You are on page 1of 1

May 08, 2023

CHRISTIANS MEETING IN GOSPEL HALL


Brooke’s Point, Palawan
KABATAAN NG BAYAN

Sa mga kinauukulan/elder at trustee,


Mapagpalang Araw po, kaugnay po sa aming Mission: “Ipakilala si Kristo sa mga
kabataan sa paraang pag-eebanghelyo, turuang mamuhay sa kabanalan at hubugin upang
makabahagi sa gawain ng Panginoon”. Kami po ng kabataan ng Gospel Hall- Bayan ay
magsisimula ng isang gawain na “YOUTH WORKSHOP” na magsisimula sa ika-09 ng Mayo,
2023 sa oras ng aming fellowship Biyernes- 6:30 pm sa Simbahan. Ang workshop na ito ay
naglalayong magtrain, magsuporta, at maghasa ng mga bagong kabataan namin na gagamitin sa
gawain sa pagtuturo sa bata(Sunday School), pangunguna(leadership), pangunguna sa
awitan(Song leading), paggitara, at pagpreside, dito na rin po kami titingin kung sino ang dapat
naming tulungang hikayatin na pasalihin sa Christian Training Camp 2023. Magkakaroon din
po sila ng Observation at Practicum kung saan ay titingnan po naming kung pwede na. Kaakibat
po ng ganoong gawain ay mga materyales at meryenda. Sa kabila noon naman ay mayroon
naman po kaming offering na pinapaikot sa aming fellowship, ngunit sa darating pong June ay
may 5th Friday na eating fellowship, hindi po sapat ang nasa aming Treasurer, wala pa po
kaming mga pinagkikitaan kaya po kami ay humihingi ng tulong pinansiyal mula sa Simbahan,
sana po ay inyong unawain at pahintulutan na makahingi ng Php 2,500.00 para sa mga
gagamiting materials at meryenda. Ang magiging kinalabasan po ng ganitong gawain ay
patuloy naming idinadalangin kung magiging maayus ayon sa kalooban ng Panginoon.

Ito po ay matagal na naming plano at patuloy naming idinadalangin na mangyari,


inaasahan po naming ang inyong magiging suporta, Maraming Salamat po.

Lubos na may paggalang,

Leandro James Cababaro


Kasalukuyang Nangunguna sa Kabataan

Ina-aprubahan nina;

RONALDO CANSINO

RENATO ROQUEN

NILO GASPAR

You might also like