You are on page 1of 56

ANG PAGDIRIWANG NG MISA

KAUGNAY NG PAGBIBINYAG SA BATA


PASIMULA

Pagtanggap sa mga Bata

Kapag natitipon na ang sambayanan, gaganapin ang awiting pambungad o


naangkop na Salmo, kung ito ay minarapat ng pagkakataon. Samantalang, ang
Paring tagapagdiwang, na nakasuot ng mga damit na may angkop na kulay sa
araw o sa panahon, o nakasuot ng puti o ng mga masayang kulay kung kailan
pinapayagan ang Pagdiriwang ng Misa Kaugnay ng mga Sakramento at
Sakremental, ay tutungo kasama ang mga tagapaglingkod sa pintuan ng simbahan
o sa bahagi ng simbahan kung saan natitipon ang mga magulang, ninong at
ninang kasama ang mga bibinyagan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at
ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Sisimulan ng pari ang pagdiriwang ng binyag sa pamamagitan ng
pagtatanong sa malayang naisin ng mga magulang na pabinyagan ang kanilang
mga anak, ang kanilang pananagutan sa pahuhubog sa pananampalataya,
gayundin ang kahandaan ng mga ninong at ninang na tumulong sa paghuhubog ng
bata. Sasabihin ng pari sa mga magulang ang ganitong pangungusap o katulad
nito:

Mga kapatid,
tayo'y nagagalak na magkatipuntipon
sa pagdiriwang na ito
para kay N. (sa mga sanggol) na magiging kaanib
ng ating Sambayanang Kristiyano.
Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang
ng Sakramento ng Binyag,
mangyari po lamang na ipahayag ang inyong layunin
ukol sa inyong (mga) pabibinyagan.

Bilang mga magulang ng mga batang ito,

1
nais ba ninyong sila ay tumanggap ng Sakramento ng
Binyag
upang makiisa sa buhay ng Diyos
at makaanib ng ating Sambayanang Kristiyano?
Sasagot ang mga magulang:

Opo.
Tatanungin ng pari ang mga magulang sa pamamagitan ng ganitong
pangungusap o katulad nito:

Nalalaman ba ninyo na kalakip ng kahilingang ito


ang pananagutan na hubugin
ang inyong pabibinyagan sa diwa ni Kristo?

Sasagot ang mga magulang:

Opo.
Tatanungin naman ng pari ang mga ninong at ninang sa pamamagitan
ng ganitong pangungusap o katulad nito:

Kayo naman, mga ninong at ninang,


nakahanda ba kayong tumulong sa mga magulang
na akayin ang inyong mga inaanak sa
pananampalataya?
Mga ninong at ninang:

Opo.
Magpapatuloy ang pari sa ganitong pangungusap:

Bilang kinatawan ng Sambayanang Kristiyano,


ikinagagalak kong tanggapin si N. (ang inyong mga
anak)
sa pamamagitan ng pagkukrus sa noo.
Kaya’t inaanyayahan ko kayo,
mga magulang, ninong at ninang,
upang krusan sa noo ang inyong pabibinyagan.
Kukrussan ng pari ang mga bata sa noo nang tahimik. Pagkatapos nito,
aanyayahan niya ang mga magulang, ninong at ninang na gawin din ito.

2
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagpaglingkod ay magbibigay-galang
alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa
pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya
ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.

Papuri sa Diyos

Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Panalanging Pambungad

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

3
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit.
Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag
ang panalanging pambungad. Ang pambungad na panalangin para sa araw na
iyon ang babanggitin, ngunit sa mga araw na pinahihintulutan ang pagdiriwang
ng mga Sakramento at Sakramental, mababanggit ang panalanging ito:

Ama naming makapangyarihan,


binibigyan mo kami ng pakikisalo
sa pagkamatay at pagkabuhay na muli ng iyong Anak.
Kaming pinalalakas ng Espiritu ng iyong pagkupkop
ay ganap nawang makatahak sa landas
ng iyong bagong buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Sa Kapaskuhan at Karaniwang Panahon kung saan pinahihintulutan ang
pagpili ng pagbasang naayon sa paksa ng pagdiriwang, maaring piliin ang mga
pagbasang nasa ibaba na angkop sa Pagdiriwang kaugnay ng Binyag. Ngunit sa
Panahon ng Pagdating ng Panginoon, Apatnapung Araw na Paghahanda para sa
Pasko ng Pagkabuhay, kapag may Dakilang Kapistahan, gayundin sa walong araw
na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, sa Paggunita sa lahat ng Yumao, sa
Miyerkules ng Abo at sa mga Mahal na Araw, kung saan hini pinahihintulutan ang
Pagdiriwang kaugnay ng mga Sakramento at Sakramental, ang pagbasa ay para
sa mga araw na iyon.

4
Unang Pagbasa
(Efeso 4, 1-6)

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon


ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo
gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos.
Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga.
Magmahalan kayo at magpaumanhinan.
Pagsumikatan ninyong mapanatili
ang pagkakaisang mula sa Espiritu,
sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan.
Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu;
gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat,
dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos.
May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya,
at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat.
Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
(Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6)

Pastol ko’y Panginoong D’yos,


hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.


Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,


5
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan


sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,


hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,


ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,


hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,


sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo lalagi at mananahan.

Aleluya o Awit Pambungad sa Mabuting Balita


(Juan 14:6)

Aleluya, Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya, Aleluya!
Kung gaganapin ito sa Apatnapung Araw na Paghahanda, hahalinhan
ang Aleluya ng taludtod na ito:

Pinupuri ka ng tanan,
sugo ng D’yos na Maykapal.
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay

6
patungo sa Amang mahal.

Mabuting Balita
(Marcos 10:13-16)

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Marcos.

Noong panahong iyon,


may nagdala ng mga bata kay Hesus
upang hilinging ipatong niya sa mga ito
ang kanyang kamay;
ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad.
Nagalit si Hesus nang makita ito,
at sinabi sa kanila,
“Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata,
huwag ninyo silang sawayin,
sapagkat sa mga katulad nila naghahari ng Diyos.
Ito ang tandaan ninyo:
ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos
tulad ng isang maliit na bata
7
ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.”
At kinalong ni Hesus ang mga bata,
ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila
at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagkaraan, gaganapin ang homilya.

Hindi gaganapin ang Kredo kapag ito ay nakatakda sapagkat


hahalinhan ito ng pagpapahayag ng pananampalataya na gagawin ng buong
sambayanan bago ang binyag.

Panalanging Pangkalahatan

Pari:

Mga kapatid,
halina't lumuhog sa Poong Maykapal
upang magiliw niyang kalingain
ang mga batang bibinyagan,
ang mga magulang, ninong at ninang,
at ang buo niyang Sambayanang Banal.

Panginoon, dinggin mo kami.

1. Para sa banal na Sambayanan sa ating lupain,


upang sa pamamatnubay ni Pedrong Pastol na banal,
at ni Pablong tagapangaral,
masipag niyang maipalaganap ang Magandang Balita
sa ating kapuluan at sa iba’t ibang bansa,
manalangin tayo sa Panginoon.

8
Panginoon, dinggin mo kami.

2. Para sa mga bibinyagan,


upang ang mga anghel ang pumatnubay
at mag-adya sa kanila sa lahat ng masama,
manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo kami.

3. Para sa mga mag-anak,


upang mamalagi silang tapat
sa kanilang pangako sa binyag;
at alinsunod sa halimbawa
nila Hesus, Maria, at Jose,
sila’y manatiling nagmamahalan
at nagmamalasakit sa isa’t isa,
manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo kami.

4. Para sa mga ninong at ninang,


upang sa patubay ng Nuestra Señora dela Salvacion
magampana nila ang tungkuling
tuwangan ang mga magulang
sa paghuhubog ng kanilang mga inaanak,
manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo kami.

5. Para sa lahat ng binyagang naririto,


upang katulad ng lahat ng mga banal
makapamuhay tayong matapat
sa ating pangako sa binyag,
manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagtatapos ng panalanging pangkalahatan ay lalapitan ng pari ang


bibinyagan upang igawad ang Panalangin ng Pagwawaksi o Eksorsimo.

9
Panalangin ng Pagwawaksi

Pari:

Ama naming makapangyarihan,


kusang loob kang nagmahal sa amin,
kaya isinugo mo ang iyong Anak
upang kaming nasadlak sa paniniil ng sala
ay mabigyan ng laya.
Sa tanda ng krus na banal
loobin mong si N. (ang mga batang bibinyagan)
ay maging malaya sa pagkaalipin
na bunga ng pagsuway ng nilikha mong unang tao.
Lukuban nawa siya (sila) ng Banal na Espiritu
upang sila ay mapuspos ng diwa
ng muling pagkabuhay ng iyong Anak.
Iniluluhog nain ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalanghanggan.

Bayan:

Amen.

Pagkukrus sa Noo

Pari:
10
Sa kapangyarihan ng ating Tagapagligtas
na si Hesukristo,
ikaw ay magpakatatag
ngayon at magpasawalanghanggan.
Bayan:

Amen.

PAGDIRIWANG NG BINYAG
Pagbabasbas ng Tubig

Ipaaalala ng pari sa lahat ng naroon ang kalooban ng Diyos, na nagnais


na pabanalin ang sangkatauhan sa kaluluwa at katawan sa pamamagitan ng tubig.
Maari niya itong gawin sa ganitong pangungusap o katulad nito:

Mga kapatid, halina’t lumuhog sa Diyos


na nagkakaloob ng kanyang buhay
sa mga sumasampalataya at nagpapabinyag
upang ang kanyang paglukob at paglingap
ay maidulot ng tubig
na puspos ng kanyang pagbabasbas.

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Ngayo’y babasbasan ng pari ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang


mga panalangin nang nakalahad ang kamay sa tubig. Sa bawat pagpupuri ay
tutugon ang lahat ng Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Ama naming maawain,


Pinabukal mo sa binyag ang iyong buhay
Para sa mga umaanib sa iyong Sambayanan.

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Ama naming mapagkalinga,

11
pinagkakaisa mo ang mga tumanggap ng
pagbibinyag
sa tubig at Espiritu Santo
upang maging mga kapatid ni Hesukristo.

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Ama naming mapagmahal,


iniligtas mo ang mga tumanggap
sa Espiritu ng iyong pag-ibig
upang magkamit ng iyong kapayapaan.

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Ama naming mapagpala,


hinirang mo ang mga bininyagan
upang masayang ipahayag
ang Mabuting Balita ni Kristo para sa tanan.

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Ama naming Lumikha,


halina po kayo at basbasan 
ang tubig na nakalaan para sa pagbibinyag
ng (mga) hinirang para sa muling pagsilang
at pananampalataya ng Simbahang naghahatid
sa buhay sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

12
Pagtatakwil sa Kasalanan at
Pagpapahayag ng Pananampalataya

Aanyayahan ng pari ang mga magulang at ang mga ninong at ninang sa


ganito o katumbas na mga pangungusap ukol sa mga pangako sa binyag para sa
batang bibinyagan:

Mga minamahal na magulang, ninong at ninang,


noong tayo ay binyagan
tayo ay nalibing kasama ni Kristo,
upang kasama rin niya
tayo ay makabangon at makapagbagong-buhay.
Bilang tanda ng inyong pananagutan
sa paghuhubog ni N. (ng inyong mga anak)
ayon sa Banal na Aral
sariwain ninyo ngayon ang inyong pangako
noong kayo’y binyagan
na tatalikuran ang lahat ng kasamaan at kasalanan.

Aanyayahan din ng pari ang buong sambaayanan na lumahok sa


pagtatakwil sa kasalanan at pagpapahayag ng pananampalataya.

Tatanungin sila ng tagapagdiwang:

Mga magulang, ninong at ninang,


itinatakwil ba ninyo si Satanas?
Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

Opo, itinatakwil namin.


Pari:

Itinatakwil ba ninyo ang kanyang mga gawain?


Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

13
Opo, itinatakwil namin.

Pari:

Itinatakwil ba ninyo ang kanyang pang-aakit?


Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

Opo, itinatakwil namin.

Sunod nama’y hihingiin ng pari ang makatlong pagppahayag ng


pananampalataya sa mga magulang, ninong at ninang, at sa buong sambayanan,
habang sinasabing:

Mga magulang, ninong at ninang,


sumasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may gawa ng langit at lupa?
Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

Opo, sumasampalataya kami.


Pari:

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

Opo, sumasampalataya kami.


Pari:

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
at muling pagkabuhay ng mga namatay,
14
at sa buhay na walang hanggan?
Mga magulang, ninong at ninang, at ang bayan:

Opo, sumasampalataya kami.


Ipahahayag ng pari at ng lahat ang kanilang pagsang-ayon sa
pagpapahayag ng pananampalatayang ito sa ganitong pangungusap:

Sa pananampalataya na marangal nating


ipinahayag
ating igawad ang Sakramento ng Binyag
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

Pagbibinyag

15
Tatanungin ng pari sa huling pagkakataon ang mga magulang ukol sa
malayang pasya sa pagpapabinyag ng kanilang mga anak at pag-ako ng tungkulin
sa paghuhubog sa pananampalataya sa ganito o katumbas na mga salita:

Talaga bang bukal sa inyong kalooban


na si N. ay pabinyagan
upang hubugin sa ipinahayag
nating pananampalataya?
Sasagot ang mga magulang:

Opo.

Tatlong ulit na iluubog sa tubig o bubuhusan ng tubig ang bibinyagan.


Habang ginagawa ito ay bibigkasin ang mga kataga sa pagbibinyag:

N. ikaw ay binibiyagan ko, sa ngalan ng Ama,

Ang binibiyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa unang


pagkakataon.

at ng Anak,

Ang binibiyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikalawang


pagkakataon.

at ng Espiritu Santo.

Ang binibiyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikatlong


pagkakataon.

PAGLALAHAD NG KAHULUGAN NG BINYAG


Paglalagay ng Langis

Sasabihin ng pari:

16
Ngayong naganap na ng Diyos Ama
ng Panginoong Hesukristo
ang muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo,
ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilala
ng paglukob ng Espiritu Santo
sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag nawa si N. (ang mga batang ito)
sa pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,
ngayon at magpakailanman.

Bayan:

Amen.
Lalagyan ng langis ang tuktok ng mga bagong binyag nang matahimik.

Pagbibigay ng Damit Pambinyag

Sasabihin ng pari:

Ang damit pambinyag


ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga anak ng Diyos.
Nawa’y manatiling wagas
at walang bahid-dungis
ang kaniyang (kanilang) karangalan
hanggang matamo nila ang buhay na walang
hanggan.

Bayan:

Amen.
Ilalagay ng ninong at ninang sa kailang inaanak ang damit pambinyag
maliban na lamang kung nakasuot na ang bata ng damit pambinyag.
Pagbibigay ng Kandilang Nagdiringas

Maaring tangnan o hawakan ng pari ang Kandila ng Pagkabuhay


habang binibigkas:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating Ilaw
sa diwa nati’t isipan.

17
Bayan:

Si Hesukristo’y nabuhay.
Siya’y ating kaliwanagan.
Mula sa Kandila ng Pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang
kandila para sa kanilang inaanak.

Pari:

Ang ilaw na ito’y tanda ng liwanag ni Kristo


na tinanggap ng (mga) bagong binyag.
Sa tulong ng mga magulang, ninong at ninang,
nawa'y mag-alab ito sa kanilang puso’t diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating
Panginoon.

Bayan:

Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y


ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni
Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng
dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa


pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog
para sa Simbahan at para sa mga dukha.

18
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana,
hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-
buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang Diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis


habang dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitnang dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang
bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging pagkaing nagbibigay-
buhay.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap


na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang
mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
19
upang kami’y matutong sumunod sa iyo
nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang


dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng Diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at
ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya


ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

Diyos kong minamahal


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang


kanyang mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin Ukol sa mga Alay

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya


ang panalangin ukol sa mga alay.
Ama naming Lumikha,
ang mga pinagindapat mong makawangis ng iyong
Anak
ay aming idinadalanging makaisa
sa iyong kinalulugdang haing tinanggap mo
bilang alay ng Sambayanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:
20
Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Ang misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay at ng Bayan ng Diyos

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

21
Sa dakilang pagtubos niya sa amin
ang kasalana't kamatayang aming pasanin
ay binalikat niya upang kami'y palayain
at maitampok sa iyong luningning.
Siya ang nagtanghal sa amin bilang liping hinirang,
pari at haring lingkod sa iyong kamahalan.
Mula sa kadiliman, kami'y iyong tinawag
upang makasapit sa iyong liwanag
bilang iyong angkang may tungkuling maglahad
ng iyong dakilang pag-ibig sa lahat.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo...

UNANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT
(Pamantayang Panalangin ng Roma)
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,


samantalang kanyang dinarasal.

Ipinakikiusap namin
sa pamamagitan ng Anak mong ito
na ang kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


22
para sa iyong banal na Simbahang katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa N., na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N.*
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko
na galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.

Ama namin, iyong alalahanin ang iyong mga anak


na ngayo’y aming idinadalangin: N. at N.
bilang mga ninong at ninang ng biniyagang hinirang
mo.
Ang kanilang pananampalataya ay nababatid mo
gayun din ang pagsisikap nilang maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan nila at ng mga mahal namin sa
buhay,
para sa kalusugan at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.

Pag-alala sa mga Banal

Kaisa ng buong Simbahan, unang-una


ang ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
† gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan, Tomas,
Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
Gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
*
Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa nasasaad
sa ika-109 na talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Akalat ng Pagmimisa sa
Roma
23
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
Amen.)

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin ang handog na ito


ng iyong buong angkan
para sa minarapat mong muling isilang
sa tubig at sa Espiritu Santo
sa ikapagpapatawad ng lahat niyang mga kasalanan
upang siya’y itambal mo kay Kristo Hesus
na aming Panginoon
at kalugdan mo sa ikapananatiling nakatala
sa aklat ng mga nagkakamit ng iyong buhay.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y


nagdarasal.

Ama namin, basbasan mo


ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
24
ng pinakamamahal mong Anak
ang aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.

Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,


ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad

25
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng
pari.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,
kaming mga lingkod mo
at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit,
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin
sa iyong kataas-taasanag kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kaylan man
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang
katapusan.
26
Masdan mo nang buong kasiyahan
ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel,
ang lingkod na matapat sa iyo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na Paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
Ang banal at dalisay na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat
sa banal mong anghel
ang mga alay na ito
sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo
sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito
sa banal mong hapag

Tatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

kami ay mapuspos ng iyong pagpapala


at tanang pagbabasbas.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga


kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga
kamay.

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya
ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal: N. at N.

27
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga
kamay. Pagkatapos ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga
kamay

Sila at ang tanang nahihimlay


sa kandungan ni Kristo
ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong
piling.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya


ay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod


Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

kami rin ay nagtitiwala


sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami
ay makaugnay at makapiling
ng iyong banal na apostol at martir,
kasama sina Juan Bautista, Esteban,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia
Agnes, Cecila, Anastasia)
at ang lahat ng iyong mga banal.

Kami nawa’y makapisan nila


hindi dahil sa aming ginagawang
kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay.

28
Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

At patuloy siyang magdarasal:

Sa kanyang pamamagitan
ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
binubuhay, binabasbasan at sa amin ibinibigay.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

29
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang Salitang nkatuwang mo at kapiling


noong ang lahat ng umiiral ay iyong likhain.
Siya’y sinugo mo para kami’y sagipi’t palayain
kaya’t siya’y kinalinga ng Mahal na Birhen
na naging kanyang Inang totoo
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Inako niyang sundin ang loob mo
at kamtin ang sambayanang banal para sa iyo.
Pinagtiisan niyang iunat sa krus
ang kanyang mga kamay
Upang magwakas ang kamatayan
at mahayag ang pagkabuhay

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo...

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

30
Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga


kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya't sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang


tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

upang para sa ami'y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,


ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

31
Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya't iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
32
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami'y nagpapasalamat
dahil kami'y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa
at ni N., na aming Obispo*
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin si N. (sila N. at N.)


na bagong kaanib ng iyong angkan bunga ng Binyag
upang kanyang kusang masundan
ang iyong Anak na si Kristo.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila'y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawan Mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
kaisa ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa
ikararangal mo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak

**
Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa nasasaad
sa ika-109 na talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Akalat ng Pagmimisa sa
Roma
33
na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw

34
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga


kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo


sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan ng mga


kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ito nawa’y maging Katawan at Dugo 


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipinagkanulo siya,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN

35
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,


ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

36
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama, ginugunita namin


ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay
pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buháy at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan.


Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang
buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalo-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

37
Kami nawa ay gawin niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong
pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
kaisa ng mga apostol, mga martir
(ni San/Santa N.,
ang Banal na pinararangalan o Pinipintuho)
at kaisa ng lahat ng Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

Ama, ang handog na ito


ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa N.,
ang aming Obispo N., *
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.

Patatagin mo si N. (sila N. at N.)


sa kanyang banal na kapasyahan
upang mapangatawan ang tinanggap
na bagong pagsilang sa tubig ng binyag.
Ngayong kabilang siya sa iyong sambayanan,
bigyan mo ng pagsulong araw-araw
**
Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa nasasaad
sa ika-109 na talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Akalat ng Pagmimisa sa
Roma
38
ang tinatamasa niyang bagong buhay.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

39
IKAAPAT NA PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming banal,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Ikaw lamang ang Diyos na totoong nabubuhay


nang walang pasimula at walang katapusan.
Ikaw ay nananahan sa liwanag na ‘di matitihan.
Ikaw ang kaisa-isang mabuti
at bukal ng tanang nabubuhay.
Nilikha mo ang tanang umiiral
upang puspusin ng iyong pagpapala ang iyong mga
kinapal
at upang paligayahin ang lahat
sa luningning ng iyong kaliwanagan.
Kaya’t di mabilang ang mga anghel
na nakatayo sa iyong harapan,
Naglilingkod sila sa iyo gabi at araw.
Sa pagtutunghay nila sa iyong kagandahan
sila ay nagpupuri nang masigla at walang humpay.
40
Kaisa nila, kaming kumakatawan sa lahat ng iyong
kinapal
Dito sa ibabaw ng lupa at sa silong ng kalangitan
ay nagbubunyi para sambahin ang iyong ngalan.

Santo, Santo, Santo...

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal.

Amang banal,
nagpapasalamat kami sa iyong kadakilaan,
karunungan at pagmamahal
na nababakas sa lahat ng iyong kinapal.
Nilikha mo ang tao na iyong kalarawan,
ipinamahala mo sa kanya ang sanlibutan
upang pangasiwaan ang lahat ng nilikha mo
bilang paglilingkod sa iyo.
Noong ikaw ay talikdan ng tao
sa pagsuway niya sa pagmamahal mo,
hindi mo siya pinabayaang panaigan ng kamatayan.
Buong awa mong tinutulungan
ang naghahanap sa iyo
upang ikaw ay matagpuan.
Muli’t muli mong inialok ang iyong tipan,
at sa pamamagitan ng mga propeta
tinuturuan mong umasa ang mga tao
sa pagdating ng kaligtasan.

Amang banal,
gayun na lamang ang pag-ibig mo sa sanlibutan
kaya noong dumating ang panahon ng kaganapan
isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak
bilang Tagapagligtgas.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Tumulad siya sa aming pamumuhay sa lahat ng bagay
maliban sa paggawa ng kasalanan.
Sa mga dukha, ipinangaral niya ang Mabuting Balita.
41
Sa mga napipiit, ipinahayag niyang sila ay lalaya.
Sa mga nahahapis, inihatid niya ang galak at tuwa.
Upang kanyang sundin ang loob mo,
nagpakasakit siya hanggang sa mamatay.

Sa kanyang muling pagkabuhay,


nilupig niya ang kamatayan
at binigyan kami ng bagong buhay.
Upang kami naman ay huwag nang mamuhay
para sa sarili lamang
kundi para sa kanya na namatay at muling nabuhay
para sa aming tanan,
isinugo niya, Ama, mula sa iyo
ang Banal na Espiritu.
Ito ang unang bunga
na handog mo sa mga sumasampalataya
upang sa pagbibigay-kaganapan
sa gawaing sinimulan ng Anak mo
malubos ang kabanalan ng lahat ng tao.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga


kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama, isinasamo naming pabanalin nawa,


ng banal na Espiritu ang mga handog na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang
tinapay at kalis samantalang kanyang dinarasal.

upang maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

sa pagdiriwang namin sa dakilang misteryong ito


na kanyang inihabilin sa amin
bilang tipan na walang hanggan.

42
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay
ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Ama naming banal, noong dumating ang panahon


upang parangalan ang iyong Anak,
kanyang ipinakita na mahal niya
ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan
at ngayo’y ipakikita niya
kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila
habang naghahapunan siya at ang mga alagad.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,
ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.


43
Gayundin naman,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,

44
ipinagdiriwang namin ngayon
ang alaala ng aming katubusan.
Ginugunita namin ang pagkamatay ni Kristo,
ang kanyang muling pagkabuhay,
pag-akyat at pagluklok sa iyong kanan.
Ngayon ay hinihintay namin ang dakilang araw
ng pagpapahayag niya sa gitna ng kanyang
kaningningan.
Kaya’t inihahandog namin sa iyo
ang kanyang Katawan at Dugo
ang haing kalugud-lugod sa iyo at nagliligtas sa mundo.

Ama tunghayan mo ang handog na ito


na ipinagkatiwala mo sa iyong Simbahan.
Sa iyong kagandahang-loob
marapatin mong sa aming pagsasalu-salo
sa isang tinapay at kalis na ito
kaming pinagbuklod ng Espiritu Santo
bilang isang katawan
ay maging buhay na handog ng papuri
sa iyong kadakilaan kay Kristo.

Ama, alalahanin mo
ang lahat ng pinatutungkulan namin
ng paghahandog na ito:
ang iyong lingkod na si Papa N.,

45
ang aming Obispo N., *
ang tanang Obispo at buong kaparian,
ang lahat ng naririto ngayon
at ang bagong binyag na si N. (sila N. at N.),
na muli mong isinilang ngayon
sa tubig at Espiritu Santo,
gayundin ang buo mong sambayanan,
at ang lahat ng mga tao
na pawang tapat at wagas ang pananalig sa iyo.
Alalahanin mo rin ang lahat ng yumao
sa kapayapaan ni Kristo
at ang lahat ng mga pumanaw
na may pananampalatayang ikaw lamang ang
nakaaalam.

Amang maawain,
loobin mong kaming iyong mga anak
ay magkamit ng pamanang langit.
Makapiling nawa kami ng Ina ng Diyos,
Ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
at ng mga Apostol at ng lahat ng mga Banal.
Sa iyong kaharian,
kaisa ng tanang kinapal na ligtas na
sa kasalanan at kamatayan,
kami ay magpupuri sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo

**
Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa nasasaad
sa ika-109 na talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Akalat ng Pagmimisa sa
Roma
46
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang
may magkadaop na kamay:

Naging anak tayo ng kaliwanagan kay Kristo.


Dumulog tayo ngayon sa ating Ama
na bukal ng kaliwanagan at buhay
sa panalanging itinuro sa atin
ng ating Panginoong Hesukristo.

47
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng
lahat.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan


ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo angkaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
48
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang pari’y haharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga


kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng
Diyakono o Pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay
mabibigyan ng kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa


ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o


darasalin ang pagluhog na ito:

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan,
maawa ka sa amin.

49
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling


pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mong ako’y laging makasunod lagi
sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyanag hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang
malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

50
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang
pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang


mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang
habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay
titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o Diyakono o tagapaglingkod. Habang ito
ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinaggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit
na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

51
Panalangin Pagkapakinabang
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng
dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung hindi pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin
ngayon, at pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring
nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


kaming mga pinapagsalo mo sa Katawa’t Dugo
ng iyong Anak
ay makapakinabang nawang ganap sa kanyang Espiritu
sa ikapagkakaroon ng ibayong pagsulong
sa pamumuhay bilang magkakapatid
upang sa kaganapan ng aming pagkatao
ayon sa pagiging ganap ni Kristo
lalong mag-ibayo ang pag-ibig naming buháy
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan at tutugon:

52
Amen.

Aanyayahan naman ng pari ang sambayanan na manalangin at hilingan


ang panalangin ng Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan nito o katumbas na
mga pangungusap:

At sa Mahal na Birhen
ating ipagkatiwala ang (mga) bagong binyag.
Sama-sama tayong manalangin:

Aba Ginoong Maria,


napupuno ka ng grasya,
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,


ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

53
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga
kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Ang pari ay magpapahayag ng paanyayang:

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagpapala.

Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa


lahat, samantalang ipinahahayag ang pagpapanalangin.

Ama naming mapagmahal,


amin nang ipinagdiwang ang sakramento
na nagbibigay ng iyong buhay at dangal.
Habang panahon kaming lilingon sa iyo
dahil sa lahat ng iyong awa at biyaya.
Pagindapatin mong kami,
bilang mga magulang, ninong at ninang
ay manatiling matapat
sa aming mga ipinangako sa binyag.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

54
Amen.

Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak  at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo


sa sambayanan sa ganitong pangungusap o katumbas nito:

Sa kumpil at unang pakikinabang


dapat lubusin ang ating pinasimulan,
Ihanda ninyo sila (siya)
sa pagsapit ng araw ng pagtanggap
sa mga sakramentong banal.
Humayo kayong taglay ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

55
56

You might also like