You are on page 1of 6

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region X
DIVISION OF BUKIDNON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao VIII

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Paaralan : _______________________________________ Petsa: ___________________________
Guro: __________________________________________ Score: ___________________________
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
___ 1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan
ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. pamahalaan b. barangay c. paaralan d. pamilya
___ 2. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan ng mga magulang sa pagpapaunlad ng pananampalataya ng
pamilya?
a. pera b. suhol c. pagkain d. luho
___ 3. Ito ay natututunan ng isang bata kung siya ay namumuhay sa pamimintas. Ano ito?
a. tumawa b. manghusga c. lumaban d. magmahal
___ 4. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. mga patakaran sa pamilya
___ 5. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
b. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
c. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
d. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at
magsama nang habambuhay.
___ 6. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
b. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon
din sa lipunan.
___ 7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon
ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
___ 8. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Laurel ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong
tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
___ 9. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang
baon sa iskwela.
b. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
c. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga
nila nang mabuti ang kanilang mga anak
d. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman
ang maghahanapbuhay sa pamilya.
___ 10. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag
ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
c. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga
bata.
d. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo
nito sa iba.
___ 11. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
b. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
c. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
d. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
___ 12. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga
nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
b. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
c. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
d. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
___ 13. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kanyang mga gampanin?
a. Upang ito ay maging mabuti at maunlad
b. Upang ito ay matagumpay at matiwasay
c. Upang ang mga kasapi nito ay magiging maligaya
d. Upang makamit nito ang kabutihan, kaunlaran at kaganapan
___ 14. Bilang anak, paano mo matutupad ang iyong gampanin sa pamilya?
a. Sa pagtupad ng mga pangako
b. Sa paggawa lagi ng kabutihan
c. Sa pagkakamit ng mataas na marka sa paaralan
d. Sa pagtulong sa bahay, pag-aaral ng mabuti at pagiging mabuting tao
___ 15. Paano mo napapahalagahan ang kontribusyon ng pamilya sa iyo?
a. Sa pagsunod sa kanilang mga utos
b. Sa pagiging mapasalamatin sa Diyos
c. Sa pagiging isang masunuring kapitbahay
d. Sa paggawa lagi ng ikabubuti sa aking sarili at sa buong pamilya
___ 16. Saan ba dito mas nakasalalay ang kaganapan ng ating pamilya?
a. Kung lahat ay nagtutulungan
b. Kung may pagkukusa at suporta
c. Kung bawat isa ay maayos na gumaganap ng kani-kaniyang mga tungkulin
d. Lahat ng nabanggit
___ 17. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano
ang mayroon siya
___ 18. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
a. pagmamahal c. pagtanggap
b. pagtitimpi d. katarungan
___ 19. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon
upang ang mga ito ay magtagumpay na malampasan.
c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong
ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang
kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
___ 20. Ang mga sumusunod ay dapat gawin kung ang nais ay maipaunawa ang Diyos at pananampalataya sa
mga kasapi ng pamilya maliban sa;
a. Iwasan ang pag-alok ng suhol
b. Ipadanas ang pananampalataya ng may kagalakan
c. Huwag ipilit ang pananampalataya hayaan ang kasapi ng pamilya sa gusto niyang gawin.
d. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya
Mga pagpipilian para sa bilanng 21-24. Tukuyin kung saan banta sa mga gampanin ng pamilya ang mga
sitwasyon.
a. Pagbibigay ng Edukasyon
b. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya
c. Paghubog ng Pananampalataya
___ 21. Dahil sa kahirapan ay napipilitang maghanapbuhay ng sabay ang mga magulang ni Amara kaya
nabawasan ang kanilang panahon sa pagbabantay sa kanila ng kanyang mga kapatid at sa pagtuturo sa
kanila ng mga mabuting asal.
___ 22. Nawalan na ng gana sa pag-aaral si Roy dahil ang kanyang mga magulang ay hindi na
nagkakaintindihan kaya siya ay sumusama sa mga kaklase niyang hindi pumapasok at nag-iinuman.
___ 23. Hindi namamalayan ni Belle na siya ay nasasanay ng hindi nagsisimba dahil na rin ang kanyang mga
magulang ay sobrang abala sa kani-kanilang mga gawain sa kanilang bahay tuwing araw ng pagsamba.
___ 24. Simula ng maliit palang si Lucas ay nasanay na siyang tinutulungan ng kanyang ina sa lahat ng kanyang
ginagawang mga desisyon at umabot pa nga sa punto na inaayos ng kanyang ina ang gusot na kanyang
napapasukan para sa kanya. Ngayon ay may-asawa na siya at hindi parin nagbago ang papel ng kanyang
ina sa kanyang buhay.
___ 25. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang mga magulang na gabayan sila hanggang
lumaki. Alin sa mga sumusunod ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang?
a. pakainin ang mga anak c. malasakit at pagmamahal
b. pagbigay ng edukasyon d. panlipunan at pampolitikal
___ 26. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. pagkakaroon ng ganap na kalayaan c. pagtitiwala
b. pagtuturo ng mga magulang ng pagpapahalaga d. pagtataglay ng karunungan
___ 27. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. dahil ang kanilang mga ipinakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
b. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
c. dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kalalamang kanilang makukuha sa
paaralan
d. dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan
___ 28. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
a. Sina Leo at Kate na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay
para sa kanilang mga anak
b. Sina Joel at Joy na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang
matiyak ang kanilang magandang kinabukasan
c. Sina Marco at Miles na namumuhay ng simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa
kanilang mga gawain, pangangailangan at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang
ginagalawan lalo na sa hinaharap
d. Sina Art at Donna na parehong nagsakripisyong magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tiniis ang hirap ng kalooban dahil malayo sa
pamilya
___ 29. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. sa pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
c. pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng
pamilya.
d. pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap ng hamon at pagtulong ng mga ito
upang ito ay maisakatuparan.
___ 30. Nais mahubog ni Ramon ang mga pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal sa kanyang pamilya, alin
sa mga sumusunod ang dapat niyang iwasan?
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya
___ 31. Ang magtutulak sa mga anak upang tunay na isabuhay ang mga halaga na itinuturo sa tahanan ay ang:
a. Pagtingala sa mga magulang na hindi kailanman kakikitan ng pagkakamali
b. Pagtingala sa mga magulang na itinuturo at isinasabuhay ang magandang halimbawa
c. Pagtingala sa mga magulang na itinuturo sa mga anak ang halaga ng pamumuhay sa
magandang halimbawa
d. Pagtingala sa mga magulang na hinahayaang matuto ang kanilang mga mag-anak sa kanilang
mga ipinakikitang magandang halimbawa
___ 32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pag-unlad ng misyon ng pamilya sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya?
a. Isinasangguni ang suliranin sa mga magulang o sa taong may kaalaman sa moral na
pamumuhay
b. Umaasa sa tulong ng mga magulang sa tuwing may suliran
c. Pagdarasal kasama ang pamilya sa tuwing araw ng pagsamba
d. Lahat ng nabanggit
___ 33. Alin sa sumusunod ang hindi makakabuti sa mabuting ugnayan ng pamilya?
a. Nakikinig c. Nagpapanggap
b. Nagpapatawad d. Nagsasabi ng totoo
___ 34. Ang sumusunod ay mga hamon sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon maliban sa:
a. Entitlement mentality
b. Kawalang galang sa awtoridad at nakakatanda
c. Kahirapan o kasalatan sa buhay
d. Ang kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao
___ 35. Ayon sa isang dalubhasa ang pinakamabisang paraan sa komunikasyon ay:
a. Pagmamalaki c. Pagpapakumbaba
b. Pagmamahal d. Pagpakatotoo
___ 36. Alin sa sumusunod ang ugat sa negatibong pagbabago sa komunikasyon sa pamilya?
a. Pagmamahal sa kasapi sa pamilya
b. Pinahahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya
c. Pagpapatawad sa nagkakamali sa miyembro ng pamilya
d. Subrang paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya
Mga pagpipilian para sa bilanng 37-40. Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang sumusunod:
a. Diyalogo
b. Monologo.
c. I-Thou
d. I-It.
___ 37. Pinagagalitan ni Aling Juana ang anak na si Dan dahil sa ginawa nitong pag-alis ng bahay na walang
paalam. Walang magagawa si Dan kung di tumahimik at walang kibo at umiiyak na lamang. Alam
niyang nagkakamali siya at pinagsisihan niya ito.
___ 38. Ang amang si Ronald ay nag-aalala nang nalaman niyang nag-aaway ang mga anak na sina Ruth at
Ruel dahil sa mga gawain sa bahay. Hindi na sila nagkikibu-an. Ina-anyayahan niya ang dalawa na
sasama sa kanya sa isang resort, na pinakapakay niya ay mag-uusap ang dalawa para malinawan ang
isa’t isa at magbabalik ang kanilang mabuting pagsasama.
___ 39. Madalas nagkakagalit ang magkakapatid na Zach at Zoe. Hindi nila pinakikinggan ang isa't-isa.
Kapwa ayaw magpatalo sa argumento.
___ 40. Maganda ang samahan nina Jack at ng kanyang ina. Pinakikinggan nito ang kanyang mga opinyon sa
tuwing sila ay nagkaka-usap. Bagama’t hindi siya nito pinagbibigyan sa kaniyang mga gustong gawin,
alam ni Jack na ito’y para rin sa kaniyang ikabubuti.
___ 41. Bakit pinakamabisang paraan ng komunikasyon ang pagmamahal?
a. Dahil ang pagmamahal ay galing sa Diyos
b. Dahil ang pagmamahal ay maaari mong ibigay kanino man
c. Dahil ang pagmamahal ay pagkakaisa ng isip at puso
d. Dahil ang pagmamahal ay walang hinihintay na kapalit
___ 42. Alin sa sumusunod ang dapat tandaan ng mag-aasawa para mapanatili ang tunay na pag-ibig at palaging
buhay ang pangako sa isa’t isa?
a. May oras sa pag-uusap (diyalogo)
b. Pagtatago ng mga nararamdaman sa isa’t isa hanggat kaya pa
c. Dapat ang haligi ng pamilya lamang ang pakikinggan
d. Lahat ng nabanggit
___ 43. Alin ang hindi totoo tungkol sa diyalogo?
a. Ito ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo
b. Ito ay possible lamang sa pagitan ng mga tao
c. Ito ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan
d. Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan
___ 44. Bakit mahalaga ang kumunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay- daan
sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di- pasalita at virtual na uri ng
komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
c. Ang pag-unawa sa dyalogo ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag- ugnayan sa
kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
___ 45. Ano ang katumbas ng pagkakawang-gawa na natututuhan sa paglilingkod sa kapwa?
a. Pagmamahal b. Pagdarasal c. Pagtulong d. Paglilingkod
___ 46. Ang sumusunod ay halimbawa ng pagtulong sa kapwa maliban sa:
a. Pagtanggap ng abuloy para sa patay
b. Pagpapakain sa ilang mga batang-lansangan
c. Pag-alalay sa mga matandang tumatawid sa kalsada
d. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan
___ 47. Ang pagsulat sa gobyerno upang maisaayos ang nasirang tulay na nasalanta ng bagyo na dinadaanan
ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng pamilya sa anong aspekto?
a. Pampulitikal c. Pangkalikasan
b. Panlipunan d. Pangsimbahan
___ 48. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at bukas ang tahanan
para sa mga taong nangangailangan?
a. para makilala sa lipunan
b. pangkalikasan
c. pampulitikal
d. panlipunan
Mga pagpipilian para sa bilanng 49-52. Tukuyin kung anong papel ng pamilya ang tinutukoy ng bawat
sitwasyon.
a. Pampulitika
b. Pangkalikasan
c. Panlipunan
___ 49. Sumulat ang isang pampamilyang organisasyon sa pamahalaan upang hilingin na ipagbawal ang
pagbebenta ng alak sa mga tindahan na malapit sa mga pribado at pampublikong paaralan.
___ 50. Inireklamo ni June sa tanggapan ng DSWD ang pagmamalupit ng kanyang kapitbahay sa kanyang
sariling anak sa tuwing ito ay malalasing.
___ 51. Si Lola Vivian ay 80 taong gulang na at mahina na pero sa kabila nito ay hindi parin siya nagpapigil na
makaboto noong nakaraang halalan.
___ 52. Kahit na ang ibang mga kabahayan ay hindi sumusunod sa ordinansa ng barangay ay patuloy pa rin na
sinusunod ni Isachar ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
___ 53. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa tao bago ang
debosyon sa pamilya maliban sa:
a. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili.
b. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa ikabubuti ng lahat.
c. Upang wala nang ibang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay bawat araw.
d. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan at posisyon para sa
sariling kapakanan.
___ 54. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang mga papel na panlipunan at pampolitikal?
a. Dahil ang pamilya ay likas na institusyon ng lipunan
b. Dahil ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan
c. Dahil ang pamilya ay may pananagutan sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
___ 55. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa:
a. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
b. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi pangangailangan.
c. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at karapatan.
d. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay.
___ 56. Paano maisasaalang-alang ng pamilya ang paggalang sa dignidad ng kanyang kapuwa sa uri ng kanyang
pamumuhay?
a. Sa pagsisikap maging pantay ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay
b. Sa pagbibigay ng pera sa nangangailangan
c. Sa pamumuhay ng simple paminsan-minsan
d. Sa pakikipahalubilo sa kapuwa kung kinakailangann
___ 57. Ano ang mangyayari kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at
nabibigyang proteksyon sa lipunan?
a. Magiging mas marami pa ang gustong bumuo ng pamilya, magkaanak upang maparami pa ang
populasyon
b. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa
pinakamabuting kapaligiran
c. Tataas ang bilang ng krimen at mga kriminal sa bansa at magkakaroon na ng katahimikan
d. Nanaisin ng mga tao na mabuhay ang hindi na kailanman mamatay upang maranasan ang
masaganag buhay
___ 58. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungulin ng pamilya
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
d. Maraming pamilya ang karapatan lamang ang pinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang
tungkulin
___ 59. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpalaganap nito
ay:
a. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon
b. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniwala sa Diyos
c. Malaya ang isang pamilya sa magpunta sa ibang bansa
d. Hindi kikilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon
___ 60. Isa sa katangian ng Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap ng mga bisita. Paano na sa pagtanggap natin
ay nagagampanan natin ang ating papel sa lipunan?
a. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa mga bisita
b. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain
c. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailangan ng tulong
d. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na maibabalik sa
atin

You might also like