You are on page 1of 4

Department of Education

Region III – Central Luzon


SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
PASAY CITY NORTH HIGH SCHOOL
Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGUSULIT SA ARALING
PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)
SY 2022-2023
PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin ang sinasaad. Piliin ang tamang
sagot at itiman ang bilog ng iyong sagot.

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang:
A. karapatang pantao. B. pagkamamamayan C. gawaing pansibiko. D. mabuting pamamahala

2. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na
mamamayang Pilipino?
A. Artikulo 7 B. Artikulo 6 C. Artikulo 5 D. Artikulo 4

3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?


A. Mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Ang ama ni Rachell ay mamamayan ng Pilipinas.
C. Mamamayan ng Pilipinas si Abdul nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987
D. Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.

4. Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:
A. walang pagkamamamayan. C. mamamayang Amerikano lamang.
B. mamamayang Pilipino lamang. D. parehong mamamayang Pilipino at Amerikano.

5. Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin
siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija at para na rin
magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via?
A. Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan.
B. Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia.
C. Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan.
D. Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at
magbakasyon.

6. Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil:


A. siya ay ipinanganak sa Pilipinas. C. pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino.
B. dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon. D. pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang
Pilipino.

7. Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli. B. jus civile C. jus naturale. D. jus sanguinis.

8. Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito
ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli. B. jus civile C. jus naturale. D. jus sanguinis.

9. Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang:


A. pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes.
B. pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
C. pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo.
D. pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan.

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa:
A. pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa.
B. pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay.
C. pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang
panlahat.
D. pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong
pagkamamamayan.
11. Ang aktibong pagkamamamayan ay:
A. nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas.
B. pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila.
C. maipakita sa pagsunod lamang sa lahat ng mga ipinag-uutos ng pamahalaan.
D. maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan.

12. Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa
lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na:
A. Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal. C. Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal
B. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal. D. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal.

13. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?


A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.

14. Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang ay kilala bilang:
A. karapatang sibil B. karapatang pantao. C. karapatang politikal. D. karapatang sosyo-ekonomik.

15. Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon
na siguraduhing lahat ng mga tao: mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon, ay
tatratuhin nang pantay.
A. Optional Protocols C. Universal Declaration of Human Rights
B. International Bill of Rights D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution

16. Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:


A. iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. sinisiguro itong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.

17. Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng __ karapatang pantao.


A. 20 B. 30 C. 40 D. 50

18. Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa
rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa buhay C. kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
B. kalayaan mula sa pagpapahirap D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis

19. Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga magulang. Bukod pa rito,
siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa
kanyang asawa sa
paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa edukasyon C. kalayaan mula sa diskriminasyon
B. kalayaan mula sa pang-aalipin D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang

20. Saang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)?
A. Artikulo II B. Artikulo III C. Artikulo IV D. Artikulo V

21. Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:


A. natural rights. B. political rights. C. statutory rights. D. constitutional rights.

22. Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:


A. kalayaan sa relihiyon. C. karapatan sa wastong kabayaran
B. karapatan sa minimum wage. D. malayang pagdulog sa mga hukuman.

23. Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin dahil:
A. ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.
B. ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
C. sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.
D. sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.
24. Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong nang-abuso sa mga karapatan mo?
A. CHR B. korte C. military D. pulis

25. Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa ay nakapaloob sa konsepto ng:
A. karapatang pantao. C. kamalayang pansibiko.
B. gawaing pansibiko. D. aktibong pagkamamamayan.

26. Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing
pangkabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay tinatawag na:
A. social businesses. C. social organization.
B. social enterprises. D. corporate social responsibility.

27. Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged
sectors maliban sa:
A. mga biktima ng mga kalamidad at sakuna.
B. indigenous peoples at mga pamayanang kultural.
C. mga manggagawa sa impormal na sektor at mga migranteng manggagawa.
D. mga taong nahihirapang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

28. Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang mga Karapatan sa halalan?
A. Artikulo II B. Artikulo IV C. Artikulo III D. Artikulo V

29. Bakit mahalaga ang pagboto?


A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino.
C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan.
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal.

30. Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey na isinagawa noong
2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
A. pagboto C. laging pagsunod sa batas
B. wastong pagbabayad ng buwis D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

31. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na binubuo ng mga mamamayang
nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations.
A. civil society C. people’s organizations
B. social enterprises D. non-governmental organizations

32. Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado kinikilala ng Saligang
Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan ng bansa?
A. Seksiyon 13 B. Seksiyon 23 C. Seksiyon 18 D. Seksiyon 28

33. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga kasapi nito
kung saan nahahanay ang mga causeoriente group at sectoral group.
A. civil society C. people’s organizations B. social enterprises D. non-governmental organizations

34. Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa:


A. Bantay-Kalikasan
B. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas
C. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators
D. Samahan ng mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan sa Burgos

35. Ang sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations maliban sa:


A. Bantay-Kalikasan. C. Clean and Green Foundation, Inc.
B. Earthsavers’ Movement. D. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas.

36. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?


A. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga
gawaing panlipunan.
B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
C. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.
D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa
tulong ng iba’t ibang samahan.
37. Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil
society organizations at mga partido politikal.
A. administrasyon B. pamahalaan C. gobyerno D. pamamahala

38. Upang mapag-aralan ang estado ng demokrasya sa 167 na bansa sa mundo, ginagamit ang panukat na ito.
A. political index B. consumer price index C. democracy index D. corruption perceptions index

39. Sa isinagawang 2019 Democracy Index, ang Pilipinas ay lumabas na nasa:


A. 49th sa buong mundo. B. 59th sa buong mundo. C. 54th sa buong mundo. D. 64th sa buong mundo.

40. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaaan upang palaganapin ang pansariling interes.
A. korapsiyon B. pandarambong C. pagnanakaw D. pang-aabuso

41. Sa isinagawang Corruption Perception Index noong 2019, lumabas na ang bansang may pinakamababang
marka sa buong mundo pagdating sa pamamahala ng katiwalian ay ang:
A. Kenya. B. Senegal. C. Pilipinas. D. Somalia.

42. Noong 2019, nakakuha ang Pilipinas ng markang 34/100 sa Corruption Perception Index. Sa buong mundo,
tayo ay nasa:
A. 103rd na puwesto. B. 123rd na puwesto. C. 113rd na puwesto. D. 133rd na puwesto.

43. Ang sumusunod ay maituturing na dahilan ng mababang ranggo ng mga bansa sa Asya-Pasipiko pagdating
sa laganap na katiwalian maliban sa:
A. lumiliit na espasyo para sa civil society. C. hindi pagiging transparent ng pamahalaan.
B. hindi pagiging accountable ng pamahalaan. D. kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng
pamahalaan.

44. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay
katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
A. governance B. good governance C. civic governance D. participatory governance

45. Ang sumusunod ay bunga nangg maayos na ugnayan at interaksiyon ng pamahalaan, civil society
organizations at corporate sector maliban sa:
A. mahusay na makagawa ng mga polisiya. C. mailaan nang mabuti ang mga pinagkukunang-yaman
B. matukoy ang mga nararapat na prayoridad. D. makalikom ng sapat na pondo para sa iba’t ibang proyekto

46. Ito ay isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa o
developing countries kagaya ng Pilipinas.
A. World Bank C. International Monetary Fund
B. Asian Dvelopment Bank D. Development Bank of the Philippines

47. Ang mabuting pamamahala ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng mga resources
upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa isang bansa. Ang sumusunod ay indikasyon ng good governance
maliban sa:
A. partisipasyon ng mga civil society C. paggalang sa mga karapatang pantao
B. pagkakaroon ng financial accountability D. transparency sa mga prosesong pampamahalaan

48. Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa malayang pagdaloy ng mga impormasyon
para sa mga tao.
A. accountability B. responsiveness C. participation D. transparency

49. Ito ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ngtransaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng
pamahalaan.
A. katapatan B. kapanagutang sibiko C. katarungan D. kapanagutang political

50. Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng pamahalaan sa Saligang
Batas ng 1987 partikular sa:
A. Artikulo VIII B. Artikulo X C. Artikulo IX D. Artikulo XI

GODBLESS AND GOODLUCK!!!

Ma’am Rachell

You might also like