You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

POST-TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4 SY 2021-2022

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: __________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan.

A. bansa
B. daigdig
C. kontinente
D. tao

2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang matatagpuan sa gawing-hilaga ng Pilipinas? A. Cambodia


B. East Timor
C. Indonesia
D. Taiwan

3. Umaabot ng ilang kilometro kuwadrado ang kabuuang lawak ng Pilipinas?


A. 200 000 kilometro kuwadrado
B. 300 000 kilometro kuwadrado
C. 400 000 kilometro kuwadrado D. 500 000 kilometro kuwadrado

4. Dahil sa kinalalagyan ng Pilipinas sa Pasipiko at bilang bahagi ng Kontinente ng Asya, tinawag itong __________.
A. “Dulo ng Asya”
B. “Hagdan ng Asya”
C. “Pintuan ng Asya”
D. “Sentro ng Asya”

5. Anong uri ng anyong lupa ang Lungsod ng Baguio?


A. bundok
B. burol
C. lambak
D. talampas

6. Sa pagputok ng Bulkang Pinatubo noong Hunyo 1991, nag-iwan ito ng malaking deposito ng buhangin sa Bayan ng
Porac sa Pampanga na pinakikinabangan ngayon ng bayan. Anong uri ng likas na yaman ito? A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang pantao
D. yamang mineral

7. Bakit itinuturing na isang bansang agrikultural ang Pilipinas? A. Dahil karamihan sa mga Pilipino ay magsasaka.
B. Dahil malawak ang lupang sakahan ng bansa.
C. Dahil karamihan sa mga tao ay hindi nakapag-aral.
D. Dahil malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa agrikultura upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan.

8. Anong kalamidad ang naranasan natin na noong Abril 22, 2019 na nagpabagsak sa Chuzon Supermarket sa bayan
ng Porac sa Pampanga?
A. bagyo
B. baha
C. landslide
D. lindol
9. Kung nakatira ka sa bayan ng Masantol, Macabebe, o iba pang bayan sa Pampanga na palaging nakararanas ng
pagbaha, magplano ng iyong gagawin para sa darating na tag-ulan. A. Lumipat ng tirahan.
B. Hintayin na lang ang mangyayari.
C. Makitira sa kamag-anak kapag tag-ulan.
D. Maging handa at alerto sa lahat ng oras, alamin ang balita sa radyo, telebisyon o internet.

10. Bakit mahalaga ang mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa? A. Dahil makikilala ang bansa sa mga
katangiang pisikal nito.
B. Dahil maipagmamalaki mo ang katangiang pisikal ng bansa sa mga dayuhan.
C. Dahil maraming kapakinabangang naibibigay ang mga ito sa mga tao at sa bansa.
D. Dahil maaakit ng mga katangiang pisikal ang mga dayuhan na manirahan sa bansa.

11. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang naibibigay ng magagandang tanawin sa ating bansa? A. Pakinabang sa
kalakal
B. Pakinabang sa turismo
C. Pakinabang sa produkto
D. Pakinabang sa enerhiya

12. Paano nakatutulong sa ating ekonomiya ang pagluluwas ng produkto sa ibang bansa?
A. Mas mahal kung sa ibang bansa ipagbibili ang mga produkto kaysa dito sa Pilipinas.
B. Ipagbili natin nang mahal ang ating produkto sa ibang bansa at bumili tayo ng mas mura.
C. Karagdagang kita sa Pilipinas kung iluluwas sa ibang bansa ang labis nating mga produkto.
D. Ipagbili natin ang ating produkto sa ibang bansa at bumili tayo ng mas magandang produkto.

13. Ang mga sumusunod ay mga matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. hagdan-hagdang pagtatanim
B. paggamit ng organikong paraan ng pagtatanim
C. paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa
D. pagtatag ng sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop

14. Habang nasa bintana ka ng inyong bahay, nakita mo ang kapitbahay mong si Kean na itinapon sa kanal ang ginamit
niyang face mask. Ano ang iyong gagawin? A. Irereport siya sa barangay.
B. Isusumbong siya sa nanay.
C. Sisigawan siya at sasabihing hindi tama ang ginawa niya.
D. Kakausapin nang mahinahon at sabihin ang tamang gawin.

15. Ang mga sumusunod ay mga oportunidad sa gawaing pangkabuhayan MALIBAN sa __________.
A. climate change
B. makabagong teknolohiya sa pagsasaka
C. Programang Blue Revolution at biyayang dagat
D. bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani

16. Kakaunti na lang ang nahuhuling isda nina Mang Pedring at kanyang mga kasamahan dahil sa pagkasira ng mga
coral reef sa kanilang lugar. Paano kaya matutugunan ang problema nila? A. Magtayo ng mga bagong pantalan.
B. Magtayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda.
C. Pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonar at radar D. Ipatupad ang batas
tungkol sa pagbabawal ng paggamit ng dinamita sa pangingisda.

17. Ito ay tumutukoy sa pagtugon sa pangangailangan ng kasalukuyang lipunan nang hindi naisasakripisyo ang
kakayahang matugunan ang parehong kinakailangan sa hinaharap.
A. Energy Efficiency
B. Natural Resources Reservation
C. Sustainable Development
D. Universal Development Plan

18. Bakit mahalaga ang pagsulong ng likas kayang pag-unlad? A. Dahil nagpapatatag ng magandang ugnayan ng mga
bansa
B. Dahil nabibigyang halaga ang pangangailangan ng mga tao at napauunlad ang mga bansa sa daigdig
C. Dahil napananatili ang magandang ugnayan ng mga bansa at naisusulong ang pagkaka-isa at pagtutulungan
D. Dahil natutugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan na hindi nakokompromiso ang pangangailangan sa
hinaharap
19. Katangian ng mga Pilipino na handang tumulong sa oras ng pangangailangan tulad ng pagbubuhat ng kubo, sama-
samang pagtatanim o pag-aani at community pantry. A. Bayanihan
B. Pakikiramay
C. Pakikisama
D. Sistemang Padrino

20. Bahagi ng kulturang Pilipino na karaniwan sa mga pagtitipon gaya ng Pasko, kasalan, Bagong Taon, araw ng
kapanganakan at iba pa.
A. Mapagbigay
B. Paggalang
C. Pamamanhikan
D. Pagsama-sama ng pamilya

21. Ito ay tumutukoy sa samahang politikal na itinataguyod ng grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng kaayusan
at magpanatili ng sibilisadong lipunan.
A. bansa
B. kapangyarihan
C. pamahalaan
D. teritoryo

22. Alin sa mga sumusunod ang dalawang antas ng pamahalaan?


A. Lokal at Pambansang antas
B. Panglungsod at Lokal na antas
C. Pambansa at Panlalawigang antas
D. Antas na Panlalawigan at Antas na Panglungsod

23. Anong sangay ng pamahalaan ang pinamumunuan ng pangulo?


A. ehekutibo
B. hudikatura
C. lehislatibo
D. lahat ng nabanggit
24.Ang mga sumusunod ay gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan MALIBAN sa isa. Alin ito? A. Pagpapakain sa mga batang lansangan
B. Pakikipagsabwatan sa paggawa ng masama
C. Pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo
D. Pinananatili ng kagawarang ito ang katahimikan at kaayusan ng bansa.

25. Nawalan ng trabaho si Mang Leo dahil nagsara ang kumpanyang pinapasukan niya dulot ng pandemya. Aling
ahensiya ang makatutulong sa kanya?
A. Kagawaran ng Kalusugan
B. Kagawaran ng Katarungan
C. Kagawaran ng Paggawa at Pag-eempleyo
D. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad

26. Lahat ay mga programang pang-agrikultura MALIBAN sa __________.


A. Reforestation
B. Complete Treatment Pack
C. Selective Logging o Total Log Ban
D. Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)

27. Ito ay isang programa para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at mga lugar na
sakop ng umiiral na mga kasunduang pangkapayapaan.
A. Reforestation
B. “Build, Build, Build Project”
C. Complete Treatment Pack
D. “Payapa at Masaganang Pamayanan ” o PAMANA

28. Programang pang-imprastruktura ni Pangulong Duterte na naglalayong makalikha ng maraming trabaho para sa
mamamayan, mapababa ang halaga ng mga bilihin, tumaas ang kita at pamumuhunan sa mga kanayunan at maging
mabilis ang transportasyon ng mga tao at ng mga produkto.
A. “Build, Build, Build Project”
B. Complete Treatment Pack
C. Alternative Learning System (ALS)
D. “Payapa at Masaganang Pamayanan ” o PAMANA

29. Mayroong kautusan ang pamahalaan na ang bawat miyembro ng pamilya ay kailangang magsuot ng face mask kung
lalabas ng tahanan, ano ang iyong gagawin? A. Tatawanan lang ang pagsusuot ng face mask.
B. Sumunod sa alituntunin sa pagsuot ng face mask.
C. Magsusuot ng face mask kung may nakakakita lang.
D. Magsuot ng face mask pero ilalagay sa bandang baba.

30. Pinapatupad ng pamahalaan ang “social distancing” sa buong bansa upang makaiwas sa sakit na nakahahawa,
bilang isang mamamayang Pilipino dapat ka rin bang sumunod? Bakit? A. Opo, kapag may bantay lang.
B. Opo, upang makaiwas sa sakit.
C. Hindi po, dahil bata lang naman ako.
D. Hindi po, di naman ako mahahawaan.

31. Anong prinsipyo ang sinusunod ng pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan? A. Jus Sanguinis
B. Jus Soli
C. Likas
D. Naturalisasyon

32.Si Lenie ay ipinanganak sa Pampanga. Ang kanyang ina ay Pilipina at ang kanyang ama ay Amerikano. Ano ang
pagkamamamayan ni Lenie?
A. Amerisian
B. Dual Citizen
C. Likas o Katutubo
D. Naturalisado

33. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng isang tungkuling ginagampanan ng bata?
A. Inaawit ni Myra ang Lupang Hinirang nang buong puso at pagmamalaki.
B. Malayang inihahayag ng magkakapatid ang kanilang opinyon sa kanilang tahanan.
C. Nakapagtapos ng pag-aaral si Ben dahil sa sipag at tiyaga ng magulang sa paglalako ng isda.
D. Hindi pinayagang maglaro si Ana dahil kinailangan niyang alagaan ang nakababatang kapatid.

34. Pangarap ni Ivan na siya ay maging pulis ngunit nasunod ang pangarap ng magulang na siya ay maging isang guro.
Anong karapatan ang nalabag kay Ivan?
A. karapatang mabuhay
B. kalayaan sa pamamahayag
C. kalayaan sa pananampalataya
D. karapatan sa kalayaang makamit ang ninanais sa buhay

35. Alin sa mga sumusunod ang susing katangiang dapat taglayin sa mga gawaing pansibiko?
A. pagkamalinis, matapat at bayanihan
B. pagiging makasarili, mapagmahal at mapagbigay
C. pagbibigay, pagiging matapang at pagboboluntaryo
D. bayanihan at pagtulong nang walang inaasahang kapalit

36. May nakita kang mga batang naglalaro sa harap ng bahay ninyo. Ipinagbabawal ng gobyerno na lumabas ang mga
bata dahil sa COVID-19 pandemic. Ano ang dapat mong gawin? A. Sumali sa kanila.
B. Sigawan ang mga batang naglalaro.
C. Hayaan lang silang maglaro sa kalye.
D. Sawayin sila at pagsabihan ang mga ito.

37. Si Albert ay isang nars. Tinutulungan niya ang mga doktor sa panggagamot sa mga taong nagkasakit ng COVID-19.
Mahalaga ba ang ginagawang gawaing pansibiko ni Albert? Bakit? A. Oo, dahil may suweldo tayo kapag
nagtatrabaho.
B. Hindi, dahil gumagaling naman ang nagkakaroon ng COVID-19.
C. Hindi, dahil marami naman ang kayang gumawa ng kanyang trabaho.
D. Oo, dahil nagsisilbi siya sa komunidad na hindi alintana ang peligrong dulot ng pandemya.

38. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng gawaing pansibiko MALIBAN sa isa.
Alin ito?
A. Si Rohan ay maayos na ginastos ang pera mula sa 4P’s ng DSWD.
B. Si Dale ay nililinisan ang mga gawang kanal ng gobyerno.
C. Si Lance na palaging itinatapon ang kanyang basura sa tamang tapunan.
D. Si Ivan na hindi pinansin ang mga butong pananim na ibinigay ng Department of Agriculture.
39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng gampanin ng mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran?
A. Pagiging magastos
B. Pagiging produktibo
C. Pangangalaga ng kapaligiran at pamanang lahi
D. Paglinang sa sariling katalinuhan at kakayahan

40. Sinasaway ang mga kapuwa bata na nagsusulat sa mga upuan na bigay ng pamahalaan sa pampublikong
paaralan. Anong gampanin ng mamamayan ang ipinakikita?
A. pagsunod sa batas
B. pagmamahal sa bansa at kapwa
C. pag-iingat sa pampublikong gamit at lugar
D. pagtulong sa pagpigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan
SUSI SA PAGWAWASTO:
PRE-TEST in Araling Panlipunan 4

1. A 11. C 21. C 31. B

2. D 12. C 22. A 32. C

3. B 13. C 23. A 33. A

4. C 14. D 24. B 34. D

5. D 15. A 25. C 35. D

6. D 16. D 26. B 36. D

7. D 17. C 27. D 37. D

8. D 18. D 28. A 38. D

9. D 19. A 29. B 39. A

10. C 20. D 30. B 40. C

Prepared by:

IRMA S. LINTAG
Master Teacher I

Noted by:

VILMA TIGLAO-ARCILLA
APAN Division Coordinator

You might also like