You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF VICTORIAS CITY
ABELARDO D. L. BANTUG, SR. NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
SCHOOL YEAR 2023-2024
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
sagutang papel

1. Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?
A. Lipunan B. Kapaligiran C. Politika D. Sarili
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ay tumutukoy sa anumang pangayayari, paksa, tema, opinyon o ideya na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon na maaring naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw
ang epekto nito sa kasalukuyan.
B. Ito ay tumutukoy sa mga isyung may negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao.
C. Ito ay tumutukoy sa mga kasalukuayang paksa na napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga
tao sa lipunan.
D. Ito ay tumutukoy sa mga pangayaring naganap sa nakalipas na panahon at walang kinalaman ang
kasalukuyang panahon.
3. Ang mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan sa kontemporaryong isyu?
A. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro at matanto ang angkop, handa at agarang
pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
B. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
C. May malinaw na epekto o impluwensiya sa mamamayan at sa lipunan.
D. Mga pangyayari na naganap noon o nagaganap sa kasalukuyan na may matinding epekto o impluwensiya
sa takbo ng kasalukuyang panahon.
4. Bakit itinuturing na kontemporaryong isyu ang KAHIRAPAN?
A. Dahil epekto ito ng maling pamamalakad ng pamahalaan.
B. Dahil ito ay isa sa mga pinakamabigat na problema ng ating bansa na nangangailangan ng solusyon.
C. Dahil maraming mahihirap na mga Pilipino.
D. Dahil wala na itong solusyon at apektado ang lahat.
5. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap noong nakaraang panahon lamang.
II. Nakakaapekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. II, III, IV
6. Tumutukoy sa uri ng kontemporaryong isyu na may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa
pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
A. Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan B. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan
C. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran D. Kontemporaryong Isyung Panlipunan
7. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng suliranin sa lipunan, alin dito ang maituturing mong isyung panlipunan?
A. Mababang grado C. Paghiwalayan ng mag-asawa
B. Pag-aaway ng magkaibigan D. Paglaki ng populasyon
8. Alin sa sumusunod napapabilang ang usapin tungkol sa korupsyon sa pamahalaan?
A. Isyung pangkalakalan C. Isyung pangkapaligiran
B. Isyung pangkalusugan D. Isyung panlipunan
9. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at pagtaas ng presyo ng dolyar laban sa piso.
A. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Pangkapaligiran
B. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Panlipunan
10. Paano ka maging mulat sa mga isyung nangyayari sa iyong lipunan?
A. Ipaglaban ang sariling opinyon sa mga isyung nangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapahayag
saloobin sa social media.
B. Dahil nakababahala na ang mga isyu sa lipunan, hikayatin ang iba at magwelga.
C. Malawakang pag-iisip upang malinang at mahasa ang pagpapahalaga sa mga isyung nagaganap sa lipunan
upang makatulong dito at isagawa.
D. Panonood at magbabasa ng mga isyu sa balita para may kaalaman ka dito.
11. Sa pangangalap ng impormasyon, kailangan ng mga sanggunian upang maging mabisa ang pag-aaral ng mga
isyu, alin sa mga sumusunod na sanggunian ang HINDI kasali sa mga batayan ng datos?
A. Legal na dokumento B. Sulat C. Larawan D. Wala sa nabanggit

12. Sa pag-aral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan.
Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain II. Damdaming makabayan
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV
13. Ano ang maari mong gawin upang harapin ang mga isyu at hamong panlipunan?
A. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.
B. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
D. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
14. Alin sa mga sumusunod ang tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa Mga kontemporaryong isyu?
A. Nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral.
B. Paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa.
C. Pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino at
produktibong mamamayan.
D. Lahat sa nabanggit
15. Paano mo matutugunan ang mga isyu sa lipunan bilang isang mag-aaral?
A. Humingi ng tulong sa ibang bansa dahil malawak na ang isyu sa lipunan at hindi na kayang lutasin ng
pamahalaan ang mga suliranin na nararanasan ng mga Pilipino.
B. Ipahayag sa pamahalaan ang mga hinanakit na nangyayari sa lipunan at sariling buhay.
C. Maging aktibong makibahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan sa pamamagitan
paglahok sa mga programa ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
D. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
16. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste?
A. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao.
B. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno.
C. Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng mga basura.
D. Kawalan ng hanapbuhay ng tao.
17. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap sa kasalukuyan?
A. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon.
B. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran.
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit
18. Bakit itinuturing na malaking banta sa pagkasira ng kapaligiran ang minimina at mga gawaing pagka-quarry?
A. Ang mga ilog, lawa at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason.
B. Nasisira ang biodiversity at ecological balance.
C. Tumataas ang banta ng pagguho ng lupa at nagdudulot ng trahedya.
D. Lahat ng nabanggit
19. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa ibat-ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang
A. Ecological Garbage Management Act of 2000 B. Ecological Garbage Management Act of 2010
C. Ecological Solid Waste Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010
20. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng landslide. B. Pagliit ng produksyon ng pagkain.
C. Pagtaas ng insidente ng dengue. D. Lahat ng nabanggit
21. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas MALIBAN sa ________
A. Fuel wood harvesting B. Global warming C. Illegal logging D. Illegal mining
22. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report
noong 2015.
A. biodegradable B. electronic waste C. nuclear waste D. solid waste
23. Ang mga sumusunod ay epekto ng pagkasira ng kagubatan MALIBAN sa isa
A. Mas madalas ang pagbaha at pagguho ng mga bundok.
B. Nagpapaliit sa pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.
C. Nakatutulong ang mga kagubatan sa mitigasyon ng climate change.
D. Tumitindi ang init na nararanasan.
24. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung kaya’t
ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon,subdibisyon at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito,
A. Land conversion B. Land grabbing C. Land reform D. Land use
25. Nakita mo ang iyong nanay na nagtatapon ng basura sa ilog at nagsusunog ng mga plastik, ano ang iyong gagawin?
A. Huwag makialam sa ginagawa ng nanay.
B. Ituturo sa nanay ang wastong kaalaman sa pagtatapon ng basura o waste segregation.
C. Pababayaan ang nanay na ipagpatuloy ang pagtapon ng basura sa ilog at pagsusunong ng mga plastic.
D. Sundin ang ginagawa ng nanay.

26. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan sa nagaganap na
deforestation o pagkakalbo ng kagubatan?
A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang
pinagkukunan ng pangangailangan.
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa kagubatan.
C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao.
D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers.
27. Ito ay ang Non-Government Organization (NGO) na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilipino sa balanse at
malusog na kapaligiran
A. Bantay Kalikasan B. Clean and Green Foundation C. Greenpeace D. Mother Earth Foundation
28. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heat wave, baha at tagtuyot.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging epekto nito?
A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
B. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng El Nino at La Nina.
C. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo.
D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming.
29. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura.
Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang:
A. Kawalan ng suporta ng mga namamahala.
B. Pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino.
C. Paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura.
D. Paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan.
30. Dahil ang Pilipinas ay isang kalupaan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sa sektor
ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mamamayan?
A. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain.
B. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa.
C. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa.
D. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad .
Para sa bilang 31-35 piliin ang sagot sa ibaba.
A. NDRRMC B. PAGASA C. Philippine Coast Guard
D. Philippine Information Agency E. PHIVOLCS
31. Ang nagbibigay ng mga updates tungkol sa mga paparating na bagyo at sama ng panahon.
32. Nabuo upang mabawasan at maagapan ang panganib na dulot ng kalamidad.
33. Namamahala sa mga kalagayan ng mga bulkan, paglindol at mga tsunami
34. Nagbibigay ng mga kaalaman at anunsiyo tungkol sa mga kilos- pansagip at pantulong lalo na sa mga lugar na
naapektuhan ng kalamidad
35. Sakop nito ang pagbibigay ng babala sa mga biyaheng pandagat kasama na ang operasyong pansagip at
paghahanap ng mga nawawalang biktima dulot ng pananalantang baybayin.
36. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
A. Disaster B. Vulnerability C. Resilience D. Hazard
37. Isa itong uri ng hazard o panganib na dulot ng kalikasan
A. Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. Physical Hazard
38. Isang uri ng hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
A. Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. Physical Hazard
39. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya.
A. Hazard B. Risk C. Disaster D. Resilience
40. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad at
panganib.
A. Hazard Assessment B. Disaster management C. Capacity management D. Disaster
41. Alin sa mga sumusunod na dahilan bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang ,
A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
C. Mailigtas ang maraming ari-arian
D. Walang maayos na paraan ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
42. Ano ang maaaring maiwasan kapag resilient ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad?
A. Pagbagsak ng ekonomiya C. Pagtaas ng bilihin
B. Pagdami ng basura D. Pinsala sa buhay at ari-arian
43. Kapag ang hangin ay may bilis na 220 kph o mahigit pa sa loob ng 12 oras, ito ay nagpapahiwatig ng
anong storm signal.
A. Public Storm Signal no. 1 C. Public Storm Signal no.3
B. Public Storm Signal no. 2 D. Super Typhoon
44. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin sa panahon ng El Nińo at La Nińa MALIBAN sa isa.
A. Ang mga tao ay dapat handa bago pa dumating ang El Nińo lalo na sa negatibong epekto nito sa bansa.
B. Makiisa at makibahagi sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.
C. Malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbaha.
D. Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig.
45. Alin sa sumusunod ang hindi dapat gawin na paghahanda sa pagdating ng bagyo at iba pang-kalamidad?
A. Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista.
B. Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit.
C. Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon.
D. Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong upang hindi tangayin ng hangin. 11.
46.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paghahanda sa tuwing may mangyayaring lindol?
A. Lumabas agad sa gusali, bahay o paaralan kapag huminto na ang pagyanig.
B. Makilahok sa mga earthquake drill.
C. Siguraduhin na laging pumunta sa ligtas na lugar.
D. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente at estruktura kung sakaling nasa open area.
47. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang kahinaan at kakulangan o
pagiging vulnerable sa mga disaster?
A. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.
B. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan.
C. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
D. Upang mas marami silang tulong na matatanggap mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
48. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad
C. Mailigtas ang maraming buhay at ari-arian.
D. Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
49. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Mahusay na plano ng DISASTER MANAGEMENT. B. Pakikinig at panunood sa SOCIAL MEDIA
C. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS D. Pagtutok sa ulat panahon ng PAGASA
50 . Bakit mahalaga ang pagiging kalmado sa panahon ng kalamidad?
A. Dahil ito ay makakatulong upang matigil ang nagaganap na bagyo o anumang uri ng kalamidad.
B. Dahil kung kalmado mas magkakaroon ng kakayahan ang pamayanan na harapin ang mga epekto na
dulot ng kalamidad.
C. Dahil mas makakapag-isip ng maayos kung ano ang nararapat gawin sa tuwing may nagaganap na kalamidad.
D. Lahat ng mga pahayag ay tama.

-WAKAS-

You might also like