You are on page 1of 4

BUGTONG

Ang bugtong o riddle ay pangungusap o katanungan na may


nakatagong kahulugan na isinasaad upang lutasin. Gumagamit ito ng
metapora para maisalarawan ang mga bagay na nabanggit. Ito rin ay
ihinahanay nang patula at karaniwang itinatanghal bilang isang laro.

Para mahulaan at masagot ang mga bugtong kailangan itong gamitan


ng talas ng isip at maingat na pagninilay-nilay. Kadalasan, ang sagot ay
maaaring mahulaan gamit ang mga bagay na mismong nakasaad sa
loob ng bugtong.

Uri ng bugtong
 Talinghaga o enigma
 Palaisipan o konundrum
Mga katangian ng bugtong
 Sukat
 Tugma
 Talinghaga/talino
Iba pang tawag sa bugtong
 Palaisipan
 Talinhaga na may nakatagong kahulugan
 Pahulaan
 Paturuuan
 Puzzle
Halimbawa ng mga bugtong at mga sagot nito

Bugtong Sagot sa bugto

Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad. saraggola

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. siper

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. kandila

Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. kampana o bati

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. kubyertos

Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. palaka

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. baril

Maliit na bahay, puno ng mga patay. posporo

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ampalaya

Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. ilaw


SALAWIKAIN
Ang salawikain o proverbs ay bahagi ng kasabihan o saying na
nagmula sa mga payo o pahayag ng matatanda ayon sa sarili nilang
mga karanasan o nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

Ang salawikain ay isang maikling payo tungkol sa isang kaugalian o


pagpapahayag ng isang paniniwala na sinasang-ayunan ng karamihan,
habang ang sawikain ay isang parirala na hindi agad mauunawaan dahil
hindi literal ang ibig sabihin ng mga ito.
Ang mga salawikain sa Pilipinas ay batay sa mga pamumuhay,
pilosopiya, karunungan at kalinangan ng mga katutubong Pilipino. Ito rin
ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino kaya naman maaari rin itong
tawaging katuruan o pilosopiya ng Pilipinas. Sinasabi na ang paggamit
ng salawikain sa pakikipag-usap ay nangangahulugan na ang
nagsasalita ay nagbibigay diin sa isang kaisipan o punto. Bilang mga
pananalita ng mga ninuno na naisalin at naipasa ng iba’t ibang
henerasyon, nilalarawan ang salawikain bilang isang palamuti
sa wika lalo na sa wikang Filipino.

Mga halimbawa ng salawikain/kasabihan


Salawikain tungkol sa edukasyon
 Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.
 Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
 Ang karunungan ay kayamanang walang taong
makapagnanakaw.
Salawikain tungkol sa kabataan
 Ang batang matigas ang ulo ay mahirap matuto.
 Buntong-hiningang malalim, malayo ang nararating.
Salawikain tungkol sa kaibigan

 Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan.


 Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila.
 Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

You might also like