You are on page 1of 13

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter - Ikalimang Linggo (Aralin 4 - 5)

Mga Halimbawa ng Gamit ng Wika

sa Lipunan Batay sa Nasaliksik

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga Halimbawa ng Gamit ng Wika sa Lipunan Batay sa Nasaliksik
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino
Writers: Ma. Lulubel C. Claro, Ruel B. Casipe Jr.Joseph P. Cagcon
Kattie C. Tagud, Ma.Tita C. Cadavos, Rhyne Mae S. Gales

Illustrators: Roel S. Palmaira, Precious E. Garcia

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn Lapor, Rhyne Mae S. Gales
Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason,Jr.
Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr.Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa sa
Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang
gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito
na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga
gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at unawain upang masundan ang
mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na

papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Mga Halimbawa ng Gamit ng Wika sa Lipunan
Batay sa Nasaliksik
Kumusta kaibigan! Siguro’y marami ka nang natutuhan sa mga araling iyong
pinag-aralan nitong mga nakaraang araw. Naimpok ito sa iyong baul ng karunungan
na walang makakakuha na kahit sino.
Ang bawat isa sa atin ay may tungkuling pangalagaan, paunlarin, at
payabungin ang wikang ginagamit sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa
tahanan, paaralan, at lipunang ginagalawan. Subalit ang wika ay may mga tungkulin
at gamit ding ginagampanan sa atin upang magkaroon tayo ng mabisang
pakikipagtalastasan at mapanatili ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Bunga nito
magiging maayos at mapapadali ang daloy ng komunikasyon.
Kaya sa bahaging ito ng modyul tutugunan natin ang mga sumusunod na
kompetensi:
• naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at
• nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan (F11EP-Ie-31).
Upang lubusang malinang ang mga kasanayang nabanggit, narito ang mga
tiyak na layunin:
• natutukoy ang mga halimbawa ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan at;
• nakikilala kung ano ang gamit ng wika sa tiyak na sitwasyon.

Dagdagan pa natin ang iyong mga kaalaman na magagamit mo sa pang-araw-

araw na buhay at mapatatag ang pakikipag-ugnayan sa kapwa tao.

Masarap matuto di ba? Tara simulan natin!

Natutuhan mo na ang kahulugan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa

nakaraang aralin. Napagtanto mo na ang wastong paggamit nito ay nakabubuti upang
maging mabisa at epektibo ang pakikipagtalastasan. Bago tayo pumunta sa mga
gawaing inihanda para sa iyo, subukin muna natin ang iyong dating kaalaman sa
paksang tatalakayin.

1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung ano ang gamit ng wika.
Pumili ng sagot sa kahon at isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

A. Instrumental E. Imahinatibo
B. Regulatoryo F. Heuristiko
C. Interaksiyonal G. Representasyunal/Impormatibo
D. Personal

_______1. Nagtatanong ang mga mag-aaral kung paano sila makapag-enrol sa

darating na pasukan.
_______2. Ang guro at mga mag-aaral ay nagkakaroon ng talakayan sa klase
hinggil sa Corona Virus.
_______3. Nagkukuwento si Xian ng mga lugar na kanyang pupuntahan kung siya
ay may pakpak.
_______4. Personal na binati ni Michelle ang kanyang matalik na kaibigan sa
pamamagitan ng video call.
_______5. Nagbabala ang DOH sa lumalaganap na Corona Virus sa buong
mundo.
_______6. Nagtext ng pangangamusta si Ana sa kanyang mga kamag-anak sa
panahon ng ECQ o Enhanced Community Quarantine.
_______7. Nagbigay-babala ang pamahalaan sa hindi magsusuot ng facemask
sa pampublikong lugar.
_______8. Nag-anunsyo ang DSWD ng patakaran sa pagkuha ng SAP o Social
Amelioration Program.
_______9. Ibinalita sa radio at telebisyon ang dami ng taong dinapuan ng COVID
sa bansa.
______10. Nagbigay ng mensahe ang pangulo hinggil sa kung anong lugar ang
sasailalim sa ECQ.

Magaling! Kilalang-kilala mo na talaga ang pitong Gamit ng Wika ni M.A.K

Halliday. Naging madali ang pagsagot mo sa mga tanong.
Gusto mo bang madagdagan pa ang iyong mga kaalaman? Ipagpatuloy lang
kaibigan.

2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
A. Basahin at unawain.

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang paksa ng teksto?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Batay sa binasang teksto, ano gamit ng wika?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang patuloy na pangangalap ng impormasyon at datos?
Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang pagsasagawa ng social distancing sa
kasalukuyang kalagayan ng ating bansa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral na may kakayahang gamitin ang wika sa
pagpapalaganap ng impormasyon, paano ka makatutulong sa upang
maiwasan ang pagkalat ng virus?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
B. Alamin Natin
Gamit ng Wika sa Lipunan
Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa ating buhay sa araw-
araw. Ayon kay Michael Halliday (1925) isang Australyanong Lingguwista sa kanyang
aklat na Explorations in the Functions of Language, may pitong (7) gamit o tungkulin
ang wika sa lipunan. Ito ay ang mga sumusunod:

Gamit ng Wika Halimbawa

1. Instrumental Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit upang “Sobra na!”
magpahayag ng mensahe at saloobin. Ito ay maaaring mangahulugang:
• Tumigil o tapusin na ang isang
gawain .
• Ipinatitigil ang isang gawain
bunga ng pagkainis o pagkagalit.
• Labis ang nilagay na sangkap sa
pagluluto gaya ng asin,tubig ,
paminta at iba pa.
• Pagkaubos ng pasensya sa isang
tao o gawain.

2. Regulatoryo Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit upang • Lipunan – kapag sinasabi na
kontrolin ang kilos o gumabay sa asal ng dapat magsuot ng facemask at
isang tao. Maaari itong nakasulat o faceshield sa pampublikong
berbal. lugar at sasakyan,kailangan
mong sundin dahil may
karampatang parusa sa mga
lalabag.
• Pamilya – kapag sinabi ng mga
magulang sa anak na umuwi
bago mag- alasais ng gabi dahil
kung hindi ay pagagalitan ito.

3. Interaksiyonal Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit upang 1. Magandang araw?
mapanatili at mapatatag ang relasyong 2. Kumusta!
sosyal sa kapwa. Sa panahon ng
makabagong teknolohiya maaari itong
chat o group chat sa internet, e-mail at
iba pa.
4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
4. Personal Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit upang 1. Pagsulat ng talambuhay o
maipahayag ang sarili at anumang Biograpiya na nagsasaad ng
pansariling layunin. Kalakip nito ang kasaysayan ng buhay ng isang
personal na pagpapahayag nang tao.
pasalita man o pasulat, 2. Paggawa ng Blog - modernong
pamamaraan ng pagsulat na
karaniwang makikita sa internet.

5. Imahinatibo Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit sa Mga Akdang Pampanitikan gaya
pagpapalawak ng imahinasyon ng isang ng:
tao sa malikhaing paraan. 1. Mito
2. Pantasya
3. Kuwentong - bayan
4. Alamat
5. Siyensiyang piksyon

6. Heuristiko Halimbawa:
Ang wika ay ginagamit sa 1. Pagbuo at pagsasagawa ng
paghahanap o paghingi ng isang pananaliksik
impormasyon upang makakuha ng iba’t 2. Pakikipanayam at pagtatanong
ibang kaalaman.

7. Representatibo/ Impormatibo Halimbawa:

Ang wika ay ginagamit upang 1. Pagbabalita sa radyo,
magbahagi ng impormasyon at telebisyon at social media
pangyayari sa paraang pasulat o 2. Pakikipanayam at pagtuturo
pasalita.

Pagkatapos mong matutuhan ang mga halimbawa ng gamit ng wika sa

lipunan, subuking gawin ang sumusunod:

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Panuto: Magbigay ng mga halimbawang pangungusap o pahayag sa bawat gamit ng
wika sa lipunan.

1.
Instrumental Pangungusap/ Pahayag

2.
Regulatoryo Pangungusap/ Pahayag

3.
Interaksiyonal Pangungusap/ Pahayag

4.
Personal Pangungusap/ Pahayag

5.
Imahinatibo Pangungusap/ Pahayag

6.
Heuristiko Pangungusap/ Pahayag

7.
Representatibo/ Pangungusap/ Pahayag
Impormatibo

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Karagdagang kaalaman ang inihanda para sa iyo upang marami ka pang
matutuhan. Narito ang mga gawain iyong kagigiliwan.

Gawain A
Panuto: Basahin at suriin ang teksto.

Ventilator Machine
Ang ventilator ay mekanikal na
aparato sa paghinga na ginagamit upang
magbigay ng hangin o oxygen sa mga
pasyenteng may COVID-19 na kritikal ang
kondisyon.
Ang COVID-19 ay maaaring maging
sanhi ng pamamaga ng daanan ng hangin at
pagkawala ng normal function ng baga, na
siyang nagbabawas sa kakayahan ng
katawan na kumuha ng oxygen at maglabas
ng carbon dioxide.
May kakayahan ang ventilator na
magpasok at maglabas ng hangin sa baga ng
mga pasyenteng nahihirapang huminga
mag-isa. Ang hangin ay dumadaloy sa
pamamagitan ng isang tubo na pumapasok
sa bibig ng pasyente at bumaba sa kanilang
lalamunan.

Mula sa facebook page ng Kagawaran ng Kalusugan

Panuto: Basahin at unawain pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan.

1. Ano ang paksa ng teksto?
___________________________________________________________________
2.Ano ang ventilator machine at paano ito gumagana ayon sa teksto?
___________________________________________________________________

3.Ano sa palagay mo ang gamit ng wika sa binasang teksto?

___________________________________________________________________

Marami ka nang natutuhan tungkol sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan.

Ngayon naman ay bubuo ka ng isang Concept Map.

7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Gawain B
Panuto: Maaari kang gumuhit o gumupit ng larawang nagpapakita ng mga
halimbawa ng gamit ng wika sa lipunan maliban sa mga naibigay na. Ilagay
ito sa paligid ng malaking bilohaba sa ibaba.

Mga Gamit ng Wika sa

Lipunan
(M.A.K. Halliday)

Marami ka na bang natutuhan sa aralin? Subukin mo namang

gawin ito upang kasanayan mo sa pananaliksik ay lumago.
Gawain C
Panuto:
1. Magsaliksik ng mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng iba’t ibang
gamit ng wika sa lipunan sa lugar na nakalagay sa talahanayan. Maaari kang
magdagdag ng lugar na wala sa talahanayan. Ang unang bilang ay ginawan
ng halimbawa upang maging batayan mo.

Lugar Mga Sitwasyon Gamit ng Wika

Nag-utos ang nanay sa anak na
1. Tahanan / bahay Instrumental
bumili ng suka sa tindahan
2. Paaralan/ Silid-aralan
3. Pamayanan/ Barangay/
Lipunan
4. Restawran

5. Palengke/Pamilihan

2. Magbigay ng isang makatotohanang sitwasyon sa iyong buhay na kapag

hindi tama o wasto ang paggamit ng wika, maaari itong magbunga ng di
kanais-nais na pangyayari o kapahamakan. Magsalaysay ng isang
sitwasyon na nakabatay sa iyong karanasan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
Mahilig ka bang magfacebook kung walang ginagawa? Manood ng pelikula,
teleserye o K-Drama? Makinig ng drama at balita sa radyo? Kung Oo ang sagot mo,
ito na ang pinakahihintay mong gawain.Tiyak na mag-eenjoy ka.
Panuto: Magsaliksik ng mga sitwasyon o pangyayari sa araw-araw nating mga gawain
na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K Halliday. May
halimbawa sa ibaba na puwede mong maging gabay sa iyong gagawin.
(Maaaring gumawa ng maikling dayalogo sa mga halimbawang ibibigay.)
Halimbawa:
1. Nasa baitang 11 ng Senior High School si Marga at Cassey, unang araw ng
pasukan at sinusubukan nilang makipagkilala sa mga bagong kaklase.
Paliwanag: Ang sitwasyon ay nagpapakita ng interaksiyonal na gamit ng wika.

Ayan, hindi ka na mahihirapan sa iyong gawain. Isulat ito sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Gawain

Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay Mahusay
paghusayan
(8-10 puntos) (5-7 puntos)
(1-4 puntos)
Nakapagsaliksik
Nakapagsaliksik ng
Nakapagsaliksik ng ng halimbawang
Ginawang halimbawang
mga halimbawang sitwasyong
Pananaliksik sa sitwasyong ngunit
sitwasyong kapani- kapani-paniwala
halimbawa ng hindi kapani-paniwala
paniwala at tama ang ngunit hindi
gamit ng wika sa at hindi natukoy kung
tinutukoy na gamit ng natukoy kung ano
lipunan ano ang gamit ng
wika sa lipunan. ang gamit ng wika
wika sa lipunan.
sa lipunan.
Malinaw na
Paraan ng Malinaw na malinaw Hindi malinaw na
nailahad ang
paglalahad ng na nailahad ang nailahad ang
nasaliksik na mga
nasaliksik na mga nasaliksik na mga nasaliksik na mga
halimbawang
sitwasyon na halimbawang halimbawang
sitwasyong
nagpapakita ng sitwasyong sitwasyong
nagpapakita ng
gamit ng wika sa nagpapakita ng gamit nagpapakita ng gamit
gamit ng wika sa
lipunan ng wika sa lipunan ng wika sa lipunan
lipunan
May ilang
Nilalaman ng mga May ilang
May halimbawang halimbawang
sitwasyong halimbawang hindi
kapanipaniwala at hango sa mga
nagpapakita ng kapanipaniwala at
hango sa mga totoong totoong
gamit ng wika sa mistulang kathang isip
pangyayari sa buhay. pangyayari sa
lipunan o gawa-gawa lamang.
buhay

Natutuwa ako na napagtagumpayan mo ang araling ito. Binabati kita!

9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Markahan - Ikalimang Linggo (Aralin 4 – 5)

Tuklasin:

1.F
2.C
3.E
4.D
5.G
6.A
7.B
8.B
9.G
10.B

Linangin A. Ang pagtutuos ay nakabatay sa nasaliksik ng mag-aaral.

A. Ang pagtutuos ay nakabatay sa ideyang isinagot ng mag-aaral.
Tayahin
B. Ang pagtutuos ay nakabatay sa pangungusap/pahayag na isinagot ng mag-aaral.
2. Ang pagtutuos ay nakabatay sa ideyang isinagot ng mag-aaral.
Pagyamanin
C 1. Ang pagtutuos ay nakabatay sa halimbawang sitwasyong isinagot ng mag-aaral.
A. Ang pagtutuos ay nakabatay sa ideyang isinagot ng mag-aaral.
B. Ang pagtutuos ay nakabatay sa larawan/guhit na isinagot ng mag-aaral.

Tayahin A. Ang pagtutuos ay nakabatay sa ideyang isinagot ng mag-aaral.
A. Ang pagtutuos ay nakabatay sa nasaliksik ng mag-aaral.
Linangin

10.B
9.G
8.B
7.B
6.A
5.G
4.D
3.E
2.C
1.F

Tuklasin:

Unang Markahan - Ikalimang Linggo (Aralin 4 – 5)

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87); at Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)

You might also like