You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
CITY SCHOOLS DIVISION OF VICTORIAS
VICTORIAS NATIONAL HIGH SCHOOL- GASTON EXTENSION

“Kabataan ang Pag-asa ng


Bayan”
Hindi ito isang tipikal na patimpalak.Ito ay isang patimpalak upang
makatanim ng pag-ibig sa bayan ay hayaang mamumulaklak at ang
mga salita ay manghahalimuyak mula sa mga pusong busilak
“KABATAAN”.

Kabataan ang Pag-asa ng Bayan


Maaari ang karamihan ay hindi naniniwala sa pamusong linyahan
ngunit ating tandaan na ito’y mga salitang hindi basta lang binitiwan
ng ating pambansang bayani at sa bayan ay iniwan dahil ito ay isang
palatandaan na hindi dapat masayang ang panahon ng kabataan
kaya hayaan niyo ako,hayaan niyo nasa loob nang ilang minuto’y
maging boses ako para sa kabataan na walang ibang nais kundi mas
maayos na kalagayan at kinabukasan para sa lahat ng mamamayan.

Kabataan,hindi kabataan lang.Tayo’y kabataan,kabataang pag-asa


nang ating bayan. Ngunit paano ngaba matatawag na tayo’y mga
kabataan ang pag asa nang ating bayan? Hindi naman ito meme pero
pasensya kung aking pagtawanan. Pagtawanan ang katotohanan na
ang winika ni Rizal ay parang sabi-sabi nalang.

KASI….

Kung kabataan nga ang pag-asa nang ating bayan bakit maraming
kabataan ang maagang nalulong sa mga bisyo at halos nakatambay
na sa inuman? Bakit maraming kabataan ang nag re-rebelde at ni
hindi na alam ang ginagawa? Bakit maraming mga kabataan ang
pinapabayaan at palaboy-laboy lang sa daan? Bakit may mga
kabataang maagang pinagta-trabaho para sa pamilya? Bakit
maraming mga kababaihan ang nabubuntis kahit sa murang edad pa
lamang? Bakit ang tinatawag na pag-asa ay napuno ng pasa dahil sa
pang-gagahasa?Maraming nabuhuhay na malapit sa karasahan at
mapang abusong kapaligiran? Bakit ang mga nakakatandang ito ang
siya pang sisira sa aming kinabukasan? Bakit ang tinatawag na pag
asa ay napuno nang malalaswang imahinasiyon at halos hindi na
kilala ang sarili? Bakit imbis na mag-aral ay iba ang pinag-
aaralan,pinag-aaralan kung paano hubaran ang isa,dalawa,tatlo o
ilan pang kababaihan na isasama sa koleksiyon pagkatapos ay
pabayaan na parang lumang laruan na lamang? Kung kabataan nga
ang pag asa nang bayan, bakit pinatay ang sanggol na nasa
sinapupunan na walang kaalam-alam at kasalanan pero mas
tumimbang ang hindi na niya dapat malaman…

Kung kabataan nga ang pag-asa nang bayan, bakit depresiyon ay


pinahihintulutan at ginawa ng katatawanan? Pag-aaral ay naging
nakakasakal at pagod nalang ang nararamdaman? Suicide ay tanging
paraan na kanilang iniisip upang mga problema ay malutas.

Sa panahon ngayon hindi na maintindihan ang nangyayari sa mga


kabataan. Di naman sa nilalahat pero karamihan ay hindi narin kilala
ang panginoon. Kahit nga kanilang mga maling gawain ay hindi na
alam ng kanilang mga magulang kung minsa’y nagagawa pang
magsinungaling. Kung kabataan nga ang pag asa nang bayan,Bakit
kami ay napapabayaan? Malungkot isipin na hindi na talaga
maintindihan ang mga kabataan ngayon. Kung buhay pa kaya si
Rizal,mag sisisi kaya siya sa buhay na isinugal? Kaya papaano pa
natin matatawag na pag sa nang bayan ang mga kabataan?
Paumanhin pero mga kabataan ngaba ang pag asa nang bayan o ang
ating bayan ang magiging pag asa ng mga kabataan para magbago?

Kabataan ang pag asa nang bayan,marami mang negatibo mananatili


parin ang totoo at positibo. Totong mga kabataan ang susi sa
magandang kinabukasan ng ating bayan. Kaya sana ay ang wika ni
Rizal ay di baguhin. Di nagbabago ang panahon ang siyang sistema
lang natin ngayon. Kung kabataan ang pag asa nang bayan,dinggin
niyo ang hinaing ng mga kabataan na mga biktima lang din ng binuo
niyong kasaysayan. Ang hinaing ng mga kabataang binuo ng lipunang
hindi makatarungan. Pakiusap baguhin niyo ang makabagong
sistema upang makatwiran ang tinatawag nating “pag-asa”.

“WAKAS”

JERALYN JOY ANTONIO LUMAWAG


GRADE 9 - DIAMOND

You might also like