You are on page 1of 14

Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-

Kolonyal

Pre-Kolonyal o Pre-colonial – panahon bago dumating ang mga


Kastila sa Pilipinas, kung saan ang pamumuhay ng mga Pilipino ay
payapa, may sariling paniniwala, at may ibat-ibang etnikong
pangkat.

Tatlong Panahon bago ang Pre-Kolonyal


✓ Panahon ng Paleotiko o Lumang Bato (Stone Age)
- nakatira sa mga yungib o kweba (cave) ang mga sinaunang
Pilipino
- gumagamit ng magaspang na tinapyas (piraso) na bato
bilang kagamitan

- mahuhusay na mangangaso (hunter), pangangalap ng


pagkain (scavenger)
- dito namuhay ang Taong Tabon o Tabon Man (Palawan) na
natagpuan sa Guri Cave (Tabon Cave Complex)
- namuhay sa panahong 4000 – 8000 BCE

✓ Panahon ng Neolitiko o Bagong Bato (New Stone Age)


- namuhay sa panahong 6000-500 BCE
- dahil sa kakulangan ng pagkain, nilisan ng mga sinaunang
Pilipino ang mga yungib
- nagsimula sila manirahan malapit sa mga dagat at ilog
- natuto sila na patalimin o hasain ang mga magaspang na
bato bilang kagamitan
- natuto gumamit ng irigasyon o patubig para pagsasaka ng
palay, taro o gabi, nipa at iba pa
- naging sedentaryo o permanenteng nanirahan sa iisang lugar
ang sinaunang tao
- natutong gumawa ng mga banga at palayok (pottery) na
ginamit bilang imbakan (storage) ng mga pagkain
- natuto din sila maging eksperto sa paghahabi (weaving),
paggawa ng bangka (boat making), pagpapalayok (pottery),
pangangaso (hunting), pangingisda (fishing), at pagsasaka
(farming)
- pagsasaka (farming), pangingisda (fishing) at pag-aalaga ng
hayop (livestock) ang kanilang pangunahing pamumuhay

✓ Panahon ng Metal o Metal Age


- natuklasan nila ang paggamit ng metal o pagpapanday ng
mga bakal (metallurgy) upang makagawa ng kagamitan
- nahati sa dalawang yugto (phase/era): A. Panahong ng
Maagang Metal = Panahon ng Tanso (Copper Age), Panahon
ng Tansong Dilaw (Bronze Age), at B. Maunlad na Panahon ng
Metal = Panahon ng Metal (Iron Age)
- ang mga metal na bronse ay galing sa mga mangangalakal
(traders/businessmen) ng Timog-Silangang Asya (South-East
Asia)
- natutong makipagkalakalan o makipagpalitan ng mga
produkto ang mga sinaunang Pilipino
- natutong gumamit ng mga palamuti tulad ng jade at ling-ling-
o (agimat o good luck charms)
- natutong gumawa ng kagamitan gawa sa metal tulad ng
sibat, kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata (weapon)
- dito nagsimula ang paghahabi gamit ang BACKLOOM tulad
ng ginagamit ng mga pangkat etniko sa Bontoc, Ifugao at
ilang bahagi ng Mindanao
- nagkaruon ng pagkakahati o pagkakapangkat ng antas ng
pamumuhay:
o Tatlong Antas ng Pamumuhay sa Panahon ng Metal
▪ Maginoo o Datu – pinakamataas na antas
Tagalog: Maginoo, Bisaya: Datu
Datu – pinakamatalino, matapang, at
nakapagmana ng kayaman
▪ Maharlika, Bagani at Timawa – pangalawang
antas ng pamumuhay
Maharlika – tumutulong sa Datu sa
pagtatanggol at pagpapanatili ng
kapayapaan
Bagani – mahuhusay na mandirigma
Timawa – malayang Pilipino o mga lumayang
tao mula sa pagkaalipin
▪ Alipin (slave) – pinakamababang antas
Tagalog: Alipin, Bisaya: Oripun
Ang mga alipin ay mga taong pinambayad sa
mga nagawang krimen, naninilbihan sa Datu,
nagbabayad ng buwis o tribute (tribute)’

- sa panahon ng metal naging organisado ang pamayanan na


tinatawag na barangay, nagkaruon ng mga batas diborsyo
(divorce), krimen (crime), pagkakaruon ng ari-arian (owning
property), pantay na karapatan ng babae at lalake (equal
rights between males and females)
- may dalawang uri ng batas na sinusunod ang mga sinaunang
Pilipino: BATAS NA NAKASULAT at BATAS NA HINDI NAKASULAT
- may sariling pamahalaan (government) na tinatawag na
UMALOHOKAN o tagapagbalita

Pamumuhay ng Sinaunang Pilipino


✓ Payak o simple ang kanilang pamumuhay.
✓ Ginagamit ang mga yaman likas mula sa kapaligiran upang
makakuha ng pagkain at kagamitan na kailangan nila sa araw-
araw.
✓ Ayon sa mga antropologo, nakatira ang mga unang Pilipino ay sa
mga kapatagan at lambak na malapit sa mga ilog, dagat, lawa, at
look. Ang iba ay nanirahan sa mga burol at bundok
Iguhit/Isulat ang mga kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino, mga
pamamaraan at kagamitan gamit, mga produkto ginawa.

Yugto ng Kabuhayan Pamamaraan/ Produkto /


Pamumuhay Teknolohiya/ Gawang Yari
Kagamitan
Panahon ng
Paleotiko o
Stone Age

Panahon ng
Neolitiko o New
Stone Age

Panahon ng
Metal o Metal
Age

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1.Paano natugunan ng mga unang Filipino ang kanilang
pangangailangan sa araw araw?

2. Ano anong mahalagng bahagi ang ginampanan ng bawat pangkat


sa sinaunang lipunang Filipino?
3.Paano nabibigyan ng pagkakataon ang mga taong nasa
mababang pangkat na maingat ang antas ng kanilang pamumuhay?

Gumawa ng maiksing sanaysay tungkol sa mga paraan ng pamumuhay


ng mga sinaunang Pilipino?
Iguhit ang mga bagay na ginamit ng mga unang Pilipino sa kanilang
pamumuhay ayon sa pagbabago ng teknolohiya at sa tapat nito iguhit
ang katumbas nito sa kasalukuyang pamumuhay.

Panahon ng Paleotiko Panahon ng Neolitiko Panahon ng Metal

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang Pilipino ang


paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
a. Panahong Neolitiko
b. Panahong Paleotiko
c. Maagang Panahon ng Metal
d. Maunlad na Panahon ng Metal

2. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong


Panahon ng Bagong Bato?
a. Tumira sa mga yungib.
b. Magsasaka at mag-aalaga ng mga hayop.
c. Mangaso at mangalap ng pagkain.
d. Gumamit ng mga tinapyas ng bato na magaspang.

3. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mga higit na


napaghusay sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino maliban
sa isa. Ano ito?
a. sibat b. kampit c. kutsilyo d. pinggan
4. Ano ang tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang-
ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-Kolonyal?
a. siyudad c. pamilya
b. barangay d. lalawigan

5. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang


Tagalog at Bisaya?
a. alipin c. maginoo o datu
b. timawa d. manggagawa

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat


ng mga maharlika?
A. Bagani B. bayani C. pulis D. sundalo

2. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga


kababaihan sa Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A. bomoto o pumili ng lider C. pagiging kapalit ng datu
B. magkaroon ng kayamanan D. pumili ng mapangangasawa

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong


panahong pre-kolonyal?
A. ari-arian B. diborsyo C. krimen D. pag-aaral

4. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan


ng bawat barangay?
A. pananakop C. sanduguan
B. pagbili o pagbabayad D. pag-eespiya

5. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa


kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
A. bagani C. lakan
B. gat D. umalohokan
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ang Paleolitiko ay nagmula sa greek na "Paleos" at "Lithos". Ano ang


ibig sabihin ng Paleos sa Tagalog?
A. Matanda B. Maganda C. Bato

2. Ito ang panahon kung saan ang paggamit ng bato ay umunlad. Ang
kagamitang bato ay ginawa sa pamamahitan ng pagkiskis.
A. Paleolitiko
B. Panahon ng bagong bato
C. Panahon ng metal

3. Panahon ng Pagpapalayok o Pottery


A. Panahon ng bagong bato
B. Panahon ng metal
C. Panahon ng seramiks
Sagutin ang mga sumusunod:

Hanay A Hanay B
____ 1. Teoryang nagpapaliwanag
na galing sa Timog-Tsina at Taiwan a. wika
ang mga ninuno natin.
____ 2. Ayon sa paliwanag na ito, b. Diyos o Allah
ang unang tao sa Pilipinas ay sina
Malakas at Maganda. c. Mitolohiya
____ 3. Naging pangunahing
basehan ng Teoryang d. Wilhelm Solheim II
Austronesyano.
____ 4. Siya’y naniniwalang galing e. Austronesyano
sa katimugan ng Pilipinas ang
unang naninirahan sa bansa. f. Peter Bellwood
____ 5. Ang lumikha ng unang tao
sa Banal na Kasulatan ng mga
Kristiyanismo at Muslim.

Isulat ang bilang sa bawat hanay.


Subukan mong sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang


matuto ang mga ito ___________.
a. pamamangka at paglalayag
b. paggamit ng magaspang na bata
c. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
d. pagtatanim ng ibat-ibang halaman at pagpapaunlad ng
pagsasaka

2. Ang pagkakaruon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng


mga sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at
pagsasaka ay dahilan ng ____________.
a. pagtira nila sa mga yungib
b. pagiging pagala-gala nila
c. pagkakaruon nila ng maraming ginto
d. pagkakaruon nila ng permanenting tirahan

3. Ang mga sumusunod ay maaaring paraan para maging isang


datu maliban sa isa. Alin ito?
a. pumasa sa pagsusulit ng datu
b. anak o galing sa angkan ng mga datu
c. nakapangasawa ng isang anak ng datu
d. matapang, matalino, at nagmana ng mga kayamanan

4. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o


balangay na tumutukoy sa _____________.
a. sasakyang panlupa
b. sasakyang pandagat
c. sasakyang panhimpapawid
d. wala sa nabanggit

5. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga


nagkakasalang kasapi ng barangay?
a. pinapatay agad c. kumukuha ng tagahatol
b. tumatawag sa Diyos d. isinailalim sa mga pagsubok

Kilalanin ang mga pahayag kung itoy naglalarawan sa Panahong


Paleolitiko at sa ikalawang hanay para sa Panahong Neolitiko at Ikatlong
hanay para sa Panahon ng Metal. Isulat ang bilang sa bawat hanay.

1. Paggamit ng backloom weaving para sa paghahabi ng tela


2. Naging permanente o sedentaryo ang paninirahan ng mga tao
3. Natutong gumawa ng banga at palayok ang mga sinaunang
Pilipino.
4. Gumawa ng mga alahas at kagamitang pandigma gamit ang
tanso.
5. Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
Punan ng wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng
talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Nauugnay sa uri ng kagamitan ang panahong pre-Kolonyal. Sa


panahong ____________________________ sinasabing natutong mamuhay
ang mga Pilipino ayon sa kanilang kapaligiran. Naging tahanan nila ang
mga ____________________________. Nabubuhay sila sa
____________________________ gamit ang mga tinapyas na magagaspang
na mga bato. Noong panahong ____________________________ ay
nagbago ang kanilang pamumuhay ng matuto silang gumamit ng mga
hinasa at ____________________________ na bato. Nagtayo na sila ng mga
____________________________ sa tabing-dagat o ilog. Nadiskubre nila ang
____________________________ at paggamit ng irigasyon na nagging dahilan
ng kanilang pagtigil sa isang lugar para manirahan. Natuto silang gumawa
ng mga ____________________________ at palayok na ginagamit nilang
imbakan ng mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang
mga yumao.
Sa pagkabuo ng mga pamayanan, nahati ang mga Pilipino sa
____________________________ na pangkat. Pinakamataas na uri sa mga
Tagalog ang Maginoo o ____________________________ sa Bisaya.
Pangalawa sa pangkat ang mga ____________________________ o Timawa.
Tinatawag na Bagani ang mga ____________________________. May
dalawang batas na ipinapatupad ang kanilang lider. Ang batas na
____________________________ at ____________________________.
Punan ng wastong sagot ang sumusunod na patlang. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong


kaisipan at Mali kung hindi.
Suriin at pillin sa ibaba ang tamang paraan ng pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino sa panahon ng Pre-Kolonyal.

Panahong Pre-Kolonyal Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino


Panahong Paleotiko 1

Panahong Neolitiko 4

Panahon ng Metal 9

10

You might also like