You are on page 1of 2

“Ang Misteryo ng Tulay”

Isang araw sa tulay ng Brgy. Santa Cruz, may isang bata ang naliligo sa tulay.
Masaya itong naliligo, nang biglang lumakas ang agos ng tubig, na naging sanhi
upang hindi ito maka ahon at mawalan ng kontrol sa paglangoy. Isang gabi may
dumaan na motorista, mag-isa niyang tinahak ang daan, hanggang sa napadaan
siya sa tulay. Nakaramdam ito ng kaunting takot dahil sa walang kailaw-ilaw na
daan, ngunit isinawalang bahala nito ang kanyang takot at nagpatuloy siya, nang
biglang namatay ang makina ng motor nito. Kaagad siyang nabahala at mas lalong
nadagdagan ang kabog ng dibdib nito “Bakit dito pa sa lugar na ito?” pawisan at
takot na bulong nito sa sarili. Habang patuloy na sinusubukan paandarin ang
motor,may narinig siyang sumitsit sa kanya.Nanindig ang mga balahibo nito at
nakaramdam ng malamig na hangin. Tumingin-tingin ito sa paligid upang hanapin
kung sino iyon “May tao ba dyan? wag kayo mag biro”saad nito, ngunit walang
katao-tao at tanging mga tunog lang ng mga insekto
ang maririnig. Dahil sa sobrang takot sinubukan ulit
nitong paandarin ang motor at nagtagumpay siya.
Mabilis nitong pinaharurot ang motor,upang malisan
lamang nito ang nakakatakot na lugar.

Sa sumunod na gabi
nag paramdam
nanaman ito.May isang
babae ang naglalakad
hawak-hawak nito ang kanyang cellphone,habang
siya ay naglalakad may bumato sa kanya “Ano ba
naman yan naglalakad yung tao ,tapos mangbabato”,
tumingin ito ng iritable sa direksyon kung saan nang
galing ang nambato. Lumaki ang mga mata nito sa gulat at nanginig sa takot ng
malaman sa tulay ito nanggaling.Tumakbo ito ng mabilis at hindi lumingon.

Sa sumusunod na gabi naulit nanaman ito,ngunit


hindi lang ito nagparamdam,nagpakita na ito. May
magbabakardang na tinatahak ang daan, ala una na
ng madaling araw, tahimik silang naglalakad nang makarinig sila na may umiiyak
na bata sa kanilang likuran.Dahil sa pagtataka unti-unti silang lumingon, natanaw
nila ang bata na gusot-gusot,madumi,at nakayuko. Mas lalong lumakas ang pag-
iyak nito(kaibigan 1)”Parang kilala ko siya”(kaibigan 2) “Sino siya?”utal nitong
tanong (kaibigan 1) “Siya yung-“paputol nito na sabi (kaibigan 1,2,3) “Yung bata
na nalunod”sabay nilang saad,nakaramdam sila ng takot nang matandaan nila
ito.Unti-unti inangat ng bata ang kanyang ulo at tumingin sa kanila na umiiyak
ngunit ang baba nito ay nakangiti. Nanlamig at hindi sila maka-alis sa kanilang
kinatatayuan.Nang mabalik sila sa tamang pag-iisip kaagad silang nag unahan sa
pagtakbo (kaibigan 1,3) “Takbo” sabay na sigaw ng dalawa. Hanggang sa
maraming tao ang nakaranas nito, bata,gabi-gabi itong nagpaparamdam sa mga
taong dumadaan sa tulay. Simula ng mamatay siya, hindi na siya tumigil sa
pagpaparamdam sa tulay ng Brgy.Santa Cruz.

Pinagkuhanan ng impormasyon:Lola Bebe


Isinalaysay nina;Sakura Palobon,Trisha Mae Lentija,Aaron Jay Dela
Cruz,Lanz Nico Gentapan,Rogel Ivan Gillado
Seksyon:10-Abad Santos

You might also like