You are on page 1of 1

ESP-8 09/19/23

Ireen J. Borres
Sa aming pamilya ay may apat na myembro, si mama, si papa, si ate
at ako. Nais ko’ng ipakilala ang aking sarili, ako si Ireen Jorvina Borres
labintatlong taong gulang ako ang bunso sa aming dalawa. Katangian ko
ang pagiging masipag sa gawaing bahay tulad ng pag huhugas ng
pingan, pagwawalis o pag mamop ng sahig,pagtutupi ng damit at iba
pa,.Mabait din ako at palakaibigan pero minsan di ako nagpapakita ng
emosyon kahit saan o kanino.

Ang ate ko naman na si Patricia ay dalawampu't dalawang taong


gulang.Siya ay nagaaral sa kolehiyo bilang maging isang ganap na guro
pagdating ng tamang panahon. Siya ay masipag, mabait at malambing,
swerte ako sa aking kapatid dahil siya ay malambing at hindi nya ako
inaaway.

Si Mama naman na nagngangalang Maricel ay isang housewife.


Inaalagaan at pinapanatili niya kaming ligtas at malusog habang ang si
Papa ay nasa trabaho.May katangian siyang pagiging mabait,
malambing, mapagmahal at marami pang iba. Masaya kaming sama
samang gumagawa ng mga gawaing bahay habang nasa trabaho si
Papa.

At sa wakas ang aking Papa naman ay si Ricky siya ay nagtatrabaho


bilang isang sundalo, nagsisilbi siya sa ating bansa at nagsisilbi din
siyang ama para sa amin.Siya ay protective pero malambing at
mapagmahal siya ang nagbibigay sa amin ng proteksyo at nagsisilbi
bilang haligi ng aming pamilya.

Mahal na mahal ko at naming lahat ang aming Papa at Mama, at


mahal na mahal ko ang kaning kapatid. At palagi kaming nananalangin
sa Dyos Ama ng pasasalamat at kaligtasan.

You might also like