You are on page 1of 1

Sa murang edad, naranasan kong makulong

Sa apat na sulok, ako’y di makasulong

Kabataa’y pinag bawalan lumabas

Dalawang taon na ang nakalipas.

Kasiyahan ay nawala,

Nang pandemya ay lumala

Baka daw ay makakuha

Ng sakit na nakakahawa

Pati sa pag aaral, nag bago ang lahat

Hindi na sa paaralan, wala ng mga aklat

Walang kalaro, walang kaibigan

Malungkot itong aking kinagisnan.

Kaya ngayon, ang tanging dalangin

Pandemyang ito kailangan ng tapusin

Bumalik ang sigla ng bawat isa,

Kabataa’y muling makapag laro at makapag saya.

You might also like