You are on page 1of 2

San Isidro Labrador Parish

Libungan, Cotabato

LITURGY- September 10, 2023 – 3RD MASS


23RD SUNDAY IN ORDINARY TIME

Panimula:

Magandang hapon sa ating lahat mga kapatid ko kay Kristo.


Sa Ebanghelyo, itinuturo ni Hesus ang pagtulong na may ganap na pag-
ibig sa ating kapwa, lalo na yaong naliligaw ng landas. Itinuturo ni Hesus
kung paano sila maaaring akayin sa pagbabago at pagbabalik-loob. Sa
Eukaristiya, manalangin tayo na palambutin nawa ng Panginoon ang
matitigas nating mga puso at punuin tayo ng pag-ibig at pagpapatawad.
Hingin natin ang tulong ng banal na Espiritu upang udyukang magbago
ang lahat ng mga nabubuhay sa pagkakasala. Magsitayo po tayong lahat.

LITURHIYA NG PULONG:

Unang Pagbasa: Ezekiel 33:7-9


Salmo Responsoryo: Ps. 95: 1-2, 6-7, 8-9
“Panginoo’y inyong dinggin,huwag n’yo s’yang salungatin.”
Ikalawang Pagbasa: Romans 13: 8-10
Ebanghelyo: Matthew 18: 15-20
Homiliya

PANALANGIN NG BAYAN:

Pari: Mapagpatawad an gating Panginoon sa kabila ng ating mga


kasalanan
at pagkukulang. Ipanalangin natin sa Amang mahabagin na ganito
rin ang maging pakikitungo natin sa ating mga kapatid na
nagkakasala at nagkakalami. Manalangin tayo: AMANG
MAPAGMAHAL, DINGGIN MO KAMI.

1. Nawa ang mga namumuno sa Simbahan, lalo na ang Santo Papa, ay


pagkalooban mo ng pusong kumakalinga sa mga makasalanan nang
gayo’y masalamin sa kanila ang mapagpatawad na puso ni Hesus.
Manalangin tayo.

2. Nawa ang mga hukom, mga kawal, mga pulis, at mga bantay sa mga
piitan ay maging tapat sa pagganap ng kanilang tungkulin sa batas.
Igalang nawa nila ang dignidad ng bawat tao. Manalangin tayo.

3. Nawa ang makasalanan at mga naliligaw ng landas ay magbalik-loob at


humingi ng kapatawaran sa Panginoon at makatanggap ng pagkalinga
mula sa kanilang pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo.

4. Nawa’y yakapin mo, O Diyos naming Ama, ang mga kapatid naming
yumao sa Iyong kaharian. Manalangin tayo.

5. Sa ilang sandal ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga


pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin an gating pansariling
kahilingan. Manalangin tayo.

Pari: Amang mapagmahal, dinggon mo an gaming panalangin, panatagin


mo ang aming mga kalooban, at hilumin ang mga sugat ng aming
puso. Hinihiling naming ito sa Iyo na nabubuhay at naghahari
kasama ni HesuKristong Anak mo. Amen.

You might also like