You are on page 1of 15

BULACAN STATE UNIVERSITY

KABANATA II
ANG PILIPINAS SA IKA-19 DANTAON
SA KONTEKSTO NI RIZAL

ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTON SA KONTEKSTO NI RIZAL


Pambungad na Salita
Upang mas higit nating maunawaan ang buhay ni Dr. Rizal kailangan nating balikan ang mga
nakaraang kasaysayan ng ating bansa.Ito ay ang ika-19 na dantaon.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Matutunghayan sa aralin na ito ang naging kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang
mananakop noong pagkasilang ni Dr. Rizal. Matatalakay din ang patakarang kolonyal na ipinatupad at
kung paano isinulong ng mga kastila ang kanilang mga layunin sa Pilipinas.
Sa panahon ng pananakop maraming pagbabago ang naganap sa ekonomiya, edukasyon , kabuhayan
at pulitika ng bansa na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga suliraning kinaharap
ng bayan tulad ng maling pamamalakad at sobrang pagmamalabis sa mga mamamayan ang dahilan ng
pagkilos ng mga Pilipinong maykaya at nakapag –aral sa pagbuo ng kilusang Propaganda na naging
daan upang umusbong ang damdaming nasyonalismo sa mga Pilipino.

Mga Paksa
a) Sistemang Pang ekonomiya
b) Sistemang Panlipunan
c) Sistemang Pampolitika
d) Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
e) Ang Pagkilos ng mga ilustrados at ang Kilusang Propaganda

Si Jose Rizal ay isinilang noong ika-19 dantaon, isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na
nakasaksi ng malawakang pagbabagong pang-ekonomiya, panlipunan at pampolitika.
May mga pandaigdigang kaganapan at pangyayari na hindi man direktang humubog kay Rizal,
ngunit masasabi nating naging daan para maging posible ang pagsibol ng isang pagbabago sa buhay
ng mga Pilipino at pagbuo sa pagkatao ni Rizal bilang isang dakilang tao.

A. Ekonomiya
Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa Hilagang Europa ay nagdala ng malaking
pagbabagong sosyo-ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagbunsod sa mga Kastila na buksan ang
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Naging resulta nito ang paglago ng ekonomiya dahil sa pagdagsa ng
mga dayuhang negosyante sa ating bansa.
Kalakalang Galyon .Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa
Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong 1565, si Andres de Urdaneta ay
naglayag mula Cebu papuntang Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang Pasipiko
papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking barkong Galeón na karamihan ay
ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang bahagi ng Filipinas sa
pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-libong katutubong Filipino. Noong 1565 sinimulan ang
Kalakalang Galyon sa Maynila pagkatapos matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang
tornaviaje o daanang pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico. Nagtagal ang daanan hanggang
1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico. Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang
mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapan, porselana bulak at pilak .Nagbigay-daan din ang
daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang
bansa.

Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at Acapulco. Maging ang
tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na Situado Real o tulong na
Royal ay dala-dala rin nito. Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng
Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga
pinuno at kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong
1565 hangggang 1821. Ngunit hindi laging nakikinabang ang nangangalakal sa galyon. May
pagkakataong ito’y sinasalakay ng mga mangungulimbat na Olandes o Inggles.
Kanal Suez. Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na daanan ng mga barko at iba’t iba pang uri ng
sasakyang pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na nagkokonekta ng Pulang Dagat (Red Sea) at
Dagat Mediterano (Mediterranean Sea).
Binuksan ang kanal na ito upang maging daluyan ng pandaigdigang kalakalan at komersyo, na
maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng giyera o kapayapaan. Naging parte ang kanal na ito sa
mga hidwaan sa Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab-Israeli.
Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng mga
kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapayapaan, at nagpamulat sa maraming
Pilipino sa kanilang karapatan. Napadali ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at ang sistema ng
komunikasyon sa Pilipinas. Nagresulta rin ito ng madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na
nagsusulong sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo. Bagamat ipinagbabawal ang pagbabasa nito,
nagsimula namang mamulat ang ilan sa mga Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang
lumalaganap sa Europa at sa iba pang bansa sa dakong kanluranin.
Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. Noong mga huling bahagi ng ikalabinsiyam
na siglo ay binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan na nakapagdulot ng
maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:
a. Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo.
b. Napabilis ang transportasyon para sa maayos na pagdadala ng mga produkto sa mga iba’t
ibang lugar ng bansa.
c. Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng Pilipino sa Maynila.
d. Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa ibang bansa .
e. Nakatulong sa pag angat ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang yumaman dahil sa pagtatanim at
pakikipagkalakalan. Sila ang bumuo ng gitnang uri sa lipunan na umusbong noong huling bahagi ng
ika-19 na siglo.
Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag aral sa Europa at tinawag na Ilustrado o
“Naliwanagan”. Sa Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba pang mga Pilipino na
nagsulong ng reporma o pagbabago.
Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at Monopolyo. Sa pakikipagkalakan sa
ibang bansa, kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan.
Pinamahalaan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili
sa Europa tulad ng tabako. Sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol kumita sila ng malaki sa Kalakalang Galyon.
Monopolyo- ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung
saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang
produkto. Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang monopolyo
sa kalakalang Galyon bagaman pinakinabangan ng mga
kastilang may karapatanng mangalakal sa galyon, ay hindi
nakabuti sa Pilipinas. Una, nasalanta ang kabuhayan ng mga
Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga pinunong kastila na
walang inatupag kundi ang pagpapayaman sa galyon.
Pangalawa, tanging mga kastila lamang ang nakinabang at kumita sa kalakalang galyon. Ikatlo,
napabayaan ang pangangalaga sa mga lalawigan, kaya nang maputol ang kalakalan nagkaroon ng
panahon ang mga kastila na asikasuhin ang kani kaniyang lalawigan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

B. Panlipunan
Tatalakayin sa araling ito kung paano kinontrol ng mga prayle ang edukasyon at ang pagdami ng mga
mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas.

Edukasyon kontrolado ng mga Prayle. Sa kasaysayan ng mga Pilipino bago pa dumating ang
mga kastila ay may sariling kabihasnan na. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas nakarating ang mga
misyonerong prayle at pinalawig ang kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang edukasyon, sinunog
ng mga misyonerong prayle ang mga tala na nakasulat sa mga dahon , banakal at punong kahoy sa
paniwalang ang mga ito ay likha ng masasamang espiritu. Bilang bansang mananakop ay naging
patakaran ng Espanya ang magturo sa mga nasasakupang mamamayan ng doktrina Kristiyana at
magtatag ng mga paaralang magtuturo nito. Hindi nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa
mundong ito. Relihiyon ang namamayani sa kanilang isipan sapagkat nais nilang maging mabuting
mamamayan sa kabilang buhay. Ayon kay Rafael Palma, naging Pangulo ng Universidad ng Pilipinas,
sa aklat ni Teodoro Agoncillo, “Ang mga layun at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay maliwanag
na itanim at ipilit sa isip ang kabutihan sa pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang
karunungan at mga bagay na nahihingil sa mundo at kalikasan, na ipinalalagay nilang lumilipas at
di-palagian, sa mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa kahanga hangang bagay ng
kabilang daigdig”.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng kura.Tinuruan ang
mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at paghahanap buhay.
Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga mag- aaral sa mataas
na paaralan. Ang mga paring Heswita at Dominikano ang nagtatag ng mga kolehiyo. Tulad ng
kauna-unahang kolehiyo para sa mga babae, ang kolehiyo ng Santa Potenciana na naitatag noong
1594.
Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa babae’t lalake. Dahil sa pagdami ng mga
estudyante nagtayo rin ang mga prayle ng mga Paaralang –Bayan, sapilitan at walang bayad ang
pagpasok sa mga paaralang iyan. Tinuturuan ang mga batang lalaki ng Kasaysayan ng Espanya,
heograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat, pag awit at magandang asal. Ang mga
babae naman ay nagbuburda, panggagantsilyo at pagluluto na siyang kapalit ng pagsasaka,
heograpiya, at kasaysayan ng Espanya. Bukod sa pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga
prayle ng unibersidad upang makapagpatuloy sa pagkuha ng karera ang mga nagsipagtapos sa mga
kolehiyo. Ang kauna unahang unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang unibersidad ng San Ignacio na
itinatag ng mga paring Heswita noong 1589 at ang mga prayleng Dominikano naman ay itinatag ang
Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de Santo
Tomas sa alaala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.Dahil sa atas ni Pope Innocent X
naiangat ang antas ng Colegio at naging Universidad.
Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil naging bukas lamang ang mga paaralan,
kolehiyo at unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid ang pinto para sa mga Pilipino. May kautusan
ang Hari ng Espanya na ituro sa mga Pilipino ang wikang kastila, ang nangyari’y hindi sinunod ng mga
namamahala sa Pilipinas ang nasabing mga kautusan sapagkat natatakot silang matututo ang mga
Pilipino dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang paglaban sa mga mananakop.
Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga Pilipino noong
ikalawang hati ng 19 dantaon. Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa mga Pilipino sa
edukasyon nagkaroon ang Pilipinas ng mga Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar,
Cayetano Arellano, Apolinario Mabini at marami pang iba.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga Inquilino


Mestiso .Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba
ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng Espanyol o Tsino na ama at ng
inang Filipina o Indio o ang kabaligtaran nito.
Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan, kinilala ang mga
mestiso bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750. Gayunman, higit na mababà
pa rin ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak ng parehong Espanyol o Tsino. Dahil dito, mas
iniuugnay ang mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio kaysa mga lahing Espanyol o Tsino.
Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga “Mestizo de Sangley” o mga
produkto ng ugnayang Tsino at Filipino. Di tulad ng mga mestisong Espanyol, karamihan sa mga
mestisong Tsino ay madaling nakakahalubilo sa mga katutubong Filipino. Dumami lamang ang mga
mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan at
napadali ang paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang Kanal Suez. Maraming mga Filipino
ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang pakikipagkalakalan sa Pilipinas.
Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang yumaman,
nagmay-ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Dahil sa hangaring tumaas
ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang pakikiisa sa ibang inaaping sektor, naging aktibo ang mga
mestiso sa usapin ng sekularisasyon ng mga parokya, sa Kilusang Propaganda, at sa Himagsikang
1896. Isang halimbawa si Dr. Jose Rizal na may lahing mestiso.
Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinenta
sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing pagmamay ari ng mga
prayle at mayayaman.
Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa pagpapatakbo ng mga lupain. Ang
sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa mga magsasaka. At
ito rin ang patakarang pangkabuhayan na hindi makatarungan at mapang-api.
Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng pagsasamantala sa kapwa noong panahon ng
mga Espanyol at Amerikano.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Tatalakayin sa araling ito ang sistemang pampolitika sa panahon ng mga kastila.Kung paano
lumaganap ang mga kaisipang liberal sa Espanya na umabot hanggang sa Pilipinas.

K. Pampolitika
Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa
Liberalismo (Enlightenment). Isang malawak na uri ng pilosopiyang politikal kung saan
binibigyang-diin ang kahalagahan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.
Liberal na ideya. Ito ay nagmula sa Europa at umusbong dahil sa hindi pantay na katayuan ng
mga tao sa lipunan.
Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan. Nakilala ang mga pampolitikong
manunulat na tulad nina Voltaire, Jean-Jacques Rousseau at John Locke na ‘di sang-ayon sa umiiral na
sistemang monarkiyal.
Ayon sa kanila kung mapapatunayan ng mga mamamayan na hindi na karapat-dapat ang pinuno
sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na ito at palitan.
Ang kaisipang liberal na ito ay umusbong sa naganap na Himagsikang Pranses. Ang mga
simulain ng mga Pranses na, “Pagkakapantay-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ay umabot at
nakarating sa Pilipinas. Naging inspirasyon ng mga Pilipino ang mga simulaing ito para sa kanilang mga
minimithing pagbabago o reporma.
Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya
Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Espanya na wakasan ang mga
pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa. Binibigyang halaga sa
nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan,
pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa, at
BULACAN STATE UNIVERSITY

malayang kalakalan. Ang sistemang ito ay direktang nakaapekto sa kalagayan ng Pilipinas bilang
kolonya at sa pag gising sa hangarin ng mga Pilipino na maging Malaya.
Bago naipasa ito, nagkaroon ng halalan sa maynila upang piliin ang kinatawang Pilipinong
ipapadala sa Cadiz. Si Ventura Delos Reyes, isang mayamang Pilipino ang nahalal bilang
kinatawan.Hiniling niya ang mga sumusunod:
- Pag –alis ng sapilitang paggawa
- Pagkakapantay-pantay ng mamamayan
- Pagtanggal ng mga monopolyo kasama ang kalakalang Galyon
- Pagtatag ng malayang kalakalan
- Kalayaan sa pamamahayag, paglilimbag at relihiyon
Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa Pilipinas, nagkaroon ito ng epekto sa
pamamahala ng Espanya sa Pilipinas:
1. Ipinatigil ang kalakalang galyon
2. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan
3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng
konstitusyon sa Pilipinas noong 1815.
4. 4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng kaliwanagan sa Europa lalo na
sa hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon ng
pagkakataong makapag-aral sa Europa pagsapit ng ika-19 siglo.

Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na naranasan ng mga Pilipino


Noong huling dalawampung taon ng ika 19 na dantaon ay maraming napagdaanang suliranin ang mga
Pilipino sa kamay ng mga kastila. Ang suliraning iya’y nauukol sa walang katarungang pamamahala ng
mga kastila sa mga Pilipino. Isa isahin natin ang mga suliraning ito:
1. Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga prayle at pamahalaan
● Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas, ang"Pamahalaan
ng mga prayle" o frailocracia.
● Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas
● Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at kayamanan
● Pag usbong ng mga prayleng masasama
i. Sekularisasyon ng mga parokya
● Katiwalian ng mga Gobernador Heneral
● Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagpili ng relihiyon at iba
pa.
2. Diskriminasyon at Usaping Pang agraryo
● Mga Indio
● Mga kababaihan
● Pag –aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda
3. Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino
BULACAN STATE UNIVERSITY

● Guardia sibil (Konstabularyo)


4. Ang litigasyon
● Pandaraya sa hukuman
● Pagsasakdal ng mga inosente
● Pag ikot ng pera
● Mabagal na pagproseso
● Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang "Kalamidad"
5. Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino
● Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
● Arsenal
Reaksiyon ng mga Pilipino sa Mapanupil na Pamamalakad ng mga Kastila
Maganda ang hangarin ng Hari ng Espanya hinggil sa pagsubaybay sa Pilipinas ngunit malayo ito
sa Espanya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan, at mga prayle na mang
abuso sa mga Pilipino. Kaliwa’t kanan ang pandaraya, pang aalipusta, panggigipit, pandaraya ng mga
opisyal ng pamahalaan at kabuktutan ng mga prayle.
Ang mga ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagtitiis ng mga Pilipino.Ngunit noong kalahati
ng ika 19 dantaon ay natuto ang mga may pinag-aralang Pilipino na tumutol sa palakad ng mga kastila
at ang pagtutol na iyon ay lumakas hanggang umabot sa himagsikan.

Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:


a) Pagtakas (Escape). Napilitan ang ibang mga Pilipino na iwan ang kanilang nakalakhang
tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga Espanyol.
Sila ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging
dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba.
b) Pagtanggap (Acceptance). Napilitang tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang lahat ng
mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang sapilitang
paggawa, na kilala sa tawag na polo y servicio, kahit nangangahulugan iyon ng pagkawalay
sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang
pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magagarbong selebrasyon, ang pagbabago ng
klase ng kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan sa mga
pangalang hango sa mga salitang Espanyol.
c) Paglaban (Resistance). Noong mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema
ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob na
kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang
mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban dito dahil sa mga makabagong kagamitang
pandigma na gamit nila.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo


Tatalakayin sa araling ito ang pakahulugan ng mga Pilipino sa salitang Nasyonalismo at ang mga
salik na nagbunsod upang lumaban sila sa mga dayuhan.Gayun din, ang mga bagay na
nakapagbigay-lakas upang magkaisa ang mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga kastila.

Nasyonalismo - ito ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupaing


sinilangan at pagkakaroon ng adhikain para sa Inang Bayan. Hinangad ng mga Pilipino na makalaya sa
kamay ng mapang abusong Espanyol.
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
Isang dikri noong 1789 ang bahagyang nagbukas sa Maynila sa kalakalang Pandaigdig bilang
pagbibigay pahintulot sa Campania Real de Pilipinas. Bunga nito umunlad ang mga produkto
ng panluwas at lumaki ang kapital ng bansa. Pinabuti ang teknolohiyang pansakahan at
dumami ang ani at mga produkto. Dahil sa pag unlad nagsimulang makakilala ang mga tao at
namulat sila sa sariling kalagayan.

2. Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan


Tinatawag sila bilang “Class Media” yumaman sila dahil sa pag unlad ng komersiyo at Agrikultura.
Sila ang bumubuo sa antas Principalia sa lipunan, na siyang nagpasimula ng paghiling ng
pagbabago at nagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.
3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas
Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa. Ito ay ipinamalas nila sa
kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi tuwirang
ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino.
4. Kilusang Sekularisasyon:
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular
sa mga parokya. Mayroon dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon. Ang regular at
ang sekular. Ang paring regular ay may kinakaanibang orden tulad ng Dominikano, Heswita,
Pransiskano at iba pa. Ang paring sekular naman ay hindi kabilang sa kahit anong orden.
5. Si Gobernador Carlos Maria Dela Torre:
Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at
mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino. Siya ay may pantay na pagtingin sa mga Espanyol at
mga Pilipino.
6. Ang pag aalsa sa Cavite noong 1872
Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Rafael Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng
pahihirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Ang lahat ng mga manggawang Pilipino sa
Cavite na hindi nagbababyad ng taunang buwis ay inalisan niya ng karapatan at kabuhayan.
Nagprotesta ang mga mangagawa at ito ay ginawang isyu ng Gobernador at sinabing iyon ay pag
aalsa laban sa Inang Espanya.
7. Pagbitay sa tatlong paring martir
Ang pagbitay sa tatlong Pilipinong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at
Padre Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote ay isa sa pinakamahalagang salik sa
pagbubuklod sa damdamin ng mga Pilipino.

Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda


Tatalakayin sa araling ito kung paano kumilos ng mga ilustrados at paano naitatag ang Kilusang
Propaganda.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa mga nasaksihan ng mga Pilipinong ilustrados sa klase ng pamamahala na ipinatutupad ng


mga kastila ay unti- unti na silang nagsikilos at bumalangkas ng mga programa at bumuo ng mga
samahan na naglalayon ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya.

Ang Kilusang Propaganda


Isang kilusan na itinatag sa Espanya noong 1872 hanggang 1892 na naglalayon na
humingi sa pamahalaang Espanya ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Nakilala sina Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga pangunahing propagandista.
Mga Layunin ng Kilusang Propaganda
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong
at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga
kasalanang ipinararatang sa kanila.
La Solidaridad. Ito ang pahayagan ng Kilusang Propaganda. Si Graciano Lopez Jaena ang
hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unang isyu noong ika-15 ng Pebrero,
1889. Sina Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, ay kasama sa pagpapalaganap ng
mithiing Pilipino at ilan pang hindi naging masigasig sa bandang huli. Gumamit sila ng iba’t ibang
sagisag upang hindi makilala at mailigtas ang kanilang mga kaanak kung sakaling paghigantihan sila ng
mga Kastila.
Ang mga Layunin ng La Solidaridad
1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa politika at
lipunan.
2. Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang mabigyang-lunas ng
Espanya.
3. Hadlangan ang masasamang impluwesiya ng nepotismo (paggamit ng impluwensiya upang
mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging makaluma) sa pamamalakad ng
pamahalaan.
4. Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa.
BULACAN STATE UNIVERSITY

5. Ipaglaban ang mga makatuwirang mithiin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasiya, at


pamumuhay na mapayapa at maligaya.
6. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling patakaran ng
simbahan.
7. Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.
Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot at sumulat ng Fray Botod na tumuligsa sa mga
pang-aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del Pilar, na gunamit
ng sagisag na “Plaridel”. Itinatag at pinamatnugutan niya ang Diariong Tagalog noong 1882 kung saan
inilathala niya ang karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap. Si Dr Jose Rizal, ang
sumulat naman ng nobelang Noli Me Tangere kung saan tinalakay niya ang maling sistema ng lipunan
na nagpapahirap sa mga Pilipino noon. Sa kanyang akdang El Filibusterismo, tinalakay naman niya ang
mga gawain ng isang rebolusyonaryo. “Dimasalang” at “Laong-Laan” naman ang ginamit niyang
sagisag. Ang iba pang manunulat at ang kanilang sagisag ay sina Mariano Ponce (Tikbalang, Naning, at
Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio Luna (Tagailog), at Jose Ma. Panganiban
(Jomapa).
Mahigit na pitong taon naging tinig ang La solidaridad sa paghingi ng reporma. Mahalaga ang
pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan ng mga Pilipino. Nung
lumaun, nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na kinaharap nito tulad nang: kulang
sa pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang pagkakaisa ang mga Pilipino.
Dr. Jose Rizal
Naging pangunahing propagandista at tinaguriang Pambansang Bayani ng mga Pilipino si Dr.
Jose Rizal. Sa ibang bansa, bagamat maraming sumusuporta sa Kilusang Propaganda, nalimi ni Rizal
na hindi lubusang magtatagumpay ang kilusan kung hindi pag-iisahin ang mga Pilipino. Nilayun rin niya
na bumalik sa sariling bansa upang pag-isahin ang mga Pilipino. Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang
samahang La Liga Filipina noong July 3, 1892 sa Pilipinas bunga ng pagkabigo ng Kilusang
Propaganda sa Espanya na makamit ang mithiin nito. Ang La Liga Filipina ay isang pansibikong
organisasyon sinimulan ni Rizal pagbalik niya sa Pilipinas na naglalayun ng pagbabago sa ilalim ng
pamamahala ng mga kastila.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang mga Layunin ng La Liga Filipina


1. Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.
2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
3. Mapaunlad ang komersiyo at edukasyon.
4. Magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamahala ng mga kastila.

You might also like