You are on page 1of 1

Kislap ng Lipunan

Mula sa paaralan, tayo'y tinuturuan.


Matimatika, Ingles, Siyensiya, at Agham Panlipunan.
Pero may mga bagay pa mas higit pa keysa pagupo sa upuan.
Mga mata na mulat sa katotohanan.

Sabi ng dakilang bayani, “Kabataan ang pag-asa ng bayan.”


Pero tignan mo naman ang Inang Bayan, parang basurahan.
At ang tinuturing na pag-asa ng bayan tila napabayaan,
Sa realidad na ating ginagalawan na tinatawag nating lipunan.

Naalala ko, ang lamparang iyon, sa simbahan kung saan ginanap ang kasalan.
Na nagsilbing binhi na sana'y mamulaklak ng isang himagsikan.
Isang ilaw na nagniningning at sa huli'y kumikislap
Kung sana'y sumabog, nagbago sana ang hinaharap.

Sa makabagong panahon, na ang bansa ay malaya


Ngunit ito ba ang hinahangad ng lahat? Bakit hindi sila masaya?
Krimen, kahirapan, korapsyon, at iba pang salot sa bansa.
Ang hinahangad nating lahat, pauti uting nawawalan ng pag-asa.

Sa ating lahat, lalo ang mga kabataan, tayo'y mga lampara na may natatanging kislap ng
lipunan.
Na sa atin ang kapangyarihan na baguhin ang bansa at ang kinahinatnan
Mga nadamay at namulat sa mga salot at sa mga mapapait na katotohanan.
Na sa isang sindi muli, magliyab at sila'y matauhan.

Pero masdan mo ng mabuti ang pag-asa ng bayan,


Mga damay sa problema, at isa ring kawalan.
Mga naliligaw dahil sa kaharasan sa gitna ng kasarinlan.
Paano na ang hinaharap kung ang mga kabataan mismo ay hindi na tinutulungan?

Ngunit may mga kislap pang natitira


Mga munting ilaw na pagkahinahina
Na gaya ng mga kanyang isinulat gamit ng kanyang pluma.
May pag-asa pa mabago ang bansa.

Bigyan sana ng lakas ng loob upang tibayan


At maisaayos ang systema ang lipunan.
At ito ay upang mapatunayan,
Na mayroong pang natitirang kislap ng lipunan.

You might also like