You are on page 1of 2

Nakaraan at Bawat Bukas

by: Iska

Jose Rizal, pangalang kilala at pinupuri,


Pambansang bayani sa kaniya’y taguri,
Kadakilaan ay di mawaglit at maikubli,
Libo-libong taon, kasaysayan ay mananatili.

Pagpapahalaga at pagsamba ay inalay,


Inspirasyon at kanyang karanasan at buhay,
Bawat literaturang tinugma at isinaysay,
Naglalarawan ng kadakilaan at husay.

Kaniyang istorya ay yugto ng pagkamakabayan,


Pagsiklab ng pusong lumalaban para kapayapaan,
Istoryang patuloy na magiging makabuluhan,
Lalo’t lalo na ng bawat henerasyon ng kabataan.

Di kailanman masusukat at mababagtas,


Mga nagdaang may dahilan at walang katumbas,
Matitiyak na kahit maisalin at baguhin ng oras,
Si Rizal at ang nakaraan ay parte ng bawat bukas.
Haiku: Mga Karakter sa El Filibusterismo
by:Iska

Simoun

Mapagkunwari
Nagpupuyos na galit
Paghihiganti

Isagani

Kauliranan
Nag-aapoy na mithi
Dangal at tindig

Basilio

Musmos na isip
Nangarap at nakamit
Mata’y di mulat

Padre Florentino

Paniniwala
Relihiyon ang una
Pag-ibig, di na

Placido Penitente

Paninindigan
Nakublling pagdurusa
Lihis na daan

You might also like