You are on page 1of 1

Ang Kasibulan ng Kabataan

O kabataan, O kabataan,
Ang ating hinaharap ikay inaasahan,
Pagkat atiy nalilimutan ang ating nakasanayan,
Henerasyon ngayoy puno ng karangyaan.
Nakagawiang po at opo tuluyan ng kinalimutan,
Paggalang sa kapwa iyan di'y tinalikdan,
Unti-unting nabago ang kabataang dapat sana'y nahubog ng ating mga magulang,
Sino ba ang responsable nitong kinahantungan ng mga kabataang nabahiran na ng
kabulastugan?
Saan patutungo itong kaugalian,
Ng ating mga kabataang sila ang tinutupdan,
Ng mga magulang na binibigyan ng layaw na wagas,
Na silang nasusunod at ngayoy sinasabayan?
Hindi naman lahat ng kabataa'y ganyan,
Mayroon din namang sumusunod sa magulang at sa lipunan,
Nais lamang na huwag kalilimutan,
Tamang edukasyon at pakikitungo sa pamayanan ang ugat ng kaliwanagan.
Ang pabaon ng ating mga ninuno, at mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa
bayan,
Huwag sanang maging bato na lamang ng nakaraan,
Kulturang Pilipinoy patuloy nating pangalagaan,
Na siyang nagdidikta ng ating pagkakakilanlan.

You might also like