You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE


FOUNDATION
COLLEGE OF EDUCATION
Vinzons Ave., Daet, Camarines Norte

MC FIL 101
PANITIKANG REHIYON

REHIYON VIII, PANITIKAN NG SILANGANG BISAYAS

PREFINAL
2nd Semester, A.Y. 2022 – 2023

Bb. Maria Fe Bingco


BSED-FILIPINO l
Mga Tagapag-ulat

Gng. Rose Ann Dimas


Guro sa Filipino
Republic of the Philippines
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE
FOUNDATION
COLLEGE OF EDUCATION
Vinzons Ave., Daet, Camarines Norte

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
• Mauunawaan kung ano nga ba ang mayroon sa panitikan ng silangang Bisaya.
•Matutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa paksa.
•Makapag babahagi ng sariling mga kuro-kuro patungkol sa tinalakay.
II. Introduksyon
Gaano kalawak ang rehiyon VIII? Ang Rehiyon VIII o Silangang Visayas ay binubuo ng
pitong (7) lalawigan: Leyte, Timog Leyte, Samar, Silangang Samar, Hilagang Samar,
Kanlurang Samar, at Biliran. Mayroon silang salitang: Sebwano, Waray, Abaknon,
Baybayanon, at Kinabalian. Ang sayaw ay isa sa kailang libangan, pinapaikita nila ang
kanilang panitikan sa pamamagitan ng indayog ng kanilang katawan. Ang “Tinikling” at
“Curacha” ay ilan lamang sa mga bantog nilang sayaw sa buong bansa, ito rin ay tinuturo sa
mga paaralan. Pinapakita ang payak at masayang pamumuhay ng mga waray at ang kilos
ng hayop sa kanilang paligid. Maliban sa sayaw ay mayaman din sila sa mga panitikan, tulad
ng: tula, ritwal, pagtanghal sa teatro at mga awiting bayan. Ang pinapaksa tungkol sa pag-
ibig lalo na sa inang bayan ng mga waray.

III. Motibasyon
Bilang pang bungad na gawain mag sasagawa ang mga mag aaral ng laro na may paksang
“Crossword” sa larong ito, magkakaroon ng dalwang grupo na kung saan paunahang
masagutan at mabuo ang crossword. Sa larong ito kinakailangan masagutan at mabuo ng
mabilisan. Ang grupo na mauuna ay siyang panalo.
IV. Talakayan
REHIYON VIII, PANITIKAN NG SILANGANG BISAYAS

LALAWIGAN KABISERA

Leyte Tacloban City


Timog Leyte Maasin City

Biliran Naval

Hilagang Samar Catarman

Silangang Samar Borongan City

Kanlurang Samar Catbalogan City

 Ang Rehiyon ay tinaguriang LUKLUKAN NG KASAYSAYAN.


 Sa Rehiyon makikita ang isa sa makasaysayang lugar, ang Isla ng Limasawa sa Timog
Leyte at ang bayan ng Palo, Leyte.
 Ang wikang ginagamit dito ay ang Waray at Cebuano.
 Malimit daanan ng bagyo ang Rehiyon dahil ito‟y nasa Typhoon Belt.
 Pintados-Kasadyaan Festival isang pista sa Rehiyon (Tacloban City) na base sa mga
tatoo sa katawan bilang alay sa mga naunang mangtatatoo o “Pintados” na mandirigma
noong 1986 isinabay ito sa Kasadyaan festival na ginaganap tuwing ika 29 ng Hunyo.
 Kinilala ang Samar bilang pangatlo sa pinakamalaking pulo sa buong Pilipinas.
 Kinilala rin ang Tacloban City bilang Prinsesa ng Silangang Bisaya dahil ito ang sentro
ng komersyo at edukasyon.
 Sa Rehiyon din makikita ang pinakamahabang sa bansa na may habang 2,200 metro at
nagkokonekta sa lalawigan ng Leyte papuntang Samar, ang San Juanico Bridge.
 Ang Kaadlawon ay ang unang pahayagan na nagtataglay ng sanaysay at tulang waray
Kadalasang naaalala bilang katawa-tawa
 Ang Irignom ay isang bahagi ng pagtitipon na nagbibigay ng pagkakataon upang awitin
o makalikha ng bagong awit
ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT
1. MERIE N. ALUNAN
Isa sa mga manunulat na babae sa Silangang Bisaya na nakilala bilang makata sa Ingles.
Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang Pilipino. Isa sa kanyang
tulang nagwagi ng gantimpala ay “Heartsone of Sacred Tree”. Marami sa mga tula niya ay
napaloob sa antolohiya ng mga tulang Pilipino.
2. ONOFRE BALDEMOR
Isa sa mahuhusay na makata na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagpalipat-lipat
bilang manunulat sa dyaryo, editor at public relations consultant ng iba‟t ibang publikasyon.
3. JAIME C. DE VEYRA
Isa siyang manunulat, iskolar at pulitiko. Siya ang kauna-unahang nanungkulan bilang patnugot
ng Surian ng Wikang Pambansa simula 1937-1941. Nagsulat siya sa El Renacimiento at
naglingkod bilang director ng Pambansang Aklatan noong 1925.
4. ILUMINADO LUCENTE
Ay kinilalang mandudula sa literaturang Waray. May pagkasarkastiko ang himig ng mga sinulat
niyang saynete at sarswela at pumupuna sa moral at mga kahinaan o kabiguan ng mga Waray.
Ilang sa kanyang mga akda ay ang: Up Limit An Gugma (Love is Off Limit Too), Abugho
(Jealousy), Diri Daraga, Diri Bulo, Diri Imasaw-an (Not a Maiden, Not a Widow, Not a Married
Woman).
5. LEON OGARO TY
Nagsulat tungkol sa Panginoon at ang magandang buhay na kanyang dinanas. Karamihan sa
kanyang mga sanaysay ay nailathala sa Free Press. Ilan sa mga hindi malilimutang akda niya
ay ang The Little Girl in Bacolod at The Magsaysay Story.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON VIII
Titigohon (Huhulaan)

 Maiksing tula at uri ng bugtong na may dalawang linya at naglalarawan sa isang bagay sa
pamamagitan ng paghahambing o metapora.
Tigotigo

 Larong bugtong na nilalaro sa tuwing naglalamay sa patay upang hindi antukin.


Balac/Amoral/Ismayling

 Tula ng pag-ibig sa pagitan ng isang babae at isang lalaki.

 Tumatalakay sa mga bagay na ukol sa puso na kadalasan ay pakanta.


Kwento (Susumaton)

 Tumutukoy ang kanilang mga kwento sa paggunita ng mga karanasan at pangyayaring


ginagamit upang turuan ang mga bata ng mabubuting asal.
Awiting Bayan

 Ang awiting bayan ng rehiyon ay tumutukoy sa maraming karanasan, sa kalikasan, hangin,


lupa at dagat, damdamin, estado sa buhay, komunidad at lupang sinilangan. Ilan sa mga
awiting bayan ng rehiyon na naging tanyag rin sa ibang bayan ay ang: Lawiswis ng Kawayan,
Ang Alibangbang, Dandansoy, O Bulan, An Iroy Nga Tuna ay An Abaniko.
Balad

 Ito ay isang tulang metaporiko. Tumatalakay ito sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-
ibig.
Ambahan

 Ito ay ang pinakakilalang katutubong tula sa Leyte.


 Ang ambahan ay binubuo ang dalawang taludtod na binubuo naman ng pitong pantig bawat
taludtod.

 Ito ay madalas awitin sa mga pagdiriwang.


Siday

 tawag sa tula na nagging tradisyon na rin sa Samaranon.

Republic of the Philippines


OUR LADY OF LOURDES COLLEGE
FOUNDATION
COLLEGE OF EDUCATION
Vinzons Ave., Daet, Camarines Norte

V. Pangwakas na nilalaman

Sa paksang tinalakay ating natutunan o nalaman natin ang ilang kilalang manunulat sa
Rehiyon VIII at ang mga akdang pampanitikan ng rehiyon VIII . Nalaman rin natin ang (7) pitong
lalawigan na mayroon ang silangang Bisaya.

You might also like