You are on page 1of 14

Kahalagahan ng Wika at

Iba pang Konseptong


Pangwika
Modyul ng mga Mag-aaral
sa Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan - Modyul 2 (Linggo 2)

NOVELYN T. SANGDAAN
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan
ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum
partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng materyal na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang basta’t
humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong ng mga impormasyon
mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung may pagkukulang
sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya at ang bumuo nito
ay bukas sa anumang pagwawasto.

ii
ALAMIN
Isang matamis na ngiti kasabay ng pagsaludo ang isinasalubong ko sa iyo dahil
natapos mo ang unang modyul. Samahan mo ako muli sa ating paglalakbay upang
lalo pang mapalalalim ang kaalaman at kasanayan mo sa wikang Filipino.
Sa Modyul 1 ay napag-aralan mo ang mga kahulugan at katangian ng wika.
Maliban dito ay naiugnay mo ang mga ito sa iyong napakinggan o napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon.
Bibigyang-diin naman sa modyul na ito ang mga kahalagahan ng wika at iba
pang konseptong pangwika. Layunin ng modyul na ito na gabayan ka sa pagtamo ng
kasanayang pampagkatutong ito: F11PD-IB-86 Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
Upang mas mapadali ang pag-unawa sa aralin, mas maiging isagawa ang mga
gawain ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Gamitin ang kalakip na sagutang papel at
huwag susulatan ang modyul upang mapanatiling malinis.
Tara na! Kumapit nang maigi at aarangkada na tayo!

SUBUKIN
Sa bahaging ito ay subukin mong sagutin ang pagsusulit na ito. Kung nasagot
mo nang wasto ang lahat ng aytem, ibig sabihin ay may imbak kang kaalaman sa
paksang pagtutuonan ng pansin. Sakaling makakuha ka ng mababang puntos, huwag
kang mag-alala, bagkus ay gawin mo itong hamon, upang pagsikapang pag-aralan
ang paksa. Anumang puntos ang makukuha sa paunang pagsusulit ay
iminumungkahing ipagpatuloy mo ang pag-aaral ng modyul hanggang sa matapos.
Basahin, unawain at sundin mo ang bawat panuto ng mga gawain.

A. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang


konseptong kinabibilangan o tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat lamang
ang titik ng sagot sa sagutang papel. Maaaring maulit ang kasagutan.
A. Pansarili F. Monolinggwalismo
B. Panlipunan G. Wikang Pambansa
C. Global H. Wikang Panturo
D. Multilinggwalismo I. Wikang Opisyal
E. Bilinggwalismo

1. Humingi si Lorna ng paumanhin sa pagkakabangga sa nakasalubong.


2. Inihayag ng politiko ang programang pangkalusugan ng bansa.
3. Nakapagsasalita ang bata ng Kalanguya at Isneg.
4. Kinakausap lamang siya ng matanda gamit ang wikang Masadiit.
5. Muling iginiit ng UNESCO ang kahalagahan ng edukasyon sa gitna ng pandemya
sa anumang panig ng daigdig.
6. Nakapagsasalita si Solen ng mga wikang French, Spanish at Filipino.
7. Naglabas ng anunsyo ang barangay tungkol sa isinasagawang clean-up drive.
8. Nagtalumpati ang pangulo sa huling State of the Nation Address nito.
9. Filipino at Ingles ang gamit ng mga guro sa pagtuturo sa mga paaralan.
10. Ipinadala ng bansang Russia ang mensahe ng pagtulong nito sa Pilipinas sa
pagsugpo ng pandemya.
11. Pinagpulungan ng Olympics Committee ang mga dapat isaalang-alang ng bawat
atletang kalahok.
12. Masayang ibinalita ni Angel Locsin na kasal na siya.
13. Wikang Filipino at Ingles ang ginagamit sa mga opisyal na memorandum ng
bansang Pilipinas.
14. Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang nasasakupan.
15. Pinaalalahanan ng kapulisan ang kabataan sa barangay na huwag umanib sa New
People’s Army.

BALIKAN
Para muna saglit! Sa bahaging ito ay magbabalik-tanaw ka sa nakaraang aralin
tungkol sa mga konseptong pangwika. Ang bahaging ito ay makakatulong sa pag-
uugnay mo ng nakaraang aralin sa bagong aralin.

Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan sa unang modyul, punan ang talahanayan
sa ibaba ng pangungusap o parirala na maaaring maiuugnay sa bawat
konseptong pangwika. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Kahulugan ng wika Katangian ng Wika

2
TUKLASIN
Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay tungo sa pagkamit ng panibagong
kaalaman sa pamamagitan ng isang gawaing hahamon sa iyong kasanayang
makabuo ng salita, ang pagsasaayos ng mga titik upang makabuo ng salita. Naibigay
na ang sagot sa unang bilang bilang halimbawa.

1. AGGIILLNNOOOMMSW 2. ILIBNGAWALSIMOG

SAGOT: MONOLINGGWALISMO SAGOT: _____________________

3. UMLITLNGGIWLIASMO 4. ARISILINAP

SAGOT: _____________________ SAGOT: _____________________

5. LABLOG 6. NAPILPNANU

SAGOT: _____________________ SAGOT: _____________________

7. APNUTOR 8. NMPBASNA

SAGOT: _____________________ SAGOT: _____________________

SURIIN
Matagumpay mo bang nabuo ang mga salitang nakapaloob sa bahaging
Tuklasin? Ano kaya ang kaugnayan ng mga salitang iyan sa ating aralin? Kung
maiuugnay mo ang mga iyan, binabati kita. Kung hindi naman, huwag kang mabahala
dahil sa iyong pagpapatuloy ay lalo pang mapauunlad ang kaalaman mo sa mga
konseptong pangwika. Simulan mo na ang pagtuklas sa iba pang konseptong
pangwika

A. Kabuluhan o Kahalagahan ng Wika


Ayon pa kina Garcia, et al. (2010), may tatlong pangunahing kahalagahan ang
wika. Ito ay ang kahalagahang pansarili, panlipunan, at global o internasyunal.
Napapaloob sa kahalagahang pansarili ang indibidwal na kapakinabangan. Sa oras
na matutuhan ng isang indibidwal ang kakayahang magsalita, kailangan na niyang
magamit nang wasto ang wikang kanyang kinagisnan (vernakular).
Kailangan din ng mga tao ang pagbuo ng isang lipunang sasagisag sa kanilang
iisang mithiin, sa kanilang natatanging kultura. Itinatagubiling matutuhan ng mga
Pilipino ang dalawang wikang opisyal, ang Filipino at Ingles, upang maging
kasangkapan sa komunikasyon: ang Filipino para sa komunikasyon sa loob ng bansa
at ang Ingles para sa pandaigdigang komunikasyon.

3
Ginagamit natin ang wika sa pansariling kahalagahan gaya na lamang ng
paghingi natin ng papel sa kamag-aral kapag tayo ay nawalan. Nagiging panlipunan
ang kahalagahan ng wika kung gamit natin ito sa pook na ating kinabibilangan na
maaaring isang barangay, munisipalidad, probinsiya, at isang bansa. Nagiging global
o internasyunal ang kahalagahan ng wika kung ito ay gamit sa malawakang
pakikipagtalastasan gaya na lamang ng pag-uusap ng dalawa o higit pang bansa.

B. Wikang Pambansa, Wikang Panturo at Wikang Opisyal


Ilan pa sa mga konseptong pangwika na mahalagang makilala mo sa modyul
na ito ay ang wikang pambansa, wikang panturo at wikang opisyal. Ano nga ba ang
pagkakaiba ng tatlong ito? Narito ang paghahambing ni Jocson (2016):

Wikang Pambansa
Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kanyang nasasakupan. Ang
Pilipinas ay isang multilingguwal na bansa kaya dapat asahang ang wikang pambansa
ang magiging tulay na wika sa ugnayan ng iba’t ibang kapuluan na may kanya-
kanyang katutubong wikang ginagamit. Ang wika ring ito ang pambansang daluyan ng
komunikasyon tulad ng sa telebisyon, radyo, at mga pahayagan, gayon din naman
ang mga kilalang politiko, komentarista, mga manunulat at makatang gustong maabot
ang buong bansa.

Wikang Panturo
Ang wikang pambansa ay itinadhana ng batas na gagamitin bilang wikang
panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Nakasaad ito sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng
Saligang-batas ng 1987 na nagsasabing: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.” Samakatuwid, ang mga wikang panturo ay Filipino at
Ingles ngunit naidagdag na wikang panturo ang mga bernakular na wika dahil sa
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na kabahagi ng K to 12
Curriculum.

Wikang Opisyal
Anumang wika na ginagamit na prinsipal na wika sa edukasyon, pamahalaan,
politika, komersiyo at industriya ay tinatawag na opisyal na wika. Gaya ng nabanggit
na sa itaas, ang opisyal na wika ng Pilipinas sa layuning komunikasyon at pagtuturo
ay Filipino at Ingles hanggang walang itinatadhana ang batas.

C. Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

Narito naman ang pagpapakahulugan sa mga konseptong pangwika na


monolinggwalismo, bilinggwalismo at multilinggwalismo ayon kay Jocson
(2016).

Monolinggwalismo ang sistema kung saan gumagamit, pasalita man o


pasulat, ng iisang wika ang isang tao, isang komunidad o isang bansa bilang
wika ng pakikipagtalastasan, edukasyon, komersiyo, negosyo, maging sa pang-

4
araw-araw na pamumuhay. Monolinggwal ang tawag sa tao o komunidad na
nasa ilalim ng sitwasyong ito.
Bilinggwalismo ang tawag sa sistema kung saan ang isang tao o
komunidad ay nakakaintindi at nakagagamit ang dalawang wika.
Multilinggwalismo naman tawag sa pagkakaroon ng kakayahan ng
isang ispiker o isang grupo na gumamit ng higit sa dalawang wika nang
mahusay, matatas at natural.

D. Una, Ikalawa at Ikatlong Wika

Kaugnay ng usaping multilingguwalismo ang mga konseptong una, ikalawa at


ikatlong wika.
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang
natamo ng tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika,
wikang bernakular o ng simbolong L1. Sa wikang ito pinakamahusay na naipahahayag
ng tao ang kanyang ideya, kaisipan at damdamin (Dayag & Del Rosario, 2014).
Mula sa Seksyon 4 ng Republic Act No. 10533, ang unang wika ay binigyang-
kahulugang din bilang wika o mga wikang unang natutuhan ng isang bata, kung saan
siya nakauugnay, at kinikilala bilang isang katutubong wikang ginagamit niya sang-
ayon sa iba, na siyang pinakaalam niya, o pinakaginagamit.
Habang lumalaki ang isang bata ay nagkakaroon siya ng eksposyur sa iba pang
wika sa kaniyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o iba pang tao tulad ng
kaniyang tagapag-alaga, kalaro, kaklase o guro. Mula sa mga salitang paulit-ulit
niyang naririnig ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa
magkaroon ng sapat na kakayahan rito at magamit sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Ito ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.
May iba pang natututuhan ang tao sa pagdaraan ng panahon kung saan lalong
lumalawak ang mundo niya. Mas dumarami ang taong nakakasalumuha, lugar na
nararating, mga palabas na napapanood o mga aklat na binabasa. May bagong wika
siyang maririnig o makikilala na kalauna’y matututuhan at magagamit niya sa
pakikipagtalastasan upang makaangkop siya sa lumalawak na mundong
ginagalawan. Ikatlong wika o L3 ang tawag dito.
Isang kaugnay na termino ang lingua franca. Ito ang tawag sa mga wika ng
pakikipag-ugnayan ng mga taong may iba’t ibang wika o varayting karaniwang
ginagamit sa isang partikular na komunidad kung saan ang mga tao ay may sariling
katutubong wika.

PAGYAMANIN
Inaasahan kong naunawaan mo ang iyong nabasa. Upang lalong mahasa ang
iyong kaalaman hinggil sa mga konseptong nabanggit sa bahaging Suriin, subukin
mong sagutin ang mga pagsasanay upang mapalalim ang pag-unawa sa paksa. Ano
pang hinihintay mo? Sulong na!

Pagsasanay 1: Malawakan ang kahalagahan ng wikang nabanggit sa modyul na ito.


Kaugnay nito, magsulat ka ng tig-isang halimbawa ng bawat kahalagahan ng wika
batay sa sariling kaalaman, pananaw at karanasan. Isagawa ang pagsasanay sa
sagutang papel. Nasa ibaba ang pormat na susundin.

5
Kahalagahan ng Wika Halimbawa
1. Pansarili
2. Panlipunan
3. Global

Pagsasanay 2: Mula sa mga natutuhang konseptong pangwika, sagutin ang mga


sumusunod na tanong sa sagutang papel. Iugnay dito ang mga sariling karanasan.
1. Paano nakatutulong ang wika sa pang-araw-araw mong pamumuhay?
2. Ano-ano ang mga kahalagahan ng Filipino bilang wikang pambansa, wikang
panturo at wikang opisyal?
3. Anong wikang gamit ng iyong mga guro ang higit mong nauunawaan?
Ipaliwanag ang mga dahilan.
4. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa maraming wika sa
pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa ibang pangkat ng lipunan?
5. Ang inyong komunidad ba ay monolinggwal, bilinggwal o multilinggwal?
Magbigay ka ng mga tiyak na patunay.

ISAISIP
Isang matikas na pagsaludo ang isinasalubong ko sa iyo dahil patuloy mo
akong sinasamahan sa paglalakbay na ito. Panatilihing nakatanim sa isipan mo
ang mga ito. Bilang paglalahat, punan ng wastong konseptong pangwika ang
bawat patlang upang makompleto ang ideya ng mga talata. Isulat ang mga sagot
sa sagutang papel.

(1) Ayon sa paglalarawan ni Jocson (2016), [1] _____ ang tawag sa kaso
kung saan ang tao o komunidad ay nakakaintindi at nakapagsasalita o
nakasusulat ng iisang wika lamang. [2] _____ ang tawag sa taong
nakakaintindi ng iisang wika lamang. Ang tawag naman sa kaso kung saan ang
tao o komunidad ay nakakaintindi at nakagagamit ng dalawang wika ay [3]
_____. Samantala, ang tawag sa kaso kung saan ang tao o komunidad ay
nakakaintindi at nakagagamit ng mahigit pa sa dalawang wika ay [4] _____.

(2) Napapaloob sa kahalagahang [5] _____ ang indibidwal na


kapakinabangan sa paggamit ng wika. Nagiging [6] _____ ang kahalagahan
ng wika kung gamit natin ito sa pook na ating kinabibilangan na maaaring isang
barangay, munisipalidad, probinsiya at isang bansa. Nagiging [7] _____ o
internasyunal ang kahalagahan ng wika kung ito ay gamit sa malawakang
pakikipagtalastasan gaya na lamang ng pag-uusap ng dalawa o higit pang
bansa.

(3) [8] _____ ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang
natamo ng tao. Dahilan sa eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na
maaaring magmula sa telebisyon o iba pang tao ay nagkakaroon ng [9] _____.
[10] _____ ang tawag sa mga wika ng pakikipag-ugnayan ng mga taong may
iba’t ibang wika o varayting karaniwang ginagamit sa isang partikular na
komunidad kung saan ang mga tao ay may sariling katutubong wika.

6
Pamantayan sa Pagbuo ng Pabatid
Napakahusay Mahusay Di gaanong Di Mahusay
(10) (8 puntos) Mahusay (4 puntos)
(6 puntos)
Nilalaman Napakatumpak Tumpak ang May ilang Maraming maling
ng mga mga maling impormasyon
impormasyon impormasyon impormasyon
Kayarian Napakalinaw at Malinaw ang Di gaanong Di malinaw at
walang mali sa pagpapahayag malinaw at maraming
gramatika at ngunit may may ilang kamalian sa
mekaniks sa ilang mali sa kamalian sa gramatika at
tatlong gramatika at gramatika at mekaniks sa
bersiyon mekaniks sa mekaniks sa tatlong bersiyon
tatlong tatlong
bersiyon bersiyon
Pagkama- Napakamalik- Malikhain at Di gaanong Di malikhain at di
likhain hain at malinis ang malikhain malinis ang
napakalinis ang pagkagawa ngunit malinis pagkagawa
pagkagawa ang
pagkagawa
KABUOAN: 30 puntos

ISAGAWA
Gawain 1: Kabilang sa panlipunang gamit ng wika ang paghahatid ng mga
impormasyon sa ibang tao. Bumuo ka ng pabatid tungkol sa mga paraan upang
makaiwas sa COVID-19. Ipalagay mo na heterogenous (iba-iba ang mga wika) at
multilinggwal ang inyong komunidad kaya dapat mong isulat ang pabatid na ito sa
tatlong wika; sa inyong una (Mother Tongue), ikalawang wika (Filipino) at ikatlong wika
(Ingles). Nasa kabilang pahina ang pamantayang gagabay sa iyong paggawa.

7
TAYAHIN
Salubungin mo ng matamis na ngiti ang panghuling pagtataya sa modyul na
ito. Pinapayuhan kang basahin at unawain ang bawat panuto bago sumagot.
A. Panuto: Suriin ang salitang may salungguhit at tukuyin kung angkop ang
tinutukoy na kahalagahan ng wika. Isulat ang T sa sagutang papel kung wasto
ang tinukoy na kahalagahan ng wika. Isulat naman ang M kung mali at isulat ang
angkop na kahalagahan ng wika.

1. Pansariling kahalagahan ng wika ang pagpapahayag ni Amel ng nararamdaman


kay Ana.
2. Panlipunan ang pagpapalabas ng barangay ng anunsyo tungkol sa anti-bullying.
3. Pansarili ang pagpapadala ng Amerika ng mensahe ng pakikiramay sa bansang
Japan.
4. Global na kahalagahan ang pag-uusap ng mga bansang ASEAN tungkol sa
pagtatag ng ekonomiya sa rehiyon.
5. Pansarili ang paghimok ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino na sumunod sa mga
protocol ng IATF.

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na may kinalaman sa mga


konseptong pangwika. Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat bilang at
isulat ang titik nito sa sagutang papel. Maaaring maulit ang kasagutan.
A. Monolinggwalismo F. Ikatlong Wika
B. Multilinggwalismo G. Lingua franca
C. Bilinggwalismo H. Wikang Pambansa
D. Unang Wika I. Wikang Panturo
E. Ikalawang Wika J. Wikang Opisyal

1. Wikang Ilocano ang wikang tulay ng mga Kankanaey, Ibaloy at Kalanguya ng


Cordillera upang magkaunawaan.
2. Filipino at Ingles ang gamit ng mga guro sa kolehiyo.
3. Nakapagsasalita ang batang si Juan ng Kalanguya at Isneg.
4. Kinakausap lamang siya ng matanda gamit ang wikang Masadiit.
5. Tanging wikang Chavacano ang alam ni Aya.
6. Natutuhan ni Alice ang wikang Hangeul kahit Kankanaey ang dating alam na
wika dahil sa kapapanood ng K-drama.
7. Maliban sa Ingles at Filipino, natutuhan ni Analiza ang wikang Tuwali sa kaibigan.
8. Wikang Ingles at Filipino ang ginagamit sa iba’t ibang institusyon ng bansa.
9. Filipino ang ginagamit ng mga opisyales sa kanilang pakikipagtalakayan sa iba’t
ibang panig ng bansa.
10. Nakapagsasalita si Lumen ng Spanish at German.

8
KARAGDAGANG GAWAIN
Isang masigabong palakpak ang handog ko sa iyo sa pagtatapos mo sa modyul na ito.
Bilang pangwakas na gawain sa modyul na ito, hinihikayat kitang gawin ang karagdagang
gawain.
Gawain: Bumuo ng isang makabuluhang islogan tungkol sa kahalagahan ng wika batay
sa obserbasyon at pang-araw-araw na interaksyon mo sa lipunan. Isulat ito sa sagutang
papel at isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba.
Pamantayan para sa Islogan
10 8 6 4
Nilalaman Napakalinaw na Malinaw na Medyo magulo Malabo ang
nailahad ang nailahad ang ang mensahe. mensahe.
mensahe. mensahe.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda Di maganda at
napakamalikhain malikhain ang ngunit di di malikhain
ang pagkagawa pagkagawa. gaanong
malikhain
Kaugnayan May malaking May Walang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa gaanong kaugnayan sa
paksa ang paksa ang kaugnayan sa paksa ang
islogan. islogan. paksa ang islogan.
islogan.
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang awtput. malinis ang awtput.
awtput. awtput.

9
10
ISAGAWA
Ang puntos ay nakabase sa
pamantayan sa pagbuo ng komik
strip.
ISAISIP
1)Monolinggwalismo 6)Panlipunan
2)Monolinggwal 7) Global
3)Bilinggwalismo 8) Unang Wika
4)Multilinggwalismo 9)Pangalawang Wika
5)Pansarili 10)Lingua Franca
TAYAHIN
1. A aaral.
2. B kasagutan batay sa karanasan ng mga mag-
3. D Pagsasanay 2: Maaaring magkaiba ang
4. C
5. C guro.
6. D pang-unawa ng mga mag-aaral at iwawasto ng
7. C Pagsasanay 1: Ang sagot ay mula sa sariling
8. C
9. C PAGYAMANIN
10. A
11.A-mga taong
kabilang sa isang tiyak
na pook SUBUKIN
12.E
13.E 1. A
14.E 2. B
15.E 3. E
BALIKAN 4. F
5. C
Ang sagot ay maaaring 6. D
TUKLASIN
1.MONOLINGGWALISMO magkaiba ayon sa imbak 7. B
2.BILINGGWALISMO na kaalaman ng mga mag- 8. B
3.MULTILINGGWALISMO aaral. 9. H
4.PANSARILI 10. C
5.GLOBAL 11. C
6.PANLIPUNAN 12. A
7.PANTURO 13. I
8. PAMBANSA 14. G
15. B
SUSI NG PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Garcia, Lakandupil C. et.al. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ika-3


Edisyon). Tinajeros Malabon City: Jimcyzville Publications. 2010.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Vibal


Group, Inc. 2016

11
Para sa mga tanong, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng


Cordillera, Wangal, La Trinidad, Benguet, 2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

12

You might also like