You are on page 1of 2

Unang Pangkat:

GUBAT
Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.

May sapa at batis


na umaaliw-iw
sa kristal na tubig
ang buntong-hinaing;
sarisaring tinig
ng galak at lagim;
may lamig at init
ng dusa at aliw.

Anupa’t kinapal
na napakalawak
ang kahiwagaang
hindi madalumat;
sa sangkatauhan
ay guhit ng palad
ng bawat nilalang
ang nakakatulad;
ganda’t kapangitan
ang buhay sa gubat.

Ang maikling tula na ito ay isinulat ni Moises Santiago. Nailathala ito sa Evergreen, Vol.
III No. 5, taong 1978.

Ikalawang Pangkat:

Ang Kasipagan Sa Tahanan Nagmumula

Ang pagtulong sa tahanan ay di dapat ikahiya


Ng lahat ng mag-aaral, maging mayaman at dukha;
Ang mag-ayos ng halaman, ang maglaba't mangusina,
Ang maglinis ng tahanan ay isang mabuting gawa.

Ang utos ng ama't ina ay sundin nang buong tamis,


Ang pagsuway at pagdabog sa matanda'y sadyang pangit;
Ang gawaing malalaki ay hatiin nang lumiit,
At sa lahat ng gagawin, paghariin ang pag-ibig.

Yaong pagkamasunuri'y ating pakikinabangan,


Ngunit ang pagkasuwail ay ating pagdurusahan;
Kaya't dinggin ang payo ko, kayong mga mag-aaral,
"Pagpapalain ng Diyos ang tumulong sa tahanan."

Ang Mabuting Bata

Ang mabuting bata'y tulad ng halaman;


Sagana sa dilig at sikat ng araw;
Luntian ang dahon, sanga'y malalabay,
Sariwa ang ugat at lubhang matibay.

Kaya't kung sumapit ang pamumulaklak


ay hitik ang sangang papagapagaspas!
At kapag nagbunga'y kagilagilalas,
Maging tao't ibon ay nakakapitas.

Ganyang ang kawangis ng mabuting bata


Sa ama't sa ina'y isang gantimpala:
Isang maginoo sa pagkabinata
Mamamayang dapat gawing halimbawa.

Iya'y lumitaw na sa mga bayani,


Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini,
Kaya't kabataan, sikaping mag-ani
Sa sariling bayan ng dangal at puri.

You might also like