0% found this document useful (1 vote)
1K views15 pages

Traditional Songs and Poems

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang mga tula at awiting bayan tungkol sa mga paksa gaya ng alimango, bahay kubo, lobo, at iba pa. Ang mga tula ay may iba't ibang metro at ritmo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (1 vote)
1K views15 pages

Traditional Songs and Poems

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang mga tula at awiting bayan tungkol sa mga paksa gaya ng alimango, bahay kubo, lobo, at iba pa. Ang mga tula ay may iba't ibang metro at ritmo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Tong, Tong, Tong, Tong

Pakitong-kitong
Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong
Alimango sa dagat, malaki at masarap
Kay hirap hulihin, sapagkat nangangagat

(Note: With each repetition of the verse,


replace all the vowels with a, e, i, o, u
respectively.)
Bahay Kubo
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon
Ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
Atsaka mayroon pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang, at luya
Sa paligid-ligid ay maraming linga
Ako Ay May Lobo
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
‘Di ko na nakita
Pumutok na pala

Sayang ang pera ko


Binili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako
Pen, Pen de Sarapen
Pen pen de sarapen
De kutsilyo de almasen
Haw haw de karabaw de batuten
Sipit namimilipit
Ginto’t pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Saya kong pula
Tatlong pera
Saya kong puti
Tatlong salapi
Sawsaw suka
Mahuli taya
Sawsaw suka
Mahuli taya
Leron, Leron, Sinta
Leron leron sinta
Buko ng Papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran
Humanap ng iba

Gumising ka Neneng
Tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo,
Sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y
Lalamba-lambayog
Kumapit ka Neneng
Baka ka mahulog.
Sampung Mga Daliri
Sampung mga daliri
Kamay at paa
Dalawang tainga, dalawang mata
Ilong na maganda
Maliliit na ngipin
Masarap kumain
Dilang maliit nagsasabi
Huwag magsinungaling
Sitsiritsit, Alibangbang
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang

Santo Nino sa Pandacan


Puto seko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika

Ale, ale namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong
Paru–parong Bukid
Paru-parong bukid
Na lilipad-lipad
Sa tabi ng daan
Papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya, uy!


May suklay pa mandin, uy!
Naguas de ojetes
Ang palalabasin

Haharap sa altar
At mananalamin
At saka lalakad
Nang pakendeng-kendeng
Magtanim Ay ‘Di Biro
Magtanim ay ‘di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig

Sa umaga paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig

Halina, halina, mga kaliyag


Tayo’y magsipag unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas
Maliliit Na Gagamba
Maliliit na gagamba
Umakyat sa sanga
Dumating ang ulan
At itinaboy sila
Sumikat ang araw
Natuyo ang sanga
Maliliit na gagamba
Ay palaging masaya

You might also like