Mga bayaning may kwento na sadyang kawili-wili Mga bayaning nagbubunyag ng ating nawawalang katangian Mga bayaning tutulungan tayo sa oras ng kapahamakan Bayaning itataas tayo sa oras ng kalugmukan Mga bayaning magbibigay sa atin ng pag-asang walang hanggang Bayani? Kung ika’y may suliranin sila ang iyong takbuhan Dahil ito’y kaagad nilang malulutasan At ihahatid nila ang katarungang iyong inaasam-asam.
Batman? Avengers? Hulk? Superman?
Banggitin mo na lahat ng pinapantasya mo’t hinahangaan Dahil mali ka kaibigan, hindi sila ang dahilan Hindi sila ang dahilan kung bakit itong tulang ito ay pinaglaanan Pinaglaanan ng oras upang magbigay karangalan Magbigya karangalan sa bayaning huwaran, bayani na dapat na hinahangaan dahil mali ka kaibigan, hindi sila ang dahilan kung bakit itong tulang ito ay aking pinaglaanan, pinaglaanan ng oras upang magbigay karangalan, magbigay karangalan sa bayaning huwaran, bayani na dapat na hinahangaan illysa badion bauyon nga po pala isang kabataan na nais ibahagi ang kanyang maikling tula, tula ng paghanga sa taong sa ati’y nagpalaya Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda Jose Rizal siya mas kilala ipinanganak sa calamba laguna nagtapos din ng kursong medesina nakilala ang kanyang mga likhang libro at tula na naglalarawan sa panahon ng kastila isang bayani na panulat ang ginamit upang tayo ay makaahon sa sakit at pait pagdurusang dulot ng mga kamay ng kastila na humahagupit
kilala mob a siya? Kilala mo pa ba? Hinahangaan?
O sinakop kana lang ng pagiging kpop fan? Magpasalamat tayo mga kaibigan Dahil kung sa kanya? Marahil hanggang ngayon tayo’y nagdurusa Ako, ikaw, siya, sila, kayo, tayo… marahil wala ditto Bagkus lumuluha, nangungulila, at nagluluksa Dahil kalayaa’y hindi matamasa Kaya muli, magbigay pugay tayo Bigyang dangal ang isang tao Isang pinakadakilang indio Maraming salamat sa kalayaang ipinararanas mo Iyong muling itinayo Bayan na kay tagal yumuko g. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda maraming salamat sa pagmulat sa mga kababayan mo walang sawa akong sasaludo sa iyo.