You are on page 1of 2

FILIPINO 6

1ST SUMMATIVE TEST


2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________


I. Basahin at unawain ang talaarawang nasa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mahal kong Arlene,
Huwebes, Abril 18, 2019
Nagkayayaang mamasyal ang aking pamilya sa tabing ilog kasama ang aking mga pinsan. Habang kami ay
naglalakad, may nakita akong matanda na humihingi ng tulong at siya raw ay gutom na gutom na kaya binigyan ko siya
ng pagkain. Maya-maya, nang papunta na kami sa ilog may isang matandang nakadapa sa daan. Aming tinulungang
makatayo at pinainom. Saglit pa’y may isang batang tumatakbo at takot dahil sa nakita niyang malaking sawa na
bumabagtas sa ilog, at lahat kami ay nagulat ng gumapang ito sa aming harapan, lahat kami ay natakot at nagtakbuhan.
Wala na ang malaking sawa nang dumating ang mga tao.
1. Kaninong talaarawan ang inyong nabasa?
a. Arlene b. Pepe c. Duday d. Bakang
2. Sino ang mga kasama ni Arlene sa pamamasyal?
a. kapatid b. kaibigan c. pinsan d. kaklase
3. Saan sila naligong magpipinsan? a. dagat b. ilog c. sapa d. swimming pool
4. Ano ang tumambad sa kanilang harapan? a. bola b. sasakyan c. malalaking sawa d. pagkain
5. Ayon sa kanyang talaarawan, sino ang kanilang tinulungan?
a. batang babae b. matanda c. tatay d. batang lalaki
6. Ano ang mg imporsyon o detalye na makukuha sa isang talaarawan?
a. pangyayaring nagaganap sa araw-araw b. mga gawain ng ibang tao c. mga gusto kong gawin d. iba’t ibang bagay na gusto ko
7. Bakit mahalaga ang isang talaarawan?
a. para malaman ang mga nangyayari
b. para maitala ang mga nagaganap sa araw-araw.
c. para may mabasa lang
d. para ipaalam sa lahat ng mga nagaganap sa buhay.
8. Paano isinusulat ang talaarawan?
a. isinusulat muna ang araw at petsa c. isulat muna ang buong pangalan.
b. isulat agad ang mga pangyayari
9. Anong titik ang dapat gamitin sa pagsulat ng pangalan ng araw at buwan.
a. maliliit na titik b. malalaking titik c. malalaki at maliliit na titik
10. Ang talaarawan ay pagsasalaysay ng isang _____________.
a. karanasan b. talambuhay c. maikling kuwento d.pabula

II. Hanapin at bilugan ang sagot na hinihingi sa bawat bilang. Ang mga sagot ay pahalang, pahilig, o patayo.

11. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.

12. Ang sakit na ito ang sanhi ng mga nangyayaring pangamba sa buhay ng tao ngayon.

13. Ito ay nangyayari kapag may ilegal na koneksiyon ng kuryente.

14. Ginagamit ito upang mapuksa ang mga mikrobyong nakadikit sa mga kamay.

15. Karaniwang nangyayari kung may malakas at matagalang pag-ulan


III. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring maaari mong masaksihan o nasaksihan na. Paano mo ito bibigyang tugon o
solusyon? Tingnan ang rubrik sa ibaba upang maging gabay sa pagsagot.
16. Nahuli mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit sa Filipino.
________________________________________________________________________
17. Nasaksihan mong may naaksidente sa kalsada malapit sa inyong tahanan.
________________________________________________________________________
18. Nahulog ng kaklase mo ang kanyang pera at nakita mong pinulot ito ng isang bata ngunit hindi niya ibinalik.
________________________________________________________________________
19. Nabasag ng iyong kapatid ang paboritong paso ng iyong ina. Nangangamba kang baka pagalitan ka ng iyong ina
sapagkat bilang nakatatandang kapatid, ibinilin niyang alagaan mo siya.
________________________________________________________________________
20. Nakita mong pinaglalaruan ng mga palaboy ang munting kuting sa inyong bakuran.
_______________________________________________________________________

IV. Hanapin sa Hanay B ang karugtong na wakas ng bawat teksto na mula sa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
patlang.

You might also like