You are on page 1of 1

Ang Mabuting Bata

Ang mabuting bata’y tulad ng halaman ;

Sagana sa dilig at sikat ng araw;

Luntian ang dahon, sanda’y malalabay,

Sariwa ang ugat at lubhang matibay.

Kaya’t kung sumapit ang pamumulaklak

Ay hitik ang sangang papagapagaspas!

At kapag nagbunga’y kagila-gilaslas,

Maging tao’t ibon ay nakakapitas.

Ganyang ang kawangis ng mabuting bata

Sa ama’t sa ina’y isang gantimpala:

Isang maginoo sa pagkabinata

Mamamayang dapat gawing halimbawa.

Iya’y lumitaw na sa mga bayani,

Rizal. Bonifacio, Del Pilar, Mabini,

Kaya’t kabataan, sikaping mag-ani

Sa sariling bayan ng dangal at puri.

You might also like