You are on page 1of 2

Madilim. Umuulan. Ang tunog ng mga yapak at patak ng ulan ang maririnig.

Nakakapanindig
balahibo. Ang apo ni Nemia Elipse ay naglalakad pauwi sa kabila ng ulan.

Nakaramdam ng takot at kaba si Shin ng napagtantong nasa kalye siya kung saan may kumakalat na
kwentong mayroon daw white lady. Sa kabila ng takot, binagalan niya ang kanyang lakad dahil sa
madulas na lupa.

Hindi nagtagal, siya ay huminto sa paglalakad at nakatingin lang sa isang sulok,. Nanlaki ang mga mata
dahil sa gulat at takot. Doon, makikita ang isang pigura. Isang babaeng katamtaman ang tangkad, puting
damit at basang-basa, natatakpan ng buhok ang mukha. Doon napagtanto ni Shin, isa pala itong white
lady!

Walang oras na napatakbo si Shin pauwi sa kanilang bahay sa takot kahit madulas ang daanan.

Pagkarating na pagkarating niya sa kanilang bahay, siya'y napaupo dahil sa hingal. Nakita siya ng
kaniyang lola Nemia at umupo sa harap niya. "Oh? Ba't ka hingal na hingal? At ba't basa ka?" Tuloy-
tuloy na tanong ng lola sa apo. Napalunok si Shin bago tumuloy sa pagsagot. "Lola! Nakita ko 'yung
sinasabi nilang white lady!!" Sabi niya na may takot.

Tumawa si Lola Nemia sa sabi ng apo. "Ah, 'yung white lady sa kabilang kanto? Madalas ko 'yan makita
dati."

Tumango naman si Shin. "Opo. Natakot talaga ako, lola. Parang malapit nakong nahimatay kanina.."
Pasigaw nguni't pa arteng sabi ng apo na may takot.

Natawa naman ang matanda sa asal ng dalaga. "Gusto mo bang marinig ang kwento? Sa palagay ko ay
hindi mo pa alam ang kwento niya." Iminungkahi ng lola. Kahit takot at nag-aalinlangan, tumango si Shin
dahil sa kyuryusidad.

Umubo muna ang matanda bago nagsimula. "Sa lugar ng Barangay GPS, may isang napakagandang
dalaga na halos lahat ng lalaki ay nabighani sa kaniyang ganda.. Ang dalaga ay maraming taga-hanga
dahil sa angkin nito ganda at talino. Ang kagandahan niya ay isang biyaya at isa ring sumpa.

Isang gabi, habang siya ay naglalakad sa gilid ng daan, nakaramdam ang dalaga na mayroong sumusunod
sa kaniya. Una'y kanyang binalewala ito ngunit ng tumagal, ang anino ay patuloy pa ring sumusunod sa
kanya. Inipon niya ang kanyang lakas at tumalikod, dito nakita niya ang isang mataas na imahe ng isang
tao na natatabunan ng dilim. Agad napalitan at nabalot ng takot ang kanyang buong katawan. Binilisan ng
dalaga ang kaniyang lakad, na napalitan ng takbo. Ang anino sa kanyang likuran ay tumakbo rin, dahilan
ng pagsigaw ng dalaga. Kahit anong bilis ng kaniyang mga paa sa pagtakbo, naabutan pa rin siya ng
taong humahabol sa kaniya. At doon, siya ay natumba papunta sa ilalim ng lalaki. Hindi niya ito
mamukhaan. Labis na natakot ang dalaga dahil sa pangyayari. Nagpumiglas ang babae dahil alam nito
ang balak ng masamang tao. Sa bandang huli, mas malakas pa rin ang lalaki at siya ay nagahasa.

Upang hindi makapagsumbong, ang nanggahasa sa kaniya ay siya ring kumitil sa buhay ng dalaga. Kaya
sa lugar na 'yun, pinaghihinalaang doon siya pinatay at doon rin guma-gala ang kaniyang kaluluwa na
palaging naghahanap ng hustisya.." Pagtatapos ng matanda.

Nakaramdam ng awa at lungkot sa damdamin si Shin nang malaman ang kwento tungkol sa white lady.
"Walang awa ang pumatay sa kaniya. Sana ang nanggahasa sa babae'y na-karma!" Diin ni Shin na may
galit at sama ng loob na nagpatawa naman sa kanyang lola. "Oh, maligo ka na doon." sabi ni Lola Nemia,
pagkatapos ay tumayo. "Ihh, natatakot ako." Pag-iinarte na naman ng kaniyang apo. "Maligo ka dun at
baka ikaw ay magkasakit!" Pagpipilit ng matanda.

At doon nagwawakas ang kwento tungkol sa White Lady ng Barangay GPS.

You might also like