman
____23. Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa “bangang gawa sa porselana”?
A.Taong madaling matukso C. Marurupok na tao
B.Mahihirap na tao D. Mayamang na tao
____24. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng isang anak na nagkamali ang desisyon sa buhay na nagdulot sa
kanya ng kapahamakan?
A.Harapin ang pagkakamali at pagdusahan ito B. Hayaan na lang ang naging kapahamakan
C. Humanap ng paraan upang masolusyunan ang pagkakamali D. Pagsisihan ito at dibdibin
____25. Alin sa mga sumusunod ang higit na mabisang paraan upang makalikha ng isang parabula?
A.Tiyak ang aral at mayroong moral at espiritwal na pagpapahalaga
B.Kawili-wili ang pagsasalaysay lalo na sa simula upang mahikayat ang mambabasa
C.Gumamit ng matatalinghaga o metaporikal na pahayag
D. Lahat ng nabanggit
____26.Paano nakakatulong ang metaporikal na pagpapahayag sa pagpapaganda ng parabula?
A. Nakatutulong ito sapagkat nadaragdagan nito ang kulay at kasiningan ng akda
B. Nakatutulong ito upang mag-isip ng husto ang tagapagbasa ng parabula
C. Nakatutulong ito upang magkaroon ng kalituhanang mga mambabasa
D. Nakatutulong ito upang maunawaan ng husto ng mambabasa ang parabulang kanilang babasahin
____27. Ito ang pangunahing pagkain sa bansang Bhutan.
A. Kimchi B. Red Rice C. Archer D. Thimphu
____28. Bakit nililimitahan ng bansang Bhutan ang turismo sa kanilang bansa?
A. Dahil konti lang ang kinikita nila rito C. Dahil kakaunti lamang ang bumibisita sa kanilang bansa
B. Upang mapanatili ang kanilang tradisyunal na kultura D. Dahi ayaw ng mga namununo sa bansa
____29.Alin sa mga sumusunod ang dominante na relehiyon ng bansang Bhutan?
A. Muslim B. Kristyano C. Taoismo D. Budismo
____30. Alin sa mga sumusunod na katangian ng bansang Bhutan ang dapat na hangaan ng ibang bansa?
A. Mapagmahal sa kanilang tradisyon at kultura C. Nagkakaisa ang mga tao sa pagpili ng relihiyon
B. Malaya at hindi nasasakop ng alin mang kolonya D. Mas mataas ang karapatan ng kababaihan
____31. Alin sa mga sumusunod ang higit na mabisang paraan na ginagawa ng taga-Bhutan upang hindi mawala ang
kanilang tradisyon at kultura?
A. Palagi nilang ginagamit ang kanilang kultura at tradisyon
B. Nililimitahan nila ang pagpasok ng turismo upang hindi sila maimpluwensyahan ng kanilang kultura
C. Nagkakaisa sila at nagkakasundo sa iisang layunin
D. Lahat ng nabanggit
____32. Paano pinapahalagahan ng taga-Bhutan ang taos puso nilang pagmamahal sa sarili nilang tradisyon at
kultura?
A. Palagi nilang ginagamit ang kanilang kultura at tradisyon
B. Nililimitahan nila ang pagpasok ng turismo upang hindi sila maimpluwensyahan ng kanilang kultura
C. Nagkakaisa sila at nagkakasundo sa iisang layunin
D. Lahat ng nabanggit
____33. Siya ang may-akda sa “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”.
A. Pat V. Villafuerte B. Lualhati Bautista C. Enigo Regalado D. Rogelio Sicat
____34. Bakit sinasabi sa elehiya na ang buhay ay saglit ang at nawawala?
A. Dahil ito ay madaling nagsasawa sa buhay C. Dahil ang buhay ay may nakatakdang hangganan
B. Sandali lang ang buhay dito sa mundo D.Kisap-mata lang ang dali ng buhay
____35. Alin sa mga sumusunod na salita ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit “ Malungkot na lumisan ang
tag-araw”?
A. Lumisan B. lumimot C. lumikas D. pumanaw
____36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita ng tema sa isang elehiya?
A.Emosyong hindi maipaliwanag ng isang tao C. Puno ng mga pagsubok sa buhay
B.Mga saloobing nais ipahayag
D.Naglalarawan ng pagbubulay-bulay na nagpapakita ng masidhing damdaminpatungkolsa mahal sa buhay
____37. Paano mo hinaharap at napagtatagumpayan ang mga problema at suliraning dumarating sa iyong buhay?
A. Hinahayaan na lang ito na lumipas C. Hindi ito iniisip at gumagawa ng ibang bagay
B. Hinaharap ito at hinahanapan ng solusyon D. Tinatakasan ang problema
____38. Paano mo pinaglalabanan ang mga kasawiang dumarating sa iyong buhay?
A.Umiisip ng mga positibo sa buhay C. Pinapahalagahan ang mga mabubuting bagay na mayroon
B.Naghahanap ng solusyon sa kapighatian D.Lahat ng nabanggit
____39. Ito ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang pataas ang antas.
A. Pagpapasihi ng damdamin C. Metaporikal na damdamin
B. Pagpapataas ng damdamin D. Sinaktang damdamin
____40. Bakit ang pagpapasidhi ng damdamin ay nagpapahayag ng emosyon?
A.Dahil ang pagsidhi ay umaangkop sa emosyon C. Dahil ang damdamin ay may emosyon
B.Upang malaman kung saan ng antas ng damdamin D.Sapagkat ito ay nakapagpapasidhi ng emosyon
____41.Bakit kailangan na may pagsidhi ng damdamin sa pagsasalita o pagpapahayag?
A.Upang maiparating ng husto ng tagapagsalita o tagasulat ang kanyang damdamin
B.Upang magandang pakinggan at basahin
C.Upang magandang bigkasin
D.Upang maiwasan ang kalituhan sa nais iparating ng tagapagsalita
____42.Alin sa sumusunod na salita ang pinakamasidhing kahulugan ng salitang “damot”
A. Gahaman B. Sakim C. Ganid D. Sugapa
____43. Alin sa mga sumusunod na salita ang higit na nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?
A. Poot B. galit C. asar D.inis
____44.Paano nakakatulong ang pagpapasidhi ng damdaminsa pagsulat ng isang akda?
A.Nakakatulong upang maiparating ng husto ng tagasulat ang kanyang damdamin tungkol sa akda
B.Nakatutulong ito upang magandang basahin
C.Nakatutulong ito upang magkaroon ng kawilihan ang mambabasa
D.Nakatutulong ito upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa
____45. Siya ang may-akda ng tulang “Kung Tuyo na ang Luha mo Akin Bayan”.
A. Pat V. Villafuerte B. Lualhati Bautista C. Enigo Regalado D. Amado V.Hernandez
____46. Bakit sinasabi sa tula na ang bayan ay nagtamo ng sambuntong kasawian?
A.Dahil maraming mga tao ang nagbuwis ng buhay C. Dahil maraming krimen ang nagaganap sa bansa
B.Dahil ang mga tao sa bansa ay naiimpluwensyahan ng dayuhan D. Dahil itinakwil ng mga tao ang bansa
____47. Alin sa sumusunod ang nangyari sa bayan ayon sa tula?
A.Nawawalan ng Kalayaan ang bayan dahil sa dayuhan C. Sinasakop sa marahas na Gawain ang bayan
B. Nakikipagdigma ang mga tao para labanan ang dayuhan D.Tinatangkilik ng dayuhan ang kultura natin
____48. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mga Pilipino upang hindi mawala ang sarili nilang kultura?
A. Makidigma sa mga dayuhan
B. Makipagkasundo sa dayuhan upang hindi sakupin ang bayan
C. Huwag tangkilikin ang ediolohiya ng ibang bansa at pahalagahan ang sariling atin
D. Pagyamanin ang hiram na kultura sa ibang bansa
____49. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapahirap sa ating bayan ayon sa tula?
A. Ang pagtangkilik ng mga tao sa kultura ng ibang bansa C. Ang pagsakop ng dayuhan sa kultura natin
B. Ang pag-agaw ng dayuhan sa ating teritoryo D. Ang hindi natin paglaban sa mga dayuhan
____50. Bilang isang Pilipino,paano mo mapapahalagahan ang sarili nating kultura?
A. Tatangkilikin ang sariling kultura at bibigyan ito ng importansya
B. Gagamitin ang kultura natin at kultura ng dayuhan
C. Gagamitin lamang ang ang kultura kung kinakailangan
D. Iiwasan itong tangkilikin at isabuhay

Inihanda ni:
Romnick F. Jubelea
Guro sa Filipino 9
Nabatid ni:
MIGUELITO A. CASTILLO
Ulong-Guro I

You might also like