You are on page 1of 1

“Bayani at Kabataan”

Rizal, Bonifacio, Melchora, Mabini,


Ay iilan lamang sa ating bayani.
Mga nagawa ay tama at mabuti.
Sa'ting kasaysayan epekto'y malaki.

Tila yata mangmang itong kabataan,


Sa paningin nila bayani'y dayuhan.
Nagawang Mabuti ay nakalimutan,
Paano pa kaya itong ating bayan?

Piko, Patintero, saka Tumbang Preso,


Leron Leron Sinta pati Bahay Kubo,
Ilan lang na gawi nating Pilipino,
Nakalimutan na rin kung papaano.

Kamusta na kaya itong kabataan,


Mga simpleng bagay'y agad nalimutan.
Paano na kaya itong ating bayan,
Na ang kabataan ang inaasahan.

Itong tula ay hatid sa kabataan,


Upang silid ng karununga'y mabuksan,
At magbigay gabay sa kinabukasan,
Upang maiangat ang ating bayan.

You might also like