You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST 3

Bilang ng Kinalalagyan ng
Mga Layunin CODE Bahagdan
Aytem Bilang

Nagagamit nang wasto ang pang- F6WG-IIIJ-


angkop at pangatnig 33.33% 5 1-5
12;

Nakapag-uulat tungkol sa pinanood o F6PD-IIIc-j-


33.33% 5 6-10
binasa 15

Nagagamit sa usapan at iba’t ibang F6WG - IVa- j


33.33% 5 11-15
sitwasyon ang mga uri ng pangungusap. -13
Kabuuan 100 15 1 – 15
GRADE VI – FILIPINO

SUMMATIVE TEST NO. 2 &3


GRADE VI – FILIPINO
Pangalan:__________________________________________Grade and Section:_________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot.


_____1. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hina
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping -in- d. kabilaang in-/-in
_____2. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat ng salitang umuwi?
a. umu b. muwi c. uwi d. umuwi
_____3. Si Juan ay isang _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?
a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin na bata d. masunurin bata
_____4. Laking pagsisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang
halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. Wala b. isa c. dalawa d. tatlo
_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?
a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan .
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na
mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing
bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang
kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng
lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya
na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon
ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t
nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang
tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang
bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita
nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan
niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng
tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang
hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti
ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong tungkol sa binasa o pinanood na kwentong “Ang Alamat
ng Pinya”.

_____6. Sino ang pangunahing tauhan sa pinanood o binasang kwento?


a. Si Piping c. Si Aling Rosa
b. Si Pinang d. Mga kaibigan
_____7. Ano ang ugali ni Pinang?
a. maalaga at masipag c. masunurin at maalahanin
b. mapagmahal at mabait d. tamad at matigas ang ulo
_____8. Anong aral ang nakuha mo sa pinanood o binasang kwento na “Ang Alamat ng Pinya”?
a. Tayo ay dapat na maging suplada.
b. Tayo ay dapat humindi sa mg autos ng magulang.
c. Tayo ay dapat na laging nakasandal sa mga magulang.
d. Tayo ay dapat maging masunurin, masipag at mabait na anak.
_____9. Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual
media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
a. Palabas c. Panonood
b. Pakikinig d. Pagbabasa
_____10. Ayusin ang sumusunod na mga pangyayari ayon sa pinanood o binasang kwento.
1. Nakita ang tsinilas ni Pinang katabi ang kakaibang halaman.
2. Nagluto ng kanin si Pinang ngunit iniwan at pinabayaan ito.
3. Naglaho na parang bula si Pinang.
4. Inutusan si Pinang ng kaniyang ina para magluto ng kanilang kakainin.
5. Hinanap ni Pinang ang sandok.
a. 4-2-5-3-1 c. 4-3-1-2-5
b. 3-1-2-4-5 d. 2-3-1-4-5
III. Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito.
_____ 11. Opo! Nay”, “Opo! Tay
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 12. “Jessa, anak, maaari mo bang ihanda ang agahan natin nang may
makakain tayo mamaya?
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 13. “Shella, anak, heto ang plastik dito mo itatago ang mga mahahalagang
dokumento natin para di-mabasa”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 14. “Gil, anak, pakiabot nga ng lubid at kailangan nating talian ang bubong ng
ating bahay at pakitulungan mo ako sa pagtali”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Pakiusap
_____ 15. Ang kanilang barong-barong ay gawa sa konkretong materyales subalit
maaari pa ring mawasak ng kahit mahinang bagyo o ng isang bagyo.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____16. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol
ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay b. argumento c. paglalahad d. pangangatuwiran
_____17. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw
_____18. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga c. gutom na gutom si Leon
b. nagkasala ito sa kanya d. paparusahan ni Leon si Daga
_____19. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?
a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon
_____20. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento maliban sa isa.
Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa
inyo.”
IV. Panuto: Ibigay ang buong pangalan ng ahensya ng pamahalaan batay sa akronim
na nakikita sa balangkas na nasa ibaba.
21. DOLE-___________________________
22. DOH-___________________________
23. DEPED-___________________________
24. DTI-___________________________
25. DILG-___________________________
ANSWER KEY:

1. A 11. C
2. C 12. B
3. A 13. B
4. C 14. D
5. A 15 .A
6. B
7. D
8. D
9. C
10. A

You might also like