You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT

2017

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Batayang Pagpapahalaga: Pagkabukas isipan (Open-mindedness)


Pamantayang Nilalaman: Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng
isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan


ng loob para sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagkatuto: 1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na


makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya

1.1 pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may


kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung
nakabubuti ito
1.3 paggamit ng impormasyon

Sanggunian: EsP - K to 12 CG d. 81
LP5, Isinulat ni G. Rodel Castillo

Code: EsP6PKP-Ia-i-37

Bilang ng araw ng Pagtuturo: 5 Araw( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Aralin 4

Pagawa ng Responsableng Desisyon

1
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

I.
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa


pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya

1.1 pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito.
1.3 Paggamit ng impormasyon

: Pagawa ng Responsableng Desisyon


I. PAKSA
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG d. 81

b. Mga Kagamitan: powerpoint presention, video clip , metacards, manila paper,


gunting, permanent marker at masking tape , awit, , projector, laptop,

c. Pagpapahalaga: Pagkabukas isipan (Open-mindedness)

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain:
Pagbati ng guro ng magandangbuhaysa mag-aaral.
Pagtitsek kung sinong liban sa klase.

B. Panlinang na Gawain

Alamin Natin

1. Pagpapakita ng video clip nang may kinalaman sa responsableng


pagdedesisyon “ Kuwento ni Gustin”.

2
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

2. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa napanood na video clip


gamit ang sumusunod na mga tanong:

a. Tungkol saan angiyong napanood na video clip?


b. Anoang iyong naramdaman habang pinapanood ang kuwentong
nakapaloob sa video clip?
c. Bakit mahalagang isasaalang-alang ng bata ang mga sitwasyon sa paligid
bago gumawa ng sariling desisyon?
d. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapamalas ang pagkaroon ng bukas
na isipan sa mga hinaharap na sitwasyon sa buhay?
e. Kung ikaw si Gustin, sasang-ayunan mo rin ba ang kanyang ginawa?
Pangatwiranan.

Isagawa Natin

1. Pagbati sa mag-aaral.
2. Balik-aral. Itanong :
a. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
b. Ano ang pagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
c. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang bata at miyembro ng
lipunang iyong ginagalawan?

3. Magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa DESISYON. Magpapakita ang


guro ng mga letra na hindi nakaayos gamit ang Power Point Presentation.
Suriin ang mga ito upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isang salita lamang
ang mabubuo sa bawat grupo ng mga letra. Ipasulat sa mga mag-aaral ang
kanilang sagot sa kwaderno o sagutang papel. Kung sino ang may
pinakamataas na bilang ng tamang sagot ay siyang tatanghaling mahusay na
mag-aaral.

4. Matapos na maisagawa ang Gawain 1 ay ihanda ang mga mag-aaral para sa


Gawain 2, ang pangkatang gawain.

5. Gabay para sa Gawain 2:

a. Pangkatin ang mag-aaral sa lima at ipakita ang kanilang gagawin

Panuto: Bubunot ang bawat pangkat ng sitwasyon na magpapakita ng bukas


na isipan sa pagdedesisyon. Kanila itong ipapakita sa malikhaing
pamamaraan.

3
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

PANGKAT GAWAIN
Unang Pangkat Pantomime
Ikalawang Pangkat Rap/Jingle
Pangatlong Pangkat Sayawit
Pang-apat na Pangkat Pag-ulat
Ikalimang Pangkat Pagsulat Tula

b. Magbigay ng 5 sitwasyon. Hikayatin ang mga bata na bumuo ng sariling


kaisipan o pag-unawa tungkol sa naturang sitwasyon.

Mga Sitwasyon:

1. Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya. Ang kanyang ina ay nakaratay sa


ospital dahil sa sakit na cancer at kailangan ng agarang gamutan. Isang araw
niyaya siya ng kanyang kabarkada na isagawa ang pagnanakaw sa isang malaking
tindahan. Kung ikaw si Lito, ano ang iyong gagawin?

2. Nalaman mo isang araw mula sa iyong kalaro na ang iyong kapitbahay na


dating sundalo at kilalang siga sa inyong lugar ay nagbebenta ng ipinagbabawal na
gamot. Ano ang gagawin mo sa iyong natuklasan?

3. Si Juan ay anak ng pulitiko. Tuwing may pagsusulit siya ay gumagawa ng


paraan upang tumaas ang kanyang iskor. Isang paraan niya ay ang pananakot sa
kanyang katabi upang siya ay bigyan ng wastong sagot. Bilang pangulo ng inyong
klase, ano ang nararapat mong gawin pagkatapos mo itong matuklasan?

4. Isa sa mga patakaran ng paaralan ang pagbabawal ng pagdala ng cellphone.


Magbigay ng reaksiyon hinggil sa patakarang ito.

5. Matalik na magkaibigan sina Joshua at Tiffany. Si Josua ay malamya sa


pagkilos subalit si Tiffany naman ay medyo brusko. Isang araw sabay na
naglalakad sa paaralan ang dalawa ng biglang binastos si Joshua ng mga kamag-
aaral na lalaki nang sinabihang”Bakla ka, hindi ka makapasok sa langit”. Ano
kaya ang gagawin ni Tiffany?

c. Bigyan sila ng labinlimang minuto para sa preparasyon at karagdagang


dalawang minuto bawat pangkat sa presentasyon.
d. Ibigay at ipaliwanag ang rubrics o pamantayan na gagamitin sa
pagmamarka ng patatanghal. Itanong sa mga bata kung mayroon ba silang
gustong baguhin, maaaring dagdagan o bawasan ang kriteryang ginamit.

4
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

Pamantayan 3 2 1

Husay sa Lahat ng kasapi sa 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi sa


Pagganap pangkat ay pangkat ay hindi pangkat ay hindi
nagpakita ng husay nagpakita ng husay nagpakita ng
sa pagganap sa p husay sa
pagganap

Angkop/Tamang Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita


saloobin sa maayos at may maayos ngunit may ang tamang
sitwasyon tiwala ang tamang pag-aalinlangan ang saloobin sa
saloobin sa tamang saloobin sa sitwasyon
sitwasyon sitwasyon

Partisipasyon ng Lahat ng miyembro 2-3 na miyembro ng 4-5 na miyembro


grupo ng grupo ay nakiisa grupo ay hindi ng grupo ay hindi
sa pangkatang nakiisa sa nakiisa sa
Gawain pangkatang gawain. pangkatang
gawain.

e. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.


f. Magkaroon ng maikling paglalahat sa natapos na gawain.

Isapuso Natin

1. Ipagawa ang bahaging Isapuso Natinsa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa mga


pangyayari sa paligid na kailangang maanalisa ng bata upang makabuo ng tamang
desisyon sa buhay.

 Conscience Alley
Bumuo ng eksena sa paligid ng isang eskinita na kung saan ay
madadaanan ng bata mula sa gitna. Sa kanang bahagi ay ang positibong
5
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

pangyayari at sa kaliwang bahagi naman ay negatibong pangyayari. Habang


dumadaan ang mag-aaral sa gitna ay marami siyang maririnig at masasaksihan
at sa huli ay magdedesisyon siya para sa kanyang sarili kung ano ang kanyang
gagawin.

2. Magkaroon ng maikling talakayan para maiproseso ang natapos na gawain.


3. Bilang pagtatapos ng gawain, ipakita at iparinig ng awitin ng grupong Asin na may
pamagat na “Masdan mo ang Kapaligiran”.

Itanong:

Anong linya/mga linya sa awitin ang nagpaantig sa iyong damdamin upang


magdesisyon at kumilos para sa ikabubuti ng lahat?

4. Sa pagbibigay ng Tandaan Natin, hikayatin ang mga bata na magbigay ng kanilang


saloobin sa paksang tinalakay. Gabayan sila sa pamamagitan ng masining na
pagtatanong. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipaliwanag nang mahusay ang
mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin

Panuto:Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang
tauhan dito? Itala rin ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

1. Napanood mo sa telebisyon ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyo sa Iloilo.


Marami ang nangangailangan ng tulong tulad ng pagkain, gamot, at damit.

Gagawin:_____________________________________________________
Dahilan: ______________________________________________________

2. Si Lola Maria ay 85 taong gulang. Lagi mo siyang nakikitang malungkot sa


balkunahe ng kanilang bahay. Nag-aalala siya sa kanyang anak na nasa Cebu
dahil ito ay may karamdaman sa puso. Wala siyang magawa kundi umiyak.

Gagawin:_____________________________________________________
Dahilan: ____________________________________________________________

3. Nasunog ang bahay ng pamilyang Castro. Wala silang matuluyan.

Gagawin:_____________________________________________________
Dahilan: ____________________________________________________________

IV. PAGTATAYA
6
PAMAMARAAN
Banghay-Aralin sa EsP 6 NTOT
2017

Subukin Natin

1. Itanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagkakaroon ng


bukas na isipan sa paggawa ng isang responsableng desisyon?

2. Magbigay ng iyong realisasyon o pag-unawa sa ating paksang pinag-aralan.

3. Sumulat ng isang sitwasyon na nangagailangan ng isang mapanuring pag-iisip


upang makabauo ng tamang desisyon sa buhay na isinaalang-alang ang
kabutihan ng pamilya at ng lipunang ginagalawan.

V. TAKDANG-ARALIN
PAMAMARAAN
Ipakita ang pagkakaroon ng isang bukas na isipan sa paggawa ng isang responsableng
desisyon sa isang sitwasyon . Pumili lamang ng isa sa mga paraan.

A. Pagsulat ng awit
B. Pagawa ng poster
C. Pagawa ng slogan
D. Pagawa ng Komik Strip

Binabati ko kayo! Naniniwala akong ang pagkakaroon ninyo ng bukas na pag-


iisip sa pagbuo ng isang responsableng desisyon sa buhay ay kahanga-hangang gawain.
Inaasahan kong ipagpapatuloy ninyo ito sa lahat ng oras at pagkakataon.

Inihanda ng: PANGKAT MASUNURIN


1. Jerson B. Labos, EPS, Iloilo City
2. Dr. Erlinda F. Melgo, EPS, Cebu City
3. Alma C. Sinining, EPS, NIR
4. Mary Jean B. Codiňera, P-IV, Mandaue City
5. Racquel G. Perfas, P-IV, Northern Samar
6. Clemente P. Intong Jr, P-II, Bohol
7. Alejandro M. Nillos Jr., HT-III, Iloilo
8. Mary Jean M. Malan, T-II, Guimaras

You might also like