Mga Salik at Uri NG Lingguwistikong Komunidad: Aralin 4.2

You might also like

You are on page 1of 11

\

Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

ARALIN 4.2
Mga Salik at Uri ng Lingguwistikong Komunidad
Talaan ng Nilalaman

Layunin sa Pagkatuto 1

Kasanayan sa Pagkatuto 1

Mga Kinakailangang Kasanayan 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Mga Kagamitan 2
C. Mga Sanggunian 2
D. Takdang Oras 2

Pamamaraan 3
A. Panimulang Gawain 3
Springboard: 5 minuto 3
Pagganyak: 5 minuto 3
B. Pagtatalakay 5
Gawain 1: 5 minuto 5
Gawain 2: 5 minuto 5
Pagsusuri 6
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 7
Paglalapat 8
C. Pangwakas na Gawain 9
Pagpapahalaga 9
Paglalahat 9
Paglalagom 9

Kasunduan 10

Mga Sanggunian 10
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Yunit 4 | Lingguwistikong Komunidad


Aralin 4.2: Mga Salik at Uri ng Lingguwistikong
Komunidad

Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PT–Ia–86).

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na naiuugnay ang mga salik at uri ng
lingguwistikong komunidad sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.

Mga Kinakailangang Kasanayan


Bago simulan ang aralin, kinakailangan na ang mag-aaral ay may naitaguyod nang
kaalaman at kasanayan sa:

Kasanayan:
● natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng lingguwistikong komunidad

Paksa:
● Baitang 11 Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad - Aralin 1: Kahulugan at
Kahalagahan ng Lingguwistikong Komunidad

1
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Paksang Aralin

A. Paksa
Mga Salik at Uri ng Lingguwistikong Komunidad

B. Mga Kagamitan
● laptop
● smart TV/projector
● presentation slides

C. Mga Sanggunian
● JK. Chambers et. al. (eds.) The Handbook of Language Variation & Change. Australia:
Blackwell Publishing Ltd., 2002.
● Jovy Peregrino, et. al. (eds.) Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Quezon City:
Sentro ng Wikang Pilipino, 2012.
● Jomel S. Briones at Irish Jean M. Badillo, “Lingguwistikong Komunidad,” Scribd.
Nakuha mula sa
https://www.scribd.com/presentation/358163147/Linggwistikong-Komunidad-pptx
● Cynthia Samson, “Instrumental na Gamit ng Wika,” Caridokumen. Nakuha mula sa
https://caridokumen.com/download/instrumental-na-gamit-ng-wika-_5a463e71b7d7
bc7b7afb6831_pdf
● “Mga Hakbang sa Lingguwistikong Etnograpiya,” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha
mula sa
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/12/Mga_Hakbang_sa_Lingguwistikong_E
tnograpiya.pdf

D. Takdang Oras
40 minuto

2
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Springboard: 5 minuto
1. Ipakita ang larawan. Magpabuo ng mahahalagang konsepto o ideya tungkol sa
paksang aralin.

2. Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhang konsepto.

Pagganyak: 5 minuto
1. Sabihin: Anuman ang wika ng bawat isa ayon sa kaniyang gamit na diyalekto,
impluwensiyado man ng kaniyang lipunang ginagalawan, o bunga man ng
larangang kaniyang kinabibilangan, tayo ay patuloy pa ring nagkakaunawaan.

3
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

2. Ipakita ang larawan.

3. Itanong:
● Ano ang kaisipang nakapaloob sa larawan kung iuugnay natin ito sa
wika?
● Posible kayang may iisa silang wikang gamit? Ipaliwanag ang sagot.
4. Hayaan lamang na sagutin o maghinuha ang mga mag-aaral. Hindi muna
kailangang iwasto kung mali ang mga sagot.
5. Sabihin: Sabi ng iba, lahat ng bagay at pangyayari ay may dahilan. Isa sa
magpapatunay na may katotohanan ang nasabing pahayag ay ang mga
nagaganap sa wika. Malaki ang posibilidad na may mga dahilan o salik na
makapagpapaliwanag kung bakit mayroon tayong iba’t ibang lingguwistikong
komunidad. Nais ninyo na bang malaman kung ano ang mga ito?

Mahahalagang Tanong:
1. Ano ang mga salik ng lingguwistikong komunidad?
2. Paano nakaaapekto sa wika ang heograpikal na kalagayan ng isang lugar?
3. Paano nagiging multilingguwal ang isang lugar na posibleng mga taal na
mamamayan ang naninirahan?

4
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

B. Pagtatalakay
Gawain 1: 5 minuto

Ipagawa: Speaker Profile


1. Paghahanda: maaaring ibigay bilang takdang-aralin sa mga mag-aaral ang
pagkalap ng impormasyon tungkol sa napiling taong itatampok para sa
gawaing ito.
2. Papiliin ang mga mag-aaral ng taong kabilang sa isang lingguwistikong
komunidad at nais gawaan ng profile. Mas mabuti kung kakilala nila ito upang
makakuha ng sapat na impormasyon.
3. Ipasulat sa mga mag-aaral ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
background nito mula sa pangunahing impormasyon gaya ng edad, kasarian,
tirahan, trabaho, kinahihiligan o interes, bayang pinagmulan o kinalakihan,
kinabibilangang organisasyon, at iba pa.

Gawain 2: 5 minuto

Ipagawa: Guess the Speaker


1. Paghanapin ng kapareha ang bawat mag-aaral upang makapalitan ng isinulat
na mga profile.
2. Pabuuin ng hinuha o ipahula sa magkapareha ang ilang posibleng
lingguwistikong komunidad na maaaring kabilangan ng taong tampok sa
isinulat na profile ng isa’t isa. Ipalagay ang paliwanag o mga patunay batay sa
profile kung paano nila nabuo ang mga hinuhang ito. Maaari ding magdagdag
ng mga palagay nilang katangian ng pananalita nito. Ipasulat ito sa bukod na
pahina.
3. Ibalik sa kapareha ang profile kasama ang pahinang pinagsulatan ng hinuha.

5
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Pagsusuri
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga hinuha at palagay na isinulat ng kanilang kapareha.

Para sa Gawain 1: Malayang Talakayan


1. Sa katunayan, ano-anong lingguwistikong komunidad ang kinabibilangan ng
iyong kakilalang ginawan ng profile? (Iba-iba ang maaaring maging sagot.)
2. Paano mo pinili ang impormasyong ilalagay sa profile? (Iba-iba ang maaaring
maging sagot.)
3. Paano nailantad ng kaniyang pananalita (register at barayti ng wika) ang
kaniyang kapaligiran at mga katangian? (Iba-iba ang maaaring maging sagot.)

Para sa Gawain 2: Malayang Talakayan


1. Anong mga salik ang agad mong naisipan o nagawan ng hinuha tungkol sa
kinabibilangang lingguwistikong komunidad ng iyong sinuring profile? (Iba-iba
ang maaaring maging sagot.)
2. Ilang lingguwistikong komunidad ang nahinuha mo batay sa impormasyon?
(Iba-iba ang maaaring maging sagot.)
3. Ano ang ipinapahiwatig ng maramihang posibleng lingguwistikong
komunidad na kinabibilangan ng iyong sinuring profile? Ipinapahiwatig nito
kung paano naaapektuhan o naiimpluwensiyahan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t
ibang uri ng tao sa loob ng iba’t ibang setting ang paraan ng pananalita at
pagpapakahulugan ng isang tao.

6
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Pagbuo ng Konsepto o Ideya

1. Ipakita ang grapikong pantulong.

2. Ipaliwanag:
● Malaki ang impluwensiya ng proximity o ang pagiging malapit ng tao sa isa’t
isa kung espasyo ang pag-uusapan. Ang mga wika ay nabubuo dahil sa
palagiang paggamit ng tao ng mga salitang may kahulugan at kabuluhan sa
kaniya. Bunga nito, nakabubuo ng espesyal na pamamaraan ng pagsasalita,
tono, at paggamit ng mga salita ang isang komunidad na nakabatay sa
kapaligiran nito.
● Ang pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng pamumuhay ng isang tao sa lipunan
ay isang mahalagang salik sa pagbuo ng lingguwistikong komunidad.

7
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Paglalapat
1. Ipakita ang larawan.

2. Sabihin: Bawat isa sa atin ay kabilang sa kani-kaniyang paaralang pinapasukan,


ako, bilang guro, at kayo bilang mga mag-aaral. Ang nasa larawan ay
nagpapakita lamang na bagaman iisang bagay ang tinutukoy ay may iba’t ibang
tawag dahil sa kani-kanilang lingguwistikong komunidad.

3. Itanong: Bilang isang mag-aaral, ano ang napapansin mong: (Malayang sagot)
● katangian ng lingguwistikong komunidad ng iyong paaralan
● katangian ng lingguwistikong komunidad ng iyong mga kaibigan
● katangian ng lingguwistikong komunidad na iyong tinitirhan

4. Iproseso at patibayin ang mga sagot.

Gabay:
Bawat paligid ay may kani-kaniyang lingguwistikong komunidad na may
kani-kaniyang katangian. Maaaring sa sariling tahanan ay may mga sariling
salitang ginagamit na hindi naririnig sa iba. Tanging ang sariling pamilya lamang
ang nagkakaunawaan sa sariling salitang nabuo sa loob ng tahanan nila.
Maaaring halos ganito rin ang sitwasyon sa paaralan, lugar na tinitirhan, at iba
pang komunidad na may sarili nilang wika o lingguwistikong komunidad.

8
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong:
Mahalaga bang matutuhan ang mga salik at uri ng lingguwistikong komunidad?
Bakit? Anong pagpapahalaga sa buhay ang maaari mong iugnay sa paksang ito?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kalaaman.

Inaasahang Pagpapahalaga
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong. Balikan ang Slide 7.
2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago
ipakita ang mga inaasahang pag-unawa.
● May dalawang salik ang lingguwistikong komunidad, ang heograpikal
at sosyal.
● Malaki ang nagagawa ng heograpikal na kalagayan ng isang lugar sa
wika ng mga tao—ang klima at topograpiya ay salik upang magkaroon
ng mga salitang angkop sa kinalalagyan ng lugar.
● Ang isang lugar ay maaari pa ring maging multilingguwal ang mga
mamamayan ayon sa paligid na ginagalawan—maaaring dahil sa
paaralan, sektor na kinabibilangan, at iba pa.

Paglalagom
1. Ang lingguwistikong komunidad ay nabubuo dahil sa heograpikal at sosyal na
kalagayan.
2. Bawat tao ay may kani-kaniyang speech act, maaaring isa sa mga dahilan nito ay ang
kasarian at maging ang edad.
3. Ang iba’t ibang panlipunang sektor ay nakalilikha ng kani-kaniyang lingguwistikong
komunidad.
4. Ang isang lugar ay maaaring multilingguwal dahil sa mga salik na sosyal.

9
Baitang 11 • Yunit 4: Lingguwistikong Komunidad

Kasunduan
Ipasulat sa kuwaderno ang mga sagot sa sumusunod:
● Ano ang mass media?
● Ano ang wikang gamit sa mass media?
● Magtala ng mga salitang ginagamit ng mass media at kahulugan nito.

Mga Sanggunian

Chambers, JK. et. al. (eds.) The Handbook of Language Variation & Change. Australia:
Blackwell Publishing Ltd., 2002.

Nuncio. Rhoderick V., et al. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Quezon City: C&E Publishing, Inc., 2016.

Peregrino, Jovy. et. al. (eds.) Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro
ng Wikang Pilipino, 2012.

10

You might also like