You are on page 1of 1

Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo

ng Bansang Pilipino.

Ang balangkas ng multikulturalismo at pagbuo ng bansang Pilipino


na sinulat ni Dr.Demetorio III ay isang akademikong papel na
tumatalakay sa kahalagahaan ng multikulturalismo sa pamamagitan
ng pepel na ito ipinapakita niya ang kahalagaan ng pagtanggap sa
ibat ibang kultura,ethnisidad at tradisyon ng mga mamayang
Pilipino.Matapos ang malalim na pananaliksik natuklasan niya ang
bansang Pilipino ay binubuo ng ibat ibang lahi at kultura mula sa
mga ninuno nito pati narin sa mga dayuhang pumasok at sumakop sa
bansa.Ang mga ito ay nagdulot ng malalim at makulay na kasaysayan
at kultura na kumikilanlan sa buhay ng bawat Pilipino.Ipinapakita sa
sanaysay ang pag-unawa sa paniniwala ng ibang kulturang nag-
uugnay sa Islam,Kristiyanismo,Budismo at iba pa.Ipinapakita rin ng
sanaysay na ito ang multikulturalismo ay walang ibinibigay na iisang
pormula sa pagtugon ng mga suliraning dala-dala ng ating pagiging
isang multikultural na estado at pinakita rin dito ang kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan sa ibat ibang kultura upang maiwasan ang
diskriminasyon at maging sa pagtaguyod ng kapayapaan at
pagkakaisa sa buong bansa.Sa kanyang akademikong pagsusuri
pinakita niya ang paraan kung paano ito nag-aambag sa pagsulong
ng pagkakakilanlan ng bansa anuman ang mga aspekto ng kultura.Sa
paglahad ng kanyang mga argumento nagtagumpay siyang maipakita
kung paano ang multikulturalismo ay maaaring maging pundasyon
ng pagpapalaganap ng pambansang pagkakakilanlan.Ang sanaysay
na ito ay nagbigay kamalayan at pag-unawa tungkol sa kahalagahan
ng ibat ibang kultura sa pagkakaisa ng bansa ito ay naglalayong
itaguyod ang mga halaga ng respeto,paggalang at pagkakaiba-iba sa
bansang Pilipino upang maisulong ang tunay na pag-unlad at
kapayapaan.

You might also like