You are on page 1of 3

September 5, 2022:

Dito daw nag simula ang lahat nang itinampok ni Percy Lapid sa kanyang programa na Lapid Fire
ang “ Cinderella ng DOJ ( Department of Justice )” kung saan nagpatayo raw ito ng bahay sa
Laguna at nakabili ng maraming sasakyan, Hindi pinangalanan ni Percy Lapid ito pero may paulit-
ulit siyang ipinakitang bidyo ng mga bahay at sasakyan nito. Ang Broadcast na ito raw ang
sinimulan ng lahat.

Pagkatapos ng broadcast na ito ay bumuo raw ng plano ang “Master mind” na ipapatay si Percy
Lapid. Ipinasa niya ito sa middle man 1 at ipinasa naman ito ng middle man 1 sa isang leader ng
gang group sa bilibid.

Pagkatapos nito ay ibinahagi ng Gang leader na ito sa dalawa pang kapwa Gang leader sa Loob
ng bilibid ang “ Bagong Proyekto” raw nila.

Ang tatlong gang ay ang;


Happy go Lucky
Sigue Sigue Sputnik
Batang City Jail Gang

Plinano ng tatlong Gang Leader ang bago nilang “proyekto”. Itong tatlo raw ay mga gang leader
sa loob ng bilibid.

Ang tatlong gang leader na ito ay pinaniniwalaang pinangalanan ni Jun Global Villamor, ang
namatay na middle man, sa kanyang mensahe sa kanyang kapatid bago siya pinatay sa loob ng
bilibid.

Ang tatlong gang leader daw na ito ay nakipagkita kay Middle man 1 na sinabihan naman nito na
may trabaho sila at itanong na lang sa kasamahang gang leader.

Inutusan sila na mag-ipon ng 200,000 Pesos, ito raw ay ibabayad sa papatay kay Lapid.
Pangalawang inutos sa kanila ay humanap ng gunman na papatay kay Lapid.

Ang utos na Ito ay nagmula sa Itaas.

Naka pondo ng 100,000 pesos ang Happy Go Lucky Gang. Ang pera ay nagmula sa mg negosyo
sa loob ng bilibid. Ang isang miyembro raw ng Sigue Sigue Sputnik na si Villamor ay may kilalang
pwedeng trumabaho kay Lapid.

Napunta kay Joel Escorial na isang hitman ang project.

Nung September 15 dalawang 50,000 pesos ang pumasok sa bank account ni Escorial at nung
Sept. 16 naman ay isang 100,000.

October 3, 2022
Lunes, Dito na raw pinatay o binaril si Percy Lapid.
Ang Isyung ito ay usap-usapan na sa lahat ng social media. Ito rin ang laman ng
balita ngayon, maraming lumalabas na teyorya at unti-unting lumalabas ang
katotohanan, ngunit hangang ngayon hindi parin nahahanap o napapatunayan kung sino
talaga ang “Master Mind” nitong kaso. Maraming pangalan ang nadadawit sa isyung ito,
kasama na ang mga taong nagtratrabaho sa goyerno.

Bilang isang mag-aaral na nasasaksihan ngayon ang isyung ito, sa aking palagay
ay lumalakas na ang kapangyarihan o pinapairal na talaga ang corruption sa ating bansa.
Kung iisipin ko, may makapangyarihan sa kasong ito na nagawa niyang itago ang
pagpatay na ito o kaya niyang kumonekta sa loob ng bilibid. Hindi naman bago ito ngunit
nakaka-lungkot isipin na ang dapat tumutulong sa mga tao ay siyang namamatay din ng
kapwa kababayan.

Ang pagkamatay ni Percy Lapid ay nagpatunay na wala tayong kalaban-laban sa


mga taong makapangyarihan, na kahit ang pagpatay nila ay kaya nilang takpan at
ibalewala lamang. Tayo namang taong uhaw sa pera at kayamanan ay nakakagawa ng
masama at bawal. Tagilid na talaga ang sistema natin ngayon at taaas ang nasa taas at
mananatiling sa baba ang nasa baba.

Mataas ang kung sino man ang pumatay kay Lapid dahil nagawa nitong paikutin
ang kaso, nagawa rin nitong burahin si Villamor, tinatakpan niya ito ng maigi gamit ang
mga taong walang laban at kailangan ng pera. Hindi ko alam kung mahahanap natin ang
totoong pumatay sa kanila dahil makapangyarihan ang pera sa panahon ngayon at
makakagawa ito ng imposibleng bagay, ang masasabi ko lang ay katulad ng sa kantang
tatsulok “hambang may tatsulok at sila ang nasa tuktok hindi matatapos itong gulo”.

Based in:
 CNN “TIMELINE: The Percy Lapid slay case”
 News5Everywhere

You might also like