You are on page 1of 3

September 13,2O23

MIYERKULES – ANG GURO AY LUMIBAN

September 14,2O23
HUWEBES

Asignatura: Araling Panlipunan

Bilang Baitang: Grade 5

12:00-12:40 DEL PILAR


12:40-1:20 AGUINALDO
3;20- 4:00 JAENA
4:00- 4:40 LAPU-LAPU
4:50-5:30 JACINTO
5:30-6:20 LUNA

I.Layunin: Natatalakay ang Pinagmulan ng PILIPNAS batay sa TEORYA,MITOLOHIYA


AT RELIHIYON

II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Unang Markahan – Modyul 2: Pinagmulan ng Pagkakabuo ng
Pilipinas batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
Sanggunian :MODULE 2 WEEK 2 Q1
https://www.facebook.com/watch/?v=4790862747591347
Mga kailangan:laptop at projector
III.PAMAMARAAN
A.Panimula
a.pagdarasal
b.pagbati
c.attendance
B.BALITAAN
Nakapanuod ba kayo ng balita kagabi?

C.BALIK ARAL
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at
M naman kung ito ay mali at isulat ito sa sagutang papel.
1. Matatagpuan ang bansang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya.
2. Walang kinalaman ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa
paghubog ng kasaysayan nito.
3. Ang bansang Tsina, Hapon, India, at Saudi Arabia ang mga
bansang nakipagkalakalan sa Pilipinas.
4. Malaki ang naging ambag ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng
kasaysayan sa larangan ng paglalakbay at nabigasyon sa Asya.
5. Naging tagatustos o suplayer ng mga hilaw na materyales ang
Pilipinas sa bansang Amerika.
D. Pagganyak:
1. Ipakita ang mga larawan ng mga kalapit bansa ng Pilipinas at ibagi ang kanilang
kultura.
E.PAPAGTATALAKAY
Mayroong uri ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng Pilipinas. Ito ay
ang teorya, mitolohiya, at relihiyon. Ang teorya ay isang paliwanag tungkol sa isang
penomena
o pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng
paliwanag o prediksyon. Ipinaliwanag ni Alfred Wegener ang kanyang sa teoryang
ContinentaL Drift, na gumalaw ang pangaea o malaking masa ng kalupaan ng daigdig 240
milyong taon na
ang nakalipas. Kaugnay nito ay nakabuo ng paniniwala sa pakahati-hati ng malalaki at
makakapal na tipak ng lupa kung tawagin ay tectonic plate. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng
init sa ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere(mantle) ay napagalaw nito ang mga
tectonic plate palayo,
pasulong, at pagilid sa isa’t-isa.

Ayon kay Bailey Willis sa kanyang Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory, ang Pilipinas ay
nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang Teoryang Tulay ng
Lupa o Land Bridges naman ay pinaniniwalaang dating kabahagi ang Pilipinas sa Continental
Shelf o mga tipak ng lupa sa katubigan na nakakabit sa mga kontinenteng mga tulay na lupa
ang
mga pulo sa isa’t-isa at ang ilang karatig bansa sa Timog-silangan Asya. Lumubog ang mga
mababang bahagi nito dahil sa pagkatunaw ng yelo, may 250 000 taon ang nakalipas ng
umapaw ang karagatan.

Ang mitolohiya ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag
ng mahahalagang balangkas ng buhay. Ayon sa mitolohiya, may tatlong higanteng naglaban-
laban gamit ang mga bato at mga dakot ng lupa. Nahulog ito sa dagat at siyang bumuo sa
kapuluan ng Pilipinas. Sa paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si
Melu ang Pilipinas mula sa kanyang libag. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang
daigdig ay mula sa kuko ng kanilang diyos.

Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang Diyos sang buong


sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas.

F.PAGLALAPAT
Sagutin mo.
1. Ano ang pagkakaiba ng teorya, mito at relihiyon?

IV.PAGLALAHAT
Laging tandaan na may iba-iba tayong batayan sa pinagmulan ng Pilipinas. Ang mga
ito ay teorya ng plate tectonic, sari saring mito ng ating mga ninuno at dahil sa likas nating
pagkarelihiyoso hindi maiaalis ang paniniwala natin sa pinaka-Makapangyarihan (Diyos) sa lahat
bilang may likha ng sandaigdigan. Alin man sa mga ito ay nanatili pa ring malaking katanungan
ang tungkol sa pinagmulan ng daigdig at ng ating bansa. Nasa sa atin kung alin ang ating
paniniwalaan.

V.pagtataya
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konseptogamit ang
siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust
a. asthenosphere b. tectonic plate
c. mantle d. bulkan
3. Tumutukoy sa kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang
partikular na relihiyon o paniniwala.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
4. Nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan sa mundo
a. Lindol b. pagputok ng bulkan
c. teorya ng Plate Tectonic d. mito
5. Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala ng mga sistemang kultural at pananaw
sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa epirituwalidad at
minsan sa moralidad.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon

V.TAKDANG ARALIN
Sagutin mo.(10 puntos)
1. Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?

You might also like