Professional Documents
Culture Documents
Dr
Tax Evasion
Ghost projects and Ghost employees
Pag-iwas sa public bidding sa pagkakaloob ng kontrata
Pagpapasa-pasahan ng kontrata ng mga contractors
Nepotismo
Pangingikil o Exortion
Pagbibigay ng protection money or tong
Pagbibigay lagay o pampadulas
Tax Evasion – pagtanggi ng mga pribadong negosyo na ideklara ang kanilang tunay na
kita upang makaiwas sa pagbabayad ng angkop na buwis.
Ghost project at Ghost employees – paglalagay ng pondo ng pamahalaan sa mga
proyekto na hindi naman ginagawa o wala naman talagang proyekto.
Pag-iwas sa public bidding sa pagkakaloob ng kontrata – pag-iwas sa
pagsusubasta sa publiko na ipagkaloob ang kontrata sa layuning bigyan ng pabor ang
mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay ng mas malaking halaga at benepisyo sa
mga tiwaling opisyal.
Pagpapasa-pasahan ng mga kontrata ng mga contractors – ang mga trabahong
tulad ng imprastruktura at proyektong pampubliko tulad ng kalye at tulay ay ipinapasa
mula sa isa pang kontraktor at patungo sa isa pang kontraktor.
Nepotismo – pagbibigay ng oppurtunidad at prebilehiyo sa mga kamag-anak o
kapamilya at mga kaibigan.
Pangingikil o Exortion – paghingi ng salapi at mahahalagang bagay sa mga kliyente
pamahalaan kapalit ng mas mabilis na serbisyo tulad ng pag-iiayu clearance at iba
pang dokumento
Pagbibigay ng protection money or tong – ang mga taong karaniwang nagsasagawa
ng mga ilegal na gawain tulad ng sugal ay humihingi ng proteksiyon mula sa mga
opisina at ahensiya pamahalaan upang magpatuloy ang kanilang ilegal na operasyon.
Pagbibigay ng lagay o pampadulas – pagbibigay ng lagay o suhol sa mga tauhan ng
ahensiya ng pamahala para sa mabilis na pagkuha ng mga papeles, pagpoproseso ng
dokument at mas mabilis na serbisyo.