You are on page 1of 1

KUMUKUTI-KUTITAP

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan ng palarang bituin
Iba't ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
'Wag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot, paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
'Wag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot, paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang (kumukuti-kutitap, bumubusi-
busilak) bituin

You might also like