You are on page 1of 17

IBAT-IBANG LARANGAN

INTELEKTUWALISASYON
INTELEKTUWALISASYON
Kahulugan

SANTIAGO 1990
isang proseso upang ang isang wikang di pa
intelektuwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na
intelektuwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit
sa mga sopistikadong lawak ng karunungan.
Larangang
HASAAN
Akademik -ang wikang filipino sa larangan ng akademik ay ang
paggamit ng katutubong wika o Wikang Filipino sa
mga saliksik na siyang nagpapaunlad sa akademiya sa
bansa.

Santos at Consepcion (2016)


-ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan ay matitiyak lamang kung may
asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring
disenyo sa kolehiyo.”
-Tumutukoy sa gamit ng Wikang Filiino sa iba’t
Larangang
Ibang larangan, kurso, propesyon at grupo na
Disiplina
kinabibilangan.

FILDIS
-isang praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at
mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto
ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino.
Larangang
Espesalisasyon

Ito ay ang paggamit ng wikang lokal upang mas


madaling nagkakaintindihan gaya ng na sa larangan
ng medisina.
IBAT-IBANG LARANGAN
Agham at Teknolohiya

Ito ay ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo at


pagsusulat sa larangan ng Agham at Teknolohiya.

Third International Math and Science Study o TIMSS


-napatunayan na ang higit na epektibo ang pagtuturo ng
Agham at Matematika sa wikang katutubo sa isang bansa.
Agham Panlipunan

Ito ay isang pangkat ng mga displinang akademiko na


pinag-aaralan ang mga phenomena at pangyayari sa
lipunan. Sa madaling salita, ang agham panlipunan ay
nakatuon sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng
kanyang panlipunang kapaligiran.
Sining & Humanidades

Ito ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at


saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay. Higit ng
malawak ang saklaw nito sapagkat maaari nang talakayin
ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba pang
makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.
Batas

Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa


pagitan ng namamahala (ang pamahalaan) at ng
pinamamahalaan (ang mga mamamayan).
Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa komunikasyon ng
bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, ang daloy o
proseso ng komunikasyon ay dalawa: paghahatid ng
mensahe o atas (ayon sa nasa batas) at ang tugon o sagot ng
bayan.
Agrikultura

Sa larangan ng agrikultura nagkakaroon ng


intelektuwalisasyon ang wika. Sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang kabilang sa register bilang bahagi
ng mga teknikal o siyentipikong larangan.
Mass Media

Gamit ang wika, pinadadali nito ang paghahatid ng berbal


at di-berbal na mensahe sa pamamagitan ng mass media.
Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag-
usbong ng mass media sa pagpapalaganap ng
impormasyon sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya.
Karaniwan
(Non-Controlling)
Maaaring di nakasulat at maaaring gamitin sa kahit anong wika.

Isang malaking pagkakamali ang paniwalang dahil ang Filipino ay


ginagamit sa pagsasalita at naiintindihan ng halos lahat ng mga Filipino
sa di mahalagang larangan ay maaari na rin itong gamitin sa bahaging
larangan ng pamantasan o higher education.

Ang uri ng Filipino na sapat para sa tahanan o para sa lingua franca ay


maaaring hindi sapat para sa larangan ng edukasyon sa pamantasan.
Mahalaga
(Semi-Controlling)

Larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi sapilitan.


Ang ibig sabihin nito ay maaaring sumali ang isang tao nang halos
lubos sa mga ito maski hindi marunong magsulat at magbasa nang
maayos. At hindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang
ginagamit sa mga medyo mahalagang larangan.
Napakahalaga
(Controlling)

Larangan na nangangailangan ng mabuti at wastong pagbasa at


pagsulat.
Ang wika na kailangang gamitin sa mahalagang larangan ay ang
tinatawag sa Ingles na learned-language.
Ito ang mga larangan ng wika na dapat bigyan ng pansin ng mga
tagapagtaguyod ng wikang Filipino.
Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng pagtatala, tulad
ng computer data bank.

You might also like