You are on page 1of 2

September 18,2023 LUNES

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

12:00-12:40 DEL PILAR


12:40-1:20 AGUINALDO
3;20- 4:00 JAENA
4:00- 4:40 LAPU-LAPU
4:50-5:30 JACINTO
5:30-6:20 LUNA

ARALIN 3: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

I. Layunin
Bago matapos ang aralin ang mga bata ay inaasahang:
a. Matukoy ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa PIlipinas
b. Maipaliwanag ang Teoryang Austronesyano,
II. Paksang Aralin
a. Paksa : Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas- Teoryang Austronesyano,
b. Kagamitan: larawan ng mapa, batayang aklat
c. Sanggunian: MODULE 5 WEEK 3 QUARTER 1
III. Pamamaraan:
A. Balitaan
Magdaos ng ilang minuto ng pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa.
B. Balik-Aral

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ito’y nagsasaad ng
katotohanan at MALI naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.
_______ 1. Tinatawag na Pangaea ang malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang
nakalilipas.
_______ 2. Gamit ang mga tulay na lupa, narating ng mga unang tao ang bansang Pilipinas.
_______ 3. Ang Teoryang Ebolusyon ay nagpapaliwanag na nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas
mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
_______ 4. Naniniwala ang mga Igorot na nabuo ang Pilipinas mula sa libag ng katawan ng
kanilang Diyos.
_______ 5. Ginawa ang daigdig kasama ang bansang Pilipinas ng isang makapangyarihang Diyos.

C. Panimula
Itanong:
Sa anong mga paraan natin malalaman ang pinagmulan ng lahing Pilipino?
D. Paglinang
Teorya ng Austronesyano ay isa sa teorya na nabuo ng mga arkeologo na sinasabing
nagmula sa Timog - Tsina. Ayon sa pag-aaral, maaring dumating sila sa ating bansa at nanatili
dito hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan. Sila ay nakasakay daw sa mga balangay
upang makarating dito.
Ayon kay Peter Bellwood, isang arkeologong Australian, ang mga Austronesyano daw ang
ninuno ng mga Pilipino. Dumating sila sa Pilipinas mula sa Taiwan noong 2500 B.C.E. ngunit
orihinal na nagmula sa Timog-Tsina. Naglakbay ang ilang pangkat patimog mula sa kapuluan
ng Indonesia, Malaysia, New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar.
Ang pagkakatulad ng wikang ginamit, kultural, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang
Asya at sa Pasipiko ang naging batayan ni Bellwood.

E. Paglalahat ng aralin
Paano Ipinaliwanag ng Teorya ng Austronesyano migration ang pinagmulan ng ninunong
Pilipino?

F. Pagtataya:
Magbigay ng mga bansang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Lahing Pilipino.
G. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol kay Wilhelm Solheim II at ang kanyang pag aaral sa Nusantao

You might also like