You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON

Sangay ng Batangas

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

Camp. Avejar, Nasugbu, Batangas

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pangaraw-araw na
pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang
batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang


batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon.
2. Natatalakay ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan at
3. Napahahalagahan ang mga kaalaman sa pagbuo ng isang matalinong pagdedesisyon.

II. Paksang Aralin

Aralin : Pangangailangan at Kagustuhan

Sangunian : Ekonomiks, pahina, 23 – 37

Mga Kagamitan: Powerpoint presentasyon, Visual aids, pisara, at pentel pen

Code : AP9MKE-Ia-3
III. Pamamaraam
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng Liban
5. Balitaan

B. Balik – Aral
1. Ano ang ating pinag aralan noong nakaraang araw?
2. Ano ang pinagkaiba ng kakulangan at kakapusan?

C. Pagganyak
Buuin mo ako!

Panuto: Pipili ang mag-aaral ng bituing may numero na nasa unahan. Sa loob nito ay
may pirasong mga larawan at kailangan mo itong buuin at tukuyin kung ano ang nabuong
larawan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga larawang naipakita at nabuo sa unahan?

2. Alin naman sa mga ito ang sa tingin mo ang kailangan mo?

3. Bakit sa tingin mo ay kailangan mo ang tirahan, kasuotan, at pagkain?


D. Presentasyon

AKTIBI

Panuto: Hatiin sa dalawa ang mga mag – aaral. Bawat pangkat ay may gawain na kailangan
matapos sa loob ng limang minuto.

Unang Pangkat

Panuto: Gumuhit ng dalawang bagay na sumisimbolo sa pangangailangan at


kagustuhan mo bilang isang mag-aaral sa loob ng bilog at ipaliwanag kung bakit ito ang
simbolong napili ng inyong grupo. Maghanda ng yell at isigaw ito hudyat na tapos na ang
inyong grupo.

Pangalawang Pangkat

Panuto: Gumawa ng isang Talk show kung saan maipapakita ang kahalagahan ng
pagsasaalang alang ng pangangailangan kaysa sa kagustuhan. Maghanda ng yell at isigaw
ito pagkatapos ng gawain hudyat na tapos na ang inyong grupo.
Pangatlong Pangkat

Panuto: Gumawa ng isang role play na nagpapakita ng epekto ng pagpili ng kagustuhan


kaysa sa pangangailangan. Ipresenta ito sa klase.

Mga Pamantayan Puntos


Nilalaman Naibigay ng buong husay ang iniatas na gawain. 10

Presentasyon Naipaliwanag ng maayos ang iniatang na gawain 10


sa malinaw na pamamaraan.

Kooperasyon Naipamalas ng bawat kasapi ang pakikiisa sa 10


paggawa ng pangkatang gawain

Takdang oras Natapos ang iniatas na gawain sa loob ng 10


itinakdang oras

Kabuuang Puntos 40

ANALISIS

1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?

2. Ano ang limang salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan?

3. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?

Abstraksyon

1. Ano ang maidudulot kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga
pangangailangan ng tao?

2. Anong bagay ang pinakamahalaga sa iyo? Bakit?

3. Paano nagkaiba ang pangangailangan at kagustuhan sa isa’t isa?

Aplikasyon

Bilang isang mamamayan, Bakit mahalaga na magkaroon ng kaalaman sa konsepto


ng pangangailangan at kagustuhan?
Pagtataya
Panuto: Ilagay ang P kung ang bagay na isinasaad ay tumutukoy sa
pangangailangan ng tao at K naman kung ito ay tumutukoy sa Kagustuhan.

________1. Magparty palagi


________2. Kumain ng pizza
________3. Magpakunsulta sa doctor kung may masamang karamdamang.
________4. Maglagay ng pera sa saving banks para sa kinabukasan.
________5. Magsuot ng mamahaling relo.

Gabay sa Pagwawasto:
1. K
2. K
3. P
4. P
5. K

Kasunduan / Takdang Aralin


Panuto: Gumuwa ng maikling sanaysany kung paano ang isang mag-aaral na
kagaya mo ay makakapagdesisiyon kung ano-anong bagay ang dapat sa
pangangailangan at sa kagustuhan lamang. Gamitin ang mga pamantayan upang
makabuo ng maayos magandang sanaysay.

Mga Pamantayan Puntos


Nilalaman Naibigay ng buong husay ang 20
hinihinging gawain.
Kaangkupan ng Maipaliwanag nang mahusay ang 20
Konsepto iniatang na gawain.
Kabuuang Puntos 40

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

HARLENE B. DIMATULAC Mrs. NORMA C. DRIZ

BSED III- Social Studies Gurong Tagapatnubay

You might also like