You are on page 1of 2

Name:

Baitang:

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letrang napili.

1. Ano ang kahulugan ng isang HAKBANG?


A. Bahagi ng pananalita na nagsasabi ng kilos o galaw.
B. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga paraan sa isang resipi o gawain. Ito rin
ang panuto o isang tagubilin, inuutos kung ano ang dapat mong gawin.
C. Paraan para maipahayag ang serbisyo o produkto sa anyong nakakaratula
D. Naglalaman ito nf mga impormasyon tungkol sa kung Ano, Sino, Saan, at kailan
ibebenta ang produkto.
2. Bakit kailangan matutunan ang isang WASTONG HAKBANG?
A. Ito ay mahlagang matutuhan para maayos na maisagawa ang isang bagay.
B. Ito ay mahalagang matutunan dahil mahalaga ito.
C. Ito at mahlagang matutunan upang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa
gawain.
D. Ito ay mahalagang matutunan upang ang mga gagawin ay magkaroon ng di
magandang kalalabasan.
3. Bakit mahalagang sundin ang mga HAKBANG.
A. Para maimali ang mga gawain natin.
B. Magkaroon ng hindi magandang kalalabasan ang isang gawain.
C. Dahil ang pagsunod ay siyang nagbibigay ng kaligtasan sa atin.
D. Nagbibigay kapahamakan sa mga gagawin natin na hakbang.
4. Sa pagsusulat ng hakbang bakit kinakailangan na tama ang pagkakasunod-sunod ng
mga ito.
A. Para ang mga susunod sa iyong hakbang na ginawa ay makasunod ng ayos at
maging tama ang kanyang mga gagawin at hindi sila magkaroon ng
kapahamakan.
B. Para ang mga susunod sa iyong hakbang ay maligaw ng landas sa mga gawain
C. Para ang mga susunod sa iyong hakbang ay magkaroon ng alinlangan na gawin
ang iyong hakbang.
D. Para ang mga susunod sa iyong hakbang ay malito at di maunawaan ang gawain.
5. Piliin ang mga tamang pagkasunod-sunod sa gawaing “Paglalaba”.
A. I. Sumuno banlawan ito ng 3-4 na beses hanggang sa matanggang ang mga bula
nito.
II. Una, ihiwalay ang mga puti sa dekolor na damit at ibabad nang mahigit sa 30
minuto sa batyang may tubig at sabon.
III. Panghuli, pigain nang husto, ipagpag bago isampay.
IV. Pangalawa, isa isang kusutin ang mga damit.
B. II, IV, I, III.
C. I, II, III, IV
D. IV, II, I, III.
6. Narito ang mga dapat mong tandaan sa pagbibigay ng hakbang sa isang gawain.
Piliin ang hindi kabilang sa mga ito.
A. Maikli at madaling maintindihan.
B. Gumagamit ng mga simpleng salitang mauunawaan ng lahat maging ng mga bata
man.
C. Maayos ang pagkakasunod-sunod.
D. Dapat hindi malinaw ang mga salita para hindi ito maunawaan ng sino man
maging bata man ito.
7. Ano ang kahulugan ng PATALASTAS?
A. Ito ay isang mahabang mensahe na nagpapabatid ng isang di mahalagang
impormasyon na tungkol sa gaganaping palatuntunan.
B. Ito ay isang wastong bilang ng sukat ng bawat mga sangkap na gagamitin.
C. Wasting pagkakasunod-sunod ng mga paraan o hakbang sa gagawin.
D. Ito ay isang maikling mensahe na nagpapabatid ng isang mahalagang
impormasyon tungkol sa: gaganaping palatuntunan, tungkol sa produkto
panawagan sa madla, kautusan ng paaralan/ bayan, pangangailangan sa hanap
buhay at nawawala.
8. Ano- ano ang mga kailangang isulat sa resipi?
A. Sa pagsulat ng resipi kailangang may wastong bilang at sukat ng bawat sangkap
na gagamitin at wastong pagkakasunod-sunod ng paraan o hakbang ng gawain.
B. Kailangan ito ay walang wastong bilang at mga sukat.
C. Kailangan ang mga impormasyon na nakalagay ay hindi angkop sa iyong resipi.
D. Hindi mahalagang detalye ang ilagay.
9. Paano naman isinusulat ang mga paraan sa resipi?
A. Isinusulat ito g mahaba at hindi madaling maintindihan
B. Isinusulat ito ng hindi sunod-sunod upang hindi masundan ng babasa
C. Isinusulat ito nang maikli ngunit madaling maintindihan at masusundan.
Gumagamit rin ito ng mga salitang nagpapahiwatig ng pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang tulad ng una, pangalawa, sumunod at panghuli.
D. Gumagamit ng mga hindi wastong mga pananalita.
10. Ito ay ginagamitan ng bibif o boses upang ipahayag ang isang produkto.
A. Patalastas na Nakalimbag
B. Patalastas na napapanood sa telebisyon
C. Patalastas na Pasalita
D. Patalastas na sa social media nakikita tulad ng facebook. Instagram, at youtube.

You might also like